VIilma’s Unguarded Moment

This is Vilma’s unguarded moment. Iyong bang para siyang nasa isang malayong lugar at malayo ang narating niya. At kung anuman ang iniisip niya ay siya lamang ang nakakaalam. And one time we caught them, siya at si Bobot. Nasa loob siya ng isang waiting room na residence ng kanilang producer sa Volta. Kasama siya at binabantayan ng mga ito. Sa di kalayuan nakaupo si Vilma. As usual, talks, “ika nga siyempre ang pinag-uusapan nila’y tungkol sa kanilang dalawa. Hindi maiwasan ni Bobot ang pagtatapat kay Vilma tungkol sa mga loobin pa niya. “Sus, nagbiro ka na naman, tigilan mo na nga ako ‘yan, Bingi na ako riyan.” sabi ni Vi at bahagyang nangiti siya. Nagyuko ng ulo si Bobot. Bahagyang nag-isip. “Wala ‘yes, huwang mong pansinin.” Tila naman pampalubag loob ay nabawi uling salita ni Vilma. Saka pa lamang napangiti si Bobot. At pag nabuksan na ang pinto tiyak na bubungad ang pinakamatandang kapatid ni Vi. “Kamusta? May kailangan ka ba?” Tanong nito kay Vilma. “Nagpapahinga lang kami dito. Tatawag ako kung may kailangan ako. May kasama naman ako rito eh.” Sagot ni Vi sa kanyang ate. One time sa KBS minsan nang naging guest naman ni Vilma si Jojit Peredes. Well, kahit sino ang makakila tiyak na iisipin at sasabihin na may ugnayan nang talaga ang dalawa. Nagkakaunawaan na.

These are many times we caught Vilma na paglapit sa kanya ni Jojit ay para bang may mahalaga silang pinaguusapang para sa kanilang dalawa. But in fact, may kinalaman lamang iyon tungkol sa gagawin nilang palabas. Kaya kung hindi sanay ang makakakita sa kanila, tiyak na sasabihin na boyfriend na pala ngayon ni Vi si Jojit. kahit kay Tirso Cruz III there are many unguarded moment of Vilma, me sasabihing mong uy new ito? Si Pip na pala ngayon? Kasi, hahawak sa braso ni Pip si Vi at kukulitin ito. Kaya lang malalaman ng mga kaharap sa nagbibiruan sila pagtawa ng malakas ni Vilma… Even with Walter Navarro ng minsan ay maging guest din ito ni Vilma, wala sa loob niya ay nabibiro din si Walater. At wala din sa loob niya bigla siyang titigan ni Walter. Ngiti ang tinutugon ni Vilma sa titig na iyon. Nakikiramdam ang mga kaharap. Si Walter naman ngayon? Tiyak na iisipin nila ito. Pero ang tooto ay walang kahulugan talaga at palagayang loob lamang. this is Vilma’s many unguarded moment. Kahit man nagaganap. At sakunan siya ng larawan ng hindi niya nalalaman kung ano man ang kanyang ginagawa. But in the name of love? Vilma is still thinking about it now. Kaya wala ngang makatitiyak kung silang dalawa ni Bobot ay magkakabalikan pang talaga o may lihim silang kasunduan. – Ric S. Aquino, TSS Magazine, No. 190, 08 Oct 1974

Ric S. Aquino is a Filipino movie reporter, writer, columnist who was part of Vilma Santos’ circle of movie writers in the early part of her film career. He mostly reports about the latest news about Vilma. He also wrote several pieces about her relationships with Edgar Mortiz and other admirers. His articles, mostly written in Tagalog were mostly published at Movie Queen magazine, a magazine identified with Vilma Santos. – RV

International Picture for Vilma

Friendship and goodwill to man. Ito ang patakaran ng bawat bansang nagsasanig sa buong daigdig. At ang palagayan ng mga tao sa mundo’y minsan pang nabigyan ng katuparan nang ang dayuhang artista (Meng Fei), ang humanga at hinahangan naman ng mga Pilipino. Tulad ng paghanga ni Meg Fei kay Vilma at paghanga naman ni Vilma kay Meng Fei. “Hinahangaaan niya ang mga dalagang Filipina,” simula ni Vilma. “Nang may sabihin si Meng Fei, ang una bang nadama ay pagmamalaki sa aking sarili para sa kapwa ko dalagang Filipino. Hindi ba karangalan nating lahat na madama at marinig mula sa dayuhang ang paghanga nila sa akin?” Napangiti si Vilma nang sabihin niya na amini ang pagiging tunay na maginoo ni Meng Fei. Sa loob ng maraming araw na pagkakalapit nina Vilma at Meng Fei, mula nang magshooting sila sa Cebu City na ginagawa nilang bagong pelikula, ang Two Fists For Justice, ay lubusang nakilala ni Vilma ang tunay na pagkatao at paguugali ng Chinese actor na ito. “Never na never sa pag-uusap namin ay pinuri ko si Meng Fei o ang mga kaugalian nila. Nakikisama ako sa kanya bilang isang kaibigan at siya, bilang isang dayuhan ay pinakitunguhan ko bilang panauhin.” But most of all the time, laging nasasabi ni Meng Fei ang kanyang paghanga sa Filipina at sa mga Pilipino. Sa ganyang paraan ay makakadama ako ng kasiyahan dahil ako’y Pilipino.

