News Clippings Is Back! 2/3

This slideshow requires JavaScript.

Takot sa Ahas – Sa paggawa ng pelikula, kung maringgan man ng pagdaing si Vilma Santos ay bihirang-bihira. Nangyayari lang ito kung ipagpalagay nating siya’y may dinaramdam, hapong-hapo at talagang hindi na makakaya ng katawang humarap sa kamera kahit ibigin niya. Gayon man, kung nagkataong napakahalaga ng eksena at kinakailangang gawin niya, kahit anong sama ng pakiramdam niya’y humaharap siay sa kamera. At sa pagtungo niya sa set o location, lagi siyang nasa oras. Kung maatraso ma’y saglit lang. Ganyan ka-professinal si Vilma Santos. Ngunit sa Lipad, Darna, Lipad ay dumaraing siya. Hindi sa hindi niya enjoy gawin ito. Ang totoo’y sa pelikulang ito lang siya na-involved. Ibig na niyang matapos na ito’t makita ang pinagpaguran niya. Talaga palang mahirap gumawa ng costumes picture. Lalo pa’t kung tulad nito! Una ang naging suliranin namin ay ang Darna costumes ko. Kasi kinakailangan maging maliksi ang kilos ko bilang Darna, kaya kailangang alisin na ang padding. Kaso nga lilitaw naman ang malaking bahagi ng aking katawan. Mabuti na lang at sumang-ayon ang aking fans. “Pangalawa, nag-aalala ako sa mga eksenang bakbakan namin nina Gloria Romero, Celia Rodriguez at Liza Lorena. Kasi baka masaktan ko sila nang di sinasadya. Ang pangatlo ay ang likas ng pagkatakot ko…sa mga ahas. Kasi may bahagi roong tungkol sa Babaing Ahas, si Valentina. Dito, laging kailangan ang ahas sa mga eksena. Mga sari-saring ahas. Maliliit at malalaki. At makamandag! Ang pinakamahirap sa lahat ay ang pag-su-shooting. Kailangan naming tapusin ito anuman ang mangyari. Kaya nasasagap ko ang lamig ng gabi at init ng araw. At ang suot ko nga’y labas ang malaking bahagi ng katawan! At alam n’yo namang kailang lang ay naospital ako dahil sa respiratory defects!” Ito ang daing ni Vilma Santos sa pinakamahirap niyang pelikula, ang Lipad, Darna, Lipad. Ngunit mahihinuha naman ninyo na ang pagdaing niya’y parang paglalambing lang. Dinaraan pa nga niyang lahat sa biro. Pagka’t ang tutoo, mahal na mahal niya ang pelikulang ito. Dahil ito nga ang pinakamahirap. At sa isang artista, kung alin ang pinakamahirap ay siya namang pinakamasarap! – Cleo Cruz, Love Story Magazine, 1973

Makulay Ang FAMAS Awards Night sa MET! – “…Tears and joy ang kabuuan ng FAMAS Awards Night last November 21 sa MET. Halos sumabog ang said theaters sa dami ng tao, may involvement o wala sa showbiz ay naroroon that memorable night. Surprisingly, ang daming mukhang hindi dumadalo sa nakaraang FAMAS Awards ay nagsulputan! They expected a lot sa mga nagbabagong magaganap dito. At hindi naman sila nabigo sa kanilang expectations. Tunay na iba ang naganap sa FAMAS ngayon, compared sa mga nakaraan. The simplest ito. Puro madarama ang katapatan ng layunin ng mga taong nagpapagalaw ngayon. Kahit paano ay umabot pa sa ganoon ang FAMAS, kahit sakat sa kagarbuhan ay buhay pa rin ito. Pampadagdag sigla sa local movie industry. Iyan ay dapat ipagpasalamat! Makikia sa mga photos na naririto ang hindi maipaliwanag na kaligayahan para msa nagwagi. Deserving naman ang kanilang pagkapanalo. Iyan ang bunga ng kanilang pagsisikap at pagtitiyaga at pagbibigay kulay…ang FAMAS trophy! Nanalo si Mat Ranillo bilang Best Actor, Susan Roces as Best Actress. Sina George Estregan at Angie Ferro naman as Best Supporting Actor/Actress. Tinanggap ng VS Films ni Vilma Santos ang karangalan para sa Best Picture category sa pelikulang “Pagputi ng Uwak, Pagitim ng Tagak” at Best Director si Celso Ad. Castillo. Best Child Performer naman sina Niño Muhlach at Julie Vega. Iyan ay para sa year ’78 ng FAMAS. Para duon sa mga hindi nagwagi, sabi ngaý better luck next time. Alam ng lahat na nagsikap din sila, at iya’y isa nang magandang pahiwatig na may malaking pag-asa sila para sa FAMAS ay darating na panahon. At paghahandaan na nila ng dobleng sikap. Congratulation para sa lahat at inaasahan naman magtatagpo pang muli sa next FAMAS Awards Night!…” – Nards Sangalang, 3 December 1979

Hindi Kami Close – “…Nakakataba sa puso ko nung sabihin niya sa akin na sia ako sa mga hinahangaan niyang artista noong nagsisimula pa lang ako. Ilang beses daw niyang pinanood ang Trudis Liit. Kahit pa sabihing kami ang tunay na magkaribal talaga sa showbiz, the fact remains pa rin na magkumare kami. Hindi namin hinahaluan ng ka-showbiz0an ang aming friendship. Pinag-aaway man kami, e sa pelikula lang ‘yon. Hindi naman pinaabot ito sa ulo. Kung close friends kami, ang totoo niyan, magkaibigan kami, pero hindi talaga kami ganun ka-close. Ang mga maituturing kong close friends, e sina Coney, Helen at Tina. Yes, dati-rati, e madalas kaming magtawagan sa telepono, lalo na kapag may problema siya. Kaya lang ngayon, e hindi na. Masyado na kamign busy pareho! Nami-miss ko na nga yung time na madalas pa kaming nagki-keep in touch eh. Pero overall, wala akong masasabi sa kumare ko. Tagahanga rin niya ako sa kanyang pag-arte. That’s true! Hindi showbiz ‘yon. Kami ba naman e maglolokohan pa?” pabirong wika ng Star For All Seasons…” – Monti C. Tirasol, Bandera Magazine, November 1991

Hindi Naiinggit – Naiinggit siya kay Vilma ngayon dahil mas sikat ito sa kanya. “…Bakit naman ako maiinggit? Kahit papaano, e, pinaggaaman kami niyan. Kumare ko pa siay. No. Hindi totoo yon. Siguro noon, e pumapasok sa isip namin yung mga ganoong bagay, dala na rin ng aming kabataan at that time na the height ng aming kasikatan. Pero ngayon e, hindi ko masasabing naiinggit ako sa kanya. Ang totoo pa nga niyan e masayang masaya ako para sa kanya! Sa aming pagkakaibigan lalo na ngayon, yung pagnanais na magtagumpay ang sinuman sa aming dalawa ang nangingibabaw. Walang halong kaplastikan ito. Sinasabi nila na naiinggit ako dahil may weekly show siya, tapos e mas madalas siyang gumawa ng pelikula sa akin. Wala ‘yon sa akin e. Pana-panahon naman yun e di ba? Basta ako, kung sakaling manalo man siya ng awards, magkaroon siya ng bagong show, matuloy na yung kasal niya, basta everything na positive at good news, kahit na hindi mangyayari pa sa akin, I am very happy para sa kanya! Matatanda na kami para magkainggitan huh!…” – Monti Tirasol, Bandera Magazine, November 1991

Vi Likes Meng Fei – “…Si Vi likes Meng Fei, but she emphasize that liking is very much different from loving. Biniro namin siya na para sa kanya’y maaaring ganoon. But how about Bot? “Ang Mommy Cleo naman! Parang di na kabisado si Bot! Oo, noo’y halos type niya noon. Pero, hindi na ngayon. Ang Tutoo, like ni Bot si Meng Fei! Mukhang okey naman daw ito’t isang maginoo. Gagalangin daw ako. He considers Meng Fei na any other na manliligaw sa akin. Pagka’t binata raw si Meng Fei, there is nothing wrong kung lumigaw siya sa akin. Na, isang dalaga naman. Kaya bakit naman daw siya magagalit?” then she laughed mischiviously…Batay sa mga balita, inevitable na dumating ang “pangyayari” ang lumigaw na si Meng Fei sa kanya. What then? Kunwa’y napahumindig si Vi. “Aba di hayaan natin siyang dumiga! Para didiga lang? Saka wowi si Meng Fei yata yan! Pero kidding aside, I wouldn’t think too much about it. Di pa naman nangyayari. Sabi nga burn your bridges after crossing them. Bakit ko poproblemahin ang bagay na hindi pa dumarating?…Pero it would be nice kung tulad ni Meng Fei ang manligaw sa isang dalaga, ano Mommy?” Tapos, kinurot ako ng superstar at nagbibiro lang daw siya. Tumawa nang tumawa pagkatapos. – Cleo Cruz, Showbiz Reporter Magazine, 25 August 1973

Sportsmanship Among Movie Stars – Naging masigla ang opening ceremonies ng liga ng basketball sa KBS, na kinabibilangan ng media and tv talent teams. Ang palarong ito ay lumalayon sa magandang sense of sportmanship among entertainment players at sa pagpapanatili ng magandang samahan ng mga taga-KBS. Ilan sa mga plyars ng Radio Talents Team sina Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, Lito Legaspi, Eddie Gutierrez, Bert Leroy Jr, Pepot at ang kanilang muse ay si Vilma Santos. Sa mga larawan, mapapasayon ang magandang kahulugan ng cooperation and camaraderie ng mga artista at kanilang kasamahan through the number one sport in the Philippines – basketball. – Ric S. Aquino, Pilipino Reporter Magazine, 1973

