Kinakaharap at Hinaharap ng Industriya ng Pelikulang Pilipino

Memorabilia1a

Vilma Santos, U.P. Gawad Plaridel 2005 Awardee, July 4, 2005

Established in 2004 by the University of the Philippines (U.P.) College of Mass Communication, the annual U.P. Gawad Plaridel is the sole award given in the U.P. System to outstanding Filipino media practitioners who have excelled in any of the media (print, radio, film, television, and new media) and have performed with the highest level of professional integrity in the interest of public service. The award is named after Marcelo H. del Pilar (nom de plume, Plaridel), the selfless propagandist whose stewardship of the reformist newspaper La Solidaridad helped crystallize nationalist sentiments and ignite libertarian ideas in the 1890s. Like Plaridel, the recipient of the award must believe in the vision of a Philippine society that is egalitarian, participative, and progressive, and in media that are socially responsible, critical and vigilant, liberative and transformative, and free and independent.

The first U.P. Gawad Plaridel was given to Eugenia Duran-Apostol in 2004 for her contributions to print media. For the year 2005, the award was given to an outstanding practitioner in film — Ms. Rosa Vilma T. Santos-Recto (aka Vilma Santos). She was chosen, among other reasons, for building a brilliant career which saw her grow from popular icon to professional actor through self-discipline and tireless honing of her craft; for bravely using her popularity as an actor to choose roles which bring to the public attention an astounding range of female experiences as well as an array of problems confronting women of different classes and sectors in contemporary Filipino society; and for bringing to life on screen characters whose stories have the effect of raising or transforming the consciousness of women, leading them a few steps closer to a deeper understanding of their situation vis-à-vis the patriarchy and to the ability to control their own lives and make empowered choices of their own.

As the 2005 awardee, Santos delivered this Plaridel Lecture during the U.P. Gawad Plaridel Paggawad at Lektyur on July 4, 2005 at the U.P. Film Institute Cine Adarna (formerly U.P. Film Center). More than 1,000 people attended the event, among them National Artist Napoleon V. Abueva (who sculpted the U.P. Gawad Plaridel trophy); Senator Ralph Recto; U.P. President Emerlinda R. Roman; U.P. Diliman Chancellor Sergio S. Cao; 2004 U.P. Gawad Plaridel awardee Eugenia Duran Apostol; Film Development Council of the Philippines Chair Laurice Guillen-Feleo; Film Academy of the Philippines Chair Atty. Espiridion Laxa; ABS-CBN Executive Vice President Charo Santos-Concio; film directors Chito Roño and Jerry Sineneng; film critic Dr. Bienvenido Lumbera; writers Ricky Lee, Pete Lacaba, and Marra PL. Lanot; actor Tirso Cruz III; and faculty members and mass communication students from U.P. Officials, faculty members, and students from Miriam College, Polytechnic University of the Philippines, University of the East, Trinity College of Quezon City, Ateneo de Manila University, De La Salle University (Lipa), and the Batangas State University were also present.

Kinakaharap at Hinaharap ng Industriya ng Pelikulang Pilipino
ni Vilma Santos, U.P. Gawad Plaridel 2005 Awardee, July 4, 2005

Noong ginawa ko ang pelikulang Ging (1964), ako ay sampung (10) taong gulang. Mahigit kumulang 200 pelikula na ang aking nagawa. Kaya sa araw na ito, nais kong ibahagi ang naging karanasan ko at mga pananaw sa mahabang panahong ito sa daigdig na pinanggalingan ko: ang daigdig ng pelikulang Pilipino, ang daigdig din na naging dahilan kung bakit ako ay nasa harapan ninyo ngayon, ang daigdig na ang sabi ng iba ay naghihingalo na. Malayong-malayo sa kasalukuyang paghihingalo ang industriya ng pelikula noong nagsisimula pa ako dito. Mula edad 9 hanggang 15 ay nakagawa na ako ng 25 pelikula, halos 5 pelikula bawat taon. Sa maagang panahong iyon, ako ay kumikita na. Ilan sa mga pelikulang ginawa ko noon ay ang Trudis Liit (1963), Anak, Ang Iyong Ina (1963), Naligaw na Anghel (1964), Hampaslupang Maton (1966) at De Colores (1968). Hindi ko alam kung ang mga ito ay dapat kong ipagmalaki, pero para sa akin, dito ako nag-umpisa, at maaayos at magagaling ang mga pelikulang ito. Nakakatawa lang ang mga titulo. Pero ipinagmamalaki kong sabihing kumita ang mga pelikulang iyan. Kasi, wala pang pirated CDs at DVDs noon, wala pang cable television. Madalang pa ang dating ng dayuhang pelikula. Noong mga panahong iyon, mga 10 taon pa lang ako ay may teleserye na ako. Ito ay Ang Larawan ng Pag-ibig. Primetime ito na ipinapalabas mula 6:00 hanggang 6:30 ng gabi. Noong nagdadalaga na ako noong 1960s at unang bahagi ng 1970s, pakanta-kanta at pasayaw-sayaw naman kami ng aking kasamahan. Kung hindi sa loob ng studio ay ginagawa namin iyon sa ilalim ng punong mangga. Sa loob lamang ng dalawang linggo ay may bagong pelikula na namang ipalalabas at tinatangkilik naman ng mga fans. Ilan sa mga pelikulang ito ay ang Songs and Lovers (1970), I Love You Honey (1970), Edgar Loves Vilma (1970), Takbo, Vilma, Dali (1972), Hatinggabi Na, Vilma (1972), at Vilma and the Beep, Beep, Minica (1974).

Totoo pong nakakatuwa ang mga titulo, pero noong mga panahong iyon, tuwang-tuwa ang mga fans, at lalo silang naligayahan noong ginampanan ko ang papel ng isang Dyesebel at nang ako ay naging Darna din. Pambihira ang mga fans noong araw. Ang tawag sa kanila ay mga fanatics. Ang ginagawa nila ay ginugupit lahat ng artikulo ng kanilang mga idolo, nililinis, inaayos at inilalagay sa album. Hanggang ngayon, sa aking tanggapan sa Lungsod ng Lipa, ay nagpupunta pa rin sila sa akin, mga kasing-edad ko na rin at ipinapakita nila sa akin ang mga album – iyong iba’y kulay sepia na – at pinapapirmahan. Pero dumating ang punto sa buhay ko na kailangan ko nang magpasya kung ano ang dapat na maging direksiyon ng aking buhay bilang isang artista. Ako ay ginabayan ng aking mga magulang at mga taong malalapit sa akin, tulad nina Atty. [Espiridion] Laxa, Manay [Marichu Maceda] at ang naging manager ko noon, ang yumaong si William Leary. Hindi naman maaaring habambuhay ay wala akong gagawin kundi magpa-cute sa mga papel na ginagampanan ko. Hindi na rin gaanong kinakagat ng mga tao noon ang mga love team. Noong mga panahong iyon, tumitindi na ang kompetisyon sa pag-arte. Naghahanap na rin ako ng mga pelikula na babagay sa edad ko, mga pelikulang masasabi kong puwedeng seryosohin. Naghahanap na ako ng matinong script, may istorya, may nilalaman, iyong maiintindihan ng mga tao, hindi hiwalay sa katotohanan. Nag-iisip na ako. At unti-unti nang nabubuo sa aking isip ang magiging direksyon ng buhay ko bilang isang artista. At nag-umpisa akong tumanggap ng mga pelikulang mas malaman kaysa doon sa mga naunang pelikulang aking ginawa. Malaman dahil mas may script, mas may istorya at direksyon. Kabilang sa mga pelikulang ito ang Tag-ulan sa Tag-araw (1975) at Nakakahiya (1975) at Nakakahiya II (1976) kung saan nakasama ko ang namayapang si Eddie Rodriguez. Nariyan din ang Dalawang Ibon, Isang Pugad (1977) na ginawa ko sa Lea Productions.

Ang mga pelikulang ito at iba pang ginawa ko noon ay nakatulong sa akin para mahasa ko ang aking kakayahan sa pag-arte. Bukod dito, kumikita rin ang mga pelikula ko noon at napakahalaga para sa mga prodyuser at artistang katulad ko ang kumikitang pelikula. Hindi tayo nawawalan ng assignment. Noon na may nag-alok sa akin ng isang pelikulang naiiba sa lahat ng pelikulang ginawa ko – ang Burlesk Queen (1977). Hindi ko pa nagagawa ang papel na ginampanan ko rito. Kinakailangan nito ang ibang klaseng tapang ng loob. Naitanong ko sa sarili ko noon: Tanggapin kaya ako ng mga manonood sa ganitong papel? Ano kaya ang sasabihin ng mga madre? Ako ay nag-aral sa St. Mary’s Academy sa ilalim ng RVM Sisters. Kay rami kong pagtatanong at pagdududa. Hanggang sa mabasa ko ang script. Kay ganda ng script! Nagpasiya akong sumugal dito. Dalawampu’t tatlong taong gulang ako noon. Ang pelikulang ito ang nagmulat sa akin sa maraming bagay. Naging matagumpay ito. Pinilahan at pinuri pa ng mga kritiko. Binuksan pa nito ang isipan ng mga tao sa kalagayan at tibay ng loob ng isang babae. Naisip ko rin na kung lalo kong pagbubutihin ang pagganap sa pelikula, kung magiging propesyunal ako sa aking pagtatrabaho, at kung pipili ako ng mahusay na script, may mararating ako sa larangan ng napili kong mundo – ang mundo ng pelikula. Kaya lang puro mga commercial films ang dumadating sa akin noon, pero mga magagandang pelikula din naman. Ang mga ito ay hinango sa komiks at radyo, tulad ng Sinasamba Kita (1982), Gaano Kadalas Ang Minsan? (1982), Paano Ba Ang Mangarap? (1983). Kumita ang mga pelikulang ito. At kapag marami kang pelikulang kumikita ay talagang sikat ka at mas marami ang offers. Ang kasabihan noon ay sukatan daw ng kasikatan ng isang artista ang tinatawag na box-office appeal niya. Mabuti na lamang at nariyan ang ating mga magagaling na direktor noong mga panahong iyon, katulad nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, Mike de Leon, Laurice Guillen, at Marilou Diaz-Abaya.

At dumating na nga at inalok sa akin ang papel ng isang kerida sa pelikulang Relasyon (1982). Muli ko na namang tinanong ang aking sarili: Uubra ba ito sa mga tao? Kasi ang bida ay isang kerida. Pero may laman naman ang istorya. Maraming kababaihan ang makaka-relate sa papel na iyon at si Ishmael Bernal pa ang direktor. Tinanggap ko ang pelikula. Kinilala, kumita ang pelikula, at pinalad akong manalo ng award sa iba’t ibang award-giving bodies. Dito ko nakuha ang aking grand slam. Pagkatapos ng Relasyon, kasunod agad na ginawa ko ang pelikulang Broken Marriage (1983). Si Ishmael Bernal muli ang nagdirek nito. Inilalarawan ng pelikulang ito ang nangyayari sa mag-asawang hindi pareho ang prayoridad sa buhay. Dahil dito ay nagkahiwalay sila at naapektuhan ang kanilang mga anak. Pero mayroon akong napakalaking natutunan sa paggawa ko ng pelikulang ito. Noong nanalo ako ng mga awards – grand slam pa – sabi ko sa sarili ko: “Magaling na ako!” Pagkakuha ko ng isa sa apat na award, nag-unang shooting day na agad ang pelikulang Broken Marriage at drama agad ang unang eksena namin ni Christopher de Leon. Aba! Na-take 7 ako! Sabi sa akin ni Ishmael Bernal: “Bakit Vi, ano ba ang nangyayari sa iyo? Nagdadrama ka pero bakit may twinkle-twinkle ang mga mata mo?”.. Sabi ko: “Direk, umaarte naman po ako, ah.” Sinabihan ako ni direk ng “Anong arte yan!!!?” At ipinasok niya ako sa kubeta, at ako ay ikinulong niya dito. Pagkatapos ay pinag-jogging niya ako ng 10 minuto. Ang sabi niya sa akin: “Huwag kang mag-ilusyon! Hindi ibig sabihin na dahil tumanggap ka ng award, eh, magaling ka na! Mag-jogging ka diyan at tanggalin mo ang ilusyon na iyan sa iyong sarili!” Pagkatapos ng insidenteng ito, natanim sa isip ko na ang pag-aaral pala, paghahasa at pagdagdag ng kaalaman sa larangang aking pinili, ay dapat tuluy-tuloy. Hindi ibig sabihin na dahil may best actress award ka ay ikaw na ang pinakamagaling at hindi mo na kailangang mag-aral.

