The Plot: An endearing romantic drama that tells of a very curious affair between an older woman (Vilma Santos) and a young unhappily married boy (Aga Muhlach). In between them are Vilma’s husband, Gabby Concepcion and Aiko Melendez as Aga’s wife. All told, the movie proves once again that love does not only happen in the most unexpected times and places. It also makes people do the strangest things. – Regal Films
The Review: Nagsimula ang movie with Clara (Vilma) had a visitor in a jail, ito ay ang ex-wife ng asawa niya. Kasabay nito’y nag-flashback na ang pelikula. Bakit nakulong si Clara? Unang nagkakilala sa isang disco sina Jason at Clara. Inalok ng batang-batang si Jason si Clara ng sayaw ngunit inignore lang nito ang istudyante. Makikita agad na parehong hindi masaya sa buhay may asawa si Clara (Vilma Santos) at Jason (Aga Muhlach). Si Clara ay asawa ng isang malupit at babaerong negosyate, si Roman (Gaby Concepcion). Samantalay si Jason naman ay laging nina-nag ng kasing edad niyang asawa na si Aiko Melendez at pati ang kani-kanilang mga magulang ay nadadaway at madalas na nase-sermunan si Jason dahil rito. Kasabay na pinakita ang problema sa pagaasawa’y ipinakita rin ang mga taong nasasangkot sa pag-iibigan ni Clara at Jason. Ang asawa ni Clara na si Roman ay ubod ng lupit, minsan ay may nahuli ang mga tauhan nito na nagnanakaw sa kanilang bahay ay binaril nito ang magnanakaw. Bukod sa kalupitan ay marami ring naanakan siya at ang laging solusyon nito ay perahan ang mga babae para manahimik ang mga ito.
Nang bumalik sa Pilipinas ang kanyang ex wife na si Leda (Alice Dixon), muling gustong makipagrelasyon ito. Dahil sa mga pambabae ni Roman ay gusto rin sanang makaganti ito sa asawa at maraming mga lalaki na gustong makipagrelasyon sa kanya ngunit napipigilan pa rin nito ang sarili ngunit nang makilala niya minsan ang batang-batang si Jason (Aga) ay hindi na nito napigilan ang sarili. Muling pinagtagpo si Clara at Jason nang masiraan itong una sa kalye at nagkataon na naruon si Jason at tinulungan siya na humantong sa isang dinner date. Nagkaroon sila ng relasyon at nagkikita sa isang apartment na pagaari ng kaibigan ni Clara. Sa kabila ng agwat ng kanilang edad at estado’y natutong mahalin ng dalawa ang kanilang isa’t isa hanggang sa matuklasan ng asawa ni Jason ang relasyon at mag-iskandalo pa ito sa harap ng mga tao’t sa apartment na tagpuan ng dalawa. Bukod sa iskandalo ay nagsumbong pa ito sa asawa ni Clara. Ang naging resulta ng pagsusumbong na ito’y ang pagkakabugbog ni Jason sa malupit na kamay ni Roman. Sinadista nito ang kaawa-awang si Jason. Nang malaman ni Clara ay hindi niya napigilan ang nangyari sa katipan at nang mapuntahan niya’y natuklasan niya ang sinapit ni Jason. Binaril niya ang asawa at pinatay. Dito siya nakulong.
