Vilma Santos is a popular multi-awarded actress and politician in the Philippines. She's known as the "Queen of Philippine Movies," "Queenstar" and "Star for All Seasons." She is currently the Congresswoman of District of Lipa, Batangas (Philippines). This site is mostly about her film career.
Basic Information: Directed: Leody M. Diaz; Story, screenplay: Henry Cuino; Cast: Edgar Mortiz, Vilma Santos, Snooky, Arnold Gamboa, Von Serna, Mila Ocampo, Eddie Mercado, Elaine Stuart, Ernie Vega, Scarlet, Cloyd Robinson, Wilma Landicho, Imelda Alonzo, Rico Villa, Carding De Guzman, Eliel Cavestany; Executive producer: Experidion Laxa; Film poster: Video48
Plot Description: No Available Data
Film Achievement:Sweethearts was also an music album of Edgar Mortiz and Vilma Santos.
Film Reviews; “…By late 1969, movie producers had been tapping a Vilma Santos-Edgar Mortiz love team. Edgar was a Tawag ng Tanghalan winner. They started to be together in the movies, My Darling Eddie (1969) and The Jukebox King (1969)…In 1970, the love team of Vilma Santos and Edgar “Bobot” Mortiz was officially launched in the movie Young Love, together with the another popular love team during that time, Nora Aunor and Tirso Cruz III. The Vi and Bot love team went on to do 14 more movies in 1970—The Young Idols, Songs and Lovers, Sweethearts, Sixteen, Love Letters, Love is for the Two of Us, Mga Batang Bangketa, My Pledge of Love, Renee Rose, Baby Vi, Because You Are Mine, Edgar Loves Vilma, From the Bottom of My Heart, and I Love You Honey. All did well at the box-office…” – Rommel R. Llanes (READ MORE)
“…Noong Dekada ’70, ang mga young stars ay kailangang marunong kumanta dahil yun ang uso kaya naman nagtayo ng sariling recording company ang nasirang manager ni Vi na si William Leary dahil ayaw niyang pahuhuli sa uso ang kanyang alaga. Ilan sa mga naging recording artists ng WILEARS RECORDS bukod kay Vi ay sina Edgar Mortiz, Ed Finlan, Sahlee Quizon, Hilda Koronel at Esperanza Fabon. According to Vi, kapag nagrerecord siya ng kanta ay nakatalikod siya sa dingding ng recording company at si Bobot ang umaalalay sa kanya. Ang SIXTEEN, na sinulat ni Danny Subido ang unang recording na ginawa ni Vi at ito ay flipsided by It’s So Wonderful To Be In Love. Ang SIXTEEN ay agad naging gold record at dahil dito ay gumawa ng pelikula ang Tagalog Ilang Ilang Productions, ang home studio ni Vi at ito ay ginawa nilang pamagat katambal si Edgar Mortiz. Hindi nyo naitatanong, muntik nang manalo si Vi bilang most promising singer sa AWIT AWARDS noong early ’70s…” – Alfonso Valencia (READ MORE)
“…The loveteam of Edgar Mortiz and Vilma Santos endured a stiff competition from teeny bopper love team of Nora Aunor and Tirso Cruz III and came up with equal success with string of hit films during the musical era of the 70s. Together they did forgettable but commercial hits and also some hints of the years to come to Vilma Santos’ long career. The most notable one: Dama De Noche. Total Number of films with Vilma Santos – 25 (Young Love, Teenage Jamboree, Songs and Lovers, Renee Rose, My Pledge of Love, Mga Batang Bangketa, Love Is for the Two of Us, I Love You Honey, From the Bottom of My Heart, Baby Vi, Love Letters, The Wonderful World of Music, The Sensations, The Young Idols, Sweethearts, Sixteen, Leron-Leron Sinta, Edgar Love Vilma, Don’t Ever Say Goodbye, Dama de Noche, Anak ng Aswang, Because You Are Mine, Kampanerang Kuba, Kasalanan Kaya, Karugtong ang Kahapon…” – RV (READ MORE)
“…Si Edgar Mortiz ang unang nakapareha ni Vilma Santos as a teen star. Nakilala sila as the “Subok na Matibay, Subok na Matatag” loveteam called Vi and Bot at naging magka-steady sila sa tunay na buhay. Marami silang ginawang pelikula as teen stars in the early 70s…” – Showbiz Portal (READ MORE)