Maraming magagaling, kaya kailangan walang hinto ang pag-aaral. Ito ay patuloy kong ginagawa. Pagkatapos ng pelikulang Broken Marriage, naging madre naman ako sa pelikula ni Mike de Leon na Sister Stella L. (1984). Kasabay nitong ipinalabas ang pelikula ni Ms. Sharon Cuneta. Hindi ko lang maalala ang titulo ng pelikulang ito ni Sharon, kung Bituing Walang Ningning (1984) o Bukas Luluhod ang mga Tala (1984), pero sabay ang unang araw ng palabas ng aming mga pelikula at talaga napaluhod ang ningning ng tala ko dahil nilangaw ang pelikula ko! Umiiyak akong nagpunta kay Mother Lily [Monteverde], pero ang sabi lang niya: “Ganyan talaga ang buhay.” Gayunpaman, ako ay labis na natutuwa – at aking ipinagmamalaki ito – sapagkat sa kabila ng mapait na nangyari sa pelikulang Sister Stella L., hanggang ngayon ay natatandaan pa ng mga tao ang pelikulang ito at itinuturing pang isa sa mga pinakamahuhusay na pelikula sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Napakatapang ng pelikulang Sister Stella L. Lakasan lang talaga ng loob. Marami talaga kaming itinaya sa pelikulang ito. Dalawampung taon na ang nakakaraan, ngunit sariwa pa sa akin ang mga eksena kong ginawa dito. Napaka-makatotohanan ang mga eksenang aming ginawa para sa mga manggagawa. Pero sa ngayon, makaraan ang 20 taon, parang iyong aming inilahad na mga problema noon ay siya pa ring mga problema natin ngayon. Parang walang nagbago. Sa pelikulang Rubia Servios (1978) na ginawa namin ni Direktor Lino Brocka, biktima ng rape naman ako dito. Pero sa halip na manahimik at umasa na lang sa batas, ako ay naghiganti. Pinatay ko ang aking rapist na si Phillip Salvador. Natakot ako sa ending ng pelikula dahil baka kung ano na naman ang sasabihin ng mga makakapanood. Pero nakuha ko ang simpatiya ng mga manonood at tinangkilik ng mga tao ang aking pelikula. Marahil ay naging epektibo ang aking pag-arte dito at nagabayan ako ng husay ni Direk Lino Brocka.

May kasabihan kami sa industriya na sa pelikula, bawal na bawal patayin ang bida. Hindi raw nagugustuhan ng mga fans. Dahil dito, hindi raw kumikita ang pelikula. Pero may ginawa akong dalawang pelikulang talaga namang sumugal kami. Katulad ng pelikulang Pahiram ng Isang Umaga (1989) na isinulat ni Jose Javier Reyes na ginawa namin ni Direk Ishmael Bernal noong 1989. Namatay ang karakter ko sa pelikulang ito pero kumita ito, taliwas sa tradisyunal na paniniwala ng ibang tao. Ngunit higit na mas mahalaga ang nilalaman ng pelikulang ito. Nadiskubre ng karakter ko sa pelikulang ito na mayroon siyang kanser at ilang buwan na lamang ay babawian na siya ng buhay. Pero naging matatag siya. Hinarap at inihanda niya ang kanyang sarili sa kahihinatnan niya at ng kanyang anak. Ipinakita nito ang katatagan at katapangan ng isang babae sa harap ng napakatinding krisis sa kanyang buhay. Gayundin ang pelikulang Dahil Mahal Kita (The Dolzura Cortez Story) (1993) na hango sa tunay na buhay. Ginampanan ko ang papel ng isang biktima ng anti-immune deficiency syndrome (AIDS) na namatay dahil sa sakit na ito. Ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na tumalakay sa sakit na AIDS. Pumayag akong gawin ang pelikula dahil sa pamamagitan nito, mailalarawan namin ang tunay na nangyayari sa isang biktima ng AIDS at ang nagiging kalagayan niya sa ating lipunan. Noong isinali namin sa Manila Film Festival ang pelikulang ito, tinangkilik ito ng mga manonood. Nabuksan pa namin ang mga mata ng tao tungkol sa sakit na AIDS. Sa pelikulang Ipagpatawad Mo (1991), sinikap naman naming talakayin ang isa pang uri ng sakit na hindi naman nakamamatay pero kailangang harapin at unawain lalo na ng isang magulang na may anak na nagtataglay ng ganitong sakit: ang autism. Ito ang unang pelikulang tumalakay sa sakit na ito. Sumugal kami dito at pinanood naman ito ng napakarami nating mga kababayan.

Sa pelikulang Anak (2000) naman, makatotohanan naming nailarawan ang mga problemang umuusbong sa pagitan ng anak at ng isang magulang, lalo na ng isang ina, na kailangang mangibang bansa para magtrabaho at masuportahan ang kanilang mga pangangailangan; ang hirap na dinaranas at tinitiis ng mga domestic helpers natin; ang kaawa-awang kalagayan ng mga anak na naiiwan nila; at ang katatagan ng isang babae bilang ina at asawa sa gitna ng kahirapan at mga pagsubok sa buhay. Isa rin ito sa mga pelikulang talagang tumatak sa akin. Hindi ko rin ito makakakalimutan. Ganito rin halos ang mga karakter na aking binigyang-buhay sa mga sumunod kong pelikula. Katulad ng Bata-Bata…Paano Ka Ginawa (1998) ni Direk Chito Roño. Ginampanan ko ang papel ni Leah Bustamante na ayaw magpatali sa leeg at maging sunud-sunuran lang sa kinakasamang lalaki. Prangka. Matapang. May tiwala sa sarili. May sariling prinsipyo at pamantayan sa buhay bilang isang tao, bagama’t isa rin siyang ina. Samakatuwid, hindi siya ordinaryong babae. Sa Dekada ’70 (2002), nagkasama kaming muli ni Direk Chito Roño. Ginampanan ko ang papel ng isang tahimik na ina na dahil sa kanyang personal na karanasan ay namulat sa hindi makatarungan, hindi makatao at mapang-aping elemento ng diktaduryang pamahalaan. Ipinakita rin dito ang pagkamulat ng isang tipikal na maybahay sa hindi pantay na pagtingin ng lipunan sa karapatan at kakayahan ng mga babae at ang pagbibigay-halaga niya sa kanyang sarili. Itong mga bagay na ito ang nagbunsod sa kanya na makiisa at makilahok sa mga pwersang nakikipaglaban para sa pampulitika at panlipunang pagbabago. Isa itong pelikula na akin ding ipinagmamalaki.

Gusto ko ring pasalamatan ang mga aktor na nakasama ko na nagbigay ng kanilang suporta. Ang mga naglapat ng musika, mga editor, mga production designers, at lahat ng mga nakasama namin na tinatawag nilang technical staff o mga tao sa likod ng kamera. Higit sa lahat, gusto kong pasalamatan ang lahat ng aking naging mga prodyuser, sapagkat sila ang nagtiwala sa inyong lingkod at nagbigay sa akin ng mga pelikulang tunay na maipagmamalaki. Kung may pagkakaisa talaga ang lahat, nagtatrabaho, nagtutulungan, may kakayahan at may direksyon ang kanilang pinaghihirapan, makakalikha talaga tayo ng isang pelikula na mataas ang kalidad at talaga namang kaya nating ipagmalaki. Bagama’t wala na sa ating tabi ngayon sina Direktor Lino Brocka at Ismael Bernal at hindi na aktibo si Mike De Leon, marami pa rin tayong mga direktor na nagtataglay ng galing o talino. Nariyan sina Direk Chito Roño, Olive Lamasan, Jeffrey Jeturian, Jerry Sineneng, at marami pang iba. Marami rin tayong mga manunulat at teknisyan na malikhain, mahuhusay, at propesyunal na nakakalikha ng mataas na uri ng pelikula. Kailangan lamang na mabigyan sila ng sapat at angkop na pagkakataon at suporta upang maipakita at lalong mapagyaman ang mga katangiang ito. Kaya sana, sa panahong ito, sumugal tayo sa kanilang talento. Kung naging matagumpay ang mga pelikulang nabanggit ko ngayon dito ay sapagkat naging mapalad ako at ako ay natulungan ng mga magagaling na direktor at manunulat tulad nina Pete Lacaba, Ricky Lee, Jose Javier Reyes, at Lualhati Bautista.

Subalit maraming problemang kinakaharap ngayon ang ating industriya. Marami sa mga kasamahan namin sa industriya ang wala nang hanapbuhay ngayon. Katunayan, marami akong mga kasamahang aktor at direktor na dumadalaw sa aking tanggapan sa Lipa para humingi ng tulong. Halos telebisyon na lamang ang bumubuhay sa kanila. Ngunit ang karamihan ay wala na talagang trabaho. Ayon sa Newsbreak, noong 1971 ay nakagawa ng 251 pelikula ang ating mga prodyuser. Subalit, ayon sa Film Academy of the Philippines, halos 164 pelikula lamang taun-taon ang nagawa mula 1996 hanggang 1999 at bumaba pa lalo ito sa mga 82 pelikula taun-taon noong 2000 hanggang 2003. Noong nakaraang taon, 55 pelikula na lang ang nagawa ng ating mga prodyuser. At hindi lahat ng mga pelikulang ito ay kumita. Maraming dahilan kung bakit paunti nang paunti ang gumagawa ng pelikula. Una, halos 50% ang ipinapatong na buwis sa ating pelikula. Pangalawa, hindi pa naipapalabas sa mga sinehan ang isang pelikula, napapanood na agad ito sa pamamagitan ng mga pirated CDs at DVDs. Ayon sa isang prodyuser ng pelikula, kikita pa sana ng mga karagdagang 20 hanggang 30 milyong piso ang kanilang pelikula kung wala sanang lumabas na pirated CDs ng pelikula bago ito ipalabas sa mga sinehan. Pangatlo, kung noong araw ay marami ang tumatangkilik sa ating mga pelikulang Pilipino, ngayon ay halos hindi na makayanang gumugol ng pera sa panonood ng sine. Mahal na ang tiket. Noong nag-umpisa ako ay 7.50 lang yata ang tiket. Ngayon ay 80 hanggang 150 pesos na. Ngayon, ang mga sine ay nakikita na lamang sa mga mall. Ang mga sinehan na sinasabi nating mga pang-masa kung saan sila ay kumportableng pumupunta katulad ng Odeon, Cinerama, Roxan, Galaxy, at iba pa ay sarado na yata lahat ngayon. Isa pa sa nagpadagdag ng hirap ay ang pagtaas ng pamasahe. Nagmahal na rin ang mga pagkain sa mall.

Pang-apat, masyadong matindi na ang kompetisyon ngayon. Mas tinatangkilik at kumikita ngayon ng malaki ang mga dayuhang pelikula. Katunayan, ayon kay Jose Javier Reyes, ang pelikulang Spiderman 2 (2004) ay kumita ng 27 milyong piso sa Metro Manila sa kauna-unahang araw pa lamang pagkatapos ng Metro Manila Film Festival. Anong pelikula natin noong nakaraang festival na ito ang kumita ng ganito kalaki sa isang araw? Noong film festival, hanggang walong pelikula ang ating ipinalabas at iyon ang araw ng mga lokal na pelikula. Pero walang kumita ng ganoon sa isang araw. Kumita lamang ng 5 o 10 milyong piso, parang napakasaya na. At dahil mas madali, mas mura, at mas malayo na malugi ang mag-import ng dayuhang pelikula kaysa gumawa ng pelikula dito sa ating bansa, may mga prodyuser na itinutuon na lamang ang kanilang pansin sa pag-import ng mga pelikula. At nangyayari na rin ito sa ating telebisyon. May mga prodyuser tayo na nagiimport na lamang ng mga telenovela mula sa Korea, Taiwan, at Mexico. Mas mura ito kaysa magprodyus ng lokal na telenovela. Pero sa dakong huli, ano ang mapait na nangyayari? Marami sa mga kababayan natin ang nawawalan ng trabaho, mula direktor, aktor, manunulat, teknisyan, hanggang sa mga maliliit na manggagawa katulad ng mga ekstra, karpintero, pintor, at mga mananahi na kailangan sa production design. At sino ang binibigyan natin ng trabaho? Ang kumikita po ngayon ay mga taga-ibang bansa pa. Ako’y labis na nalulungkot sa katayuan ngayon ng ating industriya ng pelikula. Ngunit sa kabila nito, ako’y naniniwala na kaya pa nating sagipin ang industriya. Sa palagay ko, dapat pagaralan ng ating pamahalaan kung paano mababawasan ang buwis na ipinapataw dito. Napakabigat nito. At napakataas na at pataas pa nang pataas ang production cost ng paggawa ng pelikula. Kaya nagiging matamlay ang ating mga prodyuser na gumawa ng pelikula, katulad ng nangyayari. Pito-pito na lang daw. Pero hindi sila masisi dahil negosyo din ang paggawa ng pelikula.

