Gold

This slideshow requires JavaScript.

Limang Makulay na Dekada

Paano mo babalikan ang limang dekadang hitik ng mga magandang ala-ala? Kailangan bang buklalim mo ang mga tinatagong baul ng mga larawan? Kailangan bang sulatin mo ang mga karanasang nagbigay sa iyo ng kaligayahan o kailangan bang tanungin mo ang mga taong nakasalamuha mo ng mga panahong iyon. Marahil nga ang lahat ng itoy dapat mong gawin. Nakakatawa ganito na ba ako katanda? Ang sabi ko sa sarili ko habang nagbabalik tanaw ako at napangiti na lang ako. Sa loob ng limang dekada, napakaraming magandang karanasan ang mga Vilmanians. Merong mga malulungkot pero ang karamihan kaligayahan. Sa ordinaryong tao isang hiwaga ang kanyang tinagal sa larangan ng pagganap. Paano mo mapapanatiling makinang ang iyong larangan. Ngayon nga’y patuloy mong sinasagupa ang larangan ng politika. At katulad ng larangan ng pagganap, hindi lang mga Vilmanians ang binibigyan mo ng ligaya kundi ngayon, ang buong Batangas. Sa pagbabalik ng ating nostalgia isyu halina?t bigyan daan natin ang limang makukulay na dekada ni Ate Vi…

ANG IYAKING SI TRUDIS – Ang pelikula ni Ate Vi na Trudis Liit ay tandang tanda ng maraming Vilmanians. Nagdulot ito ng unang karangalan para kay Ate Vi at sa murang edad ng siyam. Sa mga Vilmanians ang maraming madramang eksena ni Vilma rito’y natanim sa ating alaala. Ang sabi nga ng isa sa ating Vilmanian na si Henry Llaneza, the first movie I’ve seen in Black & White TV mula sa bintana ng kapitbahay ay ang “Trudis Liit” na napaiyak ang lahat ng nanonood dito nagsimula ang lahat… ng kanyang pagiging isang Vilmanian. Katulad ni Henry, dito rin nagsimula ang aking paghanga sa star for all season. Galit na galit ako nuon kay Bella Flores dahil sa pang-aaping ginawa niya kay Trudis. Sa pagkapanalo ni Ate Vi ng FAMAS Best Child Actress sa pelikulang ito, sinundan pa ng Sampaguita Pictures ang tagumpay nito sa pamamagitan ng pelikulang Ging. Dito makikita ang malinaw na talento ni Ate Vi. Hindi lamang sa kanyang hindi pilit na pag-iyak kundi sa pagkanta rin. Dito rin sa pelikulang ito’y nakipagsabayan siya sa pagganap ni Olivia Cenizal at sa pang-aapi ni Carol Varga. Ang dekada ng sisenta ay patuloy na nagbigay ng maraming pelikula kay Ate Vi magmula sa pagiging isang batang artista hanggang sa isang teenager. Umabot ito sa unang karangalan niya bilang isang hindi na batang artista sa pamamagitan ng pagkanominado niya sa Best Supporting Actress muli sa FAMAS at ang kanyang pagkapanalo ng parehong titulo mula naman sa San Beda College.

