AWARDS CARDS (PHOTOS)

This slideshow requires JavaScript.


Advertisements

TRIVIA

I will venture into my friend Al’s territory for this issue of V Mag.  Mag-trivia muna tayo para pag may nagtanong sa atin tungkol kay ate Vi ay hindi tayo mapaupo sa last row, sa tabi ng garbage can.

  • Ate Vi was born on a Tuesday, 03 November of 1953 at Galang Hospital in Blumentritt Street, Manila.
  • She weighed 6.5 lbs.
  • Si Mama Milagros Tuazon-Santos ay taga Cabanatuan City, Nueva Ecija, samantalang taga Bamban, Tarlac naman si Papa Amado Constantino Santos.
  • Pinaglihi si ate Vi sa kesong puti.
  • Pangalawa si ate Vi sa limang magkakapatid. Panganay si at Emelyn, sumunod kay ate Vi si Maritess, na sinundan nina Winnie at Sonny.
  • Nag-aral si ate Vi sa St. Mary’s Academy sa Trozo st., Bambang, Manila mula Kinder hanggang High School. Samantala kumuha siya ng special course on Local Governance sa University of the Philippines – Diliman.
  • Takot si ate Vi sa ipis at ayaw niyang nakakarinig ng daing ng babae.
  • Nagtitinda si ate Vi ng minatamis na sampaloc noong nag-aaral pa siya.
  • Marami na ring bahay na natirhan si ate Vi. Una silang tumira sa Trozo St., Bambang. Manila at tumagal sila doon hanggang naging 12 years old siya. Sa la Loma, QC naman sila lumipat hanggang sa mag 17 years old siya. 1970 ng lumipat sila sa Cinnacle Drive, Proj. 6, QC. Mula rito ay lumipat naman sila sa Morado St., Dasmarinas Village, Makati. Sumundo ay tumira naman sila sa Amapola St., Bel Air Village, Makati. Matagal din silang tumira sa Margarita St., Magallanes Village, Makati. 1990 ng lumipat naman sila sa Swallow Drive, GreenMeadows Subd., QC. 2007 ng lumipat sila sa Ayala Alabang Village in Taguig City.  Bukod ditto may bahay pa rin sila sa LPL Compound in Lipa City, Batangas. May rest house rin siya sa Tagaytay. May bahay pa rin siya sa West Covina, CA. Nagkaroon din siya ng bahay sa Monterey Hills, Marikina.
  • Nagkasakit si ate Vi ng pneumonia noong siya ay limang taong gulang. Na-confine siya sa Galang Hospital.
  • Hindi marunong magluto si ate Vi pero may specialty siya. Ito ay ang Meal-in-One na may spaghetti, corned beef, sweet corn at mushroom.
  • Opel record na kulay Silver Blue ang unang kotse niya.
  • Unang bansa na narrating niya ay HongKong.
  • Five feet and half inch ang height niya.
  • May malaking nunal si ate Vi sa likod.
  • Una siyang gumanap sa stage bilang isang madre sa tanghalan ng St. Mary’s noong siyaý nasa Kindergarten. Gumanap rin siya bilang Veronica sa Dulang pam-Mahal na Araw sa Culural Center of the Phils. noong 1971.
  • Tatlong beses niya nakasama si Amalia Fuentes sa pelikula: Bulaklak at Paru-paro (1970), Mga Reynang Walang Trono (1976) at Asawa ko, Huwag Mong Agawin (1986). Samantala, ang karibal ni Amalia na si Susan Roces ay hindi pa niya nakasama sa pelikula.
  • Si Dona Josefa Edralin-Marcos ang nagputong ng kanyang korona bilang Miss Philippine Movies of 1971 at Box Office Queen of Phil. Movies 1978.
  • Magaling mag-drawing si ate Vi, kaya nga binalak niyang kumuha ng Fine Arts kundi lang siya lubhang naging abala sa mga showbiz commitments niya.
  • Special added attraction ang film coverage ng Debut niya sa pelikulang Eternally na ipinalabas noong 1971.
  • Unang pelikula niyang ginawa sa abroad ang Aloha, My Love (1972), sinundan ng mga Don’t Ever Say Goodbye (1972), Pinay, American Style (1979), Miss X (1980), Gusto Kita, Mahal Ko Siya (1980), at Romansa (1980). Samantala may ilang eksenang kinunan sa HongKong ang Anak (2000) at sa Bangkok ang Mano Po 3, My Love (2004).
  • Idinaos ang kanyang debut noong Nov. 3, 1971 sa The Plaza Restaurant sa Makati. Isang sosyal at sikat na restaurant noong panahong iyong ang naturang resto. Dito rin idinaos ang reception ng lasal nina FPJ at Susan Roces noong 1968. Si Ben Farrales ang nagdesenyo at tumahi ng kanyang gown. Si Danilo Franco ang nagburda ng kanyang gown, baguhan pa lamang noon si Danilo at nagtratrabaho kay Mang Ben.
