Filmography: Rubia Servios (1978)

“Hayup! Hayup! Hayuuuup!” – Rubia Servios

“Nahihibang ako sa pagnanasa sa iyo, ilang libong beses na kitang hinuhubaran sa aking isipan, pinagsasamantalahan sa aking pangarap!…Ito’y isang pagsubok sa ating pagmamahalan, kahit ano pa ang nangyari sa iyo, mahal kita, kailangan kita!…” – Willie Trizon

This slideshow requires JavaScript.

Basic Information: Directed: Lino Brocka; Story: Mario O’Hara; Screenplay: Aida Sevilla Mendoza; Cast: Vilma Santos, Phillip Salvador, Mat Ranillo III; Executive producer: Marichu Vera-Perez; Original Music: Freddie Aguilar; Cinematography: Conrado Baltazar; Film Editing: Jose Tarnate; Production Design: Mel Chionglo; Theme Songs: “Pag-subok” composed and sang by Freddie Aguilar

Plot Description: Sa umpisa ng pelikula, makikitang nag-aaral pa lamang si Rubia (Vilma Santos), Norman Ignacio (Mat Ranillo III) at Willie Trizon (Philip Salvador). Masugid na manliligaw ni Rubia si Willie kahit na alam na nito na may nobyo na siya’t pakakasal na sila sa pagkatapos ng taon. Nang malaman ni Willie na pakakasal na si Rubia ay naging desperado ito’t plinano na kidnapin si Rubia. Isang araw habang naghihintay ito ng taxi sa kalye ay hinablot siya nga pat na lalaki na tauhan ni Willie. Dinalo siya ni Willie sa isang cottage sa Cavite. Nagtangka si Rubia na tumakas at tumakbo sa labas. Duon siya ginahasa ni Willie sa tabing dagat. Matapos gahasain ay nagtangkang magpakalunod si Rubia ngunit pinigil siya ni Willie at binalik sa cottage. Pinag-isipan ni Rubia kung paano niya mapipilit si Willie na pawalan siya. Tinanong niya si Willie kung anong gusto nitong mangyari. Sinabi nitong gusto niyang pakasalan siya. Pumayag si Rubia na magpakasal ngunit kailangan nitong ipaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya. Natagpuan naman ng pamilya ni Rubia siya sa ospital at duon nito nagpasya na maghabla. Matapos ang hearing sa korte sa kabila ng pagmamakaawa ng pamilya ni Willie ay nasentensiyahan siya ng anim na taon sa bilanguan at magbayad ng 70,000 pesos. Samantala nanatiling nakakulong sa kuwarto si Rubia matapos ang kaso. Pinilit ni Norman na kausapin ang katipan at dito nalaman niya na ang dahilan ng pagkukulong sa kuwarto ni Rubia’y buntis ito. Pinasya ni Norman na bigyan ng pangalan ang pinabuntis ni Rubia at nagpakasal ang dalawa.

Nanatiling tahimik ang buhay ng dalawa’t nagkaroon pa sila ng isa pang anak. Nang 3 years old na ang batang naging anak niya kay Willie’y nag-umpisang mangulo na naman ito. Si Willie’y nakalabas ng kulungan pagkatapos ng tatlong taon lamang. Nung una’y pinagkaila ni Rubia sa asawa ang mga tawag ni Willie. Ngunit napuna na rin ito ni Norman nang mapuna niyang madalas ang asawa na umuuwi ng maaga sa bahay at nag-umpisang uminom ng valium at naging magugulatin ito. Pinagtapat na rin ni Rubia sa asawa ang panggugulo ni Willie at pumayag ito na payagan si Rubia na makipagkita kay Willie. Nang malaman ni Rubia kung saan sila magkikita’y si Norman ang pumunta sa usapan. Ang resulta’y nabugbog ito ng mga tauhan ni Willie. Dahil rito’y naging maliwanag na hindi sila titigilan ni Willie lalo pa’t minsa’y takutin si Rubia nang wala si Norman sa bahay at pumunta si Willie’t pinatay ang aso nila. Wala naman magawa ang mga polis dahil wala silang hard evidence na si Willie nga’y nanggugulo sa buhay nila. Pinasya ni Norman at Rubia na umalis na nang bansa at bumalik sa Canada kung saan sila ilang taon ring nag-aral bago naging doctor. Pinasya rin nila na ibigay sa kanyang mga magulang ang dalawang bata para sa kanilang safety.