Maayos na nailahad ni Maryo Delosreyes ang istorya nang pag-iibigan ni Clara at Jason. Ito marahil ang dahilan kung bakit tinangihan ni Vilma ang pelikulang Naglalayag na halos kapareho ng istorya, ang pag-ibigan ng isang batang lalaki sa nakakatandang babae. Merong mga eksena rito na hindi kapanipaniwala katulad ng bakit nabuhay pa si Aga Muhlach sa bandang huli dahil nakakapagtaka na sa kabila na sobrang torture na natanggap niya mula sa sadistang si Roman ay nabuhay pa ito. Hindi rin na-isplika ng pelikula kung bakit gustong balikan ni Roman ang ex-wife niyang si Leda (Alice Dixon). Mahusay ang cast ng pelikula, magagalit ka talaga sa kalupitan ni Gabby Concepcion at makikita mo rin na believable siya bilang isang babaerong negosyante. Bilang ex-wife ni Roman, parang tuod si Alice Dixon wala siyang kabuhay buhay na magdeliver ng mga lines. Samantala, litaw na litaw naman ang role ni Aiko Melendez bilang Ana, ang asawa ni Jason. Halos lahat ng eksena niya ay mahusay niyang nagampanan maliban sa bandang huli yung reconciliation scene niya kay Vilma kung saan hindi bagay ang lines niya ba…”pareho natin siyang minahal… blah blah blah…”
Magaling sina Aga Muhlach at Vilma Santos bilang nagtatagong magkasintahan. Lutang na lutang ang pag-arte ng dalawa at nakakatuwa sila sa kanilang mga eksena na nagtatagpo ng palihim tulad ng mag-kita sila sa department store. Dumating si Vilma at hinahanap niya si Aga, hindi nya makita ito hanggang sa mamataan niya ang binata na nakaupo sa may display area. Kinindatan ni Jason si Clara at napatawa na lang ang babae. Mararamdaman mo ang excitement ng mga pagkikitang ito. Nang mahuli ni Ana ang asawa at mag-iskandalo ito, nang umalis na ang asawa at balikan ni Jason si Clara sa loob ng apartment, makikita sa mukha ni Vilma ang pagtatapos ng kanilang affair. Ang sabi niya: “ Hinintay lang kita, guston kong maghiwalay tayo ng maayos…” Bukod sa maraming eksena na lutang na lutang ang pag-arte ni Vilma marahil ang pinaka-memorable ay ang eksena kung saan binaril ni Vilma si Gabby at sabihin niya ang line na: “mamatay kang kasama ng mga baboy mo…” ito ang pagpapatunay na talagang napakahusay niyang artista. – RV
“…In 1992, wala ni isang pelikulang tinampukan si Nora, samantalang si Vilma starred in only one: Maryo J. delos Reyes’ Sinungaling Mong Puso, na hindi niya pinagtamuhan ng anumang major Best Actress award. In 1993, gumawa si Vilma ng pelikula na ang kuwento’y base sa unang Pilipinang nag-reveal ng pagkakaroon niya ng AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome), si Dolzura Cortez. Directed by Laurice Guillen for Octoarts Films, Dahil Mahal Kita (The Dolzura Cortez Story) won Vilma the Best Actress honors at the 1993 Manila Film Festival, Star, Gawad Urian and FAP…” – William Reyes (READ MORE)
“…Dahil sa tagumpay sa box-office ng pelikulang “Just A Stranger” nina Anne Curtis at Marco Gumabao, muling nauuso ang mga May-December affair film. Sa Urban Dictionary, ang meaning ng “May-December affair” is a relationship between two people where one partner is in the “winter” of their life (old) and the other partner in the relationship is in the “spring” of their life (young). May/December relationships can either be superficial or serious – so the term doesn’t itself say anything about the status of the relationship…Kung tutuusin ay noon pa uso ang May-December affair films at ang iba rito ay naging award-winning pa…Heto nga ang mga pelikulang nagpakilala sa landian, lambingan, harutan ng mga babae/lalaki na may edad sa mga mas batang-batang nilalang…Sinungaling Mong Puso (1992) – Kuwento ito ni Clara (Vilma Santos) na hindi na masaya sa pagsasama nila ng malupit at babaero niyang mister na si Roman (Gabby Concepcion). Nagkataon na nakilala niya ang young father na si Jason (Aga Muhlach) na hindi rin masaya sa nagging wife niyang si Anna (Aiko Melendez). Nabuo ang isang sikretong relasyon na nauwi sa isang madugong trahedya. Mula sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes, nanalo rito si Aga bilang FAMAS Best Actor…” – Anonymous, Abante, 07 Sep 2019
You must be logged in to post a comment.