“…Young “Chico” (his nickname from childhood) received his first call sheet from Tagalong Ilang-Ilang (TII) Pictures, run by Ferrer’s brother Espiridon Laxa, one of the most powerful independents at the time that had stamped its mark in the early Sixties promoting Fernando Poe Jr (or FPJ) and Joseph Estrada as the screen’s rough and tough action heroes. The action-ready Chito’s first film however was Sweethearts (1970), a teen weepie with a young star-on-the-rise Vilma Santos, directed by TII’s workhorse Leody M. Diaz. More roles followed with Tony (Agent X44) Ferrer AND with Fernando Poe Jr; on the set of Salaginho’t Salagubang (1972), his debut for FPJ Productions, Fernando himself changed Chito’s screen name from Liwanag (“Light”) to the more warlike Guerrero…” – Andrew Leavold (READ MORE)
Basic Information: Directed: Armando Garces; Story: Romeo N. Galang; Screenplay: Romeo N. Galang; Cast: Joseph Estrada, Amalia Fuentes, Leopoldo Salcedo, Gloria Romero, Jun Aristorenas, Divina Valencia, Mario Montenegro, Perla Bautista, Anna Gonzales, Eddie Garcia, Mila Ocampo, Paquito Diaz, Von Serna, Eddie Infante, Gil de Leon, Jose De Villa, Jose Vergara, Luis Castro, Vilma Santos; Executive producer: Rey Ylag; Original Music: Restie Umali; Cinematography: Fortunato Bernardo
Plot Description: No Available Data
Film Achievement: 1968 FAMAS Best Actor – Eddie Garcia; 1968 FAMAS Nomination Best Actress – Perla Bautista; 1968 FAMAS Nomination Best Director – Armando Garces; 1968 FAMAS Nomination Best Picture
Film Review: “…Ipinanganak nga marahil si Ma. Rosa Vilma Tuazon Santos sa show business dahil sa pagitan ng taping ng “Larawan..” ay nagkasunod-sunod na ang kanyang mga pelikula…“De Colores” ng Arco-Iris (Marso 30 – April 10, 1968)…hanggang “Young Love” ng VP Enero 1 – 21, 1970) ng lumikha ng rekord sa takilya….Makalipas ang mga tatlong buwan, nakatanggap ng maikling sulat si Mama Santos muka lay G. Agra. Naghahanap ang Sampaguita Picutures ng batang babae na gaganap ng mahalagang papel sa “Anak, Ang Iyong Ina!” at isinali ng amain ang pangalan ni Vi. Hindi puwedeng lumiban si Papa Santos sa pinpasukang government office, at ayaw naman nilang mapahiya ang kamag-anak, kaya napilitan si Mama Santos na humingi ng day=off sa opisina (Aguinaldo’s). Pagdating sa studio, wala si G. Agra at nasa location shooting, ngunit totoong naroroon ang pangalan ni Vi, kaya’t pinapasok sila sa tanggapan. Napadaan sa harapan ni Mama Santos si Bella Flores na dala ang script ng “Trudis Liit.” Nagulumihanan si Mama Santos. Binasa niyang muli ang liham ni G. Agra. Mali yata ang napuntahan nila! Akma niyang tatawagin si Vi na noon ay nkikipaglaro sa iba pang mga bata upang yayain na itong umuwi, nang pumasok sina Mommy Vera, Dr. at Mrs. Perez, at Eddie Garcia. At doon nagsimula ang movie career ni Vi na magpahanggang ngayon ay batbat pa rin ng iba’t ibang panunuri, opinyon at konklusiyon…” – Ched P. Gonzales (READ MORE)
“…An all-star cast flick with such superstars as Joseph Estrada, Amalia Fuentes, and Gloria Romero. Despite multiple episodic stories of this movie about the “cult” “religious” revival among the elite Catholics, Vilma was in a forgettable episode. I wasn’t sure if she played a rebellious daughter turned good via the Cursillo, and whether she shared scenes with Ms. Romero. What mattered was that she bumped into her Tita Gloria on the set. More bonding, please…” – Mario O. Garces (READ MORE)
“Kukunin ko ang bayad ng halik! May sukli ka pa!” – Anna
“Puta! Sige ituloy n’yo! Sabihin n’yo! Hindi lang naman kayo ang ang unang nagparatang sa akin ng ganyan. Puta! Puta! Puta! Putang-ina n’yong lahat! Putang-ina n’yong lahat! Sige! Sabihin n’yo! Isigaw n’yo! Kung sa inyo lang ay malinis ang aking konsensiya!” – Anna
This slideshow requires JavaScript.
