More News Clippings Collections

This slideshow requires JavaScript.

Vilma Santos-Edgar Mortiz Tutungo sa Zamboanga – Pagkatapos na maging guest sa programa nina Jun Alva at Freddie Webb sa KBS noong nakaraang linggo, sinabi nina Vi at Bobot na, “lilipad kami sa Zamboanga sa sanlinggo. Tatlong araw kaming magpe-personal appearance doon.” Si Vilma ay may bagong studio program na sa DWWW ang “From Me To You”na madidinig tuwing hapon, mula Lunes hanggang Sabado. Inihahanda di ang madaliang pagkakaroon ni Edgar ng kanyang studio program sa DWWW. Kung sabagay ay Enero pa naman ang siyuting nila, pero inihayag na ni Neddie na ang pelikulang una niyang lalabasan ay ang pamamagatang “Bakya Mo Neneng”ng Mirick Productions at pangungunahan ni Vilma Santos. Wala pa raw napipiling leading man para kay Vilma, pero ang magdidirehe ay si Maning Songco. Ipinahayag naman ni Maning Songco na nabili nila sa may katha ng awiting Bakya Mo Neneng, ang karapatan para magamit ang kantang iyan sa pelikulang gagawin nila sa Mirick sa mga unang linggo ng Enero. – Anonymous

Pang-award or pang-box-office – “…Nanaig pa rin ang box-office ang mga popular stars, like Dolphy, Ronnie Poe, Vilma Santos, Joseph Estrada, Nora Aunor, Alma Moreno, Rudy Fernandez and Christopher de Leon in that order…Three years ago ay naging top ang “Burlesk Queen” ni Vilma at nanalo pa siya bilang “Best Actress.” Last year, hindi man siya nanalo for “Rubia Servios,” in the long run ay tinalo pa nito and “Atsay” ni Nora sa laki ng kinita. This year, nanalo man si Aunor as “Best Actress” for “Ina Ka ng Anak Mo” hindi naman nito nalagpasan ang kita ng “Modelong Tanso” ni Vilma. Lumilitaw lang ang pang-award si Aunor, pang-box office naman si Vilma. Iyan ang sinasabi naming choose between being an actress and a box-office star! You can’t win ’em all, neither have your cake and eat it too!…” – Alfie Lorenzo, Jingle Extra Hot Magazine, 14 January 1980

Kailan Kaya Mangyayari na Dadalo si Nora sa Birthday Party ni Vilma…and Vice-Versa – “Yearly, November 3rd is one red-lettered day for Vilma Santos. Natal day niya ito at ngayong taon, ginanap ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa plushy Coral Ballroom of the Manila Hilton. Mga sikat na artista, people from the movie press, movie producers, hangers-on and what-nots ay nagsidalo upang makiisa kay Vilma. Successful ang pagdiriwang. Sa entrance fronting Hilton, matiyagang nagmamatyag ang magkumpol na movie fans. Pero, would you believe na karamihan sa kanila’y pabulong na itinatanong kung si Nora’y dadalo? Ito rin ang supposition ng maraming guest. Ano raw daya’t dumalo si Nora. Ba’t daw kaya sa mula’t mula, never na narinig nilang dumalo si Nora sa birthday bash ni Vilma?…at gayundin si Vilma sa party naman ni Nora? Sana naman daw, on special occassion tulad ng birthday nila, magkabigayan sila. All in sportive gestures, that is. At sa recent bash nga ni Vilma, naging kapuna-puna rin ang non-attendance of the more known drumbeaters of Nora. Natanong tuloy ng ilang nakaaalam, napagkaisahan kaya ang pagbo-boycot? Anyway, since time immemorial, naging forgone possibility na ang dalawa’y magkaibigayan sa ganitong mga pagkakataon. Perrenial ang rivalry na imposible na mangyari na magkaimibitahan ang dalawa. And from neutral observer ang basihan nila ay ang sweetness nina Nora at Vilma kapag rin lang nagkakatagpo in public. naroroon sila’y maghalikan at magyakapan nang mahigpiut. Ba’t daw, kaya di mangyaring magbigayan sila at dumalo sa birthday party ng isa’t isa?…na lahat daw ay for the sake of professionalism? Kami tulad ninyo ay nagtatanong – kailan kaya ito mangyayari? Well…” – Kislap Magazine, 23 November 1978

