The GP 2005 Coverage: Who nominated Ate Vi?

MEMORABILIA - News Clippines - Gawad Plaridel 1

Nakausap ko kanina si Bb. Irene Zamora na nagtatrabaho sa U.P. College of Mass Comm. Hiniling kong makuha ang pangalan ng institusyon at ang taong nag-nominate kay Mayor sa Plaridel upang mapasalamatan sila kahit na papaano. I gathered that the person responsible for this glorious moment is none other than: Mrs. Namnette de la Pena of: Concerned Parents International Foundation. Sa aking panayam kay Irene, nagkuwento siya ng mga pangyayari leading to the awarding ceremony na idinaos kahapon. Eto ang mga samut-sari:

  • Pito ang mga original na na-nominate hanggang sa naging tatlo. Dumayo raw ang ilang mga maka-Nora sa naturang kolehiyo para maggprotesta nang hindi mapasama ang idolo nila sa natitirang tatlo ngunit umuwi silang luhaan. Nangako raw silang babalik.
  • Ang mga nag-cast ng vote sa natitirang tatlo ay mga guro na lamang ng Dept. of Film Institute. Alam natin na wagi si Mayor sa huli.
  • Oo. Vilmanian nga daw si Mrs. Nanette de la Pena and most of her colleagues.
  • Punong-puno ang Cine Adarna at lahat ay nakapasok. Aside from friends, family and followers of the Mayor, ibat-ibang delegasyon ng mga mag-aaral galing sa Metro Manila at Batangas ang dumating.
  • Inaantabayanan daw ng mga mass comm employees ang threat ng mga maka-Nora ngunit walang dumating.
  • Walang halong pulitika daw ang ceremonya. Si Sen. Ralph Recto lamang ang politiko sa mga dumalo.
  • Tumagal ng 45 minutos ang lecture ni Mayor with matching audio/visuals.
  • Pagkatapos ng ceremony, nagbigay ng salusalo ang butihing presidente ng U.P. at ng ilang opisyales in VS’ honor sa Executive-House sa campus din. – Agra Amaury (READ MORE)