Burlesk Queen, Reyna ng Pelikulang Pilipino

This slideshow requires JavaScript.

Celso Ad. Castillo’s Burlesk Queen surpasses past attempts to integrate cinematic qualities in a film and Castillo’s own previous experiments, which critics found bombastic and purely commercial. Like no other film by Castillo or other directors, Burlesk Queen, with its synchronized techniques and the significance of its message successfully gives substance to the trendy subject of sex-for-sale. The movie tells of a teen-age burlesque dancer in the ’50s, who suffers deprivation, personal crises, alienation, and in the end, an abortion as she dances her grand finale for survival. With such a simple plot, the movie laudably brings together the talents of director Castillo, screenwriter Mauro Gia Samonte, musical director George Canseco, actors Vilma Santos, Rollie Quizon and Roldan Aquino, cinematographer Ben Lobo, and editor Abelardo Hulleza. Castillo’s creativity is seen in the use of radio darma and music, meaningful gestures, and visual metaphors or allusions to give added psychological and emotional dimensions to dramatic situations. Lucid exposition and delineation of the conflict are carried out through particular techniques like ensemble acting to reveal the individual characters’ needs, emphasis on visual details rather than talky dialogues to drive home a point, and active camera movements (cuts) to suggest the passage of time in the burlesque dancer’s career. The tragic ending is prepared for by a logical presentation of what happens eventually to all the characters. Artistic form and meaningful content merge to convey the film’s statement on society’s view of low-class entertainment. Moralist censure burlesque dancing, but as the stage impressario in Burlesk Queen asks, what form of entertainment then should be given to ordinary people who cannot afford to watch shows which are exclusively for the rich who dictate the community’s morals? The irony lies in the fact that while audiences are entertained, the performers’ lives are none of their concern. For these cheap entertainers who dare to live outside society’s moreal laws, there is only condemnation. – Jun Cruz Reyes, The URIAN Anthology 1970-79, reported by Simon Santos, Video48 Blogspot, 27 August 2018

Maraming reklamo ang tagasubaybay ng pelikulang Pilipino. ‘Yun nga namang mga paksa noong “nineteen forgotten” at panahon ng kopong-kopong tulad ng pag-iibigan ni mahirap at ni mayaman ay siya pa ring kinagigiliwang tema hanggang ngayon. Sabi nga, ang mga ganitong pelikula ay maikukumpara sa mga dulang panradyo. Puwedeng ipikit ang mga mata sa loob ng sinehan at pakinggan na lamang ang usapang kinargahan ng waring walang katapusang “ngunit papa” at hagulhulan. Kung nakakaasar ang pelikulang mala-radyo ay ganoon din ang pelikulang mistulang pang-TV naman. Ito ang klase ng pelikula na ang mga tauhan ay pirming nasa sala at nagwawalis habang nag-uusap dahil wala nang ibang set na mapuntahan. Sa ganitong pelikula ay waring tinatamad ring kumilos ang isa o dalawang kamera. Sa dalawang salita, ito ang klase ng pelikula na tinipid at pinag-ubra. At siyempre ang resulta ay basta-basta. Mayroon ding pelikula na para namang komersiyal na dadaanin ka sa ganda ng sinematograpiya na sa biglang akala’y parang maganda, pero tulad ng paninda’y walan naman palang lasa. Sa madaling salita nawawala ang tinatawag na pelikulang de-kalidad at ang sangkap nitong “refreshing touch.” Sa pag-eeksperimento ng mga direktor, may ilang nakahulagpos sa pelikulang mala-radyo at mala-pang-TV. Gayumpaman, marami sa nag-eksperimento ang hindi makakapa ng tamang pormula, ang pagtutulungan ng maraming tauhan sa paggawa ng pelikula, tulad ng kombinasyon ng magandang istorya, mahusay na direktor, makinis na sinematograpiya, matinong editing, mahusay na set, angkop na tugtugin at mahusay na pag-arte. Kapag napag-isa ang mga sangkap na ito, nakakapanood na nga tayo ng isang mahusay o namumukod-tanging pelikula.

