Filmography: Young Love (1970)

“I hate you…dirty…you’re dirty! I hate youuuu!…huwag n’yo nang mabangit-bangit ang pangalan nyan! Kinasusuklaman ko siya!..ngayon ko lang nakita ang kapangitan ng buhay ang akala ko masaya’t maganda na ang daigdig…” – Tere

This slideshow requires JavaScript.

Basic Information: Directed: Tony Cayado; Story: German Moreno; Screenplay: Medy Tarnate; Cast: Vilma Santos, Nora Aunor, Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, Ike Lozada, German Moreno, Raul Aragon, Bella Flores, Etang Discher, Tony Cayado, Evelyn Bonifacio, Tina Lapuz, Arlene Bautista, Angge; Executive producer: Jose Vera Perez; Original Music: Medy Tarnate; Cinematography: Felipe Santiago; Sound: Flaviano Villareal; Theme Songs: “Young Love” performed by Vilma Santos, Nora Aunor, Tirso Cruz III, Edgar Mortiz; Film poster: Video48

Plot Description: Both Nora Aunor and Tirso Cruz III joined a singing contest and won. With a support from friends, Vilma Santos and Edgar Mortiz they became lovers. – RV

Film Achievement: First film of Vilma Santos and Nora Aunor together.

Film Review: Taong 1970. Gumawa si Vilma Santos ng dalawamput isang pelikula na puro musicals. Isa lamang ang nagawa niyang drama (Sapagkat Sila’y Aming Mga Anak). Nakakapagtaka dahil hindi naman siya singer. Marahil ito ay dahil sa love team nila ni Edgar Mortiz at ito ang “trend” ng panahong ito. Pito-pito kung gumawa sila ng pelikula ng panahong iyon kung baga dalawang pelikula ang pinapalabas nila sa loob ng isang buwan. Isa na rito ang pelikula ng Sampaguita Pictures, ang “Young Love” na tinampukan ni Nora Aunor, Tirso Cruz III, Vilma Santos at Edgar Mortiz.

Mapupuna na ang pelikulang ito ay bida si Nora at Tirso at supporting lamang si Vilma at Edgar. Mula sa istorya ni German Moreno at screenplay ni Medy Tarnate ang “Young Love” ay puno ng nakakalokang sitwasyon at napakababaw ng mga eksena at diyalogo. Ang director nito’y si Tony Cayado. At ang mga sayaw ay sa ilalim ng choreography ni Lito Calzado. Hindi natin alam kung bakit tinawag na “Young Love” ang pelikula samantalang hindi naman ito tungkol sa pag-iibigan ng mga kabataan rito kundi tungkol sa singing contest na sinalihan nina Ditas Aunor (Nora Aunor) at Joey Cruz (Tirso Cruz III). Naging tabla ang resulta ng singing contest at ginawa silang mga mainstay singers ng television show. Matapos ng contest ay makikitang naghahabulan na si Ditas at Joey sa may mga puno ng niyog at makikitang nagliligawan rin sina Tere (Vilma Santos) at Buboy (Edgar Mortiz) sabay kanta ang apat ng “Young Love.”

Sa tutoo lang, ito lang ang eksena kung saan maririnig na kumakanta rin si Vilma at nakipagsabayan siya kay Nora. Sa tuwing papasok sa eksena si Bella Flores ay tili ito ng tili at laging sinisigawan si Ditas which was very typical ng mga contrabida nuong panahong ito and very irritating. Narito rin si Etang Discher na isang ulyanin na lola ni Tirso at Vilma. Pilit nitong pinapapunta si Tirso sa Australia pero laging niloloko nito ang matanda at sinasabing natapos na pala ang isang taon at nakabalik na raw ito mula Australia. Tapos nito’y makikita si Ike Lozada na kumakanta sa harap ng mga batang lansangan.