  • Si Auggie Cordero ang gumawa ng wedding gown ni Ate Vi na ginamit sa kanyang Lux Commercial. Samantalang ang National Artist for Film na si Gerry de Leon ang nagdirect ng naturang commercial. Nagkaroon ng Lux and Vi TV special na dinaluhan ng mga nagdaang Lux beauties gaya nina Amalia Fuentes, Susan Roces, Helen Gamboa, Gina Pareno at Hilda Koronel.
  • Jul. 25, 1970 ang initial telecast ng The Sensations sa ABS CBN 3. naging top rate rang nasabing program na nakasama nina Vilma at Edgar ang mga young stars na sina Perla Adea, Romy Mallari, Rhodora Silva, Darius Razon, Baby de Jesus at Tony Santos, Jr. Ginawa pa itong pelikula ng TIIP dahil sa kasikatan nito. Nanatili ito sa ere hanggang ideklara ang Martial law noong Sept 1972.
  • Tumayong maid of Honor si ate Vi sa kasal nina Tony Ferrer at Alice Crisostomo noong 1970 at kian Aurora Salve at Romy Ongpauco noong 1974.
  • Si Ben Farrales rin ang gumawa ng terno ni ate Vi bilang Miss Asian Basketball Confederation of 1973.
  • May magazine na puro Vilma ang news at articles. Ito ay ang Movie Queen magazine.
  • Oleg Casini ang brand ng bikini na suot ni ate Vi sa beach scene ng pelikulang Susan Kelly, Edad 20. Kinunan ang naturang beach scene sa Villamar Beach resort sa Cavite.
  • Hango sa pelikulang The Exorcist ni Linda Blair ang initial telecast ng Dulambuhay ni Rosa Vilma sa BBC2. naging top rater ang naturang programa at nagbigay kay ate Vi ng nomination sa PATAS awards bilang Best TV Actress of 1974.
  • May gagawin sanang pelikula si ate Vi with Lolita Rodriguez (Tigang na Lupa) at Rita Gomez (Mother and Daughter) sa TIIP noong 1974, ngunit parehong hindi niya nagawa. Ang Mother and Daughter ay isinapelikula rin ngunit iba na ang casting. Sina Paraluman at Elizabeth Oropesa na ang gumanap rito.
  • 1974 ng nailathala ang mga nobelang isinulat umano ni ate Vi. Ito ay ang Saksi Ko Ang Diyos, Akoý Birhen (Movie Specials) at Paper Dolls (Kislap). Siya rin ang may akda ng istorya ng pelikulang Biktima na kanyang entry sa 1974 Manila Film Festival.
  • Sinagot ni ate Vi si Edgar Mortiz noong Apr 7, 1971 at nag break sila noong Apr 28, 1974. Si Edgar ang una niyang boyfriend.
  • Nakapag-produce ang VS Films ng limang pelikula. Ito ay ang mgs ss.: Mga Rosas sa Putikan; Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak; Halik sa Paa, Halik sa Kamay, Apoy sa Ilalim, Apoy sa Ibabaw at Coed.
  • Naging judge si Ate Vi sa Miss RP 1976, kung saan nanalo ang nag-artista rin na si Suzanne Gonzales at runner up ang naging super model Anna Bayle. Naging judge rin siya sa Bb. Pilipinas noong 1987.
  • Nagkaroon ng concert si ate Vi sa Folk Arts Theatre noong 1977. Nakasama niya sina Rico J. Puno, Nino Muhlach, Didith Reyes and the late Yolly Samson.
  • Naging official entry ang Masarap, Masakit, ang Umibig (My Brother’s Wife) sa 23rd Asian Film Festival sa Bangkok, Thailand noong 1977.
  • Sa Long Beach Resort, sa Nalinac, La Union nag-celebrate si ate Vi ng kanyang ika 24th birthday. Samantalang sa Paris, France naman nung kanyng ika 26th birthday.
  • Sia te Vi ay ang 1978 Miss Presto at 1980 Miss Crispa sa PBA.
  • Napanalunan lahat ng Burlesk Queen ang mga awards sa 1977 Metro Manila Film Festival maliban sa dalawa (Best Cinematography and Best Production design). Ito rin ang Top Grosser.
  • Super lakas ng pelikulang Miss X. It grossed more than P600,000.00 in its first day of showing just 27 theatres, when normally a P100,000.00 first day gross in the 1980s is already considered a blockbuster. Ito ang unang pelikulang pinagsamahan nina ate Vi at director Gil Portes. The movie was filmed in Amsterdam.