Superstar na si Vi – Tulad ng dati, humble pa sin si Vilma Santos. Hindi pa rin niya na maamin na siya’y isa nang superstar. Sa katunayan kapag sinasabi mo sa kanyang sikat na sikat na siya ay iiling lamang si Vi at magalang na magwiwikang “hindi ho naman.” Talagang superstar na si Vilma Santos pagkatapos patunayang ng kanyang mga pelikulang “Lipad, Darna, Lipad” at “Dyesebel.” Biruin ninyo, nang itanghal ang “Lipad, Darna, Lipad” ay kasabay ng pelikula nina Joseph Estrada at Nora Aunor subali’t mahigpit na nakipagtunggali ang nasabing pelikula. Sa nakaraang Pista Ng Pelikulang Tagalog, ang pelikula ni Vilma na “Dyesebel” ay sumunod naman sa lakas ng kita sa pelikula nina Fernando Poe Jr at Joseph Estrada. Iyan ay pagpapatunay lamang na superstar na si Vilma Santos. Napakaraming pelikulang gagampanan ngayon si Vilma Santos. Isa na sa ginagawa niya ngayon ay ang “Anak Ng Asuwang” para sa Roma Films. Sa pelikulang ito na pinamamahalaan ni Romy Susara, si Vilma ay gumaganap bilang anak ni Gloria Romero. Hindi batid ni Vi na ang kanyang ina ay isang vampira at asuwang. Kaya lamang niya natuklasan ang katotohanan ay nang mapatay ng mga tao ang kanyang ina datapuwa’t matapos iyong mailibing at masaksihan ng kanyang mga mata ay muli niyang nakita na kanyang ina na buhay na buhay. Iyon pala, kampon ng dilim ang inaakala niyang patay na ina… – Amelia Arcega, Movie Queen Magazine, 1973

Recording Superstar – Basta’t araw ng Huwebes, makakaasa kayong nasa Cinema Audio si Vilma Santos at nagsasaplaka ng kanyang pinakabagong awitin para sa Vicor. Ito ang araw na inilalalaan niya sa recording upang sa gayon ay mapabilis ang pagtatapos ng kanyang unang plakang LP para sa Vicor, ang “Sing Vilma Sing.” Ilnag mga awiting na lamang ang dapat niyang maisaplaka. Natutuwa naman si Vilma sapagka’t halos karamihan sa kanyang mga inaawit ay katugon ng kanyang panlasa. “Mahusay talagang pumili ng mga selections si Kuya Orly. Alam niya ang mga kantang babagay sa akin at iyong mga hindi.” Isa lamang sa mga selection na kinalugdan ni Vilma ay ang “Tweedle Dee.” “Okay sa aking ito sapagka’t mabilis at madaling tandaan. Isa pa paborito ko na ang awiting ito kahit noon pa man.” Kung hindi nagre-recording si Vilma, lubha siyang abala sa kanyang mga assignments sa pelikula. Marami siyang alok na tinatanggap at masusu niyang pinag-aaralan kung alin ang dapat tanggapin. Malapit ng matapos ang “Wonder Vi” at “Anak ng Aswang.” Isusunod na niya ang pelikulang pagtatambalan nila ni Meng Fei. Anupa’t mapa-recording at mapa-pelikula, mawiwikang superstar ngang talaga si Vilma Santos. – Movie Queen Magazine, 1973

Ang Hirap Ni Vi sa Anak ng Asuwang – Nang ginagawa ni Vilma ang Lipad, Darna, Lipad sinasabi niyang marahil iyon na ang pinakamahirap at challenging pic niyang nagawa. Kasi, dito’y nabilad siya ng husto sa init ng araw. Nalubog pa sa putik. Alam naman ninyo ang balat ng top superstar…manipis, maputi at sensitive. Tinubuan siya tuloy ng skin rashes. Sa Lipad, muntik na rin magkaroon ng nervous collapse si Vi. Dahil sa pakikipaglaban niya sa maliit na sawa. Heaven knows na gaano na lang ang takot ni Vi sa tulad nito and other slimy, crawling things. And so, akala nga ni Vi ay ang Lipad na ang pinakamahirap niyang pic na nagawa. But she was wrong. Pagkat, sa Dyesebel ay lalong hirap ang inabot niya. Nabilad siya rito sa init ng araw, nababad pa siya nang todo sa tubig. Ang God! ang difficulties niya sa paglipat-lipat sa sets. Paano siya makakakilos e, naka-buntot siya? At matatandaan pa ba ninyo na ilang ulit na naospital ang top superstar pagka’t nanganib na mapulmonya? Kaya minsan pa’y nasabi ni Vi na ang Dyesebel na ang pinakamahirap na pic niyang nagawa. Nguni’t sa paggawa niya ng Anak ng Asuwang para sa Roma Films, tambak na hirap na naman ang inabot niya. Masasabi ninyong hindi naman gaano marahil. Pagka’t dito’y hindi naman naka-costume ang superstar di tulad sa Lipad at Dyesebel. – Cleo Cruz, Bulaklak Magazine, 1973

Atoy Co – “…Ito nga pala ang regalo ng mama ko noong pasko, ang ganda, ano?” ang pagmamalaki ni Vi, pointing to a colored tv set. She switched on sa isang basketball game, Crispa versus U Tex. “Ay sayang, hindi n’yo makikita ang kulay, hidndi colored ito.” “Huwag mo nang baguhin, diyan na lang, may laro ang idolo mo, so Ko (meaning Atoy Co, the highest pointer ngayon ng Crispa). Bakit mo ba favorite iyon? Hindi naman pogi,” biro ni Bobot. “Kasi ako, gusto kong player si Papa.” “Sa papa mo ikaw, sa papa ko ako, ang papa ko? Lasing na!” at humalakhak si Vi, in the mood siyang magbiro, at ginawa ngang comedy ang isa niyang commercial. “Pero kidding aside, talagang idolo ko si Co. O ayan, tingnan mo how swift he moves…hay, su-shoot…shoot!” sigaw si Vi at tulad ng inaasahan, nai-shoot nga ang bola. Palakpak si Vi, umiiling si Bobot. “Belat, daig si Papa!” “Bot, sabi ni Vi, pabor daw siya sa early marriage. E, di pagdating niya ng twenty, ikakasal na kayo?” bulong namin kay Bot. “Ha? Aba…” tingin si Edgar kay Vi. “A, hindi pa yata. Hindi ba Edgar?” matagal na nakatitig si kay Bobot. “Ano? A…oo!” “Ang daya n’yong dalawa. Vi hayaan mong si Bobot na lang ang sumagot. Nagsi-secret pa kasi kayo,” kantyaw namin. “Hindi…malabo pa…hindi pa kami handa,” malinaw ang sagot ni Bobot. “O, kita n’yo. Sabi nang hindi pa. Si Bobot na ang sumagot niyan ha.” At dinilaan kami ni Vi. “Naku, teka, hayan, hayan si Edgar sa tv…” and she sank into a loud ringing of laughter. Itinuro niya ang isang four feet na matabang mama, hardly seen sa hard court where six-footers tower. “Ang daya mo,” kunwari ay babatuhin ni Edgar ng throw pillow si Vi pero hindi n’ya itinuloy. “E, ikaw, ikaw iyan,” sabay turo sa janitor na nagmo-mop ng hard court. “Belat, tagalinis Ka!” “Ulitin mo nga?” kunwari ay magju-judo si Vi. “Wala, panalo ka na!” sabay tawa ni Bobot…” – Baby K. Jimenez, Bulaklak Magazine, 05 February 1973

Gigantic Happening – “…While showbiz is agog sa big news na ito, mukhang another equally gigantic happening ay nasa planning stage. The King himself, FPJ, ay makakasama naman ng sweet na si Baby Vi, Vilma Santos. So may Guy si Erap pero si Ronnie may Vi. Aba, sapak rin. Ano, mas mabigat ba? No huwag natin silang i-compare. Dahil hindi naman sila talu-talo. As far as some scribes are concerned, Nora and Vi have kissed and made-up. Ngayon, kung may kaunti pang samaan ng loob na namamagitan sa kanila, despite publicities and printed materials na nagbati na sila, that is for the two to decide. Whereas kind Ronnie at Erap, alam natin ang real score…para silang magkapatid, parang nag-blood compact. Ilang taon nang tested ang friendship nila. Come hell or hi-water, nadoon pa rin ang dalawang chokaran, together they stand, divided they fall. So, marmi ngang nagulat nang napadalaw si Ronnie sa shooting ni Vilma. More than once. At ang malimit na biro ni Ron, malapit silang magkasama sa isang super-production. Noon ngang unang dalaw ni Ronnie sa set ni Vi, ang biniro niya ay sina Jay Ilagan at Edgar Mortiz who happened to be her leading men sa ginagawang pelikula. At ang bulong ni Ron kay Vi, “Huwag mo na ngang pansinin ang dalawang iyan. Marami naman silang chicks.” Kaya nga the loudest whisper ay ito, although it isn’t on the record yet. May kasunduan ang TIIP at FPJ. Na malamang, makasama si Ronnie sa war picture ng TIIP where he co-stars with Jay, Edgar and some young stars. Na matapos ito, sina Jay naman ang gagawa sa FPJ. Though maliwanag na malapit na ring magsama sina Ronnie at Vilma, malakas rin ang posibilidad na mag-change partners sina Joseph at FPJ…” – Bee Kay Jay, Bulaklak Magazine No.66, 05 February 1973

Na-perfect Na Role – “…Ang madalas magpaangat sa pelikula ay ang acting cast. Dahil mas malaman ang kanyang papel at tila naperfect na ni Vilma Santos and agony ng other woman mas nangibabaw ang kanyang performance kay Hilda Koronel. Kahit na mas marami ang nagsasabing si Hilda ang mas angat dito. Pasulpot-sulpot ang papel ni Hilda at may kahinaan ang motibasyon (isipin mong siya pa ang nagtulak sa sariling asawa sa ibang babae!). Medyo nakaka-distract ang kanilang mga kasuotan (mga gawa ni Christian Espiritu), gaya rin ng ayos ng mga bahay at kasangkapang tila nakikipagkumpetensiya sa tauhan. Epektibo rin ang pagganap ni Dindo Fernando bilang Louie na nakati ang puso para sa dalawang babae. Magagaling din ang supporting cast, lalo na si Suzzanne Gonzales, ang yayang sosyal at ang batang si Alvin Joseph Enriquez. Kahit maikli ang kanilang papel, mahusay rin ang rehistro nina Tommy Abuel, ang doktor na nanliligaw kay Vilma, at si Chanda Romero, bilang matalik na kabibigan ni Vilma…” – Justino Dormiendo, Manunuri Ng Pelikulang Pilipino, Jingle Extra Hot Magazine 1982

