The Passing of Marie Balbacui, A Vilmanian

This slideshow requires JavaScript.

Paalam Marie – “…Nagulat ako sa biglaang pamamaalam ni Marie Balbacui na kapanabayan namin every Sunday sa Custodial sa Camp Crame nu’ng nakakulong pa doon sina Sen. Jinggoy at Sen Bong. Hindi pumapalya si Marie tuwing Linggo sa Crame. Natagpuan daw na patay na sa kanyang tinutuluyan somewhere sa Sampaloc. Ang pakikiramay sa kamag-anakan. Fan ‘yan ni Vilma Santos noong kabataan niya…” – Joe Barrameda, Abante, 05 March 2019 (READ MORE)

Advertisements

Vilma Santos: The Star For All Seasons

This slideshow requires JavaScript.

On November 3, 1953 in Trozo, Magdalena, Tondo Manila, a little girl was born, She was a lovely baby with rosy pink cheeks, full ever smiling lips, and a fair skin that nearly bordered on the whiteness of snow. Her name is Maria Rosa Vilma Tuazon Santos. Vilma’s father, Amado Santos, is a native of Bamban, Tarlac while her mother, Milagros Tuazon is from San Isidro, Nueva Ecija. She has four siblings namely: Ma. Michaela(Emelyn), Ma. Theresa (Marites), Ma. Norwina (Winnie) and Joel (Sonny Boy). When she was already of age, Vilma was sent to St. Mary’s Academy for her early schooling. She earned a highschool diploma later on through the private tutorial system. At a tender age of nine, Vilma became a title roler in VP Pictures’ (sister company of Sampaguita Pictures) “Trudis Liit” which was shown at Life Theater from February 21 to March 2, 1963. She won the First Famas Best Child Actress as a maltreated child in the said film. Vilma became a teen icon in the late 60’s until the early 70’s with box-office hits like “Lipad, Darna, Lipad“, “Dyesebal at ang Mahiwagang Kabibe“, “Kampanerang Kuba“, “Wonder Vi” among others. She won her First FAMAS Best Actress at the age of 19 for “Dama De Noche“.

On July 19, 1980, Vilma married Eduardo Luis Barrios Manzano in Las Vegas Nevada, USA. She gave birth to a bouncy bundle of joy named Luis Philippe Manzano on April 21, 1981 at the Cardinal Santos Memorial Hospital. Unfortunately, her marriage to Edu did not last long and was eventually annulled.

It was on December 11, 1992 when Vilma married Ralph Gonzales Recto (now a senator) in a fairytale-like wedding in San Sebastian Cathedral in Lipa City, Batangas. They now have a precocious six-year old son named Ryan Christian Recto who was born on March 29, 1996 at Makati Medical Center.

At present, Vilma is the highly respected and much-revered Mayor of Lipa City, Batangas on her second term (As of 2012, She is the Governor of the Province of Batangas and on her third and final term). She became the First female mayor on the said premier city of Batangas. The actress-politician immersed herself not only with her numerous movie commitments but also with her work on TV as a multi-awarded host/performer via her weekly top-rating musical-variety show VILMA on GMA-7. In the past, she also starred in a soap opera (Larawan ng Pag-ibig), drama anthology (Dalambuhay ni Rosa Vilma) and other musical-variety shows (Ayan eh, VS-Vilma Santos, Very Special).

Vilma Santos most significant films include “Pagputi ng Uwak, Pag Itim ng Tagak” ( Vilma produced this outstanding film directed by the celebrated director Celso Ad Castillo which won the Gawad Urian Best Picture Award), “Relasyon” (she scored the very FIRST GRANDSLAM win for BEST ACTRESS AWARD in the history of Philippine Cinema in this intelligent film directed by National Artist Ismael Bernal for her spellbinding performance in her memorable role as a mistress; she won the Best Actress Award from the Gawad Urian, the First Film Academy of the Philippines, the Catholic Mass Media Awards, and the FAMAS Award), “Burlesk Queen” (her stunning performance as a stripteaser in this Celso Ad Castillo film is considered a turning point in her legendary film career), “Sister Stella L.” (her remarkable portrayal of a radical nun in this acclaimed film directed by film genius Mike De Leon solidifies her status as the country’s premier actress winning her a Gawad Urian Best Actress Award), “Dahil Mahal Kita, The Dolzura Cortez Story” (directed by ace director Laurice Guillen, she scored her 2nd Grand Slam Best Actress win in this unforgettable film about persons with AIDS), “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?” (based on the Palanca award-winning Novel by noted writer Lualhati Bautista, this landmark film by acclaimed director Chito Rono gave the legendary actress her 3rd Grandslam win for Best Actress Award and to top it all, an International Best Actress Award (21st INTERNATIONAL FESTIVAL OF INDEPENDENT FILMS, BRUSSELS, BELGIUM), “Anak” (this film by Rory B. Quintos became the highest grossing Filipino Film of all time), her soon-to-be released political film “Dekada ’70” (based on the Palanca award winning novel of Lualhati Bautista set during the Martial Law era) is destined to be another critically-acclaimed and blockbuster hit film and is bound to be another modern Filipino film classic.

The acclaimed actress is also the country’s perennial Box-office Queen. No one can question her mass box-office charisma. Her string of record-breaking, blockbuster hit films through the years can attest to this fact. She’s the lead star os Star Cinema’s “Anak“, now considered as the highest grossing film in the history of Philippine Cinema. It can be noted that Vilma Santos is the first and only actress to win the prestigious Gawad Urian Best Actress Award for 3 consecutive years (1982-“Relasyon,” 1983-“Broken Marriage,” 1984-“Sister Stella L.“) she is also the first and only actress to score an unprecedented 3-time Grandslam win for Best Actress Award (1982”Relasyon,” 1993-“The Dolzura Cortez Story,” 1998-“Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?“). Through her God-given, innate talent, sheer hardwork, unwavering dedication to her craft, extreme professionalism, and most importantly, her excellent discipline, Vilma was able to reap all her extraordinary achievements for which she has been praised, idolized, and emulated by her many friends and colleagues in the movie industry, by her ever-loyal and supportive Vilmanians, and most of all by the adoring general moviegoing public who put her to pedestal as their one and only “Star For All Seasons.”

Truly, Vilma Santos, the film icon, is the epitome of a real great filmstar. Her phenomenal career which spans four decades is certainly awe inspiring and exceptional. Thus, her legendary supremacy as the LONGEST REIGNING MOVIE QUEEN will be immortaly etched in the archives of Philippine Cinema History. So, a toast to Miss Vilma Santos brilliant past and more good fortune to the future… – Eric Nadurata (READ MORE)

How To Identify A Vilmanian

This slideshow requires JavaScript.

Tutoo ka, very high tech na ngayon ang mga fans. Dati nakukuntento na tayo sa pagpunta punta sa mga television station, magbasa ng mga movie magazines at photo pictures nga ating idol sa mga bangketa at bumili ng mga sampaguita para isabit natin sa ating mga idol pero ngayon nakukuha nating mag-communicate sa chat line ng internet, text sa cell phones at various e-groups ng Yahoo! Imagine all of over the globe nakakapagchika-chika at nakakapag-share ng info about our beloved Ate Vi! Sa ilang taon na ring namang pagkabuo ng ating gawi at nakapag-adopt na tayo sa teknolohiya ay kasabay rin ng mga sandali kung saan hindi natin malaman ang tutoong identity ng kausap natin. Katulad ko nakilala n’yo ako nang una bilang si Marcus Peter Lee. Huwag n’yo na akong tanungin kung saan ko nakuha ang name na iyan. Mahabang kuwento. Actually, some of you may still call me by this name. Sa confusion na naging resulta, my apology. Kasi kahit na sino puedeng maging kahit na sino sa hiwaga ng internet! At kasabay nito marami rin tayong na-encounter na mga impostor! Yup, mga nagpapanggap na mga Vilmanians. Mabuti na lang at malakas ang ating radar. Nakukuha nating kilatisin ang mga sumusulpot sa ating tahimik na e-group at nakakalaman natin kung sino ang may itim na dugo na kung tawagin natin ay kampon ng kadiliman! hahahaha! Ang tanong paano ba nating malalaman kung ang isang tao ay isang Vilmanian? Heto ang ilang mga puntos…

1. Panyo – Hindi niya alam na mahalaga sa mga Vilmanian ang panyo. Tulad ng ating idolo nakagawian na ng mga Vilmanians ang makita si Ate Vi na may dalang panyo na terno sa kanyang damit kung kaya karamihan sa mga Vilmanian ay may dalang panyo lalo na kapag lumalabas ng bahay. So kapag nalaman mo na ang impostor ay walang paki kung tumatagaktak na ang pawis niya at nag-comment na bakit ba laging may dalang panyo si Ate Vi, tiyak na itim ang dugo nito. Hindi ito tunay na Vilmanian!

2. Expression – Hindi niya alam ang expression na “heaven!” Ito ang paboritong expression ni Ate Vi kahit magpahanggang ngayon. Signature expression niya ito. Kaya naman pati ang mga Vilmanians kapag nakikita si Ate Vi ang madalas banggitin ng lahat ay “Heaven!” sabay tawa ng malakas. So, kapag ang impostor ay hindi nabanggit man lang ang salitang ito sa kahit na anong conversation, mag-doubt ka na na siya ay may dugo ng kadiliman! Another test: “I love you Lucky!” kapag ang kaharap mo ay hindi alam kung anong ibig sabihin ng “I Love You Lucky!” na comment tiyak na true blooded impostor ito at walang alam sa pagiging isang Vilmanian. Lately alam ng lahat ang expression na “I accept the Challenge!” kapag ang kaharap mo ay nagtanong na “what challenge???” mag-doubt ka na na hindi yan royal blood (Vilmanian)!