Sa kasamaang palad, kinidnap ni Willie ang anak nila ni Rubia na si Vivian. Nagpunta sila sa mga pulis ngunit wala pa ring magawa ang mga ito dahil wala silang ebidensiya. Kinontak ni Willie si Vivian at gusto nitong makipagkita siya rito. Pumayag si Norman ngunit sumonod rin ito sa usapan. Kasama ng kanyang mga alagad iniwanan ni Willie ang magasawa at binantaan na sa susunod magsisisi sila sa kanilang ginawa dahil nga ang usapan ay si Rubia lamang ang gusto niyang makita. Tinakot pa ni Willie si Rubia’t kumuha ito ng bankay na bata at isinuot ang damit ng anak ni Rubia. Nalathala ito sa mga diyaryo at pinuntahan ni Rubia ang bankay laking pasasalamat nito’t hindi ang anak ang bangkay. Dahil rito’y nagpasya na si Rubia na kitain si Willie na hindi alam ni Norman. Kinita nga ni Rubia si Willie ngunit nasundan rin pala si Rubia ni Norman. Sa tulong ng mga alagad ni Willie ay itinali ng mga ito sa puno si Norman at muling ginahasa nito si Rubia sa harap ni Norman. Nagsisigaw ito ngunit walang siyang nagawa. Kahit ayaw ni Rubia ay napapayag rin siya dahil papatayin ni Willie ang kanyang asawa. Pagkatapos nito’y binugbog ng mga tauhan ni Willie si Norman at sinama si Rubia papunta sa kanilang anak. Sa dagat papunta sa isla kung saan naruon si Vivian ay kinausap ni Willie ang dino-dios niyang si Rubia. Pinangako nito na matututunan rin niyang mahalin siya. Hindi napansin ni Willie na nakahawak si Rubia sa sagwan ng bangka at ilang ulit nitong pinalo sa ulo ang nabiglang si Willie habang sinasabi ang salitang “hayup!” Hinanap nito ang baril at pinagbabaril rin niya ang nahulog sa dagat na si Willie. Narating ni Rubia ang isla at duon nito nakita ang kanyang anak na buhay na buhay at tinatawag ang kanyang pangalan. The End. – RV

Film Achievement: 1978 FAMAS: Best Picture Nomination; 1978 Gawad Urian: Best Cinematography Nomination – Conrado Baltazar; Best Editing Nomination – Jose Tarnate; 1978 Metro Manila Film Festival: Best Performer Nomination – Vilma Santos; Best Editing – Jose Tarnate; Best Screenplay – Mario O’Hara; Box Office Revenue – Top Grosser

