Mga “Kakuwanan” ni Vil sa Bahay

This slideshow requires JavaScript.

Dalagang-dalaga na si Vi. Dyan. Maging sa kilos ay hindi na sugar n spice in everythin’ nice. Deliciously adult na. Ngunit, seems na hindi niya completely ma-shake-off ang teenage kakuwanan niya. Kahit anong pilit niya, they always come back. Kaya’t sa kanila, madalas ay napapakamot na lang ng ulo ang mga kasambahay niya. For instance, kung minsa’y magigising si Vi ng ala-5 ng umaga (What an unholy hour!). Ang gagawin pupunta sa kusina at maghahanap na kung ano ang puwede niyang lutuin. (Yup, luvs, yes read right.) O kundin man magluluto, basta’t mag-iimbento siya ng putahe. Tulad ng minsan, Mommy, kabukas-bukas ko ng refrigerator, I saw mga naging mansanas, papaya, avocado. Sabi ko kay Marie (Balbacui) na ilabas lahat. Maya-maya, hiniwa-hiwa na namin ang fruits. ‘Tapos pinakuha ko ang mayonaise, leche condensada. Siya. Pinaghalo-halo ko na! Then ibinalik ko sa refrigerator. After one hour, sabi ko’y tamang-tama nang kainin. Tinikman ko, aba’y may nalasa ba naman akong mapait-pait. Alam mo bang ano iyon? ‘Yun pala, hindi natalupan ang avocado! Patay! Speaking of the refrigerator, kahit na si Vi ang nagbukas nito, pagdating niya mula sa trabaho, bago siya matulog at basta nasa bahay siya every now and then ay ginagawa niya ito. Wala namang purpose. Basta’t sisilip lang sa loob!

At si Vi basta’t kumakain lalo na kung naka-kamay, panay ang back sa mga daliri niya. Para bang ang lahat ng kinakai’y licking’ good. At sa pagdila niya sa mga daliri, laging kalingkingan ang inuuna. It is always that way. At si Vi, basta’t ganado sa kinakain, kausapin mo nang kausapin, no pansin ka. Para bang ang concentration niya’y nasa pagkaing lahat. Lalo na’t kung butong pagkuwan. Nakakaubos siya nito ng isang supot. Kulay suka na ang labi, arya pa rin ng kukot ng butong pakuwan. Let’s say naman na mula 10 piyem hanggang alas-3 ng umaga’y nakatulog na si Vi. Babangon iyan, magso-shorts at skipper at lalabas ng bahay, maglalakad na sa paligid-ligid ng kanilang bahay. After one hour, uwi siya uli, suot uli ng pajama at bagsak uli sa kama. Maya-maya, tulog na. Parang walang anumang ginawa. May gabi pa si Vi na laging inaabangan ng mga kasama sa bahay na gawin niya. At kung hindi gawin nito, dissapointed sila. Iyon bang bago umalis, lahat ng salamin ay daraanan at sisilip doon. Hindi para manalamin lang. Basta’t naging habit na niya iyon. Oh yes, luvs. Palagay nating sinumpong si Vi na magluto (o mag-concot ng anumang makakain…niya), at magma-manjong o magbibinggo o anuman ang ilang kasambahay niya, ipatatanong kung gusto ng mga itong matikman ang kanyang lulutuin. At pag hindi pinansin ang pagtatanong niya ay siya…pag nakaluto na siya at saka the group voice their desire na sampolin ang niluto ni Vi…sorry na lang. Hindi na sila patitikman. Iirapan pa niya ang grupo. Dalaga na nga si Vi. Ngunit, hindi pa rin niya maiwawaksi ang ilang teenage kakuwanan niya. Maybe, that’s why she looks as young as always. – Cleo Cruz, Bulaklak, No. 164, 21 Aug 1974

Cleo Cruz was Vilma Santos’ publicist in the early part of her movie career. Vi normally calls her, “Mommy” or Mommy Cleo. Now retired from entertainment journalism, Cleo Cruz is reportedly now living in the United States. She referred Vi’s followers in many of her columns and articles as “Luvs.” – RV

Araw-araw, Alive ang Bahay nina Vi

Naku, Mommy! Totoong nakakapagod! Pero happy naman ako. Iyan ang sabi ni Vi nang minsang magcomment ako tungkol sa sitwasyon nila ngayon ni sa bahay na nilipatan sa Bel Air, Makati. Buhat nang malipat kasi sila roon, araw-araw ay lagi silang may bisita. Parang laging may party roon, bagama’t wala ng usual trappings ng isang party. Its just that the house never seems to sleep. Ano’t nagkagayon ngayon kina Vi? -Well, baka sabi nila’y free to accept visitors na ako, -biro ni Vi. Biro lang sa ganang kay Vi. But many are saying that, that is the reason nga. Wala na silang inaalala ngayon. Light-hearted na silang nakakapasyal doon. Ang mga bumibisita ngayon kay Vi ay mga kaibigan nito. Ilan na’y sina Manny de Leon, Zaldy Zshornack, Ike Lozada, Divina Valencia, Annabelle Rama at marami pang colleagues niya sa showbiz. Siyempre, may ilan ding chess ang pakay. Tulad ni Jojit Paredes at ni Les McCoy. Ang dalawang ito’y higit na malimit ang pagdalaw kay Vi. Ang Americano, basta’t may pagkakataon, kahit sa Clark Field siya magmumula, ay hindi sagabal at dadalaw kay Vi. Marami na ring movie press people na dumalaw kay Vi. And boy! Always fun sila basta’t naruon. Nagi-stay in pa. Nagsu-swimming, nakikupagkuwntuhan, etc. And they are always weelcomed.