3. “Kilo-kilotmetrong Movie dialouge!” – Hindi niya alam o kabisado ang mga kilo-kilometrong line sa mga movie ni Ate Vi. I-test mo siya kung alam niya ang mga lines na: “para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!”; “para akong manok takbo ng takbo pero wala namang ulo!”; “kung hindi mo ako kayang respetuhen bilang isang kaibigan respetohin mo na lang ako bilang isang tao”; “kung hindi tayo kikilos ngayon kelan pa?”; tanungin mo kung anong title ng mga pelikula hango ang mga lines na iyan. Kapag ang alam niya ay mga short line lang na “hayup” or “my brother is not a pig” tiyak na may dugong kadiliman ang impostor na iyan. Mahalagang malaman mo na ang tunay na Vilmanian ay magaling ang memorya sa mga movie lines ni Ate Vi. Ang iba nga memoryado bawat kataga bawat salita tulad ni Franco Gabriel at Wonder Sam! Kapag ang impostor ay nautal-utal at na-shock sa mga memoryadong lines na binigkas mo sa kanyang harapan tiyak na hindi Vilmanian yan!

4. Style and Manners – Hindi lang ang pagka-peminista ang namana ng mga Vilmanians kay Ate Vi kundi pati na rin ang kanyang personal style at manners. Ang mga Vilmanians ay nanatiling updated sa fashions. Hindi tayo napapahuli kung anong trends mapa-hairstyle o damit. Tulad ng ating idol alam rin natin kung ano ang tamang damit sa tamang okasyon. Kungbaga kung pupunta tayo sa beach at maliligo dala-dala nating ang ating swimming attire. Hindi tayo balot na balot na parang suman kung mag-swimming! Kasabay ng tamang pananamit ay ang ating manners. Kapag nakikipag-usap ang mga Vilmanians tulad ni Ate Vi ay lagi tayong nakakapag-bigay ng mga salita na hindi bastos. Wala ang mapag-kunwaring “po” at “opo” pero hindi nangangahulugang wala ang respeto kapag may kausap tayo. Naruon ang pagbibigay ng mga comento na matalino. Kapag ang inaakal mong impostor ay nagcommento ng wala sa tamang pag-iisip at pabalang-balang kasabay nito ang pananamit na walang style at parang galing sa palengke tiyak na may bahid ng dugo ng kadiliman yan!

5. Information – Tanungin mo kung anong horoscope ni Ate Vi. Anong pangalan ng mga kapatid ni Ate Vi. Ilang silang magkakapatid. Ilang taong gulang na si Ate Vi at saan sila nakatira nuong bata pa si Ate Vi at hindi pa artista! Kapag ang impostor ay nag-isip ng matagal at napanga-nga ang bunganga tiyak na may dugo ng kadiliman ang iyong kaharap!

6. Love life – Isa sa pinakamakulay na bahagi ng pagiging Vilmanian ng isang tao ay ang pagpapahalaga sa naging buhay pag-ibig ni Ate Vi. Hindi niya ito ikinahihiya bagkus ikinararangal niya dahil marami siyang natutunan sa buhay dahil rito. Tanungin mo kung sino sino ang naging boyfriend ni Ate Vi. Kapag ang impostor ay hindi alam kung sino ang tunay na naging boyfriend ni Ate Vi at kung sino ang nakapareha lang niya sa pelikula tiyak na hindi ito tunay na royal blood (Vilmanian) ito bagkus ito ay may dugo ng kadiliman!

7.”Now” – Isa sa karakter ng isang Vilmanian ay lagi itong nagpapahalaga kung ano ang ngayon. Kung baga magandang alalahanin ang nakaraan pero mag mahalaga kung ano ang ngayon. Kung kaya naman ang buhay ng isang Vilmanian marahil ay laging positive. Hindi tayo nabubuhay sa nakaraan. Ang nakaraan ay nakaraan wala na tayong magagawa sa nakalipas maganda man o pangit. Iyan ang pag-iisip na itinanim sa atin ni Ate Vi. Kaya kapag ang kaharap mo ay nag-umpisang maglintaya tungkol sa nakaraang dekada lalo na ang dekada sitenta at nagumpisang magsalita na “I wish it is still the 70s” Tiyak na may bahid ang kalooban nito ng dugong kadiliman. Wala namang masama na magnostalgia paminsan-minsan ngunit kapag ang bukang bibig nito ay ang panahong nakaraan tiyak na may halong dugong kadiliman ang impostor na ito!

8. Dancer – Isa sa pinaka-trade mark ng pagigigng Vilmanian ay ang hilig ng karamihan sa pagsasayaw kaysa pagkangta. Hindi nangangahulugan na hindi mahilig kumanta si Ate Vi katunayan maraming kanta ang identified sa kanya. Tulad ng Bato sa Buhangin, Isipin Mong basta’t Mahal Kita, at iba pa. Katunayan pa rin si Ate Vi ay may signature songs (Sweet Sixteen at Bobby Bobby Bobby among others) kumpara sa mga kanta ng karibal niya na pawang hindi niya signature songs kundi mga version nya lang. Halimbawa ang Handog na lagi niyang kinakanta ay hindi siya ang original at nagpatanyag nito. Kung ang pagkanta man ang porte ng sa kabila ang pagsayaw naman ang forte ni Ate Vi at kung ang kaharap mo ay walang alam sa mga big production number ni Ate Vi tiyak na hindi royal blood (Vilmanian) kundi isang impostor na may dugo ng kadiliman!

9. Professionalism – Another traits na pagiging isang Vilmanian ay ang professionalism. Nasa laging tamang oras at laging handa. Isa sa mga katangian kung bakit magpahanggang ngayon mahal na mahal ng mga producer si Ate Vi dahil hindi ito nagiging cause ng delay ng production. Walang prima-donna attitude si Ate Vi kung kaya naman maging ang mga Vilmanians ay katulad niya. Kung kaya naman ang mga big companies like Star Cinema ay laging ini-imbitahan ang mga Vilmanians na umattend ng kanilang mga premmiere nights. Paano kapag sumuporta ang mga Vilmanians todo-todo. Kapag ang kaharap mo ay puro dada at kulang sa gawa tiyak na may halong dugo ng kadiliman ito. Hindi ito royal blood (Vilmanian)!

10. Humility – Kahit ano pa ang narating ni Ate Vi ay nanatili itong mapag-kumbaba at laging tumatanaw ng utang na loob. Hindi siya “ingrata” kaya wala siyang pelikulang ganyan! Hahahaha! At tulad ni Ate Vi ang mga tagahanga niya ay naging katulad rin niya laging mapagkumbaba at hindi mayabang. Kapag ang kaharap mo ay parang isang bagyo sa pagmamayabang na daig pa ang may ipo-ipo tiyak na may kadudadudang ito ay may dugo ng kadiliman! – RV

Memoirs of Vilmanians – part one

To download v magazine issue 07 click here

Memoirs of Vilmanians

Tinatawag natin ang ating sarili bilang Vilmanian. Paano tayo naging ganito? Eto ang ating mga alaala…ng ating pinamulan.

John Malit – Noong panahon na nakamulatan kong ako’y isang Vilmanian, napakalaking ligaya kapag may nababasa akong balita mula sa kanya. Kahit na 2 yrs old na ‘yung balita, bago pa rin iyon para sa akin. ‘yun nga lang, sa tv lang ako umaasa para mapanood ko si Ate Vi, kasi hirap po ang buhay namin noon. 23 yrs old na po ako ng makapanood ng sine. Can u imagine, wala akong ginawa kundi igala ang paningin ko sa loob ng sine, nakakahiya man sabihin, gf ko pa ang nagbayad ng ticket para mapanood namin iyong Bituin walang ningning” ni Sharon (kc sharonian yung gf ko nun). Ayun nasundan lang noong maka-graduate na ako ng college at magkatrabaho. Vilma movie na yung mga pinapanood ko. Ang sarap sariwain ang nakaraan kahit gaano man ang kahirap ng buhay, sa simpleng picture at balita mula sa ating mahal na idolo ay nakaka-alis na ng problema. Kahit nga ngayon, pag-stress na ako sa trabaho lalo sa amin ni misis, magbabasa lang ako ng balita mula dito sa e-groups ng mga Vilmanians, masaya na ako.