Nostalgic Moments of the 60s

MINI SKIRT AT FLAT-FORMED SHOES – “Ding ang bato,” “to Hell” at “Heaven!” -eto ang mga “expression” na binigay sa atin ng isang liberal na nagdadalaga sa dekada sitenta. Kasabay ng kanyang mga bulaklaking mini-skirts at makukulay na platform shoes ay ang kanyang matamis na pagkanta. Sinabayan niya ang mga kantahang pelikula at telebisyon, hindi alitana ang mabulusok na parang bagyong mga kalaban. Marahil ang saloobin niya ay darating rin ang araw na ako’y mapupunta sa itaas. Dala marahil ng katotohanang malalim ang kanyang talento kundi man sa pagkanta, sa pagganap. Pagganap na kailangang patunayan ng kanyang mahigpit na kalaban. Kundi man niya natapatan ang tagumpay sa pagkanta ng kanyang kalaban sa maraming sari-saring papel naman niya pinataob ang mga ito. Sa mga Vilmanian ang isa sa pinaka-nostalgic moment ng dekadang ito ay ang pagpapataob ni Ate Vi ng mga kalaban sa takilya sa pamamagitan ng super-blockbuster, “Lipad Darna Lipad.” Ito ang nagumpisa ng kanyang pagiging “Box Office Queen” kahit na ang katotohanan patuloy na patok sa takilya ang mga pelikula niya lalo na ang mga ?pito-pitong? pelikula nila ng kanyang ka-love team na si Edgar Mortiz. Ang love-team nilang ito ang naghudyat ng pakikibaka ng mga Vilmanians upang maungusan ang team nina Guy at Pip. Karamihan sa mga teenager na Vilmanians ang pagsasalpukan ng dalawang love team ay nagbigay ng maraming alaala. Nariyan ang mangulekta ng mga balota para sa pakontes ng mga babasahin. Nagkaroon pa nga ng pagkakataon na pataubin ng mga Vilmanians ang kabilang love team dahil sa masugid na pangongolekta ng balota ng lahat para lang manalo sina Vi at Bot. Sa mga Vilmanians, maaalala ng lahat ang pagbili ng maraming sampaguita upang isabit sa leeg ni Vi at Bot. Nariyan rin ang pagbili ng mga larawan sa mga bangketa. Oo, ang mga photogragh ng mga teen stars nuon ay binebenta sa mga kalye ng Cariedo sa Quiapo at sa Avenida sa Recto. At sa mga masusugid ng tagahanga ng dalawa, ang paulit-ulit na pagpasok sa mga sinehan ay isang pangkaraniwang gawi nuon. Hindi lang dahil sa gusto ng mga ito na maging patok sa takilya kundi para maungusan ang katapat na pelikula ng kalaban. Hindi pa natatapos iyon, kadalasan ang mga Vilmanians ay parang mga langgam na sumusunod sa mga karosa sa parada kapag may kasamang pelikula si Ate Vi sa mga pestibal. Umulan man o umaraw, takbo rito, takbo ruon ang mga ito. Ganyan kalalim ang debosyon ng mga Vilmanians kay Ate Vi sa dekadang ito. Ito’y bilang sagot sa mga ligayang patuloy niyang binigay sa atin.