Konti Nga, Worth Remembering Naman – “Tapos na ang pelikulang “Himala” at wala ni isang sour note na bitinan, pa-mood-mood, o anuman na nakapag-high blood. And for a Nora Aunor starrer, talaga raw itong isang Himala! “Ano ba naman ang mga tao iyan? Mambitin ka, mamimintasa. Huwag kang mambitin, magtataka! Aba, sala sa lamig, sala sa init na yata iyan, ” wika ni Nora looking relaxed and in the pink of health sa kanyang “Superstar” show. Then, she got serious. “Alam mo, iyon namang mga bitinang nangyayari noon, hindi ko naman kailanman ginusto iyon. No, ayokong magkawrite-up ako na isang indyanera o bitinera kaya. May tao bang gugustuhin na masulat lang siya, sa ganoong angle pa, o meron ba?” tanong pa niya. “Iyon panahon, minsan talaga siyang hindi nagko-cooperate. Minsan, nasa isang set ako at supposedly ay may time limit para nga ako makailangan doon sa isa pa. E kaso, hindin naman ako lang ang umeeksena doon. If ever na magkaulit-ulit ang rehearsal o mag-take three na lang, di bulilyaso na ang oras. Ngayon, nandiyan na ang pakiusapan na tapusin ko ang eksena dahil naka-set up na namang lahat ang kamera’t mga tao… na mag-have a heart naman ako…di ako na ang ipit. Hindin naman puwedeng pangdalawahin ang katawan ng isang tao dahil kung puwede, matagal ko nang ginawa ‘yon para ma-please lang ang lahatm,” at pabuntong hininga siya.

“Sa ngayon, ayoko na ng mga ganoon eksena na kadalasan ay sa akin napupunta ang bleme. Graduate na ako dyan. Ang pormula ko ay maging choosy na sa offers, hindi iyong grab na lang ng grab. Hindi bale nang kakaunti ang pelikula, worht remembering naman. Saka, maiiwasan pa ang hassle with producers? Minsan kasi, isu-sweet talk ka na tanggapin ang offer nila na para bang okey lang sa kanila na maghintay sa ‘yong availability dahil alam na alam naman nila kung gaano ka-deep ang commitment mo. Pag nakapirma ka na ng kontrata, nariyan na ang gulo. Magdi-demand na ng shooting days. May mga booking schedule na, may mga rented unti na ang araw ay parang mga taksing de metro. Ngayon, kung buhol-buhol na ang lahat, nandiyan na ang mga write-ups. ako na naman ang gumi-gimik…ang nangi-indiyan…ang nambi-bitin,” at napangiti na siya. “Sa ngayon, alam ko, may mga nagsasabi nanaman na iba ang tinitingana sa tinititigan, dahil nagkataon ngang ECP projectito at can’t afford daw ako kuno to take it for granted. Sa tutuo lang lahat ng alok sa akin, never naman na tini-take for granted ko. Bread and butter ko na ang pagganap sa pelikula, paano naman magiging ganoon ang attitude ko doon gayong dapat lang na mahalin ko ito dahil anumang bagay na mahal mo mamahalin ka rin. So, okay lang kung naniniwala silang nag-change ako for the better. Lalo yatang mahirap sa isang tao ang tumatanda nang pauron!” pagtatapos niya.” – AHM, Kislap Magazine, 11 October 1982

Nora bounce back via Annie B – “Actress and superstar Nora Aunor has just acquitted herself from some premature judgement na down and out na siya as one of the country’s top two superstars, the other being Vilma Santos. Hindi maitatauwang malaki ang nagawa ng kanyang pelikulang Annie Batungbakal sa panibagong lakas na kanyang ipinakita sa publiko. Kaugnay nito, tinatayang lalong iinit ang laban nila ni Vilma for Vilma herself is now enjoying the peak success as a box office drawer. Mahirap talagang bigyan ng final conclusion ang laban ng dalawang ito pagka’t sa kabila ng tagumpay ni Vilma, maaaring panandaliang isispin na iba na naiwan na si Nora. But this Guy is one supersptars who knows how to bounce back into contention during critical moment of her career. Maraming beses na niyang napatunayan ang bagay na ito and we only have to review our history of the local movie industry to find out for ourself how strong really is her staying power. Meanwhile, marami rin naman ang kahit paano ay umaagapay sa dalawang ito, kina Nora at Vilma, ang ibig naming sabihin, pero sa ngayon, we have yet to see anybody, and we mean anybody who could possibly cope up with the pace and power of these two superstars who are concededly the country’s top public idols…” – Eddie O. Roque, Kislap Magazine, 18 October 1979