Rene Maximo – Akala ko magiging silent Vilmanian na lang ako forever. Una sa lahat…way back 1970s, panahon pa ng The Sensations, doon yata ako nagsimulang humanga sa The Queen. Lahat halos ng kamag-anak kong babae eh pulos Vilmanian lahat. Kaya masayang manood ng TV na black & white pa. Tuwing tanghali, palagi kong dinadasal na sana eh puro movies ni Ate Vi ang ipalabas. Ang saya-saya ko pag natutupad ang wish ko. Natatandaan ko pa yung Vilma & The Beep Beep Minica, Ophelia at Paris, King Khayyam & I, Baby Vi, Dama de Noche, and the list goes on. Unang movie na napanood ko sa sinehan ay yung Rubia Servios. Kahit na I was a minor then, mabuti at napakiusapan ng pinsan ko ang takilyera kaya pinapasok ako. Gandang-ganda ako sa pelikula. Tapos nung awards night na, 3 kaming Vilmanians ang nanood, while yung tiyahin naming Noranian eh natulog na dahil unang mga technical awards eh nakuha ng Rubia (besides sa mga hula na si Ate Vi daw ang mananalo) kaya maaga syang natulog. Then nanalo nga si Ms. Aunor. While walking paakyat sa stage, one of my cousins said na sana ay madapa si Ms. Aunor. Unknowingly, nakikinig pala yung tiyahin namin kaya biglang lumabas at inaway kaming tatlo. Nalaman ng father ko ang nangyari kaya pinagalitan kaming lahat. One stormy weather noon, we were eating sa kitchen namin, at walang kuryente. Bigla na lang nagliwanag ang paligid at na shocked na lang kaming lahat na wala na pala kaming bubong, natangay ng bagyo. All of us hurriedly went up to save things na huwag mabasa ng ulan. Ang una kong binuhat ay yung kahon ng clippings ko ni Ate Vi. I was worried kasi na baka mabasa at matangay ng tubig. Until now, nasa kahon pa rin yung mga clippings ko at palagi kong tinitingnan pag umuuwi ako ng Pilipinas. One of my sisters was an officer in CAT when she was in high school. One time, she asked me what kind of parusa daw sa mga COCCs na madali lang, ayaw daw nyang pahirapan ang mga bata. Sabi ko everyday magdala sila ng mga pictures ni Ate Vi. Kaya araw araw may pasalubong sa akin ang sister ko ng mga pictures ni Ate Vi, additional sa mga collections ko. There was one time when Ate Vi shot a movie in our place. The movie was Biktima. I was in elementary then. After school, my classmate told us na andun nga daw sa dam si Ate Vi. Without hesitation, lumusong ako sa tubig at halos hanggang baywang ko na yung tubig, tumuloy pa rin ako para makita ng personal si Ate Vi. I was in heaven then. First time ko syang makita ng personal. Palagi akong nakasubaybay sa lahat ng nangyayari sa kanya. Maganda man o hindi magandang balita, wala akong pakialam, ang alam ko karugtong na ng buhay ko si Ate Vi. Kahit na nung mag work ako sa isang bank sa Makati, I made it a point na manood ng live sa Metropolitan Theater ng ‘Vilma.” Kahit na naka necktie ako, wala akong pakialam na pumipila sa labas ng Met, kasama ko yung officemate kong Vilmanian din. Then lumipat for a while ang show sa Rizal Theater dahil sa away nila ni Mrs. Manzano, pumila din kami doon to get tickets days before the show. Marami rami din akong collection ng movies ni Ate Vi, in VHS format nga lang. Pag umuuwi ako hindi ako nagsasawang panoorin lahat ang mga tapes na yon. Then I’ve read na meron nga daw na Vilma Newsletter na ginawa ang mga dear Vilmanians. Only last December that I got the courage to request, at pinagbigyan naman ako. I was so happy. Lastly, salamat sa magagandang postings na inilalagay ninyo sa board. Hindi nyo lang alam ang laking tulong nun. Nakakaalis kasi ng lungkot pag nagbabasa ako ng mga postings ninyo.

Franco Gabriel – Early ’70’s when I first heard of Vilma-Edgar team, eh kasi naman puro sila ang topic sa bahay, my mom loves Ate Vi so much at syempre kampi lahat ang sisters ko sa pagka-Vilmanian ni nanay. Bata pa ko noon, di pa ko nag-aaral pero napapanood ko na siya sa TV. It was year 1973 when I reached grade school ang unang bag ko pa noon ay may design nina Ate Vi at Bot na nakahawaiian sila, kuha yata sa “Aloha My Love”, syempre si Mother ko ang namili ng school supplies, so what do we expect? As a kid, aliw na aliw ako sa mga fantasy movies ni Ate Vi like Darna, Dyesebel, Phantom Lady etc. at syempre yung mga suspense thriller nya like Takbo, Vilma, Dali at saka yung Hatinggabi na Vilma. Puro nga iyon ang topic namin sa school kahit pare-pareho naman namin itong napanood. Ito yung panahon na nauso ang kanta para kay Guy na “it’s the real thing, si Norang maitim, nagtago sa dilim and so-on” (jingle yun sa coke). Pang-asar ba namin sa mga noranians. Ito rin yung panahong nanonood ako regularly ng “Ayan eh” at saka “Dalambuhay ni Rosa Vilma,” Meron pang mga ibang TV shows noon na di ko rin makalimutan like “Tangtarantang” ni Mang Nano pag weekend, saka yung “Oras ng Ligaya” nina Sylvia La Torre at Oscar Obligacion pag tanghali. Fast Forward. Kainitan ng Vilma-Nora noon labanan nina Senyorita Rubia Servios at ang kanyang Atsay, nasa high school na ako noon. Masiglang masigla ang rivalry ng dalawa. Syempre merong awards night na panalo at meron ding talo, pinakamasakit ay yung sa Rubia Servios, walang kibuan sa breakfast, parang ayaw naming pag-usapan ang MMFF last night, malungkot kaming lahat. change the topic please sabi ng Ate ko. I considered the ’80’s as one of my colorful years as Vilmanian, kasi lahat na yata ng movies niya ay pinanood ko, mula Pakawalan mo Ako, Langis at Tubig, Paano ba ang Mangarap up to Pahiram ng isang Umaga. Silent Vilmanian ako nung 80’s kasi naman nasa college na ko noon eh pero panay pa rin ang pila ko sa mga movies niya. Ito rin yung dekada na super init ng career ni Ate Vi mapa TV, movie or endorsement. I left the Philippines during the ’90’s but it did’nt stop me to search for Vilma Santos news. Umuwi ako noong 2002, I had a chance to watch Dekada ’70 masaya dahil alam kong big hit ang movie, talagang siksikan ang bawat sinehan pero bumalik ako sa States ng mabigat ang dibdib natalo si Ate Vi sa MMFF 2002. But if I look at the brighter side, this incident became the way to meet Jojo Lim the Solid Vilmanian president and the rest was history. Nasa Abante ang name ni Jojo, hindi daw makatulog at makakain ang Vilmaniang ito dahil sa pagkakapanalo ni Ara Mina over Ate Vi nandoon din ang contact number niya sa article ni Allan Diones. I did’nt hesitate to call Jojo & introduced myself. Yun na ang naging daan para makilala ko si Ate Vi in person. The first encounter was during the Lipa fiesta in 2003 hanggang sa maging every year na pero ang pinaka the best ay sa New York during her show. Ang haba ng kwentuhan namin noon ni Ate Vi at mga Vilmanians inabot ng 3:00 am at talagang naka upo na kaming lahat sa hallway ng hotel, very sweet siya at parang di napapagod. Ang sarap ng pakiramdam, doon ko napatunayan kung gaano kabait at down to earth si Ate Vi. Kung gaano kaganda ang mukha niya ay ganoon din kaganda ang kalooban niya. Thanks to my mom & sisters for bringing me up of becoming a Vilmanian.

German Shepherd – Noong unang bahagi ng dekada ’70, maliit pa akong bata at wala pang muwang, ay karay-karay ako ng Nanay ko sa panulukan ng Quezon Ave. at Zurbaran para manood ng parada ng mga bituin na kasali sa Manila Film Festival. Naroon kami, ako at ang isa ko pang kapatid na babae, upang hintayin ang float nina Vi at Bot sa pelikulang LOVE LETTERS. Tuwang tuwa kaming lahat nang magdaan sa harapan namin ang float ng LOVE LETTERS. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Awang-awa ako sa aking sarili dahil basang-basa ako. Pero ang Nanay ko at kapatid ay halos di ako pansin maging ang kanilang mga basang-basang sarili dahil naririnig ko kung kagaano sila ka-worried at baka raw magsakit sina Ate Vi at Kuya Bobot. Sa loob-loob ko, basang-basa na kaming lahat pero ang nasa isi[p pa rin ng Nanay at Ate ko ay ang kapakanan ng aming mga idolo. Sa mura kong nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang ang kanilang pagmamahal sa dalawang taong hindi naman sila kakilala. Only when I reached the age of reason that I came to realize that one would do everynting for his movie idol. My love for the Queenstar has grown through the years, a legacy that I inherited from my late Nanay. I watched the many so-so / sing and dance movies of Her Royal Highness, Queen Vi. To me, all of them were beautiful because of her mere presence in those films. One of my favorites was her movie with Bobot entitled ANGELICA. Even the theme song interpreted by Bobot with the same title was haunting. Then came DAMA DE NOCHE. It was one of Vilma’s early acting greats. She was barely eighteen but she played the dual role with aplomb. And there were others: WONDER VI, PHANTOM LADY, KAMPANERANG KUBA, IBONG LUKARET, ANAK NG ASWANG, and the list is endless. Of course, I loved LIPAD, DARNA, LIPAD with Ate Vi in a modest two-piece costume. It was the first time ever that the term BLOCKBUSTER was used in a local movie because of the record-breaking gross and the over-extended run which made an FPJ movie shown at the same time a poor and distant second. I also saw all her DARNA installment but DARNA ANG THE GIANTS is particularly memorable because it was a Metro Manila Filmfest topgrosser. DYESEBEL AT ANG MAHIWAGANG KABIBE with its famous scene showing Ate Vi riding a giant seahorse was also a film fest top grosser and Best Musical Movie. Until she metamorphosed into the great BURLESK QUEEN, another film fest top grosser besides sweeping almost all the major awards including Best Actress for the Queen and Best Picture. From then on, there was no stopping Ate Vi who tackled a kaleidoscope of roles while her rival YKW continued to play just “api” and “kawawa” roles. The first grandslam via RELASYON, ironically was a quiet and restrained role. A far cry from her usual body-and-soul style of acting. BROKEN MARIAGE AND SISTER STELLA L continued to bring her endless honors. Vilma won in RELASYON against Nora Aunor in Himala which most Noranians considered as her most memorable role to date. The movie did not give her a miracle in terms of acting award. Then came TAGOS SA DUGO which i think was one of her most well-acted movie. She was robbed of a grandslam in this Maryo J. delos Reyes opus. Fast forward: After reigning the longest as Box Office Queen, she had once again regained the same title (in spite of her being already a Hall of Famer in this title) via ANAK which is still the second highest grossing movie in the Philippines after TANGING INA, which Ai Ai delas Alas, who according to her words, is a Vilmanian from birth and her tribute to her idol as she mimicked her in many a scene in the said movie. ANAK should have been another grand-slam for the Queen but the award-giving bodies, except Star Awards, made Gloria Romero a sentimental favorite, an accolade which she deserved considering her age. Realizing that then Queen has gathered the most number of grand slams in RELASYON, DOLZURA CORTEZ STORY, BATA, BATA PAANO KA GINAWA, DEKADA ’70 and the prestigious UP GAWAD PLARIDEL plus two international awards, my Nanay’s legacy was worth inheriting.