Demanding Movie – “…Sang ayon agad si Doods sa sinabi ni Vi na mas demanding ang pelikulang Palimos ng Pagibig kaysa sa Romansa. “Noon kasi, parang bakasyon lang kami noon sa States, tapos, ayun nga kasabay ang paggawa namin ng pelikula,” pagkukuwento niya. “Kapag naisipan naming doon mag-shooting sa gano’ng scenic spot, di pupunta kami roon at doon masu-shooting for that day. Para bang laro-laro lang noon. We played the role of Filipinos na nagkakilala sa Amerika, noong una’y nagka-asaran, and later on, nagkagustuhan. Noong una, napagkamalan pa nga siya akong Iranian doon sa movie. Ibang-iba ang Palimos ng Pagibig dahil tungkol talaga ito sa mabigat na problemang hinarap ng isang mag-sawas. The situation are entirely different and much more challenging. But with Eddie Garcia directing us, palagay ko naman we did justice to out respective roles.” Ayon kay Vi, hindi lamang daw sa acting nag-improve si Doods kundi pati na rin sa iba pang aspect ng personality nito. “For instance,” sabi niya “IN the way he deals na lang with the press, Dati-rati, napagkakamalan siyang aloof sa press, na suplado raw niya kaya lagi siyang tinitira. Ngayon, he is more relaxed with writers and reporters. Naging kabiruan ng nga niya ang marami sa kanila. Nagugulat nga ako dahil akala ko, hindi pa niya kakilala ang isang reporter tapos nag-uusap na silang para bang they’re like old friends, nag-improve talaga ang PR niya…” – Mario E. Bautista, Movie Flash Magazine, 16 May 1986

Big Prep for Big Budget Darna – “…Kabilang sa mga napagusapan sa pulong ay ang tungkol sa costumes na isusuot ni Vi bilang Darna at ang cotumes na isusuot ng mga makakasagupa niya: ang Babaing Lawin, ang Babaing Impakta, at si Valentina. Ibig kasi nila na ang pagkakayari ng mga costumes ng ma ito’y maging makatutohanan. Na pag isinuot ng tatlong villains ay talagang lilitaw ang kanilang kasamaan at kakilakilabot na mga anyo. Tulad ng mga pakpak ng Babaeng Lawing. Gusto nila’y lumitaw itong animo mga tutuong pakpak na tumubo sa likod ng gumaganap na babaeng lawin. Pinag-aralan din nilang mabuti kung paano magagawang natural ang pagkampay nito. Sa ganang costumes ng Babaing Impakta at ni Valentina, hindi rin sila titigil haggang maging realistic ang mga ito. Na pag nakita ng manonood, tutoo silang hahanga and at the same time horribly fascinated. Ang higit nilang pinagtuunan ng pansin ay ang Darna costume ni Vi. Ang alam na naman natin ang screen image ni Vi. Maging sa tunay na buhay ay very sweet siya t unthinkable na magsusuot siya ng anumang daring suit. Ang precisely, hindi ba’t ang original Darna costume ay delightfully daring? Pero, this will run contrast nga sa image ni Vi. Sabagay, nagawan na nila ng konting innovations ang original design ng costume. Gayon man, pilit pa rin silang naghahanap ng remedyo para huwag naman masira ang image ni Darna. Na kung mamasda’y reservoir ng superhuman strength. Pero at the same time nama’y may aura rin ng maganda at graceful femininity. “Tapos, bagama’t alam na nila kung saan-saan ang locations na gagamitin para maging tumpak na tumpak sa istorya ng Lipad, Darna Lipad nagpalabas ng scouts para maghanap ng more suitable locations, kung mayroon pa silang makikita. marmi kasing eksena sa Lipad, Darna Lipad that calls for eerie atmosphere, although marami rin namang nagsasaad ng masyang atmosphere. Ang isa pang mahalagang bagay na pinagpulungan nila ay ang tungkol sa mga camera tricks na marami sa naturang pic. Ayaw nila kasing lumabas na corny ang mga ito at halatang artipisyal…” – Cleo Cruz, Bulaklak Magazine No. 66, 5 February 1973

Shines in 2017

This slideshow requires JavaScript.

2017 GEMS Best Actress – Everything About Her
2017 Gawad Tanglaw Special Presidential Jury Award
2017 Gawad Pasado Best Actress – Everything About Her
2017 The Eddys Best Actress – Everything About Her
2017 MPP Natatanging Gawad Urian
2017 PMPC – Star Awards Best Actress Nom – Everything About Her
2017 PMPC – Star Awards Lifetime Achievement
2017 Women’s Journal Outstanding Women of the Year
2017 Star Awards Best Actress – Everything About Her
2017 Star Awards Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino
2017 7th EdukCircle Awards Most Influential Film Actress of the Year
2017 16th Gawad Amerika Awards Lifetime Achievement Award

Support and Inspire – “…I am hoping for a more positive 2018 for everybody. It seems many people are angry these days. Let’s just continue to support and inspire each other, instead…Things change when you become a mother. I am no longer important. My priority will always be my family and children. After all, Christmas is all about the family…” – Hon. Congresswoman Vilma Santos-Recto, Reported by Bayani San Diego Jr., Philippine Daily Inquirer, 18 December 2017

My Vilmanians – “…Solid na solid pa nga palang talaga ang mga Vilmanian ni Lipa Representative cum Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto. No wonder, Ate Vi refers to them as her ‘My Vilmanians.” A number of them were at the premiere of the restored version of Ate Vi’s 1981 movie, Karma, which was held at the Trinoma nu’ng Friday October 27. The restoration of Karma, directed by the late Danny Zialcita, who died in the year 2003, was made possible by the ABS-CBN Restoration Department headed by Leo Katigbak. Karma co-starred Ate Vi with Ronaldo Valdez and Tommy Abuel. In supporting roles were Aurora Salve, Suzanne Gonzales, Renato Robles, Fred Montilla and Chanda Romero. Gumanap naman ng special roles sina Leila Hermosa at Christopher de Leon. Remember them?…Of the Vilmanians, they are now, of course, like Ate Vi, are senior citizens. At karamihan din sa kanila ay “made” na, professionally and otherwise, like Ate Vi. Ate Vi, who had left Thursday yata with husband Senator Ralph Recto and son Ryan Christian for abroad where she will celebrate her birthday on November 3, was not at the premiere. Ganunpaman, dumating si Ronaldo, who were congratulated for a job well-done, not only in Karma but for his still currently showing movie na Seven Sundays…during its nearly three weeks run, reportedly grossed more than P200M na…” – Nel Alejandrino, Journal, 28 October 2017

Under Pressure – “…Baka lalong ma-pressure si Luis Manzano na pakasalan na ang girlfriend na si Jessy Mendiola anytime soon. Hindi lang pala ang mommy niyang si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto ang eager na magka-apo na sa kanya kung hindi maging ang daddy niya na si Edu Manzano. Luis has two younger siblings with Edu na parehong nag-aaral sa abroad. Ang kanyang kapatid naman na si Ryan Christian with Ate Vi is only in his 20s at nag-aaral pa din…” – Nel Alejandrino, Journal, 15 October 2017

Pretty Legs – “…Magkatabi kami…at ang dami naming napag-usapan including my first FAMAS Best Actress for Dama de Noche which he directed and my movie Lipad, Darna, Lipad…at mga movies ko na sa kanya ang screenplay. We talked about the problems of the movie industry, including problems in my personal life noon na alam na alam niya. Adviser ko siya sa buhay ko. Sad news. Kung saan man ako ngayon at ang status ko sa career, recognition na nakuha ko, malaki ang parte niyang si direk Maning Borlaza. Ang dami kong ginawang movie na siya ang director. I will definitely miss him…Siya ang direktor na may pinaka-magandang legs!!! Alam niya ‘yan at ipinagmamalaki niya…” – Hon. Rep. Vilma Santos-Recto, reported by Ricky Lo, The Philippine Star, 14 October 2017

Kaparte ng Tagumpay ni Vi – “…My!! Enough of sad news! (Anyway, last saw him sa wake ni Mario H. Magkatabi kami/tayo Jun…At dami napag-usapan including my first Famas Best Actress sa movie naming Dama de Noche…na siya rin director and my movie Lipad Darna Lipad…mga movies ko na sa kanya ang screenplay! Pati mga naging problema ko sa personal kong buhay nuon…alam niya. Adviser ko rin siya sa buhay ko. Sad news. Kung saan man ako ngayon at status ko sa career…recognitions na nakukuha ko…malaki ang parte nyan ni direk Maning Borlaza!…” – Hon. Rep. Vilma Santos-Recto, reported by Jun Nardo, Abante, 13 October 2017

Happy Childhood – “…“I never felt na naghiwalay ang Mom at Dad ko (Vilma Santos at Edu Manzano). They never made me feel na hiwalay sila dahil pareho silang laging nasa buhay ko, anytime I need them. Sa mga school activities lalo na sa sports na kinahiligan ko, naroon sila pareho. At hindi ko kailanman nakita na nag-aaway sila…I had a happy childhood…tang-kita naman ang ebidensya. Lagi akong masaya. At ang mga shows na ibinibigay sa akin sa ABS-CBN ay masaya lagi. Sabi nga ni Aga, sakali mang hiwalay ang parents, hindi sila dapat sisihin ano man ang maging kapalaran ng mga anak. May sarili silang buhay…Kahit half- brothers or sisters, totoong magkakapatid kami. Walang kapatid sa ama o ina. Close kami ng lahat ng mga kapatid ko. I owe my happiness to my Mom and Dad, ganun din sa mga kapatid ko. At ang pagiging masaya ko, hindi naman secret ang humor ni Dad na namana ko…” – Luis Manzano, Reported by Chit Ramos, Journal, 08 October 2017

Incroci – “…With the assassination of Ninoy Aquino the following year, De Leon conceived of a more critical movie about the Philippines under the dictatorship. He got José “Pete” Lacaba to write the script with José Almohuela about the growing activism of religious sisters on the union front. And since Regal Films boss Lily Monteverde was looking for another project to cash in on the box-office magic of Vilma Santos, the proper financing and casting were obtained. The result was the classic “Sister Stella L,” released in 1984. Among many superlatives of the historic movie was its original sound track that included two key songs written by Lacaba and musical director Ding Achacoso, “Aling Pag-ibig Pa?” and “Sangandaan,” which means “crossroads.” When the movie was accepted to the main competition of Venice in 1985, its title was changed to “Incroci,” Italian for “crossroads…” – Lito B. Zulueta, Philippine Daily Inquirer, 18 September 2017