Nostalgic Moments of the 70s

  • Notable films: Burlesk Queen (directed by Celso Ad Castillo), Rubia Servios (directed Lino Brocka), Mga Tigre ng Sierra Cruz (with Charito Solis), and Lipad Darna Lipad (her first film as Darna).
  • Significant recognition: three best actress (Dama de Noche ’72, Nakakahiya ’75 and Burlesk Queen ’77) and one best picture (Pagputi ng Uwak Pagitim ng Tagak ’78), and several annual box office queen titles.
  • Vilma is the original fantasy-comics queen – Darna, Dyesebel, Wonder Vi, Phantom Lady, Vivian Volta, Kampanerang Kuba.
  • Vilma did 25 films in 1970, which means there were atleast two Vilma Santos films every month. Ironically, most of these films are musical where Vilma admitedlly singing is not her forte. As a proof of her tenacity as an entertainer, she recorded several music albums, some became golden and also resulted with her signature song, Sixteen.
  • The early part of the 1970s paved way to the Vilma Santos and Edgar Mortiz love team. Aside from their regular television work, they atleast did 25 films (Young Love, Teenage Jamboree, Songs and Lovers, Renee Rose, My Pledge of Love, Mga Batang Bangketa, Love Is for the Two of Us, I Love You Honey, From the Bottom of My Heart, Baby Vi, Love Letters, The Wonderful World of Music, The Sensations, The Young Idols, Sweethearts, Sixteen, Leron-Leron Sinta, Edgar Love Vilma, Don’t Ever Say Goodbye, Dama de Noche, Anak ng Aswang, Because You Are Mine, Kampanerang Kuba, Kasalanan Kaya, Karugtong ang Kahapon). Their last film, TIIP’s “Karugtong Ang Kahapon.” was an entry to the 1975 Metro Manila Film Festival.
  • On television, Vi did a drama anthology via “Dulambuhay ni Rosa Vilma” from BBC 2 and The Sensations with Edgar Mortiz, also from BBC 2. The Sensations later became an album and a movie. Aside from The Sensations album, Vilma also recorded, Sweethearts, Aloha My Love and All I See Is You with Edgar Mortiz and her solo albums, Sixteen, Sing Vilma Sing and Sweet Sweet Vilma.
  • In 1975, Vilma Santos did Tagaraw sa Tagulan, her first film with Christopher de Leon. The two, now considered the most enduring pair in Filipino film history did 23 films (Tag-ulan sa Tag-araw, Masarap Masakit ang Umibig, Ikaw ay Akin, Disco Fever, Nakawin Natin ang Bawa’t Sandali, Magkaribal, Pinay American Style, Gusto Kita Mahal ko Siya, Pakawalan Mo Ako, Relasyon, Sinasamba Kita, Haplos, Paano ba ang Mangarap?, Broken Marriage, Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, Imortal, Ipagpatawad Mo, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story, Nagiisang Bituin, Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal, Dekada ’70, Mano Po 3: My Love, Karma).
  • Aside from Christopher de Leon and Edgar Mortiz, Vilma Santos managed to teamed up with other popular actors (films mentioned here are just one of maybe several films she did with each actor): Chiquito in Teribol Dobol; Romeo Miranda in Dyesebel at ang Mahiwagang Kabibe; Tirso Cruz III in Ding Dong; Paolo Romero in Ikaw Lamang; Manny de Leon in Teenage Senorita; Victor Wood in Little Darling; Walter Navarro in Sweet Sweet Love; Victor Laurel in Ophelia at Paris; Jay Ilagan in Inspiration; Meng Fei in Twin Fist of Justice; Jun Aristorenas in Mapagbigay ang Mister Ko; Philip Salvador in Rubia Servios; Mat Ranillo III in Masarap Masakit Ang Umibig; Romeo Vasquez in Dalawang Pugad Isang ibon; and Fernando Poe Jr in Batya’t Palu-palo.
  • In 1978, Everyone was predicting Vi will win the acting honors for her most challenging role to date, Lino Brocka’s 1978 film, Rubia Servios. But it wasn’t meant to be as it was considered by many as her most painful lost in the award giving derby, “Ang sakit, Manay!” Vi reportedly told Manay Ichu, the producer of Rubia.
  • By later part of 1970s, Vilma Santos already experienced life-changing challenges with ended relationships being publicly scrutinized and sensationalized and a heated rivalry. She concentrated with her career and reinvented herself, accepting more mature roles, most notably Burlesk Queen and Rubia Servios. She also produced a film that was critically acclaimed but would contribute to her bankcruptcy, Pagputi ng Uwak Pagitim ng Tagak. Perhaps preparing herself to the incoming decade, of more challenges and career transformation.

MONEY CAN’T BUY EVERYTHING – Ang debosyon ng mga Vilmanians kay Ate Vi ay hindi natapos ng nakaraang dekada. Kasabay ng paglawak ng karanasan, ng kanyang larangang ginagalawan at ang paghahanap ng matibay na masasandalan ay naruon ang mga Vilmanians, bukas ang mga mata, ang puso at kaisipan. Hindi pa tapos ang laban ng mga Vilmanians dahil patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo ng reyna. Matapos ang magagandang pelikulang ginawa ng sarili niyang produksyon ay nagbunga na hindi magandang lagay ng kanyang pinansiyal na posisyon. Nang pinakasalan niya si Edu Manzano sa Las Vegas, hindi niya aakalaing ang pagsubok na ito ang sasalubong sa kanya. Sa kabila ng tagumpay ng kanyang mga pelikula ang mga kinita niya ay hindi dumaan sa kanyang mga palad. Diretso ito sa mga mambubuwis. Mabuti na lamang at nariyan ang kanyang matagumpay na programa sa telebisyon kung saan natulungan ang kanyang sitwasyon sa pananalapi. Ang “Vilma!” ay isa sa mga magagandang nangyari sa karir ni Vilma ng dekada otsenta. Nagbigay ito sa kanya ng napakaraming karangalan. Kasabay nito?y ay ang sa wakas, ang pagkamulat ng iba’t ibang award giving bodies sa Pilipinas lalo na ang mga kritiko na hindi siya pinansin ng mga huling dekada ng sitenta. Sa pamamagitan ng mga matitinong pelikula nagbunga ang sunod sunod na best actress award ni Ate Vi tulad ng “Relasyon”, “Broken Marriage,” “Sister Stella L”, at “Pahiram ng Isang Umaga”. Ito rin ang dekadang nagbigay kay Ate Vi ng kanyang kauna-unahang best actress grand slam. Isang karangalang dulot ay kasiyahan sa mga Vilmanians. Ang dekadang otsenta’y naging taliwas ng kalungkutan ng mga Vilmanians kapag sasapit ang mga gabi ng parangal. Ito marahil ang panahong pagbabayad sa mga sama ng loob at hindi makatarungan panghuhusga. Kung iisipin ko, ang dekadang ito’y nagdulot ng kasaganaan kay Ate Vi kahit na nagkaroon siya ng problema sa BIR. Ngunit ang mga pera?t tagumpay niya ay hindi maikukumpara sa kaligayahang nadama niya ng bigyan buhay niya ang isang bata, si Luis “Lucky” Manzano. Patunay na hindi lamang pera ang puedeng magbigay ng ligaya sa sa mundo ito.