Si Celso Ad. Castillo ay marami nang naunang ekspiremento. Pero pumaltos sa pamantayan ng mga manunuri. Maraming nagsuspetsa na may ibubuga siya, pero hindi lang talaga maibuga nang nasa tiyempo. Malimit ang kanyang pelikula ay maingay at maraming sobra. Halimbawa, maraming karahasan na wala namang katuturan ang kanyang Madugong Daigdig ni Salvacion, seksing walang kadahilanan (pinagandang garapal) ang kanyang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa, numero unong manggagaya ang kanyang Maligno, at sabog-sabog ang kanyang pinakamagandang nagawa, ang Daluyong at Habagat. Kung may magkamali mang pumuri kay Celso, iyon nama’y halos pakunsuelo-de-bobo lamang, at hindi ito sapat para itaas ang kanyang pedestal sa ranggo nina Bernal, Brocka at Romero. Wari ngang napako sa komorsiyalismo ang direktor na inaabangang maglalabas ng natatagong talino. Lalong nagduda sa kanyang kakayahan ang mga kritiko nang kumalat ang balita na gagawa siya ng serye sa TV na ala-Cleopatra Jones na papamagatan naman niyang O’Hara. Pero ang direktor na ipinapalagay na laos ay biglang pumalag nang walang kaabog-abog. Bigla’y nabalitang may inihanda raw itong pang-festival na ikinataas na naman ng kilay ng kanyang mga kritiko. “Aber tingnan,” ang pasalubong sa balita. At sa preview ng kanyang Burlesk Queen, biglang napa-mea culpa ang ayaw maniwalang may ibubuga nga si Celso. Tiyak na naiiba ang Burlesk Queen, kahit ikumpara sa mga naunang trabaho ni Celso at sa iba pang direktor na nagtangkang tumalakay sa paksang ito. Matagal-tagal na rin namang nauso ang kaputahan sa pelikula, pero walang nakapgbigay ng katarungan sa lahi ni Eva bialng Pilipina at bilang puta. Sa Burlesk Queen, para kay Celso ay hindi nangangahulugan ng pagpapakita lamang ng utong, puwit, o singit, kung hindi isang kapani-paniwalang dahilan na nangyari sa isang makatotohanang kapaligiran.

Sa kanya, ang tao ay hindi bast maghuhubad at magtatalik. Maraming pangyayari sa buhay ang dapat munang linawin at unawain, at iyon ang basehan ng kasaysayan. Simple lamang ang plot. Isang tinedyer si Vilma Santos na alalay ng isang orihinal na burlesk queen, si Rosemarie Gil. May tatay na lumpo si Vilma, si Leopoldo Salcedo. Si Rosemarie naman ay may kabit na hustler, si Roldan Aquino. Nang iwanan ni Roldan si Rose, nagwala ang huli. Naging lasengga siya at tumangging magsayaw sa tanghalan. Mabibitin ang palatuntunan, kaya’t si Vilma na talaga namang may ambisyong magsayaw ang pumalit. Hit naman sa manonood si Vilma. Sa bahay, pilit kinukumbinsi ni Vilma si Pol na payagan na siyang maging full-time danser. Ayaw ni Pol, mas mahalaga sa kanya ang prinsipyo at delikadesa. Sapagkat wala namang ibang pagkakakitaan, si Vilma rin ang nasunod sa bandang huli. Nag-suicide si Pol nang hindi na niya masikmura ang pasiya ng anak. Si Rollie Quizon naman ang binatilyong masama ang tama kay Vilma. Nagtanan sila at nagsama. Pero hindi sanay sa hirap si Rollie. Sa pagpili sa pag-ibig o ginhawa sa buhay, ang huli ang pinahalagahan niya. Nagkaton namang buntis na si Vilma. Sa pag-iisa sa buhay, nagbalik siya sa pagsasayaw. Nagsayaw siya nang nagsayaw hanggang duguin siya sa tanghalan at malaglag ang kanyang dinadala. Bagama’t simple ang plot ay hindi naman masasabing simple ang pamamaraang ginawa rito ni Celso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nangyari sa isang pelikula ang pagsasama-sama ng magandang istorya, mahusay na direksiyon, magaling na pag-arte ng mga tauhan, masinop na musika, magaling na editing at angkop na sinematograpiya.