I hope you enjoyed reading this trivia. Addition lang to the info mentioned, November 1962 ng unang mag shooting si ate Vi for Trudis Liit, kaya it’s her 45th Showbiz anniversary. – Eric Nadurata,  December  2007,  V magazine (READ MORE)

  • The only actress who won three consecutive years as best actress in the Urian awards (the country’s film critics) for her movies, Relasyon (1982), Broken Marriage (1983), and Sister Stella L. (1984).
  • She has never won a single best actress award from her movies directed by an ace director, the late Lino Brocka.
  • The first actress in Philippine movies to score a grand slam in 1983 as best actress for her performance in Relasyon (1982) from Catholic Mass Media, Urian, Film Academy and FAMAS award giving bodies.
  • Her mother is Mila Tuazon Santos.
  • Mother of Luis Manzano.
  • Currently serving as mayor of Lipa City in the Philippines. Her husband, Ralph Recto, is an incumbent Philippine Senator.
  • Children (Edu Manzano) and Ryan Christian (with Ralph Recto).
  • Siblings: Emelyn and Sonny.
  • Her Girl Friday Aida Fandialan is girlfriend of her brother Sonny.
  • She is the winner of the most Gawad URIANs (from the country’s top film critics), tallying 8 wins, 5 additional nominations (all for Best Actress) and 2 special awards for being the best actress of the ’80s and the ’90s.
  • She is also currently the most awarded actress in the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS Awards) with 6 wins (5 Best Actress, 1 Child Actress), a Hall of Fame Award, two Circles of Excellence awards (the highest award of the FAMAS), a Lifetime Achievement Award and 9 other nominations (1 Best Supporting Actress, 8 Best Actress). She also holds the record of having the longest string of consecutive FAMAS nominations for performers; she had 12 consecutive nominations from 1977-1989.
  • She is also the most awarded actress in the Film Academy Awards (along with Nora Aunor) with 4 wins for Best Actress, 8 other nominations and 1 Lifetime Achievement Award.
  • The other half of the very controversial FAMAS Best Actress tie in 1972. She shared the Best Actress honors with Boots Anson-Roa. It is the first tie in Philippine movie awards history.
  • The only actress in the history of the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences to have won back-to-back acting awards twice (1981 and 1982, 1987 and 1988).
  • The only actress to have scored 4 grand slams in Philippine movie history (Caveat: a Grand Slam means that the actor/actress has won the Philippines’ FAMAS Awards, Gawad URIAN, Film Academy Awards and Star Awards). She scored grand slams in Relasyon (1982), Dahil mahal kita (1993), Bata bata paano ka ginawa? (1998) and Dekada ’70 (2002).
  • An advocate-endorser of a nationwide milk education campaign called “Laki Sa Gatas,” in partnership with Bear Brand, the Philippines’ leading milk brand by sales. The campaign aims to promote, primarily among mothers, the nutritional importance of milk in light of declining milk consumption in the Philippines.
  • Elder sister of Winnie Santos.
  • At the Cinema One Originals Film Festival 2009, she received the Cinema One Legend Award. – telebisyon.net (READ MORE)

Related Readings:

Body Talk with Vilma Santos


If you want to spoil Batangas Gov. Vilma Santos’ day, enumerate to her the symptoms of an illness, any illness, and she’ll feel sick the whole day. Yes, she’s hypochondriac. Once, Perla Bautista (another hypochondriac) related to Vilma how her (Perla’s) friend suffered from an ailment and guess what Vilma did the next day – yes, she called in sick.

But discuss showbiz and politics with her and she perks up. Graduating from being Lipa City with a sterling record as the province’s governor, Vilma is now rumored to be the probable running mate of MMDA Chairman Bayani Fernando in the 2010 presidential race. Asked if she discussed that “possibility” when Fernando recently paid her a visit at the Batangas provincial capitol, Vilma insisted that he did not. “He just met with the department heads,” she said, adding, “but we didn’t talk about 2010. Hindi sa ayaw kong magsilbi sa iba but I know when I’m prepared.”

What she’s prepared for is her yet untitled movie (to be directed by Olivia Lamasan) for Star Cinema with John Lloyd Cruz for which they’re going to New York in November to start shooting (to catch the first snowfall). John Lloyd plays the lover of Vilma’s son (her own son, Luis/Lucky Manzano, is being eyed for the role but he might not be “ready” for love/kissing scenes with another guy). “My son in the movie will die at kami ni John Lloyd ang mag-i-enkuwentro,” she said. Gov. Vilma stands five-foot-flat, weighs 105 lbs., and wears medium/large shirts and size-6 shoes (her feet grew bigger after she gave birth to Ryan Christian).

You used to be insomniac, weren’t you?
“Yes. It was terrible! Hindi ako inaantok hangga’t hindi ako makakita ng araw, kahit konting liwanag lang. But while it was dark, I was awake.”

How long did you suffer from insomnia?
“It lasted while I was busy doing movies. Nag-iba lang ang body clock ko when I became a mayor. But before that, bago nabago ang sistema ng katawan ko, I was hospitalized for three weeks. My doctor said that my body had to adjust to my new schedule.”

So you sleep well now?
“When I go home from work, as early as 11:30 p.m., I go to bed na and then I wake up at 5 a.m. Six hours of sleep are good enough for me. More than that, I feel sluggish, para akong nilalagnat.”

What’s your favorite sleep wear?
“Loose shorts with a pajama top. The aircon has to be turned on full blast because I want to wrap myself in a thick blanket.”

What about Ralph?
“Naku, mahilig din sa very cold temperature, pati anak namin (Ryan Christian).”

Do you snore?
“According to Ralph, yes. When I’m tired daw, heavy ang breathing ko, may sound.”

