Vi at Doods: Mayroon Pa Bang Ikalawang Kabanata

Isang grupo ng mga fans ang na-attract na manood habang nagsu-shooting sina Vilma Santos at Edu Manzano ng Palimos Ng Pag-ibig sa beach resort sa Puerto Azul. During the shooting break, their son Lucky joined the couple at napailing-iling ang ilang mga tagahanga nilang nanonood sa kanila. “Bakit pa kaya sila naghiwalay?” tanung-tanungan na mga ito sa isa’t isa. “Sayang at bagay na bagay pa naman sila. Tingnan n’yo, kapag kasama nilang ganyan si Lucky, they look like a picture of a very happy family!” At idinugtong pa ng isa: “Sana, magkabalikan na nga rin sila hindil lang sa pelikula kundi pati na sa tunay na buhay.” Wishful thinking, hindi ba? But then, wala namang masama sa ganyang wishes. Hangad lang nila ang kaligayahan ng mga iniidolo nilang bituin. As for Vi and Doods, kung titingnan nga sila, magkakamali’t magkakamali kang tiyang dahil they’re really so sweet and attentive to one another. Parang walang puwang na nakapagitan sa knaila at sila pa rin ang adoring husband and wife na devoted to each other hangggang ngayon. “Bakit masama bang maging friendly and thoughtful kami sa isa’t isa?”depensa agad ni Vi nang biruin siya ng isang writer about her extra closeness to Doods “Talaga namang comfortable na kami ni Doods sa isa’t isa, a.”

Very obvious na ang unang nag-e-enjoy nang husto sa constant togetherness nina Vi at Doods ay walang iba kundi ang tanging anak nilang si Lucky. It must bring the boy so much happiness seeing his patents na laging magkasama. Nakakalaro niya ang mga ito nang magkasama, just like any other kid with a normal family life na sa mga outings sa beach ay kasama kapaywa ang kanyang ama at ina. ang Palimos ng Pagibig bale ang second movie nina Vi at Doods bilang magkatambal. More than five years ago ay ginawa nila sa Amerika ang Romansa. Since then, maraming-marami na ngang nangyari sa buhay nila. Dumating si Lucky to make them his proud and happy parents, at ngayon split na sila. Tinatanong namin si Vi kung ano ang pagkakaiba ng pagtatambal nila ngayon ni Doods sa Palimos kaysa sa unang pelikulag tinampukan nila noon. “Marami!” agad na sagot ni Vi. “Unang-una, sa tingin ko, mas demanding itong pelikulang ginawa namin sa ngayon kaysa noon. At acting-wise, talagna malaking malaki ang ibinuti ni Doods. Ako mismo, nagugulat sa husay niya ngayon. Akala ko noon, press release lang iyon para sa mga ibang pelikulang ginawa na niya. Pero ngayong nakasama ko na siya uli mismo, aba napatunayan ko sa sarili ko ang sinasabi nilang talagan ang galing-galing na nga niya ngayon at an actor, hats off ako.”

Sang ayon agad si Doods sa sinabi ni Vi na mas demanding ang pelikulang Palimos ng Pagibig kaysa sa Romansa. “Noon kasi, parang bakasyon lang kami noon sa States, tapos, ayun nga kasabay ang paggawa namin ng pelikula,” pagkukuwento niya. “Kapag naisipan naming doon mag-shooting sa gano’ng scenic spot, di pupunta kami roon at doon masu-shooting for that day. Para bang laro-laro lang noon. We played the role of Filipinos na nagkakilala sa Amerika, noong una’y nagka-asaran, and later on, nagkagustuhan. Noong una, napagkamalan pa nga siya akong Iranian doon sa movie. Ibang-iba ang Palimos ng Pagibig dahil tungkol talaga ito sa mabigat na problemang hinarap ng isang mag-sawas. The situation are entirely different and much more challenging. But with Eddie Garcia directing us, palagay ko naman we did justice to out respective roles.” Ayon kay Vi, hindi lamang daw sa acting nag-improve si Doods kundi pati na rin sa iba pang aspect ng personality nito. “For instance,” sabi niya “IN the way he deals na lang with the press, Dati-rati, napagkakamalan siyang aloof sa press, na suplado raw niya kaya lagi siyang tinitira. Ngayon, he is more relaxed with writers and reporters. Naging kabiruan ng nga niya ang marami sa kanila. Nagugulat nga ako dahil akala ko, hindi pa niya kakilala ang isang reporter tapos nag-uusap na silang para bang they’re like old friends, nag-improve talaga ang PR niya.”