Kailangan ding pag-aralan ng ating pamahalaan ang paglalagay ng regulasyon sa pagpasok ng mga dayuhang pelikula. Hindi naman pipigilan ang pagpasok nila. Ang sinasabi ko lang ay bigyan namang prayoridad, pagmalasakitan naman natin ang sariling produkto. Nais ko ring idagdag na kailangan din naman pagbutihin ang mga istorya sa paggawa ng pelikula. Hindi iyong nangongopya na lamang. Kailangan namang de-kalidad. May tatak Pinoy. Ngunit sa kabila ng lahat, mayroon pa ring gumagawa sa atin ng pelikula na mataas ang kalidad, maipagmamalaki, nakikipagsabayan at kinikilala sa ibang bansa. Ang ibig sabihin ay may pag-asa, may ibubuga. Pero iilan na lang sila. Ako naman ay handang ibaba ang aking talent fee. Ang kondisyon ko lang naman ay gusto kong makitang may laman ang iskrip. Katunayan, may nag-aalok sa akin na gumawa ng pelikula para sa isang independent film producer. At tinatanong ako kung magkano ang talent fee ko. Ang sabi ko sa kanila ay ipakita muna nila ang iskrip sa akin. Madaling pag-usapan ang talent fee. May mga lumalapit sa amin ni Senator [Ralph] Recto upang humingi ng tulong at suporta. Si Senator Recto ay isa sa mga awtor ng pagtatayo ng Films Rating Board na nagbibigay ng insentibo sa mga pelikulang mataas ang kalidad Sa amin sa Lipa, nagpasa kami ng isang batas na nagbabawas ng amusement tax mula 30% to 15% sa lahat ng pelikulang Pilipino na ipapalabas sa mga sinehan sa aming bayan. Ang buhay o ikabubuhay ng pelikulang Pilipino ay nasa ating mga kamay mismo. Nasa ating pamahalaan, sa ating mga prodyuser ng pelikula, sa atin mismong mga manonood, sa atin mismong naririto ngayon. Tulungan nating makabangon ang industriya ng pelikula. Lahat – kasama ako – ay kailangan talagang makiisa! Sa pelikula nagkakatagpo-tagpo ang iba’t ibang uri ng sining – ang panitikan, performing arts, musika, potograpiya, at iba pa. Kaya napakabisang instrumento ito sa pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan sa mga tao.

Hindi nakapagtataka kung bakit napakalakas ng impluwensya ng sining na ito sa ating mga kababayan. Kadalasan, dito nila idinidikit ang mga desisyon nila sa buhay. Kaya sa pamamagitan sa pelikula, mas epektibo nating napapa-unlad, napapalawak at nabubuksan ang kaisipan ng mga manonood natin tungkol sa iba’t ibang bahagi ng ating buhay at sa lipunang ating ginagalawan na dapat ay nasasalamin dito. At dahil dito, mas napabubuti nila ang pagdedesisyon sa buhay, ang pakikitungo sa kapwa, ang partisipasyon sa paglikha ng isang lipunang maunlad, malaya at matatag at may malasakit sa kapwa. Kaya dapat nating alagaan at ingatan ang ating pelikula. Marami at mabigat ang problema ng ating industriya ng pelikula. Marami at mabigat din ang mga problemang kinakaharap ng ating mga mamamayan at ating pamahalaan, na ang iba ay masasalamin sa ating mga pelikula. Kailangang pag-isipan natin ang mga ito. Kumilos tayo batay sa ikabubuti ng higit na nakararami habang may panahon pa. Naalala ko po tuloy ang sinabi ng karakter ko sa pelikulang Sister Stella L. Bilang pangwakas, uulitin ko ito sa inyo dahil gusto kong ipaalam sa inyo na ngayon na ako’y naging isang punonglungsod at naharap na sa realidad ng buhay, ngayon ay mas naiintindihan ko na ang mga salitang ito: Marami pa akong hindi alam at dapat malaman tungkol sa mga kasalukuyang kalagayan ng mga sistema ng lipunan. Kailangan ko pang patuloy na mag-aral at matuto. Pero ang mahalaga, ako ay narito na ngayon, hindi na lamang nanonood, kundi nakikiisa sa pagdurusa ng mga hindi nakakarinig, tumutulong sa abot ng aking makakaya. Kaya kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa? – Plaridel Magazine, February 2006, (DOWNLOAD FILE)

#GawadPlaridel2005, #VilmaSantos, #GovernorVi, #PelikulangPilipino

Ms. Vilma Santos: The one and only…Actress For All Seasons

AWARDS - People's Choice 93-92

And the winner is…Ms. Vilma Santos! From day one ng isinagawa naming Readers’ Choice for Best Actress sa taong 1991, kung saa’y pumili kami ng walong pinakamahuhusay na aktres no’ng nakaraang taon (natunghayan n’yo na kung sinu-sino ang pumasok sa Intrigue Magazine’s Circle of 8) bilang mga nominado, malinaw agad ang tinungong landas ng Star for All Seasons bilang eventual winner.

Nasa ’90’s na tayo, kungbaga, at batid naman ng lahat kung gaano pa rin ka-strong ang following ng TV-movie actress na si Vilma. Masasabing ito ang edge ni Vi kay Guy at this point; komo ang mga tagasubaybay ng pelikulang lokal ang nagsilbing mga hurado sa ating mini-patimpalak na ito sa akting, naro’n ‘yong factor na nakahihigit ang aktibong fans ni Vilma kesa kay Nora, hence the glaring result.

Ngunit sa punto ng kahusayan, parehong hindi matatawaran ang acting prowess ng dalawang most durable superstars ng local showbiz. ‘Yon nga lang, kailangang may manalo at may matalo, base sa kani-kanilang pagganap sa mga pelikula nilang inilaban. This time, si Vilma Santos ang winner natin, para sa isa ng namang madamdamin niyang pagganap bilang isang ina na may kapansanang anak sa obra ni Direktora Laurice Guillien – Ipagpatawad Mo.

Hindi man kasimbongga ang parangal na ito sa mahigit isang dosenang major acting awards na natamo na ni Vi mula nang pumasok sya sa showbiz, para sa ami’y isa na rin itong busilak na pagkilala ng kakayahan nya bilang aktres. kani-kanilang enties na pumipili kay Vilma bilang best actress ’91 nila’y buong kaseryosohan ding hinimay-ang uri o tipo ng pagganap ni Vi sa naturang pelikula, upang i-justify nga kung bakit si Vilma ang dapat tanghaling pinakamahusay.

Sa ami’y wala ring kuwestiyon ukol dito. Deserving talaga si Vilma na manalo kaya binabati namin sya, in behalf of the magazine’s editor and staff. Ito ngang issue namin ngayo’y tribute, kungbaga, sa natatanging kahusayan ni Vilma bilang actres. Hindi nga lang siguro sya Star for All Seasons; sa punto ng pagiging aktres ni Vi, lagi syang kinikilala sa kanyang kahusayan sa magkakaibang panahon ng kanyang pamamayagpag, making her an actress for all seasons, indeed!

This October, magte-thirty years na si Vilma Santos sa pagiging artista. More than two-thirds of her lifetime, nai-devote na nga ni Vi sa pag-arte, pero kung tatanungin mo sya, despite the downtrends and the pitfalls in her career (naapektado ang kanyang personal na buhay in some intances) sasabihin nyang wala syang anumang pagsisisi sa larangang pinasok.

Nineties na, pero nariyan pa rin si Vilma. Sumisipa pa rin sa pagiging bankable star at highly respected actress. Iniwan nya ang ang nagdaang dekada otsenta na well-recognized ang kanyang kakayahan bilang aktres (isa sya sa nabigyan ng Gawad Pandekada ng Urian para sa acting achievements throughout the ’80’s), pumapalaot uli sya sa panibagong panahong ito sa local showbiz na taglay ang ibayong kaningningan ‘yon. Siguro nga, kahit maging lola na si Ate Vi, win pa rin sya ng best actress trophies! – William Reyes, Intrigue Magazine, No. 166 March 19, 1992

1977 MMFF

This slideshow requires JavaScript.

The 3rd Metro Manila Film Festival was held in the year 1977. Previously known as Metropolitan Film Festival, it was changed to Metro Manila Film Festival. Burlesk Queen grabbed most of the awards. – Wikipedia (READ MORE)

Controversial Awards Night – “…In 1977, it was apparent that the actress in Vilma Santos fully emerged when she won the MMFF Best Actress award for the controversial Celso Ad Castillo period drama Burlesk Queen. Unfortunately, her winning was marred by nasty talks (na kesyo binawi ang mga napanalunan ng pelikula, including Vi’s trophy or medallion.) It seems nakaapekto ‘yun sa awarding na pambuong taon: at the FAMAS, Vilma lost to Susan Roces (for Maligno, also by Castillo); and, at the Gawad Urian, to Daria Ramirez (for Eddie Romero’s Sino ’ng Kapiling, Sino’ng Kasiping?). As for Nora Aunor, matapos ang grand entrance niya sa big league bilang major award-winning actress (with a double victory, unmatched at the time), isang actionromance- drama ang kanyang nagging panlaban: Augusto Buenaventura’s Bakya Mo Neneng, which paired her off with Tirso Cruz III and Joseph Estrada. The film won as Best Picture sa FAMAS. Nora’s and Vilma’s starrers were big moneymakers at the 1977 MMFF…” – William Reyes (READ MORE)

“…Look ninyo kung paanong nag-away at nag-gantihan ang dalawang maka-Nora at maka-Vilma! In 1977, pinakyaw ng Burlesk Queen ni Vilma Santos ang halos lahat ng awards. May tumutol, nag-ingay at nag-away-away (Hello, Lolit! Ang Scam!) kaya nag-utos si Madam Imelda na bawiin ang mga award! Wala namang kumuha uli nu’ng mga tropeo. Parang Vangie Pascual na tumangging bumalik sa Miss World contest to claim her crown bilang pamalit sa nanalong “Miss World” na may anak na pala! Snob?…And so, pinakyaw nga ng Burlesk Queen (1977) ang mga award. Gumanti ng sumunod na taon ang Noranians! Para lang matalbugan at mas mataasan ang napakyaw na awards ni Vilma Santos at ng Burlesk Queen, only a single acting award was given the following year; Best Performer award for Nora Aunor in Atsay! Walang Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress. Wala. Sabi nang isang award lang ang ibinigay na para bang encompassing ang performance ni Ate Guy more than Ate Vi. Galing?!…” – Alfie Lorenzo, Abante Tonite (READ MORE)

“…Naalaala namin ang “gulo” rin noong 1977 na open ang awayan ni Lino Brocka na director ng Inay at ni Rolando Tinio na isang juror. Muntik pa silang magsuntukan after the awards. Ang dahilan: Nanalo ang Burlesk Queen ni Celso Ad Castillo ng lahat ng awards except three (art direction at cinematography na punta sa Mga Bilanggong Birhen nina Tita Midz at best technical film ni Mike de Leon, Kung Mangarap Ka’t Magising). May favoritism daw. Hate daw ng ilang jurors si Brocka. Dahil sa ingay ng print media, winidraw ng MMDA (si Mrs. Imelda Marcos ang big boss) ang mga tropeo. Ewan kung naisauli nina Celso, Vilma Santos, Rollie Quizon, Joonee Gamboa, Rosemarie Gil at producer Romy Ching ang mga tropeo nila na ‘binale-wala’ ng MMFF 1977 committee. Mabilis ang desisyon. Walang umangal…” – Billy Balbastro, Abante Tonite (READ MORE)

“…On its third year in 1977, the awards – won mostly by Burlesque Queen, were recalled by the organizer, then called the Metro Manila Commission, over some minor furor. I wouldn’t want to elaborate on this scandal anymore because most of the personages involved in the issue have long passed on to the other world. It’s not even clear to this day, in fact, if that recall was official because no trophies were returned and the festival’s annual souvenir program (at least the last time I saw one) still carries Burlesque Queen in its honor roll…” – The Philippine Star (READ MORE)

Award Winners:

Time Magazine – “…The Philippines: Let Them See Films. When politics became pretty much a one-man show in the Philippines, the people lost a prime source of entetainment. Part of the gap has been filled by a burhome-grown film industry, which displayed nine of its new productions at the Manila Film Festival last month. Some 2 million moviegoers saw the films. Some of the movies were historical dramas pointing up the search for a Filipino identity during the long years of Spanish rule. But the most acclaimed were contemporary stories with a heavy populist touch. The festival’s smash hit was Burlesk Queen, starring Filipino Superstar Vilma Santos. It tells the syrupy tale of a poor girl who turns to burlesque dancing to support a crippled father. She falls in love with the son of a politician, elopes with him, and then tragically loses him back to his possessive mother. The treacle is supplemented with some gritty argument about the rights and wrongs of burlesque, with a lefthanded dig at censors. Huffs the burlesque impresario at one point: “Who are they to dictate what the people should see?…” – Time Magazine, Feb. 13, 1978 Vol. 111 No. 7 (READ MORE)