Kadiri-PaMORE – “…The nerve, di ba? Senador ka Tito Sen, hindi ka taong-grasa. Hindi ka taong-kalye para hayaang malagay sa kapahamakan ang mga mahihirap mong mga kababayan na left and right na pinapatay sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ito ang ahensiya na nag-aalaga at nakikipaglaban sa buhay ng mga taong bumoto sa iyo na pinapatay ng mga alagad ng batas na binigyan ng pangulo natin ng basbas on his campaign against drugs. Hindi ka ba naaawa sa mga pobreng binibiktima ng kapulisan? Sabihin man nating hindi lahat ay isinisisi ang mga nangyayaring patayan ngayon sa mga pulis pero sana naman maisip mo ring dapat ay bigyan ng patas at fair na budget ang CHR dahil kasama ang mga anak at apo mo sa pinangangalagaan nila. Tapos ang sasabihin mo kontra nang kontra kasi ang ahensya kay Digong? Wait lang, you mean kahit mali ang pinaggagagawa ng pangulo at mali ang kanyang panuntunan ay kailangang sundin lamang para walang isyu? Mali naman yata ito Sen. Sotto? Kung tama si Pangulong Duterte, okay sa amin. Pero pag mali, doon lang naman kami pumapalag. Bulag ka na ba, bingi ka na ba? Dahil lang ba sa pulitika kaya ka nagkakaganyan? Nakakadismaya ka, Sen. Sotto. This is not the Tito Sotto na nakilala namin at minahal. If only for this, we truly admire Cong. Vilma Santos’ stand – na hindi tama ang ginagawa nilang panggigipit sa CHR. Dapat bigyan ng sapat na pondo ang ahensyang ito para meron silang enough resources to protect human rights. That’s truly admirable of the congresswoman from Batangas. Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral si Vilma ay nagamit naman niya ang wastong pag-iisip na galing sa puso. As we read our Facebook page, nakikita namin ang pagpapalitan ng kuro-kuro at opinyon ng mga netizens. Naloloka kami sa mga trolls at fanatics ni PDutz, ang argument nila palagi ay mas marami raw ang namatay nu’ng panahon nina Tita Cory Aquino and Noynoy Aquino kumpara ngayon. Mas marami raw ang namatay noon kaysa mga alleged EJKs ngayon. Maliban sa mga hunghang yata ang mga ito, talagang mahihina ang kukote, di ba? Ano ba ang tingin nila sa buhay natin? Paramihan ba ito ng napapatay? Iba noon, iba ngayon. Kung merong EJK noon, dapat natuto na tayo at hindi na ito nauulit ngayon. Kaso, mas lumala, hundredfolds pa. Kaloka ang mga netizens na ito, hindi nag-iisip. Lalo na ang mga taga-showbiz na sipsip – nakakadiri kayo…” – Jobert Sucaldito, Bandera, 17 September 2017

CHR’s Budget-Cut (The agency’s budget to P1,000 from the original proposal of P623.4 million Philippine Peso) – “…I am against cutting the budget of CHR. They have a duty to perform as mandated by the constitution. With so much crimes/EJKs (extra judicial killings) – they need more resources to these investigations. Ito ang ahensyang tumutulong sa karapatang pangtao!…” – Hon. Congresswoman Vilma Santos-Recto, Reported by ABS-CBN News, 13 September 2017

Film Marketing – “…Gusto ng audience na iyong love ang mangibabaw, iyon ang ibinigay natin. Kaya ang dapat isipin ng mga gumagawa ng pelikula, kung ano ang gusto ng audience iyon ang ihain natin,” sabi ni direk. “Natatandaan ko noong araw, nasa shooting pa lang kami ng pelikula, talagang umaandar na ang promotions. Hindi ba nagpupunta pa kayo sa set, at saka iyang promotions, mahalaga iyan sa pelikula. Manonood ang mga tao sa mga unang araw dahil sa promo. Kung ma­ganda ang pelikula mo, mabilis kakalat na maganda ang pelikula, magiging malaking hit iyan. Tingnan mo na lang iyang Colgate, mas malaki ang gastos nila sa advertising kaysa sa toothpaste. Hindi na nga toothpaste ang tawag eh, Colgate na. Ganyan kahalaga iyang promotions at advertising. Eh tingnan mo ngayon, ni wala ka nang makitang movie ads sa mga diyaryo, sino ang manonood niyan? Ang nakakalimutan ng mga gumagawa ng pelikula ngayon iyong marketing. At saka kailangan may panggulat. Natatandaan mo ba iyong Dama de Noche ni Vi, may binago rin ako sa istorya noon. Ginawa kong dual role si Vi. Ginawa ko iyon para may maiba. Naglalaro tayo noon sa istorya dahil iyon ang pinanonood ng mga tao. Kung si Vilma lang ang gusto nilang makita, manood na lang sila ng TV. Pero nagbabayad sila dahil gusto nilang mapanood si Vilma na iba ang kuwento, at hindi nila iyon mapapanood sa TV. Eh ngayon, iyan ang ginagawa sa TV, tapos iyong mga pelikula natin hindi mo maintindihan ang kuwento. Ano nga ba ang mangyayari…” – Maning Borlaza, Director and MTRCB Vice Chairman, reported by Ed De Leon, Pang-Masa, 8 September 2017

Masama bang maging pangit? (on criticism about her visible eyebags) – “…Nakaka-miss talaga ang showbiz. Pamilya ko na kasi ito eh. Huwag lang naman sana sa ganitong okasyon tayo nagkikita-kita…Mahirap din kasing magmukhang wala kang alam ‘pag nagdedebatehan na sa committees…Hindi ko naman kasi pinaplano ‘yan eh. At least sa Congress may mga break sa session…Pag nasa executive ako, 24/7 ang trabaho ko. Kung pinaplano ko ang political career ko, tumakbo na sana ako bilang Vice President…Wala pang magandang story eh. Gusto ko namang may bagong ipapa­kita once gumawa uli ako ng movie. May sinabi sa akin si Direk Joyce Bernal. ‘Yung pagsasamahan namin ni Judy Ann (Santos). Maganda ‘yung idea dahil bago. Pero sabi ko, script muna ang gusto kong mabasa…Hayaan na lang natin sila. Hindi na ako naaapektuhan ng ganyang paninira. Saka masama bang maging pangit? Hindi nila alam ang story behind it kaya malaya silang sabihin ang gusto nilang sabihin…Kinaya ko naman kasi ang katawan ko that night kahit may dinaram­dam pa rin ako. Mas marami naman siguro akong napasaya nu’ng Star Awards, ‘di ba?…” – Vilma Santos, Reported by Jun Nardo, Abante, 08 September 2017

The Promise – “At long last, the certified queens of Philippine movies got to share the same stage again. Superstar Nora Aunor and the Star for All Seasons Vilma Santos graced the Star Awards for Movies, spearheaded by the Philippine Movie Press Club and held at the Resorts World Manila last Sunday. For the first time since the return of Ate Guy (as Aunor is known) from the United States in 2011, she bumped into screen rival Ate Vi (as Santos is called in the biz), in a glitzy event. They were the recipients of the Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino honor. They also tied as best actress; Guy won for “Kabisera”; Vi, for “Everything About Her.” “Nagkumustahan kami,” Guy told the Inquirer. “Sinabi ko na nawala ang cell phone ko kaya hindi ako nakapag-text sa kanya.” “[That’s why] I gave my phone number to her,” Vi related. “It was really nice seeing Mare again. The last time was when my movie, ‘In My Life,’ was shown in Los Angeles in 2009.” “Ngayon na nagbigayan na kami ng contact number, puwede na kaming magtawagan at mag-textan tulad noong nasa States ako,” Guy said. “Nagkuwentuhan kami about life. After five decades, nandito pa rin kami,” Vi remarked. “We are very thankful sa fans, sa press, para sa recognition. We kept talking all night. We promised to keep in touch…” – Bayani San Diego Jr., Philippine Daily Inquirer, 06 September 2017

Sense of Unpredictability – “The Philippine Movie Press Club (PMPC), in its more than three decades of recognizing stars and movies in local industry, has been notorious in giving out the same award to two nominees in a specific category on its awards night. And last Sunday, for the nth time, was no exception…in the Best Actress category, audiences raised their eyebrows and plastered the big question “why” on social media. Superstar Nora Aunor and actor-turned-politician Vilma Santos shared the top acting honors at the 33rd edition of PMPC Star Awards for Movies. Aunor and Santos were both proclaimed Best Actress winners for their roles in Kabisera and Everything About Her, respectively. Yes, they’re both great actors, so why not? This decision to split the coveted acting plum between two legendary actors was a tricky decision. But obviously, the members of the PMPC didn’t want to offend any of the two celebrated local movie stars who both showed up at the venue. The same thing applies to the ardent supporters of the “Superstar” and the “Star for All Seasons” who, up until now, could launch a massive word war. You see, they were uncertain on who to honor, but one thing was certain though, they didn’t want to make any bold decision to clean up their dubious credibility or at least give their award show some sense of unpredictability. It was a lost chance…Meanwhile, in the Best Actor race, Daniel Padilla walked home with the top acting honors winning over legitimate film critics’ favorite Paolo Ballesteros (Die Beautiful)…Sure, two or three among these actors mentioned have given better performances compared to the young actor. But they weren’t the choice of the members of PMPC. And that gives people an idea of PMPC’s benchmark when it comes to choosing the best in this art form.” – Nickie Wang, The Standard, 05 September 2017

Advice of Mommy Vi – “…When we were doing Dekada ’70, I was just starting out in the industry. Mommy Vi told me that she got into film production and all sorts of things, but what saved her were the properties she bought. Since then, what I would do, when I would get a big paycheck, I would buy a piece of land. I never (take out a) loan. I only did one time for my car because I didn’t have enough. Then when the recession hit the States, we got into US real estate…Now we’re in stage two, we’re partnering with different companies for commercial businesses. We’re building…” – Piolo Pascual, reported by Bianca Gonzalez, The Philippine Star, 27 August 2017