Parada Ng Mga Bituin Sa Metro Manila Filmfest – “…Isang simple at makulay na parada sa pagsisimula ng Ika-3 Metro Manila Film Festival, na sinaksihan ng maraming tagahanga sa kahabaan ng Roxas Blvd. Ang parada ay nagsimula sa Folk Arts Theatre, dumaan sa Roxas Blvd. papuntang Baclaran, nagbalik sa Rotonda patungong Luneta Park. Ang karosa ng siyam na pelikulang kalahok ay dinumog ng marami habang sila ay parang langgam na umusad…”- Berlidas, Modern Romances & True Confession Magazine, 09 January 1978

Binagyo ang King Khayam And I – “…Naging very successful ang unang pagtatambal nina Vilma Santos at Joseph Estrada sa pelikulang King Khayam And I ng TIIP. Kahit bumabagyo ay hugos pa rin ang tao upang mapanood lang ang napabalitang pelikulang ito. Subalit nitong mga huling araw ng pagtatanghal ng nasabing pelikula, medyo naging mahina ang pasok ng tao. may nagsasabing talagang ganito lang ang panahon kapag magpapasko, sa halip na manood ýung iba, ipinamimili muna ng kanilang pamasko ang mga mahal nila sa buhay. At least, ang kaunting salaping gugugulin nila sa entertainment ay ipinagdaragdag nila sa kanilang Christmas savings…”- Levi, Modern Romances and True Confessions Magazine, 16 December 1974

Mga Pelikula ni Vilma – “…Tungkol naman sa Vilma-Edgar loveteam, wala pang development na nangyayari. Patuloy na lumalamig ang paksang ito na wala pang nangyayari sa ikababalik ng kanilang magandang pagtitinginan. Samantalaý patuloy ang di ikinakailang pamimintuho kay Vilma ni Jojit Paredes. Ngayon, kung nasaan si Vilma, malamang na makita nýo rin doon si Jojit. Tungkol kay Meng Fei, ayon sa latest report from Hongkong, minamadali ng guwapong Chinese actor ang kanyang pelikulang ginagawa sa Warner Bros. upang makadalaw na agad dito sa Pilipinas…and of course, si Vilma ang pangunahin niyang dahilan. Tungkol sa latest picture ni Vilma, ang “Mga Tigre Sa Sierra Cruz,” marami ang humuhulang itoý another box office hit dahil sa napakagandang casting na pinagsama-sama rito ng Lea Productions. May nagsasabi pang kung ito lang ang napalaban sa Manila Filmfest, malamang kumuha ng award dito si Vilma. Natapos na rin niya ang pelikulang “Gumagapang Na Kamay”sa Sampaguita Pictures at ngayoý nasa color processing na lang. Kasalukuyang busy pa rin siya sa sunod-sunod na taping ng kanyang TV show na Ayan Eh. Tungkol naman sa isang pelikula pang pagtatambalan nina Vilma at Ronnie Poe, kasalukuyan na iyang inihahanda at anytime this coming month, maaaring simulan na nila iyan. Tinatapos na lamang ni Vilma ang “Tok-Tok Palatok” para sa new movie outfit ni Baby Kay and BK Productions. Sa pelikulang Volta, hindi pa tiyak kung si Edgar pa rin ang kanyang makakatambal dito. Maaaring masabay na rin ang shooting nila sa pagtatapos naman ng “Tok-Tok Palatok…”- Levi, Modern Romances and True Confessions Magazine, 15 July 1974

Dramatic Actresses Sa Quezon City Filmfest – “…Matunog ang bulungan na maaaring maglaban daw sina Vi at Guy sa Best Dramatic Actress category sa Q.C. Filmfest. Si Guy sa kanyang “And God Smiled At Me” at si Vi sa “Dama de Noche.” Sabagay, tops si Vi basta’t drama. Pero isa na ako sa nagsasabing si Guy ay hindi patatalbog sa kanya sa linyang ito. Nakita ko na itong gumagawa ng drama scene (And God) at tutoo pa namang susmaryosep! Ang galing! But then, talagang heavy ang role ni Vi sa drama. Dual pa which makes it doubly mahirap. Magkapatid na ang isaý luka-luka…” – Cleo Cruz, Superstar Magazine, 16 October 1972

