Vilma, Vilma, Ang Sarap Mong I-direk

ARTICLES - Directors

Sa langit-langitan ng pagganap sa pelikula ay walang aktres ang makakatapat kay Vilma Santos sa husay at versatility nito. Maging si Nora Aunor na mahigpit niyang karibal sa larangang ito ay nagsimulang nagpakita ng gilas at halos pinaluhod ang QueenStar noong ginawa niya ang Minsa’y Isang Gamu-gamo, Tatlong Taong Walang Diyos, Bona at Ina Ka ng Anak Mo. Sa katunayan, unang narecognize si Nora sa Urian at sa international film community sa Cairo Film Festival kung saan hinangaan siya sa Flor Contemplacion Story at nakopo niya ang best actress award, mula YCC hanggang sa Cairo nga. Ito lang ang tanging grand slam niya. Hindi nagpatalbog ang former Scream/Gripo Queen kay forever Ice/Eye/Diin Queen by reinventing herself magmula noong mapangahas niyang pagganap sa Burlesk Queen at nang talunin siya ni Nora sa 1978 MMFF kung saan nilampaso siya ng Atsay at umuwi siyang luhaan like Rubia Servios. As fate would have it, at dahil na rin sa kanyang competitive spirit at nerve of steel, she re-grouped and vowed never to be second banana sa kapuwa bulilit niyang karibal. “Anything she can do, I can do better, I can do anything better than her.” Yes, I can, oh yes I can!” ang bulalas ng most awarded actress and mayor ng bansa sa sarili. And she did it. By George, she got it! And she could dance all night, along with her millions of fans. Nag-aral siya, nagmasid, nagtanong, nagtiyaga, ibinuhos ang kaalaman niya sa sining, at inalagaan ito ng husto. At mula noong naka-grand slam siya sa Relasyon in 1982 ay para bang nabuksan ang langit at ang mga paghihirap at tiyaga niya ay tinumbasan ng walang katapusang ulan ng mga tropeo, honors and citations bilang pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon, at possible sa buong kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Na-validate pa nga ito ng pagkawagi niya as exemplary media practitioner for film via the prestigious U.P. Gawad Plaridel Award recently. Nominations pa nga lang ay eliminated na kaagad ang supposedly strong contender na si Nora Aunor.

Napasama ang Reyna sa last three finalists at mantakin mong sina Mike De Leon at Eddie Romero ba naman ang kahelera mo at talunin mo ay daig pa ang manalo ka sa lotto. Talagang hindi basta-basta aktres ang the longest reigning movie and box-office queen of Philippine Cinema: Isa na talaga siyang icon or national treasure ng bansa. Kasunod na kaya ang National Artist Awsrd? Abangan! Nakagawa na siya ng mahigit 200 na pelikula, kasama na ang mga special guesting niya, at nagtamo nga ng pinakamaraming acting awards, mula sa Trudis Liit hanggang sa Mano Po 3 – My Love. Kamanghamangha talaga! Atin ngayong suriin kung sinu-sinong director ang pumiga sa Meryl Streep of the Philippines at sa the Filipino Cinematic Diva (ayon sa U.S. Variety magazine) at tuloy ay nagkamit ng mga di matatawarang karangalan sa kahusayan sa pagganap. Sa mga batikang director natin, tanging sina Lino Brocka (SLN) at Marilou-Diaz Abaya ang di pinalad na panalunin si La Vilma sa mga klasikong Rubia Servios, Adultery and Hahamakin Lahat for Brocka, at Alyas Baby Tsina naman kay Abaya. At ang mga ilan sa matitinik nating direk na di nakatrabaho ng Reyna ay sina Lupita Kashihawara at Mario O’Hara na pawing identified kay Nora Aunor. Malay natin, baling araw ay may mga pelikula na silang gagawin. Narito ang talaan ng mga director na nagpanalo sa Greatest Actress of Philippine Cinema…

