FILM REVIEW: PAKAWALAN MO AKO

This slideshow requires JavaScript.

The Plot: Namatay ang tatay ni Ana (Vilma Santos) at dahil rito’y naghirap sila. Napilitan siyang magtinda ng sabon at tumigil sa pag-aaral. Sa kabila nito hindi siya humingi ng tulong sa katipan na si Freddie Villasenor (Christopher DeLeon). Dahil sa hirap ay napilitang pumasok si Ana sa isang escort service sa tulong ng kanyang kaibigang si Bernadette Santos (Deborah Sun). Nakilala ni Ana si Bernard San Diego (Antony Castelo) sa kanyang trabaho bilang escort girl. Sa gabing iyon nakita siya ng kapatid na babae ni Freddy. Nang yayain ni Freddy si Ana para magpakasal pumayag na ito at pumunta siya sa bahay ni Freddy para makilala ang pamilya ni Freddy. Hindi nila alam ay inimbitahan ng kapatid ni Freddy si Bernard San Diego. At sa hapag ng kainan ay binisto nito ang tunay na trabaho ni Ana. Umalis nang umiiyak si Ana at nagkagalit sila ni Freddy. Pinuntahan ni Bernard si Ana para humingi ng paunmanhin ngunit naabutan sila ni Freddy at nag-away sila ni Bernard. Inakala ni Freddy na talagang may relasyon si Bernard at Ana kung kaya iniwanan niya ito. Nagbalik si Ana sa kanyang trabaho. Nagkaroon ng secret admirer ito. Yung pala ito ay si Bernard. Nalaman rin ni Ana na buntis siya at ang ama ng dinadala niya ay si Freddy. Inalok ni Bernard si Ana ng kasal at pumayag naman ito sa kabila ng pagtutol ng kanyang mayamang ama. Lumaki ang bata at apat na taon na ito nang magdesisyon ang ama ni Bernard na tigilan na ang pagsasama ng dalawa. Inalok si Ana ng malaking halaga ngunit tumutol ito. Nang umalis ang ama ni Bernard ay pinaiwan nito ang isa sa kanyang mga tauhan para gahasain si Ana. Dumating si Bernard at nagaway sila ng tauhan ng kanyang ama. Sa kaguluhan ay nabaril ng tauhan ng kanyang ama si Bernard mismo. Sinet-up ng ama ni Bernard si Ana. Pinakulong at kinuhang abogado si Freddy. Sa hukuman ay nakuhang magduda ni Freddy sa dating katipan. Nagpunta ito sa bahay ng ina ni Ana upang kausapin ang batang anak ni Ana. Natuklasan ni Freddy ang tutuong nangyari at ang testigo ay ang anak ni Ana. Sa closing ng kaso ay inihayag ni Freddy na walang kasalanan si Ana at ang pumatay kay Bernard ay ang tauhan ng sarili nitong ama. Napawalang sala si Ana at nalaman ni Freddy na ang bata’y ang sarili niyang anak.