Buboy Medina – Noong nasa kindergarten pa lang ako ng napanood ko ang “Lipad, Darna Lipad” sa television. Ginagaya ko talaga siya then gumawa ako ng costume like Darna then isinusuot ko pa. Pinakamemorable experience ko bilang isang Vilamanian ay noong nagkausap kami last May 2003 ng manalo siya sa Gawad Urian. Overseas call ito at siya mismo ang nakausap ko. HEAVEN ANG FEELINGS KO NOON, TEARY EYED PA AKO. Mahal na mahal ko si Queen Vi, kaya ko siyang ipaglaban. Hahamakin ang lahat…maipagtanggol ko lamang ang nagiisang REYNA!

Eric Nadurata – I saw her on TV, “The Sensations” iyon, nasa grade school pa ako. Gustong-gusto ko ang sweetness ng beauty niya at ang galing niya sa pagsagot sa Q&A portion ng show. Ate Vi always surprises me. She always reinvents herself, and comes out victorious each time. Sabi ko nga she started very sweet, then came “Lipad, Darna, Lipad”, she then went daring via “Burlesk Queen”, then came her award-winning films that tackled an impressive range of themes. Ang mga roles that she portrayed is also very impressive. Naging madre siya at querida, naging Darna at Dyesebel, may Aids at may cancer, naging mahirap at mayaman, naging abugado at doctor, schizophrenic at napakarami pang iba. Siya lang ang tanging batang aktres na naka-sustain ng kaniyang popularity hanggang sa pagiging dalaga. Tessie Agana and Snooky were big child stars, pero hindi nila narating ang kasikatan na narrating ni Ate Vi. In fact, even the other Movie Queens can’t match her enduring popularity and box-office appeal. None of our movie queens reigned for more than 10 years, but Ate Vi, the Queen of them all is still at her peak for 35 years already! Iba ang aura ni Ate Vi, nakakahawa ang pagka-positive niya. First time I saw her face to face noon YCC awards for Dakada ’70. Grabe ang magic niya pagpasok niya sa venue. Memorable din kasi, nagloko ang dala kong camera, mabuti na lang nakapagpa-picture pa rin ako with her sa tulong ng isang vilmanian. Nangyari uli ito, sa opening ng CineManila International Film Festival. Nagloko uli ang camera ko, when I was about to take shots of Ate Vi with Lou Diamond Phillips and Tia Carrere. Sayang ito, kasi ang daming foreign celebrities na dumating noon. Aral ito sa akin kaya, ngayon dalawang camera na ang dala ko each time may affair with her. Nuong nagpa-pirma ako kay Ate Vi. Medyo ninerbiyos ako kasi baka hindi natandaan ni Ate Vi ang pangalan ko. Bago lang ako, at hindi naman kami madalas na magkita, pero to my pleasant surprise, sinulat niya ang name ko! Natandaan niya ang name ko! Grabe iyon! Imagine, with all her works both as an actress and public servant, not to mention as a mother and wife, natandaan niya ang name ko! Naku, heaven talaga iyon! Kung may mas mataas pa sa heaven iyon pa rin iyon! Another instance, magbi-birthday siya noon. May dala akong gift na image ni Padre Pio, pero because of “lapse of judgment” (di ba, Garci?) nakalimutan kong isulat ang name ko sa card. In short, nai-abot ko ang gift without my name. After several weeks, nang magkita kami uli sa isang taping, I told her about my gift. Sabi ko “Ate Vi, I forgot to write my name doon sa card, but I hope you liked it.” Sabi niya “Alin ba ang gift mo?” nang sinabi ko na it was the image of Padre Pio, her face light up and sincerely said, “thanks ha.” Ramdam na randam mo ang kaniyang sincerity.

Father Juancho Gutierrez – Meeting Vilma Santos at the Philippine Fiesta on August 21, 2005 was truly a moment of blessing for me. I have been an avid fan of hers since Grammar School. I never thought in my wildest dream that I would meet her face to face here in New Jersey. Meeting her, I found out that she was really a downto-earth person. She never acted like a diva or the famous movie star and successful Mayor that she is in the Philippines. I admire her more for this. I guess this is the reason why today more and more people continue to admire her….she showed me the traditional respect that we Filipinos give to our elders and those in position of leadership in our community by making the “mano” gesture to me. I admired her more for this because it was a sign of her humility and grace. The greatest actress the Philippine Cinema has ever produced making “mano” to an unknown priest in New Jersey was truly a Memoirs of Vilmanians humble experience not only for her but for me as well. At that moment, I see in Vilma someone who is humble, approachable and sincerely acknowledges the blessings God has bestowed on her. August 21, 2005 will always be a very special day for me. I will always remember it as a blessing from God.

Nelvin M. Rea – Pagmamahal at biyaya ng Diyos ang siyang naging susi at naglilok sa pagiging Vilmanian ko. Inimulat sa akin ng aking nanay at iniukit niya sa isipan ko na “Si Vilma Santos… iyan ang idolo ko at magiging huwaran mo— wala nang iba!” “Ang pagsunod sa payo ng magulang ay ang pagsunod sa tamang daraanan”. Sa mga panahong iyon sa pagiging musmos ko, wala akong panahon kay Vilma…ang nais ko ay maging malaya, ang eskuwela, libangan,at maraming laruan. At siguro dahil sa hirap ng buhay, kailangan kong iwaksi sa isipan ko ang lahat ng NAIS ko. Ang ganang prayoridad ko ay ang tumulong sa lahat ng gawaing bahay, punuin ng tubig ang aming paminggalan, mamulot ng plastik sa dalampasigan at mangahoy sa hulo kasama ng mga kapatid ko. Sa hirap na dinanas ko ay sapat na para makalimutan ko ang makipagsabayan sa mga pangarap ko…Hindi siya nagbago ang inay ko sa kanyang pag-ibig kay Ate Vi… nanatili siyang matatag…lumalaban hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. At kahit ngayong wala na siya. Hinahangaan ko ang kanyang paninindigan sa isang Vilma Santos. Isang hindi mapapantayang pamana ni Inay sa akin ay ang mamuhay na may isang Vilma Santos sa aking puso.

Alan Trambulo – Lipad Darna Lipad, ang unang movie ni Vi na napanood ko sa amin sinehan sa Batangas. I was 6yrs old at kasama ko ang buong pamilya ko. Last full show na kami nanood kasi during the day sold out ang ticket at wala ka nang silya maupuan. Sigawan at palakpakan kami kay Darna Vi. After the movie, wala lang , sigaw ako ng sigaw ng “Darna!”. Ang mukha ni Ate Vi ang nakiki- ta sa panaginip ko habang hinabol ako ni Gloria Romero na gumanap na aswang. She saved my life so manytimes sa aking nightmare kay aswang Gloria. She became my heroine. Iba ang naging impact sa akin ni Darna dahil di lang isang hero sa aking musmos na pag-iisip ang ibinigay nya, she gave me a superwoman, a role model sa persona ni La Santos. My family is all Vilmanian, specially my sister who keep copying the styles of Vilma, from her hair styles to fashion. My sister Carol even sneaked me in sa controversial movie ni Ate Vi, “Rubia Servious” sa Magalles Theater noon. Habang hinuhubog ako ng aking kapatid na maging Vilmanian, I became aware sa mga nagaganap sa showbiz. Ang awayan Vi-Guy fanatics. Lumaban at nakipagsabunatan din ako sa bestfriend ko na Noranian na para sa amin ay katuwaan lamang. Ang pakikipagtalo sa aking kapatid na lalake over basketball versus Vilma show. Magdamagan puyatan sa awards nights, win or lose si Mayor. Through the years, di nagbago ang paghanga ko sa kanya, but lalo pang tumindi, sobra! Wala na makakapigil pa sa akin pagiging isang “VILMANIAN.” … ‘yung NY-NJ visit nya sa Phil.Fiesta 05, grabe ang experienced ko sa kanya. Unforgetable dahil we communicate almost everyday. ‘Yung closed door meeting namin ng producer, I saw her other side. For being frank and honest n’ya sa nararamdaman nya. I know she was death tired from her trip sa NY, pero sige pa rin sya basta para sa Vilmanians ito. Very quick lang, alam n’yo i was with her sa loob ng hotel room niya while she was being prep by her makeup artist, busy na ang lahat , i voluntarily ironed her outfit that day. Just imagine, pina-plantsa ko ang suit ni Ate Vi for the show.

Charles Gomez – Sa unang pagtatagpo pa lamang namin ni Ate Vi sa kaniyang opisina sa Lipa, ay nadama ko na ang kakaibang pagmamahal na ibinibigay niya sa kaniyang mga tagahanga. Magiliw niya akong sinalubong at kinamayan, at idinampi pa niya ang kanyang kamay sa aking mga pisngi. Hindi-hindi ko makakalimutan ang pagkakataong iyon. Nung kami nama’y magkatagpong muli sa press party sa Libis, buong lambing taglay ang kakaiba niyang nigiti na binansagan niya ang inyong lingkod ng bagong pangalan. “Dubai” na raw ang itatawag niya sa akin, at pangatawan ko na raw iyon. Galing sa isang Vilma Santos, who can say otherwise? Nung ako nama’y nasa Lipa Fiesta, buong pagmamahal niya akong dinampian ng halik nang iabot ko sa kaniya ang aking handog. Bagama’t pagod sa buong gabing iyon, nandun pa rin ang tatak niyang ngiti. Iba-ibang nga ang isang Vilma Santos. At nang gabing pabalik na ako rito sa aking pinagtratrabauhan sa Gitnang Silangan, she sweetly called me to say “hello” and bid her best wishes. Iyon ang gabing di ko makakalimutan. Kumpletong-kumpleto ang pagiging Vilmanian ko. – to be continued

vilmanian article 01

Memoirs of Vilmanians – part two

To download v magazine issue 07 click here

Memoirs of Vilmanians

Tinatawag natin ang ating sarili bilang Vilmanian. Paano tayo naging ganito? Eto ang ating mga alaala…ng ating pinamulan.

