Never…Is Now…for Vi – “The last time movie scribes were on Vilma Santos’ set of “Pag-puti ng Uwak, Pag-itim ng Tagak” in Majayjay they noticed the most cordial atmosphere on the set. Someone even naughtily noted that Vi and her leading man, Bembol Roco seem to be that “close” to each other. But both stars insist that they have become the best of friends since they were thrown together by their common interests, and their common respect for their careers. Remember that one of the first “hassles” of this picture was reportedly Bembol’s having shaved his head for his role in another movie? This director Celso Ad Castillo (CAC) did it too, shaved his head clean, that is, but Bembol has nothing to do with it. Remember that he is currently filming “Dalaga” with Rio Locsin in the title role and himself, CAC, as the leading man. A picture of many “firsts,” this is filmed in black and white and is considered by the director as his personal baby, to prove that he is a starmaker indeed, and a best picture producer to boot. CAC plays the role of a mentally retarded character in love with his leading lady. During the scribes visit, everyone was impressed by the harmony on the VS set. Vi said that they have four more days to go…to complete the picture. Then the “never” can be “now” showing in due time. She’s slated to finish three more movies before leaving for abroad to make a picture with Atty. Espiridion Laxa as producer and Christopher De Leon as her leading man…” – Super-Starliners, MOD Magazine, 04 April 1978, Reposted by James DR, Pelikula Atbp, 12 February 2018(READ MORE)
Vilma Santos’Grand Debut – “More than 40 years ago, Vilma Santos turned 18 (Nov. 3, 1971). Her grand debut party was held at the post Presidential Hall of The Plaza in Makati, attended by celebrities and other familiar names in and out of the movie world. Style Magazine covered the event. Vilma’s gown was a creation of Sonia Aquino, who later served as mayor of Tanauan, Batangas. Photos by Bob’s and cake by Joni’s. Vilma and her parents Mr. and Mrs. Amado Santos and Edgar Mortiz (then the debutante’s favorite leading man) received the guests. The guest list included: Eddie Peregrina (deceased) and Esperanza Fabon, now justice of the Court of Tax Appeals. Mildred Ortega (later wife of Gen. Mitch Templo). Ricky Belmonte (deceased) and Rosemarie Sonora, based in California. Panamin secretary Manuel “Manda” Elizalde (deceased). Janine Friaz and Baby de Jesus. From a pretty debutante in the ’70s, Vilma turned into an award-winning actress, Star For All Seasons and much-esteemed public servant. First as Lipa Mayor for nine years and then as Batangas Governor, also nine years. Vilma is the incumbent Congresswoman of Lipa. Photos are from Style Magazine.” – Danny Dolor, The Philippine Star, 25 February 2018 (READ MORE)
Chip off the old blockbusters – “…the father-son tandem of Edu and Luis is one of the local entertainment industry’s most sterling and “winningest” examples of artistic genetics successfully and even triumphantly at work. For sure, the fact that Luis’ mother is none other than the Star for All Seasons, Vilma Santos, is already a stellar and even right royal plus. But, Edu’s fatherhood is an even more relevant advantage in Luis’ case, because the scion has chosen to go more into Edu’s turf, hosting and TV gamesmanship, than into Vilma’s realm, acting. Not that he hasn’t acquitted himself well in the field of characterization, especially in “In My Life,” the dramatic film he made with Vilma and John Lloyd Cruz, in which his complicatedly conflicted characterization proved that he was a chip off Vilma’s thespic block. But, it’s as Edu’s scion and heir in the field of TV hosting and comedy that Luis has turned in his most winning betting chip—and converted it into a flourishing career that currently has him cohosting a talent tilt and sundry other programs, while still finding time to do occasional comedy flicks and attend to his businesses and sidelines. Like Edu, Luis favors the cool, laid-back and deadpan approach to TV hosting and gamesmanship. They’re both a lot of fun to watch and listen to. They’re genuinely witty enough to hold our attention and delight us with their patter and banter, so they don’t have to stand on their heads and browbeat us with the heavy-handed bat of gung-ho “humor” to make us laugh! Of course, Luis is more than just Edu’s clone, so it’s exciting to see where his TV-film career will take him next. Having artistically and scholastically prepared himself to do well in his evolving fields of endeavor for the long term, Luis should also host a talk show like his father had—or, he could go into politics and public service, like his effervescent and dedicated mom. All chips are loaded and at play for this scion of two exceptionally gifted and giving “blockbuster” parents—so, how could Luis Manzano not do the right thing?…” – Nestor U. Torre, Philippine Daily Inquirer, 07 February 2018 (READ MORE)