Dyed-in-the-wool Vilma Santos Fan – “…Playwright-director Chris Martinez, normally quite shy and averse to interviews, agreed to sit down with the Fabcasters to talk about the movie–among other things. It was a hoot…Other tidbits we gathered: He and his signature actress Eugene Domingo (Best Supporting Actress for 100 in the 2008 Cinemalaya Film Festival) go a long way back, even living together for a while–as friends. The movie’s title (spoiler alert!) refers to the hundred things Mylene Dizon’s stricken character sets out to do before she dies–though there are actually 102 tasks included in the film (I made sure to ask that). Since he likes dialogue-driven films, Woody Allen is his favorite director. And he is a dyed-in-the-wool Vilma Santos fan–the reference to Pahiram ng Isang Umaga at one point in the film is a dead giveaway. “Di ba dapat naman siya ang idolohin, the way she’s lived her life?,” he quipped. “Ang mga ina-idol natin dapat yung mga pasulong sa liwanag!” Laughter all around. Money quote (well, because I lobbed the question-on the claim by some that “Cinemalaya seems to be losing its way because mas marami na ang mainstream actors and actresses who are getting the parts there, and sila rin ang nananalo”): “I don’t find anything wrong with casting name actors… For me, the distinction between independent and mainstream [film] is just economics. But aesthetically, dapat walang distinction. Hindi naman ibig sabihin pag independent film kailangan unknown actors, or gumagalaw-galaw ang camera mo, or poorly lit. At di rin naman ibig sabihin pag mainstream e kailangan laging glossy. Sa akin, ang aesthetics iba yun sa economics. Ang goal naman yata ng bawat independent filmmaker is to get the mainstream audience–to get as many people to watch the film. Otherwise, hindi masu-sustain ang artist, di siya makakagawa ng mas marami pang pelikula…” – Gibbs Cadiz, 19 November 2008

Vilma may K para maging National Artist – “…Isinusulong pala ng Vilmanians na maging National Artist ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto. Why not? May karapatan si Mama Vi na i-declare bilang National Artist dahil sa mga achievement niya bilang aktres at sa kanyang mga kontribusyon sa local entertainment industry. Magsasalita na ako ng tapos, walang aktres ang makaka-duplicate sa mga naabot ni Mama Vi na na­ging mayor,governor at ngayon, house representative. Kung nasangkot man si Mama Vi sa mga kontrobersya, mga usual na intriga sa mga artista ang pinagdaanan niya. Hindi natin siya nabalitaan na nalulong sa paggamit ng illegal drugs, nagsugal at kung anik-anik na katsipan na ginawa ng ibang mga artista na hindi pinahalagahan ang mga bonggang biyaya na kanilang natanggap mula sa Itaas. Sana nga, matupad ng Vilmanians ang dream nila na magawaran si Mama Vi ng National Artist award dahil deserving siya para sa nabanggit na parangal…” – Lolit Solis, Pang-Masa, 13 August 2017

The Uncredited Makeup/Prosthetic Artist of Lipad Darna Lipad – “…Now considered a lost film, Lipad, Darna, Lipad! (1973) was groundbreaking, not only in its highly camp self-awareness and pure pop-culture-meets-European-arthouse sensibility, but in its directors’ thoughtful application of special effects and prosthetics. Carvajal and Cecille transformed perennial bad girl Celia Rodriguez into Darna’s snake-domed nemesis Valentina like never before in the series’ previous three decades; likewise, Gloria Romero morphed into Impakta, and Liza Lorena became Babaeng Lawin. Cecille would continue her association with Darna in Darna And The Giants (1973) and Darna vs The Planet Women (1975), both starring Lipad…’s Vilma Santos, and the rebooted Darna (1991). “I enjoy so much working on Darna, because I have lots of episodes. In one film I was doing all of it – sometimes I do the makeup also, sometimes I do the effects. At that time there was not much production design, only costume and makeup. So I made already prosthetics of the different enemies of Darna, for example Darna and Valentina, Darna and the Giants, and I made up Helen Gamboa into an outer space alien, then the head was blown out. The effects man forgot, but that’s my head, we worked with. All the prosthetics there, I did…” – Cecille Baun, Reported and written Andrew Leavold, Andrew Leovold Blogspot, 08 January 2017

Still Relevant – “…Ate Guy and I had a great time shooting that movie (#TBirdAtAko). OK kami (we were on good terms), and it was a happy set…It was fun working with her. With Direk Danny guiding us, we would discuss the best way to execute our scenes together…We both liked our characters kasi—because the roles assigned to us played well to our strengths as performers. Everybody knows that I express myself well via body language, while Guy is noted for her subdued portrayals. So, when we’re together, our acting styles complement each other, at lalong napapaganda ang eksena (and the scenes are better because of them)! Now more than ever, ‘T-Bird at Ako’ shows how timeless it is because its theme is as relevant as ever—napapanahon pa rin s’ya!…” – Rito P. Asilo, Philippine Daily Inquirer, 31 July 2017

Ganda at Talino – “…Vilma was picked dahil sa kanyang husay at galing sa pagganap na umani ng parangal mula sa lahat ng mga organisasyong pampelikula na nagbibigay ng gawad…Taglay n’ya ang ganda at talino ng artistang hinahangaan ng marami sa publiko, subalit namumukod s’yang higit hindi lamang dahil sa pisikal n’yang katangian, ngunit dahil sa kanyang kabatiran at tagos-kaluluwang pagganap sa kanyang bawat katauhang binigyang-buhay sa pelikula…” – Bienvenido Lumbera, Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Reported by Deni Rose M. Afinidad-Bernardo, Philstar, 21 July 2017

Pang-Abono – “…Iyon namang ibang award giving bodies, nominated pa rin si Ate Vi. Nanalo siya kamakailan sa The Eddys bilang Best Actress. Ang katuwiran ng ibang award giving bodies, aktibo pa naman bilang aktres si Ate Vi kahit na nga sabihing bihira na rin siyang makagawa ng pelikula dahil sa kanyang iba pang tungkuling kailangang gampanan. Pero paminsan-minsan, nakakasingit pa rin naman siyang gumawa ng pelikula lalo na at may magandang proyektong iniaalok sa kanya. Iyon kasi ang malaking kaibahan ni Ate Vi sa ngayon. Noong araw, ang pagiging artista ay isang propesyon para sa kanya. Talagang ito ang kanyang hanapbuhay. Ngayon, dahil sa naging katayuan nga niya sa buhay, at noong panahong isa siyang aktres ay nakapag-ipon naman siya ng pera, bukod pa nga sa mga napasukan niyang negosyo, makakapamuhay na siya nang walang problema. Sa pulitika ay alam naman nating walang kita at kadalasan abono pa, kaya nga siya gumagawa ng pelikula kung minsan, “para may pang-abono”. Kung minsan ang kita niya bilang artista, itinutuloy na niya sa foundation na itinatag niya para tumulong sa mga mahihirap. May plano rin siyang isa pang foundation para naman sa Vilmanians. Marami pang iniisip na proyekto si Ate Vi na makatutulong sa industriya at sa mga taong gumagalaw dito. Kaya palagay namin bagay nga sa kanya iyang “natatanging gawad” na iyan…” – Ed De Leon, Pang-Masa, 21 July 2017

Full Force Fans – “…Full force ang #JaDine fans, ang fans nina Elmo Magalona and Janella Salvador, Kisses Delavin and Marco Gallo, Julian Trono and Ella Cruz, Edward Barber and Maymay Entrata at maging ang fans nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati. May mga dala pa silang banner pero may particular size lang na puwedeng ipasok sa Kia Theater kaya ang iba’y ipinaiwan sa labas. Pero grabe ang tilian nila talaga. At ang nakakatuwa, hindi nagpatalo ang Noranians at Vilmanians na sumugod din sa venue ng awards night. Tili rin sila nang tili. At ang isa pang nakaka­tuwa sa ibang fans, nag-effort silang mag-formal. Hindi sila basta lang naka T-shirt o tsinelas. Mga nakabihis. Parang bumalik ang da­ting panahon na nagbibihis ang fans para mag-attend ng awards night…” – Salve Asis, Pilipino Star Ngayon, 11 July 2017

Maindie – “…Quantum started the maindie trend when it entered Jeffrey Jeturian’s Ekstra (The Bit Player) in the 2013 Cinemalaya Independent Film Festival. Maindie marries qualities of the mainstream film with the indie film. When put together, it produces a quality film with commercial intent. Ekstra is a Vilma Santos starrer, a light movie about bit players supported by bit players with Piolo Pascual, Marian Rivera, Richard Yap, among others, in cameo roles. True enough, it won special jury prize, audience choice, NETPAC Prize, best actress for Vilma and turned out to be the highest grosser and had an out-of-festival commercial screening. So Quantum found the solution seven years ago that indie filmmakers cannot reconcile up to now, and that the 2017 Executive Committee is theoretically implementing this year. It seems irreconcilable because indie filmmakers aim to make themselves the standard, unwilling to work on a compromise. Trouble here is that the Film Development Council of the Philippines cannot take sides and decide that quality is almost not enough…” – Edgar Cruz, Tribune, 08 July 2017

Request kay MNS – “…Wow! Hindi ko pa alam, promise. Talaga ba? Sana talaga matuloy. Sa totoo lang, hindi pa kami nakakapag-usap ni Ate Vi. Kasi wala pang chance na magkaroon talaga kami ng moment na makapag-usap…Matagal ko nang nilalambing sa Star Cinema, ang dami lang talagang ganap. Kaya please, please sana matuloy. Lagi ko talaga request kay MNS (Malou N. Santos) na sana magkaroon ako ng movie with Ate Vi. Siya na lang kasi talaga ‘yung hindi ko pa nakakasama. Parang kulang eh, kulang ang pagiging artista mo kapag hindi mo siya nakatrabaho. Lahat yata ng artista gusto talaga siyang makasama at isa ako doon…” – Judy Ann Santos, Reported by Boy Abunda, Pilipino Star Ngayon, 08 June 2017

Survivor of Life’s Trials – “…Perfect ang description kay Vilma ng isang respected showbiz authority na nasubaybayan ang lahat ng mga pangyayari sa personal at professional life niya. “Vi is a beautiful survivor of life’s trials and has earned the public’s sustained respect and admiration because she has kept her dignity on and off camera, and she doesn’t inflict her privates pains, imagined or otherwise, on the public. “Remember, respect begets respect. Vi is the perfect role model not only of her colleagues but of the public as well…” – Jojo Gabinete, Abante, 06 June 2017