Vi on Burlesk Queen – “…Yes, I will never forget that seven-minute dance in the movie. I postponed the shoot of the scene five times. I was so afraid. I performed the dance in front of a real burlesk show audience. I remember the controversy about the Metro Manila Film Festival Awards and the squabble between Rolando Tinio and Lino Brocka. They wanted us to return the trophies. I didn’t return mine. I deserved it. I worked hard for that trophy…” – Boy Abunda, The Philippine Star, July 31, 2009 (READ MORE)

Foreign Festival – “…One of the first Filipino filmmakers to invade foreign film festivals abroad with such output as Burlesk Queen and Alamat ni Julian Makabayan (Berlin Film Festival and World Film Festival in Montreal) and Nympha (Venice Film Festival), among others, Celso The Kid returned to his hometown Siniloan, Laguna where he led a quiet life while working on his autobiography…His 1977 film, Burlesk Queen, won 10 out of the 11 awards of the 1977 Metro Manila Film Festival but the results were contested by Lino Brocka and defended by juror Rolando Tinio (now National Artists for Film and Theater), respectively. He reflected: “I wanted to vindicate myself as a filmmaker in this movie. The media referred to me as a reluctant artist and a filmmaker who has yet to arrive. Not only did the film run away with awards. It was also the top grosser. It broke the myth that quality films don’s make money in the box-office and commercial films don’t win awards…” – Pablo A. Tariman, The Philippine Star, 28 November 2012 (READ MORE)

Film Entries:

    • Bakya Mo Neneng – Direction: Augusto Buenaventura; Story & Screenplay: Augusto Buenaventura, Diego Cagahastian; Cast: Joseph Estrada, Nora Aunor, Tirso Cruz III, Gloria Sevilla, Angelo Castro Jr., Ramon D’Salva, Angelo Ventura, Romy Medalla, Ernie Zarate, Olivia Sanchez, Ernie Ortega, Boyet Arce, Francisco Cruz, Paquito Salcedo; Original Music: Ernani Cuenco; Cinematography: Fred Conde; Film Editing: Edgardo Vinarao; Production Design: Vicente Bonus; Sound: Gregorio Ella; Production Co: JE Productions
    • Kung Mangarap Ka’t Magising – Direction: Mike De Leon; Story & Screenplay: Mike De Leon, Rey Santayana; Cast: Christopher De Leon, Hilda Koronel, Laurice Guillen, Moody Diaz, Danny Javier, Boboy Garovillo, Bibeth Orteza, Briccio Santos, Oya de Leon, Archie Corteza, Erwin Kilip, Jayjay de los Santos, Bert Miranda, Don Escudero, Sally Santiago, Marietta Sta. Juana, Belen Perez, Wilma Gacayan, Tess Dumo, Carol Gamiao, Joseph Olfindo, Wilma Cunanan, Alfie Alonso, Jojo Nacion, Dorai Montemayor, Annie Lazaro, Rikki Jimenez, Guiller Magalindal, Francis Escaler, Aida Rabara, Carmen Gayman; Executive Producer: Manuel De Leon, Narcisa de Leon; Original Music: Jun Latonio; Cinematography: Mike De Leon, Francis Escaler; Film Editing: Ike Jarlego Jr.; Production Design: Mel Chionglo; Music: Nonong Buencamino; Production Co: LVN Pictures
    • Inay – Direction: Lino Brocka; Story & Screenplay: Jose Dalisay Jr.; Cast: Alicia Vergel, Dindo Fernando, Chanda Romero, Orestes Ojeda, Laurice Guillen, Ace Vergel, Dexter Doria, Fred Montilla; Original Music: Ernani Cuenco; Cinematography: Joe Batac; Film Editing: Augusto Salvador; Production Design: Fiel Zabat; Production Co: Lotus Films
    • Banta ng Kahapon – Direction: Eddie Romero; Story & Screenplay: Eddie Romero; Cast: Vic Vargas, Bembol Roco, Roland Dantes, Chanda Romero, Lito Legaspi, Roderick Paulate, Ruben Rustia, Karim Kiram, Romeo Rivera, Henry Salcedo, Olivia O’Hara, Celita DeCastro; Executive Producer: Antonio Co, Dennis Juban, Jun C. Tavera, Beth Verzosa; Original Music: Vic Santiago, Berg Villapando, Marilyn Villapando; Cinematography: Justo Paulino; Film Editing: Ben Barcelon; Production Design: Gay Dolorfino; Sound: Angel Avellana; Production Co: Hemisphere Pictures
    • Babae… Ngayon at Kailanman – Direction: Joey Gosiengfiao; Story & Screenplay: Amado Daguio, Alberto Florentino, Nick Joaquin, Jose F. Lacaba, Wilfrido Nolledo; Cast: Charito Solis, Gloria Diaz, Chanda Romero, Vivian Velez, Dindo Fernando, Ronaldo Valdez, Tommy Abuel; Original Music: Lutgardo Labad; Cinematography: Jose Austria; Film Editing: Ike Jarlego Jr.; Production Design: Betty Gosiengfiao; Production Co: Melros Productions
    • Walang Katapusang Tag-araw – Direction: Ishmael Bernal; Story & Screenplay: Ishmael Bernal, Oscar Miranda; Cast: Charito Solis, Eddie Garcia, Mat Ranillo III, Liza Lorena, Ruel Vernal, Ingrid Salas, Veronica Palileo, Rustica Carpio, Catherine Santos, Ernie Zarate; Original Music: Willy Cruz; Cinematography: Jun Rasca; Film Editing: Nonoy Santillan; Production Design: Mel Chionglo; Production Co: Lea Productions
    • Sa Piling ng mga Sugapa – Direction: Gil Portes; Story and Screenplay: Clodualdo Del Mundo Jr.; Cast: Mat Ranillo III, Bembol Roco, Chanda Romero, Julie Ann Fortich, Paul Lacanilao, Mely Tagasa, Bongchi Miraflor, Mart Martel, Cris Vertido, Peng Olaguera, Ral Arando, Fred Param, Telly Babasa, Tommy Yap; Original Music: Ramon Santos; Cinematography: Arnold Alvaro; Film Editing: Ben Barcelon; Production Design: Dez Bautista; Production Co: Silangan Films International
    • Mga Bilanggong Birhen (Captive Virgins) – Direction: Mario O’Hara, Romy Suzara; Story and Screenplay: Mario O’Hara; Cast: Alma Moreno; Trixia Gomez; Rez Cortez; Armida Siguion-Reyna; Mario Montenegro; Barbara Luna; Ruffy Mendoza; Leroy Salvador; Monang Carvajal; Rodel Naval; Panggoy Francisco; Ronnie Lazaro; Producer: Armida Siguion-Reyna; Original Music: Ryan Cayabyab; Cinematography: Romeo Vitug; Film Editing: Ike Jarlego Jr.; Production Design: Laida Lim-Perez; Production Co: Pera Films
    • Burlesk Queen – Direction: Celso Ad Castillo; Story: Mauro Gia Samonte, Celso Ad Castillo; Screenplay: Mauro Gia Samonte; Cast: Vilma Santos, Rolly Quizon, Rosemarie Gil, Leopoldo Salcedo, Roldan Aquino, Chito Ponce Enrile, Dexter Doria, Yolanda Luna, Joonee Gamboa; Original Music: George Canseco; Cinematography: Benjamin L. Lobo; Film Editing: Abelardo Hulleza, Joe Mendoza; Production Design: Jose Tamayo Cruz; Sound: Gregorio Ella; Production Co: Ian Films

The Metro Manila Film Festival-Philippines (MMFF-P) is the annual film festival held in Manila. The festival, which runs from the 25th of December to the first week of January, focuses on locally-produced films. The MMFF was established in the year 1975, during which Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa (Water the Thirsty Earth with Dew) by Augusto Buenaventura won the best film award. During the course of the festival, no foreign movies are shown across the Philippines (except for 3D theaters and IMAX theaters). Moreover, only films approved by the jurors of the MMFF will be shown. One of the festival highlights is the parade of floats during the opening of the festival. The floats, each one representing a movie entry for the festival, parade down Roxas Boulevard, while the stars for films ride on them. On the awards night, the Best Float award is also announced, together with the major acting awards. – Wikipedia (READ MORE)

ARTICLES - MMFF 1977 7Related Reading:

The New Vilma Santos is an Actress

Dumating ang mahigit na pagsubok. At nagpasalamat ako sa diyos at sa aking mga dalangin at pagsisikap ay ipinagkaloob sa akin ang magandang kapalarang ito.” Pormal na pormal si Vilma habang nagsasalita siya. Sa paksang ito’y nabanggit niya ang ilang mga bagay na nakasusugat ng damdamin niya. Ang pagtatanong ng ilan at pag-uukol sa kanya ng mga salitang nakakasakit ng loob ay nabanggit sa amin ni Vi. Bakit daw siya ang naging Best Actress? Ito ang tanong ng ilang naghahangad na sirain ang loob niya at gumawa ng isang bagay na hindi maganda. Ang totoo ay marami ang nanalig at nagtitiwala sa pagkakamit noon ng FAMAS award ni Vilma. She do her best and she deserve it, kahit ano pa nga ang sabihin at isipin ngayon ng ilang tao lamang. You’re an actress. Ito ang narinig naming sinasabi ng mga bumisita kay Vilma sa kanyang tahanan. Naluha sa malaking kagalakan si Vilma. “Hindi ako magbabago sa inyong lahat. Hindi.” maikling wika niya. Natapos ang paksang iyan. Then the week ng huli naming makada-upang palad si Vilma ay maganda naman ang aming naging paksa dito. Maraming dapat napuna sa kasalukuyang tungkol kay Vilma Santos. Noon at ngayon ay masasabing malaking-malaki ang ipinagbago ni Vilma sa anyo at sa kilos.

Dalagang-dalaga na siya and she looks like a woman of twenty bagama’t walang-wala pa siya sa line of two. Natawa nga siya ng sabihin namin na pakiramdam daw niya ay matured na siya ngayon. At her age hindi nga ba naktutuwang isipin na isa siyang awardee ng FAMAS? And she’s the only first young star na nagkamit ng ganitong uri ng karangalan. Best Actess. Sa acting siya nakakuha ng malaking bagay sa kanyang movie career. Nagpormal si Vilma. Alam naming handang handa na siya ngayon na maging isang babaing sirena na ginagawa niyang pelikulang “Dyesebel at Ang Mahiwagang Kabibe.” “Marami na namang pagsubok ang darating sa akin. At tiyak alam ko na ito.” Sabi ni Vilma. “Alam n’yo ba? Lalo akong acting na acting ngayon.” Nakatawa siya. “Dito sa Dyesebel alam kong hindi lamang pagiging sirena ang mahalaga. All I need here is acting din, hindi ba?” Gagawin kong lahat ang aking makakaya. Pero pagkatapos ng pelikulang ito’y gustong gusto kong makaganap ng isang uri ng role na mas higit kaysa mga napagdaanan ko na. And more acting s’yempre.” The way she talks, the movies and act sa harap ng camero o pakikipag-usap sa kanyang mga kaharap, halatang may isang bagong Vilma Santos.

Lady look na lady look na talaga ngayon si Vilma. Para bang ang nakaharap mo ngayon ay isang dalagang nasa hustong gulang at kagalanggalang. Pagpipitagan mo siya talaga. Iingatan mo ang pagsasalita sa harap niya bagama’t sa katotohanan ay ibig na ibig niyang makakaharap ang mga taong palagay na palagay sa kanya ang kalooban. Sa ngayon nga sa pagkakaroon ng bagong anyo ni Vilma sa lahat ng bagay ay kanyang sarili’y unang mabubuksan sa isip at paningin ng kanyang kaharap na ito. Ito ang bagong Vilma Santos. Matured look na siyang talaga ngayon. ‘Yong bang handang handa na sa lahat ng mahahalagang bagay sa kanyang paligid. “Salamat sa paguukol ninyo sa akin ng panahon. At kahit nga sa maikling sandali lamang ay nakakapalitan ko kayong lahat ng mga kuru-kuro. Bagong Vilma Santos ng nga ba ako ngayon? Salamat. Pero alam ko na walang nababago sa aking pakikisama at pakikutungo sa lahat. Kung may nabago man sa akin. Kung tinawag man ninyo ako ngayon na the new Vilma Santos, ang toto niyan ay nasa puso ko pa rin ang dating ugali.” sabi ni Vilma. Naniniwala kami. Nagbago man si Vilma Santos sa anyo at mga kilos ay hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging magiliw at mabait sa lahat.