Film Reviews: Mula sa screenplay ni Mario O”hara, ang Rubia Servios ay may mabilis na paglalahad ng buhay ni Rubia at ang mga kahayupang dumating sa kanya sa palad ng isang anak ng makapangyarihan pamilya. Halatang binusisi ni Lino Brockha ang pelikula’t binigyang pansin ang mga eksenang may pagkabayolente. Dalawang beses na ginahasa ni Philip si Vilma at sa bawat eksena’y makikita ang kahalayan at pagnanasa sa mga mata ni Philip at makikita ang sakit na dulot nito sa katauhan ni Vilma. Maraming eksena kung saan inalagaan ni Lino ang pagarte ni Vilma. Hindi lamang sa rape scenes kungdi sa mga tahimik na eksena. Una na nang umagang gumising siya pagkatapos ng unang rape scene. Makikita sa mukha ni Vilma ang pagkalito at ilang sandali pa’y ang pagtanggap ng nangyari sa kanya ng gabing una siyang ginaahasa sa tabing dagat. Pangalawa, nang pumayag si Philip na pakawalan si Rubia at mapunta ito sa ospital. Pagkabukas nang kanyang mata at makita si Norman, makikita sa mga mata niya ang hirap na dinanas. Sa court scene kung saan sinasabi niya na “gusto ko siyang patayin” ng paulit-ulit. Sa bandang huli kung saan nalaman niya na hindi ang anak niya ang putol putol na batang bangkay makikita sa mata niya’t mukha ang biglang pagkatuwa’t hindi ito ang kanyang anak. At sa bandang huli pa rin kung saan ginahasa siya muli sa harap ng kanyang asawa. Makikita ang pagsuko niya’t pagkatalo. Makikita sa kanyang mukha ang pagod at hirap hanggang sa boat scene kung saan pinalad siyang makuha ang sagwan at nagkaroon ng pagkakataong paluin si Willie ng pa-ulit-ulit at hindi pa ito nasiyahan at binaril pa niya ang nangahasa sa kanya. Sa eksenang ito makikita ang kaibahan ng kakayahan sa pagarte ni Vilma. Sa eksenang ito kung saan sinasabi niya ang salitang “hayup!” sabay palo sa nabiglang si Willie. Buong katawan niya ang umaarte. Ito ay hango sa tunay na buhay. Hindi katulad ng arte ni Nora Aunor sa Ina Ka Ng Anak Mo kung saan nahuli niyang nagsiping ang kanyang asawa sa kanyang ina. Nakapokos ang kamera sa mukha niya at nag-emote ng parehong salita: “Hayup!” ang paulit-ulit niyang salita. Aba kung sa tunay na buhay iyan eh nagkasabunutan na at nagwala na ang mag-ina!

Para sa akin naging matagumpay si Vilma sa kanyang pagganap bilang si Rubia Servios. Isang tour de force. Nuong una ko itong napanood sa Avenida ay namangha ako sa kanyang galing. Ngayon pagkatapos ng dalawanput siyam na taon pinanood ko muli ito’y hindi nababawasan ang aking pagkamangha sa galing niya. Paano mo ba isasalarawan ang babae na nagahasa? Paano mo ba isasalarawan ang babaeng nakidnapan ng anak at muling nagahasa sa harap pa mismo ng asawa mo? Isang mahirap na papel. At naisalarawan ito ni Vilma nang makatotohanan. Walang mga pagpopokos ng kamera para mag-emote. Makatotohanang pagganap. Special mention sina Mat Ranillo III at Philip Salvador. Dapat ay napahalagahan sila sa pamamagitan ng nomination subalit naging maramot ang organisasyon ng pestibal at isang acting awards lamang ang binigay nila. Panalo sana si Philip Salvador ng best actor award rito dahil damang dama mo ang kanyang karakter. Makikita rin kung gaano kaganda ng kanyang katawan. Meron eksena siya na nakaswimming trunks lang at talagang alaga pa niya ang kanyang katawan nuon. Si Mat naman ay sana nanominate bilang best supporting actor. Mahusay rin siya lalo na sa eksena kung saan nakatali siya sa puno at wala siyang nagawa ng pagsamantalahan muli si Rubia sa harapan niya ni Philip.

Technically, nang panoorin ko itong pelikulang ito ay maganda ang resulta ngunit nang panoorin ko muli ng ilang beses ngayon ay makikita ang ilang flaws. Una na ang cinematography ni Conrado Baltazar. Maraming eksena ay hindi nasa tamang angulo. Merong eksena na nagsasalita si Ate Vi pero ang nakikita lamang ay ang kanyang nuo. Ang musical score ni Freddie Aguilar ay parang hindi bagay sa tema ng pelikula. Pati ang theme song na “Pagsubok” parang pang-politika at very “folksy” ang dating. Merong isang butas ang screenplay ni Mario O Harra. Nang umalis si Philip para iwanan si Vivian, ang anak niyang kinidnap, nang umalis ito’y sumakay ito ng kotse, pagkatapos nang dalhin niya si Rubia sa banding huli’y sumakay naman sila ng boat. Medyo nakaligtaan nila ang isang detalye na ito. Mabilis ang pacing na pelikula at maraming mga eksena talaga si Vilma na makikita mo ang pagaalaga ni Lino. Sayang nga lamang at hindi ito nakita ng mga hurado ng pestibal at maging ang mga manunuri ng taong iyon. – RV