Nang sabihin sa kanila na sila ang magiging magkatambal sa Palimos ng Pagibig, ano ang naging inital reaction nila? Agad ba nilang tinanguan at tinaggap ang project na muling mgagpareha sa kanila? “Ako, ang una kong consideration, si Doods,” sagot ni Vi. “Sabi ko, kung okay sa kanya, I don’t see any reason kung bakit hindi magiging okay sa akin. Siya talaga ang inaalala ko dahil baka mapagbintangan pa niya akong kina-capitalize ko ang aming personal lives just to make a movie interesting.” Nang malaman daw niyang okay na rin kay Doods nasiyahan siya personally. As for Doods, agad din siyang tumango sa project. “Honestly, sa isip ko, noon ko pa pinaghahandaan ang muling pagtatambal namin ni Vi, e.” sabi niya. “I know how good an actress she is and I felt na siguro, kung ngayon nga kami uli pagtatambalin, siguro, kung ngayon na kami uli pagatatambalin, siguro naman makakaya ko na. Unlike before na talagang baguhan pa lang ako sa pagharap sa kamera. This time, siguro, hindi na ako maipapahiya lang makisabay man ako ng pag-arte sa kanya. Ang I hope the viewers would with this agree when they get to see the movie. As expected, marami ang naghihintay kung anon ang magiging reaction nila sa isa’t isa while they are doing their love scenes in the movie. What did they feel habang magkalapat ang kanilang mga dibdib? Nagbumalik ba ang kanilang masasaya at matatamis na lumipas at nasabi nila sa sarili na dapat na silang magkaroon ng ikalawang kabanata sa kanilang buhay at pag-ibig bilang magasawa?

“Naku, ang bigat naman niya,” natatawang sabi ni Vi. “Honestly, sa ‘kin, okay lang ang mga love scenes namin sa pelikula. Sabi ko nga, sa lahat ng mga naging leading man ko na, kay Doods talaga ako pinaka-comfortable, e. Afterall, ang dami na talaga naming pinagsamahan, before and away from the cameras. Kaya’t maski sa mga bed scenes namin, I really felt at home with him.” “Ganun din ang feeling ko with Vi,” sang-ayon ni Doods. “I’ve made love on camera with other actresses pero siyempre, iba talaga kapag si Vi ang kaeksena ko. Wala akong anumang feeling ng pagkailang or worry na baka ma-offend ‘yung ka-ekesena ko o sabihing nate-take advantage ako. Talagang bigay na bigay kami sa bawa’t hinihingi ng eksena at ng direktor namin.” E di malamang o tutoo na nga ang balitang may ikalawang kabanata na sa kaning pagtitinginan, lalo na sa kanilng pagiging husband ang wife? “Naku ha,” sabi ni Vi. “Basta, tingnan na lang natin.” “I agree,” sabi naman ni Doods. “Everything remains to be seen.” Sino nga kaya ang namalimos sa kanila ng pag-ibig para magkabalikan sila? – Mario E. Bautista, Movie Flash Magazine, 16 May 1986, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)

Advertisements

More Memorabilia 1/4

This slideshow requires JavaScript.

#WinnieSantos, #EdgarMortiz, #ArnoldGamboa, #NancyVeronica, #RosaMia, #LeopoldoSalcedo, #RoderickPaulate, #Menudo, #RickyMartin, #DondonNakar, #EddieGarcia, #RudyFernandez, #EdnaDiaz, #CarmenRonda, #EmmanuelBorlaza, #PhilipSalvador, #ChristopherDeLeon, #EduManzano, #GracePoe, #GabbyConcepcion

Vilma at OK Fine! Whatevers (2003)


Basic Information: Director: Danni Caparas; Writing credits: Sherwin Buenvenida, Rolf Mahilom, Divino Reyes, Rhandy Reyes, Woodrow Serafin; Cast: Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Edu Manzano, Rica Peralejo, Gloria Romero, Dagul, John Estrada, Erich Gonzales, Darling Lavina, Juliana Palermo, Mariel Rodriguez, Tado, Jeffrey Tam, Nikki Valdez, Onyok Velasco, Arron Villaflor; Producer: Phoebe Anievas, Mark Anthony Gile, Cynthia Jordan; Film Editing: Roy Francia; Release Date:2003 (Philippines); Production Co: ABS-CBN – IMDB (READ MORE)