Vilmanians Need Not Worry – “The most memorable episode sa “See-True”ang naganap noong Huwebes (March 12)…Dumating si Nora Aunor! Maraming beses ko nang naririnig na susugod sa “See-True” si Guy kaya lang hindi ako naniniwala na magagawa niya iyon, ang magpakumbaba! That’s why when Ike, German and Eddie Ilagan told me that they were coming, na magge-gate crash sila sa “See-True” with Guy, I did not took them seriously…Tinanong ako ng mga reporters on the air kung ang pagdating ni Nora sa “See-True ay nangangahulugang wala na kaming gap! Of course wala na, sobra na naman ako, nagpakumbaba na nga ‘yong tao, hindi ko pa rin bibigyan ng importansiya! Ang ginawan ‘yon ni Nora ay pagpapatunay lamang na tao siya! Alam kong marami ang magtataas ng kilay sa ginawang hakbang na ‘yon ni Guy pero sabi nga ni Guy sincere siya sa pagpunta niya sa aking show at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Sincere din naman ako (bagama’t nabigla ako talaga) sa pagtanggap ko sa kanya. May nagtanong pa kung manunumbalik na ang dati naming closeness ni Guy. Well, only time could tell! Sa ngayon hindi ko pa masabi, siguro sa mga darating na araw, sa aming muli’t muling pagkikita ni Guy, only then malalaman ko if she is the Nora Aunor that I used to know before. Vilmanians need not worry (anyway I know they are broadminded) because my being close to Nora again doesn’t mean na pababayaan ko na si Vilma. Naging close na rin ako kay Vi, kung baga, nagkaugat na rin ang pagmamahal ko kay Vi, because noong may gap pa kami ni Guy ay nabigyan ako ng pagkakataon na makilala nang lubusan si Vi. She is such a nice girl, so sweet and unspoiled. I can’t forget her just like that. It’s even stupid to think na komo’t bati na kami ni Guy, galit na naman ako kay Vilma! That’s a lot of nonsense! Hindi na kami mga bata ha? Maraming nagtatanong kung bakit daw ginawa ni Nora ‘yon. Well, gaya nga ng sabi ko, ano man ang dahilan ni Guy, the mere fact that she went to my show (uninvited) is more than enough para makuha ko ang mensahe na ibig na niyang iparating! and for that, I sulute you, Guy!…” – Inday Badiday, Jingle Extra Hot Magazine, Reposted by James DR, Pelikula Atbp (READ MORE)
Tuloy pa rin ang war ng mga Vilmanians at Noranians – “…Hindi ito ilusyon at mismong ang inyong lingkod ay ayaw maniwala. Hanggang ngayon pala ay buhay pa at nabubuhay na nga sagad sa butong mga alalay ni Nora Aunor! Nagilusyon tayo noon ng ang karamihan sa mga nagaganap between Guy and her fans ay pulos kaplastikan. Mga bayarang fans sa pagtili at pakikipag-away; mga bili mismo ni Ate Guy na leis (bulalak) para isabit sa kanyang leeg saan man siya mag-perform. Mga pamilyang sinusupurtohan ni Nora para mabuhay. But this time, this writer can vouch for the truth sa bagay na ito. Napilit akong tumungo sa Municipal Hall ng Malabon dahil nandoroon halos at nagpapanik ang mga fans ni Guy at Vilma. Hindi kasi sila magkasya sa presinto kaya inilipat na sa ka-adjacent na municipal building. Larawan ng tila naglabo-labong mga basag ang mga pula at dinatnan natin doon. May mga sira-sirang damit, may kaunting duguanng fans, may halos umaarte na di makahinga’t to make this short, nag-rambulan pala sila! Biniro pala noong ilang maka-Vi na si Guy ay di na muling makabangon sa kanyang career…at tuluyan nang palaos. At siyempre di ito tinanggap ng maka-Guy, so bakbakan sila. Pakiusap nga ng pinaka-leader sa Guy warriors na iyon, na sana naman daw ay tapusin na ni Nora Aunor ang pagawit ng “live” at hindi iyong sa minus-one tape o lipsynch kaya. Dahil promise naman daw talaga ni Nora na tuwing Superstar Show niya ay magla-live siya sa pag-awit, con todo with the backing of a live music band, pero promise land daw ng promise si Guy, tuloy frustrated ang mga fans. Isa pa, si Guy lang daw ang sadyang makaka-sing ng live with a live orchestra. Sina Vilma, Sharon, Alma, etc ay di raw pwede kundi pre-records muna ang mga songs nila, dahil hindi sila kasing galing ni Guy! Doon daw nagsimula ang kantiyawan at kaguluhan! Taray pa nga noong isang maka-Vilma ay: “Sulong humingi kayo sa nanay Guy ninyo ng pera para mapa-gamot kayo! Tingnan lang namin kung may pera pang maibibigay sa inyo si Nora! Poor na siya (Nora) ngayon, dahil wala ng baliw na producer na kukuha sa kanya, iyong natitirang pelikula sa Regal ay bayad na sa kanya at may utang pa siya (Guy)!…” – Ray Farley Santos, Movie Star Magazine, 17 February 1988