Tulad nang nasabi ni Vi, happy naman siya’t pinapasyalan siya ng kayang friends. Kahit pagod sa trabaho, very accomodating siya. Love ko ang mga tao. Lalo na’t mga kaibigan ko. Anumang pagod ko’y nawawala kung makapiling ko sila. Of course, hula rin nami’y ang ibang nagpapasyal doon, bukod sa pagdalaw kay Vi, ay para magusyoso rin ang bahay na nilipatan nito. Ang always, hanga sila sa bahay. Ganda kasi, malaki pa. At mababait ang mga taong nakatira roon. Very hospitable. Ganyang talaga ang Santos family saan man sila mapadako. But kung alive man lagi ang Santos household doon, hindi naman madalas. Happy vibrations lang ang mapupuna. Laging bright ang atmosphere. Lalo na’t kung naroon sina Vi at Mama Santos. Natutuwa naman ako’t nakikita kong masaya ngayon si Vi. Di mo ba napapansing lagi siyang lively ngayon? Parang wala nang problema. Madalas ko ngang tinutukan ng: Aba, kumare! Nagagalak nga ako’t nasisiyahan sila sa pagdalaw sa amin. At sa ganang akin, they always welcome here. Mga kaibigan namin sila. Yep, luvs! Halos araw-araw nga’y may bisita sina Vi sa Bel Air. Kasi, it is a happy place. It is not a house, it is a home. – Cleo Cruz, Bulaklak, No. 164, 21 Aug 1974

Cleo Cruz was Vilma Santos’ publicist in the early part of her movie career. Vi normally calls her, “Mommy” or Mommy Cleo. Now retired from entertainment journalism, Cleo Cruz is reportedly now living in the United States. She referred Vi’s followers in many of her columns and articles as “Luvs.” – RV

Ang Pinakamahirap na Pelikula ni Vilma!

Sa paggawa ng pelikula, kung maringgan man ng pagdaing si Vilma Santos ay bihirang-bihira. Nangyayari lang ito kung ipagpalagay nating siya’y may dinaramdam, hapong-hapo at talagang hindi na makaya ng katawang humarap sa kamera kahit ibigin niya. Gayon man, kung nagkataong napakahalaga ng eksena at kinakailangang gawin niya, kahit anong sama ng pakiramdam niya’y humaharap siya sa kamera. At sa pagtungo niya sa set o location, lagi siyang nasa oras. Kung maatraso ma’y saglit lang. Ganyan ka-professional si Vilma Santos. Ngunit sa Lipad, Darna, Lipad ay dumaraing siya. Hindi sa hindi siya enjoy gawin ito. Ang tutoo’y sa pelikulang ito lang siya na-involved. Ibig na niyang matapos na ito’t makita ang pinagpaguran niya. Talaga palang mahirap gumawa ng costume picture. Lalo pa’t kung tulad nito! Una, ang naging suliranin namin ay ang Darna Costume ko. Kasi, kinakailangang maging maliksi ang kilos ko bilang Darna, kaya kailangang alisin na ang padding. Kaso nga, lilitaw naman ang malaking bahagi ng aking katawan. Mabuti na lang at sumang-ayon ang aking fans.

“Pangalawa, nag-aalala ako sa mga eksenang bakbakan namin nina Gloria Romero, Celia Rodriguez, Liza Lorena. Kasi, baka masaktan ko sila nang di sinasadya. “Ang pangatlo ay ang likas na pagkatakot ko…sa mga ahas. Kasi, may bahagi roong tungkol sa Babaing Ahas, si Valentina. Dito, laging kinakailangan ang ahas sa mga eksena. Mga sari-saring ahas. Maliliit at malalaki. At makamandag! “Ang pinakamahirap sa lahat ay ang pagsu-shooting. Kailangan naming tapusin ito anuman ang mangyari. Kaya nasasagap ko ang lamig ng gabi at init ng araw. At ang suot ko nga’y labas ang malaking bahagi ng katawa! At alam n’yo namang kailan lang ay na-ospital ako dahil sa respiratory defects! Ito ang mga daing ni Vilma Santos sa pinakamahirap niyang pelikula, ang Lipad, Darna, Lipad. Ngunit mahihinuha naman ninyo na ang pagdaing niya’y parang palalambing lang. Dinaraan pa nga niyang lahat sa biro. Pagka’t ang tutoo, mahal na mahal niya ang pelikulang ito. Dahil ito nga ang pinaka-mahirap. At sa isang artista, kung alin ang pinakamahirap ay siya namang pinakamasarap! – Cleo Cruz, Love Story Illustrated Weekly Magazine, No. 78, 23 Mar 1973

Cleo Cruz was Vilma Santos’ publicist in the early part of her movie career. Vi normally calls her, “Mommy” or Mommy Cleo. Now retired from entertainment journalism, Cleo Cruz is reportedly now living in the United States. She referred Vi’s followers in many of her columns and articles as “Luvs.” – RV

Higit Ngayon Ang Responsibilities ni Vi

Ngayong masasabing kay Vi lahat nakatutok ang mga mata ng mga taong nagbabasa sa local showbiz world. At marahil gayon din ang mga nasa labas nito…ang kanyang hindi mabilang na fans at ang mga movie public. Pagka’t bukod sa pagiging isang aktress, isa na ring movie producer si Vi. Nakikiramdam ang mga naturan kung mahusay niyang magampanan ang dalawang papel na ito ngayon. Bilang aktres, ang paglabas ni Vi sa Mga Rosas Sa Putikan, na isang movie production ng kanyang kompanya ay isa ring puntos ng interes para sa mga naturan. Pagka’t dito’y maiiba sa dating uring role ang ginagampanan ni Vi. Magsisilbing tunay na hamon sa career niya. Dito kasi’y gagawa si Vi ng mga eksenang hindi niya ginagawa-gawa sa pelikula. Sa Mga Rosas mababatid kong maiibigan ng movie public at ng mga fans niya in particular ang gagawin niya o hindi. Kung ipagpapatuloy niya ito o hindi, kaya ang mahalagang katanungang malikha tungkol dito ay “tanggapin kaya ang pagbabago” (na marami ring nagsasabing pagpapaunlad sa kanyang career na panahon na niyang gawin( ng kanyang image?” Ang isa pang interesadong malaman ng publiko’y ang tungkol sa unang movie production niya, ang Mga Rosas Sa Putikan nga.