Reviews: “…With a guest list that includes Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Roderick Paulate, and several top-secret guest appearances, OK Fine! Whatevers definitely become a must-see show for ABS-CBNs Tuesday primetime lineup. New cast additions Edu Manzano and Tado have also livened up the OK Fine! mix, as long-lost fraternal twins Michael (Aga Muhlach) and Miguel (Bayani Agbayani) have finally formed a family along with their Lola Barbie (Gloria Romero). Now, Michael is the middleman for the get-richquick schemes of his eccentric new neighbor Junior (Edu Manzano). Junior, elder brother of girl-next-door Icay (Rica Peralejo), can be seen operating a car wash, manned by sexy girls, by day while pursuing his interests in jewelry and archaeology on his off hours. Despite his business sense, Kuya Junior always needs Michaels hand whenever he gets into trouble. Meanwhile, ace mechanic Miguel does miracles with the neighborhood cars. Along for the ride are such characters as Lola Barbies maid Camilla (Nikki Valdez) and all-around sidekicks Dong (Onyok Velasco) and Tado…” – Manila Bulletin (READ MORE)

“…While the initial concept was to stir both curiosity and bewilderment among viewers on how on earth funnyman Bayani Agbayani could be the twin brother of drop-dead gorgeous Aga Muhlach, the show has evolved into some sort of weekly witty exchange of comic punchlines and outrageous situations. This, after the creative team behind the show finally found the right chemistry – meaning, the right people for the right roles. With the inclusion of Edu Manzano, undeniably another drop-dead gorgeous actor (although a bit senior in terms of age and experience, but nevertheless gifted with an endearing and highly intellectual kind of outrageous flair), the Aga-Bayani tandem has expanded into a funny triumvirate. Over dinner with Edu, Aga, Bayani and the show’s executive producer Cynthia Jordan last week, spirits ran high as each shared anecdotes and stories about the show, specifically the special anniversary episodes they have taped. Some of the brightest stars will make rare appearances on the show for the next four weeks. Vilma Santos, Sharon Cuneta, Roderick Paulate, Regine Velasquez will take turns in doling out laughs with Edu, Aga and Bayani, plus the other mainstays who include Gloria Romero, Rica Peralejo, Nikki Valdez, Onyok Velasco and Tado Jimenez…” – The Philippine Star (READ MORE)

Related Reading:
Dagul
Edu Earns 3 Nods in STAR Awards for TV
Aga, 20 years in showbiz
Edu and Alicia Share Mutual Attraction
Ok Fine ‘To Ang Gusto Nyo

On Edu, Ralph, and Luis

On Edu, Ralph, and babies – “…It’s been over five year since Vilma Santos and Edu Manzano have gone their separate ways and a little over years that Vilma had lived-in with current flame Ralph Recto, but still, Vi and Doods have remained the closest of friends. “It’s better this way, no more constant bickering. May respeto pa rin naman kami sa isa’t-isa, so all is well between us.” says Ms. Santos. Edu was rumored to have had an affair and that triggered the break-up. “We really didn’t know why and how we parted ways. We could not pinpoint the problem. It just happened. We gradually drifted apart and before we knew it, we were so far away from each other that any holding on proved to be futile,” said Edu. “Hindi namin talaga alam kung ano ang nangyari, because had we known the root, we would not be apart from each other now.” Vilma no longer makes as many movies as she did before. A lot of showbiz insiders said that the timing of Edu’s marriage to Vi was all wrong. Vi was then making a lot more dough than her husband was and this fact contributed much to the strain in their relationship. Vilma’s romance with Ralph Recto started tongues wagging and a lot of speculations cropped up, especially so, since Edu, after the break-up had remained unattached for a long time. Talks circulated that Edu left Vilma because she was first to fall-out of the bonds of marriage. “Hindi totoo iyan,” Vilma was quoted in an interview “nauna si Eduardo at alam niya iyon.” But the past is past and Vilma can now look back with a smile on her lips. “Mas maganda ang relasyon namin ni Eduardo ngayon.

We are friends. I know I can count on him kung mayroong malaking problema. We understand each other, kaya nga may ganitong arrangement.” Vilma says she is happy now for Doods who has found his right girl. “Naiintindihan ko naman si Edu and I’m happy for him. If he thinks Maricel is right for him, I know Edu when he makes a decision, then, I am happy for them both. Wala naman akong hinangad kundi matagpuan na ni Doods ang babaeng para sa kanya. Ako naman, I’m very happy and contented with my personal life kaya I wish him all the best.” Asked if she is against Edu having a child with another woman, Vi replied: “Bakit naman? We now lead separate lives at sa mga ganung sitwasyon, hindi na pinagtatalunan pa. I’m not against Edu having a child with any woman, basta ba alam kong nagmamahalan sila and having a baby will make their happiness complete, bakit naman ako magagalit? Siguro naman, If I decide that I too would want to have a baby with the man I am living with, Doods will not make it difficult for me. Hindi siya hahadlang dahil he also has my happiness at heart. Like I said before, mayroon na kaming arrangement and we’re both contented with the ways things have turned out, so walang problema.” Talks are spreading like wildfire that Vilma is about to move out of her Magallanes digs and that she has bought a house for her current hearthrob. “Unfair naman iyon. I wanted to buy this house for my family, kay Lucky. Just because Ralph is not visible in the movie scene, eh pagiisipan na siya ng hindi maganda.