Sinisikap ni Meng Fei na makapagsalita at matuto ng wikang Tagalog. Tuwing mag-uusap kami’y ugali ng mga dalagang Filipina ang lagi niyang tinutukoy. At maging kapansin-pansin para sa kanya ang pagkakaroon natin ng mga beauty queens na isang malaking karangalan sa buong mundo.” ani Vilma. “Natuklasan ko ang pagiging edukado at makabayan ni Meng Fei. Bakas na bakas sa kanya ang pagmamahal sa kanyang sariling wika. Kaya nga hindi siya sanay magsalita ng Ingles. Ayong sa kanya, sa kanilang bansa ay higit na hinahangaan ang mga taong nagbibigay dangal sa sarili nilang wika. Naniniwala ako, pagka’t nang makarating ako sa Japan noon ay napansin kong karamihan sa mga Japanese ay hindi makapagsalita ng ibang wika. Sarili nilang wika ang kanilang ginagamit at sa kabila nito ay makikita naman natin ang progreso ng kanilang bansa. Ang hapon ay isa sa maunlad na bansa sa buong mundo. Subalit ang China ay humahabol ngayon sa kanila. Sa kabila nito, ayon kay Meng Fei, ay mayroon silang dapat ipagmalaki ang mga Filipina. Ang kanilang mga katutubong kaugalian. Amg kaugalian natin, ang katahimikan ng ating bansa at pamahalaan, ito ay hinahangaan at pinuring lahat ni Meng Fei.” Ayon naman kay Meng Fei, ang kanilang pelikulang Two Fists For Justice ay naka-booked na for intenational release. Ibig din niyang ipakita sa ibang bansa ang kagandahan ng Pilipinas na nasaksihan niya sa pamamagitan ng pelikulang ito. – Ric S. Aquino, Modern Romances Illustrated Magazine, No. 13, 17 Sep 1973

FILMS - Twin Fist of Justice feat Meng Fei (3)

Ric S. Aquino is a Filipino movie reporter, writer, columnist who was part of Vilma Santos’ circle of movie writers in the early part of her film career. He mostly reports about the latest news about Vilma. He also wrote several pieces about her relationships with Edgar Mortiz and other admirers. His articles, mostly written in Tagalog were mostly published at Movie Queen magazine, a magazine identified with Vilma Santos. – RV

The New Vilma Santos is an Actress

Dumating ang mahigit na pagsubok. At nagpasalamat ako sa diyos at sa aking mga dalangin at pagsisikap ay ipinagkaloob sa akin ang magandang kapalarang ito.” Pormal na pormal si Vilma habang nagsasalita siya. Sa paksang ito’y nabanggit niya ang ilang mga bagay na nakasusugat ng damdamin niya. Ang pagtatanong ng ilan at pag-uukol sa kanya ng mga salitang nakakasakit ng loob ay nabanggit sa amin ni Vi. Bakit daw siya ang naging Best Actress? Ito ang tanong ng ilang naghahangad na sirain ang loob niya at gumawa ng isang bagay na hindi maganda. Ang totoo ay marami ang nanalig at nagtitiwala sa pagkakamit noon ng FAMAS award ni Vilma. She do her best and she deserve it, kahit ano pa nga ang sabihin at isipin ngayon ng ilang tao lamang. You’re an actress. Ito ang narinig naming sinasabi ng mga bumisita kay Vilma sa kanyang tahanan. Naluha sa malaking kagalakan si Vilma. “Hindi ako magbabago sa inyong lahat. Hindi.” maikling wika niya. Natapos ang paksang iyan. Then the week ng huli naming makada-upang palad si Vilma ay maganda naman ang aming naging paksa dito. Maraming dapat napuna sa kasalukuyang tungkol kay Vilma Santos. Noon at ngayon ay masasabing malaking-malaki ang ipinagbago ni Vilma sa anyo at sa kilos.