  • Jose de Villa – in 1963 for Trudis Liit. Vilma’s first acting trophy (FAMAS best child actress).
  • Luis Enriquez (aka Eddie Rodriguez, SLN) – 1968 best supporting actress for Kasalanan Kaya? mula sa San Beda College Awards; 1975 best actress for Nakakahiya?, Bacolod City Film Festival. The most successful May December acting team in Philippine Cinema, ever.
  • Emmanuel Borlaza – 1972 FAMAS best actress (her first as an adult actress and her one of five from the FAMAS), for Dama De Noche.
    Celso Ad. Castillo – 1977 best actress, MMFF, for Burlesk Queen. Her change of image changed everything. The best career move she ever did. There was no looking back.
  • Danny Zialcita – 1981 MMFF and Cebu City Film Festival for Karma.
    Elwood Perez – 1981 FAMAS best actress (Pakawalan Mo Ako) and 1988 FAMAS best actress (Ibulong Mo Sa Diyos).
  • Ishmael Bernal (SLN) – hold your breath! 1982 Grand slam for Relasyon (her first of four grand slams, a record!); 1983 Urian best actress, Broken Marriage; 1989 Urian best actress, Pahiram ng Isang Umaga. Sayang at pumanaw na si ‘Ishma” – ang dami pa sana nilang pelikulang pagsasamahan. The most successful actress/director collaboration in Pinoy Cinema. Pinasabog na ang takilya, inulan pa ng awards.
  • Maryo J. De Los Reyes – 1987 FAMAS best actress, Tagos ng Dugo; 1992 New Fame Mag Readers’ Choice Award for best actress, Sinungalinng Mong Puso. Sana matuloy iyong Vilma-Christopher project sa Violet Films’ Huwag Hatulan ang Puso. Sana. It’s time for a Maryo J. and a Vilma reunion – perfect for each other – they’ll make a splash at the local and foreign markets. Abangan!
  • Mike de Leon – 1984 Urian best actress, Sister Stella L. In the recent U.P. Gawad Plaridel award for exemplary film practitioner, La Santos bested De Leon. Whew! Will Mike lure Vilma or vice-versa to make a movie together? Heaven, must be missing an angel: Mr. Mike De Leon, that is. It’s time for a reunion. Isa pa nga, oh! Hold your breath. I can see it coming. Mover over, Madam Auring!
  • Laurice Guillen – ah, the woman’s director – who better understands women but the outstanding actress cum director herself, Laurice? Her presence at Vilma’s coronation at the U. P. last July 4 is proof that Ms. Guillen is a true-blue Vilmanian. She gave the Queen two best actress awards: 1993 Grand slam (her second) for Dolzura Cortez; and in 1991 at the Urian for Ipagpatawad Mo, halting Nora’s almost second grand slam win for Pacita M. Laurice’s presence at the U.P. Cine Adarna is, probably, an open invitation for Ms. Versatile Vilma to say – OK – to Guillen’s script about a woman who spent most of her life taking care of family business, only to be abandoned or dumped like a hot potato by the ones she loved to death – with nowhere to go – no career/office skills – nothing. Do I hear a fifth grand slam? Aw, c’mon, Vilma, grab the script before it lands in another’s lap. Si Guillen yata iyan! Atat na ata na, umoo ka na, oh!
  • Chito Rono – is he Bernal II? His approach, his dark comedy, his overall style is vintage Bernal, yet very original, with Chito’s stamp of excellence all over it. Two grand slams for Vilma, for a total of four grand slams, plus 2 international acting trophies from the Brussels and CineManila, (1998’s Bata-bata and 2002’s Dekada ’70), is not bad. Is there a reunion in the offing? Direk Rono: “Vi, gawin na natin iyong script, bago ni Lualhati, bagay sa iyo iyon?” Vilma: “Naku, Chito, litung-lito na ako sa dami ng offers. Di ko alam ang uunahin. Ang hirap i-pass by. Nakapanghihinayang. Kung puede ko lang i-clone ang sarili ko, gagawin ko lahat ng offers sa akin. Kaso mo, so many good movies, so little time.” Chito: “Ako hintay sa iyo. Ayaw ko sagot mo Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng tagak. Basta ako hintay sa iyo.”
  • Rory Quintos – Anak shattered box-office records in 2000 and was the highest-grossing Pinoy film ever until Ang Tanging Ina (Solid Vilmanian Ai-Ai) zoomed to the top of the box-office. The 2000 best actress awards from the PMPC Star and PASADO are puede pasar, but millions of ‘luhaang’ viewers swear she should have brought home the bacon. All they were saying, please give Glo a chance! Sige na nga, senior citizen kasi eh. Doon nga sa Urian when Ms. Gloria Romero gave her speech: “I-share this award with Vilma who was so good in Anak.” BOW! Respect begets respect. Biglang sing si Aretha Franklin ng R-E-S-P-E-C-T.
  • Joel Lamangan – the newest Vilma convert after he made Vilma grab best actress awards in the 2004 MMFF (Mano Po III), at the PMPC Star (her sixth), Tanglaw (her second) and Gawad Suri. He was so impressed by the QueenStar that he offered her a script she couldn’t resist, about the slums, a role to die for. Vi: “Joel, ang hirap naman, awa ako time. Gulong-gulo nga ang isip ko kung ano ang tatanuan ko eh. Puede bang next year na lang iyan?” – Mario O. Garces (READ MORE)