Eddie Lozano – Simula sa pagkabata at matutong humanga, siya lamang talaga ang una at wala nang iba pa. Noong elementary ako ay picture ni Ate Vi as in picture talaga ang nasa cover ng notebook ko, mostly nga black and white pa. Dahil ang aming ama ay hindi mahilig sa mga palabas na tagalog, ang aming tv ay laging nasa may English na palabas. Kaya kadalasan, kapag palabas na ang D’ Sensations, ay nakikipanood ako sa kapitbahay, maliban na lamang kung nasa duty si ama. Hindi nga ba’t mayroon pa siyang Dulambuhay ni Rosa Vilma, at yung sitcom with Nida Blanca and Rod Navarro, yung Kelan Pa? Remember ba ninyo yon? Kahit pa noon sa D’ Sensations, ang most awaited na portion ay ang dance number ni Ate Vi. Doon ko siya nakitang sumayaw ng singkil, Tahitian at kung anu-anong sayaw pa, pero ang talagang nagaya ko ng husto ay yung ‘penguin’ na hanggang ngayon ay sinasayaw ko pa rin, kahit na nga tumatalbog-talbog yung tiyan ko. Nung mabuwag ang love team na subok na matibay, subok na matatag, kay Ate Vi ako pumanig, dahil kahit na sino naman ang ka-partner niya ay okay lang sa akin, I realized then na Solid Vilmanian ako. Those were the days na wala akong pakialam kung maganda o hindi ang pelikula ni Ate Vi, ang importante sa akin ay enjoyment at makita siya sa wide screen at sa pagbabaka-sakaling mag-theater tour siya, kaya most of the time, ay sa opening day ako nanonood. Nag-aaral pa man ako hanggang sa magka-trabaho ay ganun pa rin ang aking naging routine kapag may pelikula si Ate Vi. Ilang beses ko na rin siyang nakita ng personal, malapitan man o malayuan pero hindi ako nagkalakas ng loob na batiin siya, hanggang tingin na lamang ako’t nagpipigil ng damdamin at baka bigla akong mapatili. Katulad ng mga nabanggit ko noon, yung makita ko lang siya ng personal ay nangingilid na ang luha ko sa sobrang kasiyahan, ano pa kayang mangyayari kung ma-experience ko ang katulad ng kay Kuya Father J and bespren Charls, to name a few? Remember Kuya Father ang experiences natin kapag nanonood tayo ng parade of stars sa Roxas Boulevard? Hindi man tayo magkakilala at magkasama, pero iisa ang ating ginagawa, ang humabol sa karosa ng Reyna Vilma na talaga namang may magnetic charm.

Aries Rollon – Ano ba, wala ka na bang gagawin maghapon kundi gumupit ng mga articles at pictures ni Vilma Santos? That was my mother always asked me more or less 20 years ago . But what can I Do? I really admired Vilma Santos. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung normal pa ba ang ginagawa ko? Wala bang mali sa inaasal ko? Bakit ako ganito? Bakit sobra sobra ang paghanga at panahong inuukol ko kay Vilma Santos? Ako lang ba ang ganito? Na-addict ako kay Vilma Santos. Natatandaan ko noong high school pa lang ako, hindi naman ako actually ganoon ka devoted as Vilma Santos fan. But I really admired her dahil na rin sa impluwensya ng mother at mga pinsan ko. Yes napaanood ko na ang mga pelikula nya sa TV and to think na ang first movie na napanood ko sa sine ay ang LIPAD DARNA LIPAD. Sometimes sinasabi ko rin sa Nanay ko na nahawa lang naman ako sa kanya. Kaya lang mas naging malala lang ang Vilma fever ko. Actually hindi nga ako mahilig sa showbiz at wala akong panahon sa mga artista. But when I started watching Vilma on television and started watching her good movies, nagsimula na ang hysteria sa buhay ko. Ano ba ang meron si Vilma na wala ang iba? Well, hindi ko na siguro kailangang isa-isahin ang mga achievements niya. Tanging manhid at walang pakiramdam ang hindi nakakaalam. Personally, of course hindi ko siya kilala at hindi rin ako interesado sa pinagdaanan niya. Ang alam ko lang, heto nalulong ako kay Vilma. Vilma, Vilma puro na lang Vilma. Bakit pati sa panaginip Vilma pa rin. Nasasaktan ako kapag mayroong hindi magandang sinasabi kay Vilma. Nagmumura ako at nakiki-pag-away kapag may pumipintas kay Vilma. Naghahanap ako ng mapapangasawa na kamukha ni Vilma. But of course, my wife for the past thirteen years ay hindi naman kamukha ni Vilma. Iisa lang si Vilma Santos and she’s incomparable. Nobody comes close to the One and only Star For All Seasons. She was branded as poor second sa tinaguriang phenomenal Star. Marami ang nooy nagsasabi na siya ay hanggang doon lang, laging sunod lang ang pangalan sa nag-iisang Superstar. Ngunit ang panahon ay sadyang nag-iiba, ang poor second nasa TOP of the World na ngayon. Sa tatlong dekada na nagdaan walang nakahadlang sa kinang ng Bituin ng lahat ng panahon. Pinataob niya ang lahat ng bituin na minsay kuminang at nabigyan ng pagkakataon…I got married on the same year that Vilma got married to Sen. Ralph Recto. Medyo nag lie low na ako sa pagiging Vilma fanatic, but still hindi pa rin nagbago ang paghanga at pagmamahal ko kay Vilma.

Willie Fernandez – May simula pero walang katapusan hanggang sa kabilang buhay. Yes, I breath and exist for Vilma. All my waking hours, si Ate Vi lang yata ang laman ng puso at utak namin. Maging sa pagtulog ay dala-dala namin sa diwa ang ala-ala ng aktres. Kesehodang nakatira kami sa bahay ng kaibigang aktor na si Daniel Fernando, na ngayon ay senior Board Member ng Bulacan. May pagkakataon pa ngang nagseselos ang actor – pulitiko kay Ate Vi sa tuwina’y siya ang paksa ng aming usapan. Alam ni Ate Vi ang tungkol sa sakit ko, hypertension (high blood pressure: 190 over 120). Hindi namin malilimutan ’yumg pagtulong niya nang kami’y ma-confine sa hospital. What a big surprise when she gave me a call at nangumusta. Tinanong niya kami kung ano pa ang mga pangangailangan. Siempre, tameme ang inyong lingkod for her nice gesture. Nang lumabas na kami ng hospital, at minsan nang dumalo kami sa shooting ng kanyang pelikula, in one of our friendly tender moments, sinabi ng butihing aktres na siya ang bahala sa mga gamot na kailangan for my continuous medication…Iba ang “magic” na nagagawa ng pagmamahal, lalo na kung ito’y nangagaling sa isang minamahal at iniidolo pa. There were times, halos hindi na kami makatulong at makakain nang maayos sa kaiisip at kapapangarap sa aking idolo for all seasons. Lalong tumingkad ang katuparan na lubos namin siyang “makilala” nang kami’y pumasok sa showbiz media. Inamin na “i will not grow as a writer” dahil talagang laging nananaig ang aking pagiging Vilmanian sa lahat ng oras. Hindi maalis sa amin ang “fan mentality”. Pawang maganda at positibo ang sinusulat namin sa aktres sa aming kulom sa mga diariong pinagsusulatan. Madalas kaming sermonan ng editor sa tuwing mag-submit ng artikulo na si Ate Vi ang nilalaman. Katuwiran niya, wala na nga bang kaming alam isulat kungdi ang aktres. Basta naman kasi ang subject namin ay si Ate Vi, walang duda, napakapositibo namin. Hindi dahil mahal namin siya at nagiisang idolo na hinahangaan sapul sa pagkabata, kungdi dahil ang sarap-sarap niyang iluklok sa pedestal dahil lahat ng bagay sa kanya ay positibo.

Julie Ouano Haglund – Well what more can one say about Vilma Santos, it’s not enough to say that she is the best. I haven’t met her personally but I have loved her and admired her ever since i was a little kid. I remember waiting every friday just to watch “VILMA” in GMA7 and that 2 hours of pure entertainment makes me kilig and proud at the same time that it’s her I idolized. I’ve watched the Vilma movies that is being shown on Tv as well as in the movie theater, laugh with her when she’s happy and cry as well when she’s hurt. There was a time that I was so closed in meeting Ate Vi when my best friend who is Chit Guerrero’s niece April and I were in Manila for a job interview in Cathay Pacific as a flight stewardess, we asked tita Chit if maybe just maybe we can visit Ate Vi and to finally meet her in person but unfortunately at that time she was pregnant with Ryan Christian and the pregnancy was difficult that Tita Chit has to begged off we were disappointed but pray for her that everything is gonna be fine. After many years of working and living abroad nothing has changed I’m still an avid and true Vilmanian in fact I’m still watching her old movies now and then even if I have seen it like a thousand times and still buying and ordering the ones that I don’t have. I want to thank this group for giving me the opportunity to know some of you ( VILMANIANS) all over the globe and really hope to meet some if not all of you in person one day. To you Ate Vi I love you so much and that you are an inspiration to everyone who loves you. I really wish you all the best and my prayers for you and to your family.