Vilma nag-walk out sa show ni Kuya Germs – “…Gaanong rin katotoo na Vilma Santos walked out from onf of Kuya Germs’ TV show dahil naintriga raw ang Vilma sa security guard ng Broadway Centrum na nakaaway ng isa niyang alalay. Ang ibig sabihin, mas pinaboran pa ni Ate Vi ang alalay kaysa sa pagpo-promote ng kanyang picture na “Ibulong Mo Sa Diyos” kung saan iniwan niyang nag-iisa si Eric Quizon sa promotion nito? Naku ha? Ayaw ni Madir niyan…” – Ray Farley Santos, Movie Star Magazine, 17 February 1988, Source: Unnamed Anonymous Facebook User
The Issue on Kissing and Love Scenes Between Vilma Santos and Gary Valenciano – Nagliyab sa isyu ng kissing scene at love scene and lahat halos ng tabloid nang biglag-bigla, kumalat ang balitang naasiwa si Vilma Santos sa pagtanggi ni Gary Valenciano sa isang romantic scene nilang dalawa sa pelikulang “Ibulong Mo Sa Diyos” ng Regal Films. Sinadya namin ang aktres sa set ng nasabing pelikula at nagpayahag siya ng kanyang damdamin hingil dito. Kinabukasan, nakipagkita kami kay Gary Valenciano para siya naman ang magsabi ng kanyang feelings tungkol dito. Kay Ms. Vilma Santos muna tayo. Suot itim si Vilma Santos nang hapong iyon at isang eksena sa “Ibulong Mo Sa Diyos” and kanyang binubuno, kaharap niya si Nida Blanca habang tinatarayan naman siya ni Armida Siguion-Reyna. Pagkatapos ng ensayo, naka-smile ang box office queen sa pag-anyaya sa isang panayam. Bago pumuwesto sa kanyang upuan, kinuha ng aktres ang reading glass at isinuot, pagkatapos, nagpakuha siya ng sigarilyo para makapag-relax. Siyempre ang unang tanong ay tungkol nga sa isyu tungkol sa di umanong pagtanggi ng mang-aawit sa isang kissing and love scene nila ni Gary. At lumitaw pa ngang si Vilma ang nagpipilit na magkaroon ng love scene sa kanyang leading man! Nagpupuyos ang kalooban ng aktres dahil dapat si Gary sana ang maging kahiya-hiya kasi kalalake niyang tao, siya ang tumatanggi! At kay Ms. Vilma Santos pa mandin! Eh hindi bat maraming aktor ang gusto ngang makasama sa pelikula si Vilma, at kung maaari pa nga ay magkaroon sila ng love scene dito? Sabi ni Vilma: “Yon nga ang gusto kong i-correct eh. Parang sa klase ng mga write-up parang lagi na lang akong dapat makipag-kissing sa mga leading man ko. Na hindi na ako makakagawa ng pelikula na walang kissing scene. Mali naman yon, hindi naman sa kanyang mga mata ang galit. “Kung may mga kissing man sa mga ginagawa kong pelikula, hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa role na ginagampanan ko. Hinihingi ng istorya na makipagkissing scene ako at kailangan. “In the case of Gary Valenciano,” patuloy ni Vilma, “Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko si Gary, Of course, meron siyang sariling rason and I respect him for that.”
Ano nga ba ang talagang nangyari? Ayon sa balita, may love scene between Gary and Vilma. Dahil sa image ni Gary sa mga fans, especially sa kanyang mga tagahangang mga bata, naisipan ni Gary na huwag gawin ang eksenang iyon, kung puwede sana. Lumapit siya kay Vilma at sinabing, no offense meant pero hindi niya gusto ang love scene na iyon, kahit na sino pa ang aktres na involved. Pero wala ring nagawa si Gary dahil pinagpatuloy ang eksena. Ingat na ingat si Elwood Perez nang kunan ang nasabing eksena na tumagal dahil sa kaiingat na maging artistic. “Yung love scene naman namin ni Gary, it was done beautifully,” impormasyon ni Vilma. “Knowing Elwood naman, magandang lumabas ang eksena. It was done in good taste. Hindi lumitaw na garapal. Hindi lumitaw na bastos. At ang masasabi ko naman kahit na anong pelikulang ginawa ko, wala naman akong bastos na ginawa, eh. Kahit na yung pinaka-ano sa mga pelikula ko, gaya ng “Burlesk Queen” I had some love scene there, pero hindi naman lumitaw na bastos. No, wala akong ginawang pelikulang masasabi kong meron mang love scenes, lumitaw na bastos, not even in the most demanding scene in bed. Saka yung mga ganung eksena naman ang mga feedback sa akin when it comes to my romantic love scenes, okey lang, most fans say they like it, hindi garapal hindi bastos. “Now yung kaso naman ni Gary,” patuloy ni Vilma, “Malinis, malinis ang pagkakagawa ng love scenes naming dalawa. At maiintindihan ko siya kung bakit ganun ang kanyang reaction. I didn’t take it against him.”
