NOON AT NGAYON

This slideshow requires JavaScript.

Siyam na taong gulang si Vilma Santos nang gawin niya ang kauna-unahang pelikula niya ang “Trudis Liit” ng VP Pictures na itinanghal noong Pebrero 21 – Marso 2, 1963. Naging abala siya pagkatapos sa linguhang taping ng TV series na “Larawan ng Pag-ibig” sa ABS (ang dating KBS sa Roxas Blvd. Noon) kung saan nakasama niya sina Zeny Zabala at Willie Sotelo. Noon pa man, kapuna-puna na madaling kumuha ng direksiyon si Vi, bukod pa sa mabilis itong magmemoya ng linya. Lubha rin siyang maingat sa kanyang pangkalahatang kaanyuhan bago humarap sa kamera. Kapag ang eksena ay sa loob ng tahanan, medyo guguluhin niya ang buhok, titiyakin na may kalumaan ang suot na simpleng damit, pati na ang tsinelas. Kapag sa labas naman ang eksena, pipili siya ng angkop na kasuotan, na para sa kanya ay komportable at simple. Dito sila madalas nagkakaiba ng panlasa ng kanyang ina. Pati na sa ayos ng buhok. Ang kay Vi, ang pananatili pa rin ng dating gawi. Ang sa kanyang mama, artista at kinakailangan nga naman ng kauting pagbabago sa panlabas na kaanyuan. Siyempre, ang kadalasang resulta, ang Mama niya ang nasusunod. After all, mother knows best, hindi ba? Bagay na hanggang nagdalaga si Vi ay muli at muli niyang napatunayan. Anyway, noon pa man, natural lang na mamalas kay Mama Santos ang understandeble pride sa anak, lalo pa’t madalas sabihin nina Zeny at Willie, “Artista talaga! Madali niyang masakyan ang prepesyong ito!” na matinding intriga at kontrobersiya.

Ipinanganak nga marahil si Ma. Rosa Vilma Tuazon Santos sa show business dahil sa pagitan ng taping ng “Larawan..” ay nagkasunod-sunod na ang kanyang mga pelikula: ”Anak, Ang Iyong Ina” ng Sampaguita Pictures (Abril 5 – 13, 1963), “King ang Queen For A Day” (Hulyo 4 – 13, 1963), “Duelo Sa Sapang Bato” ng Larry Santiago Productions (Hulyo 13 – 22, 1963), “Aninong Bakal” ng Vitri Films (Oktubre 9 – 28, 1963), “Ging” ng People’s Pictures (Enero 20 – 29, 1964), “Larawan Ng Pag-ibig” ng Vitri (base sa TV series, Pebrero 19 – 28, 1964), “Naligaw Na Anghel” ng LSP (Agosto 8 – 17, 1964), “Sa Bawa’t Pintig Ng Puso” ng LSP (Nobyemre 16 – 25, 1964), “Sa Baril Magtuos” ng Medallion Films (Abril 12 – 20, 1965), “Maria Cecilia” ng LSP (Mayo 15 – 24, 1965), “Morena Martir” ng VP (Hulyo 20 – Agosto 9, 1965), “Kay Tagal Ng Umaga” ng LSP (Agosto 23 – Setyembre 1, 1965), “Iginuhit Ng Tadhana” ng 777 Films (Setyembre 7 – 15, 1965), “Hindi Nahahati Ang Langit” ng LSP (Enero 9 – 18, 1966), “Hampaslupang Maton” ng JBC (Mayo 5 – 12, 1966), “Ito Ang Dahilan” ng LSP (Agosto 1 – 8, 1966), “Batang Iwahig” ng LSP (Oktubre 21 – 28, 1966), “Ito Ang Pilipino” ng EMAR (Disyembre 30, 1966 – Enero 9, 1967), “The Longest Hundred Miles” ng VIP (Hunyo 18 – 27, 1967), “De Colores” ng Arco-Iris (Marso 30 – April 10, 1968), “Kasalanan Kaya” ng Virgo Films (Hunyo 16 – 28, 1968), “Sino Ang May Karapatan” ng Virgo (Nobyembre 16 – 25, 1968), “Pinagbukold Ng Langit” ng UBP (Agosto 7 – 28, 1969), “Pag-ibig, Masdan Ang Ginawa Mo” ng RVQ Films (Setyembre 7 – 13, 1969), “My Darling Eddie” ng JBC (Disyembre 16 – 23, 1969, “Mardy” ng JBC (Disyembre 31 – Enero 6, 1969) hanggang “Young Love” ng VP Enero 1 – 21, 1970) ng lumikha ng rekord sa takilya.

Ang tutoo niyan, ang pag-aartista ni Vi ay nag-ugat sa isang family reunion na usung-uso sa mga Santoses. Sa isa sa mga ganyang okasyon, nabanggit ng tiyuhin ni Vi, si G. Amaury Agra, (noo’y cameraman ng Sampaguita Pictures) na bakit hindi nito subukin ang pag-aartista. Katuwiran ng amain, lista naman ang pamangkin at napakalimit pa nitong mapasali sa school plays, siyempre, ayaw ng ina ang dating Milagros Tuazon na tubong Cabanatuan, Nueva Ecija. Pag-aaral muna, bago ano pa aman. Iba naman ang reaksiyon ng ama, si Amado Santos ng Bamban, Tarlac. Amused ito at siyempre, nandoon ang parental pride dahil batid niyang maganda, matalino at lista ang anak. Iba pa rin ang reaksiyon ng mag kapatid ni Vi, sina Ma. Michaela (Emelyn) at Ma. Theresa (Maritess). Tuwang-tuwa sila. Masarap nga namang pakinggan iyong may “artista” sa pamilya. Ang dalawang bunso, sina Ma. Norwena (Winnie) at Joel (Sonny Boy) ay mga paslit pa lamang upang maunawaan ang pinag=uusapan. Natapos ang family reunion. Nakalimutan ang suhestiyon.