Signature Director – “…Gil (Portes) is one of the “most passionate filmmakers” I had ever worked with…He’s my signature director. And he used to call me his signature actress, too, because we did a lot of projects together…‘Munting Tinig,’ ‘Homecoming,’ ‘Barcelona’ and ‘Liars’…Direk Gil was an artist and a mentor in every sense of the word. He used to tell me, ‘O, Alex, ’naku, pang-best actress ito ha! Galingan mo, kalaban mo na naman si Ate Vi!…” – Alessandra de Rossi, as reported by Allan Policarpio, Philippine Daily Inquirer, 27 May 2017

Vilma Santos, The Batangueña – “…However, the most telling evidence of how well a person can suit language and lifestyle lies in Vilma Santos-Recto, who now peppers her conversations with traditional Batangueño lines spoken with the right attitude. Vilma has taken to calling friends as Ka Nitoy or Ka Celia, ka being a term of endearment among Batangas old-timers. Ka is also used as a term of respect to another person, usually older. In the late 70s, Vilma acted in a film called Vilma Veinte Nueve (29) where she played a balisong-wielding fighter of a character. She was Batangueña, but of course…” – Nestor Cuartero, Tempo, 22 May 2017

On Bashers – “…People say that I should take the high road in dealing with bashers, but I will be the one to tell you—bastos po ako, palamura ako. I will not pretend to be clean. If a basher hits me, he or she should be ready to be hit back. Our being TV personalities doesn’t give other people the right to attack us…They say the art of deadma is divine; I say, ‘To each his own.’ I don’t hate bashers. I actually enjoy dealing with them. Being on TV doesn’t make me a better person. I tell you, I’m the opposite of everything my parents are…” – Luis Manzano, Reported by Marinel R. Cruz, Philippine Daily Inquirer, 23 April 2017

Fashion Trademarks – “…Everyone has that one thing or two that most people remember them at. Especially for public figures where their fashion statement, more often or not, becomes their “identifier.” It can also reach that point where a style becomes iconic when people are donning it in costume events like Halloween! To prove that fashion statements leaves a mark, here are 7 Filipino celebrities whom became known for their all-time fashion trademarks…Vilma Santos-Recto: With her title as the “Star for All Seasons,” Vilma Santos-Recto also developed her fashion trademark overtime. The actress turned politician became iconic in her colorful suits and her trusty handerkerchief at her right hand. Trivia, the hanky is there simply wipe sweat and dust…” – Sherry Tadeja, Iniside Manila, 18 April 2017

Rebel Director – “…Maraming galos si Vilma Santos rito pero di siya nagreklamo. Sobrang bow ako sa kanya. Nagkwento na lamang siya na nahilo siya, may galos siya. Sobrang inspiring makatrabaho si Ate Vi. Di siya nagpapa-importante kahit Batangas governor na siya noon. Di rin siya nagpapa-antay. Mahal na mahal siya ng mga kapwa-artista. Sabay-sabay sila dumating. Di siya nagbibigay ng problema…Iyon ang sobrang sarap kay Ate Vi…I’ve always been a rebel. May sarili akong diskarte o pananaw. Even my father, who had a high position in government (being a local government minister then), never forced me to do things that I did not want. My mother was the one worrying kasi wala naman kita sa art..” – Chito S. Roño, As Reported by Rogelio Constantino Medina, Manila Standard, 10 April 2017

Vilma’s Darna costumes – “…Over the past six decades, more than 15 actresses have portrayed Darna, the iconic Pinoy heroine created by Mars Ravelo. Filipinos have also witnessed more than a dozen variety of Darna’s costume, which is usually a red bikini with a gold star on each brassiere cap and a helmet with ruby-encrusted gold winged medallion. Her accessories include gold cuff bracelets, golden medallion belt with a loincloth in the middle, and red boots. Here’s an extensive look on how Darna’s costume changed through the years…Vilma Santos ruled the ’70s as Darna, and wore four different costumes. In Lipad, Darna, Lipad (1973), she donned the original red bikini with gold stars (left) including the red helmet with gold winged medallion, the red boots, gold medallion belt, and gold cuff bracelets. In Darna and the Giants (1974), she wore an all-gold ensemble (middle) with red details, plus a gold choker. In Darna vs. the Planetwomen (1975), she donned a dark blue bikini (right) with red stars and the same accessories plus the choker…1980s, Vilma took back Darna’s stone for the movie Darna and Ding (1980). This was the last time she played the iconic super heroine, and also her most daring Darna costume ever: from boyshorts, her bottoms were changed into a high-waisted bikini. She also donned a sparkly red bikini top with gold stars and shiny blue shorts with white loincloth. The rest of her accessories were in gold…” – Nikko Tuazon, PEP, 09 April 2017

On #LGBT and The #DeathPenalty – “…Kung maaari nga lang sana, may exclusive laws para sa LGBT, kasi naiintindihan ko situations nila eh…Kasi ang LGBT, may discrimination talaga eh. Parang kapag sinabing lesbian (o gay), may (negative) connotation na agad ang mga tao (sa kanila). (Pero) ang sa akin lang, ‘What’s wrong with that (being gay)?’ Buti nga ngayon, mas libre na sila mag-expose (ng mga sarili nila)…(on saying NO to death penalty) Yun kasi ang prinsipyo ko sa buhay. Iba din ang prinsipyo ng iba na dapat din natin igalang…At the end of the day kung anong makakabuti sa mga tao, ’yun ang sundin natin. Since naninindigan ako sa no, I am ready to accept the consequences of my decision…” – Vilma Santos-Recto, as reported by Regina Mae Parungao, Manila Bulletin, 16 March 2017

Life is simply not ours to take – “…Naniniwala ako sa hustisya. Ang mga nagkasala ay nararapat na patawan ng parusa, karampatan sa nasasaad sa batas. But I also believe that everyone has the right to become productive members of society. Everybody deserves a chance to correct their mistakes. Reformation. Rehabilitation. Reintegration. Those are the three processes that I believe in. Masugid akong sumangguni sa aking mga kababayan tungkol sa pagsasabatas ng Death Penalty. On their behalf, I say an adamant NO to the re-imposition of Death Pe­nalty. I fully understand the consequences of not supporting this bill, but in the question of life and death, our conscience prevails. Life is simply not ours to take. Mabuhay ang mga Lipeño at mabuhay ang sambayanang Pilipino!” – Vilma Santos-Recto, as reported by Alwin Ignacio, Abante Tonite, 10 March 2017

Remembering Danilo – “…The country’s top actors and singers remember fashion designer to the stars, Danilo Franco, fondly. Often described as “a loner and a man of few words,” Franco would rather let his designs—by turns, elegant, intricate and colorfully flamboyant—speak for themselves. Several star-clients were his most ardent supporters, as well—and would proudly don his creations not only onstage (in plays, concerts and awards rites) and onscreen (in movies and on TV shows), but offstage as well…Rep. Vilma Santos wore a Franco Filipiniana gown when she tied the knot with Sen. Ralph Recto in Lipa, Batangas, in 1992. Franco also took care of Santos’ wardrobe when she played a fierce and feisty mogul in the movie, “Everything About Her,” last year…”He was like family. We were together for ages. He did my clothes for years—from the ‘Vilma’ show in the 1980s until his passing. I am so sad. I am continuously praying for him. I love him. He was a very quiet person. Observant, passive, but a true, loving and loyal friend…” – Bayani San Diego Jr., Philippine Daily Inquirer, 06 February 2017

Selfie and Other Topics – “…I’m used to it because I’ve been in show biz since I was 9. Yes, it gets distracting sometimes, especially if you need to focus and think about what’s being discussed. At the same time, I also should be thankful because it means they’re interested in me…I’m more careful now (on being outspoken) because I’m aware that whatever I say influences people. You can’t dispense irresponsible advice or issue flippant comments…I support President Duterte’s war on drugs—it’s about time we take the issue seriously. But while we’re aware of the dangers of drug abuse, we can’t solve crimes by killing people. If you ask me, everybody deserves a second chance. Hindi tayo puwedeng basta magbitaw ng kung kaninong pangalan [without proof], at patay lang nang patay. There’s a better way to do this. Kailangang nasa tamang lugar…Expressing contrarian views is a human right. And she (Meryl Streep) is as intelligent a person as she is as an actress…In a way, they rule with an iron fist (Trump and Duterte). But we should give them a chance. President Duterte’s trust rating is very high (86 percent), which means he has the people’s support. Six months aren’t enough to gauge a president’s performance. Let’s hope for the best…” – Congresswoman Vilma Santos-Recto, as reported by Rito P. Asilo, Philippine Daily Inquirer, 05 February 2017

Can’t Say NO to Ate Vi – “…I didn’t receive any reply, which was unusual. The next day, Tuesday, I texted him again to ask him if we could meet up and have coffee. Again, no reply. But after about an hour, it was his brother Joey who texted me back using Danny’s phone. He told me that Danny was in the hospital and was already in critical condition…he couldn’t say no to, actress-politician Vilma Santos. At the time of his death, he only had two sewers who were on call at his shop in Singalong, Manila…Sir Dan was one of the pillars of SoFA…He was one of our first few faculty members and he eventually became a major member of our education team. He was one of those we relied on to deliver the SoFA method of design education. He understood the value of the design process and managed to mentor our students through it. He was extremely generous, becoming a lifelong mentor and friend to his students even after graduation…In spite of his full load as a SoFA professor, Dan still continued to serve his clients…He always wanted to retire from designing and move from Malate to a smaller place in Makati near SoFA. But how could he do that when clients like Vilma Santos wouldn’t stop ordering? He was always busy, but always found time to dine out, hang out with designers, co-teachers, and create artworks when his schedule allowed…” – Rene Bisquera, Reported by Alex Y. Vergara, Manila Bulletin, 05 February 2017

The Balisong-wielding Batangueña Fighter – “…Vilma Santos, the Batanguena: However, the most telling evidence of how well a person can suit language and lifestyle lies in Vilma Santos-Recto, who now peppers her conversations with traditional Batangueño lines spoken with the right attitude. Vilma has taken to calling friends as Ka Nitoy or Ka Celia, Ka being a term of endearment among Batangas old-timers. Ka is also used as a term of respect to another person, usually older. In the late ’70s, Vilma acted in a film called “Vilma Veinte Nueve (29)” where she played a balisong-wielding fighter of a character. She was Batangueña, but of course…” – Nestor Cuartero, Manila Bulletin, 27 January 2017

#GEMS Awards for Film – “…Sinadya naming lumiban sa pagbibigay ng blind item sa araw na ito para bigyang-daan ang isang bagong tatag na samahan, ang GEMS (Guild Of Educators, Mentors And Students), na binubuo ng mga akademisyan mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyonal mula sa mga pribadong institusyon at sektor ng lipunan, at mga mag-aaral ng mga prestihiyosong kolehiyo at pamantasan…Best Film (Indie) – Die Beautiful (The Idea First Company); Best Film (Mainstream) – Everything About Her (Star Cinema); Best Film Director (Indie) – Jun Robles Lana (Die Beautiful); Best Film Director (Mainstream) – Joyce Bernal (Everything About Her); Best Supporting Actor – Xian Lim (Everything About Her); Best Supporting Actress – Cherry Pie Picache (Whistleblower); Best Actor – Paolo Ballesteros (Die Beautiful); Best Actress – Vilma Santos (Everything About Her); Special Award, Natatanging Hiyas Ng Sining Sa Pinilakang Tabing – Jaclyn Jose…” – Cristy Fermin, Pilipino Star Ngayon, 12 January 2017

Full Protection for Filipino #LGBT – “…Ang gusto nating isulong ay itong full protection para sa ating mga LGBTs not only in this term. Sana maging permanente po ito through a law not only through a resolution. I hope this committee will support this endeavor…Ultimately, this bill seeks to create a police organization that is able and eager to respond to any criminal or emergency incident, regardless of the gender orientation of the people involved…” – Congresswoman Vilma Santos-Recto, reported by Kristian Javier, Philstar, 03 January 2017

News Clippings Is Back! 1/3

This slideshow requires JavaScript.