The Reviews: Prinudyus ng Sampaguita Pictures, ang “Pakawalan Mo Ako” ay isa sa mga pruweba na nasa ikataas na puwesto si Vilma Santos nang bagong dekada otsenta. Mula umpisa hanggang sa huli’y umiikot ang istorya sa karakter ni Vilma bilang si Ana, isang escort girl. Markado ang papel ni Vilma at makikita ito sa mga eksena sa kulungan at hukuman. Ang Pakawalan Mo Ako ay mula sa panulat ni Pete Lacaba at iskrinplay nina Pete Lacaba, Mao Gia Samonte at Isko Lopez. Kung ikukumpara sa mga ibang pelikula ni Elwood Perez mas pulido at makatotohanan ang mga eksena’t dialouge ng pelikula. Tulad ng konprontahin nga ma ni Bernard si Ana sinabi nito na: “Puta, Puta! Puta! Hindi lang naman kayo ang unang nagparatang sa akin ng ganyan! Puta! Puta! Putang Ina n’yong lahat…” At nang unang dalhin ni Bernard si Ana sa bahay nito at pagtangkaang gahasain, pumiglas si Ana at sabay kuha sa pera at sabay sabing: “kukunin ko ang bayad sa halik may sukli ka pa!” At siyempre ang eksena sa hukom kung saan paulit ulit niyang sinasabi ang salitang: “Sinungaling!…” Ang musika ni Lutgardo Labad ay minsan nakakaabala sa tunay na eksena ngunit angkop na angkop ang theme song ng pelikula, ang “Dati” na kinanta mismo ni Antony Castelo. Merong mahahabang linya si Christopher DeLeon sa bandang huli at nakuha naman niyang bigyan ng buhay ang papel niya bilang abogado ng taga-usig kahit na parang pilit ang pagpapalit niya ng panig para sa tagapagtanggol sa bandang huli, sa kanyang closing remarks. Alam niya marahil na talagang pelikula ito ni Ate Vi. Mahusay rin ang pagganap ni Antony Castelo bilang isang matigas na ulong anak ng isang mayaman. Sa papel na ina ni Ana, nakaka-distract ang hindi tunay na boses ni Mila Ocampo. Bilang ama ni Bernard San Diego, very one-dimensional ang papel ni Subas Herrero. Ang pinakanakakatuwang papel ay ang papel na kaibigan ni Ana na ginampanan ni Deborah Sun. Meron siyan eksena sa hukuman kung saan tumistigo siya at natural na natural ang pagkababaeng bakla niya. Mabilis ang pacing ng pelikula at walang mahusay ang pagkakaedit nito. Hindi ako nagtaka kung bakit nanalo si Ate Vi para sa pelikulang ito mula sa Famas. Ito rin ang bale hudyat ng pagsibol ng bagong Vilma Santos pagpasok ng dekada otsenta dahil sa sumunod na taon ay nagkasunod sunod na ang parangal sa pagarte ni Ate Vi mula sa iba’t ibang award giving bodies. – RV (READ MORE)

“Dalawangpu’t Anim na taon na ang nakakalipas nang una nating napanood ang pelikulang Pakawalan Mo Ako (Now on 2012, PMA is 31 years old!) . Tumabo ito sa takilya at nagbunga ng pagkapanalo ni Ate Vi ng Best Actress mula sa Famas para sa taong ito. Prinudyus ng Sampaguita Pictures, ang “Pakawalan Mo Ako” ay isa sa mga pruweba na nasa ikataas na puwesto si Vilma Santos nang bagong dekada otsenta. Mula umpisa hanggang sa huli’y umiikot ang istorya sa karakter ni Vilma bilang si Ana, isang escort girl. Markado ang papel ni Vilma at makikita ito sa mga eksena sa kulungan at hukuman. Ang Pakawalan Mo Ako ay mula sa panulat ni Pete Lacaba at iskrinplay nina Pete Lacaba, Mao Gia Samonte at Isko Lopez. Kung ikukumpara sa mga ibang pelikula ni Elwood Perez mas pulido at makatotohanan ang mga eksena’t dialouge ng pelikula. Tulad ng konprontahin nga ma ni Bernard si Ana sinabi nito na: “Puta, Puta! Puta! Hindi lang naman kayo ang unang nagparatang sa akin ng ganyan! Puta! Puta! Putang Ina n’yong lahat…” At nang unang dalhin ni Bernard si Ana sa bahay nito at pagtangkaang gahasain, pumiglas si Ana at sabay kuha sa pera at sabay sabing: “kukunin ko ang bayad sa halik may sukli ka pa!” At siyempre ang eksena sa hukom kung saan paulit ulit niyang sinasabi ang salitang: “Sinungaling!…” Ang musika ni Lutgardo Labad ay minsan nakakaabala sa tunay na eksena ngunit angkop na angkop ang theme song ng pelikula, ang “Dati” na kinanta mismo ni Antony Castelo. Merong mahahabang linya si Christopher DeLeon sa bandang huli at nakuha naman niyang bigyan ng buhay ang papel niya bilang abogado ng taga-usig kahit na parang pilit ang pagpapalit niya ng panig para sa tagapagtanggol sa bandang huli, sa kanyang closing remarks. Alam niya marahil na talagang pelikula ito ni Ate Vi. Mahusay rin ang pagganap ni Antony Castelo bilang isang matigas na ulong anak ng isang mayaman. Sa papel na ina ni Ana, nakaka-distract ang hindi tunay na boses ni Mila Ocampo. Bilang ama ni Bernard San Diego, very one-dimensional ang papel ni Subas Herrero. Ang pinakanakakatuwang papel ay ang papel na kaibigan ni Ana na ginampanan ni Deborah Sun. Meron siyan eksena sa hukuman kung saan tumistigo siya at natural na natural ang pagkababaeng bakla niya. Mabilis ang pacing ng pelikula at walang mahusay ang pagkakaedit nito. Hindi ako nagtaka kung bakit nanalo si Ate Vi para sa pelikulang ito mula sa Famas. Ito rin ang bale hudyat ng pagsibol ng bagong Vilma Santos pagpasok ng dekada otsenta dahil sa sumunod na taon ay nagkasunod sunod na ang parangal sa pagarte ni Ate Vi mula sa iba’t ibang award giving bodies.” – RV (READ MORE)