Basic Information: Directed: Elwood Perez; Story: Pete Lacaba; Screenplay: Jose F. Lacaba, Iskho Lopez, Mauro Gia Samonte; Cast: Vilma Santos, Christopher De Leon, Anthony Castelo, Deborah Sun, Subas Herrero, Mila Ocampo, Ed Villapol; Executive producer: Marichu Maceda; Original Music: Lutgardo Labad; Cinematography: Johnny Araojo; Film Editing: Jose Tarnate; Production Design: Angel Tantoco; Sound: Gaudencio Barredo; Theme Songs: “Dati” performed by Anthony Castello; Production Co: MVP Pictures; Release Date: 29 May 1981 (Philippines) – IMDB
Plot Description: When Ana’s (Vilma Santos) father died they experience hardship. She decided to stop her schooling and work (selling beauty soaps on the street). Despite being poor, she decided not to ask help from her rich boyfriend Freddie Villaseñor (Christopher DeLeon). When the hardship reached its peak, she decided to join her friend, Bernadette Santos (Deborah Sun) as escort girls. There she met Bernard, a son of a rich clan, who courted her when Anna’s relationship with Freddy failed. As it turned out Anna was pregnant and despite the disapproval of Bernard’s rich father (Subas Herrero), they continued their relationship. The continuing harassment of Bernard’s father and his entourage resulted in Bernard being shot as one of the goons tried to rape Anna and was caught by Bernard. Anna was framed and Bernard rich father hired Freddy to prosecute Anna. The film climax with the prosecutor Freddy discovered the bullet that killed Bernard. This was when he decided to visit Ana’s family and met her son. The film ends with Ana being acquitted and Freddy discovered that Ana’s son was his son. – RV
Namatay ang tatay ni Ana (Vilma Santos) at dahil rito’y naghirap sila. Napilitan siyang magtinda ng sabon at tumigil sa pag-aaral. Sa kabila nito hindi siya humingi ng tulong sa katipan na si Freddie Villasenor (Christopher DeLeon). Dahil sa hirap ay napilitang pumasok si Ana sa isang escort service sa tulong ng kanyang kaibigang si Bernadette Santos (Deborah Sun). Nakilala ni Ana si Bernard San Diego (Antony Castelo) sa kanyang trabaho bilang escort girl. Sa gabing iyon nakita siya ng kapatid na babae ni Freddy. Nang yayain ni Freddy si Ana para magpakasal pumayag na ito at pumunta siya sa bahay ni Freddy para makilala ang pamilya ni Freddy. Hindi nila alam ay inimbitahan ng kapatid ni Freddy si Bernard San Diego. At sa hapag ng kainan ay binisto nito ang tunay na trabaho ni Ana. Umalis nang umiiyak si Ana at nagkagalit sila ni Freddy. Pinuntahan ni Bernard si Ana para humingi ng paunmanhin ngunit naabutan sila ni Freddy at nag-away sila ni Bernard. Inakala ni Freddy na talagang may relasyon si Bernard at Ana kung kaya iniwanan niya ito. Nagbalik si Ana sa kanyang trabaho. Nagkaroon ng secret admirer ito. Yung pala ito ay si Bernard. Nalaman rin ni Ana na buntis siya at ang ama ng dinadala niya ay si Freddy. Inalok ni Bernard si Ana ng kasal at pumayag naman ito sa kabila ng pagtutol ng kanyang mayamang ama. Lumaki ang bata at apat na taon na ito nang magdesisyon ang ama ni Bernard na tigilan na ang pagsasama ng dalawa. Inalok si Ana ng malaking halaga ngunit tumutol ito. Nang umalis ang ama ni Bernard ay pinaiwan nito ang isa sa kanyang mga tauhan para gahasain si Ana. Dumating si Bernard at nagaway sila ng tauhan ng kanyang ama. Sa kaguluhan ay nabaril ng tauhan ng kanyang ama si Bernard mismo. Sinet-up ng ama ni Bernard si Ana. Pinakulong at kinuhang abogado si Freddy. Sa hukuman ay nakuhang magduda ni Freddy sa dating katipan. Nagpunta ito sa bahay ng ina ni Ana upang kausapin ang batang anak ni Ana. Natuklasan ni Freddy ang tutuong nangyari at ang testigo ay ang anak ni Ana. Sa closing ng kaso ay inihayag ni Freddy na walang kasalanan si Ana at ang pumatay kay Bernard ay ang tauhan ng sarili nitong ama. Napawalang sala si Ana at nalaman ni Freddy na ang bata’y ang sarili niyang anak. – RV