Do you talk in your sleep?
“I don’t think so. I hope not! But when I’m too tired, kapag kinakausap daw ako habang natutulog, sagot ako nang sagot. They would ask me daw about my schedule the next day at tama naman daw ang sagot ko.”

Do you sleepwalk?
“No, I don’t.”

How many pillows do you sleep with?
“I’m fine with two pillows. Ganoon din si Luis (Lucky). One under my head and the other I hug.”

What about Ralph? Don’t you hug him?
“Ay, mahilig sa maraming unan, like Ryan. Unan ang yakap-yakap ni Ralph when he sleeps.”

Which side of the bed do you sleep on?
“Left side. I’m comfortable sa left side. Nasa right side si Ralph.”

Do you and Ralph talk about politics in bed?
“Yes. At least we can discuss a topic close to our hearts.”

Do you bring work to the bedroom?
“As much as possible, I don’t. I see to it that I finish the paper work in my office even if it means staying up late, so that when I go home all I have to do is read and relax with my family.”

What’s the last thing that you do before you go to sleep?
“I drink a glass of water and then I pray. But for me to fall asleep easily, kailangan i-massage ang paa ko, gentle lang. Basta gusto ko lang kina-caress ang mga paa ko.”

Who does the massaging, Ralph?
“No. ‘Yung maid namin.”

First thing that you do when you wake up?
“I make the Sign of the Cross and then derecho ligo if it’s a working day. Kapag rest day, I take my time and read the newspapers and then I exercise.”

What kind of exercise do you do?
“I do taebo, I do the treadmill, and I dance. I do it at least one hour every day. I do it in a room with the aircon turned off para pawisan ako. And then nagsa-sauna ako.”

Aside from exercising, how else do you unwind?
“I just stay home, make kuwento with my children and watch TV, and eat the food that I like. That is, after exercising. Aside from the gentle massage every night, I have hard massage twice a week.”

What part of your body is most vulnerable?
“My stomach. Sakit ‘yan ng mga Scorpio. When I’m tense, sumasakit kaagad ang sikmura ko.”

How’s your sex life?
“Ay, highly-satisfactory. Hahahaha! Mas magana kami ni Ralph when we are abroad. No pressure. We take our time. Heaven!”

You used to be a hypochondriac, right?
“Up to now! Matapang ako, pero pagdating sa sakit duwag ako. That’s why I don’t want to go to hospitals because the moment nalaman ko ‘yung symptoms, parang nararamdaman kong mayroon ako.”

How often do you see your doctor?
“Ay, very rarely. The last check-up I had was two years ago. But I advise women to undergo a mammogram once a year. Ang daming may breast cancer ngayon, di ba?”

How’s your diet?
“I eat five to six small meals every day, but never busog na busog. I eat anything in moderation. I eat mostly fish and vegetables. But my favorite is Japanese food. My favorite fruit is banana, the latondan variety.”

Are you really a milk drinker?
“Oh yes, ever since I was young. Ask my mom. Palagi kong baon ay pandesal with cheese and milk or Choco Vim. I’ve been drinking Bear Brand from way, way back.”

How much water do you take per day?
“I should take eight glasses of water per day but the most I take is six glasses. But I also take lots of green tea. After eating, I take a glass of hot water or hot tea for digestion.”

How do you take care of your skin? (She used to endorse Eskinol.)
“Wala akong masyadong beauty regimen. All I do is take off my make-up with cream. Before I sleep, I wash my face with warm water. And before I put on my make-up, I wash my face with cold water. Unless I appear on TV, hindi ako naglalagay ng makapal na make-up. Exercise helps. You sweat a lot and it’s good for the skin.”

Name three women you think have nice, healthy bodies.
“Dawn Zulueta. Charlene Gonzalez. Lorna Tolentino. Mga mothers na pero marunong mag-alaga ng katawan.”

And three men…
“Piolo Pascual. Ralph is fatherly sexy. And, of course, ang anak ko, si Luis.” – Ricardo F. Lo, The Philippine Star, Aug 29 2008 (READ MORE)

Gov. Vilma Santos-Recto to receive Ulirang Artista award from PMPC


Ang Star for All Seasons at Batangas Governor na si Ms. Vilma Santos ang unanimous choice ng members and officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. ngayong taon, bilang recipient ng isang natatanging gawad—pagkilala sa isang tunay na alagad ng sining—ang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award. Every year ay ibinibigay ito ng nasabing entertainment writers’ club sa kanilang PMPC Star Awards for Movies presentation, sa nararapat tawaging “Ulirang Artista” ng Philippine show business.

Kabilang sa criteria ng Club para sa karangalang ito ay ang kanyang “outstanding body of work in film, remarkable achievements in Philippine Cinema, unquestionable credibility, impeccable reputation in the movie industry, integrity, and if she has touched the lives of the Filipino people from her humble beginnings up to her present status.” Masasabing espesyal ang pagpaparangal na ito sa multi-awarded actress na si Vilma Santos, dahil nagkataong Silver Anniversary (25 years) ngayon ng PMPC.