I intend to keep this phase of my life private and hindi naman siya showbiz personality so why can’t we spare him from the intrigues? Iba naman ang mundo niya.” Vilma has other plans aside from just staying as an actress all her life. “I plan to go into production and television, ibabalik ko rin ang VS Films. I have plans pero hindi pa naka-set. There are so many factors to consider at hindi bigla-bigla ang ganitong desisyon. Sabi nga ng marami, I’m not getting any younger daw and many people would like to see me retire from film making. Sabi ko nga, as long as there are people who still watch me on the screen, as long as there are fans supportive of my career, nandito pa rin ako. When that time comes na aalis ako sa showbiz, hindi naman totally na mawawala ako. Siguro, behind the cameras na lang ako. Directing maybe. Producing, why not? But that wuold still be a long time. I’m enjoying my profession and no one can stop me from enjoying what I want most.” Not even having a baby? “I know I’m not getting any younger and I’d like to have another baby after Lucky. Sino ang makapagsasabi, maybe this year, bakit nama hindi?…” – Lulubelle Lam, Manila Standard, Mar 29, 1989 (READ MORE)

Luis knows his limitations – “…Lipa City Mayor Vilma Santos-Recto denies reports that she is having problems with her 17-year-old son Luis, the boy TV fans remember as Lucky, who is the offspring of Vilma and her first husband, actor Edu Manzano, now Vice Mayor of Makati City. Luis, who is a high school student at the San Agustin College in Makati, lives with Edu in the Vice Mayor’s Ecology Village residence during weekdays while Vilma stays in Lipa City attending to her constituents. On weekends, both Vilma and Lucky move to her Green Meadows residence where the actress- politician relaxes and plays Mom before going back to Lipa on Monday. Luis was reported to be so in love with his Filipino-American girl friend Nicole that he is allegedly neglecting his studies. Vilma, who is married to Batangas Congressman Ralph Recto, reacted sharply to these reports. “Luis knows his limitations,” Vilma is quoted by Malaya’s Ethel Ramos. “While Edu and I do not stop him from falling in love, for that is but natural among boys his age, we keep reminding him that he is too young to get involved seriously. Edu an I want him to finish his studies first before he becomes involved seriously with any girl…” – Sol Jose Vanzi, Oct. 21, 1998 (READ MORE)

Family is First Priority – “…A prominent resident of Lipa has told Manila Standard columnist Isah Red that his city’s mayor, actress Vilma Santos, spends only three days of each week in Lipa, and the rest of the week in her Metro Manila residence. “For the past weeks, she’s been working only for three days a week: Monday to Wednesday,” Isah quotes his source. The writer adds that “the multi-awarded actress might have been overwhelmed by the scope of her duties as a local government official, plus the numerous problems in the city that need to be addressed.” Vilma had told everyone from the very beginning that she’s going to divide her time between her family and her duties and obligations to Lipa City as mayor. Her supporters claim that even when she’s not in Lipa, she is in constant touch with her Lipa-based staff, monitoring activities from wherever she happens to be. But Isah’s source says that is not enough. “She has to make herself visible to her constituents. Nothing is decided upon (at the City Mayor’s office) after Wednesday. People who want to do business in the city have to wait until the following Monday to get things done, especially those whose documents need the approval or signature of the mayor,” he complained. Vilma claims that “It’s already a sacrifice for me to be away from my kids for three days.” The actress tries to make up by staying in the mayor’s office beyond the regular office hours. “Now I also need to be with my children and my husband for the weekend,” Mayor Vilma Santos- Recto said. Her husband, Batangas Congressman Ralph Recto, holds office in Metro Manila because he reports for work at the Batasang Pambansa complex which houses the House of Representatives…” – Sol Jose Vanzi, Nov. 21, 1998 (READ MORE)