“…Elwood Perez and Vilma Santos collaborated in seven films. The first one was the trilogy that he co-directed with two other director, Borlaza and Gosiengfiao (these three are the most underrated and under appreciated directors in the Philippines), the remake of Mars Ravelo comic super hero, Darna in Lipad Darna Lipad. The film was a record-breaking hit Box-office Film. They follow this up with a more mature projects as Vilma started to switched her image from sweet to a mature/versatile actress, pairing her with Christopher DeLeon in five films starting with Masarap Masakit Ang Umibig in 1977. The Perez-Santos-DeLeon team produced several blockbuster hits and also gave Vilma two FAMAS best actress awards.  Both wins contributed to her elevation to the FAMAS’ highest honour, the “Hall of Fame” award she received in 1989.  The wins were for Pakawalan Mo Ako (1979) and Ibulong Mo Sa Diyos (1988)…” – RV (READ MORE)

“…The second memorable film experience for me was during early 80s where I saw the free sneak preview of “Pakawalan Mo Ako” at Gotesco Theatre near University of the East. I was one of the lucky ones who managed to get in. My college mates weren’t. They got stocked in the pandemonium outside. I was worried sick as I took the long escalator and saw them being crashed by the crowd. The security guards have to closed the gate of the lobby. Fans became so restless and broke the glass windows (where they displayed posters and still photos) . Inside, It was crowded, hot and wild. We were seeing a more mature Vilma Santos.  The moviegoers reacts to every scenes from the very beginning up to the very end (the courtroom scene where Vilma cried and swear, “Liars!  Liars! You’re all Lying!”)…” – RV (READ MORE)

“…Natatangi ang pelikulang Pakawalan Mo Ako (MVP Pictures, 1981) dahil sa matagumpay nitong pagtatangkang ilahad ang proseso tungkol sa pag-ibig at pagbabahagi ng sarili nang buo ang pagkatao. Nilinaw ng pelikula ang mga personal at pang-ekonomiyang salik na naghatid sa pangunahing tauhan tungo sa pagpuputa at inilalantad ang bunga nito gaya ng madamdaming pagsasadula ni Vilma Santos. Nang muli silang magkita ng kasintahan, ibang babae na ang kanyang nakatagpo, mas may tiwala sa sarili at mulat na sa kalakaran ng mundo. Nakakaantig ang transpormasyon ng kanyang karakter mula biktima ng nasawing pag-ibig at di-makalingang propesyon tungo sa pagbabago at paninindigan ng kanyang pagiging babae. Mapangumbinsi rin ang pagganap ni Christopher de Leon dahil sa kanyang sensitibong pagpasok sa katauhan ng isang abogadong makiling sa sistema ng batas. Sa unang tingin, tila makababae ang punto de bista ng Pakawalan Mo Ako dahil sa paglalahad ng babae bilang biktima pa rin ng ispontanyong reaksiyon ni Bernard, ang lalaking nagnanasa sa kanyang katawan. Subalit madulas ang daloy ng iskrip nina Pete Lacaba, Mao Gia Samonte at Iskho Lopez, konsistent ang disenyong biswal at sinematograpiya. Malinis ang editing at akmang-akma ang musika. Ngunit habang hinihimay ang naratibo, unti-unting natuklasan ang melodramatikong proposisyong ipinapakain ng pelikula. Isang proposisyong taliwas sa pagnanasang patuloy na makibaka, magmahal at mabuhay…” – Jojo Devera, Sari-saring Sineng Pinoy (READ MORE)

Ang Makulay na Buhay-Pag-ibig ni Rosa Vilma Santos (Repost)

This slideshow requires JavaScript.