Undoubtedly, the two best entries in the 1978 Metro Manila Film Festival are Atsay and Rubia Servios. Atsay is remarkable in several ways. It has a strong social message, aimed at primarily those who forget that house cleaners are also human beings. In the character of Mrs. Anton (Angie Ferro), screenwriter Edgar M. Reyes is able to embody the thousand faults which middle-class housewives are heir to. Atsay can also pride itself on being truly Filipino. Its mood is set by its Pilipino credits (in sharp contrast to the English credits of the other entries). The film deliberately exploits local color, dwelling not only on rural but also on picturesque urban scenes. The story, needless to say, can happen only in the Philippines, where domestics and beerhouses are national institutions. But the most striking thing about Atsay is its cinematography (Romeo Vitug). The slow dissolves, the multiple exposures (such as the brilliant train sequence), the surprising angles, the flawless composition—this border on genius. The cinematography is so extraordinary, in fact, that it covers a multitude of sins. The most grievous sin of all is the ending. In the end, Nelia (Nora Aunor), after having been humiliated, beaten, raped, dehumanized by the vultures of the city, decides to stay in the city anyway in the hope that an impoverished construction worker (Ronald Corveau) will make her live happily ever after. Such ending, while assuring the viewer that human nature is not totally evil, is unmotivated and, in fact, goes against the very theme of the story. For Atsay is the story of how the city dehumanizes, of how human beings become swine (this point is made through blatant symbolism in a shot of Nelia inside a cage-like jeep), of how Manila is a prison (note Vitug’s several shots of cage-like structures). “Atsay” is a story of how individuals are no match against the cruelty of the city. The construction worker, for example, becomes the victim of a construction accident. A young pretty virgin from the province is raped while she’s drugged. A kind-hearted old man is shot down while protesting against exploitation. The ending of Atsay contradicts the film’s affirmations. It would have been much more in keeping with the theme (not to mention the current concerns of the national human settlements program), if Nelia were shown rejecting the city and, in hope, returning to her province for a new life.

Rubia Servios, on the other hand, does not dilute the message. Willy (Phillip Salvador), the son of a powerful and wealthy figure, is portrayed as totally evil, devoid of any redeeming quality. To screenwriter Mario O’Hara and director Lino Brocka, the province is the same as the city. Rubia Servios (Vilma Santos) is raped both in the city and in the country. Rubia kills Willy in the country. Violence unites all places. It is the “unity” of conception, scripting, design, and direction, in fact, that Rubia Servios is superior to Atsay. Lino Brocka does not waste shots in his attempt to create a Filipino classical tragedy. He subordinates everything to the building up of one emotion in the viewer, that of hatred of Willy. So despicable does Willy become at the end that, when he is murdered by Rubia, no viewer can say that Rubia is at fault. And yet, morally speaking, no one is allowed to take the law into his own hands. The law, in fact, put Willy in prison for the first rape. There is no reason to think that the law will not put Willy to death for the second rape. By conditioning the reader to condone Rubia’s revenge, Brocka succeeds in questioning one of our deeply rooted moral beliefs. The unity that characterizes Rubia Servios contrasts sharply with the tendency of Eddie Garcia in Atsay to exploit Vitug’s versatility even at the expense of tightness. There are shots in Atsay, for example, which could easily be cut without hurting the film’s integrity. Even the train sequence, one of the best sequences in Atsay, is far too long. Rubia Servios is Lino Brocka’s film; Atsay is Romeo Vitug’s. Nora does an excellent acting job; but so does Vilma Santos, and Rubia is a much more demanding and difficult role. Edgardo M. Reyes is an established literary figure, but Mario O’Hara is much better screenwriter. Overall, Atsay may be much more impressive than Rubia Servios. In terms of challenging our moral and legal convictions, however, Rubia Servios is much more significant. – Isagani Cruz, TV Times, 1979