Luis Manzano is a better actor than dad Edu Manzano – “…Yung movie na ginawa naman namin ni Eduardo (Edu) eh romance. Bagong kasal lang kami noon, hindi ko pa siya nakita at naka-eksena talaga na really heavy. That time nung [kasama] kami nina Dina (Bonnevie) sa Palimos ng Pag-ibig, mas nataon si Eduardo sa action eh so hindi ko talaga na-pick up ‘yung dramang-drama na acting [sa kanya]. But dito kasi, first time with my son meron siyang moment dito na isang eksena na nadala ako bilang nanay. But kung sino ang mas magaling, magaling naman si Eduardo, pero mas magaling si Lucky (Luis)…” – Bernie Franco (READ MORE)

“…Ralph. “He is the most secure man I have known. I want to grow old with him.” Luis. “Who he is today, he worked hard for. I am proud of him.” Ryan Christian. “He is very passionate. One time he told me he wanted to get into politics and showbiz. And I told him, ‘It’s hard anak’ and he shot back ‘Bakit ikaw mommy?…” – Boy Abunda, The Philippine Star, July 31, 2009 (READ MORE)

FILM REVIEW: PALIMOS NG PAGIBIG (Video)

This slideshow requires JavaScript.

“Okay you’re fertile and I’m barren…pero sa mga pangyayari…para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!” – Fina

The Plot: On the outside, it looks like a marriage made in heaven. But inside the thick walls of what they call home, theirs is a relationship waiting to crumble. They have been wanting a child for so long, but the wife does not have the capacity to bear a child. And when her husband cannot take it any longer, he decides to end his misery once and for all. – IMDB

The story is about an infertile couple who never had a child of their own. The husband, frustrated by his wife’s infertility, hired somebody who was willing to carry his child. The hired woman got pregnant but she fell in love with the child’s father. The husband falsely adopted the child, hiding the fact from his wife that the child was his own. All the attention the husband gave to the child drove his wife to jealousy. To complicate things, the husband eventually had a secret affair with the child’s mother, and this affair produced another baby. The mistress left the newborn baby at the footsteps of the husband’s house. The wife then took care of the baby, and the children grew without their adoptive mother knowing that the two kids were fruits of her husband’s secret love affair. – Wikipilipinas

The Reviews: “…Eddie Garcia first directed Vilma in the Marcos film, Pinagbuklod Ng Langit. She reprised the role of eldest of the Marcos children, Imee and again co-starred with movie queen, Gloria Romero and dramatic actor, Luis Gonzales. Garcia directed Vilma again in 1982′s box Office Record Breaker, Sinasamba Kita. Three more hit films follows that gave us memorable movie lines like “Para Kang Karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain” in Palimos Ng Pag-ibig and “Si Val, si Val, si Val na walang malay!…” – (READ MORE)

“…Hit novels serialized in Aliwan Komiks were also adapted into movies:“Blusang Itim” by Elena M. Patron and Joey Celerio;“Pardina” by Jim Fernandez and Sonny Trinidad;“The Family Tree” by Pablo S. Gomez and Louie Celerio;“Palimos ng Pag-ibig” by Nerissa G. Cabral and Ernie H. Santiago;“Anak ni Zuma” by Jim Fernandez and Ben Maniclang;“Kamay ni Hilda” by Pablo S. Gomez and Louie Celerio…” – Wikipilipinas (READ MORE)

“…Palimos ng Pag-ibig (Filipino: “Begging for Love”) was a movie in 1985 and turned into a TV series in 2007 for the first installment of Sineserye Presents. This was from the original story by Nerissa Cabral. This movie was home of the famous tagline: “Para kang karenderiang bukas sa lahat ng gustong kumain!” (You’re like a restaurant that’s open to anyone who wants to eat!), In context of prostitution reference…” – Wikipedia (READ MORE)

“…Ang surrogacy or womb for hire, eh isang katotohanan na na­pagtanto nating lahat. Tinalakay ito in all its melodrama splendor sa Palimos ng Pag-Ibig, ang pelikula nina Vilma Santos, Edu Manzano at Dina Bonnevie. Sa movie, si Fina Alcaraz (Ate Vi) ay may infertile uterus. Desi­rous ang kanyang husband na si Rodel (Doods) to have a biological child so he hired Ditas (Miss D) na isang baby maker for a fee. Walang pros and cons ang surrogacy issue sa movie lalo na’t galing ang material sa komiks. Ang pinaka­memorable sa movie eh ang linya ni Vilma na, “Para kang ka­rinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.” Sosyalera si Ate Vi sa movie pero she can say lines like these…” – Alwin Ignacio, Abante Tonite, 22 March 2015 (READ MORE)

RELATED READING:
IMDB: Palimos ng pag-ibig (1986)
IMDB: Eddie Garcia
IMDB: Dina Bonnevie
IMDB: Edu Manzano
Eddie Garcia From Wikipedia
Vilma Santos’ Top 10 Film Directors (part three)
50 Famous Lines from Pinoy Movies (Video)

Ang Makulay na Buhay-Pag-ibig ni Rosa Vilma Santos (Repost)

This slideshow requires JavaScript.