Sa Burlesk Queen ay nagsama-sama ang talino ni Celso (direktor), Mauro Gia Samonte (story and screenplay), George Canseco (musical director), Ben Lobo (cinematographer), at Abelardo Hulleza (editor). Kung may ipipintas sa pelikula, iyon ay ang hindi malinaw na pagbuhay sa panahon na nangyari ang kuwento. Kung minsa’y maiisip na nangyari ito sa panahon ng kasikatan ni Elvis noong 1950s. Pero kapag pinansin na maraming ekstrang may mahabang buhok, may wall paper at sintetikong sako ang bahay nina Vilma ay maari namang sabihing baka naman pa-Elvis craze lamang ang mga tao roon. Pero may pulitiko, at Yabut, at may dagdag pang Connie Francis bukod sa motorsiklong Lambretta at mga kotseng Buick. Kunsabagay, maliliit na detalye lamang ito na agad makakalimutan kapag ang inasikaso ay pagbubuklat sa magagandang punto ng istorya. Tingnan natin ang ilang magagandang eksena sa pelikula. Sa ikalawang eksena ay nagtatanong si Vilma kay Rosemarie kung puwede rin siyang maging danser. Walang malinaw sa sagot ni Rose, pero ang timing ng background music na “It’s Now or Never” ay makahulugan. It’s Now or Never nga, payo ni Elvis. At kung kailan siya maaaring mag-umpisa. Tomorrow, sabi ng kanta. Ang ganitong sagot ay nasa mukha ni Rose, pero hindi na kailangang sabihin.

Ang ganitong pamamaraan ay tinatawag na creativity ng direktor, na nagdagdag ng ibang pamamaraan sa paghahayag ng damdamin ng tauhan. Sa paglakad ng istorya, dapag ding pansinin kung paano ang karakterisasyon ay binubuhay dito. Halimbawa, sa isang eksena na nangyari sa isang patahian ay nag-abot sina Dexter Doria, ang bagong kabit ni Roldan Aquino, at si Rose. Naroroon din si Vilma at sa hindi kalayuan ay si Rollie. Maliwanag na may kaniya-kaniyang pangangailangan ang mga tauhan at magkakasama sila sa iisang eksena. Walang nakawan ng eksena na naganap dito. Nag-insultuhan sina Dexter at Rose, natameme si Roldan at waring walang pakialam sina Rollie at Vilma na panay-na-panay ang kindatan. Lalo namang walang pakialam ang dalawang pulubi na tumutugtog ng biyolin (na siya ring background music) sa mga nagyayari. Limos ang mahalaga sa kanila. Sa eksenang ito’y may gamit ang lahat ng tauhan, wala sa kanilang nagsilbing dekorasyon, walang nag-o.a. at pare-pareho nilang ginawang makatotohanan ang komprontasyon. Magandang halimbawa ito ng orchestrated acting. Kung allusions naman ang pag-uusapang, marami ritong mga sariwang metapora na mababanggit. Isa rito ang mahusay na pagpapakita ng birhen pa si Vilma sa sex act nila ni Rollie. Habang sa likod ng tanghalan ay may nagaganap sa magkasintahan, sa tanghalan ay nang-aaliw naman ang mga akrobat na sinundan na isang madyikero na tumutusok ng sariling noo, nagbabaon ng pako sa ilong at lumululon ng espada. Masakit tingnan iyon. At ganoon din ang nararanasan ni Vilma sa likod ng tanghalan sa piling ni Rollie. Hindi rin madaldal ang pelikula. Kung itatanong kung paano tinanggap ni Pol ang pasiya ng anak, nagtulos na lamang siya ng isang makahulugang kandila sa altar na para na ring sinabing “bahala na ang Diyos sa iyo.”