Makalipas ang mga tatlong buwan, nakatanggap ng maikling sulat si Mama Santos muka lay G. Agra. Naghahanap ang Sampaguita Picutures ng batang babae na gaganap ng mahalagang papel sa “Anak, Ang Iyong Ina!” at isinali ng amain ang pangalan ni Vi. Hindi puwedeng lumiban si Papa Santos sa pinpasukang government office, at ayaw naman nilang mapahiya ang kamag-anak, kaya napilitan si Mama Santos na humingi ng day=off sa opisina (Aguinaldo’s). Pagdating sa studio, wala si G. Agra at nasa location shooting, ngunit totoong naroroon ang pangalan ni Vi, kaya’t pinapasok sila sa tanggapan. Napadaan sa harapan ni Mama Santos si Bella Flores na dala ang script ng “Trudis Liit.” Nagulumihanan si Mama Santos. Binasa niyang muli ang liham ni G. Agra. Mali yata ang napuntahan nila! Akma niyang tatawagin si Vi na noon ay nkikipaglaro sa iba pang mga bata upang yayain na itong umuwi, nang pumasok sina Mommy Vera, Dr. at Mrs. Perez, at Eddie Garcia. At doon nagsimula ang movie career ni Vi na magpahanggang ngayon ay batbat pa rin ng iba’t ibang panunuri, opinyon at konklusiyon.

Pagkatapos ni Vi ng “Young Love,” nagsimula naman ang napakalaking pagbabago sa buhay niya at career life. Ang trend noon ay musicals, kung kaya’t sa kauna-unahang pagkakataon, umawit siya sa pelikula. Sa “My Darling Eddie” ng JBC, inawit niya ang “Devoted To You” ka-dweto si Edgar Mortiz. At dahil kararaos lamang ni Vi ng kanyang 16th birthday, sinulat ni Danny Subido ang awiting “Sixteen” na siyang naging unang plaka ni Vi sa Wilear’s Recording na ang likod ay “Wonderful To Be In Love.” Ang nasabing plaka ay agad naging number one sa loob lamang ng limang araw at tumagal ito sa gayong puwesto nang mahigit sa isang buwan. Noon, malaking rekord na ang gayon.

1970 rin nang magsimula ang professional rivalry nila ni Nora Aunor na lalong lumaganap at tumagal sa tulong ng mga publisidad, mga tagahanga at mga tao sa kani-kanilang paligid. Iisa ang pinagpatahian nila ng damit, ang Torino’s, halos iisa rin ang mga TV programs na dinadaluhan nial, gayon din ang mga movie companies na kanilang pinaglilingkuran, ngunit sa mata ng publiko, lalo na ng kanikanilang mga tagahanga, magkaiba sina Vilma at Nora. Iisa lamang ang dapat nakaupo sa trono ng katanyagan, iisa lamang ang dapat may hawak ng setro ng popularidad, iisa lamang ang puputungan ng korona ng superstardom.

1970 rin nang magsimulang i-ugnay si Vi kay Edgar, na siyang naging kauna-unahang nobyo niya sa tunay na buhay. Sunod-sunod ang kanilang pagtatambal: “Songs and Lovers” ng Tagalog Ilang Ilang Productions, “My Pledge Of Love” ng TIIP, “Love Is For the Two Of Us” ng AM, “From The Bottom of My Heart” ng TIIP at “Sixteen” ng Sampaguita, Ang naging mahigpit na “kalaban” ng kanilang tambalan ay ang love team nina Guy at Pip (Tirso Cruz III).

Dahil sa sunod-sunod na siyuting, hindi lang natigil sa pag-oopisina si Mama Santos, kung hindi nanganib din na matigil sa pag-aaral si Vi na nasa fourth year high school na. Minabuti nilang kumuha ng private tutor, na pinayagan naman ng pamunuan ng St. Mary’s Academy sa Trozo, Tondo, Maynila. Sa kanyang graduation, halata na mahal ng mga madre, guro at kamag-aral si Vi. Nagbalak siyang magpatuloy sa college, kahit na hindi kumpletong units bawa’t semester, ngunit iba pala ang balak ni Atty. Laxa ng TIIP.

1970 pa rin nang unang manibang bansa si Vi. Ginawa nila ni Edgar doon ang “Aloha, My Love” at “Never Say Goodbye.” Pagbalik niya rito, ginawa naman niya ang “Dingdong” ng Sampaguita ng siyang unang pinagtambalan nila ni Pip. Balik-tambalan sila ni Edgar sa “Sweethearts” at “Love Letters” bago niya sinimulan ang una nilang pagtatambal ni Jay Ilagan, ang “Inspirasyon” ng TIIP sa direksiyon ni Ishmael Bernal. Nasundan ito ng pagkakapanalo niya sa FAMAS (“Dama De Noche” ng TIIP) at nagpatuloy na niyang makasama ang iba pang mga batikan sa mga pelikulang tulad ng “Karugtong Ng Kahapon” (Eddie Rodriguez), “Mga Tigre Sa Sirra Cruz” (Charito Solis, direktor Augusto “Totoy” Buenaventura) at “Batya’t Palu-Palo” (Fernando Poe Jr.).

Anupa’t walang naging ibang daigdig ni Vi, mula 1963 kung hindi ang show business. Sabi ng niya sa isang interview: “…ibang-iba talaga. Para bang di man lamang ako dumaan sa pagkabata…heto akong naka-lollipop, and then bigla, ni wala man lamang transition, tumanda na akao, kayod na ako nang kayod, daig ko pa ang isang padre de familia. Noon, hindi ko pa na realiza na parang abnormal pala ang growing-up years ko. Paano, bising-bisi ako lagi sa trabaho. Besides, I was too young to understand about such things then, I ondly got to realiza about the things I’ve missed in life when I saw my younger sisters growing up. Ang saya-saya nila, they’re completely free to do anything they please, ang dami-dami nilang experiences na di mo man lamang naranasan. Somehow, in a way, inggit ako sa kanila. Pero all the same, ang mga nangyari’y nangyari na. Kahit ano pa ba ang gawin mo, di na na babalik ‘yung mga nakalipas na. And then, I’ve also learned it isn’t right to blame other people for what you’ve become. Kasi, ano e, talagang di tama. After all, if you don’t really want to do something, wala namang makakapilit sa’yo a. It’s not right for me to blame my Mama or my Papa dahil they never pushed me into becoming a movie personality. Ang aking pag-aartista’y kagustuhan ko. Lahat naman tayo, we all have to do what we feel we have to do. Everything in this world naman is dedicated by necessity. And yet, at the same time, di naman siguro ako masisisi for feeling cheated about some good things in life that somehow I feel I’ve missed..”