Makulay ding masasabi ang kabanatang may kinalaman sa buhay-pag-ibig ng ating hinahangaang at iniidolong aktres na si Rosa Vilma Santos. Bukod sa kanyang record bilang the greatest actress of all times and the reigning movie queen of the local cinema ay naitala rin ang kasaysayan ng kanyang pag-ibig. In her early stage of her career, ang dalagang si Vilma Santos ang most desired at most desirable actress, at ang record niyang ‘yon ang nangingibabaw in an industry which feeds on gossip and intrigue. Truly, the star for all seasons and reasons has the longest line of suitors and admirers, barring none. In and out of showbiz, Ate Vi would easily be the most desired star of them all. And to think that she’s not the typical sex symbol of our parochial mold. In matters of the heart, Ate Vi had many romantic interludes with these interesting men in and out of showbiz world. Considers the names that the rumor mill has linked to her: Edgar Mortiz, Eddie Peregrina, Jay Ilagan, Jojit Paredes, Ronnie Henares, Erik Espina, Bongbong Marcos, Dave Brodette, Junior, FPJ, Meng Fei, Dolphy, Jimmy Morato, Rollie Quizon, Bembol Roco, Eugene Torre, Boyet de Leon, Mark Gil, Zaldy Zshornack, Jun Arestorenas, Eddie Rodriguez, Ricky Belmonte, Romeo Vasquez, Mat Ranillo, Joey Stevens, Lito Lapid, Glenn Capacio, Paul Alvarez, Alvin Patrimonio, Dante Silverio, Edu Manzano, Philip Salvador, Miguel Rodriguez, Ronnie Ricketts, Aga Muhlach, Eric Quizon, Gabby Concepcion, Nonoy Zuniga, Jolly Benitez, and Senator Ralph Recto. Her lovelife is one of the movielands’ most colorful and also the stormiest. Like the other actresses who fell in love and fell out of love, Ate Vi has had her share of sad valentines. But while she loved, she loved to the fullest and gave her all. And when she got separated from her first husband, Edu Manzano, she did not linger on the broken pieces of a love affair turned sour.

There was no bitterness or rancour. After all, that bond gave her a son, Luis Manzano. Maraming makukulay na episodes sa buhay-pag-ibig ni Ate Vi. Merong totoo, meron namang nanatiling tsismis lang. Sa pagpapakasal niya kay Senator Ralph Recto ay naipinid na ang chapters na ito sa lovelife ng actress-politician. Mahirap ang maging Vilma Santos.Isa kang “Star for All Seasons”, libu-libo ang mga tagahanga, sinasamba at iniidolo. Napakahirap humanap ng Mr. Right Man na aangkop sa pagiging Vilma Santos niya sa loob at labas ng daigdig ng pelikula. Her being number one star-actress poses a different problem to suitors of lesser means. Of the sundry men that the rumor mill has identified with her, Ate Vi admits to having had real relationships with only five: Edgar Mortiz, her first boyfiend; Ronnie Henares, to whom she was engaged; Romeo Vasquez,her controversial beau; Edu Manzano, to whom she was married and eventually divorced; and Senator Ralph Recto, her longest affair, the only boyfiend she had after her first marriage broke-up and the father of her child, Ryan Christian.

Ate Vi learned different things in the seasons she spent with them. Si Edgar Mortiz ay isang bahagi ng puppy love ni Ate Vi. Itinuring na subok na matibay, subok na matatag ang kanilang tambalan.Mula nang magkatambal sa pelikula, nagkaroon din sila ng mga TV shows tulad ng “The Sensations” at “Edgar Loves Vilma”. Si Bobot ay ang first love ni Ate Vi. Tumagal din ang relasyon ng dalawa na umabot ng tatlong taon na mahigit. Akala nila ay panghabambuhay na ang kanilang relasyon but it suddenly ended on April 28, 1974. Sa kung anong tunay na dahilan ng kanilang break-up ay hindi naging malinaw. In fact, naging very close nga sila ni Edgar at pati ang kani-kanilang pamilya, to the point na angpatayo pa sila ng bahay na magkatabi lamang sa isang subarban subdivision. Dahil sa magkaibang estado nila, mas sikat si Ate Vi noon kaysa sa kanyang screen partner, at hindi pag-usad ng career ni Bobot ay nagbunga ng kanilang argumento. Siguro nga, isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay. Career move, ika nga. Even now that they lead separate lives, Vilma and Edgar have remained the best of friends.