Fan Club Rivalries – “…Nora Aunor and Vilma Santos, giants of the Philippine movie industry, are both just about five feet tall. But height is their only common denominator physically. As far as their other physical features go, the two petite award-winning actresses are as different as night and day. The Superstar was the little brown girl of androgynous build who broke the mold of the typical movie star, back in the time when stardom was equated with strikingly fine mestiza features. The Star For All Seasons, on the other hand, while she was not the willowy type, had fair skin and curves in the right places, which she would later show to great advantage in movies such as Burlesque Queen and Darna. Back in the days when they were young stars, Guy and Vi were also the reigning monarchs of two empires that were perpetually at war- the empires of their fanatical followers. So intense was the fanaticism of those fans that it spawned two new words in the Pinoy vocabulary: Noranians and Vilmanians. “Pati mga reporter noon talagang polarised,” veteran talent manager Lolit Solis recalls. “Talagang may distinction. Pag Nora ka, Nora. Pag Vilma ka, Vilma e, di ba, gaga-gaga ako? Noong una, maka-Nora, so write ko siya lagi. Nakakatanggap ako ng tawag sa telepono mula sa Vilmanians: “Alam namin kung saan nag-aarawl ang anak mo! Mag-ingat ka!” later, naging kay Vilma na ako. Nagalit sa ‘kin ang mga Noranians! “Balimbing ka! Ang bait-bait sa iyo ni Ate Guy! Wala kang utang na loob” Grabe, maloloka ka talaga!…” – 100 Most Beautiful Issue, YES! Magazine 2007

Faces Immortalized on Screen – “…Though she has become a successful politician, recently moving up from city mayor to provincial governor, Vilma Santos remains one of the country’s best actresses. In Mike de Leon’s Sister Stella L, she portrays a nun who experiences a political awakening. This is one of Vilma’s most important, says indi filmmaker Seymour Barros Sanchez: “Nag-transform kasi siya from a bold star sa Burlesk Queen, Alyas Baby Tsina, et cetera, to a serious actress sa pelikulang me political na tema, gaya ng Sister Stella L.” Vilma would later tell screenwriter Pete Lacaba that she was already in politica when she really understood some of the dialogue she delivered in the film. Yet, consummate actress that she is, she made her words ring with utmost conviction on screen, and the line she utters at a climatic moment in Sister Stella L. continue to reverberate to this day: “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?…” – 100 Most Beautiful Issue, YES! Magazine 2007

1981 MMFF Parade – “…Hindi talaga mapapantayan sa kasayahan at kaguluhan ang tradisyunal na parada ng mga artista na ginaganap tuwing ilulunsad ang Metro Manila Film Festival. Tulad na lamang noong December 24, nasaksihan muli ng publiko ang karangyaan ng mga karosa na pumarada sa kahabaan ng Roxas Blvd. bilang hudyat sa pagsisimula ng 1981 Metro Manila Filmfest. Sampung makukulay na karosa na simbulo ng kani-kanilang kinatawanang pelikula, and ipinagbunyi ng libu-libong movie fans mula sa lahat ng antas ng buhay; ang iba ay nanggaling pa sa malalayong lalawigan na nagsadya sa Roxas blvd upang saksihan ang kani-kanilang paboritong artista…” – Exclusive Photos by Min Rosales and Mar Salabit

Best Filipino Actress of All Time – “…Celso Ad. Castillo transformed this former child star and box-office teen star into his Burlesk Queen, and Vilma Santos never looked back. Emotionally open, physical, and articulate, she has an acting style that is diametrically opposed to that of Aunor, her contemporary and competitor. Memorable in Bernalès Relasyon, Broken Marriage, and Ikaw ay Akin; Gil Portes’ Miss X; and Mike de Leon’s Sister Stella L., she was underrated but spectacular as the small-town mayor (actually, the wife of small town mayor, played by Eric Quizon) in Brocka’s Hahamakin ang Lahat, as the Aids victim in Laurice Guillen’s Dolzura Cortez Story, and as a conflicted mother in two Chito Roño films, Bata Bata Paano Ka Ginawa and Dekada ’70…” – Yes! Magazine, September 2004

Golden Screen Nominee – “…Pahuhuli ba naman ang nag-iisang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa kanyang pagganap bilang Lilia Chiong Yang sa “Mano Po 3: My Love?” Wala na ngang dapat pagtalunan kung husay din lang sa pag-arte ang pag-uusapan. Inaasahan na natin ang di rin mapapantayang galing ni Vilma. Sa Mano Po3…, kinain nang buuong buo ni Vilma ang kanyang kaeksena. Wala ngang maitatapon sa mga ipinakita niyang pagganap. Lalo ang eksena niya kasama sina Boots Anson-Roa sa loob ng kanyang opisina, napakahusay niya dito. Ganun din ang eksenang mamimili kung kanino siya sasakay; kay Michael (Christopher de Leon) o sa asawa niyang si Paul (Jay Manalo). Tulad ng karibal niyang si Nora, palaging may kakaibang ipinakikita si Vilma sa bawat pelikula niya. Kaya naman talagang kaabang-abang ang bawat character na kanyang ipo-portray. Kahit na maraming mga mahuhusay na aktres pa ang magsidatingan, mahihirapan pa rin silang pantayan ang kahusayan ni Vilma, na patuloy na nagniningning sa anumang panahon…” – Golden Screen 2005 Awards Night Souvenir

RP’s Ten Best Dressed Actresses! – “…After that controversial survey of La Solis regarding the ten most beautiful actresses and the ten sexiest actors in local flickerville, now comes another hard-earned survey of our very own Erlinda Rapadas T. The RP’s Ten Best Dressed Actresses! Whaddayaknow? Poor Lindy, she had gher sympathy of her day running and persuading these beautiful people in haute couture! Kuwento nga niya: “D’yos ko, mahigit na dalawang linggo kong pinaghahabol ang mga ‘yan. Naranasan ko pang maisnab-isnab d’yan!” Poor Lindy, (sigh) roses for you for a job well done! -that’s all we could utter. Oh before we give you the survey, here’s an end note of a bitchy scribe who refused (dahling, refused with capital R) and sent a noe in an accent the Germans would be scandalized to read. Say ng dallink namin: “…my requirement for a best dressed person is he or she must have a natural flair. Also, elan, imagination, style, someone with a built-in glamour. And who (she’s howing now) among our so-called stars have these attributes?” The question remain unaswered. German-nuts or not, here’s an exciting venture to see through the lenses of the chosen people who scribbled their choices. Comments n’yo na lang ang hihintayin namin sa Letters to the editor. Happy scrutinizing! (-editor)…” – Erlinda Rapadas T., Modern Romances and True Confessions 18 Aug 1980 – Erlinda Rapadas T., Modern Romances and True Confessions 18 Aug 1980

Pictorial: Once Upon a Time…Noong Silaý Bata Pa! – “Maaaring hindi nínyo paniwalaan, nguni’t ang mga larawang matutunghayan ninyo sa pahinang ito ay tunay na kaanyuan ng inyong ilang paboritong bituin noong silaý bata pa. Sa katunayan kund hindi namin ilalathala rito ang kani-kanilang pangalan at pababayaan namin kayong hulaang isa-isa kung sinu-sino ang mga ito, natitiyak namin na mga isa o dalawa lamang ang inyong mahuhulaan sa dahilang silaý pawang mga bata pa noon. Katunayan pa rin ang karamihan sa mga itoý mga isang taong gulang lamang nang sila’y kunan ng mga ganitong larawan. Ang pinaka-dahilan ng paglalathala namin ng Special Feature na ito na aming itinuturing ay madulutan kayo ng kasiyahan at kalugurang mamalas ang inyong ilang paboritong bituin upand pagkatapos ay mawika ninyo sa inyong sarili na “Ganito pala ang paborito kong bituin noong maliit pa” kung sinuman ang bituing inyong paborito nalalathatla rito. Ngayon pa lamang, sa pagtunghay ninyong isa-isa sa mga paborito ninyong bituing ito, inaasahan namin na nakapagdulot kami sa inyo ng ganap na kasiyahan. Narito ang mga sumusunod…” – Julio F. Silverio, Kislap Magazine April 20 1978

Most Awarded Actresses – “…These icons and their incomparable contributions to cinema continue to inspire and endure as the benchmarks for the ultimate achievement in the craft of acting…The “Star for All Seasons” has defined generations and has consistently come out on top. When tasked to come up with a number of the most awarded actresses, Vilma Santos’ name is sure to be on it. With nearly a hundred acting awards for both TV and film, she is not only the star for all seasons but all generations. Her most iconic films include Sister Stell L, Bata Bata Paano Ka Ginawa? and Relasyon for which she won the grand slam for Best Actress in 1982…” – The Pulse, October 2014

Tirso Jump to First Place! Vilma Retains Second Lead! Nora Slumps Down to Third! – “…Speaking of Vilma’s fans, they also deserve a pat on the shoulder. Imagine to maintain the second lead is quite a record kaya we wont be surprised if in the coming bilangan kayo naman ang manalo…that is kung hindi gaganti ang maka-Nora at kung hindi dodoblihin ng maka-Pip ang efforts nila…” – Baby K. Jimenez, TSS Magazine, June 19, 1970