Samantala si Bella Flores ay nakipagayos kay Tom Junes (Raul Aragon) upang sabotahin mismo nito ang show ng kanyang sariling pamangkin. Makikita ang nakakalokang sex scene ng dalawa. At ang sumunod na eksena ay ang drama scene ni Ate Vi. Dahil marahil sa walang eksena si Ate Vi na kumakanta ay binigyan siya ng sariling eksena at katapat ito ng maraming eksena ni Nora na kumakanta. Ito ay nang mahuli ni Ate Vi niya si Tom Junes at Bella Flores na nagse-sex. Takbo ito habang umiiyak. Makikita na dumating ito sa sariling bahay at sa kuwarto nito’y pinagsisira niya ang pictures ni Tom Junes kasama ng album nito. Devoted fan pala siya ni Tom Junes. Cut! Tapos na ang eksena ni Ate Vi. Pasok ang mga musical numbers, kanta ng ilang beses si Nora, Tirso, Edgar and Ike Lozada. Meron ding dance numbers, pero wala si Ate Vi sa mga dance numbers na ito. And then it’s the end. Napapakamot ako sa ulo.

Nakakaloka talaga. Makikitang hindi pinag-isipan ang istorya nito. Ginawa nilang i-showcase ang pagiging singer ni Nora Aunor. Kadalasan ang mga kanta niya ay mga version ng mga English popular cover songs at hindi original Filipino songs. Tulad ng “I Believe” at marami pang iba. Kung tutuusin ito ang trend nuon, ang mga kantang galing sa amerika. So much of the fact that lahat ng mga drum beaters ni Nora ay sinisigaw ang kanyang pagiging isang ulirang Filipina dahil sa kanyang pisikal na itsura. Pero mukha ka ngang dalagang Filipina pero pagbuka naman ng bunganga mo eh lumalabas mga kantang banyaga anong klaseng dalagang Filipina yan? Sa sobrang inpluensiya ng mga banyagang kanta ng kalagitnaan ng dekada 70 ay nagkaroon ng rebelyon sa ere ng mga radyo.

Nauso ang Original Pilipino Music o OPM bilang sagot sa musikang dayuhan. Sumulpot ang mga musikerong Juan DeLaCruz, Hotdog, Cinderella, VST & Co., Sampaguita, Freddy Aguilar, Coritha, Mike Hanopol, at marami pang iba na ang mga kanta ay tagalog at pawang komposisyon ng mga Pilipino. Ang mga kanta ni Nora ay puro mga English kontradiksyon ng mga sinisigaw ng fans niya na isang imahen ng Filipino si Nora. Kung ang itsura man niya ay pilipinang-pilipina ang mga kinakanta naman niya ay – puro kanta ng dayuhan. Ito rin ang dahilan kung bakit wala siyang masasabing signature song dahil puro version niya lamang ang mga kantang ni-record ng panahong iyon. Samatala si Vilma Santos na hindi singer ay nagkaroon ng kanyang sariling signature songs bagamat English ang mga lyrics ng mga ito, original Filipino composition naman ang mga ito tulad ng “Bobby Bobby Bobby” at “Sixteen.” Kasabay nito’y ni-record din niya ang mga tagalog songs na “Isipin Mong bastat mahal kita,” “Bato sa buhangin,” at “Palong-palo.” Nang kalagitanaan ng dekada 70 ay kapunapuna na kaunti na lamang ang mga pelikulang kantahan at hindi na kumikita ang mga ito kung kaya mapupuna na nag-umpisa nang gumawa ng matitinong pelikula kapwa sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Ang “Young Love” ay isang halimbawa ng pelikulang gawa ng unang bahagi ng dekada 70. Mabilisang gawa. Mababaw ng istorya at hitik ng mga musical numbers. Mayroon mga nakakatawang eksena tulad ng pagkanta sa mga burulan ng patay basta magkaroon lang ng eksena ng kantahan. Tutoo ito, may mga eksena na nagkakantahan sa ilalim ng punong kahoy. Mga sayawan, habulan, at ligawan sa mga beach at kahuyan. Nag-click ito sa mga tao nang unang bahagi ng dekada sitentat ngunit sinawaan rin ang mga tao at nang dumating na ang huling bahagi ng dekada ay nagbago ito. Dito dumating ang panahon na nagbago na ang imahen ni Vilma Santos at nag-umpisa na itong ungusan ang walang kawawaang pagkanta ni Nora sa mga basurang pelikula niya.