Nostalgic Moments of the 80s

  • Notable films with A-list directors: Relasyon ’82, Broken Marriage ’83 and Pahiram ng Isang Umga ’89 (Bernal); Sister Stella L ’84 (de Leon); Adultery: Aida Macaraeg ’84 (Brocka); Alyas Baby Tsina ’84 (Diaz-Abaya); Karma ’81 (Zialcita); Imortal ’89 (Garcia); Tagos Ng Dugo ‘ 87 (De Los Reyes); Ibulong Mo sa Diyos ’88 (Perez).
  • Significant recognition: four Gawad Urian best actress thophies (three consecutive years 82-84), first best actress grand slam (FAP, FAMAS, CMMA, Urian), Also, she received several best actress from other, mostly newly formed award giving organizations, and several best actress nominations throughout the 1980s. Plus, she also receive several box office queen titles, trophies for her TV show, Vilma! and a hall of fame award from FAMAS!
  • Vilma cemented herself as director’s first-choice actress (see notable films abouve)
  • There was social unrest, following the Ninoy Aquino assassination on Aug. 21, 1983. The following year Vilma did a socially relevant film, Mike De Leon’s ‘Sister Stella L.” The film earned Vilma her third consecutive local critic’s best actress and was an entry to the READ MORE1985 Venice Film Festival.
  • In 1989, Vilma Santos received FAMAS highest honor, the Hall of Fame award, for winning five best actress. She won in 1972 for Dama De Noche; 1981 for Pakawalan Mo Ako; 1982 for Relasyon; 1987 for Tagos Ng Dugo; and 1988 for Ibulong Mo Sa Diyos.
  • On television, Vilma managed to captured the viewers with high ratings of her musical variety show, Vilma!. It was later revealed that all her film incomes went directly the government to pay her unpaid taxes and she was living with her television income.
  • On personal note, Vilma married the model turned actor, Edu Manzano in early part of this decade. The relationship ended by later part of the decade but produced a son, Luis “Lucky” Manzano, now also an actor and a television host.
  • Vilma Santos appeared in several cameo roles for her friends in their first leading/title role films: Sherryl Cruz’ Candy 1980; Roderick Paulate’s Charot 1984; German Moreno’s Payaso 1986; Gabby Concepsion’s Bukas Sisikat Din Ang Araw1988; and Lotlot de Leon’s Tako Ako Eh! 1987.
  • Vilma Santos appeared in her first television movie, Lamat Sa Kristal in 1988, a tele-play based on American stage play, Extremities famously played by Farrah Fawcet. She will do another tele-movie in 2002 under the direction of Christopher de Leon, titled “Bugso.”
  • Although she has never won a single best actress award from her movies directed by an ace director, the late and National Artist, Lino Brocka, he lamented while filming their last film together: “…she is very good, she is really big…by the time of Hahamakin Lahat there was the complete sensibility already – a difference in the way she expressed pain and hurt. Talent was welling out like spring water, and flowing from her most naturally.” In contrast, Brocka’s stiff rival and also National Artist, Ishmael Bernal directed Vilma in several award winning films particularly Relasyon, Broken Marriage and Pahirma ng Isang Umaga. Before his umtimely death, Bernal emphasized Vilma’s acting progression: “In Ikaw ay Akin, Vilma was already conscious of her own particular style of acting…which can be described as minimal, less is more. The fewer and simpler gestures, the greater effect…(Working in Pahiram Ng Isang Umage, Bernal said)…she had become an artist, no longer a movie star and just following the director’s instructions..”
  • Vilma ended the decade with a superb film, Bernal’s “READ MOREPahiram Ng Isang Umaga” which earned her fourth Gawad Urian (from local critics) and her first READ MOREStar Awards (from local movie writers). By this time, it was clear that she became choosy with her film projects and now maturing into a more serious actress.