Taong 1975, a year after she had ended her colorful involvement with Edgar, pumasok naman sa eksena ang elitistang singer na si Ronnie Henares. In a way, matagal nang magkakilala ang dalawa pero nagkaroon lang sila ng pagkakataong maging close nang mag-guest si Ronnie sa drama anthology ni Ate Vi ang “Dalambuhay ni Rosa Vilma”. Inamin naman ni Ate Vi sa mga interviews na si Ronnie ang siyang naging instrumento niya na matutong magsalita ng wastong English-bagay na hindi naman ikinahihiyang aminin ng aktres. He taught her how to pronounce English words. Malapit sa isa’t isa ang pamilya nilang dalawa. Muntik na rin silang lumagay sa tahimik pero hindi maiwasan ‘yung nagkaroon sila ng sigalot sa kanilang pagitan, at hindi na nga naisakatuparan pa ang planong humarap ng altar. Nangibabaw pa rin ang obligasyon ni Ate Vi sa kanyang pamilya at dedication sa career kaya eventually ay sa paghihiwalay rin nagtapos ang dapat sana’y makulay na episode sa kanyang buhay. Romeo Vasquez is an oddity in Vilma’s life. Hindi akalain ng lahat na ang isang notorious playboy and balikbayan actor would capture the heart of the then elusive Ate Vi.

Nagkaroon sila ng affair which lasted for more than a year. Kilala si Bobby sa pagiging bohemyo kaya naman walang kakilala si Ate Vi na bumoto sa aktor. Ate Vi was love struck at talagang na head-over heels in love. Nagsimula ang kanilang affair sa set ng kanilang pelikulang “Nag-aapoy na Damdamin”. True to this title, nagliyab silang dalawa at tunay ngang nag-apoy ang kanilang damdamin. May plano pa nga sila ni Bobby na magpakasal sa Europe. Talagang Ate Vi was ready to give up her life as an actress and would settle with the actor abroad. And with herb relationship with Bobby, nag-surface ang bagong Vilma Santos.Ate Vi realized that she cann’t sacrifice everything for love. Nagising siya sa katotohanan at nagkamali kung kaya nagdesisyon siyang kumalas sa bohemyong aktor. Nagkulay rosas noon ang mundo ni Ate Vi at ibinigay ng buong laya ang sarili’t pag-ibig sa isang Mr. Edu Manzano na kung saan nagbunga yun ng isang Lucky. Umusbong ang pagkakakilala nila ni Doods sa Cebu City, kung saan nagkasabay sila sa flight paluwas ng Maynila.Nag-shooting kasi noon si Ate Vi ng pelikulang “Yakapin Mo Ako Lalaking Matapang” at parang pinagtiyap ng panahon na magkrus ang kanilang landas. Ibang klase ang ginawang panunuyo ni Doods sa aktres.Naroon ang yayain nito si Ate Vi na kumain sa turo-turo.Nahulog ang loob ng aktres na siempre pa na humantong sa kanilang pagpapakasal. Bale sa abroad, sa Las Vegas naganap ang kanilang kasal. Hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama dahil na rin sa baon ng utang sa BIR nang panahong ‘yon. Akala ng lahat ay si Esu na ang Mr.Right Guy kay Ate Vi. Hindi pala.Ang isang masaya, makulay, masiglang simula’y sa paghihiwalay din nauwi. Mga tatlong taon lamang silang nagsama pero nanatiling mabuting magkaibigan sila.Sa Guam naaprubahan ang divorce nila on July 25, 1986 or thereabouts. Ang inaakala ni Ate Vi na mahihirapan niyang hanapin ang tamang lalaki sa kanyang buhay ay natagpuan sa katauhan ni Senator Ralph Recto. Despite a 10-year age gap, her marriage with Ralph has weathered all storms and is now into its 20 years. And it is still going strong.

Ang kay Edgar, kay Ronnie, kay Romeo, kay Edu- ay pawang mga kasaysayang puwede natin isapelikula. Dahil bahagi na lamang sila ng kahapong may tamis at pait sa gunita. Cute ang sa kanila ni Bobot. Masaya ang kay Ronnie. Maligaya ang kay Bobby. Makasaysayan ang kay Doods. Pero ang kay Senator Ralph Recto ay pinakamaigting na relasyong hinding-hindi malilimot ng isang Vilma Santos. One thing is most important at this time in Vilma’s life-her marriage with Senator Ralph Recto, ostensibly destined to be the most important in her life from now on. – Willie Fernandez, V magazine, 2005

Filmography: Palimos Ng Pag-ibig (1986)

“…Okay, so you’re fertile and I’m barren…pero sa mga pangyayari…para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!” – Fina

This slideshow requires JavaScript.