Those Uncertain Years – “…Vilma Santos, Everyone passes through a phase in life where one is neither a grow-up, yet not a child, any longer and it is usually during these uncertain years that parents have their difficult moments bringing up children to adulthood. Fortunately, however, Vilma Santos has not given her parents this problem at all. Even as a child, she seemed far so advanced for her age, her capacity for understanding people and situations often astounded movie folks. She was first discovered as a child actress in a dramatic series on television, Larawan Ng Buhay, and has eversince appeared in almost all the movie-making outfits in the country. Her latest dramatic portrayal in De Colores garnered for her the most coveted nomination as a finalist in the Best Supporting Actress category. It is predicted that the lovely teener will emerge a dramatic star along the caliber of a Lolita Rodriguez or a Marlene Dauden. She appears as Imee (President and Mrs. Marcos eldest daughter in the films Pinagbuklod ng Langit…” – Movielife Magazine, July1969

Alin Ang Mauuna? Nora-Edgar Pictorial o Vilma-Tirso Pictorial? – “…War ngayon sina Guy & Pip. Kaya marami ang nagsasabi, tiyak daw na gagawa ng paraan ang dalawa ngayon para mai-pictorial sila na iba ang kapareha. Pasakitan, ang sabi nga. At mas magaling daw kung si Pip ay mai-pictorial kay Vilma Santos. At si Nora naman kay Edgar Mortiz. At dahil nga dito, according to some realible sources, naguunahan daw ngayon sina Guy & Pip sa kung sino sa kanila ang mauuna na mai-pictorial na kasama nga si Vi at Edgar. Balitang ang mas gumagawa raw bng paraan ngayon ay ang kampo ng mga Tirsonians. Lagi raw pumupunta ngayon ang ilang Tirsonians sa bahay nina Vil sa may Project 6 para himukin daw si Vilma na makipag-pictorial kay Pip. Sang-ayon naman sa ilang source na maka-Vilma-Edgar, hindi raw kumporme ang kanilang mga idolo sa bagay na ito. Kung nagkakagalit man daw sina Tirso at Nora, bakit daw kailangang isali pa sila sa gulo nila? Sa tinuran nilang ito, naisip namin…ito kaya ang dahilan kung bakit parang nilayuan nina Vilma at Edgar si Nora nang minsang magkita-kita sila sa FLAME? Sumama raw ng husto ang loob ni Nora dahil dito. Ini-snob daw siya ng dalawa gayong siya na nga ang lumapit. Ito ang sumbong niya sa ilang taong close sa kanya. Pero ayon naman sa panig nina Vilma, hindi naman daw nila ini-snob si Nora nang gabing iyon. Binati naman daw nila si Nora. Hindi nga lang daw sila nakipag-usap dito nang matagal dahil may kasama itong reporter nuon at may daw raw si Norang dalawang kamera. Kaya para raw hindi sila makunan ng larawan naglaro na lang daw ang dalawa ng slot machine. Dahil daw kasi, may usapan sina Vilma at Edgar na kung papayag si Edgar na mai-pictorial kay Nora ay papayag na rin daw si Vilma na mai-pictorial kay Tirso. Ang question nga lang ay kung sino sa kanila ang mauuna. Tsk-tsk-tsk, ang labo!…” – Mercy Lejarde

Faces Immortalized on Screen – “…Though she has become a successful politician, recently moving up from city mayor to provincial governor, Vilma Santos remains one of the country’s best actresses. In Mike de Leon’s Sister Stella L, she portrays a nun who experiences a political awakening. This is one of Vilma’s most important, says indi filmmaker Seymour Barros Sanchez: “Nag-transform kasi siya from a bold star sa Burlesk Queen, Alyas Baby Tsina, et cetera, to a serious actress sa pelikulang me political na tema, gaya ng Sister Stella L.” Vilma would later tell screenwriter Pete Lacaba that she was already in politica when she really understood some of the dialogue she delivered in the film. Yet, consummate actress that she is, she made her words ring with utmost conviction on screen, and the line she utters at a climatic moment in Sister Stella L. continue to reverberate to this day: “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?…” – YES! 100 Most Beautiful 2007

One on One for Number 1 – “…Mahalagang Balita: Tinatawagang pansin ng Kislap Magasin ang lahat ng Noranian at Vilmanians!!! Ito na ang inyong pagkakataon upang patunayan kung sino ang no. 1 – si Nora o si Vilma? Ang lahat ng ito ay sasagutin ng “One on One for No. 1 (Round One).” Isang malaking hamon sa bawat panig ang patimpalak na ito. Itaguyod ang inyong bituin at manalo ng mga sorpresang gamtimpala na ipinagkakaloob sa mapapalad ng fans na magtataguyod ng kanilang kandidata!!! Ang patimpalak ay sinimulan noong Mayo 5 at tatagal hanggang Hulyo 15, 1980. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Kislap Magasin!!!…” – Pilipino Reporter

Young Superstars & Money Makers – “…Never in the history of RP Movies is there so many young superstars and money makers than in the late sixties and early seventies. Superstar Nora Aunor, the reigning movie queen started her showbiz career at the age of 14 wayback in 1967 and has since then hold on the crown. Another superstar Vilma Santos was a child actress and begun her big time movies at the age of 16 in 1969 along with her screen sweetheart Edgar Mortiz, a fifteener in 1969. Their loveteam blossomed into the most durable loveteam of RP movies. Another child actor, Jay Ilagan hit the big time in 1969 while he was only 14. Still, another would-be superstar and a box-office draw is beauteous Hilda Koronel who entered the movies in 1969 at the tender age of 13. And of course, there is Tirso Cruz III or simply TC III or Pip who crashed into the showbiz world in 1967 when he was just 17. Today, these yound superstars are raking in money not only in the box-office but also in their recordings, TV-Radio shows and personal shows, which is unheard off sa kanilang older counterparts kahit noong heydays ng mga ito…” – Pilipino Movie Alamanac, Showbiz Reporter Magazine

Ang Favorite Christmas Date ni Tirso – Hindi mapapasubalian sa ngayon, ang pinakatanyag sa ating mga kabataang bituin ay si Tirso Cruz III. Halos kabi-kabila ang kanyang mga pelikula. Hindi pa niya natatapos ang Fiesta Extravaganza ’71, New Year’s at Anniversary offering ng Sampaguita Pictures, ay nakatakda na siyang gumanap uli sa Valentine offering ng nasabing kompanya, ang My Heart Belongs to Daddy. Katulad ng alam na ninyo, makakapareha niya dito ang pinakabata sa ating mga superstars. Ang ibig naming sabihin, si Snooky. Pip, besides has also contacted by Lea Productions to do a movie with their favorite protege, Hilda Koronel. Indeed, what more can a guy like him ask for? Surprisingly, maraming baga na minimithi si Pip na hindi niya naisasakatuparan sa dahilang isa siyang tanyag na bituin. Mga simpleng bagay. Katulad, halimbawa ng pakikipag-date. Ibigin man niyang makasama ang isang babae na kanyang nagugustuhan sa mga pagtitipon ay hindi maaari. At ang dahilan, tiyak na saan man siya pumunta ay tiyak na magkakaroon ng commotion. At hindi ba, kung ikaw ay nakikipag-date, ibig mong magkaroon ng privacy? Ang mangyayari ay magiging quire embarassing sa kanyang date. Isang bagay na ayaw na ayaw niyang mangyari. Sa paskong ito, ibig ni Pip na magkaroon ng date. “Its high time na I go out with a girl in a public place, hindi ba?” sabi niyang pakindat-kindat pa. “Binata yata ako. Puwedeng puwede nang manligaw.”

This early, mayroon siyang alam na lugar na disente na pupuntahan. Dalhin man niya doon ang kanyang date, maging ito man ang kanyang nilalangit, ay tiyak na walang makikialam sa kanila. Kasi ba naman, exclusive and place. And they come out with real fun music something which Pipp really likes. Tiyak na puwede siyang makipagsayaw sa kanyang date without anyone bothering them. Nguni’t may problema siya. Hinsi niya alam kung sino sa kanyang mga kakilalang babae and kanyang aanyayahang lumabas sa Pasko…Si Hilda kaya…Si Sahlee Quizon…how about Aurora Salve…Eh, si Vilma Santos? “Gusto mo bang magkagalit kami ni Bobot. Ang Ibig kong sabihin si Edgar Mortiz. Alam naman ninyo ang dalawang iyang. Sparing partner.” saad ni Pip. Sino? Tiyak na hindi si Nora. Nasa Hollywood siya hindi ba? “Si Nora sana, kung nandito siya,” sagot niya. “On second thought, hindi na lang yata ako lalabas. Sa bahay na lang ako magce-celebrate ng Pasko. This way, I’ll make my family happy. I’ll invite na lang girls in my life na makipamasko sa amin. Kung ibig nila. Isa pa, this way, I’ll be able to celebrate Christmas with my family. At sila ang talagang mahal ko.” – Movielife, December 1970

Darna and Super Gee – “…The first of the legendary comic characters created by Mars Ravelo na binigyan buhay ng iba’t ibang glamorous stars in the late ’50s up to the ’60s Rosa Del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes to name a few. The Darna series, Darna at ang Babaing Lawin, Darna at ang Impakto, Darna at ang Babaing Tuod, at iba pa, were all box office hits. The series catapulted the stars towards stardom. Then, in mid 1973, Vilma Santos, staged a Darna comeback in Lipad, Darna, Lipad na naging biggest box office draw, now her home studio Tagalog ilang-ilang Productions is planning a series of Darna flick beginning with their Christmas offering Darna and the Giants. On the heels of the fantastic success at the box offcie of Lipad Darna Lipad, the reigning queen of R.P. Movies, Nora Aunor, The Superstar decided on breathing life to Super Gee, another comic character created by Zoila in the celluloid. At the beginning of the productions, there were skeptics and critics that the superstar was hitching on a wrond bandwagon…yet, Guy proved to all that she could very well carry the character to box-office success when Super Gee with the second offering tentatively titled Super Gee is Back and hopes to continue the sequel not only for the country’s cinema houses but also for television…” – Pilipino Movie Alamanac, Showbiz Reporter Magazine