Kung uri ang paguusapan, de-kalidad ang Rubia Servios. Kaya lamang, may sabit. Maraming butas ang iskrip ni mario O’Hara. Ang istorya ng Rubia Servios ay batay sa mga legal story ni Aida Sevilla Mendoza, at ito’y pumapaksa sa babaeng ginahasa ng kanyang masugid na manliligaw. Si Rubia (Vilma Santos) ay isang medical student na may kasintahang kaeskuweala, si Norman (Mat Ranillo III). Balak nilang magpakasal pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Karibal ni Norman si Willie (Philip Salvador) na ayaw tumanggap ng kabiguan sa pag-ibig. Anak siya ng mayaman at maipluwensiyang pamilya sa Kabite. Kaya nang tapatin siya ng dalaga na wala siyang maaasahan, kinidnap niya si Rubia sa isang bahay-bakasyunan at ginahasa ito. Nang magkaroon ng pagkakataon ang babae, tumakas ito at isinuplong si Willie. Idinemanda ang lalaki at nahatulang mabilanggo ng anim na taon. Paglabas ng lalaki sa bilangguan, ginulo na naman niya ang buhay ng babae na ngayo’y asawa na ni Norman at may dalawang anak (ang una’y anak niya kay Willie). Dahil sa pananakot ng hui, nakipagtagpo si Rubia, at muli na namang ginahasa sa sementeryo sa harapan pa naman ng asawa. Kinidnap ni Willie ang anak niya para gawing pain sa pagtatagpo nila ni Rubia at para sumama na tio sa kanya. Ngunit nagkakaroon na naman ng pagkakaton ang babae na lumaban at sa bangka, hinampas niya si Willie ng sagwan, at pagkatapos ay binaril ang lalaki hanggang sa ito’y tuluyan nang malunod.

Simplistiko ang materyal at lalong simplistiko ang pamamaraan ni O’Hara sa karakterisasyon. Nagmumukha tanga ang mga tauhan (si Rubia at si Norman) samantalang medical students at naturingang doktor pa naman sial. Tinatakot na sila’y hindi pa sila humingi ng proteksiyon sa pulis. Ginahasa na si Rubia ay nakipagtagpo pa sa sementeryong madilim nang nag-iisa at nagpaganda pa mandin siya nang husto. At ang asawa niya’y wala ring utak. Biro mong sinundan ang asawa sa sementeryo nang nag-iisa! Dapat nga palang magkaganito sila kung napakakitid ng kanilang utak. Sa direksiyon ni Brocka, lumitaw ang galing ni Vilma Santos, at nakontrol ang labis na pagpapagalaw ng kanyang labi. Mahusay din ang eksena ng gahasa. Si Philip Salvador naman ay tulad sa isang masunuring estudyante na sinusunod lahat ang direksiyon ng guro. Kitang-kita mo sa kanyang pagganap ang bawat tagubiling pinaghihirapan niyang masunod: kilos ng mata, buntong-hininga, galaw ng daliri, kislot ng kilay. Limitado ang kanyang kakayahan at makikia ito sa kanyang mukha (na limitado rin). Walang-wala rtio si Mat Ranillo III, na parang pinabayaan para lalong lumitaw ang papel at pag-arte ni Salvador. Samantala, ang kamera ni Conrado Salvador ay hindi gaanong nakalikha ng tension at suspense, bukod sa napakaliwanang ng disenyo ng produksiyon ang pagbabago ng mga tauhan sa loob ng pitong taon batay sa estilo ng damit at buhok. – Justino M. Dormiendo, Sagisag, February 1979 (READ MORE)