Siya pa rin ang dating Vilma Santosna kagigiliwan mo. Mabait makitungo, mahusay makisama at marunong tumugon sa kanyang mga tungkulin. Being an actress, very professional na talaga si Vilma. Well, tinawag namin siyang actess sapagka’t may panghahawakan ang sino mang sabihin aktres na talaga si Vilma. FAMAS award yat. Pero nagpormal siya. Ayaw na ayaw niyang mabubuksan ang paksang ito na halata ang pagpuri sa kanya. Ayaw niyang isipin ng sino man na nagkaroon na siya noong tinatawag na aire o paglaki ng ulo. Basta siya pa rin si Vilma. Huwag isipin ang award. Natawa kami. “Ayokong isipin nilang porke FAMAS awardee na ako ngayon eh, merong nabago sa aking kilos at isipan? Walang-wala iyan sa akin. Kaya nga ayaw kong mapag-usapan eh. Baka isiping ipinagmamalaki ko it. Hindi natawa ko. Nagpapasalamat. Pero ang pakikisama at pakikitungo sa lahat iyang ang hinding-hindi magbabago kahit ilang award pa ang makamit ko.” Aniya. Iyan si Vilma Santos. Ang bagong Vilma sa tunay na kahulugan ng salitang ito. Maganda kapita-pitagan. At aktres na talaga. Sa pelikulang Dyesebel, masusubok si Vilma at ang mga bago niyang katangian sa sining ng pag-arte. Ngunit tulad nga ng mga nauna niyang pahayag dito, more acting and more good films ang kailangan pa niya. At ito ay buong kakayahang gagawin at magagaw pa ni Vilma sa hinaharap. – Ric S. Aquino, Movie Queen Magazine, No. 60, 18 Jun 1973

Ric S. Aquino is a Filipino movie reporter, writer, columnist who was part of Vilma Santos’ circle of movie writers in the early part of her illustrious film career. He regularly reported the latest news about Vilma and her several suitors including her much publicized relationships with Edgar Mortiz. Aquino’s articles, usually written in Tagalog were mostly published by Movie Queen, a magazine identified with Vilma Santos. – RV

TV RECOGNITIONS (Repost)

PMPC STAR for TV RECOGNITIONS

  • 1987 STAR Award Best Musical Variety Show Host
  • 1988 STAR Award Best Musical Variety Show Host
  • 1988 STAR Award Best Musical Variety Show
  • 1989 STAR Award Best Musical Variety Show
  • 1990 STAR Award Best Musical Variety Show
  • 1991 STAR Award Best Musical Variety Show
  • 1992 STAR Award Best Musical Variety Show
  • 1994 STAR Award Best Musical Variety Show
  • 1998 STAR Award Ading Fernando Lifetime Achievement Award
  • 2006 STAR Award Best Actress in a Single TV Performance – MMK: Regalo

Catholic Mass Media Awards

  • 1987 CMMA Best Musical Variety Show
  • 1988 CMMA Best Musical Variety Show
  • 1989 CMMA Best Musical Variety Show
  • 1990 CMMA Hall of Fame in Musical Variety Show

Other Recognitions

  • 1972 EMEE Most Effective TV Actress
  • 1990 New York International Awards for TV Finalist
  • 1991 Dove Awards Best Musical Variety Show

RELATED READING:

Gawad URIAN and Vilma Santos


On May 1, 1976, ten Filipino critics agreed to discuss the annual award-giving situation in the local industry. All in agreement that there must be an alternative to FAMAS, the only award giving body in the Philippines. The ten critics, mostly academics, were Pio de Castro, Behn Cervantes, Pete Daroy, Mario Hernando, Bien Lumbera, Doy del Mundo, Manny Pichel, Nick Tiongson, Gino Dormiendo, and Nestor Torre. Most of them were part of FAMAS roster of judges. Most, questioned the recent years winners. According to the website, Wikepedia: “The 1972 best actress “tie” that materialized between major star Boots Anson-Roa and then-rising star Vilma Santos was a good example of the disillusionments experienced by the academics. according to them, the two winners was unheard of at that time, which resulted in accusations of lessening “credibility and prestige.” Ironically, Gawad will have numerous ‘tie” winners in their future set of winners, including a string of ‘tie” involving their early favorite, Nora Aunor. Headed by Nestor Torre, the nine critics agreed to review films and release quarterly film citations with the final nominations and winners announce at the end of the year.

Over the years, the Manunuri Ng Pelikulang Pilipino, MPP, (translates – Filipino Film Critics and considered the equivalent of the USA’s New York Film Critics Circle), established themselves as the most credible award giving bodies in the Philippines. They are known for having a long discussion for each of their award categories resulting sometimes in heated debate and unfortunately resulting with the unavoidable “ties” winners. Since 1976, the group has eluded controversies that rival groups endured. The oldest award, FAMAS has experienced two renegade or break away groups resulting in costly legal battles and low television ratings. Another group, the Philippine Movie Press Club is considered second to Gawad Urian, their Star Awards had a similar fate, they also had a break away group, creating their own awards, the Golden Screen Awards. With the advent of new awards, now ten, and still counting. Gawad Urian remained strong and the most sought after. Currently, the Manunuri are consists of: Rolando B. Tolentino, Grace Javier Alfonso, Butch Francisco, Mario A. Hernando, Bienvenido Lumbera, Miguel Q. Rapatan, Benilda S. Santos, Dr. Nicanor G. Tiongson, Tito Genova Valiente and Lito B. Zulueta.

Vilma Santos has become a big part of Gawad Urian. Although she wasn’t considered their early favourite, they developed a long fondness to the actress, many considered as the Meryl Streep of the Philippines cinema. Fourteen best actress nominations spanning three decades and eight wins starting in 1982’s Relasyon. She also recieved a Gawad Urian best picture award in 1978, as film producer for the film, Pagputi Ng Uwak Pagitim Ng Tagak.

In 1981 Gawad Urian cited four films for their best picture category, Romy Suzara’s Pepeng Shotgun, Mel Chionglo’s Playgirl, Mike de Leon’s Kisap Mata and Laurice Guillen’s Salome. Salome was the winner. The four directors were also nominated for best director together with Ishmael Bernal for Pabling. Guillen was the winner for Salome. In addition to picture and director awards, Salome also won the best screenplay for Ricardo Lee and the best actress award for Gina Alajar. Alajar’s strong competitors were Charito Solis for Playgirl and Nora Aunor for the forgettable Bakit Bughaw ang Langit. Vilma Santos were again got the cold shoulder from the Manunuri as she wasn’t even cited for any of her films, Pakawalan Mo Ako where she won a FAMAS, Hiwalay, a Romy Suzara directed film, Karma where she won the best actress from Metro Manila Film Festival or Ex-Wife, an Eddie Rodriguez directed film co-starring her with Beth Bautista.

But a turned of events the following year. MPP considered 1982 a good harvest with a string of high quality films: Batch ’81, Himala, Moral, Oro Plata Mata and Relasyon, all vying for the best pictures Urian. Oro Plata Mata edged out the other four. It also won the best director honour for Peque Gallaga. Gallaga defeated Marilou Diaz-Abaya (Moral), Ishmael Bernal (Himala and Relasyon), Lino Brocka (Cain at Abel) and Mike de Leon (Batch ’81). The writing category went to Clodualdo del Mundo, Raquel Villavecencio at Mike de Leon for Batch ’81. Noticeably ignored many times by the Manunuri, Vilma Santos was nominated for her sympathetic mistress role in Relasyon. She is up against Nora Aunor’s epical role for Himala, Gina Alajar and Lorna Tolentino were nominated for their feminist film Moral completed the nominees. The Manunuri surprised everyone by declaring Vilma Santos as their 7th best actress winner. The other award giving bodies (FAMAS, Film Academy of the Philippines and CMMA) also declared Vilma Santos as their best actress and the term “grand slam” were born atleast in local entertainment industry. As for the other acting categories, Philip Salvador won the lead actor and Baby Delgado, supporting actress both for Cain At Abel, and Mark Gil won the supporting actor for Palipat-lipat, Papalit-palit. The Manunuri gave the Natatanging Gawad Urian to veteran actress, Anita Linda, who is still very active today and who worked with Vilma several times.

Proving that her win wasn’t just a fluke, Santos won the next two years for Broken Marriage and Sister Stella L both from Regal Films. Four years afterwards her three wins, she again got the best actress with co-winner, Nora Aunor in 1989’s Pahiram Ng Isang Umaga. She followed this with wins in 1991 (Ipagpatawad Mo), 1993 (Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story), 1998 (Bata Bata Paano Ka Ginawa), and 2002 (Dekada 70). She also received the the Actress of the Decade 1990s award in 2000. – RV (READ MORE)

RELATED READING:

Ang Sarap ng Buhay Kapag May Isang Vilma Santos (Repost)


Yan po ay katagang namutawi sa labi ng isa nating magaling na taga-panulat at kasama sa Editorial staff ng VS Newsletter, ang VILMA!

Ang tinutukoy ko po ay ang kasama nating Vilmanian na si Mr. Mario Garces na ngayo’y naka-base sa New Jersey, U.S.A. Hihiramin ko po panandalian ang katagang yan ni kuya Mar as I fondly called him with his kind permission upang maibahagi at maipadama sa inyo ang nararamdaman ng milyun-milyong Vilmanians all over the GLOBE sa patuloy na tagumpay na ipinagkakaloob ng Maykapal sa Nag-iisang Bituin at Reyna ng Pelikulang Pilipino, Ms. Vilma Santos-Recto. Tunay na maipagmamalaki ng kahit sinumang Vilmanians (at maging ng mga di Vilmanians) ang isang Vilma Santos.

Patunay niyan ay ang bagong karangalang iginawad sa tinaguriang Star for All Seasons, ang 2005 Plaridel Award for Film na kamakailan ay iginawad ng U.P. College of Mass Communications sa seremonyang ginanap sa Cine Adarna (formerly U.P. Film Center) nung nakaraang ika-apat ng Hulyo ng taong kasalukuyan. Ito ang ikalawang taon ng pagkakaloob ng U.P. College of MassCom ng karangalan sa mga alagad ng sining na nakapag-ambag ng malaking kontribusyon sa larangang kanilang ginagalawan, tulad ng film or cinema. Nung nakaraang taon ang recipient ng prestihiyosong award na ito ay si Gng. Eugenia Apostol, ang founding chair ng Philippine Daily Inquirer. Ito’y sa larangan naman ng print media. At sa taon ngang ito ang butihing Mayor ng Lipa at kilalang “Ate Vi” sa karamihang Pilipino mula Appari hanggang Jolo ang ginawaran ng Plaridel Award sa larangan ng film.

Maituturing ito na pinakamataas at prestihiyosong karangalang natanggap ng iginagalang na aktres simula ng pasukin niya ang mundo ng pelikula sa edad ng siyam sa pelikulang “Trudis Liit” kung saan siya ang title role. Sa pelikulang ito natanggap niya ang kauna-unahang karangalan, ang FAMAS Best Child Actress nung 1963. Makalipas ang apatnapung-taon, ang dating “Trudis Liit” ay isa ng nirerespetong haligi ng sining ng pelikula, ang Gawad Plaridel awardee for film.

Ang Gawad Plaridel na kanyang natanggap ay patunay sa angking galing at respeto na ibinibigay sa nangungunang aktres ng bansa at sa kanyang naiambag sa industriya ng Pelikulang Pilipino. She prevailed over her co-nominees for this award, namely, the 2003 National Artist awardee for cinema, Mr. Eddie Romero, and the highly-rated and A-1 Director, Mr. Mike de Leon, whose body of works include the now classic and De Leon’s most awarded film “Sister Stella L” that stars Ms. Vilma Santos herself.

Kung kaya’t napakasarap ng pakiramdam sa isang Vilmanian na tulad ko. If I may borrow the now famous line of Ate Vi, “Heaven” ang feeling. Lalo na’t kung maririnig mo ang mga papuri na ibinibigay ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang antas ng lipunan. Tulad na lamang ng mga pananalitang ito na binitawan ng mga nakasaksi sa seremonyang ginanap sa Cine Adarna.

“Ms. Santos’ speech, for me, was very profound and candid. I always had great respect and admiration for her as a person, public servant, and actress. After the lecture, that respect and admiration hot-air-ballooned. It became clear to me that even if this person is now worthy of having a constellation named after her, she is still as human and feet-on-the-ground as possible.” (written by Ringhithion at 07:16 pm, posted in VS-R egroup on 13 July 2005)

“Natatawa ako habang kumukuha ng pictures, dahil dumadaloy pa rin pala kay mama ang dugong Vilmanian kahit ang tagal-tagal na. Umuwi kaming parang nasa langit si mama dahil nakamayan pa nya si Vilma Santos” (shared by Jeannie Wong in Vilma’s eGroups, as taken from armidoodles. “She gambles her popularity to widen her scope as an actress,” proclaims Dr. Nicanor Tiongson, Dean of the College of Mass Communication of the University of the Philippines (UP). He adds, “She proves popularity and ratings need not degrade the craft.” (taken from an article by Rome Jorge)

“Star power is real power. It is the power to move people to tears, to make them cry and laugh and urge them to by with endorsements. It is to make them think what you want them to think, to make them feel what you feel. They should use it wisely, make people do good and aspire for better lives.” (Dr. Sergio Cao, chancellor of UP Diliman who confessed being a star-struck fan, “I had to nebulize before coming here; I couldn’t breath.”)