Ano ang naging reaction ni Vilma nang lumapit si Gary sa kanya at sabihing tutol ito sa kanilang love scene na dalawa? “Hindi sa ayaw niyang makipag-love scene sa akin,” linaw ni Vilma. “Kasi hindi naman talagang maiiwasan ang love scene. Kasi nga sa takbo ng istorya, magkakaanak ko sa kanya, eh tatlo ang leading men sa pelikula. Sina Migel Rodriguez, Eric Quizon at Gary nga. Kay Gary ako magkakaroon ng anak kaya imposibleng hindi ako magkakaroon ng love scene sa kanya. Ang istorya kasi boyfriend ko siya, singer sa Japan, umalis, pagbalik siyempre, pareho kaming nasabik. “There was a love scene in the movie,” patuloy ni Vilma. “Kasi nga lang ang ibang write-ups masyadong exaggerated.” At anong exaggerations na iyon? “Unang-una, sabi sa mga write-ups, naka-brief daw si Gary nang mag-love scene kaming dalawa. Hindi totoo ‘yon! Hindi siya naka-brief. Tapos, ganun din daw si Eric Quizon. No, hindi siya nag-brief sa ano mang eksena kasi wala naman kaming love scene togethere.” Ano nga ba ang masasabi ni Vilma sa dalawang baguhang partner niya sa pelikula na sina Eric Quizon at Gary Valenciano? Ma natutunan ba siya sa mga ito? Sabi ni Vilma: “Let’s face it, mga newcomers ang dalawang ito. Lalo na sa case ni Gary na bihirang gumawa ng pelikula. Ipinaramdam ko sa kanya na not because he mentioned na he is against kissing scene, I will feel bad. Nag-usap kami, no naiintindihan kita Gary. In the first place hindi naman ako yung artista na naghahanap ng kissing scene sa bawat leading man ko. Sino bang may gusto nun? It’s just that you are in front of a camera at kailangan mong gawin. Nag-usap kaming dalawa nang malaman namin na hindi talaga maiiwasan ang love scene. Depende lang naman sa dalawang magkakaroon ng romantic scene kung ano ang gagawin nila sa harap ng kamera. “I see to it na relaxed ang leading man ko when it comes to love scene.” patuloy ng aktres. “Para walang tensiyon, walang kaba, hindi stiff, ang as the same time hindi rin sila nahihiya. Sa case ni Gary, naiintindihan ko siya, ang kanyang pagiging born-again Christian, ang tungkol sa kanyang mga fans, sa image niya. But what can we do kung kailangan talaga sa pelikula?” – Arthur Quinto, MRTC, 14 December 1987, Source: Unnamed Anonymous Facebook User
Hindi Ko Tinanggihan si Vilma – Naging kontrobersiyal si Gary Valenciano sa kanyang ginawang pagtanggi sa kissing and love scenes nilang dalawa ni Vilma Santos sa pelikulang “Ibulong Mo Sa Diyos” ng Regal Films. Sinadya namin ni Gary sa kanyang mini-office sa Greenhills kung saan naroon ang mga tindang furnitures ng kanyang kabiyak na si Angelli. Noong una, ayaw na sanang pag-usapan pa ni GAry ang tungkol sa isyung yon. “Let us just talk about my forthcoming concert. Pure Energy sa Folk Arts Theater, December 18 and 19, sabi niya. Pero kapagdaka, naisip niyang bakit hindi na nga niya linawin ang lahat para sa ikatutuwid ng tunay na balita. “Ay naku,” himutok nia, “You know, it’s a pitty talaga, I found out na the writer who wrote about it pa, wasn’t even there!” “He wasn’t present that time and he doesn’t know anything about the scene at all,” patuloy niya, ang tinig ay unti-unting umaalsa na. “If people watch it now, with bak up from that write up, they will think it’s so vulgar. But if the writer wrote something good about it, something clean about it, people will take it differently.” Ayon kay Gary, tinanggap niya ang pelikulang “Ibulong Mo Sa Diyos” dahil sa gusto naman niyang masubukan ang drama at dahil na rin sa titulo nito at mga binagong bahagi ng istorya, gaya nga ng love scenes. Sa mga nagkalat na balita kung saan binubulgar ang love scene na iyon, nabalitang naghuhubad si Gary at nagsuot lang ito ng brief sa naturang eksena. “I don’t know why they have to write that bad and untrue!” You see they even put malice on it. They put so much malice into, parang binulgar na lahat!” Ayon kay Gary isang malaking karangalan ang makasama sa pelikula si Vilma at ito nga ang kaunaunahan niyang drama kung saan niya makakasama ang kinikilalang box-office star. Pero sabi niya, hindi niya talagang gusto ang nasabing promotion na kumakalat sa hindi magandang aspeto ng pelikula. “I know it’s showbiz but then I realize after all these years showbusiness here hasn’t changed at all. Ganun pa rin. And it really is degrading. It can really put down people.”