Hindi kaila kasi sa mga ito na maraming pumapasok sa movie making business na sa unang produksiyon pa lang ay bagsak na agad. Hindi kasi kumuwela ito. Bagama’t nakakahigit mang malaki ang nagsasabing ki-click ang Mga Rosas, kahit paano’y naroon pa rin ang katanungang, “Mag-click kaya ang first movie productions nina Vi!” Ngunit ang katanungang ganito’y pangkaraniwan sa showbiz. People in and out of the showbiz world will always wonder if a movie will be a hit or not in the box office. Kaya’t higit ngayong marahil ang responsibilities ni Vi hindi lang sa kanyang sarili kungdi sa kanya ring fans, the movie public, sa mga mahal niya sa buhay, sa mga kaibigan, at sa local showbiz industry. Wala nang hangarin si Vi sa pagiging aktres n’ya. She has more than proven herself in this. Ngunit, masasabing mayroon din naman. Pagka’t sa pagpasok niya sa movie productions, hindi niya dapat payagang mabawasan ang ningning ng kanyang nakakasilaw na katayuan bilang isang artista. She owes this much to her countless followers. At bilang aktres ay nararapat niya ring ibuhos ang kanyang lahat sa unang produksiyon niya kung saan siya rin ang pangunahing bituin. – Cleo Cruz, Darna, No. 304, 30 Aug 1974

Cleo Cruz was Vilma Santos’ publicist in the early part of her movie career. Vi normally calls her, “Mommy” or Mommy Cleo. Now retired from entertainment journalism, Cleo Cruz is reportedly living in the United States. She referred Vi’s followers in many of her columns and articles as “Luvs.” – RV

In Appreciation of Writers

Here are some personality in some way have been defending Vilma in the past and

Cleo Cruz

“…Pero sa totoo lang, sa kanilang tatlo, si Cleo Cruz lang ang masasabi kong trusted at loyal kay Vi dahil si Cleo ay hindi nagsusulat ng mga negative write-ups kay Vi. Si Cleo ay asawa ng isa ring writer/reporter na si Chito Mimije (isa rin sa mga tagapagtanggol ni Vi). Nang pumanaw si Chito ay nangibang bansa na lang si Cleo at iniwan na ang Pilipinas…” – Alfonso Valencia (READ MORE)

“…I think mommy Cleo, as Ate Vi calls her, is in Los Angeles. I read an article that Mario Bautista wrote a few years ago that he attended a wedding in Los Angeles and Cleo Cruz was there. If I am not mistaken she still gets in touch with mommy Santos in Los Angeles. Cleo Cruz was married to the late brother of the movie scribe Chit Ramos. Cleo was the P.R.O. of Ate Vi in the 70’s and 80’s. I remember reading her column Vilma Variety in Bulaklak at Paru-Paro Magazine. The column for Ms. Aunor was written by Baby K. Jimenez. There was a time when Cleo Cruz and Baby K. Jimenez had a series of heated argument in their columns on who is the real queen of the Philippine movies. It stemmed from the fact that at that time Ate Vi was being called as the Takilya Queen by the press. Now we know who is the real and longest reigning queen Vilma!…” – Fr. J Gutierrez (READ MORE)

Babette Villaruel

“…Sosyal! Si Babette naman ay nagkaroon ng Sunday noontime show sa Channel 13, kasama si OMB Chairman Edu Manzano na pinamagatang Sunday Special Iba Ito. Sino ang makakalimot sa kanyang portion na may pamagat na “Say, Say, Say” sa nasabing programa na tuwing papatugtugin ito ay kinakalog niya ang ulo niya. Si Babette ay best friend ni German Moreno at noong nagkaroon sila ng hidwaan ay palaging sinasabi ni Babette na nagtitirik siya ng kandilang itim. Pero bago pumanaw si Babette ay nagkabati din sila ni Kuya Germs. Nasaan na kaya ang mga koleksiyones niya na “PH” ng mga artistang lalaki? Samantala, ang kontrobersiyal talent manager na si Alfie ay nagkaroon ng radio program sa DZBB na pinamagatang “What Is All About Alfie?” Nagkaroon din siya ng mga tv talk shows katulad ng Rumors, Facts & Humor kasama si Janice Jurado, Troika kasama sina Oskee Salazar at Billy Balbastro at yung isa ding tv talk show sa ABS CBN 2 kasama sina Edu Manzano at Cristy Fermin na katapat ng Startalk sa GMA 7…” – Alfonso Valencia (READ MORE)

“…I am thinking, what could be more “kabastusan” than showing a funeral cortege as a PIP ( Picture in Picture) in a noontime game show, full of gyrating dancers and contestants jumping and up and down, audience cheering and clapping? What was ABS-CBN’s motivation to do this? I can only think of one reason; TV rating – hitting two birds with one stone, so that viewers need not switch channels. In short, you’re “entertained” by both events by a single channel. I am reminded of a light hearted statement made by the late movie reporter Babette Villaruel when asked about the funeral of his deceased father “ Okay naman ho. Successful naman yung burol niya”. Clearly, he was adding a showbiz twist to the event, in levity of course….” – BW (READ MORE)

“…Catch a flashback of an evening of confidences written for a column on Jan. 5, 1989. It was an interesting mix to start with. Babette Villaruel, Mama Monchang, Bong de Leon and Mar Cornes hugging a corner of that magnificent garden at Forbes Park. We have come a long way, baby, since that time we all enjoyed the highlights of Aling Maring’s merienda at El Oro. But the elegant domain in this conclave of the rich is owned by banker Danny Dolor, a friend of Ronald Constantino, whose birthday was the reason for that evening of fun. It also turned out to be an evening of confidential declaration. June Torrejon, who has dropped Rufino from her name, was happy to note that her children will not have a half-brother or sister since Nena V. disclosed that during a religious confrontation, the real father came out in a confession while he was getting married to another one. If you find this had to follow, so do I. But the most incredible things happen in showbiz and this is one of those. “It was an answer from above,” June said. “He knows how to take care of his children.” The talk that night also centered on other separations, like that of Inday Badiday and Gene Palomo and as usual with such embellishment to make light of the situation…