Film Achievement: 1981 FAMAS Best Actress – Vilma Santos; 1981 FAMAS Best Musical Score – Lutgardo Labad; 1981 FAMAS Best Theme Song – Louie Ocampo; 1981 FAMAS Nomination Best Actor – Christopher De Leon; 1981 FAMAS Nomination Best Director – Elwood Perez; 1981 FAMAS Nomination Best Picture; 1981 FAMAS Nomination Best Supporting Actor – Anthony Castelo; 1981 FAMAS Nomination Best Supporting Actress – Deborah Sun
Film Review: Dalawangpu’t Anim na taon na ang nakakalipas nang una nating napanood ang pelikulang Pakawalan Mo Ako. Tumabo ito sa takilya at nagbunga ng pagkapanalo ni Ate Vi ng Best Actress mula sa Famas para sa taong ito. Prinudyus ng Sampaguita Pictures, ang “Pakawalan Mo Ako” ay isa sa mga pruweba na nasa ikataas na puwesto si Vilma Santos nang bagong dekada otsenta. Mula umpisa hanggang sa huli’y umiikot ang istorya sa karakter ni Vilma bilang si Ana, isang escort girl. Markado ang papel ni Vilma at makikita ito sa mga eksena sa kulungan at hukuman. Ang Pakawalan Mo Ako ay mula sa panulat ni Pete Lacaba at iskrinplay nina Pete Lacaba, Mao Gia Samonte at Isko Lopez. Kung ikukumpara sa mga ibang pelikula ni Elwood Perez mas pulido at makatotohanan ang mga eksena’t dialouge ng pelikula. Tulad ng konprontahin nga ma ni Bernard si Ana sinabi nito na: “Puta, Puta! Puta! Hindi lang naman kayo ang unang nagparatang sa akin ng ganyan! Puta! Puta! Putang Ina n’yong lahat…” At nang unang dalhin ni Bernard si Ana sa bahay nito at pagtangkaang gahasain, pumiglas si Ana at sabay kuha sa pera at sabay sabing: “kukunin ko ang bayad sa halik may sukli ka pa!” At siyempre ang eksena sa hukom kung saan paulit ulit niyang sinasabi ang salitang: “Sinungaling!…” Ang musika ni Lutgardo Labad ay minsan nakakaabala sa tunay na eksena ngunit angkop na angkop ang theme song ng pelikula, ang “Dati” na kinanta mismo ni Antony Castelo. Merong mahahabang linya si Christopher DeLeon sa bandang huli at nakuha naman niyang bigyan ng buhay ang papel niya bilang abogado ng taga-usig kahit na parang pilit ang pagpapalit niya ng panig para sa tagapagtanggol sa bandang huli, sa kanyang closing remarks. Alam niya marahil na talagang pelikula ito ni Ate Vi. Mahusay rin ang pagganap ni Antony Castelo bilang isang matigas na ulong anak ng isang mayaman. Sa papel na ina ni Ana, nakaka-distract ang hindi tunay na boses ni Mila Ocampo. Bilang ama ni Bernard San Diego, very one-dimensional ang papel ni Subas Herrero. Ang pinakanakakatuwang papel ay ang papel na kaibigan ni Ana na ginampanan ni Deborah Sun. Meron siyan eksena sa hukuman kung saan tumistigo siya at natural na natural ang pagkababaeng bakla niya. Mabilis ang pacing ng pelikula at walang mahusay ang pagkakaedit nito. Hindi ako nagtaka kung bakit nanalo si Ate Vi para sa pelikulang ito mula sa Famas. Ito rin ang bale hudyat ng pagsibol ng bagong Vilma Santos pagpasok ng dekada otsenta dahil sa sumunod na taon ay nagkasunod sunod na ang parangal sa pagarte ni Ate Vi mula sa iba’t ibang award giving bodies. – RV
“…Elwood Perez and Vilma Santos collaborated in seven films. The first one was the trilogy that he co-directed with two other director, Borlaza and Gosiengfiao (these three are the most underrated and under appreciated directors in the Philippines), the remake of Mars Ravelo comic super hero, Darna in Lipad Darna Lipad. The film was a record-breaking hit Box-office Film. They follow this up with a more mature projects as Vilma started to switched her image from sweet to a mature/versatile actress, pairing her with Christopher DeLeon in five films starting with Masarap Masakit Ang Umibig in 1977. The Perez-Santos-DeLeon team produced several blockbuster hits and also gave Vilma two FAMAS best actress awards. Both wins contributed to her elevation to the FAMAS’ highest honour, the “Hall of Fame” award she received in 1989. The wins were for Pakawalan Mo Ako (1979) and Ibulong Mo Sa Diyos (1988)…” – RV (READ MORE)