The Third FAP Best Actress Nominees – “…Vilma Santos has already set two records in the history of Philippine cinema. In 1983, she be the grand slam where she was proclaimed best actress by all the local award-giving bodies that year for her performance in “Relasyon (The Affair),” Recently, she became the first actress to have collected three Urian trophies for three consecutive years (Relasyon 1982, Broken Marriage 1983 and Sister Stella L (1984). Aside from her three Urian Awards, she also won the FAMAS best actress thrice (Dama De Noche 1972, Pakawalan Mo Ako 1981, and Relasyon 1982), the Metro Manila Filmfest trophy twice (Burlesk Queen 1977 and Karma 1981) and the Catholic Mass Media Awards (also for Relasyon). We must not forget, of course, that Vilma was also the first FAP best actress awardee. This year, she is again in the running for her performance in Sister Stella L. where she plays a non-partisan religious who later gets involved in a labour dispute. Vilma has played an assortment of roles on screen – from beautiful mermaid in Dyesebel to grotesque hunchback in Kampanerang Kuba. She also used to make half a dozen filma a year. In 1972 however, she churned out no less than 25 pictures under different production companies. Four things have kept her preoccupied lately, making films for rival camps Regal and Viva, appearing in her weekly TV show V.I.P., raising her son Lucky and collecting acting trophies yearly…” – The Third Academy Awards 1985 Souvenir Program

Dumalo Kaya si Guy sa Debut ni Vi – “…Nora Aunor arrived two days before the debut of Vilma Santos. Natural, the $64 question ay kung dadalo sila ni Pip. Here are her words: “Kung iimbitahan ako ni Vilma, tiyak na dadalo ako. Hindi maaaring hindi kahit na magkataong may ibang okasiyon pa para sa akin at ni Pip. We will do our best na dumalo, kung kami ay imbitado. I am glad like me, she is also a debuntante at alam kong this is a golden moment for any girl.” Guy was frank. “Mahal ko si Vilma. Kaya kahit wala ako ruon kung sakali, nais kong ipaabot sa kanya ang warm greetings namin ni Pip.” This should answer the question kung ang feeling ni Guy now that vi si turning 18…” – Ric S. Aquino, TSS Magazine 12 November 1971

Nagbago Na Ba Ang “Panahon” Sa Pelikula? – Like the unpredictable weather, pabagu-bago ang panahon sa pelikula….Hindi pa natatagalan, nagkasabay naman ang mga pelikula nina Nora Aunor at Vilma Santos, ang “Wanted: Ded or Alayb (Agad-Agad)!” at “Mapagbigay Ang Mister Ko” respectively. Ngunit hindi lamang sila ang naging ‘magkalaban’ sa pagbubukas ng kanilang pelikula. May isa pa – ang “Kahit Sino Ka man…Mahal Kita” na tinatampukan ng isa pang baguhan si Barbara Luna. At muli, naganap ang isang kagulat-gulat na pangyayari. Tinalo ng pelikula ni Barbara Luna ang mga pelikula nina Aunor at Santos! Dahil sa mga pangyayaring ito, naglabasan na naman ang maraming pala-palagay, tulad ng hindi na mabango sa takilya ang mga establisadong bituin; ang idustriya ay nangangailangan na ng mga bagong bituin (sic); iba na ngayon ang “panahon” sa pelikula! And so on…Wanted is an old Aunor quickie; Mapagbigay is a so-so comedy. Kahit is another pretentious drama…Isang malaking bagay ang pinaniniwalaan naming dahilan kung bakit tinalo nina Alma Moreno at Barbara Luna sina Fernando Poe Jr, Nora Aunor at Vilma Santos. The bold fever. Or in another sense the “Bomba” thing. Na siyang naging dahilan din ng pagiging matagumpay ng mga pelikula nina Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Chanda Romero; kung bakit maraming pelikula sina Daria Ramirez at Carmen Ronda…while we are also happy for the discoveryof new stars like Alma Moreno and Barbara Luna, we also feel sad. Nalulunkot kami sa paraan ng kanilang pagsikat…No they are not yet “made” lalong hindi pa sila dapat tawaging superstar. Tig-isang pelikula pa lamang ito, huwang ntaing kalilimutan. Patunayan nila na ang kanilang mga susunod na pelikula ay kasimbigat sa takilya kundi man higit pa upang bumagay nga sa kanila ang taguring box office stars…” – Boy C. De Guia, Weekly Superstar Magazine, 07 June 1976