Sa mga press people ayon kay Gary, meron siyang pinagkakatiwalaan. Meron namang hindi. Marong magandang sumulat. Merong namang hindi. “And there are presss people who I have to admit who are reeally and whom I respect, majority of them who actually I respect.” Because majority of them respect me.” Pero marami pa rin ang gustong malaman ang tutoo. Tinaggihan ba ni Gary Valenciano sa kissing scene si Vilma Santos? Bakit sa dinami-dami ng mga aktres and dakilang bituin pang ito ang kanyang tinaggihan? “Pero hindi ko tinatanggihan si Vilma!” agap ng matinee idol at sikat na balladeer. “It’s just that I didn’t like those nasty write-ups where so much malice is put into it.” Nang mapilitan si Gary na tanggapin ang alok na iyon mula sa Regal Films, humingi nga siya ng demads, sabi niya, “Talagang I was really opposed accepting the offer because in the first place, because of that scene. Also because of my schedules. I was very much occupied with my singing stints, and I have to beg off with the movie. For a time I even went abroad for a performance but then Regal Films told me that they will wait for me at hihintayin nila ang pagdating ko.” Ayon kay Gary hindi pa tapos and pelikulang “Ibulong Mo Sa Diyos.” At ang sabi niya, hanggang December 1 ang kanyang ibinigay na panahon para siya makapag shooting. “After December 1, we will have full rehearsals for my concert at the Folk Arts on December 18 and 19.” Sabi ni Gary, hindi siya nagwo-worry kung makasabay man niya ang kilalang “Menudo” na meron ding performance sa ganung date sa Araneta Coliseum. “I believe if there will be people who will watch the Menudo, there will also be people who will watch my show, I am nervous but I am positive people will gonna watch my show, too. Okey lang kund konti ang manuod pero I feel na merong manunuod, I just hope na marami ang magwatch ng show.” Pagdating sa kanyang concert, wala ngang kaba si Gary pero sa mga maglalabasang write-up na hindi maganda ang pagkakalarawan sa kanya bilang isang respetadong mag-aawit, doon siya nagalala. Para kay Gary, apektado ang kanyang mga tagahanga sa mga ganitong uri ng write-up. Meron siyang mga tagahangang mga bata at paano nga naman niya i-endorse ang pelikulang ito nila ni Vilma kung ang maglalabasang mga write-up ay nag-brief pa siya. “The truth is that I didn’t know how come they would print dirty things like that.” Pero sabi ni Gary ang isang magandang pangyayari ay naging magkaibigan sila ni Vilma at nagtatanong na nga ito tungkol sa kanyang pagiging born-again. “I guess that is one reason why I was put into that movie.” pagwawakas ni Gary. – Arthur Quinto, MRTC, 14 December 1987, Source: Unnamed Anonymous Facebook User
Magpapakasal Uli – Right after Vilma Santos announced na may bago ng nga siyang love affair ay isang panibagong announcement naman ang hinihintay ng publiko, kung siya ay mag-aasawa pang muli. It can be expected naman dahil sinabi ng nga nilang kapwa ng kanyang asawa na wala na silang pakialaman pagdating sa mga ganoong bagay, and since she has publicly admitted having an affair eh bakit nga ba hindi pa siya mag-asawang muli. Of course there is that problem na nagpakasal nga siya sa abroad, pero hindi rin naman sila nakatitiyak hanggang ngayon kung ang kasal na iyon ay may bisa nga dito sa Pilipinas o wala. It was said then na baka nga noong magpunta siya sa US ay mag-file na siya ng divorce doon para makapag-asawa but she did not do it. She has also never checked on the validity of her former marriage with her husband, pero inaamin nga niyan in love siya sa ngayon and she has been admitting na hindi nga malayong magpakasal siyang muli. Minsan nga ay nadalaw namin si Ate Vi sa set ng Saan Nagtatago Ang Pag-ibig and we asked her kung ano ang tagalagang position niya sa bagay na ito. “Kung sa pagpapakasal na muli, as I’ve said even before kung dumating ang panahon na sa palagy ko ay dapat akong magpakasal. I’ll do it. Pero sa ngayon naman ay maayos pa ang lahat sa ganitong buhay eh. Alam naman ng boyfriend ko kung ano ang problema namin, in the first place we haven’t checked naman kung totoo ngang valid iyong marriage ko dito sa Pilipinas or what. Kasi minsan nga pinag-uusapan namin, may process pala iyan. Halimbawa nagpakasal ka sa abroad, kailangan iyong minister na nagkasal sa inyo ay i-report iyon sa embassy ng bansa ninyo, na siya namang magpapadala noon sa local civil register para maging valid and kasal ninyo legally.