Ang “Young Love” ay puno ng walang kawawaang musical numbers ni Nora Aunor. Puno rin ito ng mga eksenang nakakaloka na kahit na ang batang paslit ay magkakamot ng ulo at sasabihin ang “huh?” Kung hindi mo hahahanapin ang matinong istorya at ang hangad mo lang ay makita kung gaano kagaling kumanta si Nora Aunor kahit pa sa burulan ng patay tiyak na mage-enjoy ka sa pelikulang ito dahil maraming eksena rito si Nora na kumakanta ng walang kawawaang kantang dayuhan. – RV, V Magazine 2007

“…Ipinanganak nga marahil si Ma. Rosa Vilma Tuazon Santos sa show business dahil sa pagitan ng taping ng “Larawan..” ay nagkasunod-sunod na ang kanyang mga pelikula…“My Darling Eddie” ng JBC (Disyembre 16 – 23, 1969, “Mardy” ng JBC (Disyembre 31 – Enero 6, 1969)…hanggang “Young Love” ng VP Enero 1 – 21, 1970) ng lumikha ng rekord sa takilya….Makalipas ang mga tatlong buwan, nakatanggap ng maikling sulat si Mama Santos muka lay G. Agra. Naghahanap ang Sampaguita Picutures ng batang babae na gaganap ng mahalagang papel sa “Anak, Ang Iyong Ina!” at isinali ng amain ang pangalan ni Vi. Hindi puwedeng lumiban si Papa Santos sa pinpasukang government office, at ayaw naman nilang mapahiya ang kamag-anak, kaya napilitan si Mama Santos na humingi ng day=off sa opisina (Aguinaldo’s). Pagdating sa studio, wala si G. Agra at nasa location shooting, ngunit totoong naroroon ang pangalan ni Vi, kaya’t pinapasok sila sa tanggapan. Napadaan sa harapan ni Mama Santos si Bella Flores na dala ang script ng “Trudis Liit.” Nagulumihanan si Mama Santos. Binasa niyang muli ang liham ni G. Agra. Mali yata ang napuntahan nila! Akma niyang tatawagin si Vi na noon ay nkikipaglaro sa iba pang mga bata upang yayain na itong umuwi, nang pumasok sina Mommy Vera, Dr. at Mrs. Perez, at Eddie Garcia. At doon nagsimula ang movie career ni Vi na magpahanggang ngayon ay batbat pa rin ng iba’t ibang panunuri, opinyon at konklusiyon…” – Ched P. Gonzales (READ MORE)

“…The loveteam of Edgar Mortiz and Vilma Santos endured a stiff competition from teeny bopper love team of Nora Aunor and Tirso Cruz III and came up with equal success with string of hit films during the musical era of the 70s. Together they did forgettable but commercial hits and also some hints of the years to come to Vilma Santos’ long career. The most notable one: Dama De Noche. Total Number of films with Vilma Santos – 25 (Young Love, Teenage Jamboree, Songs and Lovers, Renee Rose, My Pledge of Love, Mga Batang Bangketa, Love Is for the Two of Us, I Love You Honey, From the Bottom of My Heart, Baby Vi, Love Letters, The Wonderful World of Music, The Sensations, The Young Idols, Sweethearts, Sixteen, Leron-Leron Sinta, Edgar Love Vilma, Don’t Ever Say Goodbye, Dama de Noche, Anak ng Aswang, Because You Are Mine, Kampanerang Kuba, Kasalanan Kaya, Karugtong ang Kahapon…” – RV (READ MORE)