TAHIMIK NA PARAISO – Lahat yata ng tao’y nagnanasa ng tahimik na paraiso. Maging si Vilma. Matapos ang nakakapanghinayang na relasyon niya kay Edu Manzano?y nalagpasan niya ang mga pagsubok ng nakaraang dekada, lalo na ang kanyang sitwasyong pinansiyal. Ngunit ang lahat ng tagumpay ay hindi niya aakalaing mas mahihigitan pa ng mga sumunod na pangyayari sa kanyang buhay. Ito ay ang kanyang paglagay sa tahimik. Ito ang lalong ikinasaya ng mga Vilmanians. Maikukumpara sa ganda ang kanyang kasal sa isang simpatikong senador ng unang bahagi ng dekada nubenta. “Newsmaker of the Year” si Ate Vi ang pagkakaisang sasabihin ng mga Vilmanians. Matapos tumigil si Ate Vi sa kanyang programang pangtelebisyon, binigyan niya ng pansin ang katungkulan niya bilang asawa at binigyan niya ng anak ang matalinong senador. Binigyang buhay niya ang isang bibong bibong bata, si Ryan Christian. Sa mga Vilmanian na nagdarasal ng paraiso sa kanilang idolo ang dekadang ito?y nagbigay ng maraming kaligayahan katulad ng dalawang magkasunod na best actress grand slam ni Ate Vi para sa pelikulang “Dolzura Cortez Story” at “Bata, bata paano ka ginawa?” Ang “bata, bata” ay nagbigay rin ng karangalan kay Ate Vi sa ibang bansa mula sa Brussels International Film Festival. Naging masaya ang lahat ng Vilmanians sa mga naganap kay Ate Vi mula sa unang bahagi at kalagitnaan ng dekada nubenta. Ngunit ang kasiyahang ito?y hindi natigil dahil sumuong muli si Ate Vi sa panibagong pagsubok. Dahil marahil sa impluwensiya ng kanyang asawa, natutunan niya at namulat sa paglilingkod sa bayan. Nalaman niya na puwede rin siyang magsilbi sa mga nangangailangan. At rito sinuong niya ang larangan ng politika nang huling bahagi ng dekadang ito at hindi nabigo ang lahat, kasama ang mga Vilmanians dahil nanalo siya via “landslide’ kungbaga sa pelikula, patok na patok. Tahimik na paraiso? Aakalain ng iba pero marami pang laban ang kasunod nito.