They were telling me that there is such thing as a marriage that is void, and there is such thing as a voidable marriage. I hardly understand that at first, hindi naman ako isang abogado eh. Pero I was told that a voidable marriage is something which took place but can be declared void because of some technicalities. Halimbawa nga iyong kasal namin, hindi naman kami resident noong lugar na iyon, nagpakasal kami and that was it. Hindi mo naman masisi iyong ngakasal sa amin dahil he is a minister of the gospel, at siyempre ibang patakaran ng simbahan nila sa patakarang legal. It is valid for him, but there may be some technicalities later on which may be enough reason to declare the marriage null and void since the very beginning. Marami nga silang sinasabing reasons, may moral reasons pa na hindi naman daw kami miyembro ng simbahang iyon because we were both Catholics, tapos nga parang kulang-kulang eh kasi naroroon lamang naman kami as tourist at that time tapos bigla nga nila wala naman daw problema iyon kung sakali at maisipan kong mag-asawang muli,” sabi ni Vilma. Pero naisipan na ba niyang usisain ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang kasal na nauna? “Hindi pa, kasi bakit ko pa nga hahabulin iyon sa ngayon eh hindi pa naman talagang kailangan, at ang sabi nga nila mayroon na naman daw bagong batas, iyon ngang Family Code which defined everything more clearly, which will take effect daw a year after it’s official publication, at ang biruan nga dito wh hintayin ko na lang daw ang effectivity noong batas na iyon at mas magiging madali ang process just in case. I was also told by another friend, sabi nga niya dati daw ang interpretation eh mag-asawa nga kami dahil wala namang impediment sa aming marriage noon, but then technically we didn’t declare a joint tax return, we didn’t live together for five years, at daka marami pa silang sinasabi eh, so aywan ko ba. Sabi ko nga sige lang mag-advice lang sila sa akin at baka pakinabangan ko pa rin ang lahat ng iyan pagdating ng tamang panahon. Ano ang malay nila hindi ba,” sabi ni Vi.
Sa tinging ba niya ay magkakaroon ng opposition mula kay Edu kung sakali at gusto na niyang mag-asawa muli o kaya ay ipa-declare niyang null and void ang kanilang kasal? “I don’t think Doods will ever be a problem. Kasi nga nag-usap na kami tungkol diyan, noon pa mang maghiwalay kaming dalawa. Ang usapan nga namin eh sige lang kung may magustuhan siyang iba, hindi ako kikibo at kung magkaroon man ako ng panibagong affair ay hindi naman siya makikialam. After several times na nagkagalit kami at naghiwalay, sinabi nga namin sa isa’t isa na that was it. Hindi na kami magkakasundong talaga. Ano naman ang reason para pahirapan pa namin ang isa’t isa kung talagan hindi na kami magkakasundo. Mas mabuting mag-usap kami, at huwag na kaming maging problema sa isa’t isa. Minsan nga napag-usapan namin ulit ang bagay na iyan at it seems hindi naman magiging problema si Doods. Palagay ko maiintindihan niya ang lahat. Kasi alam naman niya na ako iyong tipong ang gusto ko ay nasa ayos ang lahat ng bagay. Kung kailangan na talagang ilagay sa ayos ang lahat I’ll get married, but first I haven’t check nga kung may bisa talaga iyong kasal namin. You know there was time na sabi nga nila bakit daw hindi kami mag-file ng divorce, but I was adviced na mas mahirap iyon because it is not recognized in this country, at kung magpa-file ka ng divorce you yourselves confirmed the validity of the marriage. Eh sabi nga nila voidable daw naman iyong marriage namin eh di mas mabuti nga iyong ganoon para makapagpakasal pa kami ng legal dito sa atin. Pero huwag naman ninyo akong madaliin tungkol sa mga bagay na iyan. Noong araw sinasabi ko, basta magpapakasal ako sasabihin ko ang tooto sa publiko. That promise was broken when I got married and even denied it at first. Pero ngayon uulitin ko ang pangakong iyon. Kung magpapakasal na ako, ipapaalam ko sa publiko, huwag lang ninyo akong madaliin, maghintay na lang kayo ng kaunting panahon pa,” patapos na pahayag ni Vilma. – Ed De Leon, MRTC, 14 December 1987, Source: Unnamed Anonymous Facebook User
