Filmography: The Sensations (1971)

This slideshow requires JavaScript.

Basic Information: Directed, screenplay: Tony Santos Sr.; Story: Rose Reynaldo, Tony Dantes; Cast: Vilma Santos, Edgar Mortiz, Ike Lozada, Perla Adea, Romy Mallari, Tony Santos Jr., Baby De Jesus, Darius Razon, Rhodora Silva, Vic Pacia, Ben David, Angge, Beth Manlongat; Original Music: Freddie Delgado

Plot Description:   No Available Data

Film Achievement:   No Available Data

Film Review: “…Ang The Sensations ay produce ng ABS CBN at dinerek ni Tony Santos Sr. Consistent No. 1 Top rater ang show at kasama ni Vi & Bot sina Perla Adea, Romy Mallari, Rhodora Silva, Darius Razon, Baby de Jesus, Tony Santos Jr., Janine Frias, atbpa. Dahil sa kasikatan nila Vi & Bot ginawang movie ang The Sensations noong April, 1971, big boxoffice hit ito kaya sinundan agad ni direk tony ng ” Young Lovers ” noong August, 1971, big hit din ito. Ginawan din ng L.P. Album nila Vi & Bot ang The Sensations at muling tinangkilik ng masang pilipino…” – Jojo V. Lim (READ MORE)

“…Sa tuwing sumasapit ang Christmas at valentine’s Day ay nagtatapatan ang mga pelikula nila. Nang ginawa nina Guy at Pip sa Hawai ang pelikulang Blue Hawai, hindi nagpatalo ang Vilma at Edgar. Nagtungo rin sila sa Hawai at ginawa nila ang pelikulang Aloha, My Love bilang pantapat sa pelikula nina Nora at Tirso. Ganyan talaga kainit ang labanan noon ng dalawang parehang ito. Pagkatapos ipalabasa ang mga pelikulang Blue Hawai at Aloha My Love na parehong kumita sa takilya, nagtungo rin ang dalawang pangkat sa USa para gawin naman nila ang pang-Valentine’s Day offering nila. Don’t Ever Say Goodbye ang kina Vilma at Edgar, samantalang ang kina Guy at Pip naman ay ang Gift of Love. Hindi lang iyan. Tuwing sasapit naman ang Metro Manila Film Festival ay nagkakaroon din sila ng kanya-kanyang entry under their respective production companies – ang Tagalog Ilang Ilang for Vi and Bot at Sampaguita Pictures kina Guy at Pip. Halos sila na lang ang siyang pinapanood at iniidolo ng fans…” – Ely S. Sablan (READ MORE)

“…Ang The Sensations ay isa sa pinakasikat at numero unong musical variety show noong early ’70s. Dito din sa programang ito nakilala sina Darius Razon, Rhodora Silva, Florence Aguilar, Eva Vivar, Geraldine, Richard La Torre, Romeo Miranda, Rene Ordoñez, Esperanza Fabon (na isa nang judge ngayon sa Quezon City), ang Two of Us na sina Ronnie Henares at Jojit Paredes at marami pang iba. Sa programa nina Vic at Tony ay palaging pinapatugtog nila ang mga plaka nina Vilma at Edgar (duet) katulad ng Something Stupid (na naging theme song ng Vilma-Edgar fans), Goodnight My Love, I Love You Honey (na ginawang title ng pelikula nila), I Have Dreamed, I Understand, Better Than All, I Wonder Why, Always With You, Two People in Love, You Don’t Love Me Anymore at marami pang iba. Si Vic Pacia ay namatay sa isang car accident. Samantala sa The Sensations, pinauso ni Vilma ang sayaw na Vilma’s Penguin. Kwelang kwela ang mga bumubuo ng The Sensations at ito ay sa direksiyon ng isa sa pinakamahusay na aktor ng pelikulang Pilipino na si Tony Santos Sr. (si Ka Dencio sa pelikulang Sister Stella L, remember? at naging Best Supporting Actor din sa Asya). As a matter of fact, ang The Sensations ay ginawang pelikula ng Tagalog-Ilang-Ilang Productions na kinunan pa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. May kinunan din nito sa Pagsanjan Falls kung saan muntik nang malunod si Romy Mallari. Nang ideklara ni President Marcos ang martial law noong 1972 ay biglang nawala din ang The Sensations, pati na ang ABS CBN 2 ay isinara, subali’t ito ay pinalitan ng Santos, Mortiz And Associates sa ibang TV station na. Nang maghiwalay ng landas sina Vilma at Edgar ay nawala na din ang Santos, Mortiz And Associates. Nagkaroon ng tampuhan ang grupo nina Edgar at Tony Santos, Sr. at ang grupo ni Vilma at Ike Lozada. Si Vilma ay ipinareha ni Ike kay Jojit Paredes pero nanligaw din si Ronnie Henares kay Vi. Si Vilma at Jojit ay iginawa ng pelikula ni Baby K. Jimenez (isang drumbeater ni Nora Aunor) via Tok Tok Palatok, isang comedy movie. Si Vilma at Ronnie naman ay gumawa din ng pelikula sa Lea Productions na may pamagat na Let’s Do The Salsa, isa namang musical film…” – Alfonso Valencia (READ MORE)

Related Reading:

Filmography: Young Lovers (1971)

This slideshow requires JavaScript.

Basic Information: Directed, screenplay: Tony Santos; Story: Rose Reynaldo, Tony Santos; Cast: Vilma Santos, Edgar Mortiz, Ike Lozada, Perla Adea, Rommy Mallari, Tony Santos Jr., Baby De Jesus, Janine Frias, Len Gutierrez, Angge, Dencio Padilla, Vic Pacia, Ben David, Eddie San Jose, Rosa Aguirre, Nita Carmona, Tony Dantes, Romy Luartes, Miguel Lopez, Jerry Reyes, The Peoples Worry Combo; Executive producer: Experidiun Laxa; Original Music: Freddie Delgado; Cinematography: Ben Lobo

Plot Description: No Available Data

Film Achievement: No Available Data

Film Review: “…By late 1969, movie producers had been tapping a Vilma Santos-Edgar Mortiz love team. Edgar was a Tawag ng Tanghalan winner. They started to be together in the movies, My Darling Eddie (1969) and The Jukebox King (1969)…In 1970, the love team of Vilma Santos and Edgar “Bobot” Mortiz was officially launched in the movie Young Love, together with the another popular love team during that time, Nora Aunor and Tirso Cruz III. The Vi and Bot love team went on to do 14 more movies in 1970—The Young Idols, Songs and Lovers, Sweethearts, Sixteen, Love Letters, Love is for the Two of Us, Mga Batang Bangketa, My Pledge of Love, Renee Rose, Baby Vi, Because You Are Mine, Edgar Loves Vilma, From the Bottom of My Heart, and I Love You Honey. All did well at the box-office…” – Rommel R. Llanes (READ MORE)

“…Noong Dekada ’70, ang mga young stars ay kailangang marunong kumanta dahil yun ang uso kaya naman nagtayo ng sariling recording company ang nasirang manager ni Vi na si William Leary dahil ayaw niyang pahuhuli sa uso ang kanyang alaga. Ilan sa mga naging recording artists ng WILEARS RECORDS bukod kay Vi ay sina Edgar Mortiz, Ed Finlan, Sahlee Quizon, Hilda Koronel at Esperanza Fabon. According to Vi, kapag nagrerecord siya ng kanta ay nakatalikod siya sa dingding ng recording company at si Bobot ang umaalalay sa kanya. Ang SIXTEEN, na sinulat ni Danny Subido ang unang recording na ginawa ni Vi at ito ay flipsided by It’s So Wonderful To Be In Love. Ang SIXTEEN ay agad naging gold record at dahil dito ay gumawa ng pelikula ang Tagalog Ilang Ilang Productions, ang home studio ni Vi at ito ay ginawa nilang pamagat katambal si Edgar Mortiz. Hindi nyo naitatanong, muntik nang manalo si Vi bilang most promising singer sa AWIT AWARDS noong early ’70s…” – Alfons. Valencia (READ MORE)

“…The loveteam of Edgar Mortiz and Vilma Santos endured a stiff competition from teeny bopper love team of Nora Aunor and Tirso Cruz III and came up with equal success with string of hit films during the musical era of the 70s. Together they did forgettable but commercial hits and also some hints of the years to come to Vilma Santos’ long career. The most notable one: Dama De Noche. Total Number of films with Vilma Santos – 25 (Young Love, Teenage Jamboree, Songs and Lovers, Renee Rose, My Pledge of Love, Mga Batang Bangketa, Love Is for the Two of Us, I Love You Honey, From the Bottom of My Heart, Baby Vi, Love Letters, The Wonderful World of Music, The Sensations, The Young Idols, Sweethearts, Sixteen, Leron-Leron Sinta, Edgar Love Vilma, Don’t Ever Say Goodbye, Dama de Noche, Anak ng Aswang, Because You Are Mine, Kampanerang Kuba, Kasalanan Kaya, Karugtong ang Kahapon…” – RV (READ MORE)

“…Si Edgar Mortiz ang unang nakapareha ni Vilma Santos as a teen star. Nakilala sila as the “Subok na Matibay, Subok na Matatag” loveteam called Vi and Bot at naging magka-steady sila sa tunay na buhay. Marami silang ginawang pelikula as teen stars in the early 70s…” – Showbiz Portal (READ MORE)