Dalagang-dalaga na siya and she looks like a woman of twenty bagama’t walang-wala pa siya sa line of two. Natawa nga siya ng sabihin namin na pakiramdam daw niya ay matured na siya ngayon. At her age hindi nga ba naktutuwang isipin na isa siyang awardee ng FAMAS? And she’s the only first young star na nagkamit ng ganitong uri ng karangalan. Best Actess. Sa acting siya nakakuha ng malaking bagay sa kanyang movie career. Nagpormal si Vilma. Alam naming handang handa na siya ngayon na maging isang babaing sirena na ginagawa niyang pelikulang “Dyesebel at Ang Mahiwagang Kabibe.” “Marami na namang pagsubok ang darating sa akin. At tiyak alam ko na ito.” Sabi ni Vilma. “Alam n’yo ba? Lalo akong acting na acting ngayon.” Nakatawa siya. “Dito sa Dyesebel alam kong hindi lamang pagiging sirena ang mahalaga. All I need here is acting din, hindi ba?” Gagawin kong lahat ang aking makakaya. Pero pagkatapos ng pelikulang ito’y gustong gusto kong makaganap ng isang uri ng role na mas higit kaysa mga napagdaanan ko na. And more acting s’yempre.” The way she talks, the movies and act sa harap ng camero o pakikipag-usap sa kanyang mga kaharap, halatang may isang bagong Vilma Santos.

Lady look na lady look na talaga ngayon si Vilma. Para bang ang nakaharap mo ngayon ay isang dalagang nasa hustong gulang at kagalanggalang. Pagpipitagan mo siya talaga. Iingatan mo ang pagsasalita sa harap niya bagama’t sa katotohanan ay ibig na ibig niyang makakaharap ang mga taong palagay na palagay sa kanya ang kalooban. Sa ngayon nga sa pagkakaroon ng bagong anyo ni Vilma sa lahat ng bagay ay kanyang sarili’y unang mabubuksan sa isip at paningin ng kanyang kaharap na ito. Ito ang bagong Vilma Santos. Matured look na siyang talaga ngayon. ‘Yong bang handang handa na sa lahat ng mahahalagang bagay sa kanyang paligid. “Salamat sa paguukol ninyo sa akin ng panahon. At kahit nga sa maikling sandali lamang ay nakakapalitan ko kayong lahat ng mga kuru-kuro. Bagong Vilma Santos ng nga ba ako ngayon? Salamat. Pero alam ko na walang nababago sa aking pakikisama at pakikutungo sa lahat. Kung may nabago man sa akin. Kung tinawag man ninyo ako ngayon na the new Vilma Santos, ang toto niyan ay nasa puso ko pa rin ang dating ugali.” sabi ni Vilma. Naniniwala kami. Nagbago man si Vilma Santos sa anyo at mga kilos ay hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging magiliw at mabait sa lahat.

Siya pa rin ang dating Vilma Santosna kagigiliwan mo. Mabait makitungo, mahusay makisama at marunong tumugon sa kanyang mga tungkulin. Being an actress, very professional na talaga si Vilma. Well, tinawag namin siyang actess sapagka’t may panghahawakan ang sino mang sabihin aktres na talaga si Vilma. FAMAS award yat. Pero nagpormal siya. Ayaw na ayaw niyang mabubuksan ang paksang ito na halata ang pagpuri sa kanya. Ayaw niyang isipin ng sino man na nagkaroon na siya noong tinatawag na aire o paglaki ng ulo. Basta siya pa rin si Vilma. Huwag isipin ang award. Natawa kami. “Ayokong isipin nilang porke FAMAS awardee na ako ngayon eh, merong nabago sa aking kilos at isipan? Walang-wala iyan sa akin. Kaya nga ayaw kong mapag-usapan eh. Baka isiping ipinagmamalaki ko it. Hindi natawa ko. Nagpapasalamat. Pero ang pakikisama at pakikitungo sa lahat iyang ang hinding-hindi magbabago kahit ilang award pa ang makamit ko.” Aniya. Iyan si Vilma Santos. Ang bagong Vilma sa tunay na kahulugan ng salitang ito. Maganda kapita-pitagan. At aktres na talaga. Sa pelikulang Dyesebel, masusubok si Vilma at ang mga bago niyang katangian sa sining ng pag-arte. Ngunit tulad nga ng mga nauna niyang pahayag dito, more acting and more good films ang kailangan pa niya. At ito ay buong kakayahang gagawin at magagaw pa ni Vilma sa hinaharap. – Ric S. Aquino, Movie Queen Magazine, No. 60, 18 Jun 1973

Ric S. Aquino is a Filipino movie reporter, writer, columnist who was part of Vilma Santos’ circle of movie writers in the early part of her illustrious film career. He regularly reported the latest news about Vilma and her several suitors including her much publicized relationships with Edgar Mortiz. Aquino’s articles, usually written in Tagalog were mostly published by Movie Queen, a magazine identified with Vilma Santos. – RV