Indeed A Natatangi – “Vilma Santos is the recipient of this year’s Natatanging Gawad Urian, the critics’ lifetime achievement award. Needless to say, much deserved as Ate Vi is indeed “Natatangi” (read exceptional, chosen one). There are petty minds who say that she was “snubbed” by the Manunuri ng Pelikulang Pilipino for not nominating her best actress for a film she did last year. They, in turn, feel that Ate Vi should “snub” the awards night on July 20 by not attending it. Foolish. Of course, Vilma will be around to receive her Natatanging Gawad Urian – barring unforeseen events. She is in the best of terms with the critics, particularly Butch Francisco and Mario Hernando. The critics have previously honored Ate Vi with eight best actress trophies. As a public servant, Ate Vi is also “Natatangi” – nine years as Lipa City mayor and nine years as Batangas governor. She’s on her first term as Lipa congresswoman. Outstanding – Let’s look back at her showbiz career and recall some of her outstanding films. The ones she did with National Artist Ishmael Bernal. Consider “Relasyon,” “Broken Marriage,” “Pahiram ng Isang Umaga” (all with Regal), and “Ikaw Ay Akin” (with Nora Aunor, for TIIP). How about the ones she starred in directed by another National Artist, Lino Brocka? “Adultery,” “Hahamakin Lahat” (for Regal), and “Rubia Servios (for MVP headed by Manay Ichu Maceda). For Laurice Guillen Ate Vi did “Ipagpatawad Mo” (Viva), “Dolzura Cortez” (OctoArts), “Kapag Langit ang Humatol” (Vision, owned by Charo Santos-Concio). More – There are more outstanding films Ate Vi did with other directors; For Chito Roño: “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” and “Dekada ‘70” (for Star Cinema); Marilou Diaz-Abaya: “Baby China” and “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” (for Viva); Eddie Garcia – “Saan Nagtatago ang Pag-ibig” and “Sinasamba Kita” (for Viva); Mike de Leon – “Sister Stella L” (for Regal); Danny Zialcita – “Karma” and “T-Bird at Ako” (with Nora Aunor, for Danny’s film outfit); Elwood Perez – “Pakawalan Mo Ako,” “Nakawin Natin ang Bawat Sandali.” Other Awards – Aside from Urian, Ate Vi also received best actress awards from FAMAS, Star, Academy, Cinemalaya, and Metro Manila Film Festival. By the way, UP bestowed on her the Plaridel Award for her cinematic achievements – and public service, as well.” – Ronald Constantino, Tempo, 08 July 2017 (READ MORE)
Director Turned Leading Man – “Award winning actor-director Eddie Garcia moves from behind the camera to play opposite Vilma Santos in the forthcoming “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan.” Eddie directed Vilma in two of the local film industry’s biggest record breakers “Sinasamba Kita” and “Paano Ba Ang Mangarap” both for Viva Films. Vilma starred opposite Christopher de Leon in these pictures and the combination along with Eddie as director, George Canseco as musical director and Romeo Vitug as cinematographer spelled phenomenal performance at the box-office. In “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan,” Eddie plays the role of Vilma’s kind and understanding husband. The marriage is far from perfect for Vilma is haunted by a past love who returns to wreak havoc on her life with Eddie. The third party in the tirangle is played by Christopher who is on his 12th acting jaunt with Vilma. “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” is directed by Marilou Diaz Abaya and scheduled for release early this December. The movie also stars Mona Lisa and Baby Delgado.” – Unknown writer, from online source, Circa 1982
Patas Lang – “…It has been an exciting 21 years in showbusiness for Vilma Santos. From the time she was eight years old to the present, Vilma claims never to have rest from acting. There was not a year that she did not have a movie, even during the so-called awkward ages when most girls lay low only to emerge again when they are full-grown dalaga. Acting has been Vilma’s entire life and she has loved every minute of it. “I cannot imagine my self doing anything else,” she says. Which is also perhaps why things are coming up roses for her. Vilma puts her entire faith and love in her career and it has given the same back to her. “Patas Lang,” she says…” – Bibsy Carballo, Source: unknown Circa 1984