Nostalgic Moments of the 90s

  • Notable films: Ipagpatawad Mo ’91, Dahil Mahal Kita The Dolzura Cortez Story ’93, and Bata Bata Paano Ka Ginawa ’98.
  • Significant recognition: several best actress from the above films and an international film festival best actress accolade.
  • In 1999, Vilma earned her first international best actress via Star Cinema’s Bata Bata Paano Ka Ginawa directed by Chito Rono from the Brussels Festival of Independent Films.
  • Bata, Bata…Paano ka Ginawa? (Leah’s Story) was also given a Special Jury Award for Women’s Awareness at the Asia Pacific Film Festival held in Bangkok, Thailand from Nov. 22-26, 1999. Vilma was a Best Actress nominee.
  • Bata Bata Paano Ka Ginawa or in the festival circuit entitled, Leah’s Story also earned Vilma her fourth best actress grand slam, winning all best actress trophy in one year in 1998 following 1982 for Relasyon, 1991 for Ipagpatawad Mo and 1993 for Dolzura Cortez.
  • On television, she retired her musical variety show in the first part of the 1990s and married Senator Ralp Recto in a grand wedding in 1992 and produced second child, Ryan Christian Recto.
  • Although citation is needed on what exact year she did this telemovie, Vilma Santos’ first driectorial job was Lazarito, with Dawn Zulueta, Ariel Rivera in lead roles and Ali Sotto, Bernardo Bernardo, Tom Taus, AJ Galvez and Armando Goyena in supporting roles, produced by Vilma Santos herself.
  • By later part of 1990s, Vilma Santos’ career path took another transformation by deciding to become a politician. She was elected mayor of Lipa City, the province of Batangas in 1998.

PATULOY ANG LABAN – Sa mga Vilmanians ang bagong milenyo ay naghudyat ng patuloy na pamamayagpag ni Ate Vi sa kanyang piniling larangan. Iilan lamang ang kanyang nagawang pelikula ngunit ang lahat ay super-blockbuster sa takilya at mayroon pang regalong mga tropeyong best actress! Inumpisahan ito ng pelikulang “Anak’ pagkatapos ay “Dekada 70” at ang pinakahuli’y ang “Mano Po 3: My Love.” Tatlong pelikulang nagsalarawan kung gaano kalalim ang kanyang talento sa pagganap. Sa kanyang personal na buhay, patuloy na priyoridad niya ang kanyang tungkulin bilang asawa ni Ralph Recto at ina ni Ryan Christian at Luis. Sa larangan naman ng politika?y patuloy siyang nagbibigay ng gabay sa mga ordinaryong tao sa pamamagitan ng tapat na panunungkulan. Kung kaya naman tatlong ulit siyang binigyan ng termino ng mga taga-Lipa bilang kanilang mayor. Sa taong 2007 rin pinasok ni Ate Vi ang mas mataas na posisyon bilang public servant, ang pagiging gobernador ng buong probinsya ng Batangas at ang resulta? Muli ang panalo! Kaya ang mga Vilmanians ay patuloy pa rin ang pagsamba sa kanya dahil patuloy pa rin sa kanyang mga laban.

Nostalgic Moments of the 2000s

  • Notable films: Anak ’00, Dekada 70 ’02, Mano Po 3: My Love ‘ 04
  • Significant recognition: Several best actress and an international best actress plus some life time achievement awards
  • Vilma Santos received the highest honor from the University of the Philippines, the Gawad Plaridel Award for her lifetime achievements in showbuiness and politics.
  • Vilma was a recipient of the Gawad Dekada (along with Richard Gomez) at the Urian rites in March 2001 for “Ipagpatawad Mo,” “Dahil Mahal Kita” and “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?”
  • Vilma Santos received her first doctorate degree in Humanities from Lipa City Public College (LCPC) on November 10, 2005 and her second on November 20, 2009 from The University of Northeastern Philippines (UNEP).
  • On television, Vilma won a best actress for television drama, “Regalo” which was an anniversary presentation of the drama anthology, “Maala ala Mo Kaya” hosted by Charo Santos.
  • Proving she is still a bankable star, her films, Anak (2000, co-starring with Claudine Barretto) and In My Life (2009, co-starring with John Lyod Cruz and Luis Manzano) both exhibited internationally were a box office record earner.
  • Vilma achieved a fifth Best Actress grand slam via 2002’s Chito Rono film “Dekada ’70,” produced once again by Star Cinema.
  • Vilma was proclaimed the Best Actress from the 5th Makati CineManila International Film Festival for Dekada 70 and she also received the festival’s lifetime achievement award along side Hollywood actors, Tia Carrere and Lou Diamond Philips.
  • The three term mayor of Lipa City seek higher office by later part of this decade. She became the first female governor of Batangas in May 21, 2007. – RV (READ MORE)

Related Reading:

Advertisements