…Vilma Santos, looking as stunningly beautiful as you see her on TV, sat at our table. Which turned the talk now to Edu Manzano and current love Maricel Soriano. Details were again embellished, some outrageously so just for fun. Maricel is a great cook, someone said looking at Vi, now the butt of all jokes. “Perhaps he left because you never cooked for him!” “But I don’t know how to cook!” Vilma laughed. But I learned some recipes from my mother-in-law.” Our table decided to form the Edu-Vilma movement with Edu’s mom Mrs. Manzano as president and June as vice president. Vilma is their favorite but Vilma herself just flashed her Mona Lisa smile. Danny Dolor’s home sits on top of a knoll this side of Forbes. It is one of those houses with an open façade, giving it a more welcoming atmosphere than the usual high walls. At our corner table, gossip was the main menu. June consulted her lawyer to sue a starlet saying nasty things in print about her when the starlet became close to Randy Rufino. Vilma was the only actress at our table of movie writers which included Bibsy Carballo, Romy Vitug, Ethel Ramos, Letty Celi, Nena V. , Ricky Lo, Nestor Cuartero and Babette. “Oh Vi, don’t write about this, ha!” Now: March 26, 2010: Vilma is happily married to Ralph Recto who is running for the Senate. She is the very popular governor of Batangas. Her son with Edu, Lucky Manzano, is now a popular actor and TV host. Edu, who has moved on to other loves after Maricel, has become a popular TV host. He is running for vice president of the Philippines under the administration party. Babette Villaruel, Nena V. , Mar Cornes and Mama Monchang are dead. June and Randy are now friends but still separated…” – The Philippine Star (READ MORE)

Alfie Lorenzo

Alfie Lorenzo – “…Alfie interviewed Nora who professed her still lingering passion for Manny de Leon. Again it was duly reported by Alfie. Again he was belied, this time by Nora Aunor. This twin denials did not deter Alfie from pursuing a more rabid reporting stance. Now with the Vilma-Bobot group, he would rake coals and embers and fan the escalating Nora-Vilma war. Gradually the Nora-Vilma fight settled into a more subdued form of rivalry. From proing for movie stars, Alfie Lorenzo teamed up with the members of what would eventually be the Laperal Mafia and the Ligaya Brotherhood (or Sisterhood, whichever the case maybe) and went into proing for movie companies – Sine Pilipino, Juan de la Cruz, Lyra Ventures – moving into Regal where he is more or less a fixture. Before latching on to these companies, Alfie and Douglas ventured into movie production coordinating for a freelance producer and came up with forgettable movie called, “Wild, Wild Pussycat.” “Lahat kaming malas nagsama-sama sa Sine Pilipino. Elwood directed “Blue Boy,” flop. Joey directed for Tower, flop, buti na lang kumuwela si Vilma.” remembers Alfie. At Sine Pilipino, Vilma Santos finally made the big leap to superstardom then held solely by the dark girl from Iriga. With a couple of hits which raked in the box-office, Sine Pilipino was able to establish the careers of Joey Gosiengfiao, Elwood Perez, and even when Sine Pilipino went under because of what has been reported as faulty management, Alfie managed to breast the waves of bankruptcy and the board of censors’ ire to stay in business as a movie writer-pro-columnist-manager. At Lyra Ventures, Alfie was part of the project-makers of “Uhaw” parts I and II, the scenes of which caused a turnover in the board of censors. Today, Alfie Lorenzo’s cheek and guts have taken him around the world in pursuit of his own star. Managing of being pro for stars like Vilma Santos, Charito Solis, Al Tantay, Cherie Gil, Mark Gil and Dante Rivero has made Alfie more or less an indispensable fixture in the movie scene…” – TV Times, 27 April – May 3 1980

“…Noong dekada ’80 ay naging manager si Alfie ng Liberty Boys na kinabibilangan nina Rey “PJ” Abellana, Edgar Mande at Lito Pimentel to name a few. Liberty Boys ang itinawag sa kanila dahil nakatira sila sa Liberty Avenue, Murphy, Cubao, Quezon City. Si PJ ay naging manugang ni Ms. Delia Razon at ang anak niya ay si Carla Abellana, ang Rosalinda. Si Edgar naman ay nakasama ni Vi sa pelikulang Relaks Ka Lang Sagot Kita samantalang si Lito ay nakasama ni Vi sa mga pelikulang Broken Marriage at Tagos Ng Dugo. Sa mga Liberty Boys, tanging si Lito lang nagkaroon ng acting award. Siya ang best supporting actor ng Urian noong 1988 para sa pelikulang Kapag Napagod Ang Puso. Noong huling bahagi ng dekada ’80 na nauso ang mga musical variety show katulad ng The Sharon Cuneta Show ni Sharon Cuneta, Maria Maria ni Maricel Soriano, Always Snooky ni Snooky Serna, Loveliness ni Alma Moreno, Superstar ni Nora Aunor, Tonight with Dick & Carmi nina Roderick Paulate at Carmi Martin at Vilma ni Vilma Santos ay naging PRO si Alfie ng Loveliness. Nang mga panahong ito ay galit na galit si Alfie sa executive producer ng Vilma Show na si Chit Guerrero. Pati si Vilma ay nadadamay sa mga galit niya kay Chit. Talagang personal na ang banat niya kay Vilma. Posible kayang ang dahilan ng galit niya eh dahil hindi man lang makaangat ang Loveliness sa Vilma Show sa dami ng commercials, production numbers, guests at higit sa lahat ay rating? Ang Vilma Show ay palaging numero uno, walang makaabante maging ang sinasabi nilang longest-running musical variety show na Superstar. Si Vilma ang highest paid tv star at ang Vilma Show ang tinaguriang Central Bank ng GMA 7…” – Alfonso Valencia (READ MORE)