Vilma TV Show @ Met – “…Vilma In Person, first appeared on August 8 1986. The pilot episode was shown from the Metropolitan Theater as a temporary studio where Vilma Santos and the VIP Dancers performed. Broadcast live from the Met every Friday until the 1990s, the popular musical variety show then moved to GMA Broadway Studios. While several top Filipino celebrities made their debut at the Met, its condition deteriorated in the ’90s due to several factors…” – Unknown source
Pakana ni Jun Nardo ang pagbabati nina Vilma at Maricel para hindi siya naiipit sa raket niya?! – “Sa April din, magiging 13 years old na ang anak niyang si Luis (hindi na Lucky ang tawag niya dahil binata na raw). “Ang laki na,” aniya. “Mas mataas na sa ‘kin. Gano’ng parang kailan lang, baby pa. Gusto raw niyang maging pilot at maging member ng US Air Force. Pero I’m sure magbabago pa ‘yon.” She’s glad na talagang nagkabati na sila ni Maricel Soriano. “Nagda-dubbing ako sa fourth floor ng Magnatech and I heard, nasa ibaba raw siya’t nagda-dubbing din. Maya-maya, heto na may kumakatok na. Siya pala, kasama si Jun Nardo. ‘Ayun, nagbatian kami’t nagyakapan.” Sabi namin, we’re sure na si Jun Nardo ang nagpursigi sa pagbabati nila para hindi na siya naiipit ngayong he does PR work for both of them. “Siguro nga,” ani Vi. “Kasi ang daming hawak ngayon ni Jun, eh. May Sharon Cuneta na, may Miguel Rodriguez, Ruby Rodriguez at Jean Garcia pa. At may Maricel pa.” O, Jun, knows pala ni Ate Vi lahat ng karaketan mo. Pero okay lang daw sa kanya -bilib it or not.” – Mario E. Bautista, Unknown source, Circa late 1980s
Vilma Santos, 40th Gawad Urian Lifetime Awardee – “Marami ang nag-akalang hindi sisipot si Vilma Santos sa 40th Gawad Urian na ginanap nitong nakaraang Huwebes ng gabi. Inisnab daw kasi ng Urian ang pinag-usapang acting ni Ate Vi sa All About her na limang best actress awards na naibibigay sa Star for All Seasons. Kaya marami ang nagulat na kahit kararating lang galing sa America ay present ang beauty ni Ate Vi sa Gawad Urian night para tanggapin ang Gawad Urian Lifetime Achievement Award. Ayon kay Ate Vi, malaki ang utang na loob niya sa Urian sa pagkilala sa kanya simula pa noon at magpahanggang ngayon. Katunayan, walong best actress awards na ang napanalunan niya sa nasabing award-giving body. “I guess I am lucky enough to be given eight awards kaya iyon lang, eh, dapat ko nang ipagpasalamat sa Urian,”sey ni Cong. Vi. Aniya pa, malaking bagay para sa kanya ang panibagong karangalang ibinigay sa kanya ng Urian. Kahit nasa pulitika na raw siya ngayon, iba pa rin ang pakiramdam niya sa tuwing nakakatanggap siya ng parangal sa pagiging aktres niya. Kahit mas abala na siya sa pagiging publick servant, hindi pa rin niya nakakalimutan ang industriyang kinalalakihan niya – ang industriya ng pelikula at telebisyon. Kasabay ring pinasalamatan ni Ate Vi ang The Eddys na siya rin ang hinirang na best actress, pero hindi niya personal na natanggap ang kanyang tropeo dahil nasa America siya noon. Hindi rin niya nakalimutang baggitin ang Vilmanians na palaging nakasuporta sa kanya sa showbiz man o sa pulitika. “Kaysarap ng pakiramdam dahil sa mga Vilmanians ko na walang sawa ang suporta na ibinibigay nila sa akin. Sa totoo lang naman, sobrang suwerte pa rin naman ako dahil andiyan pa rin sila,” lahad pa ng Star For All Seasons. Samantala, sa darating na Star Awards for Movies na gaganapin sa September 3 ay muling nominado si Ate Vi para pa rin sa All About Her at sila pa rin ng kumare niyang si Nora Aunor ang mahigpit na magkalaban. “Kami naman ni Kumare, eh, graduate na kami riyan. Kumbaga, sinuman ang manalo eh happy kami for sure.” pahayag ni Vi.” – Jimi Escala, Balita, 22 July 2017
You must be logged in to post a comment.