Quotes from Peers

This slideshow requires JavaScript.

As I browse my compilations of old magazines i realized how ate vi is being idolized by her colleagues in showbiz. Here are some quotes from them.

Armida Siguion Reyna – Simula ng mapanood ko si Vilma sa Trudis Liit naging Vilmanian na ako. Nobody comes close to her.

Snooky Serna – Naging huwaran ko si ate Vi hindi lang sa career ko kundi maging sa personal kong buhay. I am very proud to be a Vilmanian.

Sharon Cuneta – Bata pa ako hindi pa ako artista talagang idol ko na si Ate Vi. Pinupuntahan ko pa yan sa bahay niya para lang makita at maka-usap kahit ako lang mag-isa.

Kristine Garcia – Kahit 1/4 lang ng tagumpay ni ate Vi ang marating ko masayang masaya na ako. Talagang idol ko siya. Idol siya ng buong  pamilya ko.

Ai-Ai Delas Alas – Kung alam lang ni ate Vi kung ilang beses akong nadapa sa paghahabol na makita siya. Siya ang naging inspirasyon ko sa pagpasok ko sa showbiz.

Korina Sanchez – Simula noon hanggang ngayon pagbalibaligtarin man ang panahon VILMANIAN PA RIN AKO.

Amy Austria – Si Vilma Santos ang idol ko. Maganda na , magaling pa.

Rio Locsin – Type ko siya. Ang husay husay niya.

Lea Salonga – Vilma is an actress that can compete with the top caliber actresses  in Hollywood. She is an epitome of a real queen of Philippine Cinema. I really look up to her.

Dawn Zulueta – Makasama ko lang si Ate Vi sa pelikula gagawin ko kahit libre.

Carlos Agassi – Ng makasama ko si mMama Vi sa pelikula feeling ko puwede na akong mamatay.

Donna Villa – Hindi kumpleto at walang katuturan ang pagiging producer ko kung hindi ako makagawa ng pelikula na bida ang hinahangaan kong si Vilma Santos.

Alvin Patrimonio – It would be a great fullfilment if I make a movie with nmy favorite Actress Vilma Santos.

Martin Nieverra – Vilma is my favorite actress. She is the only actress Ive known. Shes Great.

Jaclyn Jose – Bago ako pumasok sa showbiz, die hard Vilmanian na ako.  Nakikipag-away pa nga ako dahil kay Vilma.

Ana Capri – Nangangatog ako ng una ko siyang ma-meet in person.  Ganoon pala talaga ang feeling kapag naka face to face mo ang idol mo.

Glydel Mercado – Bata pa ako ginagaya ko na ang acting ni ate Vi.  Idol siya ng Nanay ko kaya naging idol namin siya.

Rufa Gutierrez – I am very flattered when Lino Brocka said that I am the next Vilma Santos. But Vilma Santos is Vilma Santos shes incomparable.

Gabby Concepcion – For me Vilma Santos is the Greatest Actress of all times. – A Roll-on, V magazine, 2005

Advertisements