Kung paano naman ipinakitang naging mananayaw na nga si Vilma, sapat nang ipakita ang isang trak na nagbababa ng isang wheel chair na ipapalit sa lumang tumba-tumba ng ama. Maging ang paglakad ng panahon ay nararamdaman din ng manonood kahit hindi ikuwento o ipakita ang kinagawiang pamamaraan at ulat ng “nalalaglag na dahon ng kalendaryo o dahon ng puno kaya.” Sunod-sunod na cuts na nagpapakita sa uri ng palabas sa tanghalang kinabibilangan ni Vilma ang ginawa ni Celso. Saka ito sinundan ng kuha naman sa bahay nina Vilma at Rollie. Nag-iinit ng tubig si Vilma habang nakikinig ng dula sa radyo tungkol sa buhay ng isang asawang tamad at ireponsable. Ganoon nga ang nangyayari sa buhay ng dalawa, at may kasunod ring “abangan sa susunod kabanata.” Sa paghihiwalay ng dalawa, sapat na ring iparinig ang awiting “You’re All I Want for Christmas” para buhayin ang irony na nagaganap sa relasyon ng dalawa. Kung makinis ang eksposisyon at pagbuhay sa tunggalian ng istorya, malinaw rin ang paghahanda sa wakas ng pelikula. Si Rose na laos na ay naging mumurahing puta. Si Dexter kahit hindi ipakita ay maliwanag na sumama na sa ibang lalaki. Si Roldan ay may bago nang kabit at napatay sa spiral staicase ng tanghalan na siya rin niyang dinadaanan sa paghahatid sa dalawang naunang kabit. Si Rollie, ang mama’s boy, ay natural bawiin ng ina. Si Vilma ay nagsayaw nang nagsayaw. Sa simula’y mahinhin at nakangiti at kaakit-akit hanggang sa pagbilis ng pulso ng tambol at pompiyang balakang, upang sa pagbuhay sa damdamin ng manonood ay siya namang maging dahilan ng pagkalaglag ng sanggol na kanyang dinadala. Sa labas, matapos ang pagtatanghal, may tatlong bagabundong naiwan na nakatanghod sa larawang pang come on ng burlesk queen, habang ang kadilima’y bumabalot sa kapaligiran. Kung matino ang kaanyuan ng pelikula, ay ganoon din ang masasabi sa nilalaman. Makatotohanan at masinop ang pagtalakay sa buhay ng isang abang mananayaw. Tinatalakay rin dito kung paano siya tinatanggap ng lipunan at inuusig ng mga tagapangalaga raw ng moralidad. Maging ang empresaryo ng tanghalan na ginampanan ni Joonee Gamboa ay may konsiyensiya rin at nagtatanong sa atin kung anong panoorin ang dapat ibigay sa isang ordinaryong Pilipino na hindi kayang pumunta sa mga mamahaling kainan upang manood halimbawa ng Merry Widow at Boys in the Band. Ang stage show ang munting kasiyahan ng isang Pilipinong hindi “kaya ang bayad sa mga eksklusibong palabas ng mayayaman.” Samantala’y abala tayo sa paglilibang at sa kanila’y walang pakialam ngunit may handang pintas at pula sa mangahas lumabas sa batas ng moralidad sa lipunan. – Jun Cruz Reyes, The URIAN Anthology 1970-79, reported by Simon Santos, Video48 Blogspot, 27 August 2018 (READ MORE)

Dekada ’70 is 16 years old!

Original Released date: 25 December 2002

Festival Official Screenings:

  • 2002 Metro Manila Film Festival – Manila, Philippines (25 December 2002)
  • 2003 New York Asian American International Film Festival – New York, USA (28 June 2003)
  • 2003 Cinemanila Film Festival – Manila, Philippines (17 August 2003)
  • 2003 Montréal World Film Festival – Montréal, Canada (31 August 2003)
  • 2003 Hawaii Film Festival – Hawaii, USA (7 November 2003)
  • 2004 Fukuoka Film Festival – Fukuoka, Japan (14 September 2004)
  • Festival Paris Cinéma – France (5 July 2008)
  • Filipino International Film Festival – Los Angeles, USA (17 October 2009)

Plot Description: Dekada 70 is a story of a family caught in the midst of a tumultuous time in Philippine history – the martial law years. Amanda (Vilma Santos) and Julian (Christopher Deleon) is a picture of a middle class couple with conservative ideologies, who must deal with raising their children, five boys – Jules (Piolo Pascual), Isagani (Carlos Agassi), Emmanuel (Marvin Agustin), Jason (Danilo Barrios) and Bingo (John Sace) in an era marked by passion, fear, unrest and social chaos. As siblings struggle to accept the differences of their ideologies, as a father faces the painful dissent of his children, a mother’s love will prove to be the most resonant in the unfolding of this family’s tale, will awaken to the needs of her own self, as she embarks on a journey of discovery to realize who she is as a wife, amother, a woman and a Filipino. – Star Cinema

Related Reading:

Mga Kalapati sa Amsterdam

“Okey din naman pala itong utol kong si Ethel Ramos. You see, she went with Vilma Santos to Amsterdam and like a good sister…she sent me these exclusive pictorials of Vilma Santos and that of up-and-coming actor Mark Gil. Mark, as you have probably heard went ahead of Vi to Amsterdam. So, Mark was able to see the rounds of Amsterdam even before Vi came. So impressed was Mark that he almost memorized the favorite spots he went to and volunteered to become Vi’s guide. Sa Damsquare unang ipinasyal ni Mark si Vi. Sa lugar na ito raw malimit na nagpapasyal ang mga tagaroon. Karaniwan na, doon sila nag-papalipas ng maghapon, nakaupo sa mga upuang sadyang ginawa para sa mga turista at kundi nagpapahangin ay nagpapainit kaya. Sa Damsquare ay makikita ang pagkarami-raming kalapati. Kung gusto mong pagkalumpunan ka ng mga kalapati na pagkaaamo, pakainin mo lang sila at pagkakaguluhan ka ng mga ito. Maraming nagtitinda ng mga pagkain ng kapati sa Damsquare. Iyon ang tagpong malimit nating makita sa mga pelikulang English. May eksenang ganito si Vi na mapapanuod natin sa “Miss X” na ginawa nila in its entirety in Amsterdam. “Nakakatuwa si Vi habang pinanonood mo siyang nakikipaglaro sa mga kalapati…”

