Vilma Santos’speech during the U.P. Gawad Plaridel 2005

Mula po edad nine hanggang 15 ay nakagawa na agad ako ng 25 pelikula halos 5 pelikula po bawat toan… Ilan sa mga pelikulang ginawa ko noon ay ang Trudis Liit, Anak Ang Iyong Ina…at ganun din ang mga Naligaw na Anghel, Hampaslupang Maton at De Colores… Para sa akin, maayos at magagaling ang mga pelikulang ito, nakakatawa lang ang mga titles. Pero ipinagmamalaki ko pong sabihin sa inyo na kumita ang mga pelikulang iyan. Kasi po wala pang mga pirated cds, wala pang dvd noon, wala pang mga cable television…at madalang pa po ang dating ng dayuhang pelikula.

Noong nagdadalaga na ako, ilan po sa mga pelikulang ginawa ko ay ang Song and Lovers, I love You Honey, Edgar Loves Vilma, kasama na dito ang Takbo Vilma Dali, Hatinggabi Na Vilma, meron pa pong isa, Vilma and the Beep Beep Minica, Dyesebel at ako po ay naging Darna din… pambihira po ang mga fans nung araw, ang ginagawa po nilaý ginugupit po ang articles ng kanilang mga idolo at inilalagay sa album…hanggang ngayon po sa aking tanggapan sa Lunsod ng Lipa ay nagpupunta pa rin sila sa akin, mga kasing-edad ko na rin at pinakikita po sa akin ang mga album, pinapipirmahan…minsan nga po ay nakita ko ang mga old pictures ko, sabi ko pwede ba mahingi..pwede ba sunugin? Kasi po yung bilog na bilog pa ang mukha ko…

Dumating po ako sa punto ng buhay ko na kailangang magpasya kung ano ang dapat na maging direksiyon ng aking buhay bilang isang artista. At nag-umpisa akong tumanggap ng mga pelikulang mas malaman kaysa doon sa mga naunang mga pelikulang aking ginawa. Malaman dahil mas may script, mas may istorya at direksyon. Naisip ko rin na lalo kong pagbubutihin ang pagganap sa pelikula. Mabuti na lamang at nariyan ang ating magagaling na direktor noong panahon na iyon katulad nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, Mike de Leon, Laurice Guillen, Marilou Diaz Abaya…

Noong nanalo ako ng awards, grandslam pa, sa pelikulang Relasyon, sabi ko sa sarili ko: “Magaling na ako!” the next day pagkakuha ko ng isa sa apat na awards, first shooting day na agad ng pelikulang Broken Marriage at drama agad ang first scene namin ni Christopher de Leon. Aba! Na-take 7 ako sa first scene na ito. Sabi sa akin ni Ishmael Bernal: “Bakit Vi, ano ba ang nangyayari sa ýo? Nagda-drama ka pero bakit may twinkle-twinkle ang mg amata mo?! Anong arte yan!? Alam n’yo po ba ang ginawa nýa? Ipinasok nya ako sa toilet at ako po ay ikinulong nýa dito at pinag-jogging po ako ng minutes. Ang sabi niya sa akin: “Wag kang mag-ilusyon! Hindi ibig sabihin na tumanggap ka ng grandslam award eh, magaling ka na!” Pagkatapos ng insidenteng ito, tumanim sa isip ko na ang pag-aaral pala, paghahasa at pagdagdag ng kaalaman sa larangan aking pinili ay dapat tuloy-tuloy at hindi dapat ihinto

Maraming problemang kinakaharap ngayong ang ating industriya. Marami ang wala nang hanapbuhay ngayon, katunayan marami akong mga kasamahang actor at director na dumadalaw sa ating tanggapan sa Lipa para humingi ng tulong. Halos television na lamang ang bumubuhay sa kanila. Ngunit ang karamihan ay wala na talagang trabaho. Sa kabila nito ako’y naniniwala na kaya pa nating sagipin ang industriya. Sa palagay ko dapat pag-aralan ng ating pamahalaan kung paano mababawasan ang buwis na ipinapataw dito. Napakataas na at pataas pa ng pataas ang production cost ng paggawa ng pelikula. Kaya nagiging matamlay ang ating producers na gumawa ng pelikula.

Kailangan ding pag-aralan ng ating pamahalaan ang paglalagay ng regulasyon sa pagpasok ng mga dayuhang pelikula. Bigyan namang priyoridad ang ating sariling produkto. Nais ko ring idagdag na kailangan din naman pagbutihin ang mga istorya sa paggawa ng pelikula. Hindi yong nangongopya na lamang. Kailangang naman de-kalidad. May tatak Pinoy. Sa amin sa Lipa, nagpasa kami ng isang batas na nagbabawas ng amusement tax mula 30% to 16% sa lahat ng pelikulang Pilipino lamang na ipapalabas sa sinehan sa aming bayan. Ang buhay o ikabubuhay ng pelikulang Pilipino ay nasa ating mga kamay mismo. Nasa ating pamahalaan, sa ating mga movie producers, sa ating mga mismong manonood, sa ating mismong naririto ngayon. Tulungan natin makabangon ang industriya ng pelikula. – Excerpt of Gino Dormiendo‘s article for Mr. & Ms. Magazine, September 2005, reposted by: Pelikula Atbp (READ MORE)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.