Makulay ding masasabi ang kabanatang may kinalaman sa buhay-pag-ibig ng ating hinahangaang at iniidolong aktres na si Rosa Vilma Santos. Bukod sa kanyang record bilang the greatest actress of all times and the reigning movie queen of the local cinema ay naitala rin ang kasaysayan ng kanyang pag-ibig. In her early stage of her career, ang dalagang si Vilma Santos ang most desired at most desirable actress, at ang record niyang ‘yon ang nangingibabaw in an industry which feeds on gossip and intrigue. Truly, the star for all seasons and reasons has the longest line of suitors and admirers, barring none. In and out of showbiz, Ate Vi would easily be the most desired star of them all. And to think that she’s not the typical sex symbol of our parochial mold. In matters of the heart, Ate Vi had many romantic interludes with these interesting men in and out of showbiz world. Considers the names that the rumor mill has linked to her: Edgar Mortiz, Eddie Peregrina, Jay Ilagan, Jojit Paredes, Ronnie Henares, Erik Espina, Bongbong Marcos, Dave Brodette, Junior, FPJ, Meng Fei, Dolphy, Jimmy Morato, Rollie Quizon, Bembol Roco, Eugene Torre, Boyet de Leon, Mark Gil, Zaldy Zshornack, Jun Arestorenas, Eddie Rodriguez, Ricky Belmonte, Romeo Vasquez, Mat Ranillo, Joey Stevens, Lito Lapid, Glenn Capacio, Paul Alvarez, Alvin Patrimonio, Dante Silverio, Edu Manzano, Philip Salvador, Miguel Rodriguez, Ronnie Ricketts, Aga Muhlach, Eric Quizon, Gabby Concepcion, Nonoy Zuniga, Jolly Benitez, and Senator Ralph Recto. Her lovelife is one of the movielands’ most colorful and also the stormiest. Like the other actresses who fell in love and fell out of love, Ate Vi has had her share of sad valentines. But while she loved, she loved to the fullest and gave her all. And when she got separated from her first husband, Edu Manzano, she did not linger on the broken pieces of a love affair turned sour.

There was no bitterness or rancour. After all, that bond gave her a son, Luis Manzano. Maraming makukulay na episodes sa buhay-pag-ibig ni Ate Vi. Merong totoo, meron namang nanatiling tsismis lang. Sa pagpapakasal niya kay Senator Ralph Recto ay naipinid na ang chapters na ito sa lovelife ng actress-politician. Mahirap ang maging Vilma Santos.Isa kang “Star for All Seasons”, libu-libo ang mga tagahanga, sinasamba at iniidolo. Napakahirap humanap ng Mr. Right Man na aangkop sa pagiging Vilma Santos niya sa loob at labas ng daigdig ng pelikula. Her being number one star-actress poses a different problem to suitors of lesser means. Of the sundry men that the rumor mill has identified with her, Ate Vi admits to having had real relationships with only five: Edgar Mortiz, her first boyfiend; Ronnie Henares, to whom she was engaged; Romeo Vasquez,her controversial beau; Edu Manzano, to whom she was married and eventually divorced; and Senator Ralph Recto, her longest affair, the only boyfiend she had after her first marriage broke-up and the father of her child, Ryan Christian.

Ate Vi learned different things in the seasons she spent with them. Si Edgar Mortiz ay isang bahagi ng puppy love ni Ate Vi. Itinuring na subok na matibay, subok na matatag ang kanilang tambalan.Mula nang magkatambal sa pelikula, nagkaroon din sila ng mga TV shows tulad ng “The Sensations” at “Edgar Loves Vilma”. Si Bobot ay ang first love ni Ate Vi. Tumagal din ang relasyon ng dalawa na umabot ng tatlong taon na mahigit. Akala nila ay panghabambuhay na ang kanilang relasyon but it suddenly ended on April 28, 1974. Sa kung anong tunay na dahilan ng kanilang break-up ay hindi naging malinaw. In fact, naging very close nga sila ni Edgar at pati ang kani-kanilang pamilya, to the point na angpatayo pa sila ng bahay na magkatabi lamang sa isang subarban subdivision. Dahil sa magkaibang estado nila, mas sikat si Ate Vi noon kaysa sa kanyang screen partner, at hindi pag-usad ng career ni Bobot ay nagbunga ng kanilang argumento. Siguro nga, isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay. Career move, ika nga. Even now that they lead separate lives, Vilma and Edgar have remained the best of friends.