Basic Information: Directed: Eddie Garcia; Story: Nerissa Cabral; Screenplay: Racquel Villavicencio; Cast: Vilma Santos, Dina Bonnevie, Edu Manzano, Cherie Gil, Laurice Guillen, Pepito Rodriguez; Executive producer: Vic del Rosario Jr.; Original Music: George Canseco; Cinematography: Joe Batac Jr.; Film Editing: Ike Jerlego Jr.; Production Design: Peter Perlas; Theme Songs: “Hiram” Composed by George Canseco Performed by Zsa Zsa Padilla

Plot Description: A man whose wife is unable to bear him a child seeks out a professional babymaker and is then forced to choose between his wife or a family with children.

On the outside, it looks like a marriage made in heaven. But inside the thick walls of what they call home, theirs is a relationship waiting to crumble. They have been wanting a child for so long, but the wife does not have the capacity to bear a child. And when her husband cannot take it any longer, he decides to end his misery once and for all. – IMDB

The story is about an infertile couple who never had a child of their own. The husband, frustrated by his wife’s infertility, hired somebody who was willing to carry his child. The hired woman got pregnant but she fell in love with the child’s father. The husband falsely adopted the child, hiding the fact from his wife that the child was his own. All the attention the husband gave to the child drove his wife to jealousy. To complicate things, the husband eventually had a secret affair with the child’s mother, and this affair produced another baby. The mistress left the newborn baby at the footsteps of the husband’s house. The wife then took care of the baby, and the children grew without their adoptive mother knowing that the two kids were fruits of her husband’s secret love affair. – Wikipilipinas

Childless couple Fina (Vilma Santos) and Rodel (Edu Manzano) seek medical help which reveals that Fina has an immature uterus, a condition she has known before their marriage but has kept from Rodel. Rodel’s friends suggest that he adopt his own child with Ditas (Dina Bonnevie), a baby maker they introduce to Rodel. The arrangement is very professional but Fina overhears through a telephone extension that Ditas has given birth. Fina is indignant in thinking that Rodel has been cheating on her. She rejects the child and sends Rodel and his infant son away. Rodel turns to Ditas and stays with her for some time until Fina relents and welcomes Rodel and his son. Then Fina finds an infant girl in her garden because Ditas has decided to leave both Rodel’s children for Fina to raise – TFC Now (READ MORE)

Film Achievement: 1987 FAMAS: Best Musical Score – George Canseco; Best Nomination Best Actor – Edu Manzano; Best Actress Nomination – Vilma Santos; Best Supporting Actress Nomination – Dina Bonnevie

Film Reviews: “…The year was 1986. Palimos Ng Pag-ibig directed by Eddie Garcia was a smashed hit. Vilma co-starred with her soon to be ex husband Edu Manzano and Dina Bonnevie. Despite the mixed reviews from the critics, the film gave us, arguably, one of the most memorable lines in Philippine movie history. The scene was, Vilma, playing Fina was about to leave the house when Ditas, (Edu’s mistress and baby maker) knocked on the door, with her was her husband’s child. She forced herself in. Confronting Ditas, Fina: “Ilang gabi kang binili ni Rodel?” Ditas (Dina): “Isang Gabi lang, malakas ang kanyang punla at nangangailangan lang ng matabang lupa!” Fina: “Okey! So you’re fertile and I’m barren…pero sa mga pangyayari, para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain! Paano mong mapapatunayang ang asawa ko nga ang ama ng batang iyan at wala siyang kasosyong iba?…” – RV (READ MORE)

“…I shot Palimos ng Pagibig (a Viva drama, with Edu Manzano and Dina Bonnevie) at Luis’ house,” added Vilma. “I remember him as sobrang kalog, palabiro. Ang tawag namin kay Tito Luis palengke kasi nga Mercado ang real surname niya. I was nine years old then and he always reminded me to just enjoy everything. We were always shooting dramatic scenes at parati akong iyak nang iyak, but after every take, tawa na kami nang tawa because Tito Luis would start cracking jokes…” – RicoJr (READ MORE)

“…On the outside it looks like a marriage made in heaven. But inside the thick walls of what they call home theirs is a relationship waiting to crumble. They have been waiting a child for so long but the wife (Vilma Santos) does not have the capacity to bear a child. And when her husband (Edu Manzano) cannot take it any it any longer he decides to end his misery once and for all…” – Mav Shack (READ MORE)