Just last week sa general meeting ng PMPC, may iba pang mga na-consider na mga batikan at beteranong aktor at aktres para sa Ulirang Artista Lifetime Achievement Award. At tulad ng laging nangyayari taun-taon, may demokratikong delibration among the PMPC officers and members, kung sino ang gusto nilang i-nominate. Ang pangalan na nga ni Ate Vi ang lumabas na halos unanimous choice.

Ang kauna-unahang recipient ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay si Ms. Anita Linda noong 1987. Wala pang ganitong category mula 1984, ang birth year ng PMPC Star Awards for Movies, hanggang 1986. Ang iba pang past Ulirang Artista honorees ay sina: Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Susan Roces, Ramon Revilla Sr., Armando Goyena, Boots Anson-Roa, Perla Bautista, Eddie Rodriguez, Charito Solis, Armida Siguion-Reyna, Gloria Romero, German Moreno, Chichay, Gil de Leon, Leopoldo Salcedo, Alicia Vergel, Mona Lisa, at Rosa Rosal.

Last year, ipinagkaloob ang parangal na ito (posthumous) sa namayapang actor-producer na si Rudy Fernandez. Tinanggap ito ng kanyang kapatid sa awards night sa Ateneo University Theater noong June 27, at nagkaroon ng delayed telecast sa ABS-CBN noong June 30. Last March 10 nang gabi, pagkatapos ng taping ni Governor Vi ng Deal or No Deal (last episode) sa ABS-CBN studio, personal na inabot ng ilang PMPC officers (headed by president Roldan Castro) ang formal letter informing her of the recognition.

“Wow, nakakatuwa naman ang balitang ‘yan,” masayang bungad ni Vilma, habang binabasa ang formal letter. “Pagkagaling namin sa U.S., sige, magsu-shoot na kasi kami… Kelan ba ito? ‘Wag lang Linggo please dahil di ako puwedeng ma-late sa flag ceremony sa amin (Batangas) ng Monday morning,” dagdag niya, na inoohan naman agad ng PMPC representatives at aayusin ng mga ito ang schedule, ayon sa availability ng mahusay na aktres. Tuwang-tuwa si Governor Vi sa nasabing mataas na karangalan, nag-congratulate pa siya sa grupo for its 25th year, at masayang kinumpirmang darating sa Gabi ng Parangal upang personal na tanggapin ang kanyang trophy.

“Congrats sa inyo dahil Silver na pala kayo… Yung Oscars, nakakatuwa nung napanood ko, talagang sa pagbanggit ng nominees sa major categories, in-invite nila ang past winners, di ba? Ang ganda! Talagang mararamdaman mo yung respeto sa kapwa artista nila,” comment pa ni Vilma, na tila nais nitong ipahayag na sana’y gano’n din ang respetong igawad sa mga tunay na artista sa Pilipinas, sa mga okasyong tulad nito. Sa personal na pagtanggap na yun ni Governor Vi, nagsipalakpakan pa nga ang PMPC representatives sa tuwa. Nang iparating ng PMPC sa production team headed by Director Al Quinn ang mainit na pagtanggap ni Gov. Vi sa parangal ay natuwa silang lahat.

Si Vilma Santos ay isa nang haligi ng movie industry at hindi matatawaran ang nagawa niyang mga kontribusyon sa daigdig ng pelikula. Isa siyang multi-awarded, highly-respected actress (with her string of award-winning performances and box office achievements) na pinasok din ang daigdig ng pulitika. Mula sa pagiging mayor ng Batangas ay matagumpay rin itong ibinoto ng mga Batangeño bilang kanilang Governor.

Hindi na mabilang ang mga tinaggap niyang Best Actress awards through the years. Ika nga, name it, Ate Vi has won it. Naikot na niya sa matagumpay niyang showbiz career ang halos lahat ng major award giving bodies—Gawad Urian, FAP (na ngayo’y Luna Awards), FAMAS (Hall of Famer siya as Best Actress), MMFFP, at Young Critics Circle.

For the record, sa history or honor roll ng PMPC Star Awards for Movies, si Governor Vi ang nagkamit ng pinakamaraming tropeo bilang Movie Actress of the Year (Best Actress)—a total of six (6) PMPC trophies to be exact—at isang Dekada Award as Best Actress noong nagpalit ang dekada, na iginawad din noon kina Nora Aunor at Sharon Cuneta. Ang anim na Star Awards for Movies (Best Actress) trophies na nakopo ng Star for All Seasons ay para sa Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal na Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (1998); Dekada ’70 (2002), at ang pinakahuli ay para sa Mano Po 3: My Love (2004).

Ngayong April 11 ay nakatakdang umalis si Vilma kasama ang grupo ng Star Cinema patungong U.S. upang mag-shoot ng comeback film niya (after five years), tentatively titled A Mother’s Story, directed by Olivia Lamasan. Kasama ni Vilma sa cast ang anak na si Luis Manzano at ang kasalukuyang Box-Office King John Lloyd Cruz. “One week lang muna kami sa Los Angeles para magbakasyon muna with my family. Then, April 19, punta na kami ng New York, pahinga ng 20th, at start ng shooting sa 21st. Mga three weeks kami doon,” masayang pagbabalita ni Vilma.