“…By late 1969, movie producers had been tapping a Vilma Santos-Edgar Mortiz love team. Edgar was a Tawag ng Tanghalan winner. They started to be together in the movies, My Darling Eddie (1969) and The Jukebox King (1969)…In 1970, the love team of Vilma Santos and Edgar “Bobot” Mortiz was officially launched in the movie Young Love, together with the another popular love team during that time, Nora Aunor and Tirso Cruz III. The Vi and Bot love team went on to do 14 more movies in 1970—The Young Idols, Songs and Lovers, Sweethearts, Sixteen, Love Letters, Love is for the Two of Us, Mga Batang Bangketa, My Pledge of Love, Renee Rose, Baby Vi, Because You Are Mine, Edgar Loves Vilma, From the Bottom of My Heart, and I Love You Honey. All did well at the box-office…” – Rommel R. Llanes (READ MORE)

“…Walang makapaniwala na magiging gayon kalakas takilya sina Nora at Tirso. Nagimbal ang mga taga-pelikula. Bakit daw gayon kalaki ang kinikita ng unang dalawang pelikula nina Nora at Tirso? Tsamba lamang daw kaya iyon o biglang nagbago ng panlasa ng mga manonood? Hindi tsamba. Ang mga sumunod pang pelikula nina Nora at Tirso ay mas malaki ang kinita. Daang-libo ang kinita ng “Teenage Excapades” at “Halina, Neneng Ko.” Itinambal ng Towers si Nora sa iba pang kabataang artista, malaki rin ang kinita. Katunayan na malaki ang hukbo ng mga tagahanga ni Nora. Sinubok naman ng Barangay Productions na itambal si Tirso kay Gemma Suzara, hindi gaanong kinagat ng mga fans. Nag-produce ng pelikula ang mag-anak na Cruz, pinagsama sina Ricky Belmonte at Tirso sa “Ricky na, Tirso Pa” isinama naman sa magpinsan si Pilar Pilapil. Tinapatan ng Tower ng isang pelikula ni Nora ang pelikula ng mga Cruz. Resulta: mas maraming nanood sa pelikula ni Nora. Ano ang ibig sabihin nito? Gusto ng mga fans na maging magkatambal sina Nora at Tirso. Sinagot ng VP Pictures ang kahilingang ito sa pamamagitan ng “Young Love.” Bukod kina Tirso at Nora ay isinaman pa ang mga young ones na sina Vilma Santos at Edgar Mortiz. Patok sa takilya!…” – Romy Galang, Pilipino Magazine, 18 February 1970 (READ MORE)

RELATED READING:

Filmography: Anak, ang Iyong Ina (1963)

This slideshow requires JavaScript.

Basic Information: Directed: Mar S. Torres; Story: Fausto J. Galauran; Screenplay: Medy Tarnate; Cast: Gloria Romero, Mario Montenegro, Rita Gomez, Tony Marzan, Eddie Garcia, Vilma Santos, Etang Discher, Maria Victoria, Ely Roque, Aring Bautista, Totoy Torrente, Nenita Navarro, Naty Mallares, Rosa Mia, Tony Cayado, Jose De Villa, Charlie Davao; Original Music: Dick Zamora

Plot Description: “…Vilma has “two” mothers in Gloria Romero and the late Ms. Rita Gomez. Vilma’s name was itsy bitsy tiny in the theater marquees. She started her career right, to be acting with the brilliant and professional actors of the era…” – Mario Garces (READ MORE)

Film Achievement: One of Vilma Santos and Gloria Romero 13 films – (Anak ang Iyong Ina, Iginuhit ng Tadhana, De Colores, Pinagbuklod ng Langit, Anak ng Aswang, Lipad Darna Lipad, Happy Days are Here Again, Karugtong ang Kahapon, Nakakahiya?, Hindi Nakakahiya, Makahiya at Talahib, Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?, Kapag Langit Ang Humatol) – RV (READ MORE)