Matuloy Kaya Ang Guy-Boyet-Vi Pic? – Sa wakas, mapagsasamang muli sa isang pelikula sina Nora at Vilma, pero ayon sa mga natuklasan naming usap-usapan ay hindi na ito magiging katulad noong una na halos ay talaga namang hindi nagkakausap at hindi rin nagkikita sa malalaking eksena ang dalawang superstars. Natagpuan namin sa kanyang opisina sa Burke Bldg., Escolta si Atty. Esperidion Laxa, kaya naman naging malakas ang loob namin sa pagtatanong. Ang pagbubuklod ba uli ng dalawang malalaking pangalang ito ay tulad ng naganap sa Pinagbuklod Ng Pag-ibig? Sikreto raw muna, according to Atty. Laxa, but we cannot help being talkative dahil narito na ito. According to TIIP, ang pagsisikap nila na mapagsama muli sa isang higanting pelikula sina Guy at Vi ay hindi na tulad noong una. Samakatwid, sila ay hantarang magkikita at maghaharap sa malalaking eksena ng pelikula, tiyak ding mag-aagawan sila sa kanilang mga eksena at mahigit pa, sa acting. Lahat ito, kasama na ang tungkol sa pagkakasundo ng dalawa sa billing, ay kasama sa contract nila sa TIIP. So, believe na kami kay Atty. Laxa dahil napasang-ayon nila sina Guy at Vi, na handa nang magpaligsahan ng kanilang mga bertud sa acting, etc. “Si Ishmael Bernal ang direktor at screenplay ng pelikula, na ang titulo ay tentative pa lamang at saka na lamang ire-release sa pag-uumpisa ng siyuting. Si Christopher de Leon ang magiging leading man nina Guy at Vi sa movie, na ayon pa rin kay Atty. Laxa is the biggest project ng TIIP for ’78 and much bigger than Pinagbuklod. Project din daw ito ni Ishmael Bernal, kaya naman pambihira talaga ang mangyayari kapag nagkataon. Ang shooting schedule nila ay sa first week of May at kahit daw ano ang mangyari ay tuloy na tuloy ito. A few days later ay hindi sinasadyang nagkita kami ni Bernal sa isang moviehouse sa Q.C. Ït’s the biggest challenge for Guy and Vi,” bulong ni Ishmael at dito raw niya ibubuhos lahat ang kanyang anting-anting sa pagdidirehe at kasama na ang paggawa ng istorya. Lamang…, huwag sanang magkaroon ng sakit sa ulo si Bernal at sana daw ay makipag-cooperate namang mabuti sa kanya ang dalawang superstars. Now, lets just wait and see how Nora and Vilma will do their thing sa pelikulang ito.” – Ric S. Aquino, WOW Komiks-Magasin, 26 Mayo 1978

Ten Best Films of the ’70s – “In a poll of the 10 best local films of the 70’s, the Manunuri Ng Pelikulang Pilipino drew a list of 22 films out of which eight were made in 1976. Of these eight 1976 films, five actually made it to the top ten, the three others placing 11th, 12th and 13th positions. If the year 1976 proved to be a fruitful year for the Filipino film industry in terms of quantity and quality of films, that was also the year the critics organized themselves into the MPP. Nine MPP members participated in the poll, voting unanimously for Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag, and Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon? with Nunal Sa Tubig and this year’s Jagual getting eight votes each. With Insiang on the 5th slot, five films got five votes each, completing the list of 10 well-remembered films, and the five are Pagdating sa Dulo, Tinimbang Ka Ngunit Kulang, Itim, Sakada and Pagputi ng Uwak Pag-itm ng Tagak.

Ligaw Na Bulaklak and Minsa’y Isang Gamu-Gamo topped the next 12 films with four votes each, while Tatlong Taong Walang Diyos and Burlesk Queen garnered three votes each. Nympha and Dalawang Pugad Isang Ibon got two votes each to put them in the 15th and 16th places, with the last six getting one votes each. The 10 best films of the decade chosen by the Manunuri Ng Pelikulang Pilipino are the following (with the names of their directors and the particular years they were released): 1. Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (Lino Brocka, 1975); 2. Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon? (Eddie Romero, 1976); 3. Nunal Sa Tubig (Ishmael Bernal, 1976); 4. Jaguar (Lino Brocka, 1979); 5. Insiang (Lino Brocka, 1976); 6. Pagdating Sa Dulo (Ishmael Bernal, 1971); 7. Tinimbang Ka Ngunit Kulang (Lino Brocka, 1974); 8. Itim (Mike de Leon, 1976); 9. Sakada (Behn Cervantes, 1976); 10. Pagputi Ng Uwak PagItim Ng Tagak (Celso Ad Castillo, 1978); 11. Ligaw Na Bulaklak (Ishmael Bernal, 1976); 12. Minsa’y Isang Gamu-Gamo (Mario O’Harra, 1976); 13. Tatlong Taong Walang Diyos (Mario O’Harra, 1976); 14. Burlesk Queen (Celso Ad Castillo, 1977); 15 Nympha (Celso Ad Castillo, 1970); 16. Dalawang Pugad Isang Ibon (Ishmael Bernal, 1977); 17. Stardoom (Lino Brocka, 1977); 18. Asedillo (Celso Ad Castillo, 1977); 19. Hubad Na Bayani (Robert Arevalo, 1977); 20. Ikaw Ay Akin (Ishmael Bernal, 1978); 21. Hindi Sa Iyo Ang Mundo Baby Porcuna (Danilo L. Zialcita, 1978); 22. Isang Gabi Tatlong Babae (episode of Elwood Perez, 1974)…