Hindi Nakaporma – “She was bubbling with joy,” puna ni Mark, who obviously was smittened yata with Vi’s charm. Kaya lang, ang balita namin, tipo raw na hindi nakaporma si Mark kay Vi dahil sa isang Dutchman na laging nakadikit sa aktres. Kamukha raw ni Ramil Rodriguez ang “suitor”na ito ni Vi at talaga raw matinding-matindi ang tama sa ating dalaga. Makikita ninyo sa movie ang Dutchman na ito dahil kasama rin siya sa cast ng “Miss X.” At mukhang seryoso raw ang Dutchman na ito dahil may nagbulong sa amin, malamang na pumunta siya rito sa ating bansa para totohanin na ang kanyang panliligaw. Kapag nangyari ito, masaya siguro. By the way, back to Damsquare, naroon din daw pala ang palace ni Doña Juliana, ang reyna ng Amsterdam, pero hindi siya doon nakatira. Minsan isang buwan lang kung buksan ang palasyo at itoý kung may cabinet conference. Si Doña Juliana ay anak ng first queen ng Amsterdam na si Doña Wilhelmina. Sa Soastdijk (pronounced as Susdak) siya nakatira. Isang lugar din ito sa Netherlands. Ipinasyal din ni Mark si Vi sa Red Light District. Dito kinunan ang malaking bahagi ng “Miss X.” Dito nga makikita ang much talked about na mga babaing naka-display sa eskaparate at for hire for a 15-minute pleasure…” – Article by Chit A. Ramos, Photos: Bing Cruz, first published at Jingle Extra Hot Magazine, 26 November 1979, Posted by James DR, Pelikula (READ MORE)

Bagong Porma sa Lumang Pormula

Sa Gaano Kadalas Ang Minsan?, Minsan pang pinatunayan ni Danny Zialcita ang kanyang pambihirang abilidad sa pagbibigay ng bagong treatment sa lumang tema ng pag-ibig, na kadalasa’y umiikot sa pormula ng trianggulo. (Hindi nga ba’t maging sa kanyang mga naunang obra tulad ng Hindi sa Iyo Ang Mundo, Baby Porcuna at Ikaw at ang Gabi, ay naitatak ni Zialcita ang kanyang makabagong sensibilidad sa pagtalakay sa mga kuwento ng pag-ibig?) Mula sa istorya ni Tom Adrales (na nagsilbing katulong ni Zialcita sa iskrip at sa direksiyon), ang Gaano Kadalas ay tungkol sa magkaibigang Lily (Vilma Santos) at Elsa (Hilda Koronel), na bagama’t kapwa nakaririwasa sa buhay ay magkaiba naman ng suwerte. Matapos magpatingin si Hilda sa doktor, nalaman niyang wala na siyang pag-asang magkaanak pa. Si Vilma nama’y may kaisa-isang anak nga sa pagkadalaga pero wala naman itong ama at mas grabe pa, may taning na ang buhay ng bata (may congenital heart desease ito). Minsan, nagkahingahan ng problema ang magkaibigan, at sa kanilang pag-uusapa, inalok ni Hilda si Vilma na gawing ama ng kanyang anak ang asawa nitong si Louie (Dindo Fernando). Bagama’t ipinalabas niyang mahal din niya ang bata at gusto niya itong mapaligaya kahit pansamantala lang, ang kanyang tunay na pakay ay mapaglapit ang kaibigan at ang asawa nang sa gayo’y magakaroon siya ng maaampong anak mula sa relasyon ng dalawang taong kapwa niya mahal.