“…Apparently, the two haven’t been on speaking terms ever since Vilma supposedly failed to meet up with him in New York while she was shooting the movie In My Life last summer. The controversial talent manager wrote at least two angry blog posts about Vilma having forgotten their friendship (plus loads of shocking allegations) which, he claimed, dates all the way back to the ‘70s. Despite the malicious remarks in the articles, Vilma kept her silence on the issue, stating that she and Alfie would surely mend their differences when the right time comes. “Hindi, si Alfie, aminin naman natin…nung bata ako kasama ko naman ‘yan, sa totoo lang. It’s just a matter of miscommunication…True to the title of her special A Woman of All Seasons, Vilma refused to take offense and kept her side open for reconciliation with the ever-feisty talent manager. “Naiintindihan ko si Alfie. Baka hinanap niya yung nagtravel kami nila Manay Ethel (Ramos) sa Amsterdam, Pinay American Style… Hindi lang siguro na-ano ni Alfie. But still, sa pinagsamahan namin, sinabi ko sa mga Vilmanians, ‘Huwag kayo sasagot. ‘Pag ako may narinig sa inyo…’ Kasi that’s out of respect for Alfie. ‘Kahit pinakagrabe na yung tinira ako talaga, walang sasagot.’ Kahit yung [fans ko na] taga-New York [hindi na nagsalita tungkol dun]. Nagtampo lang yun (Alfie),” she graciously stated…” – Rachelle Siazon (READ MORE)

Ricky Lo

“…Ricardo F. Lo, the very first movie writer who interviewed me when I was 12 pa lang yata and who even paid the fare for the taxi that he, my mom and I took to the Manila Times building on Florentino Torres St. in Sta. Cruz, Manila, where we did the cover pictorial for Variety, one of the paper’s Sunday magazines…” – Ricky Lo, The Philippine Star, October 31, 2010 (READ MORE)

“…Ricardo F. Lo, more popularly known as Ricky Lo, is an entertainment writer, showbiz commentator from the Philippines. He is of Chinese descent. He was born on April 21. He is a native of Las Navas, Northern Samar, where he finished grade school. He finished high school at the bilingual Tabaco Pei Ching School in Tabaco, Albay, and took up AB English at the University of the East. From 1969 to 1972, Ricky worked as editorial assistant of Variety magazine, the Sunday supplement of the old Manila Times where he started his Funfare column. After this, he joined the Philippine Daily Express first as staff writer of its Express Week magazine and then as deskman of The Evening Express and eventually its main broadsheet. He later went on to work as editorial assistant for its Sunday magazine, Weekend, until 1986. Lo did stint as entertainment editor- first at The Manila Times and then at The Manila Chronicle and currently at The Philippine Star where he also writes his revived FunFare column and his regular Sunday feature, Conversations with Ricky Lo. Ricky is the author of Star-Studded, the first compilation of his articles on movie stars, which he released in 1995. Another book, Conversations with Ricky Lo was released in 2001. The book bear Lo’s trademark sensitive, intelligent and penetrating style of handling interviews…” – Wikipedia (READ MORE)

Mario Bautista

“…I started my professional career in Channel 5, the carrier station of the Manila Times, in 1965. I was with the film programming department. We got to screen old movies, both local and foreign before it was aired on shows like “Million Dollar Movies”, “Sinagtala” and “Bahaghari”. I also helped in the production of some TV shows, like “Magmahal ay Langit”, then directed by Celso Ad. Castillo, and “Pamilya Kontra-Partido”, a sitcom. The station was closed down by martial law in September of 1972. During that time, I was already the head of the film programming department. In 1976, I was invited to write film reviews for “TV Guide”, edited by Rod Reyes. I was invited to be a member of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino that gave out the Urian Awards. Newspapers then invited me to write entertainment columns and reviews for them, including “People’s Tonite”, “People’s Journal”, “Times Journal”, and “The Philippines’ Daily Express”. Later, I also wrote columns for “Ang Masa”, “The Manila Chronicle”, and “The Manila Bulletin”. I likewise had regular columns for several magazines, including Jingle Extra Hot, Movie Flash, Intrigue, Expose, Fame, Hot Copy, Parade, People’s, and others. On TV, I was a co-host of Armida Siguion Reyna and Behn Cervantes in “Let’s Talk Movies” and did film reviews on air for “The Big, Big Show”. In 1985, I became a member of the Philippine Movie Press Club that gave out the Star Awards for Movies. In 1987, I was instrumental in putting up the Star Awards for Television. When the Manila Times resumed publication in 1999, I was invited by then publisher Katrina Legarda to be its entertainment editor. I now write regular columns for People’s Journal and Malaya, and for the Japanese based fortnightly, Pinoy Gazette…” – Showbiz Portal (READ MORE)

NOON AT NGAYON

This slideshow requires JavaScript.

Siyam na taong gulang si Vilma Santos nang gawin niya ang kauna-unahang pelikula niya ang “Trudis Liit” ng VP Pictures na itinanghal noong Pebrero 21 – Marso 2, 1963. Naging abala siya pagkatapos sa linguhang taping ng TV series na “Larawan ng Pag-ibig” sa ABS (ang dating KBS sa Roxas Blvd. Noon) kung saan nakasama niya sina Zeny Zabala at Willie Sotelo. Noon pa man, kapuna-puna na madaling kumuha ng direksiyon si Vi, bukod pa sa mabilis itong magmemoya ng linya. Lubha rin siyang maingat sa kanyang pangkalahatang kaanyuhan bago humarap sa kamera. Kapag ang eksena ay sa loob ng tahanan, medyo guguluhin niya ang buhok, titiyakin na may kalumaan ang suot na simpleng damit, pati na ang tsinelas. Kapag sa labas naman ang eksena, pipili siya ng angkop na kasuotan, na para sa kanya ay komportable at simple. Dito sila madalas nagkakaiba ng panlasa ng kanyang ina. Pati na sa ayos ng buhok. Ang kay Vi, ang pananatili pa rin ng dating gawi. Ang sa kanyang mama, artista at kinakailangan nga naman ng kauting pagbabago sa panlabas na kaanyuan. Siyempre, ang kadalasang resulta, ang Mama niya ang nasusunod. After all, mother knows best, hindi ba? Bagay na hanggang nagdalaga si Vi ay muli at muli niyang napatunayan. Anyway, noon pa man, natural lang na mamalas kay Mama Santos ang understandeble pride sa anak, lalo pa’t madalas sabihin nina Zeny at Willie, “Artista talaga! Madali niyang masakyan ang prepesyong ito!” na matinding intriga at kontrobersiya.

Ipinanganak nga marahil si Ma. Rosa Vilma Tuazon Santos sa show business dahil sa pagitan ng taping ng “Larawan..” ay nagkasunod-sunod na ang kanyang mga pelikula: ”Anak, Ang Iyong Ina” ng Sampaguita Pictures (Abril 5 – 13, 1963), “King ang Queen For A Day” (Hulyo 4 – 13, 1963), “Duelo Sa Sapang Bato” ng Larry Santiago Productions (Hulyo 13 – 22, 1963), “Aninong Bakal” ng Vitri Films (Oktubre 9 – 28, 1963), “Ging” ng People’s Pictures (Enero 20 – 29, 1964), “Larawan Ng Pag-ibig” ng Vitri (base sa TV series, Pebrero 19 – 28, 1964), “Naligaw Na Anghel” ng LSP (Agosto 8 – 17, 1964), “Sa Bawa’t Pintig Ng Puso” ng LSP (Nobyemre 16 – 25, 1964), “Sa Baril Magtuos” ng Medallion Films (Abril 12 – 20, 1965), “Maria Cecilia” ng LSP (Mayo 15 – 24, 1965), “Morena Martir” ng VP (Hulyo 20 – Agosto 9, 1965), “Kay Tagal Ng Umaga” ng LSP (Agosto 23 – Setyembre 1, 1965), “Iginuhit Ng Tadhana” ng 777 Films (Setyembre 7 – 15, 1965), “Hindi Nahahati Ang Langit” ng LSP (Enero 9 – 18, 1966), “Hampaslupang Maton” ng JBC (Mayo 5 – 12, 1966), “Ito Ang Dahilan” ng LSP (Agosto 1 – 8, 1966), “Batang Iwahig” ng LSP (Oktubre 21 – 28, 1966), “Ito Ang Pilipino” ng EMAR (Disyembre 30, 1966 – Enero 9, 1967), “The Longest Hundred Miles” ng VIP (Hunyo 18 – 27, 1967), “De Colores” ng Arco-Iris (Marso 30 – April 10, 1968), “Kasalanan Kaya” ng Virgo Films (Hunyo 16 – 28, 1968), “Sino Ang May Karapatan” ng Virgo (Nobyembre 16 – 25, 1968), “Pinagbukold Ng Langit” ng UBP (Agosto 7 – 28, 1969), “Pag-ibig, Masdan Ang Ginawa Mo” ng RVQ Films (Setyembre 7 – 13, 1969), “My Darling Eddie” ng JBC (Disyembre 16 – 23, 1969, “Mardy” ng JBC (Disyembre 31 – Enero 6, 1969) hanggang “Young Love” ng VP Enero 1 – 21, 1970) ng lumikha ng rekord sa takilya.

Ang tutoo niyan, ang pag-aartista ni Vi ay nag-ugat sa isang family reunion na usung-uso sa mga Santoses. Sa isa sa mga ganyang okasyon, nabanggit ng tiyuhin ni Vi, si G. Amaury Agra, (noo’y cameraman ng Sampaguita Pictures) na bakit hindi nito subukin ang pag-aartista. Katuwiran ng amain, lista naman ang pamangkin at napakalimit pa nitong mapasali sa school plays, siyempre, ayaw ng ina ang dating Milagros Tuazon na tubong Cabanatuan, Nueva Ecija. Pag-aaral muna, bago ano pa aman. Iba naman ang reaksiyon ng ama, si Amado Santos ng Bamban, Tarlac. Amused ito at siyempre, nandoon ang parental pride dahil batid niyang maganda, matalino at lista ang anak. Iba pa rin ang reaksiyon ng mag kapatid ni Vi, sina Ma. Michaela (Emelyn) at Ma. Theresa (Maritess). Tuwang-tuwa sila. Masarap nga namang pakinggan iyong may “artista” sa pamilya. Ang dalawang bunso, sina Ma. Norwena (Winnie) at Joel (Sonny Boy) ay mga paslit pa lamang upang maunawaan ang pinag=uusapan. Natapos ang family reunion. Nakalimutan ang suhestiyon.

Makalipas ang mga tatlong buwan, nakatanggap ng maikling sulat si Mama Santos muka lay G. Agra. Naghahanap ang Sampaguita Picutures ng batang babae na gaganap ng mahalagang papel sa “Anak, Ang Iyong Ina!” at isinali ng amain ang pangalan ni Vi. Hindi puwedeng lumiban si Papa Santos sa pinpasukang government office, at ayaw naman nilang mapahiya ang kamag-anak, kaya napilitan si Mama Santos na humingi ng day=off sa opisina (Aguinaldo’s). Pagdating sa studio, wala si G. Agra at nasa location shooting, ngunit totoong naroroon ang pangalan ni Vi, kaya’t pinapasok sila sa tanggapan. Napadaan sa harapan ni Mama Santos si Bella Flores na dala ang script ng “Trudis Liit.” Nagulumihanan si Mama Santos. Binasa niyang muli ang liham ni G. Agra. Mali yata ang napuntahan nila! Akma niyang tatawagin si Vi na noon ay nkikipaglaro sa iba pang mga bata upang yayain na itong umuwi, nang pumasok sina Mommy Vera, Dr. at Mrs. Perez, at Eddie Garcia. At doon nagsimula ang movie career ni Vi na magpahanggang ngayon ay batbat pa rin ng iba’t ibang panunuri, opinyon at konklusiyon.