“So, in time pag-uwi ko sa May, makaka-attend ako… Wow, wala talaga akong masabi… Thank you, thank you talaga sa inyo!” masayang-masayang sabi ni Governor Vi. Ngayon pa lang ay inihahanda na ng produksiyon ang “special tribute” for the one and only Ms. Vilma Santos bilang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award recipient, very fitting para sa Silver Anniversary presentation ng PMPC Star Awards for Movies sa buwan ng Mayo.

As of press time, inaaayos pa kung sino-sino ang magiging hosts ng Gabi ng Parangal, pati na ang performers. Inaasahang magiging makulay at maningning na naman ang okasyong ito, na magkakaroon rin ng delayed telecast sa telebisyon. Lalo itong magnininging sa pagdalo ni Governor Vilma Santos-Recto. – Mell T. Navarro, PEP, March 13, 2009 (READ MORE)

Emmanuel H. Borlaza’s Vilma Santos Films (Videos) 2/2


204 films, 70 directors, 5 decades, Vilma Santos, one of the original Philippine movie queens, rose up to become the versatile actress that has been given the fitting title of “Star for All Seasons” because of her capacity to adapt to the changing mores and values of the Filipino woman, giving a face to their plight and struggles, albeit in success both critically and box-office wise in some of Philippine cinema’s classics such as Trudis Liit (1963), Lipad, Darna, Lipad (1973), Burlesk Queen (1977), Relasyon (1982), Sister Stella L. (1984), Alyas Baby Tsina (1984), Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Anak (2000) and Dekada ’70 (2002). This are top ten directors who contributed to her success. – RV (READ MORE)

His films lack the arthouse style and social relevance that critics loves most in a Brocka or Bernal films but who cares about the critics when the paying public loves them. And the producers demand his service, from Doc Perez of Sampaguita Pictures, Atty. Esperidion Laxa of Tagalog Ilang Ilang Productions and later on, Vic Del Rosario of Viva Films and Lily Monteverde of Regal Films. Clearly, his films exists with one purpose, to entertain the masses not to depress or remind them with the country’s sad fate of economy or the below poverty line lives of many. The success of the Vilma-Borlaza films gave Vilma Santos versatility and preparation to a more serious acting career. It also narrowed the popularity gap between her and the musical era’s darling of the 70s, Nora Aunor. These are perhaps, the most significant contributions of Emmanuel Borlaza to Vilma’s career. Vilma who was considered only second to Nora couldn’t matched her singing talent and so, Borlaza countered this lack of singing with films that showcased Vilma’s acting versatility.

From the folklore mermaid in Dyesebel at ang Mahiwagang Kabibe to fighting giants in Darna and the Giants to a fast-talker-gossip-mongering vendor in Tsismosang Tindera and to good-hearted prostitutes in Mga Rosas sa Putikan, Borlaza let Vilma Santos experience a wide range of roles, from comedic fantasy to dramatic adult roles. These experiments prepared her to a later more serious and versatile acting career. Their success made other directors interested in giving her roles oftenly considered for her closest rivals. Projects lined up and awaits her availability. Borlaza and Santos’ collaboration produced a string of box office hits from early 70s’ Dama De Noche to their last outing in late 80s’ Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas. Their success established their career as one of the most bankable and in-demand director/actor team, making her the longest reighning box office queen of all time and him a money maker director.

When time for Vilma to moved on with other collaborators, Borlaza handled other stars with much success! He directed Alma Moreno in smash hit, Eva Fonda 16; Sharon Cuneta in her memorable rag to riches films, Bituin Walang Ningning and Bukas Luluhod Ang Mga Tala; Snooky Serna in her fantasy hit, Blusang Itim and Marecel Soriano as the spoiled brat in Yesterday Today and Tomorrow. These films gave us some of the most memorable movie lines that most Filipinos would still remember like Cherie Gil’s campy dialouge: “You’re Nothing but second rate Trying hard, Copy Cat!” or Sharon’s promise of revenge: “pinapangako ko inay…bukas luluhod ang mga tala! (I’ll promise you mother, tommorow the stars will kneel down, something to that effect, litterally.)” – RV (READ MORE)

Emmanuel H. Borlaza aka Maning Borlaza is a 1957 Palanca Awardee for “May Pangako ang Bukas” and theaterical drama trained by National Artist Severino Montano. Appointed by Pres. Noy Aquino as Movie and Television Review and Classifications Board (MTRCB) Vice Chairman this year, Borlaza directed 24 films with Vilma Santos and was credited with her transformation to a reluctant singing competitor of Nora Aunor to bankable superstar with such hits like Dyesebel, Lipad Darna Lipad, Darna and the Giants. – IMDB (READ MORE)

Related Reading
1st shooting day ng Darna and the Giants
Pelikula ATBP: Darna and the Giants (1973)
Borlaza: It’s payback time! Author: Bibsy M. Carballo
Remembering ‘Bituing Walang Ningning
Film director Emmanuel Borlaza appointed as vice-chairman of the MTRCB
Top 10 Film Directors (Video)

Lino Brocka’s Vilma Santos Films

This slideshow requires JavaScript.

204 films, 70 directors, 5 decades, Vilma Santos, one of the original Philippine movie queens, rose up to become the versatile actress that has been given the fitting title of “Star for All Seasons” because of her capacity to adapt to the changing mores and values of the Filipino woman, giving a face to their plight and struggles, albeit in success both critically and box-office wise in some of Philippine cinema’s classics such as Trudis Liit (1963), Lipad, Darna, Lipad (1973), Burlesk Queen (1977), Relasyon (1982), Sister Stella L. (1984), Alyas Baby Tsina (1984), Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Anak (2000) and Dekada ’70 (2002). This are top ten directors who contributed to her success. – RV (READ MORE)

Brocka gave Vilma one of the most controversial film after “Burlesk Queen,” her milestone role as a rape victim in 1978′s “Rubia Servios.” The film failed to secure Vilma the local festival’s best performer award after so much speculations despite this, the film was a big hit. Brocka will direct Vi two more times, “Adultery” in 1984 and “Hahamakin Kita” in 1990, a year before his untimely death in May 21, 1991. – RV (READ MORE)

Rubia Servios (1978) – “…Rubia Servios, on the other hand, does not dilute the message. Willy (Phillip Salvador), the son of a powerful and wealthy figure, is portrayed as totally evil, devoid of any redeeming quality. To screenwriter Mario O’Hara and director Lino Brocka, the province is the same as the city. Rubia Servios (Vilma Santos) is raped both in the city and in the country. Rubia kills Willy in the country. Violence unites all places. It is the “unity” of conception, scripting, design, and direction, in fact, that Rubia Servios is superior to Atsay. Lino Brocka does not waste shots in his attempt to create a Filipino classical tragedy. He subordinates everything to the building up of one emotion in the viewer, that of hatred of Willy. So despicable does Willy become at the end that, when he is murdered by Rubia, no viewer can say that Rubia is at fault. And yet, morally speaking, no one is allowed to take the law into his own hands. The law, in fact, put Willy in prison for the first rape. There is no reason to think that the law will not put Willy to death for the second rape. By conditioning the reader to condone Rubia’s revenge, Brocka succeeds in questioning one of our deeply rooted moral beliefs. The unity that characterizes Rubia Servios contrasts sharply with the tendency of Eddie Garcia in Atsay to exploit Vitug’s versatility even at the expense of tightness. There are shots in Atsay, for example, which could easily be cut without hurting the film’s integrity. Even the train sequence, one of the best sequences in Atsay, is far too long. Rubia Servios is Lino Brocka’s film; Atsay is Romeo Vitug’s. Nora does an excellent acting job; but so does Vilma Santos, and Rubia is a much more demanding and difficult role…” – Isagani Cruz (READ MORE)

Adultery (Aida Macaraeg Case No. 7892) (1984) – “…Napakahusay ni Vilma sa mga eksenang nagngingitngit siya sa mga kapatid niya sa pagkawala ng uniporme o muling pagbubuntis ng mga ito. You can really feel the sense of rage, and futility that she is experiencing. Pero maging sa iba pang quiet scenes ay mahusay rin siya, o kaya y maging doon sa eksenang muntik na siyang mabuko ni Mario, at nang magkomprontasyon na sila ni Phillip. Pero, sa tingin namin, mas lumutang si Phillip sa pelikulang ito at tiyak na in the running na naman siya for best actor next year. Kung minsan ay mata lamang ang kanyang pinaaarte at wala siyang dialogue (like nang mabasa niyang nakunan si Aida o nang makita niya itong sinasalubong si Mario sa gate). Very touching din ang final scene na tinanong siya ni Vi: “Ano ng nangyari sa ‘tin?” At sumagot siya ng: “Huwag mo nang itanong. Baka mas masakit kung malaman natin ang sagot.” Maraming iba pang magagandang touches ang pelikula, tulad ng pagdalaw ng mga babaing taga-block rosary kina Aida at ang sagutan sa court scenes…” – Mario E. Bautista (READ MORE)

Hahamakin lahat (1990) – “…Brocka did Hahamakin Lahat (1990) for Regal Films. This was his third movie with Vilma Santos. The role called for Vilma to be dark, daring and innovative, a complete deviation from characters usually portrayed by the sweet-faced Star for All Seasons. It showed a heroine entering into a marriage of convenience with a ruthless, scheming mayor, a character Brocka created to expose the hypocrisy and corruption of society…” – Paul Mata and F. Caagusan (READ MORE)

Lino Brocka Catalino Ortiz Brocka (April 3, 1939–May 21, 1991), director for film and broadcast arts, espoused the term “freedom of expression” in the Philippine Constitution. Brocka took his social activist spirit to the screen leaving behind 66 films which breathed life and hope for the marginalized sectors of society — slumdwellers, prostitute, construction workers, etc. He also directed for theater with equal zeal and served in organizations that offer alternative visions, like the Philippine Educational Theater Association (PETA) and the Concerned Artists of the Philippines (CAP). At the same time, he garnered awards and recognition from institutions like the CCP, FAMAS, TOYM, and Cannes Film Festival. Brocka has left behind his masterpieces, bequeathing to our country a heritage of cinematic harvest; a bounty of stunning images, memorable conversations that speak volumes on love,betrayal and redemption, pestilence and plenty all pointing towards the recovery and rediscovery of our nation. To name a few, Brocka’s films include the following: “Santiago” (1970), “Wanted: Perfect Mother” (1970), “Tubog sa Ginto” (1971), “Stardoom” (1971), “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” (1974), “Maynila: Sa Kuko ng Liwanag” (1975), “Insiang” (1976), “Jaguar” (1979), “Bona” (1980), “Macho Dancer” (1989), “Orapronobis” (1989), “Makiusap Ka sa Diyos” (1991) (NCCA.gov.ph). On May 21, 1991 Brocka met an untimely death in a car accident in Quezon City, Metro Manila. In 1997 he was given the posthumous distinction of National Artist for Film – Wikipedia (READ MORE)

Related Reading

Maryo De Los Reyes’ Vilma Santos Films

This slideshow requires JavaScript.

204 films, 70 directors, 5 decades, Vilma Santos, one of the original Philippine movie queens, rose up to become the versatile actress that has been given the fitting title of “Star for All Seasons” because of her capacity to adapt to the changing mores and values of the Filipino woman, giving a face to their plight and struggles, albeit in success both critically and box-office wise in some of Philippine cinema’s classics such as Trudis Liit (1963), Lipad, Darna, Lipad (1973), Burlesk Queen (1977), Relasyon (1982), Sister Stella L. (1984), Alyas Baby Tsina (1984), Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Anak (2000) and Dekada ’70 (2002). This are top ten directors who contributed to her success. – RV (READ MORE)

In 1987, Maryo De Los Reyes directed Vilma Santos that critics considered one of the most shocking film that year, “Tagos Ng Dugo.”  The film was hailed as feminist as seldom a Filipino woman was seen on screen as a murderous serial killer.  It earned Vilma Santos her fourth FAMAS Best Actress.  Ironically, the conservative Catholic church’s award giving body, Catholic Mass Media Awards, agreed with the FAMAS.  They gave Vi their Best Actress award while the critics’ group, Gawad Urian refused to hand-out their yearly award citing there were no deserving films that year.  Reyes last directed Vilma in another memorable off-beat role, the 1992 drama, “Sinungaling Mong Puso.” – RV (READ MORE)

Tagos ng Dugo (1987) – “…A breakthrough for Philippine psychological movies? Probably. Let me explore a few other angles on this seeming cross between Francois Truffaut’s The Bride Wore Black and Luis Buñuel’s Belle du Jour — I don’t know if screenwriter Jake Tordesillas or De los Reyes himself should be congratulated for the cohesion of multi-resultants in this work. Part of this multi-readings would be the movie as a feminist take on womankind’s monthly pains as a form of excuse for female monthly insanities, insanities our machos regard as regular terrorism on the whole of mankind (men or society as a whole). It is with that reading that the ending apologies, by Vilma Santos in the lead role, might be understood as a plea for understanding of how all of woman’s monthly Eve-behavior should not be seen as a Biblical sin but as an equal (to, say, men’s beastly) naturalness. . . . Another feminist reading, more radical perhaps, would treat the film as a view of how Philippine society (the men in it, primarily) approaches provincial innocence, educational weakness, and “females’ weaker sanity” as stimuli for abuse… There is, however, the possibly more general reading of the film as an apologia for insanity qua itself, how it should be treated as a disease instead of as a monster to be eliminated….” – Vicente-Ignacio S. de Veyra (READ MORE)

Sinungaling Mong Puso (1992) – “…Magaling sina Aga Muhlach at Vilma Santos bilang nagtatagong magkasintahan. Lutang na lutang ang pag-arte ng dalawa at nakakatuwa sila sa kanilang mga eksena na nagtatagpo ng palihim tulad ng mag-kita sila sa department store. Dumating si Vilma at hinahanap niya si Aga, hindi nya makita ito hanggang sa mamataan niya ang binata na nakaupo sa may display area. Kinindatan ni Jason si Clara at napatawa na lang ang babae. Mararamdaman mo ang excitement ng mga pagkikitang ito. Nang mahuli ni Ana ang asawa at mag-iskandalo ito, nang umalis na ang asawa at balikan ni Jason si Clara sa loob ng apartment, makikita sa mukha ni Vilma ang pagtatapos ng kanilang affair. Ang sabi niya: “ Hinintay lang kita, gusto kong maghiwalay tayo ng maayos…” Bukod sa maraming eksena na lutang na lutang ang pag-arte ni Vilma marahil ang pinaka-memorable ay ang eksena kung saan binaril ni Vilma si Gabby at sabihin niya ang line na: “mamatay kang kasama ng mga baboy mo…” ito ang pagpapatunay na talagang napakahusay niyang artista.” – RV (READ MORE)

Maryo J. de los Reyes is a film and television director from the Philippines. He began his career in the 1970s. – Wikipedia (READ MORE)

Related Reading