Jeannie Wong – I first saw Ate Vi in person at the Manila International Airport. She was still sporting shoulder-length hair, ka-loveteam pa niya si Bobot Mortiz. I think they were having a show there. I went to the MIA’s ladies room and few minutes later Ate Vi and two ladies came in. Ate Vi was in front of the mirror touching up her make-up and the two ladies were helping her get ready for the show. Only 4 of us were in there and yet all I did was stare at her. I didn’t even get enough courage to approach her. If only I can rewind it back, it would be different approach this time around. Magawa ko kaya yon? The second time I saw her was at the theater showing of her movie with Manny de Leon. My friends (Ana, Mitzi and I) went to watch the movie. The movie theater was SRO even lodge section, grabe ang dami ng tao. All of the sudden, everyone watching were rushing outside instead of watching the movie. Know why? Ate Vi and Manny de Leon dropped by to greet their supporters. Everyone crowded around them. I lost one of my earring that my mom just gave me sa dami ng tao. I had that earring only for 3 days yata. Well, anyway that’s not the first time I lost my earring. There were other occasion isang araw pa lang (baka nga ilan oras lang) sa akin nawala ko na. Mabuti na lang hindi nagalit ang mother ko sa akin. Ate Vi and Manny de Leon didn’t stay long, pupunta pa sila sa ibang sinehan. After they left, everyone went back in and continued the movie. That was an added bonus watching the movie and seeing Ate Vi in person. HEAVEN! The third time I saw Ate Vi was in California, USA. The year was 1980. I was in America for a month long vacation. My aunt told me that their church planned a Great America trip for the youth with special price of only $4.00 per person including admission entrance to the park and bus ride from the church to Great America and back to the church. I asked my cousin to go with me nilibre ko siya. We went on so many rides, believe me I’m not crazy with wild rides. Should I say, super takot ako sa mga wild rides! When we were on queue for the log ride (not a wild ride) on the upper section. Guess what? I saw Ate Vi with Edu Manzano, they were in the lower section, it was their turn to hop in the log for the logride. Nakasandal si Ate Vi kay Edu. SUPER BEAUTY si Ate Vi, she must have only very very light make-up on parang wala pa nga pero ang GANDA-GANDA niya. From the upper section, I wanted so much to call out her name sa tuwa ko, kaya lang natulala ako! Guwapo ni Edu kaya lang mukhang masungit. Like the first time, the only thing I managed to do was my eyes following them until I couldn’t see them anymore. All that time, I didn’t see Edu smile at all, serious looking siya! Masungit nga! Si Ate Vi was wearing jeans and high heels, diyan ka bibilib kay Ate Vi! Ate Vi and Edu weren’t holding hands, bakit kaya? May sompi yata si Edu kaya hindi siya ngumigiti. I can’t get that picture off my mind. Again, if I can rewind it back, the approach would be different. Siguro kung kasama ko ang mga Vilmanians dito sa egroups lalakas siguro ang loob ko. August 21, 2005, Sunday around 11:00am. Our TV was on cable channel 8, the program was MMK. Our home phone rang, Alan T. called (Thanks, Alan!) and passed the phone to someone and guess who was on the other end? Si Ate Vi nga! Naka-usap ko si Ate Vi. She was having lunch with the Vilmanians at the Radisson Hotel, NY. I must have ESP and stayed home that day kung hindi na miss ko ang chance na maka-usap si Ate Vi. That moment was Heaven! Parang mayroon MAGNET at MAGIC si Ate Vi. Lalong lumalim ang pahanga ko sa kanya ngayon. That was my fourth encounter with Ate Vi. Ano kaya ang susunod? I hope to meet and bond with her. That would be HEAVEN!

Mario O. Garces – I am a baby boomer and come from a large family. The seventh of 11 children (5 boys and 6 girls), with one breadwinner, my Tatay, I knew what poverty was like. Dad was only a high school graduate but he was smart. He was the eldest of 8 children. They started rich: they had a big house, a car, and he enrolled at the U.P. College of Fine Arts. He painted/ drew well and was a great writer. His father, a church deacon, led a double life. He was a compulsive gambler. He forgot his marriage vow and covenant with God to serve His people. He died a pauper. From rags to riches. In his deathbed, he called all of his children to swear not to do what he did. “Isumpa ninyo ang pagsusugal. Malas iyan sa buhay. Sa demonyo iyan.” How I wish I could tell this story to some celebrities I truly admire and respect. Dad had to stop studying and started doing odd jobs to support his mother who had TB. He cried when his younger brothers lied about their age to be able to work as ’kargador’ in the public market. His strong belief in his Creator helped him move on. He dabbled in self-study oil painting, wrote some zarsuelas, even wrote for Tiktik and Liwayway magazines. He ended up being employed by a printing company and served as its lead writer and lay-out artist. My mother only finished the second grade but she knew how to sew clothes and manage our little tienda or sari-sari store. Dad won in some oil painting contests. National Artist Fernando Amorsolo was his role model. All of us 11 children had to help with the family business, household chores and must be at the church every Sunday. Dad’s orders. We had our first black and white Radioweatlh television set and we, eleven siblings would all fight for our favorite channels. Dad preferred to watch stuffs like Alfred Hitchcock Presents, The Rifleman, Combat or Bonanza. Mom would settle for Mga Aninong Gumagalaw (she swooned over Carmen Rosales and Rogelio De La Rosa), and Oras ng Ligaya with her favorites Chi-chay, Sylvia La Torre and Oscar Obligacion. But all of us younger kids were unanimous that Popeye is forever. We would all watch the very slim Pilitia Corrales sing the Pilita Corrales ’patuwad’ way: “the day you came along, with your song, my heart began to sing dear, a million thanks to you my love.” Not to be outdone, Carmen Soriano sang and sashayed to televiewers on Carmen on Camera. We would imitate Joe Quirino’s accent and ’take it away’ lines in Seeing Stars with Joe Quirino. Before Penthouse Live with Martin and Pops, there was Dance-O-Rama with Pete Roa and Baby O’Brien and later replaced by the new U.P. graduate Boots Anson. Yes, we were all hungry for local entertainment. There were no cable, TFC, or the Internet at the time. The proverbial Tagalog weekly comics were our other source of ’escape.’ Kalabog en Bosyo. Booma. Tanikalang Apoy. Gumuhong Bantayog. On radio, Sebya, Mahal Kita and Mga Kuwento ni Lola Basyang were on our must listen to list. On weekdays, my Mom’s day would not be complete without listening to her favorite Dear Abby counterpart, Dely Magpayo. Coming from school, I could hear these lines: “Alas tres na naman po ng hapon. Ito po ang inyong Tiya Dely.” And then there were Nora Aunor and Edgar Mortiz in Tawag ng Tanghalan. I never saw anyone sang People better than Nora. I noticed something different about her eyes. They looked sad yet hopeful. When she was declared champion, I knew something was set free from our masses. There were Vilma Santos and Connie Angeles in Eskuwelahang Munti. Vilma Santos made everybody cry as a hostage victim who softened bad boy Martin Marfil’s heart of stone in the original teleserye of all teleserye, Larawan ng Pag-ibig on ABS-CBN. Some episodes were live but the audience did not notice. I did. The Gripo Princess, Vilma Santos, was on everyone’s lips as Trudis Liit, Ging and that ’cry me a river tot’ in that high rating TV soap tearjerker. Tirso Cruz III in pre-Aunor era was a hit in Nine Teeners. Elvis hairdo, matchstick thin and all. He could hit the high notes of such love ballads like My Cherie Amor by Stevie Wonder. Dad would require us to read Bible verses aloud some days of the week so we could practice our English. I was the champion. I memorized Psalm 23. The winner got to join him and Mom to a double feature in nearby Scala theater. Not that he did not like Tagalog movies. His goal was to teach his kids literature, art and movie appreciation. He was different from other fathers. He would rather tinker around the house, read Time magazine, the Bible or write sermons from an old Underwood typewriter, rather than dwell on idle talk and drink beer like those big-bellied gents at a corner barber shop. To augment family income and help support our tuition and pang-sine, my sisters and brothers would sell ’jewelries’ made from Meycauayan and our house to market stalls in Central and Bambang markets. The boys would trek to Daniel Barrion by FPJ or an Erap action movie. We would save money to be able to watch James Bond’s new movie every Christmas season. Or patiently wait for it to run in double feature theaters. The girls swooned over Rock Hudson and Doris Day, Amalia Fuentes, Susan Roces, Gloria Romero and Nida Blanca. But my favorite was Lolita Rodriguez. She is ahead of her contemporaries. She reminds me of Liv Ullman and today’s Michelle Williams. Oh the power and triumph of restraint. Nora, Vilma, Charito, Hilda, Gina Alajar must have taken a cue from this great actress. Less is more. Where the hell is she? And Vilma Santos? There’s something that’s different about her. I loved Ging but I loved her more in the company of Marlene Dauden (Sa Bawa’t Pintig ng Puso) and with Lolita/Marlene/Eddie R. menage a trois like in Kasalanan Kaya? I didn’t know she won the best supporting actress award from this movie until I was older. All I knew was she is pretty, cute and always cries in her movies. The 70’s I knew that Vilma can act but Nora can sing. U.P. was split between Nora, (Turn to next page) Hilda and Vilma. Communism and the status quo. The avant garde and the weirdos went gaga over Hollywood and European films, especially France’s Truffaut and Company. Movie appreciation started with my Dad and encouraged by the U.P. system. My eyes popped out watching foreign flicks like Fritz Lang’s Birth of a Nation, and some classics like The Cabinet of Dr. Caligari, The Seventh Seal and La Strada. I knew my Truffaut from Bergman and Kurosawa. Even the Apu Trilogy. Over at nearby Delta theater, I saw intriguing avant-garde movies like the one with Glenda Jackson in Women In Love, from hardearned money. I would walk miles to save on U.P. Ikot jeep and bus fares and spend it on movies. I was paper thin. I was addicted to the movies and reading. Since money was tight, I would wait long lines and wake up early to get an expensive reserve book, a required reading in school. I would bring itlog na maalat and rice as baon, and spend lunch money on film retrospective festival tickets at the school and other venues in Makati. My PETA acting experience taught me a lot about how difficult and disciplined stage acting is. One summer before Martial Law was declared, I appeared as one of the angry market vendors in Nikolai Gogol’s drama-comedy five act play, The Inspector General, presented by Campus Crusade for Christ and PETA. Fellow schoolmates Lutgardo Labad and Maryo J. De Los Reyes were at the helm. I didn’t have a clue on what to expect as I never acted on stage before. PETA stalwarts Soxy Topacio, Angie Ferro, even Lino Brocka were happy and generous to teach us acting 101. My parents almost disowned me as I came home late and hungry from rigorous rehearsals at the Raha Sulayman Theater in Fort Santiago. I saw Dama De Noche with Vilma in a dual role. I thought her breakdown scene in this Nestor Torre scipted movie, akin to her similar and memorable role in Ikaw Ay Akin would win her a grand slam in the Quezon City Film Festival and the FAMAS. Well, at least the FAMAS chose wisely. And then, when Vilma donned the Darna costume, there was no looking back. There I was at the jampacked Grand theater in Cubao, a witness to history when the New Box-office Queen was born. All of Metro Manila citizens trooped to the theaters and witnessed the Longest-Reigning Box-office Queen Vilma Santos kicked the bad guys’ ass as the flying super heroine in Lipad, Darna, Lipad. Up, up and away and Vilma took off. Bye-bye, forever, arch-rivals! Ecu tatakot, keka pa, ne? At the height of the Vilma-Nora rivalry, I didn’t sleep when Vilma didn’t bring home the trophy in the 1978 MMFF. I was one of the millions who went to bed depressed, maybe along with Manunuri Isagani Cruz (who thought that Vilma’s role in Rubia Servios was more complex and difficult to do). The whole brouhaha was, I believe an offshoot of Vilma’s earthshaking win in the 1977 MMFF where she made the greatest career turn via Burlesk Queen. At last, the box-office queen and overshadowed Actress found her niche in Philippine Cinema. From Burlesk Queen to Relasyon, Dekada ’70, and Mano Po 3, on one end, and from Minsa’y Isang Gamugamo to Sidhi on the other side of tinseltown, someone had to win the prestigious U.P. Gawad Plaridel Award. Overnight, the 1972 QCFF and the 1978 MMFF nighmares were erased. It was more than revenge, it was poetic justice. For Vilma, these words of wisdom ring true: “thus, the last will be first, and the first will be last. Weeping may endure for a night, but joy cometh in the morning.” “And he who perseveres to the end will be…saved.” Flash forward to August 19 and 20, 2005. At long last, Vilma In Person. A dream come true. The object of my inspired articles, movie-going life and movie reviews stood beside me and my wife. She shook our hands. Now I know why she is still what she is then and now. You would forget she is the greatest actress of the Philippines, or a surprisingly capable Mayor with a PhD degree in Humanities. The Queen is indeed charming, pretty, humble, down to earth, funny and smart. From reel to real, Vilma Santos is God’s gift to the Filipinos. May she live long and healthy to continue to inspire us all.

John Agra Amauri – Lumaki ako sa kapaligirang baduy ang humanga o umidolo sa artistang lokal. 1970’s: Noong mga panahong ito, malaki at matindi ang tunggaliang Vilma-Nora kung kaya’t hindi mo ito matatakasan. Laman sila ng halos lahat ng balitang pangartista at sa aking murang pag-iisip, marami akong katanungan. Sinagot yun isang hapon ng isang aleng maglalako. Nakiusap ito sa aking mga magulang kung puwede siyang pumuwesto sa gilid ng aming ng aming bahay at magtinda ng iba’t-ibang gulay at prutas na may kasamang paarkilahan ng mga Komiks/Magasin. Pinayagan naman siya at bilang pasasalamat, inaabutan niya kami ng pinakasariwa niyang paninda paminsan-minsan. Pinayagan rin niya akong arkilahin ng libre ang mga Komiks/ magasin niya at iyon ang naging simula ng isang hindi inaasahang mahabang sikretong ’relasyon’ at tumulong sa paghugis ng aking pagkatao magpahanggang ngayon. Patago kung basahin ko ang mga Komiks at Magasing balitang artista. Istrikto kasi si Itay, napakarami niyang hirap na dinanas sa pagtaguyod sa aming pamilya at para sa kanya, walang maidudulot ang mga artista, lokal man o banyaga, kundi ang pagtatapon ng oras at pera. Ilang ulit din akong nahuhuli ng aking ama at napapagalitan ngunit hindi talaga ako mapigilan. Panahon iyon ng pamamayagpag ni Nora ngunit mas nahulog ang loob ko sa naaapi. Ang naaalala ko ay ang husay ng pagdala sa sarili ng puma-pangalawang labtim ni Vilma at dito ako unang humanga. Sa aking panakaw na pagbabasa, sa bawa’t tagumpay na tinatamo niya, patago akong ngumingiti sa aking sarili. At sa bawa’t dagok na dumadating sa kanya, patago rin akong nagdadalamhati. Maging sa paaralan, bihirang mapagusapan ang mga kuwentong artistang lokal sa aming grupo. Ang kinagigiliwan noon ay mga pelikulang aksiyon mula Hollywood. ’Colonial mentality’ ngang tunay. Dahil dito, marami akong pinalampas na pelikula ni Vilma. Maliban sa mga aguinaldo, tuwang tuwa ako sa pagsapit ng Pasko at Bagong Taon dahil sa MMFF. Pelikulang Pilipino lamang ang mapapanood at pelikula ni Vilma ang pinapanood namin kapag kasali siya. Ngayon ko lang napag-isip, hindi kaya secret Vilmanian rin ang mga barkada ko noon? Panahon ito ng Lipad,Darna, Lipad. 1980’s: Kolehiyo. Sa unang pagkakataon, ako ay lumisan ng bahay upang tumira sa kampus ng Pamantasan. Dito naman, mas lalong hindi pinapansin ng akademya ang mga artistang lokal at bagkus, mababa pa ang tingin sa kanila kung minsan. Hindi rin nakatulong na dormitoryo ng mga dayuhang estudiante ang napili kong tirahan. Subali’t nakamtan ko naman ang sariling laya sa mga panahong ito. Para akong ibong nakawala sa hawla at natutung maging magsarili. Mag-isa kong pinapanood ang mga pelikula ni Vilma at masaya na ako sa ganoon kahit na papaano. Pero hindi pa rin ako matatawag na ’die hard fan’ dahil hindi lahat ng Vilma Santos movie ay aking pinapanood tulad ng Doctor, doctor…at Ayaw kong maging Kerida. Namimili pa rin. Ang dalawang pelikulang hinding hindi ko nakakalimutan at lalong nagpahanga sa akin ay ang Pahiram ng Isang Umaga at ang makabuluhang Sister Stella L. Dito na nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Artistang may ’social at political relevance’ sa mga trabaho niya. Matapang. Noong mga unang taon ng dekada ’80, ako’y nagumpisang mangolekta ng mga librong Anthology ng Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature na bigay ng La Tondena Distillery. Dito ko unang nakilala si Lualhai Bautista at nabasa ang Dekada ’70. Mainit ang librong ito noong panahong iyon. Nangarap akong sana’y isapelikula ni Vilma ito. May matinding mensahe at ang babae dito ay ayaw nang magsawalang kibo sa nangyayari sa kapaligiran niya. Vilmang Vilma. Ito, sabi ko ang kasunod ng Sister Stella L. Nang sumunod naman ang nobelang Bata-Bata, Paano ka Ginawa noong 1984, nangarap uli ako at pumasok talaga sa isip ko ang padalhan si Ate Vi ng dalawang aklat na ito at imungkahing gawin niya. Nabanggit ko ito sa aking matalik na kaibigan at ako’y tinawanan lamang at sinabing ako’y nahihibang. Siyempre, Isa ako sa unang labis na natuwa at nagalak nang ito ay natupad pagkaraan ng halos dalawang dekadang paghihintay. 1990’s-2003: Memoirs of Buhay ’Merika. Malayo man ako sa inang bayan, balitang Vilma pa rin ang aking unang hinahanap. Ilang minuto lamang ang Hollywood mula sa trabaho o tirahan at naglilipana rin ang mga babasahin at balita tungkol sa mga bituin ng Hollywood pero wala pa rin. Merong Kulang. Paminsan-minsan ay merong balitang Ate Vi sa mga diaryong Pilipino dito at nakaka-dulot na ito ng saya ngunit bitin pa rin. Malaki ang pasasalamat ko sa internet at naging mas madali at mabilis ang paghanap ng mga balita tungkol kay Mayor Vi. Palihim at panakaw akong naghahanap ng balita sa net kapag nasa trabaho ako. Sa internet ko nalaman ang unang pagkapanalo niya sa eleksiyon. Ganoon din ang pangalawa at ang pangatlo. Sa mga panahong ito, ako ay sumaludo at naging 100% Vilmanian at taas noong pinagmamalaki siya noong pinatunayan niya ang pagiging epektibo niya sa kanyang panungkulan bilang Mayor. Sa kauna-unahang pagkakataon, may ’clippings’ ako ni Ate Vi at iyon ay pinamagatang Starring: Vilma Santos sa Newsbreak ng Inq7 (Oct. 27, 2003). Sa tuwa ko ay gumawa ako ng maraming kopya at pinamudmod ito sa mga kaibigan kong pinoy na gustong makinig. Kasabay sa isyung ito ang artikulong The Bad Mayor na si Joey Marquez. Tunay nga siyang kahanga-hanga. Hindi na isang artista lamang ang tingin ko sa kanya mula noon. Role Model at Inspirasyon. Magaling na aktres, marunong bumangon sa pagkadapa, maganda at mabait, mapagkumbaba, kagalang-galang at mas may bayag pa kesa sa ibang lalaki. Sa mga iilang taong iniluluklok ko sa pedestal na nabubuhay pa ay pawang mga lalaki iyon at maituturing kong malaking karangalan at pasasalamat at nakaharap ko sila sa magkakaibang okasyon. Sina Noam Chomsky, Warren Buffett at HH the Dalai Lama. Ikinagagalak kong sabihin na si Ate Vi ay kabilang na ngayon sa mga ito. Sana ay makadupangpalad ko siya. Sa pamamagitan pa rin ng internet, nalalaman ko ang mga bago niyang pelikula at aking inaabangan sa mga tindahang Pilipino sa may Vermont St., Temple St. at sa Glendale kung saan pugad ng ang Pinoy. Kasama ang kaibigan kong Vilmanian at ang buong pamilya niya, sabay kaming manonood ng mga pelikulang Vilma sa kanilang bahay tuwing linggo habang kumukukot ng cornicks, Chippy o V-Cut, chicharon na may suka o di kaya ay manggang hilaw at bagoong at minsan naman ay caramel pop-corn at pulvoron ng Goldilock’s. Kahit papaano, nasa Pilipinas uli kami sa mga sandaling iyon. Panahon naman ito ng mga Ipagpatawad mo, Dolzura Cortez, Sinungaling mong Puso at Bata-bata. Halos linggu-linggo kung dalawin ko ang aking nakababatang kapatid at kalapit nito ang West Covina. Sa aking pagkaka-alam, dito nakatira ang pamilya Santos. Minsan ay nababasa ko na lamang na nasa California si Ate Vi at nagbabakasyon. Natutuwa naman ako at alam kong naririyan lamang siya sa malapit ngunit wala naman akong maisip na paraan kung paano siya makaharap. So near and yet so far nga. 2004 noong una kong matunghayan ang ibat-ibang website ni Ate Vi. Nagmamasid lamang ako noon at naglakas loob lamang sumali noong 2005. Nasa ibang bansa na uli ako at malayo pa rin sa sariling bayan ngunit hindi na ako pipi ngayon bilang Vilmanian. Salamat sa grupong ito at nabigyan ako ng boses bilang isang Vilmanian. Nang dumating ang UP Gawad Plaridel ay hindi ko maiwasang mapaluha sa galak. Gustong gusto kong maging bahagi sa okasyong ito na handog ng sistemang aking pinagmulan subalit sadyang hindi nauukol. Hindi pa rin ako mapakali at nakadalawang tawag ako sa kolehiyo ng Mass Comm noong araw ng parangal upang makibalita. Madaling araw man dito noon ay hindi ko ininda. Ito kasi ang itinuturing kong pinakamahalagang parangal na natamo niya sa buong buhay niya. Bindikasyon ito sa lahat ng nagawa at nai-ambag niya sa sining at taong bayan. At nagpapatunay lamang ito na hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng hinahangaan. Ngayon, dito sa grupong ito ko na kinukuha ang mga pinakasariwang balita tungkol kay Ate Vi at ang magbigay o makinig ng opinyon. Dito ako nakatagpo ng maraming kapwa Vilmanian na hindi ko naranasan noon. Ang unang-una kong pakikipag-tanggol at pakiki-pagsagutan sa kampong mapang-away kahit man lang sa pagsulat. Unti-unti ko ring hinahasa dito ang kinakalawang kong pag-sulat sa Ingles man o sariling wika. Dito ko naranasan ang pinakamalapit kong pakikiharap kay Mayor Vi sa pamamagitan ng kanyang pagbati at pagsulat. At siya, bilang aking inspirasyon, ang nakapag-udyok sa aking makagawa at maibahagi dito ang kauna-unahang ’haiku’ sa tanang buhay ko na hindi ko inaasahang mangyayari. Salamat, Ate Vi. Agra Amauri, n.b. Ang paggamit ng pangalang ito ay pagbibigay pugay sa isang taong naging tulay upang madiskubre ang isang munting Vilma Santos. Kung hindi ako nagkakamali, ang ’uncle Amaury Agra’ ni Ate Vi ang unang nagdala at nagprisinta kay Doc Perez sa Sampaguita Pictures. After that, the rest is history. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Wala akong nababasa tungkol sa kanya. Kung saan man siya naroroon, maraming salamat.

R Viray – Maliit pa akong bata, mulat na ang kaisipan ko tungkol sa mga bagay bagay tungkol kay ate Vi. Madalas yung mga amiga ng auntie kapag nagmamadjong, isa sa mga usapan nila lagi ay nauuwi sa mga maiinit na debate tungkol kung sinong mas mas maganda, kung sinong mas magaling kumanta, sumayaw. Kadalasan ang kinauuwian nito’y ang pagliliparan ng mga “tiles” ng madjong. Ang mga amiga ng tita’y ang mga makukulay na karakter sa aking kabataan. Nakasanayan ko nang manood ng mga pelikula ni Ate Vi mula pa sa aking kabataan. Mayroon kaming kamaganak na takilyera kung kaya madalas ang pagpasok namin sa mga sinehan na walang bayad. Ilang sa mga pelikulang napanood ko na nagbigay sa aking ng ilang bangungot ay ang mga pelikula ni Ate Vi na kakatakutan. Katulad ng Lipad Darna Lipad, Hatingabi na Vilma at Anak ng Aswang. Kung sa gabi’y banungot ang lagi kong nararanasan salamat naman kay Darna at ang kapatid niyang si Ding laging nasasagip ako sa ending ng bawat masamang panaginip ko. Sa tuwing hapon matapos ang aking klase, takbo ako ng takbo, kalaro ko ang aking pinsan. Ako si Darna at ang pinsan ko naman ang babaing ahas! Labanang umaatikabo. Takbo kami sa bubong hanggang sa silong na aming bahay. Sigaw ng sigaw si inay lalo na nang marumihan namin ang puting kulambo na kakaalmirol lamang niya’t nakasabit kisame ng aming sala. Takbo rito, takbo ruon habol na rin si inay sa amin. Kapag dumarating na si tatay na lasing, naiisip ko lagi si Max Alvarado sa Darna and the Giants. Dahil sa mga yabag niya, nabubugabog ang buong bahay namin. Kapag dumarating rin si tatay ay laging napuputol ang panonood ko sa tv. Taong 1973, gabi ng parangal ng FAMAS. Nominado si Ate Vi. Nakatutok ako sa telebisyon habang nanahi ang nanay ko ng mga belong itinitinda niya sa Quiapo. Hating-gabi na pero dahil sa kaabalahan ay hindi ako pansin ni inay. Malapit nang i-proklama kung sino ang best actress. Hanggang sa dumating si Itay, si Max. Bakit raw gising pa ako! Inutusan akong bumili ng kanyang lapad. Nagdadabog akong tumakbo sa tindahan. Malayo-layo rin ito. Mabilis akong kumilos dahil sa banta ni itay na kung hindi ako kikilos agad papatayin niya ang telebisyon. Mga sampung kanto rin ang tindahan mula sa aming bakuran. Ilang araw na ulan kung kaya ang lupa sa aming bakuran ay basa’t maputik. Sa tindahan magsasara na si Aling Toyang mabuti na lang at naabutan ko kung hindi’y ang lalakbayin ko’y dagdag na anim na kanto, duon sa susunod na tindahan, kay Mang Tomas. Kapag kuha ko ng lapad ay takbo na ako. Sigaw ako ng Darna at ang pakiramdam ko talaga’y lumilipad ako. Malapit na ako sa aming pinto’t tumatakbo ako sa aming bakuran ng marinig ko ang mga kahol ng aso ng aming kapitbahay. Sa tako’t ko’y lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa madapa ako sa gitna ng putikan. Galit na galit ang tatay ko. Bakit raw puro putik ang lapad niya, pero mabuti raw at hindi nabasag. Galit na galit ang nanay ko at nag-umpisa na silang mag-away dahil ang sabi ni nanay mas mahalaga pa raw kay Max ang lapad niya. Naligo agad ako’t nagbihis at bumalik sa harap ng telebisyon habang patuloy na nagaaway ng tatay at nanay ko. Malapit nang sabihin kung sino ang mananalo nang bigla na lamang akong sigawan ng tatay ko’t ibig paalisin sa harap ng telebisyon. Napatingin na lamang ako sa nanay ko upang humingi ng saklolo. Hatak hatak ako ng tatay ko pero nakatutok pa rin ang mga mata ko sa telebisyon. Iprinoklaman si Ate na ka-tie ni Boots Anson Roa bilang best aktres! Habang paakyat ng entablado si Ate Vi, nakangiti ako, hindi ko alam na pinapalo na pala ako ng tatay ko ng kanyang sinturon. Nang patayin ng tatay ko ang telebisyon ay saka ako napasigaw sa sakit, latay latay na pala ang katawan ko hindi ko pa pansin dahil sa epekto ni Ate Vi sa akin. Bata pa ako nuon hanggang sa lumaki ako, lahat ng sakit sa puso at kung ano anong problema hindi ko naaalintana dahil nariyan si Ate Vi. – Unang nilathala nuong 2005 sa V magazine at VS Yahoo e-group

vilmanian article 02