Film Reviews: “Nakihalo lang ako doon sa mga nag-a-audition sa Trudis Liit [1963],” pagbabalik-tanaw ng aktres kung paano siya napasok sa showbiz at naging bida nga kaagad sa nabanggit niyang proyektong iyon. Hindi ako dapat talaga doon [sa audition na iyon]. Nakipila lang ako. Pagpila ko, tinatawag ako ng mommy ko na, ‘Hindi ka diyan! Sabi ko, ‘Andito na, e!’ Makulit na ako no’ng time na ‘yon! So, anyway, tinawag ako ni Doc Perez [of Sampaguita Pictures] at that time. Pinaarte ako. Nag-adlib-adlib pa ako. Nakuha naman ako. So, when I started, dalawa kaagad ang pelikula ko—Trudis Liit at Anak, Ang Iyong Ina [1963]. Ang naaalala ko lang tungkol sa maaga kong pagpasok sa pag-aartista, parang laro lang sa akin iyon. Parang naglalaro lang ako noon kaya hindi trabaho sa akin iyon, e. So, very-very memorable sa akin iyon. At saka no’ng Trudis Liit, every lunch, lagi akong may apple. Lagi akong may chicken. Every lunch talaga ‘yon. Parang… Siguro bata, so ibibigay nila ‘yong gano’ng ano sa ‘yo. Parang may prize ka, gano’n. So, memorable sa akin iyon.” – Vilma Santos (READ MORE)

“Rosita Quinto Stecza (1925–2006), known by her screen name Rosa Mia, was an award-winning actress and one of the few female directors in the Philippines. She was known as the “Queen of Tearjerker Movies” for her work mostly on the drama genre typified in motherly roles…” – Wikipedia (READ MORE)

“…Hindi ako dapat talaga doon [sa audition na iyon]. Nakipila lang ako. Pagpila ko, tinatawag ako ng mommy ko na, ‘Hindi ka diyan!’ Sabi ko, ‘Andito na, e!’ Makulit na ako no’ng time na ‘yon!” natatawang kuwento pa niya sa PEP. Patuloy ni Ate Vi, “So, anyway, tinawag ako ni Doc Perez [of Sampaguita Pictures] at that time. Pinaarte ako. Nag-adlib-adlib pa ako. Nakuha naman ako. So, when I started, dalawa kaagad ang pelikula ko—Trudis Liit at Anak, Ang Iyong Ina [1963]. Ang naaalala ko lang tungkol sa maaga kong pagpasok sa pag-aartista, parang laro lang sa akin iyon. Parang naglalaro lang ako noon kaya hindi trabaho sa akin iyon, e. So, very-very memorable sa akin iyon. At saka no’ng Trudis Liit, every lunch, lagi akong may apple. Lagi akong may chicken…” – Ruben Marasigan (READ MORE)

“…Young and cute Vilma Santos is one of the few child stars who have hit the screen with continued success. Although not as well-publicized as the adult stars, she is gaining popularity with lot of fans who recognize her warm personality and talent. Her successful debut in Sampaguita Pictures’ Trusdis Liit gave her more movie offers. Vilma, who just turned 13 last Nov. 3, has been in the movies for three years and already has 16 pictures to her credit. A talented youngster, she often steals the spotlight from her senior colleagues. In Ging, Naligaw Na Anghel, Anak Ang Iyong Ina, and many other films, she was a standout in tear-jearking scenes. As a result, she is always in demand for such roles. Despite her success, Vilma remains unaffected as a child. At the St. mary’s Academy where she is a six-grader, she has more than her share of friends not because she is a celebrity but because of her natural chumminess. In fact, she is so fond of her friends that their house on Lunas St in La Loma, Quezon City is often filled with them. Her parents, Mr. and Mrs. Amado Santos, do not discourage her gregariousness and instead look upon it as part of her developing personality…Vilma’s movie commitments don’t prevent her from being a good student. She could have been easily way above average if only her shooting schedules sometimes do not prevent her from attending her classes. “Doing two tasks at the same time gave me a hard time at the beginning but I’ve adjusted to it now,” said this youngster who still goes for lollipops, ice cream, toys, and play. Vilma, who spends her leisure hours listening to radio dramas, dancing and playing with her three other sisters, will be seen in her coming films, Sigaw Ng Batingaw of Argo Productions…” – Julio F. Silverio, The Weekly Nation, 31 December 1965, reposted at Pelikula Atbp blog (READ MORE)

Related Reading:
Vilma Santos – The Child Star