“Kung nasa Roma ka, kumilos ka at magsalit na tulad ng isang Romano. At kung nasa sarili mo kang bansa, kumilos ka at magsalit sa iyong natural. Aywan ko kung ganito nga ang pagsasalin ng naturang kasabihan, ngunit sinunod ito ng superstar na si Vilma Santos ngayong siya ay nasa malayong Amsterdam, pook ng labingwalong oras na lakbayin sa eroplano mula sa Pilipinas. Isang Pilipina si Vi pero ngayon ay nagsasalita at kumikilos siya na parang siya ay tunay na tagaroon. Sa pamamagitan ng long distance, nakausap namin si Vi, si Mrs Santos at ang kolumnista at PRO na si Ethel Ramos. At sa may kulangkulang 20 minutong pag-uusap na pagsalin-salin sa tatlo ay nakakuha kami ng first-hand na impormasyon. “Mahigit na isang linggo na kaming nagsisiyuting,” ani Vi. “pero naisingit na namin ang pamamasyal. nalibot na namin ang pinakamagandang lugar dito sa Amsterdam gaya ng Valley Dome na kinaroroonan ng mga windmills, Queen Juliana’s Palace at Doms Square. “Nagcanal ride na rin kami at talaga palang napakaganda ng pook na ito” patuloy ni Vi. “Maginaw dito, daig pa ang Baguio at patuloy daw na lalamig pa sa mga susunod na araw. Kasama ko sina Mama, Papa at Ethel sa pamamasyal. Makaluma ang mga tao rito at makikia iyon sa kanilang pananamit.” wika naman ni Mama Santos. “Hindi rin gaya ng Maynila na napakaraming tao. Parang maliit lamang ang populasyon. Siguro ay aabutin ng mga isanlibo ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho rito. Katunayan, sa bahay ng isang Pilipino kami nakatira.
Si Ethel Ramos ang sumuod naming nakausap at higit siyang maraming balita. Alam n’yo naman si Ethel reyna sa dami ng movie tsistmis. “Alam mo ba na nalibot na rin namin nina Via ang mga red house dito? Yaong tinatawag nilang red light district?” aniya. “Dito kasi ay legal ang prostitution business kaya para ka lamang pumasok sa isang department store. Sa mga banketa ay nagkalat sila, may nakaupo na parang namamasyal lamang sa parke. Lapitan mo at sasabihin niya agad ang presyo at iaabot ang kanyang palad. Gaya ng napabalita noon, totoong makikita mo lamang ang iba sa kanilang eskaparate,” patuloy ni Ethel. “Ituturo mo lamang ang prostiture na gusto mo na parang nagtuturo ka ng ulam at ayos na. Papapasuking ka sa kanilang cubicle na napakalilinis naman. Parang kuwarto ng isang masinop na dalaga at mabango pa ang mga silid. maraming magaganda sa kanila. Ipagpaunmanhin sana ng mga masasagasaan, pero alam mo ban na mayroon sa kanila na kahawig ni Rio Locsin at may kahawig pa ni Lourdes Medel? Excuse lang ha? Hawig lang naman e. Pero may roon ding matataba at mayroong mga payat at hindi magaganda. May halos kasintaba ng mga reporter na sina Mama Mocha (Ramon Teodoro) at kasingpayat ni Vir Gonzales. May ilan sa kanila na pumapayag lang pag may condom.” Ayon pa rin kay Ethel, si Vilma ay ilang araw munang nagmasid at nag-aral nang personal sa mga kilos, pagsasalita at paghalakhak ng mga tunay na puta at prostiture doon. Ibig kasi niyang makuha ang talagang tamang pagganap na parang natural na natural. nagtatanong pa rin siya at nakipag-usap sa ilan sa pamamagitan ng interpreter at makaraan lamang ang ilang araw ay may ialng nang salitang Dutch na alam si Vilma. May isang Dutch din na may crush sa kanya. Max ang pangalan. Mataas. Pero 23 years old lang.
Sa naturang pelikula ng Sining Silangan na “Miss X” ay isa ngang prostitute ang labas ni Vilma. Isang Pilipina siya na na-recruit para magtrabaho nang maganda roon pero sa isang bahayan nga ng mga kalapating mababa ang lipad ang kanyang binagsakan. Ngayon ano kaya ang magiging ayos niya? Makapal ang make-up? Malakas humalakhak? Kasabik-sabik ito sa mga fans ni Vi at tiyak na maganda ang pagkakagawa dahil Gil Portes ang direktor at walang magaganap na bitinan sa shooting. Kay Mrs Santos naman nakalipat ang telepono bago magpaalaman at ganito naman ang kanyang idinagdag: “Gilders ang tawag sa pera dito at masyadong mahal ang mga bilihin. Mas mataas ang gilders sa dollars. Ako ang cook nila rito at mayroon ding bagoong na mabibili. Tulad ng dati, hindi natutulog si Vi sa gabi at sa umaga natutulog hanggang tanghali. Pati tuloy kami ni Ethel ay nagkakaroon ng insomia. Pagkatapos ng shooting ni Vi ay tutuloy siya sa Europe, Paris at iba pang lugar para makapamasyal at makapamili nang gusto niya. Kami ni Papa ay pupunta naman sa Amerika at titingnan namin ang bahay na nabili namin doon. Mga second week na siguro ng Nobyember ang uwin namin. Iay ang mga unang repot mula sa Armsterdam. Sooth naman ang shooting nila at ang iba pang naroon ay sina Mark Gil, direktor Portes, Roger Vivero at mga prodyuser ng Sining Silangan. Naroon na rin daw sina Mother Lily ng Regal Films, Douglas Quijano at Lolita Solis. Sa susunod na tawg ay muli kaming magbabalita tungkol sa mga happening doon.” – Efren M. Esteban, Jingle Extra Hot Magazine, 5 November 1979, posted by James DR, Pelikula ATBP, 26 January 2021 (READ MORE)

Hindi Nakaporma – “She was bubbling with joy,” puna ni Mark, who obviously was smittened yata with Vi’s charm. Kaya lang, ang balita namin, tipo raw na hindi nakaporma si Mark kay Vi dahil sa isang Dutchman na laging nakadikit sa aktres. Kamukha raw ni Ramil Rodriguez ang “suitor”na ito ni Vi at talaga raw matinding-matindi ang tama sa ating dalaga. Makikita ninyo sa movie ang Dutchman na ito dahil kasama rin siya sa cast ng “Miss X.” At mukhang seryoso raw ang Dutchman na ito dahil may nagbulong sa amin, malamang na pumunta siya rito sa ating bansa para totohanin na ang kanyang panliligaw. Kapag nangyari ito, masaya siguro. By the way, back to Damsquare, naroon din daw pala ang palace ni Doña Juliana, ang reyna ng Amsterdam, pero hindi siya doon nakatira. Minsan isang buwan lang kung buksan ang palasyo at itoý kung may cabinet conference. Si Doña Juliana ay anak ng first queen ng Amsterdam na si Doña Wilhelmina. Sa Soastdijk (pronounced as Susdak) siya nakatira. Isang lugar din ito sa Netherlands. Ipinasyal din ni Mark si Vi sa Red Light District. Dito kinunan ang malaking bahagi ng “Miss X.” Dito nga makikita ang much talked about na mga babaing naka-display sa eskaparate at for hire for a 15-minute pleasure…” – Article by Chit A. Ramos, Photos: Bing Cruz, first published at Jingle Extra Hot Magazine, 26 November 1979, Posted by James DR, Pelikula (


























































You must be logged in to post a comment.