Nagtagumpay ang tatlo sa kanilang pagpapanggap, at gay ng inaasahan, nagka-ibigan nga ang dalawa. Pagkatapos mamatay ang anak, nagbuntis si Vilma. Dahil delikadong manganak siyang muli (diumano’y may sakit siya sa puso), nagtangkang ipalaglag ni Vilma ang nasa kanyang sinapupunan. Napigilan siya ng kaibigang si Chanda Romero at ni Dindo mismo. Perso sa wakas, nang siyang magsilang, nawalan si Elsa ng asawa, kaibigan at anak. Mahusay ang pagkakadevelop sa kuwento ng Gaano Kadalas at epektibo ang direksiyon ni Zialcita. Nagawa nitong masangkot ang manonood sa problema ng mga tauhan. Absorbing ang naging tunggalian ng mga puso’t damdamin. Naipakitang may sapat na motibasyon ang kanyang mga tauhan para pumasok sa ganoong arrangement. Gayunman, may ilang katanungang hindi nasagot sa pelikula. Una, paano nakakasiguro si Hilda na ipagkakaloob sa kanya ni Vilma ang anak nito kay Louie sakali ma’t hindi namatay ang bata? Ikalawa, bakit masyadong naging hayagan ang relasyon nina Vilma’t Dindo lalo pa kung isasaalang-alang ang kanilang tayo sa sosyedad? Ikatlo, kung totoong mapera si Vilma, bakit nahirapan siyang kumontak ng abortionist at dahil nga dito’y isinugal pa ang buhay? Kung tutuusin, lalo pang naging prominente ang mga kakulangang ito dahil lubusang nag-rely ang pelikula sa samu’t saring medical convolutions ng plot: kesyo may anak nga si Vilma pero blue baby naman at kesyo hindi rin siya puwedeng manganak ulit dahil sa sakit niya sa puso (at ang mga ito ay nakapagtatakang hindi pa nalalaman ni Dindo).

Ang madalas magpaangat sa pelikula ay ang acting cast. Dahil mas malaman ang kanyang papel at tila naperfect na ni Vilma Santos and agony ng other woman mas nangibabaw ang kanyang performance kay Hilda Koronel. Kahit na mas marami ang nagsasabing si Hilda ang mas angat dito. Pasulpot-sulpot ang papel ni Hilda at may kahinaan ang motibasyon (isipin mong siya pa ang nagtulak sa sariling asawa sa ibang babae!). Medyo nakaka-distract ang kanilang mga kasuotan (mga gawa ni Christian Espiritu), gaya rin ng ayos ng mga bahay at kasangkapang tila nakikipagkumpetensiya sa tauhan. Epektibo rin ang pagganap ni Dindo Fernando bilang Louie na nakati ang puso para sa dalawang babae. Magagaling din ang supporting cast, lalo na si Suzzanne Gonzales, ang yayang sosyal at ang batang si Alvin Joseph Enriquez. Kahit maikli ang kanilang papel, mahusay rin ang rehistro nina Tommy Abuel, ang doktor na nanliligaw kay Vilma, at si Chanda Romero, bilang matalik na kabibigan ni Vilma. – Justino Dormiendo, Manunuri Ng Pelikulang Pilipino, Jingle Extra Hot Magazine 1982, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)

Blooming Debutante

This slideshow requires JavaScript.

Vilma Santos’Grand Debut – “More than 40 years ago, Vilma Santos turned 18 (Nov. 3, 1971). Her grand debut party was held at the post Presidential Hall of The Plaza in Makati, attended by celebrities and other familiar names in and out of the movie world. Style Magazine covered the event. Vilma’s gown was a creation of Sonia Aquino, who later served as mayor of Tanauan, Batangas. Photos by Bob’s and cake by Joni’s. Vilma and her parents Mr. and Mrs. Amado Santos and Edgar Mortiz (then the debutante’s favorite leading man) received the guests. The guest list included: Eddie Peregrina (deceased) and Esperanza Fabon, now justice of the Court of Tax Appeals. Mildred Ortega (later wife of Gen. Mitch Templo). Ricky Belmonte (deceased) and Rosemarie Sonora, based in California. Panamin secretary Manuel “Manda” Elizalde (deceased). Janine Friaz and Baby de Jesus. From a pretty debutante in the ’70s, Vilma turned into an award-winning actress, Star For All Seasons and much-esteemed public servant. First as Lipa Mayor for nine years and then as Batangas Governor, also nine years. Vilma is the incumbent Congresswoman of Lipa. Photos are from Style Magazine.” – Danny Dolor, The Philippine Star, 25 February 2018 (READ MORE)

Danilo Franco Creation – The year was 1971, when ate Vi celebrated her debut. Ang tagal na pala. Parang kailan lang when I cut these photos sa isang newspaper. I was still in grade school then, at wala pang pambili ng mga magazines. So, I content myself sa newspaper naming sa bahay. As far as I can remember, isang bonggang birthday celebration iyon. Nagkaroon ng isang asalto on the eve of her birthday. Meron din fans party na ginanap sa Mehan garden, pero ang talagang coming-out party niya ay ginanap sa The Plaza restaurant. Wala na itong restaurant na ito ngayon, but it was very popular ng mga panahon na iyon. The restaurant, which was, located sa Makati, ay siya ring naging venue ng reception ng wedding nina FPJ at Susan Roces. Ang asalto, fans party sa Mehan garden at ang debut party ay added attraction sa movie nina ate Vi at Edgar na “Eternally.” Ang gown ni ate Vi was made by Ben Farrales. Sa isang write-up interview kay Danilo Franco, na siyang gumawa ng wedding gown ni ate Vi, nabanggit nito that he was working for Mang Ben during that time.

The white gown bore hand-painted pink roses, which were made by Danilo Franco. Star-studded ang party ni ate Vi. Halos lahat ng young stars of the era ay dumating. Ang mga kasamahan niya sa TV show na The Sensations ang siyang mga kasali sa cotillion. Dumalo rin ang big stars of the era like sina Rosemarie at Ricky Belmonte, at doon nila inannounce na magpapakasal sila the following month. Special guest din si Mr. Manda Elizalde of Panamin, na tinulungan noon nina ate Vi at Edgar para ikampanya para sa Senado. Dumalo rin ang super big action star noon na si Tony Ferrer kasama ang kanyang misis na si Mutya Ng Pilipinas winner, Alice Crisostomo. Naroon rin ang mga producers ni Ate Vi at ang mga press people. It’s now 2005, 34 years na ang nakakaraan, pero andito pa rin si Ate Vi at siyang nangungunang Reyna ng pelikulang Pilipino. Nawala na ang mga kasabayan niya at maging ang mga sumunod sa kanya, pero nanatiling nag-iisa ang tunay na Reyna ng Pelikulang Pilipino sa lahat ng panahon. – Eric Nadurata, V Magazine 2006

The Superstar at 18, Vilma Blooms – “Ay naku, musmos pa ‘yan talagang mahilig na sa drama!” And Mrs. Milagros Santos (or Mommy Santos, as she is fondly called by diehard fans), mother of Superstar Vilma, proceeds to relate how her darling daughter religiously followed her favorite soap-operas on the radio in her off-school hours, imitating the airlane actresses later on when the family gathered at the sala. “Umiiyak pa ‘yan,” Mommy Santos goes on, “and she really cried real tears.”

Of course, Vi’s histrionic potentials didn’t escape the attention of her teachers in school. Everytime there was an affair on the campus, she would be there on stage, either delivering a declamation, singing a song or making like a little Rosa Mia in a drama skit. One day in 1962, eight-year old Vi tagged along with her uncle Amaury Agra (a cameraman) to the Sampaguita Studios to watch her favorite actresses and actors act before the cameras. Doc Perez saw her and was so fascinated by Vi’s lovable ways that, there and then, he let her play one of the two waifs in the tearjerker, Anak, Ang Iyong Ina!, a Lolita Rodriguez-Luis Gonzales starrer, afilming at that time. “Doc didn’t even give me a screen test,” Vi cuts in.

Days later, during a shooting lull, Vi wandered around the huge studio and found herself in the office of Doc Perez where some 800 tots were being tested for the title role of the next Sampaguita film. By accident, Vi got into the contest and walked away with the coveted role hands down. “Doc asked me to cry, umiyak naman ako,” Vi recalls, “he asked me to laugh, tumawa naman ako ng husto, ganyan. He asked me to do many other things. He must have been impressed dahil he assigned the role of Trudis Liit kaagad to me.” That was how Vilma Santos broke into the big screen. “My real name is actually Rosa Vilma Santos. Pero sabi ni Doc, there were several Rosa’s in the movies already, may Rosa Mia, may Rosa Rosal, may Rosa Aguirre, so he decided to drop Rosa from my name.”

For four years, from 1962 to 66, there was hardly any tearjerker without Vilma Santos in the cast. A born actress, she was very precocious and had a notably alacrity for giving in to what her roles demanded. She absorbed difficult and emotion-filled dialogues with ease and acted her parts very naturally. As a child actress, she chalked up more than a dozen movies and had ably pitted acting talents with such drama stalwarts as Eddie Rodriguez, Marlene Dauden, Lolita Rodriguez and Luis Gonzales. “I have two favorite pictures as a child actress, “ she says. “ang isa ‘yong Trudis Liit nga and the other is Ging where I portrayed the role of a child actress. When I saw the first movie sa sine, I cried because I pitied myself in the movie, kawawa kasi ako doon, e. It was s sob story you know, at kahit siguro ikaw maiiyak ka rin.

In Ging, nahirapan ako ng katakut-takot because it was heavy drama. Pero it gave me a very good chance to really act dahil it had a little of everything, a little drama, a little musical, a little comedy, a little of marami pang iba.” She had to stop appearing in the movies after finishing grade school. “I wanted to concentrate on my studies, that’s why I enrolled at the St. Mary’s Academy. I wanted to take up Fine Arts after graduation. I loved to paint noon, you know, pero ngayon, hindi na masyado.” But once an actress, so the saying goes, always an actress. Vi was in her third year high school when she felt an irresistable itch to work again before the cameras.

At first, her parents (Mr. and Mrs. Amado Constantino Santos) were reluctant but a compromise was reached: no shooting during her class schedules. By this time, Vilma was growing up to be a lady. This was mid-1969. The advent of 1970 brought new prospects for Vi and her young colleagues. Susan Roces and Amalia Fuentes had got hitched and there was some sort of a “search for another queen” in local filmdom. Because she had a strong public appeal and very endearing ways with her legions of followers (Vilmanians!) Vi was easily considered a possible successor to the throne left vacant by Susan and Amalia.

But she had a rival in the person of Nora Aunor. “There’s realy no personal rivalry between us,” she assures. “Friends kami, e.” It was when she got paired with Edgar Mortiz (Vi’s boyfriend on and off the camera) that Vi’s star shone doubly brighter in the movie firmament. The team up also did good to Edgar. First paired in Sampaguita’s Young Love (where they appeared with Nora Aunor and Tirso Cruz III), Vi and Edgar have now finished more than two dozen films, all of them veritable box-office hits. The two are under contract with Tagalog Ilang-Ilang Productions but they have an option to make pictures with other outfits with the proper consent of TIIP bosses. “I like Bobot (that’s how Edgar is called by Vi and their fans) naman because mabait siya at gentleman,” Vi smiles.

The crowning glory of their careers came early this year when they won as Mr and Miss Philippine Movies in a nationwide popularity contest conducted by a vernacular magazine. Their coronation grabbed the headlines when some fans of defeated stars staged a rampage, prompting Mommy Santos to announce on the microphone that “it was not our side that started the commotion. ” Aside from being good neighbors in a subdivision in Quezon City, Vi and Edgar are ‘always together’ anywhere they go. In addition to their movie work, they have also two regular shows on television, The Sensations (which was made into a movie) and Edgar Loves Vilma, both on Channel 2.

They also did several recordings together, all of them a sellout. Vi waxed her first (solo) single when she was 16 and the title of the song was Sixteen. But Vi has a drawing power all her own. No matter who her leading man is, her movies invariably attract moviegoers. Ikaw Lamang, where she had Paolo Romero for her love interest, was acclaimed topgrosser in the Quezon City Film Festival last September. One of her latest pictures, Teen-age Senorita with Manny de Leon, grossed no less than P40,000 on its first day showing in two theaters. (The movie was made by Zodiac Films, an outfit owned by Manny’s family.) Vi celebrated her 18th birthday last November 3 in a style befitting a superstar. There was a whole-day celebration; fans from as far north as Ilocos and as far south as Cebu came to greet her. The unforgettable day was capped with a formal ball at The Plaza where Vi had no less than Manda Elizalde, the senatorial candidate she and Bobot had campaigned for in the last elections, as a special guest. And like a faithful boyfriend, Edgar stayed close to Vilma throughout the affair.

Two weeks later, the two left to make two movies in Hawaii and USA. At 18, you may ask, what else does Vilma Santos crave for? “Not much”, she says. “I just hope that good things will continue to happen to me, that my fans will remain loyal and true.” Despite success, Vi has remained level-headed; she has admirably kept her sweet and charming disposition. Even when confronted with malicious gossip about her, she just remains calm: “I don’t mind rumors very much. As a movie star, I am susceptible to gossips, but I choose to ignore them.” And because she is truly aware that stardom is temporary, Vilma Santos doesn’t mind working hard now, accepting the many offers that come her way as long as they don’t endanger her health -and her image. “My philosophy is simple,” she says, “Make hay while the sun shines.” Mommy Santos could only nod in agreement. – Ricardo F. Lo, The Sunday Times Magazine, 05 Dec 1971