FILM REVIEW: SINASAMBA KITA (Videos)


The Plot: They are half-sisters, connected by blood. But to Divina (Vilma Santos), Nora (Lorna Tolentino) is just her late father’s illegitimate daughter. Yet, despite the harsh treatments she gets, Nora remains awestruck and continues to adulate her strong-willed older sister. But even the meekest of people can only bear so much. Nora leaves the confort of home to hid her own place under the sun, and in due time, she and Divina are to meet again to settle the score once and for all. – Viva Films

They are half-sisters, connected by blood. But to Divina, Nora is just her late father’s illegitimate daughter. Yet, despite the harsh treatment she gets, Nora remains awestruck and continues to adulate her strong-willed older sister. But even the meekest of people can only bear so much. Nora leaves the comfort of home to find her own place under the sun, and in due time, she and Divina are to meet again to settle the score once and for all. But will the scars of yesterday prevail or will they forget the wounds especially now that they direly need each other. – Wikepedia

The Reviews: “Napanood namin ang “Sinasamba Kita” at hindi nga pala kayang iarte ni Lampel Luis ang role na napunta kay Lorna Tolentino. Parang komiks talaga ang istorya ng pelikulang hanggo nga sa nobelang komiks. Melodramatiko at kung minsan ay mahirap paniwalaan ang mga sitwasyon. Pero mapupuri na rin ang iskrip ni Orlando Nadres dahil nagawa niyang credible ang mga tauhan sa istorya. At talagang mahuhusay ang acting ng mga artista. Napakagaling ni Vilma Santos sa papel ng mataray na business executive. Para talagang alam niya ang bawat kilos at hakbang na ginagawa niya. Very sympathetic namang tunay si Lorna sa kanyang role bilang inaaping kapatid. At for once, hindi nasapawan si Christopher de Leon ng kanyang co-star. Kontroladong-kontrolado ang acting niya rito. Si Phillip Salvador nga ang nagmukhang dehado, iba pati ang hitsura niya sa pelikula. Mukha siyang tumandang hindi mawari. Maganda rin ang theme song ng pelikula. At dito kami naniwalang totoo ang kasabihang it’s the singer not the song.” – Mario E Bautista (READ MORE)

“Muli na namang ipinakita ni Vilma Santos ang kanyang husay sa pagganap sa pelikulang “Sinasamba Kita”. Consistent ang characterization ni Vilma sa naturang pelikula, at nagmukhang supporting na lahat ang kasama niyang may malalaki din namang pangalan.” – Arthur Quinto (READ MORE)

“Sobra pala ang lakas ng “Sinasamba Kita.” Tuwang tuwa sina Vic at Mina del Rosario. They started with 38 theatres, by the weekend, 41 theatres na ang nagpapalabas ng pelikula. After 6 days, kumita na ito ng P5,207,416.00. After a week’s time, almost P6 million na ito.” – Billy Balbastro (READ MORE)

“1982 was a banner year for Vilma Santos. Aside from the acting gem, “Relasyon,” she also established her bankable status, thanks to Viva film’s “Sinasamba Kita”. This film grossed 6.2 million in just 6 days, a box office record! Directed by Eddie Garcia, the film featured Vilma as the “bitchy-rich” anti-heroine executive, Lorna Tolentino, Christopher DeLeon and Philip Salvador. The intertwined love quadrangle between the four characters enhanced by crisp dialogue, glossy production design and catchy theme song made this movie effective and very commercial. Two scenes stands out, both involved Vi and Lorna. (By the way, Lorna’s name in this film was Nora and Vilma was Divina, which made us wonder if this is supposed to be a Nora-Vilma film.) In one scene, Vilma was waiting for her younger sibling Lorna, when she finally arrived, she accused the younger sister of wearing her perfume, the accusation made Lorna defensive and replied: “…bumili ako para sa sarili ko nagustuhan ko kasi ang amoy!” In which Vilma countered: “…for godsake, Nora, bakit hindi ka magkaroon ng sarili mong identity!..Hindi kita anino!” Another scene, Vilma caught Lorna wearing the same designer clothes: Vilma: “Iniinsulto mo ba ako? Anong gusto mong palabasin bakit ginagaya mo ang damit ko?” Lorna: “Ate naman ano naman ang masama kung gayahin kita?” Vilma: “Alamin mo muna ang iyong limitasyon…baka nakakalimutan mo kung saan kita pinulot…kinikilala kitang kapatid pero hindi tayo magkapantay!” Lorna: “Napakaliit naman pala ng pagtingin mo sa akin…” Vilma: “Imposible naman lumaki ang pagtingin ko sa taong tinutulungan ko lang?…kung sabagay magkaiba tayo ng ina…bakit kaya pinatulan ng papa ang iyong ina?” Lorna: “huwag mo naming insultuhin ang inay, patay na siya…” Vilma: “Hindi ko siya iniinsulto sinasabi ko lang sayo ang totoo! Magkaiba tayong dalawa, hindi mo ako matutularan at hindi kita tutularan! Nora, ang hindi mo maabot huwag mog pagpilitang abutin, wala kang pang pakpak k’ya huwag lumipad ng pagkataas-taas!” – RV (READ MORE)

“Dahil Father’s Day ngayon, nais nating bigyan ng magandang tribute ang nakilala nang ama ng maraming­ artista ng iba’t ibang henerasyon na si Eddie Garcia. Hindi lang mahusay na bida at kontrabida si Eddie kundi mahusay rin siya bilang isang film director. Taong 1961 nang idirek ni Eddie ang kanyang unang pelikula titled “Karugtong Ng Kahapon” kunsaan bida sina Mario Montenegro, Rita Gomez, Ric Rodrigo at Marlene Dauden. Higit na 36 movies pa ang dinirek ni Eddie na iba-iba ang tema…Sinasamba Kita (1982), Kuwento ng magkapatid sa ama na sina Divina (Vilma Santos) at Nora (Lorna Tolentino). Hindi buo ang pagtanggap ni Divina kay Nora at trato niya rito ay hindi parang kadugo. Pero iniidolo ni Nora si Divina. Hanggang sa pumagitna sa kanila si Jerry (Christopher de Leon) na lalong magpapalalim sa hidwaan ng magkapatid at galit naman sa manliligaw ni Divina na si Oscar (Phillip Salvador). Nanalo rito si ­Eddie bilang Best Director sa FAMAS Awards…” – Ruel Mendoza, Abante, 15 June 2019 (READ MORE)

Advertisement