“Because of her dedication to her craft and her portrayal of roles important to women and society, Ms. Santos deserves recognition not only from the viewing public, but also from the academic community.” (UP President Emerlinda Roman)

Producer Atty. Espiridion Laxa says Vilma “has reached this incomparable height of success because of several good traits: her discipline, her determination to excel in her acting profession and her knack for choosing the right roles.” (takern from Sights and Sounds by Gigi Javier-Alfonso)

Producer/actress Charo Santos-Concio speaks of her as a “passionate thespian, her filmography boasts of a list films that are audacious, artistic, classic and socially relevant. Inevitably, she has brought to the limelight ordinary people with extraordinary lives and has created awareness of various socio-political issues.” (also from Sights and Sounds). Ilan lamang ito sa maraming papuring natanggap, natatanggap at patuloy na tatanggapin pa ng Nag-iisang Bituin.

Tunay ngang “napakasarap ng buhay kapag may isang Vilma Santos”. May inspirasyon at palaging ngiti ka sa iyong labi. And what the next stop? Di malayong ang kasunod nito’y ang “Gawad Pambansang Alagad Ng Sining” na o ang National Artist Award. Am I dreaming? Nope, am not. After all, “Trudis Liit” is not the small lady anymore in the movie screen. She’s gone a long, long way, dwarfing all pretending to the throne. Vilma, mabuhay ka! – Charlie Gomez, V magazine 2005 Global Vilmanians

1973 FAMAS Awards Night

This slideshow requires JavaScript.

1973 FAMAS – “…Halos mangilid ang luha sa kanyang mga mata nang tanggapin niya ang kanyang FAMAS Awards. Sa wakas ay nagtamo rin ng karangalan at pagkilala ang kanyang pagsisikap at kakayahan. Baguhan pa lamang si Nick Romano sa pelikula at iyon ay ang una niyang nomination at nakamit din niya ang kanranagalan best bilang supporting actor nang gabing iyon. Kung naruwa man si Joseph Estrada sa inaning karangalan ng kapatid niya nang gabing iyon ay ganoon din si Tony Ferrer sa kapatid niyang si Nick Romano. Most applauded si Marrissa Delgado nang gabing iyon dahilan sa noong nakaraang taon ay siya ang nagkamit ng FAMAS award for best supporting actress at ngayon ay siya na naman na nagpapatunay lamang na talaganag karapatdapat siya sa karangalang natamo niya last year. Hindi mailarawan ang kagalakan niya ng gabing iyon. Umiiyak siya’t naliligayahan nang siya mismo ang tumanggap ng tangan niyang trophy na ang buong akala niya’y ibibigay niya sa bagong awardee. Dalawa ang best Actress ng gabing iyon. Nangangahulugang kapuwa mabigat ang labanan at walang itulak kabigin kina Boots Anson Roa at Vilma Santos kaya minabuti ng inampalan na bigyan kapwa ng best actress award sina Boots at Vilma…” – Aruy Tapusan Komiks Magasin, No. 32, 19 Hunyo 1973

21st FAMAS AWARDS (1972)

DATE: April 29, 1973

PLACE: Coral Ballroom, Manila Hilton Hotel, United Nations Avenue, City of Manila

Best Picture(nominees)

  • Ang Alamat [FPJ Productions]
  • Babae, Ikaw ang Dahilan [Virgo Production]
  • Kill the Pushers [JE Productions] [WINNER]
  • Mahalin Mo Sana Ako [Virgo Production]
  • Tatay na si Erap [JE Productions]
  • Villa Miranda [Lea Productions]

Best Actor(nominees)

  • Jun Aristorenas for Elias, Basilio at Sisa
  • Joseph Estrada for Kill the Pushers
  • George Estregan for Sukdulan [WINNER]
  • Fernando Poe, Jr. for Ang Alamat
  • Ramon Revilla for Nardong Putik
  • Dante Rivero for Villa Miranda
  • Eddie Rodriguez for Babae, Ikaw ang Dahilan

Best Actress(nominees)

  • Nora Aunor for A Gift of Love
  • Marlene Dauden for Babae, Ikaw ang Dahilan
  • Amalia Fuentes for Babae, Ikaw ang Dahilan
  • Pilar Pilapil for Isinilang Ko ang Anak ng Ibang Babae
  • Boots Anson – Roa for Tatay Na Si Erap [tie-WINNER]
  • Susan Roces for Bilangguang Puso
  • Vilma Santos for Dama De Noche [tie-WINNER]

Best Supporting Actor(nominees)

  • Romy Diaz for Ang Alamat
  • Eddie Garcia for ‘Til Death Do Us Part
  • Eddie Mercado for Dito sa Aking Puso
  • Jose Padilla, Jr. for Ang Alamat
  • Nick Romano for Tatlong Mukha ni Rosa Vilma [WINNER]
  • Ruben Rustia for Kill the Pushers
  • Lou Salvador, Jr. for Villa Miranda

Best Supporting Actress(nominees)

  • Alicia Alonzo for Villa Miranda
  • Zenaida Amador for Kill the Pushers
  • Chichay for Bilangguang Puso
  • Marissa Delgado for ‘Til Death Do Us Part [WINNER]
  • Cristina Reyes for Sukdulan
  • Ely Roque for Tatay na si Erap
  • Mary Walter for Babae, Ikaw ang Dahilan

Best Child Actor(nominees)

  • Robin Aristorenas for Elias, Basilio at Sisa [WINNER]
  • Marlon Bautista for Nardong Putik
  • Frankie Navaja, Jr. for Ang Alamat
  • Randy for Isinilang Ko ang Anak ng Ibang Babae

Best Child Actress(nominees)

  • Jingle for Babae, Ikaw ang Dahilan
  • Beth Manlongat for Tatlong Mukha ni Rosa Vilma
  • Maricris for Babae, Ikaw ang Dahilan
  • Snooky Serna for Mahalin Mo Sana Ako [WINNER] [as Snooky]

Best Director(nominees)

  • Lino Brocka for Villa Miranda
  • Augusto Buenaventura for Kill the Pushers [WINNER]
  • Celso Ad. Castillo for Ang Alamat
  • Tony Cayado for Nardong Putik
  • Manuel Cinco for Isinilang Ko ang Anak ng Ibang Babae
  • Armando Garces for Sukdulan
  • Eddie Rodriguez for Babae, Ikaw ang Dahilan [as Luis Enriquez]

Best Story – Liza Moreno for Babae, Ikaw Ang Dahilan [WINNER] [as Louise de Mesa]

Best Screenplay – Augusto Buenaventura for Kill the Pushers; Eddie Rodriguez for Mahalin Mo Sana Ako [tie-WINNER] [as Luis Enriquez]

Best Cinematography B/W – Ricardo Remias for Babae, Ikaw Ang Dahilan [WINNER]

Best Cinematography Color – Nonong Rasca for Nardong Putik [WINNER]

Best Editing – Marcelino Navarro for Nardong Putik [WINNER]

Best Musical Score – Restie Umali for Ang Alamat [WINNER]

Best Sound – Angel Avellana for Kill the Pushers

Dr. Cirio Santiago Memorial Award – To Jose Perez

Source: FAMAS Unofficial web-site

Charmed Life of Maria Rosa Vilma (Repost)

This slideshow requires JavaScript.

Isang Martes ng umaga, ika-3 ng Nobyembre, 1953, sa Trozo, Magdalena, Tondo, Maynila ay may isinilang na isang cute bouncing baby girl sa Galang’s Maternity Clinic. Ang batang ito ay ipinaglihi sa kesong puti at labis labis na pagmamahal. Ang ina ay nagsilang na din ng isang batang babae two years earlier pero dito sa pangalawang batang ito ay walang pagsidlan sa kaligayahan ang kanyang nadarama. May “premonition” siya na ang batang ito ay lalaking “somebody special” and that she will lead a “charmed life.” Pinangalanan ng mag-asawang Amado Santos at Milagros Tuazon Santos ang kanilang baby ng Maria Rosa Vilma.

Ang ama, Amado Santos, na isang tubong Bamban, Tarlac ay dating isang bit player sa Premiere, LVN at Larry Santiago Productions. Lumabas siya kasama ang mga big stars ng mga nasabing produksiyon at ang pinsan niyang si direktor Felicing Constantino ang nagkumbinse sa kanya para subukan ang pelikula.

Ang ina, Milagros Tuazon Santos, na isang tubong San Isidro, Nueva Ecija ay isang pharmacist by profession at eksperto sa sayaw nang kanyang kabataan. Sa MCU, kung saan siya nagtapos ng kanyang “degree” ay palaging may libreng costume para lang maipakita ang kanyang “terpsichorean talent” sa mga importanteng school programs. Sa pagkakataong ito, saan pa ba magmamana si Vi ng kanyang galing sa pagsasayaw?

Ang Santos family ay nakatira sa ground floor ng isang maliit na apartment at sa itaas naman ay ang isang close relative. Isang araw habang nasa kusina si Papa Amado ay bigla siyang nakarinig ng ingay na parang kalabog ng isang nahulog sa hagdanan. Dali dali siyang tumakbo papunta sa hagdanan at nagulantang siya nang makita niya na si Vilma pala ang nahulog sa hagdanan. Agad nila itong isinugod sa ospital, pina-xray at salamat sa Diyos dahil sinabi ng attending physician na very slight fracture lang ang nangyari sa bata.

When Rosa Vilma was already of age, ipinasok siya sa St. Mary’s Academy at noong nasa kindergarten pa siya ay dito na umarangkada ang kanyang pagiging artista dahil palagi siyang kinukuha sa mga school play. Gustong-gusto niya yung ilang oras na nasa stage, behind gleaming footlights, in fancy costume and make-up. At pagkatapos ng “play” ay ang malakas na palakpakan at pagbati sa kanya ng publiko. Nakalimutan na niya ang title ng play at kung anong okasyon ng eskwelahan ito ipinalabas subali’t tandang-tanda pa niya na ang role niya dito ay isang madre na pagkaraan pala ng tatlong dekada ay lalabas din siya sa role ng isang nun-turned-radical film Sister Stella L na dinirehe ni Mike de Leon.

Noong anim na taong gulang pa lamang si Rosa Vilma ay sinabi niya sa kanyang magulang na magiging “painter” siya someday. Gusto daw niyang kunin ay “Fine Arts” sa University of Sto. Tomas, maging isang matagumpay na artist at maging mayaman. Mahilig siyang mag-drowing – crayon sketches of birds, flowers, trees, houses at kahit saan ay nagdodrowing siya pati na sa dingding ng kanilang bahay. Dahil dito, si Papa Amado ay palaging nag-a-apply ng coat ng pintura sa kanilang sala tuwing ikalawang linggo at hindi lang yun dahil binabantayan din niya ang batang si Rosa Vilma na baka mahulog sa baso ng gatas ang mga krayola niyang ginagamit. Si Mama Milagros naman ay nagtrabaho sa isang garment department ng Aguinaldo’s kasama ang hindi pa kilalang manlililip na si Rene Salud.

Bukod sa pagkanta at pagsayaw sa mga school plays, ang batang si Rosa Vilma ay nagpakita din ng kanyang galing sa pag-iyak dahil sa pakikinig niya ng mga soap operas sa radyo. Mahilig siyang makinig ng mga drama sa radyo at doon ay tutulo na lamang ang kanyang luha. May mga okasyon pa nga na bigla na lang papasok sa kuwarto niya sina Papa Amado at Mama Milagros at nakikita nila na nasa salamin ang batang si Rosa Vilma at nagda-drama.

Noong later part ng 1962, nagkaroon sila ng family reunion sa nilipatan nilang apartment sa La Loma at ang isa sa mga naging bisita nila ay si Amaury Agra na isang cameraman sa Sampaguita Pictures. Si Amaury ay isang malayong tiyuhin ni Rosa Vilma, na ang asawa ay pinsan ni Papa Amado. Noong makita ni Amaury si Rosa Vilma ay agad niya itong tinanong kung gusto niyang mag-artista dahil ang Sampaguita Pictures ay naghahanap ng isang batang lalabas sa kanilang susunod na pelikula, ang Trudis Liit na sinulat ni Mars Ravelo at natutunghayan sa Liwayway Magazine.

Noong una ay ayaw ng mag-asawang Amado at Milagros na pumasok sa pag-aartista ang batang si Rosa Vilma dahil pareho silang abala sa trabaho, bukod pa sa gusto nila na pag-aaral muna ang asikasuhin ng batang si Rosa Vilma, subali’t isang araw ay nakatanggap sila ng sulat mula kay Amaury at sinabing ipinalista niya ang pangalan ni Rosa Vilma para mag-audition sa Sampaguita Pictures kung saan si Dr. Jose R. Perez ang isa sa mga screening committees.

Dahil hindi nila mapahindian si Amaury kaya’t nag-day off muna si Mama Milagros sa Aguinaldo’s para samahan si Rosa Vilma sa Sampaguita studio. “Diyos ko po,” ang nasambit ni Mama Milagros dahil mahigit yata sa tatlong daan ang mga batang nag-a-apply, lima lamang ang magiging finalists at sa limang finalists ay dalawa lamang ang kukunin, isang batang babae at isang batang lalaki na gaganap na kapatid ni Trudis Liit.

Ang suwerte naman, dahil ni-reveal ni Dr. Perez na bago pa sila nagpa-audition nang araw na yun ay meron na silang napiling limang finalists noong previous screening at inisip ni Mama Milagros na lahat ng nag-audition nang araw na yun ay wala ng pag-asa pero sinabi ni Amaury na gusto lang niyang mag-try out si Rosa Vilma para sa susunod nilang pelikulang pang-mahal na araw ng 1963 na pinamagatang Anak Ang Iyong Ina.

Si Amaury ay nasa location shooting noong araw na yun. Samantala, nang si Rosa Vilma na ang nag-audition, sa harap ni Dr. Perez at ni Direktor Jose de Villa at nang ipinagyugyugan na si Rosa Vilma ni Bella Flores ay parang gripong tumutulo ang kanyang mga luha. Nakita ni Mama Milagros sina Dr. Perez at Direktor de Villa na nagtitinginan at pagkatapos ng screening ay sinamahan ni Direk De Villa ang mag-ina sa opisina ni Dr. Perez na nag-extend ng congratulations kay Rosa Vilma na siyang gaganap na Trudis Liit at yung limang finalists ay gagawin na lang supporting sa mga forthcoming na pelikula ng Sampaguita Pictures.

Suot ng isang magarang damit, pumunta na ang mag-ina para sa isang screen test subali’t ang magandang damit ay pinalitan ng gula-gulanit, parang basahan. Inumpisahan nang lagyan ng make-up ni Jesse Lopez, ang make-up artist ng studio sapol pa noong era nina Carmen Rosales hanggang sa era ni Amalia Fuentes si Rosa Vilma. Nagtanong pa ang batang si Rosa Vilma kung bakit pa siya kailangang lagyan ng make-up at ang gusto lang daw niya ay huwag masyadong makapal at kung pwede ay pulbos lang.

Gumiling ang camera…..sumigaw ang direktor ng” Action!” Nag-umpisang mandilat ang mata ni Bella at cry to death naman ang Rosa Vilma. “CUT!” sabi ng direktor. “Very good!”. Si Bella ay niyakap ang batang si Rosa Vilma at sinabing…. .Aba, first take lang nakuha mo kaagad. Ang galing. Congratulations, Trudis Liit. The whole set was no screen test, but an actual take. Si Maria Rosa Vilma Tuazon Santos ay isa ng ganap na bituin sa edad na siyam na taon.

May mga tanong noon kung ano ang itatawag nila kay Rosa Vilma onscreen. Ang mag-asawang Amado at Milagros ay gustong i-retain na lang ang pangalang Rosa Vilma subali’t si Dr. Perez ay nag-object dahil marami na daw Rosa sa pelikulang Tagalog, merong Rosa Mia, Rosa Rosal, Rosa Aguirre. Nag-suggest na lang si Dr. Perez na alisin ang Rosa at tawagin na lang na VILMA SANTOS. Sa Trudis Liit, ang batang si Vilma ay binayaran ng Php 1,000 sa isang kondisyon na sa susunod na pelikula ay lalabas ulit siya at ito nga ay yung Anak Ang Iyong Ina. Dito sa Anak Ang Iyong Ina ay Php 700 ang kanyang take-home pay.

Bukod kay Bella Flores, kasama rin ni Vilma sina Lolita Rodriguez, Luis Gonzales at Connie Angeles sa Trudis Liit, “The Motion Picture That Will Tear Your Heart To Pieces” (as proclaimed by the film’s ad). Ito ay sa screenpaly ni Chito Tapawan. Nagkamit ng FAMAS Best Child Actress si Vilma dito sa Trudis Liit.

Impressed na impressed si Direk De Villa sa batang si Vilma dahil sa isang explanation lang eh nakukuha na kaagad nito ang mga instructions. Sabi ng mga co-workers ni Vilma, si Vilma ay merong fantastic memory and can easily dish out even a kilometric dialogue.

Pagkatapos ng Trudis Liit at Anak Ang Iyong Ina, sunod sunod na ang ginawa niyang pelikula katulad ng King and Queen For A Day, Aninong Bakal, Morena Martir, Iginuhit Ng Tadhana at Pinagbuklod Ng Langit.

Samantala, gumawa rin ang batang si Vilma ng isang weekly tv series sa ABS (the former KBS in Roxas Boulevard) sa direksiyon ni Jose Miranda Cruz na may pamagat na Larawan Ng Pag-ibig kasama sina Willie Sotelo at Zeny Zabala at tumagal ito ng dalawang taon sa ere. In between tapings of Larawan Ng Pag-ibig and schoolwork, siya ay gumawa rin ng mga pelikula sa iba’t ibang outfits katulad ng Ging, Naligaw Na Anghel at Sa Bawa’t Pintig Ng Puso. Later on, ginawa ring pelikula ang Larawan Ng Pag-ibig.

Gumawa rin siya sa Larry Santiago Productions ng mga pelikulang Maria Cecilia, Kay Tagal Ng Umaga at Hindi Nahahati Ang Langit. Sa mga sumunod na taon ay ginawa rin niya ang mga pelikulang Ito Ang Dahilan, De Colores, Kasalanan Kaya?, Sino Ang May Karapatan? at Sa Baril Magtuos. Dito sa Sa Baril Magtuos ay kasama niya sina Ronald Remy at Romeo Vasquez.

Noong 1967 ay ginawa ni Vilma ang The Longest Hundred Miles, isang war movie for international release sa pangunguna ng Hollywood actor na si Ricardo Montalban, Doug McLure at Katherine Ross.

Noong nagsisimula pa lang si Vilma sa Sampaguita Pictures, isa sa mga pelikulang pinanood niya kasama ang buong pamilya ay ang award-winning na The Miracle Worker. Ang role ni Patty Duke as the young Helen Keller ang kanyang pinakapaborito at ninais niya hanggang sa ngayon na makagawa siya ng pelikulang katulad nito.

Sabi ni Papa Amado, si Vilma ay hindi “spoiled” dahil kahit artista na siya, pinapalo pa rin daw niya ito kung sa palagay niya ay may nagawang kasalanan. Sabi naman ni Mama Milagros si Vilma pag may isang bagay ng gustong gawin, ito ay kanyang itinutuloy. Sabi naman ng movie scribe na si Ched Gonzales, si Vilma daw ay katulad din ng isang ordinaryong tao na mahilig sa manggang hilaw na may bagoong at sa sitsirya katulad ng popcorn, pretzel, chicharon at butong pakwan. Gustong gusto daw nito na may kinukukut-kukut.

Noong 1968, si Vilma ay nominado ng FAMAS para sa best supporting actress category, kasama sina Lolita Rodriguez at Eddie Rodriguez sa pelikulang Kasalanan Kaya? Siya ang pinakabatang aktres an nominado sa kategoryang ito. Hindi man siya pinalad na manalo sa FAMAS subali’t ang San Beda College ay binigyan siya ng Best Supporting Actress award.

Sa pagsasara ng dekada 60, si Vilma ay naging popular sa mga television shows kagaya ng Tinno Lapus’ Eskwelahang Munti sa Channel 7. Dito ay itinambal siya sa undefeated Tawag Ng Tanghalan champion for twelve weeks na si Edgar Mortiz. Ang unang pelikulang pinagtambalan ni Vilma at Edgar ay ang JBC Productions’ My Darling Eddie topbilled by the late Eddie Peregrina.

Noong 1970, ginawa in Vilma at Edgar ang pelikulang Love Is For The Two Of Us kasama sina Helen Gamboa at Ricky Belmonte. Sa telebisyon, si Vilma at Edgar ay may regular shows na Oh My Love at The Sensations sa Channel 2. Ang kanilang tambalan ay tinawag na “subok na matibay, subok na matatag.”

Noong Enero 1, 1970, ipinalabas ang superhit na pelikula ng VP Pictures na Young Love kasama ang loveteam nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Dito na nagsimula ang rivalry ng Vilma-Edgar loveteam at Nora-Tirso loveteam.

Noong 1971, ang tv show na The Sensations ay ginawa ring pelikula ng Tagalog Ilang Ilang Productions sa direksiyon ni Tony Santos, Sr. Noong Nobyembre 1971, ang popular lovebirds ay pumunta ng Hawaii at Estados Unidos para gawin ang mga pelikulang Aloha My Love at Don’t Ever Say Goodbye.

Marami pa ding mga pelikulang ginawa sina Vilma at Edgar at kabilang na dito ay ang mga pelikulang I Do Love You, From The Bottom of My Heart, Because You’re Mine, Eternally, Edgar Loves Vilma, Vilma My Darling, My Love At First Sight, The Wonderful World of Music, Remembrance, Renee Rose, Angelica, I Love You Honey, Our Love Affair, Mga Batang Bangketa, Baby Vi, Dulce Corazon, Anak Ng Aswang at ang inilahok sa 1972 Quezon City Film Festival na Dama de Noche kung saan hindi man siya ang naging best actress dito subali’t sa FAMAS nang sumunod na taon ay siya ang naging Best Actress ka-tie si Boots Anson Roa.

Samantala, Abril 28, 1974 nang maghiwalay ng landas sina Vilma at Edgar. Maraming Vilma-Edgar Fans ang nalungkot at inisip nila na magkakabalikan din ang dalawa subali’t hindi na ito nangyari hanggang sa si Vilma ay itinambal sa iba’t ibang leading men. Pero bago pa sila naghiwalay ay itinambal na din si Vilma kina Paolo Romero sa pelikula ng Virgo Productions na Ikaw Lamang kung saan nagkamit ito ng Best Picture sa 1973 Quezon City Film Festival, Manny de Leon sa mga pelikulang Teen-age Señorita at Cariñosa, Walter Navarro sa Sweet Sweet Love at Dalagang Nayon, Jay Ilagan sa Tsismosang Tindera, Ang Konduktora at Inspirasyon, Tirso Cruz III sa Dingdong, Nobody’s Child at Give Me Your Love, Victor Wood sa My Little Darling, Victor Laurel sa Ophelia At Paris, Prinsipe Paris Walang Kaparis, Jojit Paredes sa Tok Tok Palatok, Ronnie Henares sa Let’s Do The Salsa at nitong huli ay kay Christopher de Leon sa Tag-ulan sa Tag-araw.

Talagang poor second lang noon si Vilma kay Nora Aunor, subali’t nang gawin niya ang trilogy film ng Sine Pilipino na Lipad Darna Lipad ay talagang lumipad ng husto ang kanyang box office appeal. Sinundan pa ito ng mga pelikulang Takbo Vilma Dali at Hatinggabi Na Vilma.

Anupa’t itinambal din si Vilma sa mga matured leading man na katulad nina Eddie Rodriguez sa mga pelikulang Nakakahiya, Hindi Nakakahiya Part 2 kung saan nagkamit siya ng Best Actress Award sa 1st Bacolod City Film Festival at Simula Ng Walang Katapusan, Dante Rivero sa Susan Kelly Edad 20, Chiquito sa Teribol Dobol, Dolphy sa Buhay Artista Ngayon, Joseph Estrada sa King Khayan & I, Fernando Poe Jr. sa Batya’t Palu Palo at Bato Sa Buhangin, Jun Aristorenas sa Mapagbigay Ang Mister Ko, Dindo Fernando sa Langis at Tubig at Muling Buksan Ang Puso at Romeo Vasquez sa Nag-aapoy Na Damdamin, Dalawang Pugad Isang Ibon, Pulot Gata Pwede Kaya at Pag-ibig Ko Sa ‘Yo Lang Ibibigay.

Nagkasunod sunod na ang kanyang box office hit movie, hanggang sa inoperan siya ng Ian Films ng pelikulang Burlesk Queen kasama si Rollie Quizon kung saan hinakot nito ang halos lahat ng award including the Best Actress Award sa 1977 Metro Manila Film Festival. Hindi lang awards ang nakopo ng pelikulang ito dahil ang Burlesk Queen pa rin ang itinanghal na Top Grosser sa nasabing pestibal. Gumawa rin siya ng mga pelikulang siya mismo ang prodyuser katulad ng 1978 FAMAS and Urian Best Picture na Pagputi ng Uwak Pag-itim ng Tagak katambal si Bembol Roco, Halik Sa Paa Halik Sa Kamay kasama si Ronald Corveau at Eddie Rodriguez, Coed kasama si Jay Ilagan at iba pa.

Noong taong 1978, ginawa ni Vilma ang isang pelikula kung saan lumabas siyang isang rape victim kasama sina Philip Salvador at Matt Ranillo III ng Sampaguita VP Pictures na pinamagatang Rubia Servios. Hindi siya pinalad na maging Best Actress sa pelikulang ito, si Nora Aunor ang nanalo sa pelikulang Atsay, bagama’t marami ang humuhula na siya ang tatanghaling Best Actress dahil kahit ang direktor ng pelikulang Atsay na si Eddie Garcia ay si Vilma ang hinalikan at binati subali’t kinabukasan ay lalong lumakas sa takilya ang Rubia Servios at tinalo nito ang Atsay. Talagang iniyakan ni Vilma ang kanyang pagkatalo.

Taong 1978 din nang lumabas ang betamax issue sa kanila ni Romeo Vasquez subali’t sa halip na kumulimlim ang kanyang pagkabituin ay lalo pa siyang pumaimbulog paitaas at sa bandang huli ay hindi naman napatunayan ang balitang ito.

Noong July 19, 1980 ay nagpakasal si Vilma kay Edu Manzano sa Las Vegas, Nevada habang ginagawa nila ang pelikulang Romansa at April 21, 1981 nang isilang ni Vilma si Luis Manzano. Gusto ni Edu na maging plain housewife lang si Vilma subali’t hindi ito nangyari dahil sa natuklasan ni Vilma na baon na pala siya sa utang kaya gumawa siya ng mga pelikula.

Talagang puro good karma ang dumating sa buhay ni Vilma dahil after niyang makapanganak ay gumawa siya ng sunod-sunod na mga box-office hit na pelikula katulad ng Ex-Wife, Hiwalay, Sinasamba Kita, Gaano Kadalas Ang Minsan?, Paano Ba Ang Mangarap?, Relasyon, Tagos Ng Dugo, Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? Yesterday Today & Tomorrow at iba pa.

Sunod-sunod rin ang kanyang Best Actress award katulad ng kanyang grand slam sa mga pelikulang Relasyon, Dahil Mahal Kita: Dolzura Cortez Story, Bata Bata Paano Ka Ginawa? at Dekada ’70. Naging best actress din siya sa mga pelikulang Broken Marriage, Mano Po 3: My Love, Sister Stella L, Tagos Ng Dugo, Pakawalan Mo Ako, Ibulong Mo Sa Diyos, Pahiram Ng Isang Umaga, Sinungaling Mong Puso at Anak. Sunod-sunod rin naman ang kanyang Box Office Queen award. Hindi lang best actress at box office queen award ana kanyang natanggap kundi nagwagi din siya ng 2005 Gawad Plaridel.

Samantala, sa pagsasara ng ABS CBN dahil sa martial law, ay nagsara din ang tv show ni Vilma na The Sensations datapwa’t may mga humalili din dito katulad ng Santos, Mortiz & Associates, Ayan Eh, Vilma Santos Very Special at Vilma In Person (VIP) sa BBC 2. Ang VIP ay lumipat sa GMA 7 at ito ay ginawa nilang VILMA. Ang VILMA ay nagtagal ng labinglimang taon at sa loob ng mga taong ito ay consistent top rater ito kaya naman siya ang highest paid tv star nang panahong iyon.

Noong December 12, 1992 ay ikinasal naman si Vilma sa noo’y congressman ng 2nd District ng Batangas na si Ralph Recto. Bumaha ang taong dumalo at nanood ng kanilang kasal sa San Sebastian Church sa Lungsod ng Lipa at noong March 29, 1996 ay ipinanganak si Ryan Christian Recto.

Noong 1998, hinikayat siya ng iba’t ibang sektor ng lipunan para kumandidatong punong-bayan ng Lungsod na Lipa at matapos niyang gawin ang pelikulang Bata Bata Paano Ka Ginawa? ay miniting niya ang mga Vilmanians at sinabing humihingi lang siya ng isang “sign” para matuloy siyang kamandidatong mayor ng Lipa at ito ay nangyari.

Naging punong-lungsod siya ng Lipa at sa loob ng siyam na taong panunungkulan ay masasabing ang Lungsod ng Lipa ang isa sa mga pinakaprogresibong lungsod sa Pilipinas. Noong May 14, 2007, siya ay nahilingan naman na kumandidato bilang gobernador ng Batangas at dahil sa kanyang magandang nagawa sa Lungsod ng Lipa, siya ay pinalad na manalo sa posisyong ito. Katatapos lang iselebreyt ni Governor Vi ang kanyang 100 araw na panunungkulan bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas at nagkaroon siya ng State of Provincial Address nitong nakaraang October 8, 2007.

Sabi nga ni Governor Vi, sa nagayon ay prioridad niya ang kanyang pamilya, pangalawa ay ang pagiging gobernador ng Batangas at pangatlo na lamang ay ang kanyang pagiging artista. Maraming movie offers ang kanyang natatanggap katulad ng pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz, meron pang digital film na La Independencia ni Raya Martin na automatic na ilalahok sa Cannes Film Festival kung magagawa niya (sana lang!). Meron ding offer na stage play (pero malabo na ito dahil maraming oras ang kakainin nito lalo na sa rehearsals). Meron ding mga commercials at marami pang iba.

Ano pa kaya ang naghihintay sa isang VILMA SANTOS-RECTO? Marami pa, marami pa, di ba Governor Vi? Happy 54th Birthday Governor VI! – Alfonso Valencia, Alam Nyo Ba? Part 41, V Mag 2006 (READ MORE)

Related Reading:

2006 Diwata Awards

The Diwata Awards – “…The Diwata Award recognizes and honors women and bestows this award to women who have successfully contributed original text to the growing materials and narratives on women sensibilities that aim to empower women who have been marginalized in the traditional film text. It also pays tribute to their outstanding contributions to their field of cinema. The Diwata in Philippine folklore is likened to the muse that inspires artists in crystallizing ideas, concepts, and conversations as they interact with their materials…”

March 8, 2006 – “…Vilma Santos had a meeting with her Vilmanians the other Friday at Max’s Libis. She reported that she had finally finished shooting her Maalaala Mo Kaya episode with Ricky Davao and Maja Salvador, directed by Olive Lamasan. “One year in the making ito, bale two episodes, but it’s really worth it and I’m impressed with the work of Direk Olive,” she says. “It’s based on the true story of a woman from Lipa.” She said she got an offer to do a stage play at the CCP. She’s willing to try the theatre but when she was told she has to rehearse for two months, she had to turn it down as she still has her duties as Lipa City mayor to attend to. She revealed she has new movie offers, but most of them are heavy drama. She wants to do something lighter that will be more appealing to the masa. Last March 8, Vilma was given the First Diwata Award in celebration of International Women’s Day. That coincided with the 16th International Women’s Film Festival by the UP Film Institute, the longest-running women’s filmfest in the country. She was cited for her roles in films like Sister Stella L, Relasyon, The Dolzura Cortez Story, Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? and Dekada ’70, which are about women empowerment. She was honored with Lily Monteverde, Charo Santos-Concio and writer Lualhati Bautista. Vilma was warmly applauded by an adulating crowd and she delivered a very inspirational message, saying: “I strongly believe in these films with strong messages. It’s about time men believe in women empowerment. Don’t underestimate us, women and artists!” Ate Vi left Thursday with husband Sen. Ralph Recto to attend the investiture rites of our new cardinal in Rome (she was personally invited). After that, she will take a cruise with Ralph and meet with her family in Los Angeles…” – Mario Bautista, People’s Journal March 26 2006 (READ MORE)

University of the Philippines – “…In 2005, the University of the Philippines conferred to her the Gawad Plaridel Award for her achievements and contributions both as an actress and a public servant. In the same year, she was conferred an honorary doctorate degree (honoris causa) in humanities by the Lipa City College. She was again honored in 2006 by the University of the Philippines as one of the four awardees in UP’s First Diwata Awards. “Ako’y napakarelihiyosong tao sa maniwala ka o hindi. Sa aking kalooban, inaalay ko sa Diyos ang aking mga tagumpay at mga suliranin. Nagpapasalamat ako sa Kanya sa mga magaganda’t mabubuting nangyari sa akin. Kung hindi naman, iniaalay ko pa rin sa Kanya kung iyon ang kalooban Niya. Ang hinihiling ko lamang sa Kanya’y tamang patnubay (“I’m a very religious person, whether you believe it or not. Deep inside, I offer all my success and problems to God. If they’re beautiful and good, I thank Him. If they aren’t, I still offer them to Him if that is what He wants to happen. What I only ask from Him is proper guidance),” she said…” – Rogelio Constantino Medina (READ MORE)

The Awardees – “…The following are the distinguished women who were awarded the Diwata Award…Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Vilma Santos, Ms. Lily Monteverde, Ms. Lualhati Bautista, Ms. Laurice Guillen, Ms. Marilou Diaz-Abaya, Ms. Bella Flores…”

Vilma Santos, is the Philippines’ most awarded and critically acclaimed actress and longest reigning box office queen. One of the original Philippine movie queens, she rose up to become the versatile actress that has been given the fitting title of “Star for All Seasons” and more recently “Woman for all Seasons” because of her capacity to adapt to the changing mores and values of the Filipino woman, giving a face to their plight and struggles. She is currently in politics as the Governor of Batangas province, Philippines. She was also formerly Mayor of Lipa City, Batangas. – Agimat (READ MORE)

Maria Rosario Santos known as Charo Santos-Concio or Charo Santos (born October 27, 1953) is a Filipina television executive, host, actress, and film producer who hosts the network’s longest-running drama anthology Maalaala Mo Kaya. She is the President of ABS-CBN Corporation, and plays a powerful role in TV and film production in the Philippines. On March 3, 2008, Ms. Charo Santos-Concio was promoted as 5th president of ABS-CBN Broadcasting Corporation and in charge of the company’s total business portfolio, taking over from interim president Eugenio Lopez III. – Wikipedia (READ MORE)

Lily Monteverde – Lily Yu Monteverde (nickname Mother Lily) is a prominent Filipino film producer and businesswoman. Lily Monteverde has produced nearly 300 films in the Philippines since the early 1960s. She operated Regal Films, in the Philippines for many years. In August 1996 she invested much of her substantial wealth into hotels in Quezon City. She opened the Imperial Palace Suites on the site of an old gasoline station at the corner of Tomas Morato and Timog avenues in Quezon. In 2000, she received the Lifetime Achievement Award from Cinemanila International Film Festival. – Wikipedia (READ MORE)

Lualhati Torres Bautista (born Manila, Philippines December 2, 1945) is one of the foremost Filipino female novelists in the history of contemporary Philippine Literature. Her novels include Dekada ’70, Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa?, and ‘GAPÔ. Bautista was born in Tondo, Manila, Philippines on December 2, 1945 to Esteban Bautista and Gloria Torres. She graduated from Emilio Jacinto Elementary School in 1958, and from Torres High School in 1962. She was a journalism student at the Lyceum of the Philippines, but dropped out even before she finished her freshman year. Despite a lack of formal training, Bautista as the writer became known for her honest realism, courageous exploration of Philippine women’s issues, and her compelling female protagonists, who confront difficult situations at home and in the workplace with uncommon grit and strength. – Wikipedia (READ MORE)

Laurice Guillen is a Filipino actress and director. Guillen studied at St. Theresa’s College, Cebu City, before working on a Masters in Mass Communication at Ateneo de Manila University, followed by a television production course under Nestor Torre, in 1967. She then began work as an actress, starring in productions of Mrs. Warren’s Profession, before crossing over to film and television work, playing a seductress in Tinimbang Ka Ngunit Kulang, and Corazon Aquino in the drama A Dangerous Life. In 2009 she accepted a role in the indie film Karera, her first role in an independent production. Other credits include in the film Sister Stella L and Moral. – Wikipedia (READ MORE)

Marilou Diaz-Abaya (March 7, 1955 – October 8, 2012) was a multi-awarded film director in the Philippines. She was the founder and president of the Marilou Diaz-Abaya Film Institute and Arts Center, a film school based in Antipolo City, Philippines. She was the director of the 1998 film José Rizal, a biopicture on the Philippines’ national hero. – Wikipedia (READ MORE)

Bella Flores – “…She is Bella Flores and proud that she has played the wicked tormentor of children from Tessie Agana in 1951 in Roberta, to Vilma Santos in Trudis Liit in 1963, to Maricel Soriano in Inday Bote in 1970. “I walk alone. I pray alone. I talk to God na huwag ako pababayaan. There are times I feel lonely, natural lang yun. I know God is always with me.” While she relates her story, of how she distrusts everyone which is why she opts to live alone and refuses to hire a live-in driver, there is something in her demeanor that tells you it is possibly just another role she is playing. “I don’t have close friends. We meet on the set, then go home. But there are people like Susan Roces, Gloria Romero, Pablo Gomez whom I like. Friends are the ballroom dancing friends, although I stopped dancing in 2002 when I became very busy,” she continues sounding much like the sure-fire recipe on how to be hated by an audience…” – Bibsy M. Carballo, The Star, 14 March 2008 (READ MORE)

Related Reading: