Maria Cinderella at ang Pilipino Art

Isang pelikulang fantasy ang handog ng TIIP para sa nalalapit na 4th Quezon City Film Festival. Ito’y ang Maria Cinderella na isa na namang tambalan nina Vilma at Jay. napag-alaman naming hindi isang karaniwang fantasy ang nasabing pelikula. Manapa’y bibigyang-kulay nila at ningning ang tunay na Sining-Pilipino (Pilipino Art) in the serye na kahit na itanghal ito sa ibang bansa ay makapagbibigay inpormasyon sa mga foreigners. Ang location maging ang set ay talaga namang ating-atin. Ang bagay na ito ay isa sa mga nais mangyari ni Atty. Laxa, lalo na kung sa bakuran nila o oufit gagawin ang isang pelikula. Naging tradisyon na ng TIIP ang pagbibigay ng prestihiyosang movies sa publiko. Sa loob ng labingtatlong taong nagdaan ay napatunayan na nila iyon. Katunayan, sila ngayon ang sinasabing starmaker. Ang Maria Cinderella ay isang big budgeted movie. At alam ba ninyo na sa pelikulang ito ay nagbalik ang matagal na rin namang nawawalang bituin na si Blanca Gomez! Bukod kay Blanca, kasama rin nina Vilma at Jay Ilagan sina Geena Zablan, Janet Clemente, Janina Frias, Ike Lozada, German Moreno. Kabituin sina Jingle, Beth Manlongat, Don Don Nakar, Jon Jon Salvador, Maria Rosie Jico at Winnie Santos. Narito rin sina Joseph Sytangco, Elizabeth Vaugh, Greg Lozano at Dave Esguerra. Si Maning Borlaza ang siyang nagdirehe.

Pagkatapos ng pelikulang ito, nabanggit din ni Atty Laxa na magkakaroon ng ng iba-ibang leading man si Vilma. Ang bibigyan ng pagkakataon ay iyong mga walang gaanong pangalan. Sa gayong paraaan nga naman mabibigyan pa nila ng break iyong mga may kakayahan ngunit wala lamang pagkakataong maipakita ang kanilang talent. May seven fairies ang Maria Cinderella. At itoy’s binubuo ng pitong naggagandahang starlet! Nasabi rin ni Vilma na nang mabasa niya ang kabuuan ng kasaysayan ng Maria Cinderella ay natuwa siya pagka’t iyan ang uri ng storya na pang-fantasy na matagal na niyang ibig gawin. Sa side ni Jay Ilagan, isang karangalan umano ang muli nilang pagsasama sa isang pelikula ni Vi. Sana’y higit na ngayong maibigan ng mga manonood kaysa una namaing ginawang pelikula ni Vi – sabi ni Jay. Simula na nga ang puspusang pagsisiyuting ng Maria Cinderella at sa husay at tiyaga naming nakikita… walang dudang ito’y isa na namang panlaban ng TIIP sa mga makakasabay niya sa nalalapit na Pista ng Pelikulang Pilipino sa lunsod ng Quezon. At isa na namang karangalan para kay Vilma Santos! – Deo Fajardo Jr., Topstar Magazine, No. 73, 14 Sep 1973

FILMS - Ang hiwaga ni Maria Cinderella 2

Vilma Magandang Halimbawa ng Kabataan

Pagka’t mabait masunurin, uliran, masipag, model daughter…a living symbol of a true Filipina, kaya’t napili si Vilma Santos na gawing magandang inspirasyon ng kabataaan ng ating bansa. Iyan ang sabi ni Mrs. Lianina C. Alday, Directress of Bureau of Women and Minors Auxilliary, a goverment-formed entity, in the Department of Labor. The policy of the said entity is welfare beyond protections para sa kabataan ng ating bansa. To extend assistance and help to those hope of our land. Ang paraan ng pagtulong na ginagawa ng bureao ay sa pamamagitan ng Working Youth Centers na nasa iba’t ibang siyudad o provinces. Sa mga ito, tuturuan ang may mga ambisyong maging marangal ang hanap-buhay. At kung ang isang mag-aaral ng trade ay nasa ganoong center sa isang siyudad…ipapadala siya sa center na nakatalaga sa kanya. It will be similar to the procedure done in exchange students programs. In this way, mapuprotektuhan ang kalagayan ng nag-aaral. Lalo na’t kung isang babae. Sa Manila, nakakaroon ng isang main Working Youth Centers where all the activities of the strategically located Working Youth Centers will be centralized. Isa pang tulong na ginagawa ng Bureau of Women and Minors Auxilliary ay ang rehabilitation ng karakter ng mga kabataang napapalungi o kinakapus-palad. Give them moral, legal and if possible, material help. So it can be glanced from the aforementioned explanation na gigantic ang scope ng kilusan ng naturang entity. Nationwide. But to maximize ang realization ng aims ng bureau, nagtatag pa ng entity upang makatulong sa kanyang efforts. The Bureau of Women and Minors Junior Auxilliary was expanded.

After much deliberations, ang officers at members nito’y nagkaisa na si Vilma ang gawing Pangulo ng organisasyon. Napili nila ang superstar because she merits the positions. At bilang President nito, maging magandand inspirations. At incentive ito sa mga kabataang tutulungan ng kanilang samahan. In gact, ng youth of the Philippines na ayong kay Mrs Albay, na siyang nagpa-oath taking kay Vi, sa kanilang tahanan sa Arfel noong Aug 3, the superstar being a shining examples of a model Phillipine youth will be “explited” to the gull. At ito nga raw ay napakaganda kasing inspiration para sa kabataan ng bansa. Vilma was awed by the duty placed upon her by the government. Modest pa man siya at kung bakit siya ang napili sa prestigeous position na naturan. “Pero, I am very much honored. At gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ako’y maging karapat-dapat sa kanilang pagtitiwala sa aking kakayahan. Ang totoo, I have been pondering the plight ng less fortunate youths ng ating bansa. Kung minsan, nakakalungkot nang talaga ang kanilang kalagayan. And I sincerely want to help them. sa pagiging involved ko sa governement agencies na ang aim ay nasa pagtulong sa ating kabataan, marahil naman magagawa ko ito. Muli, I am honored and thankful at binigyang opportunity ako upang makatulong sa mga ito.” That said, Vilma Santos, Ang magandang inspiration ng ating kabataan. – Deo Fajardo Jr., Topstar Magazine, No. 73, 14 Sep 1973