Pagkatapos ni Vi ng “Young Love,” nagsimula naman ang napakalaking pagbabago sa buhay niya at career life. Ang trend noon ay musicals, kung kaya’t sa kauna-unahang pagkakataon, umawit siya sa pelikula. Sa “My Darling Eddie” ng JBC, inawit niya ang “Devoted To You” ka-dweto si Edgar Mortiz. At dahil kararaos lamang ni Vi ng kanyang 16th birthday, sinulat ni Danny Subido ang awiting “Sixteen” na siyang naging unang plaka ni Vi sa Wilear’s Recording na ang likod ay “Wonderful To Be In Love.” Ang nasabing plaka ay agad naging number one sa loob lamang ng limang araw at tumagal ito sa gayong puwesto nang mahigit sa isang buwan. Noon, malaking rekord na ang gayon.

1970 rin nang magsimula ang professional rivalry nila ni Nora Aunor na lalong lumaganap at tumagal sa tulong ng mga publisidad, mga tagahanga at mga tao sa kani-kanilang paligid. Iisa ang pinagpatahian nila ng damit, ang Torino’s, halos iisa rin ang mga TV programs na dinadaluhan nial, gayon din ang mga movie companies na kanilang pinaglilingkuran, ngunit sa mata ng publiko, lalo na ng kanikanilang mga tagahanga, magkaiba sina Vilma at Nora. Iisa lamang ang dapat nakaupo sa trono ng katanyagan, iisa lamang ang dapat may hawak ng setro ng popularidad, iisa lamang ang puputungan ng korona ng superstardom.

1970 rin nang magsimulang i-ugnay si Vi kay Edgar, na siyang naging kauna-unahang nobyo niya sa tunay na buhay. Sunod-sunod ang kanilang pagtatambal: “Songs and Lovers” ng Tagalog Ilang Ilang Productions, “My Pledge Of Love” ng TIIP, “Love Is For the Two Of Us” ng AM, “From The Bottom of My Heart” ng TIIP at “Sixteen” ng Sampaguita, Ang naging mahigpit na “kalaban” ng kanilang tambalan ay ang love team nina Guy at Pip (Tirso Cruz III).

Dahil sa sunod-sunod na siyuting, hindi lang natigil sa pag-oopisina si Mama Santos, kung hindi nanganib din na matigil sa pag-aaral si Vi na nasa fourth year high school na. Minabuti nilang kumuha ng private tutor, na pinayagan naman ng pamunuan ng St. Mary’s Academy sa Trozo, Tondo, Maynila. Sa kanyang graduation, halata na mahal ng mga madre, guro at kamag-aral si Vi. Nagbalak siyang magpatuloy sa college, kahit na hindi kumpletong units bawa’t semester, ngunit iba pala ang balak ni Atty. Laxa ng TIIP.

1970 pa rin nang unang manibang bansa si Vi. Ginawa nila ni Edgar doon ang “Aloha, My Love” at “Never Say Goodbye.” Pagbalik niya rito, ginawa naman niya ang “Dingdong” ng Sampaguita ng siyang unang pinagtambalan nila ni Pip. Balik-tambalan sila ni Edgar sa “Sweethearts” at “Love Letters” bago niya sinimulan ang una nilang pagtatambal ni Jay Ilagan, ang “Inspirasyon” ng TIIP sa direksiyon ni Ishmael Bernal. Nasundan ito ng pagkakapanalo niya sa FAMAS (“Dama De Noche” ng TIIP) at nagpatuloy na niyang makasama ang iba pang mga batikan sa mga pelikulang tulad ng “Karugtong Ng Kahapon” (Eddie Rodriguez), “Mga Tigre Sa Sirra Cruz” (Charito Solis, direktor Augusto “Totoy” Buenaventura) at “Batya’t Palu-Palo” (Fernando Poe Jr.).

Anupa’t walang naging ibang daigdig ni Vi, mula 1963 kung hindi ang show business. Sabi ng niya sa isang interview: “…ibang-iba talaga. Para bang di man lamang ako dumaan sa pagkabata…heto akong naka-lollipop, and then bigla, ni wala man lamang transition, tumanda na akao, kayod na ako nang kayod, daig ko pa ang isang padre de familia. Noon, hindi ko pa na realiza na parang abnormal pala ang growing-up years ko. Paano, bising-bisi ako lagi sa trabaho. Besides, I was too young to understand about such things then, I ondly got to realiza about the things I’ve missed in life when I saw my younger sisters growing up. Ang saya-saya nila, they’re completely free to do anything they please, ang dami-dami nilang experiences na di mo man lamang naranasan. Somehow, in a way, inggit ako sa kanila. Pero all the same, ang mga nangyari’y nangyari na. Kahit ano pa ba ang gawin mo, di na na babalik ‘yung mga nakalipas na. And then, I’ve also learned it isn’t right to blame other people for what you’ve become. Kasi, ano e, talagang di tama. After all, if you don’t really want to do something, wala namang makakapilit sa’yo a. It’s not right for me to blame my Mama or my Papa dahil they never pushed me into becoming a movie personality. Ang aking pag-aartista’y kagustuhan ko. Lahat naman tayo, we all have to do what we feel we have to do. Everything in this world naman is dedicated by necessity. And yet, at the same time, di naman siguro ako masisisi for feeling cheated about some good things in life that somehow I feel I’ve missed..”

At nagpatuloy ang paggawa niya ng pelikula. Siya’y naging si “Dyesebel,” si “Darna,” si “Wonder Vi,” at ‘Bertang Kerengken” at ang “Kampanerang Kuba.” Nagpatuloy din ang pagsubaybay sa kanya ng publiko, bagama’t ibang aspeto sa buhay ni Vi ang nais laging malaman, ang kanyang love life. Naghiwalay sila ng landas ni Edgar at naging paboritong paksa ng hulaan ay kung sino ang susunod na aangkin sa pag-ibig ni Vi. Lahat halos nang nakatambal niya ay nasali sa “hulaan,” Jojit Paredes, Ronnie Henares, Dave Brodett, Jay Ilagan, Tirso Cruz III, Christopher De Leon, Mat Ranillo III, Bembol Roco, ABM Junior, Romeo Vasquez, Mark Gil at Lito Lapid. Maging sina Fernando Poe Jr., Dolphy at Eddie Rodriguez ay hindi nakaligtas. Ang hindi lamang yata nadawit kay ay sina Mayor Joseph Estrada (“The Sultan and I”), Victor Laurel (“Ophelia at Paris”), Jun Aristorenas (“Mahilig Ang Mister Ko”), Rudy Fernandez (“Makahiya’t Talahib”), Philip Salvador (“Rubia Servios”), Angelo Castro Jr at Ramil Rodriguez (“Modelong Tanso”) at Al Tantay (“Ang Galing Galign Mo Mrs Jones”). Wala isa mang nakakula na si Ronnie Henares ang naging mapalad na pangalawang kasintahan ni Vi.

1975 nang magsimulang magbago ng image si Vi. Pumayag siyang gumanap ng nagdadalang-tao sa “Mahilig…” at makipaghalikan ng lips to lips sa “Tag-ulan sa Tag-araw.” 1976 ay lalong napagtibay ang bold image ni Vi. Nag-prodyus siya at gumanap sa “Mga Rosa Sa Putikan” na sa pamagat lamang ay mahuhulaan kung anong uri ng karakter ang kanyang ginampanan. Ngunit sa kabila ng mga iyan, naroroon pa rin ang “hulaan” sa love life ng dalaga. Lalo pa nga at noong Marso 22, 1976 ay naging panauhin siya ng TV show ni Edgar na “People,” kapalit nung pagtungo nito sa TV show ni Vi, ang “Ayan Eh!” Natural, iisa ang konklusiyon ng karamihan. Magkakabalikan ang dating magkasintahan ng tatlong taon.

Nang sumunod ng taon, 1977, nakilala niya at nakatambal si Romeo Vasquez sa “Nagaapoy Na Damdamin.” Nang mga panahong iyon, nagpasiya na si Vi na bumukod ng tirahan. Ang tanging hangarin niya noon: matutong mamuhay nang mag-isa, magpasiya nang siya lamang ang mananagot sa anumang kahihinatnan, at matikman ang inaakala niyang kalayaan na ganap lamang niyang mapagsasawaan kung siya’y nakahiwalay sa mga magulang at kapatid. Naganap nga ang kanyang kagustuhan, ngunit hungkag pa rin ang kanyang buhay. Walang direksiyon. Ang naging publisidad nang hakbang na ito ni vi ay ang diumano’y pagsasabi niya na “I want to be liberated.” Marami ang nagtaas ng kilay. At lalo nang hindi nila maibaba ito nang mapabalita na si Bobby ay kasintahan na ni Vi. Lalong gumulo na ang iba’t ibang nasulat tungkol sa dalawa. Hanggang sa tuluyan nang maghiwalay sila ng landas.

Muli, pelikula na naman ang nagpaliit ng daigdig ni Vi. Bagama’t ang 1978 ay tinaguriang taon ng mga rosas para kay Vi (panay ang padala ng mga rosas nina Bobby, Christopher, Mar Ranillo, Rolly Quizon at isang nagngangalang Ricky), iyon din ang taong ng “Rubia Servios.” Sa awards night na ginanap noong Enero 3, 1979 sa CCP, marami ang humula na mananalo si Vi. Ngunit si Guy ang nanalo sa “Atsay.”

Ilang araw matapos ang awards night, nabalita na nagtangkang magpakamatay si Vi dahil sa sama ng loob. Paano at saan nagsimula ang balita? Mahirap tukuyin. Ang madali ay ang katotohanan. Pagkagaling sa CCP, nagkita-kita sina Vi at ang kanyang pamilya, Manay Ichu (Marichu Vera Perez), mga kapatid nitong sina Lilibeth at Chona, Cleo Cruz at ang manunulat na ito sa Palamigan Express. Pagkagaling doon, naganyaya si Vi sa kanyang tinutuluyan, sa Tuscanny sa Makati. Hindi sumama si Cleo. Pagdating doon nagpaalam na rin ang mga magulang at kapatid ni Vi. Naiwan ang mga Vera-Perezes, ang alalay noon ni Vi si Viring at ang ang inyong lindkod. Tahasang inamin ni Vi: “Hinangad ko ang manalo, dahil alam kong mahusay ang pagkakaganap ko sa tulong ni direk (Lino Brocka), Ipe (Philip) at Archie (Mat) at iba pang mga kasama. Pero hindi ako umasa. I hoped I’d win, but I did not expect naman. Of course, disappointed ako, masakit, pero kailangang tanggapin…” at iniba na ni Many Ichu ang usapan. Naglabas si Vi ng alak, naging topic ang mga off-the-record na love life at ilang personal na suliranin ni Vi at bago namin namalayan umaga na pala.

Duon, sa Tuscanny, muli naming napatunayan ang isa pang aspeto ng personalidad ni Vi. Ang kanyang pagiging masinop at pagiging systematic. Kung sabagay, noon pa mang nagsisimula pa lamang si Vi, agad mapapansin sa kanya ang breeding, sincerity at pagiging very gracious. Ang ganyang kaugalian ay nadala niya magpahanggang ngayon. Maging nang dumating ang panahon na nagkasabit-sabit ang kanyang mga schedule na naging dahilan nang pagiging unprofessional niya at times. Hindi pa rin nagbago ang kanyang basic and inherit traits.

Ngayon, nahaharap si Vi sa panibagong chapter in her life, ang pagiging isang ina. At sa halip na unawain siya ng iba, ngayon pa lamang hinuhusgahan na siya. May nanghihinayang. May kumukondena. Ngunit sa pagkakatanda namin, noon, ang tanong ay: ano ang pumipigil sa pag-aasawa ni Vi? Tipong inaapura nila ito noon at ngayong magpasiya ang aktres at bigyan daan ang sariling kaligayahan, iba naman ang naging reaksiyon.

Anu’t-anuman, sa paglingon ni Vi, taas-noo niyang masasabi na naibahagi niya sa kanyang publiko at tapat na mahabang pagbibigay-kasiyahan sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula, plaka, TV shows at personal appearances. Altogether, she gave the best years of her life to her adoring public and it is but her right for her to now give herself the chance to live her life the way she wants it. – Ched P Gonzales, Modern Romances & True Confessions, 15 December 1980 (READ MORE)