At nagpatuloy ang paggawa niya ng pelikula. Siya’y naging si “Dyesebel,” si “Darna,” si “Wonder Vi,” at ‘Bertang Kerengken” at ang “Kampanerang Kuba.” Nagpatuloy din ang pagsubaybay sa kanya ng publiko, bagama’t ibang aspeto sa buhay ni Vi ang nais laging malaman, ang kanyang love life. Naghiwalay sila ng landas ni Edgar at naging paboritong paksa ng hulaan ay kung sino ang susunod na aangkin sa pag-ibig ni Vi. Lahat halos nang nakatambal niya ay nasali sa “hulaan,” Jojit Paredes, Ronnie Henares, Dave Brodett, Jay Ilagan, Tirso Cruz III, Christopher De Leon, Mat Ranillo III, Bembol Roco, ABM Junior, Romeo Vasquez, Mark Gil at Lito Lapid. Maging sina Fernando Poe Jr., Dolphy at Eddie Rodriguez ay hindi nakaligtas. Ang hindi lamang yata nadawit kay ay sina Mayor Joseph Estrada (“The Sultan and I”), Victor Laurel (“Ophelia at Paris”), Jun Aristorenas (“Mahilig Ang Mister Ko”), Rudy Fernandez (“Makahiya’t Talahib”), Philip Salvador (“Rubia Servios”), Angelo Castro Jr at Ramil Rodriguez (“Modelong Tanso”) at Al Tantay (“Ang Galing Galign Mo Mrs Jones”). Wala isa mang nakakula na si Ronnie Henares ang naging mapalad na pangalawang kasintahan ni Vi.

1975 nang magsimulang magbago ng image si Vi. Pumayag siyang gumanap ng nagdadalang-tao sa “Mahilig…” at makipaghalikan ng lips to lips sa “Tag-ulan sa Tag-araw.” 1976 ay lalong napagtibay ang bold image ni Vi. Nag-prodyus siya at gumanap sa “Mga Rosa Sa Putikan” na sa pamagat lamang ay mahuhulaan kung anong uri ng karakter ang kanyang ginampanan. Ngunit sa kabila ng mga iyan, naroroon pa rin ang “hulaan” sa love life ng dalaga. Lalo pa nga at noong Marso 22, 1976 ay naging panauhin siya ng TV show ni Edgar na “People,” kapalit nung pagtungo nito sa TV show ni Vi, ang “Ayan Eh!” Natural, iisa ang konklusiyon ng karamihan. Magkakabalikan ang dating magkasintahan ng tatlong taon.

Nang sumunod ng taon, 1977, nakilala niya at nakatambal si Romeo Vasquez sa “Nagaapoy Na Damdamin.” Nang mga panahong iyon, nagpasiya na si Vi na bumukod ng tirahan. Ang tanging hangarin niya noon: matutong mamuhay nang mag-isa, magpasiya nang siya lamang ang mananagot sa anumang kahihinatnan, at matikman ang inaakala niyang kalayaan na ganap lamang niyang mapagsasawaan kung siya’y nakahiwalay sa mga magulang at kapatid. Naganap nga ang kanyang kagustuhan, ngunit hungkag pa rin ang kanyang buhay. Walang direksiyon. Ang naging publisidad nang hakbang na ito ni vi ay ang diumano’y pagsasabi niya na “I want to be liberated.” Marami ang nagtaas ng kilay. At lalo nang hindi nila maibaba ito nang mapabalita na si Bobby ay kasintahan na ni Vi. Lalong gumulo na ang iba’t ibang nasulat tungkol sa dalawa. Hanggang sa tuluyan nang maghiwalay sila ng landas.

Muli, pelikula na naman ang nagpaliit ng daigdig ni Vi. Bagama’t ang 1978 ay tinaguriang taon ng mga rosas para kay Vi (panay ang padala ng mga rosas nina Bobby, Christopher, Mar Ranillo, Rolly Quizon at isang nagngangalang Ricky), iyon din ang taong ng “Rubia Servios.” Sa awards night na ginanap noong Enero 3, 1979 sa CCP, marami ang humula na mananalo si Vi. Ngunit si Guy ang nanalo sa “Atsay.”

Ilang araw matapos ang awards night, nabalita na nagtangkang magpakamatay si Vi dahil sa sama ng loob. Paano at saan nagsimula ang balita? Mahirap tukuyin. Ang madali ay ang katotohanan. Pagkagaling sa CCP, nagkita-kita sina Vi at ang kanyang pamilya, Manay Ichu (Marichu Vera Perez), mga kapatid nitong sina Lilibeth at Chona, Cleo Cruz at ang manunulat na ito sa Palamigan Express. Pagkagaling doon, naganyaya si Vi sa kanyang tinutuluyan, sa Tuscanny sa Makati. Hindi sumama si Cleo. Pagdating doon nagpaalam na rin ang mga magulang at kapatid ni Vi. Naiwan ang mga Vera-Perezes, ang alalay noon ni Vi si Viring at ang ang inyong lindkod. Tahasang inamin ni Vi: “Hinangad ko ang manalo, dahil alam kong mahusay ang pagkakaganap ko sa tulong ni direk (Lino Brocka), Ipe (Philip) at Archie (Mat) at iba pang mga kasama. Pero hindi ako umasa. I hoped I’d win, but I did not expect naman. Of course, disappointed ako, masakit, pero kailangang tanggapin…” at iniba na ni Many Ichu ang usapan. Naglabas si Vi ng alak, naging topic ang mga off-the-record na love life at ilang personal na suliranin ni Vi at bago namin namalayan umaga na pala.

Duon, sa Tuscanny, muli naming napatunayan ang isa pang aspeto ng personalidad ni Vi. Ang kanyang pagiging masinop at pagiging systematic. Kung sabagay, noon pa mang nagsisimula pa lamang si Vi, agad mapapansin sa kanya ang breeding, sincerity at pagiging very gracious. Ang ganyang kaugalian ay nadala niya magpahanggang ngayon. Maging nang dumating ang panahon na nagkasabit-sabit ang kanyang mga schedule na naging dahilan nang pagiging unprofessional niya at times. Hindi pa rin nagbago ang kanyang basic and inherit traits.

Ngayon, nahaharap si Vi sa panibagong chapter in her life, ang pagiging isang ina. At sa halip na unawain siya ng iba, ngayon pa lamang hinuhusgahan na siya. May nanghihinayang. May kumukondena. Ngunit sa pagkakatanda namin, noon, ang tanong ay: ano ang pumipigil sa pag-aasawa ni Vi? Tipong inaapura nila ito noon at ngayong magpasiya ang aktres at bigyan daan ang sariling kaligayahan, iba naman ang naging reaksiyon.

Anu’t-anuman, sa paglingon ni Vi, taas-noo niyang masasabi na naibahagi niya sa kanyang publiko at tapat na mahabang pagbibigay-kasiyahan sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula, plaka, TV shows at personal appearances. Altogether, she gave the best years of her life to her adoring public and it is but her right for her to now give herself the chance to live her life the way she wants it. – Ched P Gonzales, Modern Romances & True Confessions, 15 December 1980 (READ MORE)

Filmography: Masarap, Masakit ang Umibig (1977)

This slideshow requires JavaScript.