The nine members who voted were: Pio de Castro III, Mario Bautista, Justino Dormiendo, Bienvenido Lumbera, Clodualdo del Mundo Jr, Jun Cruz-Reyes, Hammy Sotto, Nicanor Tiongson, and this writer. Absent were Manuel Pichel and Petronilo Daroy with Ricardo Lee on leave. Isagani Cruz abstained from voting for the reason that he was out of the country during the middle part of the decade and therefore not able to see a good number of films. The voting was conducted early December, with the members agreeing to a possible inclusion to the list of any outstandiong films that may be released between that period and the current Metro Manila Film Festival. However, with teh festival in full blast now, none of the Manunuris considered any late film worthy of inclusiion to the earlier list. Some members limited their choices to less than 10 films each, while the others felt strongly that one or three films were good enough to add to the original 10.

It should be noted that 1972 (an era of political turmoil in the country and the imposition of martial law) and 1973 were barren years in local filmmaking as far as creativity and vision were concerned. The same low quality of films prevailed during the entire decade, apparently because of the many problems of economics, censorship, and the lack of technical training and intellectual guidance of the film talents, among others. Despite such problems, however, a number of directors and their handpicked production crew and stars managed to transcend these difficulties and came up with films that say something about the human condition and exploit the various creative element of the art of film. The MPP members, therefore have preferred serious films that tackle, or give insight to, the problems of man and society. Fancy techniques and camera fireworks have been deliberately overlooked (not necessarily a strong political statement), and an honest depiction of authentic Filipino reality. That such films were made at all – as though to defy the purely profit-motivated concept of film production – is enough reason to look back into the 70’s with fondness and adminration, and in turn that period into a source of hope for the coming 80’s….

10. Pagputi Ng Uwak, PagItim Ng Tagak is another ambitious epic movie that succeeds on many film levels. The story is about the love affair between a young woman belonging to a rich and powerful family, and a poor man whose mother is still bitter about having her land property snatched from her by the other family. This simple conflict develops into bigger, more significant ones, and they are all integrated within the framework of the story and the different elements of the film. It opens on a festive scene that seems to go on forever, but this gradually changes the mood of the story until it ends a bloody climax. Indulgent as the individual aspects of th film may be , they all fit director Castillo’s granmd and elaborate design at story-telling, encompassing various Filipino seasons, holidays and range of experiences. Romy Vitug’s cinematography is spectacular, and the cast, headed by Vilma Santos and Rafael Roco Jr are marvelous. – URIAN, Kolum ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Expressweek, 10 January 1980, re-posted by James DR, Pelikula Atbp (READ MORE)

2015 Yes Magazine Most Beautiful Issue Icon: Vilma Santos – Vilma Santos is the epitome of a star. She oozes with charisma, looking radiant when she smiles and waves to people as she passes by. She gamely introduces herself to new acquaintances, looks them in the eye, shakes hands with them, and warmly asks how they are doing. If she is tired or vexed, she succeeds in keeping that for her private time, leaving her public excursions pleasant experiences. The 61-year-old star, an actress since aga nine and a public servant for the last 18 years (first as mayor f Lipa City, Batangas, and then as governor of Batangas province) talks glowingly about her accomplishments, but she doesn’t sound at all like she’s gloating, because she’s so down-to-earth and quite sincere. She even blushes when told that she’s looked up to as an idol by her younger colleagues. “I appreciate people na hinahangaan ‘yong work mo or ginagawa kang idolo,” says Ate Vi, aka Gov Vi. “And I also appreciate people na kritiko, kasi ayaw ko laging masabihan nang maganda. Dapat sabihin di kung may mali sa akin.” And that’s why there’s only one Vilma Santos. That’s why there’s only one Star for All Seasons.

Advertisement