Taong 1975, a year after she had ended her colorful involvement with Edgar, pumasok naman sa eksena ang elitistang singer na si Ronnie Henares. In a way, matagal nang magkakilala ang dalawa pero nagkaroon lang sila ng pagkakataong maging close nang mag-guest si Ronnie sa drama anthology ni Ate Vi ang “Dalambuhay ni Rosa Vilma”. Inamin naman ni Ate Vi sa mga interviews na si Ronnie ang siyang naging instrumento niya na matutong magsalita ng wastong English-bagay na hindi naman ikinahihiyang aminin ng aktres. He taught her how to pronounce English words. Malapit sa isa’t isa ang pamilya nilang dalawa. Muntik na rin silang lumagay sa tahimik pero hindi maiwasan ‘yung nagkaroon sila ng sigalot sa kanilang pagitan, at hindi na nga naisakatuparan pa ang planong humarap ng altar. Nangibabaw pa rin ang obligasyon ni Ate Vi sa kanyang pamilya at dedication sa career kaya eventually ay sa paghihiwalay rin nagtapos ang dapat sana’y makulay na episode sa kanyang buhay. Romeo Vasquez is an oddity in Vilma’s life. Hindi akalain ng lahat na ang isang notorious playboy and balikbayan actor would capture the heart of the then elusive Ate Vi.

Nagkaroon sila ng affair which lasted for more than a year. Kilala si Bobby sa pagiging bohemyo kaya naman walang kakilala si Ate Vi na bumoto sa aktor. Ate Vi was love struck at talagang na head-over heels in love. Nagsimula ang kanilang affair sa set ng kanilang pelikulang “Nag-aapoy na Damdamin”. True to this title, nagliyab silang dalawa at tunay ngang nag-apoy ang kanilang damdamin. May plano pa nga sila ni Bobby na magpakasal sa Europe. Talagang Ate Vi was ready to give up her life as an actress and would settle with the actor abroad. And with herb relationship with Bobby, nag-surface ang bagong Vilma Santos.Ate Vi realized that she cann’t sacrifice everything for love. Nagising siya sa katotohanan at nagkamali kung kaya nagdesisyon siyang kumalas sa bohemyong aktor. Nagkulay rosas noon ang mundo ni Ate Vi at ibinigay ng buong laya ang sarili’t pag-ibig sa isang Mr. Edu Manzano na kung saan nagbunga yun ng isang Lucky. Umusbong ang pagkakakilala nila ni Doods sa Cebu City, kung saan nagkasabay sila sa flight paluwas ng Maynila.Nag-shooting kasi noon si Ate Vi ng pelikulang “Yakapin Mo Ako Lalaking Matapang” at parang pinagtiyap ng panahon na magkrus ang kanilang landas. Ibang klase ang ginawang panunuyo ni Doods sa aktres.Naroon ang yayain nito si Ate Vi na kumain sa turo-turo.Nahulog ang loob ng aktres na siempre pa na humantong sa kanilang pagpapakasal. Bale sa abroad, sa Las Vegas naganap ang kanilang kasal. Hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama dahil na rin sa baon ng utang sa BIR nang panahong ‘yon. Akala ng lahat ay si Esu na ang Mr.Right Guy kay Ate Vi. Hindi pala.Ang isang masaya, makulay, masiglang simula’y sa paghihiwalay din nauwi. Mga tatlong taon lamang silang nagsama pero nanatiling mabuting magkaibigan sila.Sa Guam naaprubahan ang divorce nila on July 25, 1986 or thereabouts. Ang inaakala ni Ate Vi na mahihirapan niyang hanapin ang tamang lalaki sa kanyang buhay ay natagpuan sa katauhan ni Senator Ralph Recto. Despite a 10-year age gap, her marriage with Ralph has weathered all storms and is now into its 20 years. And it is still going strong.

Ang kay Edgar, kay Ronnie, kay Romeo, kay Edu- ay pawang mga kasaysayang puwede natin isapelikula. Dahil bahagi na lamang sila ng kahapong may tamis at pait sa gunita. Cute ang sa kanila ni Bobot. Masaya ang kay Ronnie. Maligaya ang kay Bobby. Makasaysayan ang kay Doods. Pero ang kay Senator Ralph Recto ay pinakamaigting na relasyong hinding-hindi malilimot ng isang Vilma Santos. One thing is most important at this time in Vilma’s life-her marriage with Senator Ralph Recto, ostensibly destined to be the most important in her life from now on. – Willie Fernandez, V magazine, 2005