“…The second memorable film experience for me was during early 80s where I saw the free sneak preview of “Pakawalan Mo Ako” at Gotesco Theatre near University of the East. I was one of the lucky ones who managed to get in. My college mates weren’t. They got stocked in the pandemonium outside. I was worried sick as I took the long escalator and saw them being crashed by the crowd. The security guards have to closed the gate of the lobby. Fans became so restless and broke the glass windows (where they displayed posters and still photos) . Inside, It was crowded, hot and wild. We were seeing a more mature Vilma Santos. The moviegoers reacts to every scenes from the very beginning up to the very end (the courtroom scene where Vilma cried and swear, “Liars! Liars! You’re all Lying!”)…” – RV (READ MORE)
“…Natatangi ang pelikulang Pakawalan Mo Ako (MVP Pictures, 1981) dahil sa matagumpay nitong pagtatangkang ilahad ang proseso tungkol sa pag-ibig at pagbabahagi ng sarili nang buo ang pagkatao. Nilinaw ng pelikula ang mga personal at pang-ekonomiyang salik na naghatid sa pangunahing tauhan tungo sa pagpuputa at inilalantad ang bunga nito gaya ng madamdaming pagsasadula ni Vilma Santos. Nang muli silang magkita ng kasintahan, ibang babae na ang kanyang nakatagpo, mas may tiwala sa sarili at mulat na sa kalakaran ng mundo. Nakakaantig ang transpormasyon ng kanyang karakter mula biktima ng nasawing pag-ibig at di-makalingang propesyon tungo sa pagbabago at paninindigan ng kanyang pagiging babae. Mapangumbinsi rin ang pagganap ni Christopher de Leon dahil sa kanyang sensitibong pagpasok sa katauhan ng isang abogadong makiling sa sistema ng batas. Sa unang tingin, tila makababae ang punto de bista ng Pakawalan Mo Ako dahil sa paglalahad ng babae bilang biktima pa rin ng ispontanyong reaksiyon ni Bernard, ang lalaking nagnanasa sa kanyang katawan. Subalit madulas ang daloy ng iskrip nina Pete Lacaba, Mao Gia Samonte at Iskho Lopez, konsistent ang disenyong biswal at sinematograpiya. Malinis ang editing at akmang-akma ang musika. Ngunit habang hinihimay ang naratibo, unti-unting natuklasan ang melodramatikong proposisyong ipinapakain ng pelikula. Isang proposisyong taliwas sa pagnanasang patuloy na makibaka, magmahal at mabuhay…” – Jojo Devera, Sari-saring Sineng Pinoy (READ MORE)
Deborah Sun – “…Bonggang-bongga ang papel ni Deborah Sun sa “Pakawalan Mo Ako.” Even her co-stars here, Vilma Santos, Christopher de Leon, and Anthony Castelo joked na madalas silang maagawan ng eksena ni Deborah. Tila nga lalong tumataas ang career ni Gigi (her monicker in real life). Bukod sa “Pakawalan,” lumabas din siya sa “Rosang Tatak” at sa highly successful na first directorial job ni Bembol Roco, ang “Asal Hayop…” – Artista Magazine, 1981 (READ MORE)
“…One of the pioneers of the indie scene in the 1970s, Perez eventually became one of most bankable directors of that same golden era which spawned the biggest hits of acting superstars Nora Aunor (“Mahal Mo, Mahal Ko,” “Till We Meet Again”) and Vilma Santos (“Pakawalan Mo Ako,” “Ibulong Mo sa Diyos”). “Masarap, Masakit ang Umibig” was screened in the Asia-Pacific Film Fest in Taiwan in 1978 and the Asean Film Fest in Australia in 1981…” – Bayani San Diego Jr., Philippine Daily Inquirer, 11/01/2009
You must be logged in to post a comment.