“…Mula sa isang real life legal story ang Rubia Servios, namumuhunan ito sa ideya na ang masasaksihan ng mga manonood sa iskrin ay hindi likhang-isip lamang kundi talagang nangyari sa tunay na buhay. Hinimok ni Lino Brocka sa kanyang pelikula na pagmasdan ang babae sa konteksto ng ating lipunan. Bakit ganito ang nangyayari sa kababaihan? Dahil tinatanggap nating maging ganoon ang kanilang kundisyon sa lipunan. Kung pagkakasala ang pabayaang maghari ang mayayamang may kapangyarihan, nararapat lamang na ituwid ang pagkakasalang ito. Sa mga nakakaalam ng mga pelikula ni Brocka, pamilyar ang paggamit sa estratehiya ng melodrama. Sa ganitong paraan, ang focus ay ang paghihirap na pinagdaraanan ng pangunahing tauhang babae at ito ang nakababagbag sa damdamin ng manonood. Ngunit sa pagpuntirya ng emosyon, hindi matamaan ang paglinaw sa tunay na isyu. Si Vilma Santos bilang Rubia Servios ay hindi lamang mahusay na gumanap sa buhay ni Rubia kundi naging isa ring makapangyarihang talinghaga na nakapagpalusog sa teksto ng pelikula. Sa kabuuan, inaangkin ng pelikulang Rubia Servios ang kapangyarihan nitong lumikha ng katotohanan mula sa masalimuot na materyal ng reyalidad. Sa ganitong proseso, nailalantad ang isang piraso ng reyalidad upang mapanood, masuri at mabigyang-kahulugan. Sa kabilang banda, hindi rin makakatakas ang pelikula sa mga diskursong kumakanlong sa mismong puinupuna at tinutuligsa nito…” – Jojo Devera, Sari-saring Sineng Pinoy (READ MORE)

The Screenplay – “…Mario Herrero O’Hara (born April 20, 1946 – died 26 June 2012) was an award-winning Filipino film director, film producer and screenwriter known for his sense of realism often with dark but realistic social messages…In 1978, he wrote the screenplay for Lino Brocka’s Rubia Servos. This led to the first award in his film career (Best Screenplay at the Metro Manila Film Festival)…” – Wikipedia (READ MORE)

“…There are certain themes that keep the public captive and enthralled through relentless manufacture of a thematic repertoire which ensures the preponderance of sex in stories and daily narratives. These themes need not be perceived as always proferring false consciousness, but as reiterating the social problems implicated by cinematic and industrial mediation of sexual expression. The theme of rite of passage, from innocence and youth to carnal knowledge, fastens the narrative to the body of the virgin whose initiation into the desires of the world transforms her into a “whore.” The stigma of this rite of passage is exploited from every possible angle, from ablutions in the river to rape scenes and on to the erstwhile virgin suddenly craving flesh herself…Rape likewise presents an occasion for baring the body. Brutal (1980), Rubia Servios (1978), Angela Markado (1980), and even the massacre films hatched in the bizarre mind of Carlo J. Caparas discuss rape almost clinically and therefore subject the body of the woman to another round of autopsy, this time through the prying eyes of a public reared in a daily history of sex…” – Patrick D. Flores, Bodies of Work: Sexual Circulations in Philippine Cinema (READ MORE)

New Screen Persona – “…After years of this unfair competition, Vilma decided to stop playing the also-ran, and opted to essay the roles that Nora preferred not to do, -the other woman, rape victim, burlesque dancer, etc. Vilma’s sexy movies were more suggestive than anything else, but they gave her a new screen persona that made her a distinct movie entity from Nora. Fact is, Nora could also have played sensual characters, but she felt awkward doing so, and Vilma benefited from her reticence. In time, Vilma was also winning acting awards and starring in big hits, so the competition between her and Nora peaked…” – Nestor U. Torre, Philippine Daily Inquirer, 2002 (READ MORE)

RELATED READING:

Advertisements