Vi And Bot – Sweet Sixteen


Sina Vilma Santos at Edgar Mortiz ang isa sa mga itunuturing na pinaka-durable loveteam ng lokal na aliwan. Alam naman ng lahat na si Edgar ang first love ni Ate Vi. Ang mga tagahangang nakasaksi sa kanilang pagmamahalan ay di-akalaing magwawakas agad iyon. Ate Vi was 14 years old then nang mapasama sa popular radio show ni Ka Tinno Lapuz,ang Eskwelahang Munti. Dito niya nakilala ang di inaasahang magiging ka-loveteam na si Edgar. Nakilala ang kanilang loveteam as “Vi and Bot” .Sumabay ang kanilang team-up sa “Guy and Pip” nina Tirso at Nora. Una silang napanood sa lokal na aliwan bilang suporta ng yumaong singer na si Eddie Peregrina sa pelikulang “My Darling Eddie” in 1969. Klik agad ang kanilang tambalan and from then on ay nagkasunodsunod na ang kanilang mga ginawang pelikula, gayundin ang mga TV shows, tulad ng “The Sensations” at “Edgar Loves Vilma.” Kinanta ng dalawa ang Devoted To you and the fans were hooked. Nagsimulang nagtatag ang kanilang mga tagahanga ng Vi-Bot Fans Club all over the country, as against sa karibal nitong Guy and Pip tandem. Parang kabuteng nagsulputan ang kanilang mga fans from Aparri to Jolo.

Tinagurian noon ang kanilang tambalan na Subok na Matibay, Subok na Matatag na siyang blurb noon ng isang kilalang bangko na naging commercial nila. Sinundan agad ng pelikulang The Jukebox King as second lead na nagtampok din kay Eddie Peregrina. Taong 1970, ginawa nila ang “Young Love” under VP Pictures na kung saan kasama ang karibal nilang tandem, ang Guy and Pip. Nagkasunod-sunod ang pagpapareha nila sa mga pelikulang Song and Lovers, Bulaklak at Paru-Paro, My Pledge of Love, Love Is For the Two Of Us, From The Bottom Of My Heart, Young Idols, Sixteen, Because You are Mine, Love Letters, Sweetheart, Mga Batang Bangketa, I Love You Honey, Edgar Loves Vilma, Sapagkat Sila’y aming Mga Anak, Vilma My Darling, Baby Vi at Renee Rose. Sa loob ng taong 1970, nakagawa ang kanilang tambalan ng labing walong pelikula. That was also the same time na na-inlove na si Bobot kay Vi. By the way, ang aktres mismo ang nagbinyag kay Edgar ng Bobot. Nang mabuo na nga ang kanilang tambalan, unti-unti nang nagpalipad-hangin si Bobot kay Vi. Ayon nga sa pagbabalik-tanaw, si Ate Vi noon ay labing-anim na taong gulang nang maging magkatipan sila ni Bot. Ang kanikanilang tagahanga ay naniwalang meron na talagang affair ang mga idols nila. In February, 1970 nagtapat si Bobot kay Vi ng “I love You.” Nadebelop ang feelings nila sa isa’t isa dahil sa kanilang loveteam. Pero aprubado naman ng kani-kanilang parents ang relasyon. Botong-boto kasi at giliw na giliw si Mama Santos kay Bobot noon. Naging neighbors pa nga sila ni Bobot sa Arfel Homes sa Project 6, Quezon City. Nasundan pa ang kanilang pagtatambal noong sumunod na taon, 1971.

Ginawa nila ang Love At First Sight, The Sensations, Angelica, The Wonderful World Of Music, Young Lovers, Our Love Affair at Eternally. Mapapansin na karamihan sa mga pelikula na kanilang ginawa ay puro hango sa titulo sa mga kantang pinatanyag noon. Usually, ang karamihan sa mga eksena ay tadtad ng mga musical numbers. Dahil sa kainitan ng tagumpay sa takilya at popularidad ang kanilang tambalan, ginawa ng Tagalog Ilang-Ilang Productions, ang Aloha My Love, taong 1972 na kinunan pa sa Hawaii, Don’t Ever Say Goodbye na kinunan pa sa Pasadena Palm Spring, San Francisco USA, Dulce Corazon, Remembrance na ka-love triangle ang yumaong si Jay Ilagan, Dama de Noche, an award winning movie ni Vi na nagpanalo sa kanya ng FAMAS Best Actress where she played a dual role, 3 Mukha ni Rosa Vilma at Leron-Leron Sinta. Their trip in Hawaii where they did Aloha My Love was very memorable. Marami kasi ang umaasa nilang mga fans na magaganap ang Hawaiian wedding nila pero hanggang sa pelikula lang ito nangyari. Taong 1973, muli silang nagtambal sa pelikulang Now and Forever at Anak ng Asuwang.

Nasundan pa ng dalawang pelikula noong 1974, ang Biktima at Kampanerang Kuba. Akala nila ay panghabambuhay na ang kanilang relasyon. But tulad ng kasabihan, nothing lasts forever, nabuwag din ang kanilang tambalan. Mahigit na 50 pelikula ang kanilang pinagtambalan. On and off, pinapanatili ng Tagalog Ilang-Ilang ang kanilang loveteam na talagang tinatangkilik ng kanilang matatapat na tagahanga. Ang last movie na pinagtambalan nila ay ang “Karugtong ng Kahapon,” taong 1975 para sa TIIP. Nagkaroon ng lamat ang kanilang loveteam nang mapatambal si Ate Vi sa iba’t ibang leading men. Nag-split sila formally noong April 28, 1974. Sa kanilang break-up ay hindi nawalan ng pag-asa si Bobot who kept looking forward for a reconciliation. Only years after, when Bobot got married nang hindi na talaga sila puwede pang magkabalikan ni Ate Vi,ang kanyang first love. Ate Vi went on with her career as a solo star at tinangkilik ng publiko na maipareha sa ibang aktor. Sa paghihiwalay ng landas nina Vi at Bobot sa pelikula ay napanatili nila ang kanilang magandang bonding hanggang ngayon. – Willie Fernandez, V Magazine, Dec. 2006

RELATED READING:
Vilma Santos-Edgar Mortiz Love Team Circa 1970
Edgar Loves Vilma
IMDB: Edgar Mortiz
Vilma Santos From Wikipedia
Edgar Mortiz From Wikipedia
Vilma Santos-Edgar Mortiz Love Team Circa 1970
The Sweet Voice of Vilma Santos
Vilma Santos’ Sixteen Interview
Discography: Sixteen (1970)
If Vilma comes, can Edgar be far behind?
Love Letters thief
Vi and Bot Photo Album
Ang Makulay na Buhay-Pag-ibig ni Rosa Vilma Santos
Ultimate Scrapbook (Repost)
Vi And Bot – Sweet Sixteen
Remembering Vilma’s 18th Birthday
Top 10 Leading Men
Family Life in the 70s
Love Letters (1970)
Vilma and Edgar Duet (Video)
Sixteen – Vilma Santos (Video)
CLIPS – Sixteen (Video)

Advertisements