Basic Information: Directed: Elwood Perez; Story: Orlando Nadres; Screenplay: Elwood Perez, Orlando Nadres; Cast: Vilma Santos, Christopher De Leon, Mat Ranillo III, Amado Cortez, Lilibeth Vera-Perez, Anita Linda, Ma-An Hontiveros, Lillian Laing, Sandy Garcia, Cloyd Robinson, Laila Dee; Executive producer: Marichu Vera Perez; Original Music: Lutgardo Labad; Cinematography: Gener Buenaseda; Film Editing: Jose Tarnate; Production Design: Bobby Bautista

Plot Description: A wealthy couple’s sacrificing adopted son, Alonso (Christopher de Leon) and wayward biological son, Alvaro (Mat Ranillo III) vie for the love of the same woman, Estella (Vilma Santos).

Film Achievement: Official Selection – 1981 ASEAN Film Festival, Sydney Austarlia; 1978 Asia-Pacific Film Festival, Taipei Taiwan; 1978 FAMAS Best Supporting Actor – Mat Ranillo III; 1978 FAMAS Nomination Best Actor – Christopher De Leon

“…Elwood Perez and Vilma Santos colloborated in seven films. The first one was the trilogy that he co-directed with two other director, Borlaza and Gosiengfiao (these three are the most underrated and under appreciated directors in the Philippines), the remake of Mars Ravelo comic super hero, Darna in Lipad Darna Lipad. The film was a record-breaking hit Box-office Film. They follow this up with a more mature projects as Vilma started to switched her image from sweet to a mature versatile actress, pairing her with Christopher DeLeon in five films starting with Masarap Masakit Ang Umibig in 1977. The Perez-Santos-DeLeon team produced seven blockbuster hits that gave Vilma two FAMAS best actress awards that secured her elevation to FAMAS highest honour, the FAMAS Hall of Fame award. She won in 1979 for Pakawalan Mo Ako and 1988 for Ibulong Mo Sa Diyos…Total Number of Films with Vilma Santos: 7 (Ibulong Mo Sa Diyos 1988, Lipad Darna Lipad 1973, Magkaribal 1979, Masarap Masakit ang Umibig 1977, Nakawin Natin ang Bawat Sandali 1978, Pakawalan Mo Ako 1981, Pinay American Style 1979)…” – RV (READ MORE)

Film Reviews: “…Walang ipinagkaiba ang pelikula sa ibang mga sineng tinalakay ang mga suliranin ng pag-ibig at pamilya. Makikitang pinagtuunan ng pansin ni direktor Elwood Perez ang disenyo ng pelikula ngunit hindi naging epektibo ang paggamit nito upang maiusad ang kuwento. Kahit sa pagganap ng mga pangunahing tauhan, animo sila’y nasa entablado. Nanlilisik ang mga mata, walang katapusang pagsisigawan, pagtutulakan at pagbubugbugan. Sa pelikulang ito, unang ipinamalas ang senswalidad ni Vilma Santos. Maraming eksenang sekswal ang aktres at maaari talaga siyang makipagsabayan sa mga tulad nina Alma Moreno at Trixia Gomez. Karamihan ng mga sitwasyong ibinigay sa kanyang karakter ay hindi kapani-paniwala. Nariyang gawin siyang modelo, sa ilang piling tagpo ipinakita din ang pagiging estudyante ni Estella ngunit hindi naman tinahak ang mga ito sa kabuuan ng pelikula. Hindi rin maikakaila ang husay ni Christopher de Leon bilang aktor ngunit sa pelikulang ito ay nasayang lamang ang kanyang pagganap. Hindi nabigyan ng tamang direksyon ang aktor kung kaya’t lumabas na sabog ang kanyang karakterisasyon. Si Mat Ranillo III naman ay tila hindi na natutong umarte. Kadalasa’y pinaghuhubad siya ng direktor sa mga eksena upang mabigyang pansin. Masyadong mahaba ang pelikula dahil na rin siguro sa panghihinayang ni direk Elwood na masayang ang magagandang eksenang kanyang nakunan ngunit hindi naman nakaapekto ang mga ito sa takbo ng istorya. Kadalasa’y nakababad lamang ang kamera at nakatanghod sa susunod na gagawin ng mga artista. Hindi ito nakatulong upang mapabilis ang takbo ng pelikula, nakakainip panoorin ang ganitong mga eksena. Ang Masarap, Masakit Ang Umibig ay basurang nababalot sa kinang ng makintab na sinematograpiya, disenyo at musika na nagbabalatkayong masining na pelikula.” Jojo Devera, Sari-saring Sineng Pinoy (READ MORE)

“…Her metamorphosis began in late 1976 when she agreed to be kissed by Rudy Fernandez in Makahiya at Talahib. It was a “feeler” of sort and when the public clacked its tongue in obvious approval, Vilma shelved her lollipops-and-roses image and proved that she, too, could be a woman – a wise move indeed because at that time her career was on a downswing and her movies were not making money. Then she did Mga Rosas sa Putikan for her own VS Films where she played a country girl forced into prostitution in the big city. The movie did fairly well at the tills. Good sign. And came her romance with Romeo Vasquez, boosting both their stocks at the box office (thier two starrers, Nag-aapoy na Damdamin and Pulot-Gata where Vilma did her own wet style, were big moneymakers). The tandem, although it did help Vilma, actually helped Vasquez more in re-establishing himself at the box office (without Vilma, his movies with other leading ladies hardly create any ripple). In Susan Kelly, Edad 20, Vilma played a notorious-woman role that required her to wear skimpy bikini briefs in some scenes, following it up with two giant sizzlers (Dalawang Pugad, Isang Ibon and Masarap, Masakit ang Umibig) that catapulted her as the newest Bold Queen. Then came Burlesk Queen…” – Ricardo F. Lo, Expressweek Magazine January 19, 1978 (READ MORE)

“…Elwood Perez and Vilma Santos colloborated in seven films (Ibulong Mo Sa Diyos 1988, Lipad Darna Lipad 1973, Magkaribal 1979, Masarap Masakit ang Umibig 1977, Nakawin Natin ang Bawat Sandali 1978, Pakawalan Mo Ako 1981, Pinay American Style 1979). The first one was the trilogy that he co-directed with two other director, Borlaza and Gosiengfiao (these three are the most underrated and under appreciated directors in the Philippines), the remake of Mars Ravelo comic super hero, Darna in Lipad Darna Lipad. The film was a record-breaking hit Box-office Film. They follow this up with a more mature projects as Vilma started to switched her image from sweet to a mature versatile actress, pairing her with Christopher DeLeon in five films starting with Masarap Masakit Ang Umibig in 1977. The Perez-Santos-DeLeon team produced seven blockbuster hits that gave Vilma two FAMAS best actress awards that secured her elevation to FAMAS highest honour, the FAMAS Hall of Fame award. She won in 1979 for Pakawalan Mo Ako and 1988 for Ibulong Mo Sa Diyos…” – RV (READ MORE)

Filmography: Rubia Servios (1978)

“Hayup! Hayup! Hayuuuup!” – Rubia Servios

“Nahihibang ako sa pagnanasa sa iyo, ilang libong beses na kitang hinuhubaran sa aking isipan, pinagsasamantalahan sa aking pangarap!…Ito’y isang pagsubok sa ating pagmamahalan, kahit ano pa ang nangyari sa iyo, mahal kita, kailangan kita!…” – Willie Trizon

This slideshow requires JavaScript.

Basic Information: Direction: Lino Brocka; Screenplay: Mario O’Hara; Cast: Vilma Santos, Mat Ranillo III, Phillip Salvador, Estrella Kuenzler, Esther Chaves, Carpi Asturias, Jess Ramos, Leah de Guzman, Mark Verzosa; Cinematography: Conrado Baltazar; Editing: Jose H. Tarnate; Music: Freddie Aguilar; Production Company: Sampaguita Pictures, Inc.; Release Date: December 25, 1978; “Rubia Servios (Case No. 63572)” (1978); Office Entry to The 4th (1978) Metro Manila Film Festival Entry; Based on an “Unforgettable Legal Story” by Aida Sevilla Mendoza; Theme Song: “Pag-subok” composed and sang by Freddie Aguilar

Plot Description: Medical intern Rubia Servios (Vilma Santos) is engaged to Dr. Norman Ignacio (Mat Ranillo III), but persistent suitor Willy Trison (Phillip Salvador) refuses to give up. On the day of the death of Norman’s father, she is abducted by Willy and brought to an island. She is repeatedly raped and offered marriage by Willy. She turns him down and warns him that she will bring matters to the police. However, he is confident that she will not press a case against him as she will not want the stigma of a rape victim. Rubia is released and she brings him to court. Willy is sentenced to six to ten years in prison. Rubia discovers she is pregnant and the steadfast Dr. Norman Ignacio proposes marriage. She gives birth to Willy’s daughter, Vivian, and they leave for Canada. Rubia wants a child by Norman and they have a son. Years later, they return to Manila. There are mysterious calls on the telephone. It is Willy and he wants his daughter. Rubia and Norman hide Vivian and plan to leave for the American continent. However, Willy is able to kidnap the child with the help of an ice cream vendor. She is brought to the island and she begins to look to him as her real father. But she also wants her mother. Willy calls Rubia and tells her to join them in the island. Rubia refuses. There is a confrontation between Norman and Willy. Norman is beaten up. Still Rubia is adamant. She becomes terrified when Willy sets up a headless child in a remote area, the discovery of which is sensationalized in the tabloids. Finally Rubia agrees to join him. She takes the motorized banca with Willy as the pilot. In the middle of the sea, she takes a paddle and hits Willy. Willy falls into the water. Rubia takes her gun and shoots him. The banca reaches the island. Rubia is happy to see Vivian alive. As an epilogue, Rubia and Norman leave for the States where they are presently residing. – Lino Brocka: The Artist and His Times, reposted Simon Santos, Video48, 29 December 2018 (READ MORE)

Sa umpisa ng pelikula, makikitang nag-aaral pa lamang si Rubia (Vilma Santos), Norman Ignacio (Mat Ranillo III) at Willie Trizon (Philip Salvador). Masugid na manliligaw ni Rubia si Willie kahit na alam na nito na may nobyo na siya’t pakakasal na sila sa pagkatapos ng taon. Nang malaman ni Willie na pakakasal na si Rubia ay naging desperado ito’t plinano na kidnapin si Rubia. Isang araw habang naghihintay ito ng taxi sa kalye ay hinablot siya nga pat na lalaki na tauhan ni Willie. Dinalo siya ni Willie sa isang cottage sa Cavite. Nagtangka si Rubia na tumakas at tumakbo sa labas. Duon siya ginahasa ni Willie sa tabing dagat. Matapos gahasain ay nagtangkang magpakalunod si Rubia ngunit pinigil siya ni Willie at binalik sa cottage. Pinag-isipan ni Rubia kung paano niya mapipilit si Willie na pawalan siya. Tinanong niya si Willie kung anong gusto nitong mangyari. Sinabi nitong gusto niyang pakasalan siya. Pumayag si Rubia na magpakasal ngunit kailangan nitong ipaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya. Natagpuan naman ng pamilya ni Rubia siya sa ospital at duon nito nagpasya na maghabla. Matapos ang hearing sa korte sa kabila ng pagmamakaawa ng pamilya ni Willie ay nasentensiyahan siya ng anim na taon sa bilanguan at magbayad ng 70,000 pesos. Samantala nanatiling nakakulong sa kuwarto si Rubia matapos ang kaso. Pinilit ni Norman na kausapin ang katipan at dito nalaman niya na ang dahilan ng pagkukulong sa kuwarto ni Rubia’y buntis ito. Pinasya ni Norman na bigyan ng pangalan ang pinabuntis ni Rubia at nagpakasal ang dalawa.

Nanatiling tahimik ang buhay ng dalawa’t nagkaroon pa sila ng isa pang anak. Nang 3 years old na ang batang naging anak niya kay Willie’y nag-umpisang mangulo na naman ito. Si Willie’y nakalabas ng kulungan pagkatapos ng tatlong taon lamang. Nung una’y pinagkaila ni Rubia sa asawa ang mga tawag ni Willie. Ngunit napuna na rin ito ni Norman nang mapuna niyang madalas ang asawa na umuuwi ng maaga sa bahay at nag-umpisang uminom ng valium at naging magugulatin ito. Pinagtapat na rin ni Rubia sa asawa ang panggugulo ni Willie at pumayag ito na payagan si Rubia na makipagkita kay Willie. Nang malaman ni Rubia kung saan sila magkikita’y si Norman ang pumunta sa usapan. Ang resulta’y nabugbog ito ng mga tauhan ni Willie. Dahil rito’y naging maliwanag na hindi sila titigilan ni Willie lalo pa’t minsa’y takutin si Rubia nang wala si Norman sa bahay at pumunta si Willie’t pinatay ang aso nila. Wala naman magawa ang mga polis dahil wala silang hard evidence na si Willie nga’y nanggugulo sa buhay nila. Pinasya ni Norman at Rubia na umalis na nang bansa at bumalik sa Canada kung saan sila ilang taon ring nag-aral bago naging doctor. Pinasya rin nila na ibigay sa kanyang mga magulang ang dalawang bata para sa kanilang safety.

Sa kasamaang palad, kinidnap ni Willie ang anak nila ni Rubia na si Vivian. Nagpunta sila sa mga pulis ngunit wala pa ring magawa ang mga ito dahil wala silang ebidensiya. Kinontak ni Willie si Vivian at gusto nitong makipagkita siya rito. Pumayag si Norman ngunit sumonod rin ito sa usapan. Kasama ng kanyang mga alagad iniwanan ni Willie ang magasawa at binantaan na sa susunod magsisisi sila sa kanilang ginawa dahil nga ang usapan ay si Rubia lamang ang gusto niyang makita. Tinakot pa ni Willie si Rubia’t kumuha ito ng bankay na bata at isinuot ang damit ng anak ni Rubia. Nalathala ito sa mga diyaryo at pinuntahan ni Rubia ang bankay laking pasasalamat nito’t hindi ang anak ang bangkay. Dahil rito’y nagpasya na si Rubia na kitain si Willie na hindi alam ni Norman. Kinita nga ni Rubia si Willie ngunit nasundan rin pala si Rubia ni Norman. Sa tulong ng mga alagad ni Willie ay itinali ng mga ito sa puno si Norman at muling ginahasa nito si Rubia sa harap ni Norman. Nagsisigaw ito ngunit walang siyang nagawa. Kahit ayaw ni Rubia ay napapayag rin siya dahil papatayin ni Willie ang kanyang asawa. Pagkatapos nito’y binugbog ng mga tauhan ni Willie si Norman at sinama si Rubia papunta sa kanilang anak. Sa dagat papunta sa isla kung saan naruon si Vivian ay kinausap ni Willie ang dino-dios niyang si Rubia. Pinangako nito na matututunan rin niyang mahalin siya. Hindi napansin ni Willie na nakahawak si Rubia sa sagwan ng bangka at ilang ulit nitong pinalo sa ulo ang nabiglang si Willie habang sinasabi ang salitang “hayup!” Hinanap nito ang baril at pinagbabaril rin niya ang nahulog sa dagat na si Willie. Narating ni Rubia ang isla at duon nito nakita ang kanyang anak na buhay na buhay at tinatawag ang kanyang pangalan. The End. – RV

Film Achievement: 1978 FAMAS: Best Picture Nomination; 1978 Gawad Urian: Best Cinematography Nomination – Conrado Baltazar; Best Editing Nomination – Jose Tarnate; 1978 Metro Manila Film Festival: Best Performer Nomination – Vilma Santos; Best Editing – Jose Tarnate; Best Screenplay – Mario O’Hara; Box Office Revenue – Top Grosser

Film Reviews: Mula sa screenplay ni Mario O”hara, ang Rubia Servios ay may mabilis na paglalahad ng buhay ni Rubia at ang mga kahayupang dumating sa kanya sa palad ng isang anak ng makapangyarihan pamilya. Halatang binusisi ni Lino Brockha ang pelikula’t binigyang pansin ang mga eksenang may pagkabayolente. Dalawang beses na ginahasa ni Philip si Vilma at sa bawat eksena’y makikita ang kahalayan at pagnanasa sa mga mata ni Philip at makikita ang sakit na dulot nito sa katauhan ni Vilma. Maraming eksena kung saan inalagaan ni Lino ang pagarte ni Vilma. Hindi lamang sa rape scenes kungdi sa mga tahimik na eksena. Una na nang umagang gumising siya pagkatapos ng unang rape scene. Makikita sa mukha ni Vilma ang pagkalito at ilang sandali pa’y ang pagtanggap ng nangyari sa kanya ng gabing una siyang ginaahasa sa tabing dagat. Pangalawa, nang pumayag si Philip na pakawalan si Rubia at mapunta ito sa ospital. Pagkabukas nang kanyang mata at makita si Norman, makikita sa mga mata niya ang hirap na dinanas. Sa court scene kung saan sinasabi niya na “gusto ko siyang patayin” ng paulit-ulit. Sa bandang huli kung saan nalaman niya na hindi ang anak niya ang putol putol na batang bangkay makikita sa mata niya’t mukha ang biglang pagkatuwa’t hindi ito ang kanyang anak. At sa bandang huli pa rin kung saan ginahasa siya muli sa harap ng kanyang asawa. Makikita ang pagsuko niya’t pagkatalo. Makikita sa kanyang mukha ang pagod at hirap hanggang sa boat scene kung saan pinalad siyang makuha ang sagwan at nagkaroon ng pagkakataong paluin si Willie ng pa-ulit-ulit at hindi pa ito nasiyahan at binaril pa niya ang nangahasa sa kanya. Sa eksenang ito makikita ang kaibahan ng kakayahan sa pagarte ni Vilma. Sa eksenang ito kung saan sinasabi niya ang salitang “hayup!” sabay palo sa nabiglang si Willie. Buong katawan niya ang umaarte. Ito ay hango sa tunay na buhay. Hindi katulad ng arte ni Nora Aunor sa Ina Ka Ng Anak Mo kung saan nahuli niyang nagsiping ang kanyang asawa sa kanyang ina. Nakapokos ang kamera sa mukha niya at nag-emote ng parehong salita: “Hayup!” ang paulit-ulit niyang salita. Aba kung sa tunay na buhay iyan eh nagkasabunutan na at nagwala na ang mag-ina!

Para sa akin naging matagumpay si Vilma sa kanyang pagganap bilang si Rubia Servios. Isang tour de force. Nuong una ko itong napanood sa Avenida ay namangha ako sa kanyang galing. Ngayon pagkatapos ng dalawanput siyam na taon pinanood ko muli ito’y hindi nababawasan ang aking pagkamangha sa galing niya. Paano mo ba isasalarawan ang babae na nagahasa? Paano mo ba isasalarawan ang babaeng nakidnapan ng anak at muling nagahasa sa harap pa mismo ng asawa mo? Isang mahirap na papel. At naisalarawan ito ni Vilma nang makatotohanan. Walang mga pagpopokos ng kamera para mag-emote. Makatotohanang pagganap. Special mention sina Mat Ranillo III at Philip Salvador. Dapat ay napahalagahan sila sa pamamagitan ng nomination subalit naging maramot ang organisasyon ng pestibal at isang acting awards lamang ang binigay nila. Panalo sana si Philip Salvador ng best actor award rito dahil damang dama mo ang kanyang karakter. Makikita rin kung gaano kaganda ng kanyang katawan. Meron eksena siya na nakaswimming trunks lang at talagang alaga pa niya ang kanyang katawan nuon. Si Mat naman ay sana nanominate bilang best supporting actor. Mahusay rin siya lalo na sa eksena kung saan nakatali siya sa puno at wala siyang nagawa ng pagsamantalahan muli si Rubia sa harapan niya ni Philip.

Technically, nang panoorin ko itong pelikulang ito ay maganda ang resulta ngunit nang panoorin ko muli ng ilang beses ngayon ay makikita ang ilang flaws. Una na ang cinematography ni Conrado Baltazar. Maraming eksena ay hindi nasa tamang angulo. Merong eksena na nagsasalita si Ate Vi pero ang nakikita lamang ay ang kanyang nuo. Ang musical score ni Freddie Aguilar ay parang hindi bagay sa tema ng pelikula. Pati ang theme song na “Pagsubok” parang pang-politika at very “folksy” ang dating. Merong isang butas ang screenplay ni Mario O Harra. Nang umalis si Philip para iwanan si Vivian, ang anak niyang kinidnap, nang umalis ito’y sumakay ito ng kotse, pagkatapos nang dalhin niya si Rubia sa banding huli’y sumakay naman sila ng boat. Medyo nakaligtaan nila ang isang detalye na ito. Mabilis ang pacing na pelikula at maraming mga eksena talaga si Vilma na makikita mo ang pagaalaga ni Lino. Sayang nga lamang at hindi ito nakita ng mga hurado ng pestibal at maging ang mga manunuri ng taong iyon. – RV

Undoubtedly, the two best entries in the 1978 Metro Manila Film Festival are Atsay and Rubia Servios. Atsay is remarkable in several ways. It has a strong social message, aimed at primarily those who forget that house cleaners are also human beings. In the character of Mrs. Anton (Angie Ferro), screenwriter Edgar M. Reyes is able to embody the thousand faults which middle-class housewives are heir to. Atsay can also pride itself on being truly Filipino. Its mood is set by its Pilipino credits (in sharp contrast to the English credits of the other entries). The film deliberately exploits local color, dwelling not only on rural but also on picturesque urban scenes. The story, needless to say, can happen only in the Philippines, where domestics and beerhouses are national institutions. But the most striking thing about Atsay is its cinematography (Romeo Vitug). The slow dissolves, the multiple exposures (such as the brilliant train sequence), the surprising angles, the flawless composition—this border on genius. The cinematography is so extraordinary, in fact, that it covers a multitude of sins. The most grievous sin of all is the ending. In the end, Nelia (Nora Aunor), after having been humiliated, beaten, raped, dehumanized by the vultures of the city, decides to stay in the city anyway in the hope that an impoverished construction worker (Ronald Corveau) will make her live happily ever after. Such ending, while assuring the viewer that human nature is not totally evil, is unmotivated and, in fact, goes against the very theme of the story. For Atsay is the story of how the city dehumanizes, of how human beings become swine (this point is made through blatant symbolism in a shot of Nelia inside a cage-like jeep), of how Manila is a prison (note Vitug’s several shots of cage-like structures). “Atsay” is a story of how individuals are no match against the cruelty of the city. The construction worker, for example, becomes the victim of a construction accident. A young pretty virgin from the province is raped while she’s drugged. A kind-hearted old man is shot down while protesting against exploitation. The ending of Atsay contradicts the film’s affirmations. It would have been much more in keeping with the theme (not to mention the current concerns of the national human settlements program), if Nelia were shown rejecting the city and, in hope, returning to her province for a new life.

Rubia Servios, on the other hand, does not dilute the message. Willy (Phillip Salvador), the son of a powerful and wealthy figure, is portrayed as totally evil, devoid of any redeeming quality. To screenwriter Mario O’Hara and director Lino Brocka, the province is the same as the city. Rubia Servios (Vilma Santos) is raped both in the city and in the country. Rubia kills Willy in the country. Violence unites all places. It is the “unity” of conception, scripting, design, and direction, in fact, that Rubia Servios is superior to Atsay. Lino Brocka does not waste shots in his attempt to create a Filipino classical tragedy. He subordinates everything to the building up of one emotion in the viewer, that of hatred of Willy. So despicable does Willy become at the end that, when he is murdered by Rubia, no viewer can say that Rubia is at fault. And yet, morally speaking, no one is allowed to take the law into his own hands. The law, in fact, put Willy in prison for the first rape. There is no reason to think that the law will not put Willy to death for the second rape. By conditioning the reader to condone Rubia’s revenge, Brocka succeeds in questioning one of our deeply rooted moral beliefs. The unity that characterizes Rubia Servios contrasts sharply with the tendency of Eddie Garcia in Atsay to exploit Vitug’s versatility even at the expense of tightness. There are shots in Atsay, for example, which could easily be cut without hurting the film’s integrity. Even the train sequence, one of the best sequences in Atsay, is far too long. Rubia Servios is Lino Brocka’s film; Atsay is Romeo Vitug’s. Nora does an excellent acting job; but so does Vilma Santos, and Rubia is a much more demanding and difficult role. Edgardo M. Reyes is an established literary figure, but Mario O’Hara is much better screenwriter. Overall, Atsay may be much more impressive than Rubia Servios. In terms of challenging our moral and legal convictions, however, Rubia Servios is much more significant. – Isagani Cruz, TV Times, 1979

Kung uri ang paguusapan, de-kalidad ang Rubia Servios. Kaya lamang, may sabit. Maraming butas ang iskrip ni mario O’Hara. Ang istorya ng Rubia Servios ay batay sa mga legal story ni Aida Sevilla Mendoza, at ito’y pumapaksa sa babaeng ginahasa ng kanyang masugid na manliligaw. Si Rubia (Vilma Santos) ay isang medical student na may kasintahang kaeskuweala, si Norman (Mat Ranillo III). Balak nilang magpakasal pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Karibal ni Norman si Willie (Philip Salvador) na ayaw tumanggap ng kabiguan sa pag-ibig. Anak siya ng mayaman at maipluwensiyang pamilya sa Kabite. Kaya nang tapatin siya ng dalaga na wala siyang maaasahan, kinidnap niya si Rubia sa isang bahay-bakasyunan at ginahasa ito. Nang magkaroon ng pagkakataon ang babae, tumakas ito at isinuplong si Willie. Idinemanda ang lalaki at nahatulang mabilanggo ng anim na taon. Paglabas ng lalaki sa bilangguan, ginulo na naman niya ang buhay ng babae na ngayo’y asawa na ni Norman at may dalawang anak (ang una’y anak niya kay Willie). Dahil sa pananakot ng hui, nakipagtagpo si Rubia, at muli na namang ginahasa sa sementeryo sa harapan pa naman ng asawa. Kinidnap ni Willie ang anak niya para gawing pain sa pagtatagpo nila ni Rubia at para sumama na tio sa kanya. Ngunit nagkakaroon na naman ng pagkakaton ang babae na lumaban at sa bangka, hinampas niya si Willie ng sagwan, at pagkatapos ay binaril ang lalaki hanggang sa ito’y tuluyan nang malunod.

Simplistiko ang materyal at lalong simplistiko ang pamamaraan ni O’Hara sa karakterisasyon. Nagmumukha tanga ang mga tauhan (si Rubia at si Norman) samantalang medical students at naturingang doktor pa naman sial. Tinatakot na sila’y hindi pa sila humingi ng proteksiyon sa pulis. Ginahasa na si Rubia ay nakipagtagpo pa sa sementeryong madilim nang nag-iisa at nagpaganda pa mandin siya nang husto. At ang asawa niya’y wala ring utak. Biro mong sinundan ang asawa sa sementeryo nang nag-iisa! Dapat nga palang magkaganito sila kung napakakitid ng kanilang utak. Sa direksiyon ni Brocka, lumitaw ang galing ni Vilma Santos, at nakontrol ang labis na pagpapagalaw ng kanyang labi. Mahusay din ang eksena ng gahasa. Si Philip Salvador naman ay tulad sa isang masunuring estudyante na sinusunod lahat ang direksiyon ng guro. Kitang-kita mo sa kanyang pagganap ang bawat tagubiling pinaghihirapan niyang masunod: kilos ng mata, buntong-hininga, galaw ng daliri, kislot ng kilay. Limitado ang kanyang kakayahan at makikia ito sa kanyang mukha (na limitado rin). Walang-wala rtio si Mat Ranillo III, na parang pinabayaan para lalong lumitaw ang papel at pag-arte ni Salvador. Samantala, ang kamera ni Conrado Salvador ay hindi gaanong nakalikha ng tension at suspense, bukod sa napakaliwanang ng disenyo ng produksiyon ang pagbabago ng mga tauhan sa loob ng pitong taon batay sa estilo ng damit at buhok. – Justino M. Dormiendo, Sagisag, February 1979 (READ MORE)

“…Mula sa isang real life legal story ang Rubia Servios, namumuhunan ito sa ideya na ang masasaksihan ng mga manonood sa iskrin ay hindi likhang-isip lamang kundi talagang nangyari sa tunay na buhay. Hinimok ni Lino Brocka sa kanyang pelikula na pagmasdan ang babae sa konteksto ng ating lipunan. Bakit ganito ang nangyayari sa kababaihan? Dahil tinatanggap nating maging ganoon ang kanilang kundisyon sa lipunan. Kung pagkakasala ang pabayaang maghari ang mayayamang may kapangyarihan, nararapat lamang na ituwid ang pagkakasalang ito. Sa mga nakakaalam ng mga pelikula ni Brocka, pamilyar ang paggamit sa estratehiya ng melodrama. Sa ganitong paraan, ang focus ay ang paghihirap na pinagdaraanan ng pangunahing tauhang babae at ito ang nakababagbag sa damdamin ng manonood. Ngunit sa pagpuntirya ng emosyon, hindi matamaan ang paglinaw sa tunay na isyu. Si Vilma Santos bilang Rubia Servios ay hindi lamang mahusay na gumanap sa buhay ni Rubia kundi naging isa ring makapangyarihang talinghaga na nakapagpalusog sa teksto ng pelikula. Sa kabuuan, inaangkin ng pelikulang Rubia Servios ang kapangyarihan nitong lumikha ng katotohanan mula sa masalimuot na materyal ng reyalidad. Sa ganitong proseso, nailalantad ang isang piraso ng reyalidad upang mapanood, masuri at mabigyang-kahulugan. Sa kabilang banda, hindi rin makakatakas ang pelikula sa mga diskursong kumakanlong sa mismong puinupuna at tinutuligsa nito…” – Jojo Devera, Sari-saring Sineng Pinoy (READ MORE)

The Screenplay – “…Mario Herrero O’Hara (born April 20, 1946 – died 26 June 2012) was an award-winning Filipino film director, film producer and screenwriter known for his sense of realism often with dark but realistic social messages…In 1978, he wrote the screenplay for Lino Brocka’s Rubia Servos. This led to the first award in his film career (Best Screenplay at the Metro Manila Film Festival)…” – Wikipedia (READ MORE)

“…There are certain themes that keep the public captive and enthralled through relentless manufacture of a thematic repertoire which ensures the preponderance of sex in stories and daily narratives. These themes need not be perceived as always proferring false consciousness, but as reiterating the social problems implicated by cinematic and industrial mediation of sexual expression. The theme of rite of passage, from innocence and youth to carnal knowledge, fastens the narrative to the body of the virgin whose initiation into the desires of the world transforms her into a “whore.” The stigma of this rite of passage is exploited from every possible angle, from ablutions in the river to rape scenes and on to the erstwhile virgin suddenly craving flesh herself…Rape likewise presents an occasion for baring the body. Brutal (1980), Rubia Servios (1978), Angela Markado (1980), and even the massacre films hatched in the bizarre mind of Carlo J. Caparas discuss rape almost clinically and therefore subject the body of the woman to another round of autopsy, this time through the prying eyes of a public reared in a daily history of sex…” – Patrick D. Flores, Bodies of Work: Sexual Circulations in Philippine Cinema (READ MORE)

New Screen Persona – “…After years of this unfair competition, Vilma decided to stop playing the also-ran, and opted to essay the roles that Nora preferred not to do, -the other woman, rape victim, burlesque dancer, etc. Vilma’s sexy movies were more suggestive than anything else, but they gave her a new screen persona that made her a distinct movie entity from Nora. Fact is, Nora could also have played sensual characters, but she felt awkward doing so, and Vilma benefited from her reticence. In time, Vilma was also winning acting awards and starring in big hits, so the competition between her and Nora peaked…” – Nestor U. Torre, Philippine Daily Inquirer, 2002 (READ MORE)

RELATED READING: