MGA TITULO

This slideshow requires JavaScript.

Tinaguriang King of Philippine Movies si Fernando Poe, Jr. samantalang si Susan Roces ang Queen of Philippine Movies. Si Amalia Fuentes ang Ms. Number One, si Juancho Gutierrez ang Mr. Number One. Si Dolphy ang Comedy King, si Ai Ai de las Alas naman ang Comedy Concert Queen. Ang dating mag-asawang sina Martin Nievera at Pops Fernandez ang tinaguriang Concert King and Queen. Si Regine Velasquez ang Asia’s Songbird, si Lani Misalucha ang Asia’s Nightingale at si Pilita Corrales ang Asia’s Queen of Songs. Si Boy Abunda ang King of Talk samantalang si Kris Aquino ang Queen of All Media. Si Inday Badiday ang Queen of Intrigues, si Ike Lozada ang Dambuhalang DJ at si German Moreno ang Master Showman. Tinawag na Mr. Pure Energy si Gary Valenciano, si Sarah Geronimo ang Pop Princess samantalang si Maricel Soriano ang Diamond Star. Si Sharon Cuneta ang Megastar at si Nora Aunor ang Superstar. Si Ms. Vilma Santos ay binigyan din ng titulong Star for All Seasons subali’t marami pa ding ibang bansag sa kanya. Nasa buwan na tayo ng Abril kaya’t sa ating ALAM NYO BA? Part 82 ay isa-isahin natin ang mga naging titulo o bansag kay Ms. Vilma Santos.

The Movie Queen – Sa mga artistang nagreyna, si Queen Vi lang yata ang nakagawa ng humigit kumulang na dalawang daang pelikula. ‘Yung mga artistang nagreyna noon ay halos tumagal lamang ng isang dekada at pagkatapos ay mga supporting roles na lang ang kanilang ginagampanan. Si Queen Vi, sa kabilang banda ay tumagal ng halos limang dekada pero hanggang sa kasalukuyan ay bida pa rin ang kanyang mga ginagampanang roles sa kanyang mga pelikula. Marami sa mga pelikula ni Queen Vi ay kumita sa takilya at kinilala ng mga award giving bodies katulad ng FAMAS, Star Awards for Movies, Gawad Urian, Catholic Mass Media Award, Film Academy of the Philippines at Metro Manila Film Festival. Hindi lang mga pelikula ni Queen Vi ang kinilala ng iba’t ibang award giving bodies kundi pati ang kanyang mga pagganap. Sa mga nagreyna, si Queen Vi lang ang may pinakamaraming best actress award.

Ilan sa mga naging awards ni Queen Vi bilang reyna ay ang mga sumusunod:

  • 1970 – Most Popular Loveteam ang Vilma-Edgar (Liwayway Publications)
  • 1971 – Miss Philippine Movies
  • 1972 – Reyna ng Pelikulang Pilipino
  • 1973 – Queen of Philippine Movies (BAMCI Promotions)
  • 1974 – Queen of Movie Stars (Life Publishing)
  • 1974 – Miss RP Movies (BAMCI Promotions)
  • 1975 – Miss RP Movies
  • 1975 – Queen of Southern Luzon Movies
  • 1980 – Miss Philippine Movies (PD Productions)
  • 1981 – Miss Philippine Movies-USA
  • 1983 – RP Movies Queen of Queens (Prime International Promotions)
  • 1983 – Her Highness Queen of Philippine Movies (Catholic Women’s League)
  • 1988 – Queen of Philippine Movies (Star Publishing)

Ilan pa din sa mga awards ni Queen Vi ay ang mga sumusunod:

  • 1973 – Most Cooperative Star (Philippine Movie Press Club)
  • 1974 – Best Dressed Actress
  • 1975 – Fiesta Filipina (FPBA Reyna Elena)
  • 1976 – Most Appealing Star
  • 1980 – Paborito Ng Press (Philippine Movie Press Club)
  • 1981 – One of the Ten Loveliest Actresses (BBC Channel 2)
  • 1983 – Most Popular Star (Philippine Movie Press Club)
  • 1990 – Darling of The Press (Star Awards for Movies)
  • 1994 – Achievement Award – Parangal Ng Bayan
  • 1997 – Grand Achievement Award – Parangal Ng Bayan
  • 1998 – Lifetime Achievement Award (GMMSF, FAMAS)
  • 1999 – Natatanging Artista ng Taon (PASADO)
  • 2000 – Special Recognition for Winning at Brusells Film Festival (NCCA, Pelikula at Lipunan)
  • 2000 – Lifetime Achievement Award (Cinemanila International Film Festival)
  • 2003 – Lifetime Achievement Award (Cinemanila International Film Festival)
  • 2005 – All Time Favorite Actress (GMMSF)
  • 2008 – Ulirang Artista (Star Awards for Movies)
  • 2010 – Lino Brocka Achievement Award (Enpress)

The Television Queen – Nagteleserye si Vi via Larawan ng Pag-ibig na napanood sa Channel 3 noong 1963. Ang teleserye ay isinapelikula ng Vitri Films at tinampukan din nina Eva Darren, Willie Sotelo, Ben David at Rosita Noble na sinulat, iniskripan at dinerek ni Jose Miranda Cruz. Ipinalabas ang nasabing pelikula noong Hulyo 19, 1964. Nagdrama anthology din si Vi sa pamamagitan ng Oh My Love! at Dulambuhay Ni Rosa Vilma. The Sensations sa ABS CBN 2 ang unang musical variety show ni Vi kasama sina Edgar Mortiz, Perla Adea, Romy Mallari, Baby de Jesus, Tony Santos Jr., Ike Lozada, Rhodora Silva, Darius Razon at Angge. Katulad ng Larawan Ng Pag-ibig, isinapelikula din ito ng Tagalog Ilang-Ilang Productions na ipinalabas noong Abril 10, 1971 sa panulat nina Rose Reynaldo at Tony Dantes, iskrip at direksiyon ni Tony Santos Sr. Kasama din sa pelikula sina Vic Pacia, Ben David at Beth Manlongat. Nang ideklara ang martial law, napilitang magsara ang ABS CBN 2, kung kaya’t lumipat ang grupo ng The Sensations sa ibang tv station at ang naging titulo ng programa nila ay Santos, Mortiz & Associates. Hindi rin nagtagal ang Santos, Mortiz & Associates at nagsolo na lang sina Vi at Bobot. Ayan Eh! ang sumunod na programa ni Vi. Sumunod na programa ni Vi ay isang taped musical variety show na may pamagat na Vilma Santos Very Special kung saan si Mitos Villareal ang kanyang direktor.

Huminto sa telebisyon si Vi nang mapangasawa si Edu Manzano subali’t nang madiskubre niya na baon pala siya sa utang dahil sa mismanagement ng kanyang VS Films kung kaya’t napilitan siyang tumanggap ng tv show via Vilma In Person sa BBC 2 kung saan si Bert de Leon ang kanyang naging direktor. Nang magkaroon ng Edsa 1, lumipat ang VIP sa GMA 7 via Vilma! Ang initial telecast ng Vilma! ay ginanap sa Araneta Coliseum kung saan punung-puno ng tao ang loob ng coliseum. Hindi naman kataka-taka na maging number one ito sa rating. Since then, wala ng ibang musical variety show na umabante sa Vilma! Talbog silang lahat at tinawag pang Central Bank ng GMA 7 ang Vilma Show dahil sa dami ng commercial loads nito na sila na mismo ang tumatanggi sa ibang nais magpasok ng kanilang mga commercial. Hindi lang sa commercial nangunguna ang Vilma! dahil kahit sa concept, guests, awards at production numbers eh talagang number one ang nasabing show. Higit sa lahat, si Vi ang highest paid tv star nang mga panahong ‘yun. Taong 1995 nang magpaalam si Vi sa Vilma! show dahil gusto niyang magkaanak kay Sen. Ralph Recto subali’t matapos maipanganak si Ryan Christian ay nagbalik telebisyon si Vi sa pamamagitan ng Vilma Tonite!. Isang season lang ang itinagal ng nasabing show. Kabilang naman sa ginawang telemovie ni Vi ay ang Lamat Sa Kristal, Katuparan, Once There Was A Love, Correctional, Bugso at Maalaala Mo Kaya: Regalo episode. Tele-Vi ang pamagat ng show sa Channel 4 kung saan ay linggu-linggong inilalabas ang mga pelikula ni Vi. Si Mario Hernando ang nagre-review ng mga nasabing pelikula. Si Vi ay naging host ng Star Awards for Movies, Star Awards for TV at Gawad Urian Award.

Speaking of TV awards, ang mga awards na nakamit ni Vi at ng Vilma! ay ang mga sumusunod:

  • 1974 – Most Effective TV Actress (EMEE Award)
  • 1987 – Best Musical Variety Show Host (Star Awards for TV)
  • 1987 – Best Musical Variety Show (CMMA)
  • 1988 – Best Musical Variety Show (Star Awards for TV, CMMA)
  • 1989 – Best Musical Variety Show (Star Awards for TV, CMMA)
  • 1990 – Best Musical Variety Show (Star Awards for TV)
  • 1990 – Hall of Fame in Musical Variety Show (CMMA)
  • 1990 – New York International Awards for TV (Finalist)
  • 1991 – Best Musical Variety Show (Star Awards for TV, Golden Dove)
  • 1992 – Best Musical Variety Show (Star Awards for TV)
  • 1994 – Best Musical Variety Show (Star Awards for TV)
  • 1998 – Ading Fernando Lifetime Achievement Award
  • 2005 – Best Single Performance By An Actress – MMK: Regalo episode (Star Awards for TV)

The Dancing Queen – Sabi ni Vi, ang kanyang pagkanta ay para lang sa mga Vilmanians subali’t pagdating sa sayawan ay lalaban siya ng sabayan. Di nga ba’t sa kanyang tv show na The Sensations ay nagkaroon ng Vilma’s penguin dance? Hindi kumpleto ang Friday night ng mga televiewers kapag hindi nila napanood ang opening dance number ni Vi sa kanyang musical variety show na Vilma! Halos lahat na yata ng sayaw ay naisayaw na ni Vi sa Vilma! May singkil, African dance, lambada, dirty dancing, twist, elephant walk, limbo rock, rock, ballroom dancing, jerk at marami pang iba dahilan para manguna ang nasabing show sa mga rating. Sa mga TV guestings niya ay palaging sayaw ang kanyang panlaban katulad na lang nung mag-guest siya sa initial telecast ng tv show ni Randy Santiago na Shades kung saan sumayaw siya sa tugtog ng Dancing Queen. Nagpaligsahan naman sila ni Alma Moreno sa pagsasayaw noong unang Star Awards for TV. Kontodo may mga sulo pang dala ang mga back-up dancers ni Alma subali’t hindi nagpatalbog si Vi at ang VIP dancers. Ang simple lang ng kanyang ginawang dance number subali’t pinalakpakan ito ng husto. Napaka-graceful at magaang kasayaw ni Vi. Dahil sa husay sa pagsayaw kung kaya’t ilang beses ding naimbitahan si Vi ng PMPC para mag-perform ng isang dance number sa Star Awards for TV. Dahil ang Vilma! ay ginaganap sa Metropolitan Theater kung kaya’t nang magkaroon ng benefit show ang MET ay pinaunlakan ni Vi ang kanilang imbitasyon na magkaroon siya ng isang dance number. Bata pa lang si Vi ay may pelikula na siyang ipinapakita ang kanyang kagalingan sa pagsasayaw katulad ng Ging (1964). Gumawa din si Vi ng mga musical films katulad ng Let’s Do The Salsa (1976), Disco Fever (1978), Swing It Baby (1979), Rock Baby Rock (1979) at Good Morning Sunshine (1980). May mga pelikula din si Vi na sumasayaw siya kagaya ng King Khayam & I (1974), Nakakahiya? (1975), Hindi Nakakahiya Part II (1976), T Bird At Ako (1982), Ibulong Mo Sa Diyos (1988) at In My Life (2009). Sina Lito Calzado, Geleen Eugenio, Aldeguer Sisters at Maribeth Bichara ang kanyang mga naging choreographer.

The Drama Queen – Si Vi ay itinuring din na isang drama queen dahil sa kanyang mga naging pagganap sa pelikula na pulos iyakan katulad ng Trudis Liit (1963), Anak Ang Iyong Ina (1963), Ging (1964), Naligaw Na Anghel (1964), Kay Tagal Ng Umaga (1965), Hindi Nahahati Ang Langit (1966), Kasalanan Kaya? (1968), Sino Ang May Karapatan (1968), Dama de Noche (1972), Tag-ulan Sa Tag-araw (1975), Mga Rosas Sa Putikan (1976), Dalawang Pugad Isang Ibon (1977), Masarap, Masakit Ang Umibig (1977), Burlesk Queen (1977), Nakawin Natin Ang Bawa’t Sandali (1978), Rubia Servios (1978), Halik Sa Paa, Halik Sa Kamay (1979), Langis At Tubig (1980), Ex-Wife (1981), Pakawalan Mo Ako (1981), Hiwalay (1981), Karma (1981), Relasyon (1982), Sinasamba Kita (1982), Gaano Kadalas Ang Minsan? (1982), Paano Ba Ang Mangarap? (1983), Broken Marriage (1983), Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan (1983), Adultery: Aida Macaraeg Case No. 7892 (1984), Alyas Baby Tsina (1984), Muling Buksan Ang Puso (1985), Tagos Ng Dugo (1987), Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? (1987), Ibulong Mo Sa Diyos (1988), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Hahamakin Lahat (1990), Kapag Langit Ang Humatol (1990), Ipagpatawad Mo (1991), Sinungaling Mong Puso (1992), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Lipa; Arandia Massacre (1994), Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal (1997), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Anak (2000), Dekada ’70 (2002), Mano Po 3: My Love (2004) at In My Life (2009).

Ang mga sumusunod ang kanyang mga best actress awards:

  • FAMAS – Dama de Noche (1972), Pakawalan Mo Ako (1981), Relasyon (1982), Tagos Ng Dugo (1987) at Ibulong Mo Sa Diyos (1988)
  • Gawad URIAN – Relasyon (1982), Broken Marriage (1983), Sister Stella L (1984), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Ipagpatawad Mo (1991), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998) at Dekada ’70 (2002)
  • FAP – Relasyon (1982), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998) at Dekada ’70 (2002)
  • STAR Awards for Movies – Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Dekada ’70 (2002), Mano Po 3: My Love (2004) at In My Life (2009)
  • CMMA – Relasyon (1982) at Tagos Ng Dugo (1987)
  • MMFF – Burlesk Queen (1977), Karma (1981), Imortal (1989) at Mano Po 3: My Love (2004)
  • MMF – Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993)
  • YCC – Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998) at Dekada ’70 (2002)
  • PASADO – Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Anak (2000) at Dekada ’70 (2002)
  • Gawad TANGLAW – Dekada ’70 (2002), Mano Po 3: My Love (2004) at In My Life (2009)
  • Gawad SURI – Mano Po 3: My Love (2004) at In My Life (2009)
  • Gawad Genio – In My Life (2009)
  • MTRCB Awards for Movies – In My Life (2009)
  • GMMSF – In My Life (2009)
  • BACOLOD City Film Festival – Nakakahiya? (1975)
  • CEBU City Film Fesival – Karma (1981)
  • SIASI, JOLO Critics Award – Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998)
  • MOVIE MAGAZINE – Tagos Ng Dugo (1987), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Ipagpatawad Mo (1991) at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993)
  • CINEMASCOOP Award – Tagos Ng Dugo (1987)
  • CHANNEL 2 Viewers Choice Award – Imortal (1989)
  • INTRIGUE MAGAZINE Readers Choice – Ipagpatawad Mo (1991) at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993)
  • NEW FAME MAGAZINE Readers Choice – Sinungaling Mong Puso (1992) at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993)
  • CINEMA ONE’S Rave Award (Critics) – Dekada ’70 (2002)
  • CINEMA ONE’S Rave Award (Readers) – Dekada ’70 (2002)
  • Brussels International Film Festival – Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1999)
  • CINEMANILA Film Festival – Dekada ’70 (2002)
  • Aktres Ng Dekada – Gawad Urian (80’s at 90’s)
  • Aktres Ng Dekada – Star Awards for Movies – (90’s)
  • Circle of Excellence – FAMAS (Sinungaling Mong Puso – 1992 at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story – 1993)

Naging FAMAS best child actress si Vi para sa kanyang unang pelikulang Trudis Liit (1963) at San Beda best supporting actress para sa pelikulang Kasalanan Kaya? (1968).

The Grand Slam Queen – Si Vi ang kauna-unahang grand slam best actress dahil winalis niya lahat ng best actress award sa lahat ng award giving bodies noong 1983 sa pamamagitan ng pelikula ni Ishmael Bernal na Relasyon. Nanalo siyang best actress sa FAMAS, Gawad Urian, FAP, CMMA at Let’s Talk Movies. Noong taong 1992, si Lorna Tolentino ay naka-grand slam best actress din para sa pelikulang Narito Ang Puso Ko mula sa FAMAS, Gawad Urian, FAP at Star Awards for Movies subali’t sa New Fame Magazine Reader’s Choice, si Vi ang nanalo ng best actress para sa pelikulang Sinungaling Mong Puso. Nabawi agad ni Vi ang grand slam best actress kay Lorna noong taong 1993 para sa pelikula ni Laurice Guillen na Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story mula sa Gawad Urian, FAP, Star Awards for Movies, MFF, Movie Magazine, Intrigue Magazine Reader’s Choice at New Fame Magazine Reader’s Choice. Noong taong 1995, si Nora Aunor ay naka-grand slam best actress din para sa pelikulang The Flor Contemplacion Story mula Gawad Urian (ka-tie si Helen Gamboa para sa pelikulang Bagong Bayani), FAP at Star Awards for Movies.

Noong taong 1996, si Sharon Cuneta ang naka-grand slam best actress para sa pelikulang Madrasta mula sa FAMAS, Gawad Urian (ka-tie si Nora Aunor para sa pelikulang Bakit May Kahapon Pa?), FAP at Star Awards for Movies. Grand slam best actress muli si Vi para sa pelikula ni Chito Roño na Bata, Bata Paano Ka Ginawa? noong taong 1998 mula sa Brussels International Film Festival, Gawad Urian, FAP, Star Awards for Movies (ka-tie si Nida Blanca para sa pelikulang Sana Pag-ibig Na), YCC, Pasado at Siasi, Jolo Critics Award. Ang ika-apat na grand slam best actress award ni Vi ay sa pelikula ulit ni Chito Roño na Dekada ’70 noong taong 2002 mula sa Cinemanila International Film Festival, Gawad Urian, FAP, Star Awards for Movies, YCC, Pasado, Gawad Tanglaw, Cinema One’s Rave Award – Critic’s & People’s Choice. Sa kabuuan, apat pa lang ang naging grand slam best actress subali’t si Vi lang ang tanging nakaapat na grand slam best actress.

The Gawad Urian Queen – Sa mga artista, si Vi ang may pinakamaraming Gawad Urian award. Walo ang kanyang best actress award sa Gawad Urian kabilang na ang mga pelikula nina Ishmael Bernal (Relasyon -1982, Broken Marriage – 1983 at Pahiram Ng Isang Umaga -1989), Mike de Leon (Sister Stella L -1984), Laurice Guillen (Ipagpatawad Mo -1991 at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story -1993), Chito Roño (Bata Bata Paano Ka Ginawa? -1998) at Dekada ’70 – 2002). Dalawa ang kanyang Aktres ng Dekada Award (’80s at ’90s) mula sa Gawad Urian. Ang Pagputi Ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak (1978) ay naging best picture ng Gawad Urian kung saan ang kanyang VS Films ang nag-produce. Sa mga artistang babae, si Vi lang ang nakakuha ng tatlong best actress sa loob ng tatlong sunud-sunod na taon (Relasyon – 1982, Broken Marriage – 1983 at Sister Stella L – 1984).

The Box Office Queen – Lipad, Darna, Lipad (1973), Darna & The Giants (1973), Batya’t Palu-Palo (1974), Nakakahiya? (1975), Hindi Nakakahiya Part II (1976), Let’s Do The Salsa (1976), Masarap, Masakit Ang Umibig (1977), Burlesk Queen (1977), Nakawin Natin Ang Bawa’t Sandali (1978), Disco Fever (1978), Rubia Servios (1978), Miss X (1980), Langis At. Tubig (1980), Ex-Wife (1981), Pakawalan Mo Ako (1981), Karma (1981), Relasyon (1982), Sinasamba Kita (1982), Gaano Kadalas Ang Minsan? (1982), Paano Ba Ang Mangarap? (1983), Adultery: Aida Macaraeg Case No. 7892 (1984), Yesterday, Today & Tomorrow (1986), Tagos Ng Dugo (1987), Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? (1987), Ibulong Mo Sa Diyos (1988), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Imortal (1989), Kapag Langit Ang Humatol (1990), Ipagpatawad Mo (1991), Sinungaling Mong Puso (1992), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Relaks Ka Lang Sagot Kita (1994), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Anak (2002) at In My Life (2009) ang ilan sa mga box-office hits na mga pelikula ni Vi.

Ilan sa mga awards na natanggap ni Vi bilang box-office champion ay ang mga sumusunod:

  • 1974 – Box-Office Queen of Philippine Movies (Manila Overseas Press Club)
  • 1978 – Philippine Movie Box Office Queen (PD Promotions)
  • 1978 – Box-Office Champion (Grand Total Productions)
  • 1978 – Box-Office Champion (Big Ike’s Happening)
  • 1979 – Box-Office Champion (Gand Total Productions)
  • 1979 – Box-Office Champion (Big Ike’s Happening)
  • 1979 – Box-Office Queen of Philippine Movies (Mecca Productions)
  • 1980 – Box-Office Queen of Philippine Movies (PD Productions)
  • 1981 – Box-Office Queen of Philippine Movies (Geebees Productions)
  • 1982 – Box-Office Queen of Philippine Movies (GMMSF)
  • 1982 – Cinehan Award’s Box-Office Queen (Metro Manila Theaters Association)
  • 1982 – Top Female Star-Takilya Award (KASIPIL)
  • 1984 – Box-Office Queen of Philippine Movies (GMMSF)
  • 1996 – Longest Reigning Box-Office Queen (City of Manila)
  • 2001 – Box-Office Queen of Philippine Movies (GMMSF)
  • 2006 – Longest Box Office Reign (Gawad Suri)

The Hall of Fame Queen – Limang best actress awards ang nakamit ni Vi kung kaya’t nabigyan siya ng FAMAS ng Hall of Fame. Naging FAMAS best actress si Vi sa mga pelikula nina Emmanuel H. Borlaza (Dama de Noche -1972), Elwood Perez (Pakawalan Mo Ako -1981 at Ibulong Mo Sa Diyos – 1988), Ishmael Bernal (Relasyon -1982) at Maryo J. de los Reyes (Tagos Ng Dugo -1987). Si Vi ang pangalawang best actress Hall of Famer ng FAMAS…..si Charito Solis ang una. Hindi lang FAMAS Hall of Famer si Vi dahil siya din ang unang recipient ng FAMAS Circle of Excellence para sa mga pelikulang Sinungaling Mong Puso (1992) at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993). Dahil sa dami ng kanyang box-office queen award kung kaya’t binigyan din si Vi ng Hall of Fame Box-Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation noong 1986. Nakatanggap din ang kanyang Vilma! show ng Hall of Fame in Musical Variety Show mula sa Catholic Mass Media Awards noong 1990. Samantala, binigyan din si Vi ng Outstanding Mayor Hall of Fame ng Regional Sandugo noong taong 2005.

The Mayor – Sa last shooting day ng Bata, Bata Paano Ka Ginawa? kinausap niya ang mga Vilmanians na present sa nasabing shooting kung gusto ba nila na kumandidato siyang mayor ng Lipa City dahil marami ang may gustong kumandidato siya kabilang na ang mga pari, madre at iba’t ibang sektor ng nasabing lungsod. Sinabi niya na tutuloy siya sa pagkandidato kung magbibigay ng “sign” ang nasa Itaas. Hindi naman niya sinabi kung anong “sign” ‘yun. Sa last day of filing ng candidacy ay ibinigay ng nasa Itaas ang hinihiling niyang “sign.” Tumakbo siyang punung-lungsod ng Lipa at tinalo niya ng “landslide” ang kanyang kalaban na ninong niya sa kasal na si Mayor Ruben Umali. Nag-aral siya ng public administration sa Unibersidad ng Pilipinas para sa paghahanda sa kanyang pag-upo bilang punung-lungsod. Bilang first woman city mayor of Lipa City, napaunlad niya ang ekonomiya at nagkaroon ng mga infrastructure development ang nasabing lungsod. Upang hindi malulong sa masasamang bisyo ang mga kabataan ay nagkaroon sila ng VSR (Voices, Songs & Rhytms), isang timpalak sa awitan. Sa pangalawang termino niya bilang punung-lungsod ng Lipa ay tinalo naman niya ng landslide din ang anak ni Mayor Umali na si King Umali hanggang sa matapos niya ang tatlong termino noong 2007.

Ang ilan sa mga awards ni Mayor Vi bilang punung-lungsod ng Lipa ay ang mga sumusunod:

  • 2000 – Best Overall Local Council Performance (Boy Scout of the Philippines)
  • 2000 – Outstanding Mayor in Region IV (Asosasyon ng mga Komentarista at Anaunser sa Pilipinas)
  • 2000 – Outstanding City Mayor (Civil Service Commission)
  • 2001 – Regional Sandugo Outstanding Local Executive (Department of Health)
  • 2002 – Presidential Award as the cleanest & greenest local government unit in Region IV
  • 2002 – Ten Outstanding Achievers
  • 2005 – Gawad Suri Award for Exemplary Public Servant
  • 2005 – Honorary Key to Jersey City (New Jersey, USA)
  • 2005 – Bright Smiles, Bright Future Award, Mga Munting Ngiti (Intl. Association of Pediatric Dentistry at Sydney, Australia)
  • 2005 – Honorary Member of the UP College of Public Health Alumni Society & keynote speaker to their 26th annual convention in Manila
  • 2005 – Huwarang Pilipino Award (Parangal sa Pamilyang Pilipino Organization & office of the President)
  • 2005 – Regional Sandugo Outstanding Mayor Hall of Fame
  • 2005 – Doctor of Humanities, Honoris Causa (Lipa City Public College)
  • 2006 – Unlad Pilipinas Award (Mga Munting Ngiti)
  • 2006 – Positive Role Model (Survey among students)
  • 2006 – Oustanding City Mayor Award (DSWD)
  • 2006 – Gawad Munting Ngiti Awardee & keynote speaker to the 7th Annual Conference of National Association of Dental Trade
  • 2007 – People of the Year (People Asia Magazine)

The Governor – Nang matapos ang termino ni Mayor Vi bilang punung-lungsod ng Lipa, hinilingan na naman siya para kumandidatong gobernador ng lalawigan ng Batangas. Nagkaroon ng problema sa pamilya dahil ang kanyang bayaw na si Ricky Recto ay gusto ring kumandidatong gobernador subali’t naplantsa din ang problemang ito. Lumaban siya bilang gobernador ng lalawigan at tinalo niya ng “landslide” ang kanyang kalabang si Armand Sanchez. Si Governor Vi ang first woman governor ng Batangas. Sa pangalawang pagkakataon, lumabang muli si Gov. Vi at nakalabang muli si Armand Sanchez subali’t bago mag-eleksiyon ay inatake sa puso si Sanchez at ito ay sumakabilang buhay. Ang asawa nitong si Sto. Tomas City Mayor Edna Sanchez ang pumalit sa kanya para labanan si Gov. Vi subali’t tinalo pa rin ng “landslide” ni Gov. Vi ang biyuda ni Sanchez. Bilang ina ng lalawigan, ang prayoridad pa rin ni Gov. Vi ay ang kanyang HEARTS program (Health, Education, Agriculture, Roads, Tourism and Security). Hindi niya alintana ang mga taong bumabatikos sa kanya dahil siya ay may political will.

Ilan sa mga naging programa niya sa lalawigan ay ang mga sumusunod:

  • 1. Namahagi ng mga health cards.
  • 2. Nagkaroon ng mga medical at dental mission.
  • 3. Ipina-dismantle ang mga illegal cages sa Taal Lake.
  • 4. Nagkaroon ng clean-up drive sa buong lalawigan para sugpuin ang mga sakit katulad ng dengue, atbp.
  • 5. Itinatag ang Pusong May K ni Gov. Vi para sa mga taong may kapansanan.
  • 6. Ipinagpatuloy sa Batangas City ang VSR Timpalak Awitan
  • 7. At marami pang iba.

The Star For All Seasons – Si Julio Cinco Nigado ang nagbigay kay Vi ng titulong ito nang mag-initial telecast ang Vilma! show sa GMA 7 noong taong 1986. Bakit Star for All Seasons? Nang ipinalabas ang pelikulang Anak (2000) sa mga sinehan sa Metro Manila ay usung-uso noon ang mga bomb threats subali’t hindi ito inalintana ng mga taong nanood. Sa katunayan, nang pinanood ko ang pelikulang ito sa SM Megamall for the nth time eh may sumigaw na isang babae kung kaya’t naglabasan ang mga tao. Ang pelikulang ito ang nagbigay muli sa kanya ng titulong Box-Office Queen mula sa GMMSF kahit na Hall of Famer na siya. Samantala, bumabagyo nang magbukas sa mga sinehan ang mga pelikulang Sinungaling Mong Puso at Bata, Bata Paano Ka Ginawa? subali’t tinangkilik pa rin ng publiko quesehodang isampa nila ang kanilang mga paa sa silya ng mga sinehan ganundin ang In My Life na kumita ng mahigit na Php20 million pesos sa opening day. Ang In My Life ay ipinalabas sa iba’t ibang lugar ng mundo. Nagkabasag-basag naman ang mga salamin ng sinehan sa Gotesco Theater nang mag-premiere night ang mga pelikulang Pakawalan Mo Ako at Sinungaling Mong Puso. Naiwan naman ang mga tsinelas ng mga nanood sa New Frontier Theater nang mag-premiere night ang mga pelikulang Sinasamba Kita at Gaano Kadalas Ang Minsan?

Ang pelikulang Lipad, Darna, Lipad! (1973) ang nag-alis ng tawag kay Vi bilang poor second to Nora Aunor dahil inilampaso nito ang pelikula ni Nora Aunor at Joseph Estrada na Erap Is My Guy. Una na rito ay inilampaso din nito ang pelikula ni Fernando Poe, Jr. na Esteban. Winalis ng pelikulang Burlesk Queen (1977) ang halos lahat ng awards sa MMFF at ito pa rin ang itinanghal na Top Grosser sa nasabing film festival. Hindi man nanalong best performer si Vi para sa pelikulang handog ng Sampaguita Pictures sa 1978 MMFF na Rubia Servios subali’t tinalbugan nito sa takilya ang pelikula ng nanalong best actress na si Nora Aunor para sa pelikulang Atsay. Sa katunayan, sa Coronet Theater sa Cubao, Quezon ay palabas ang dalawang pelikula…ang haba-haba ng pila sa Rubia Servios samantalang sa Atsay ay walang pila kung kaya’t inaway ng mga pikong Noranians ang mga Vilmanians. Si Vi ay itinambal sa mga senior actors katulad nina George Estregan (Wonder Vi – 1973 at Amorseko Kumakabit, Kumakapit! – 1978), Fernando Poe, Jr. (Batya’t Palu-Palo – 1974, Bato Sa Buhangin – 1976 at Ikaw Ang Mahal Ko – 1996), Joseph Estrada (King Khayam & I – 1974), Eddie Rodriguez (Nakakahiya? – 1975, Hindi Nakakahiya Part II – 1976, Simula Ng Walang Katapusan – 1978, Halik Sa Paa, Halik Sa Kamay – 1979, Hiwalay – 1981)…

Chiquito (Teribol Dobol – 1975), Jun Aristorenas (Vilma Veinte Nueve – 1975, Mapagbigay Ang Mister Ko – 1976), Romeo Vasquez (Nag-aapoy Na Damdamin – 1976, Pulot-Gata Pwede Kaya? – 1977, Dalawang Pugad, Isang Ibon – 1977, Pinagbuklod Ng Pag-ibig – 1978, Bakit Kailangan Kita? – 1978, Pag-ibig Ko Sa Iyo Lang Ibibigay – 1978, Swing It Baby – 1979, Gusto Kita, Mahal Ko Siya – 1980 at Ayaw Kong Maging Querida – 1983), Dante Rivero (Susan Kelly Edad 20 – 1977), Eddie Gutierrez (Promo Girl – 1978 at Asawa Ko, Huwag Mong Agawin – 1986), Dolphy (Buhay Artista Ngayon – 1979), Dindo Fernando (Langis At Tubig – 1980, Hiwalay – 1981, T-Bird At Ako – 1982, Gaano Kadalas Ang Minsan – 1982, Alyas Baby Tsina – 1984 at Muling Buksan Ang Puso – 1985), Ronaldo Valdez (Karma – 1981), Eddie Garcia (Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan – 1983, Yesterday, Today & Tomorrow – 1986 at Ibulong Mo Sa Diyos – 1988), Mario Montenegro (Adultery: Aida Macaraeg Case No. 7892 – 1984) at Ramon Revilla (Arrest: Patrolman Risal Alih Zamboanga Massacre – 1989). Si Vi ay itinambal din sa mga aktor na mas bata sa kanya katulad nina Lloyd Samartino (Good Morning Sunshine – 1980), Niño Muhlach (Darna At Ding – 1980), Gabby Concepcion (Asawa Ko, Huwag Mong Agawin – 1986, Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas – 1987, Pahiram Ng Isang Umaga – 1989, Hahamakin Lahat – 1990 at Sinungaling Mong Puso – 1992)…

Miguel Rodriguez (Tagos Ng Dugo – 1987, Ibulong Mo Sa Diyos – 1988), Lito Pimentel (Tagos Ng Dugo – 1987), Richard Gomez (Tagos Ng Dugo – 1987 at Kapag Langit Ang Humatol – 1990), Joey Hipolito (Tagos Ng Dugo – 1987), Ricky Davao (Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? – 1987 at Imortal – 1989), Tonton Gutierrez (Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? – 1987), Gary Valenciano (Ibulong Mo Sa Diyos – 1988), Eric Quizon (Ibulong Mo Sa Diyos – 1988, Pahiram Ng Isang Umaga – 1989 at Hahamakin Lahat – 1990), Aga Muhlach (Sinungaling Mong Puso – 1992 at Nag-iisang Bituin – 1994), Cesar Montano (Ikaw Lang – 1993), Ronnie Ricketts (Ikaw Lang – 1993), Ramon Revilla, Jr. (Relaks Ka Lang Sagot Kita – 1994), Albert Martinez (Bata, Bata Paano Ka Ginawa? – 1998), Raymond Bagatsing (Bata, Bata Paano Ka Ginawa? – 1998), Ariel Rivera (Bata, Bata Paano Ka Ginawa? – 1998), Jay Manalo (Mano Po 3: My Love – 2004) at John Lloyd Cruz (In My Life – 2009). Hindi man professional singer si Vi subali’t nakagawa siya ng pitong long playing albums…tatlo dito ay solo album (SIXTEEN, SWEET SWEET VILMA at SING VILMA SING), tatlo ay duet nila ni Edgar Mortiz (SWEETHEARTS, THE SENSATION at ALL I SEE IS YOU) at isang christmas album ng mga recording artists ng Wilears Records (CHRISTMAS CAROLS). Meron ding siyang ginawang mini-long playing albums (SOMETHING STUPID at BABY VI).

Ilan sa mga naisaplakang awitin ni Vi ay ang Sixteen, It’s So Wonderful To Be In Love, Dry Your Eyes, Bring Back Your Love, Raindrops Keep Falling on My Head, When The Clock Strikes One, So With Me, Sometimes, Baby Baby Baby, Sealed With A Kiss, Then Along Came You Edgar, Love Love, Don’t You Break My Heart, May The Good Lord Bless And Keep You, Mama, Our Day Will Come, Oh Lonesome Me, I’m The One For You, Sad Movies, Among My Souvenir, My Promise To You, Mama Don’t Cry At My Wedding, Drop A Line, A Wonderful Day, Da Doo Run Run, Abadaba Honeymoon, Tweedle Dee, Bo Weebel, A Kookie Little Paradise, Bobby Bobby Bobby, A Rick-Tick Song, It’s Been A Long Long Time, Breaking Up Is Hard To Do, You Made Me Love You, The Birds & The Bees, He’s So Near (Yet So Far Away), I Love You Honey, Always With You, You Don’t Love Me Anymore, How I Wish I Were A Model, Do Re Mi Fa Sol I Love You, Better Than All, Your Kisses Are Losing Their Sweetness, My First Kiss, To Love Again, I Wonder Why, Have A Goodtime, Yeahoo, I Have Dream, My Boy Lollipop, Always, Atin Cu Pung Singsing, Baby Cakes, Little Brown Gal, Nine Little Teardrops, Jealous Heart, The Wonderful World of Music, I Understand, I Saw Mommy Kissing Santa Claus at Santa Claus Is Coming To Town, Something Stupid, Goodnight My Love, Hawaiian Medley, Seven Lonely Days, Mandolins In The Moonlight, Daddy, Seventeen, Palung-Palo Ako, Walang Umiibig, Basta’t Isipin Mong Mahal Kita, Mamang Kutsero, Tok Tok Palatok at Batya’t Palu-Palo.

Ang mga awiting Sixteen at Palung-Palo ako ay naging gold record award. Samantala, naging FAMAS best child actress (Trudis Liit – 1963), San Beda best supporting actress (Kasalanan Kaya? – 1968), best actress (FAMAS, Gawad Urian, FAP, CMMA, Star Awards for Movies, Gawad Tanglaw, PASADO, Gawad Suri at iba’t ibang film festivals – local and foreign) at producer of best film (Pagputi Ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak – FAMAS at Gawad Urian). Sumulat ng isang kuwento (Biktima – 1974), naging direktor ng isang telemovie (Lazarito – GMA 7), naging tagapayo sa isang radio soap (From You To Me Vilma – DWWW). Naging idolo ng mga kilalang celebrities katulad nina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Ai Ai de las Alas, Claudine Barretto, Amalia Fuentes, Liezl Sumilang, Boots Anson Roa, Imelda Ilanan at marami pang iba. Gusto ding maiderek ng mga direktor na sina Carlos Siguion Reyna, Jeffrey Jeturian, Armando Lao, Adolf Alix Jr., Jerry Lopez Sineneng, Peque Gallaga, Brillante Mendoza at marami pang iba. Nagampanan na halos ang lahat ng roles…kerida (Relasyon – 1982), OFW (Anak – 2000), madreng rebelde (Sister Sella L – 1984), cancer victim (Pahiram Ng Isang Umaga – 1989), dual role (Dama de Noche – 1972), burlesque dancer (Bulesk Queen – 1977), inang may anak na autistic (Ipagpatawad Mo – 1991), person with aids (Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story – 1993), abogada (Relaks Ka Lang, Sagot Kita – 1994), inang may dalawang anak sa magkaibang ama (Bata, Bata Paano Ka Ginawa? – 1998), inang tahimik (Dekada ’70 – 2002), babaeng nagbebenta ng aliw (Miss X – 1980), bulag (Ibulong Mo Sa Diyos – 1988), bilanggo (Alyas Baby Tsina – 1984), adulteresa (Adultery: Aida Macaraeg Case No. 7892 – 1984), kuba (Kampanerang Kuba – 1974), pipi (Hatinggabi Na Vilma – 1972), babaeng pumapatay pag may regla (Tagos Ng Dugo – 1987), beauty queen (Mga Reynang Walang Trono – 1976), rape victim (Rubia Servios – 1978), bida-kontrabida (Sinasamba Kita – 1982 at Hahamakin Lahat – 1990), katulong (Kapag Langit Ang Humatol – 1990), pilay (Little Darling – 1972), Darna (Lipad, Darna, Lipad – 1973, Darna & The Giants – 1973, Darna vs. The Planetwomen -1975 at Darna at Ding – 1980), sirena (Dyesebel At Ang Mahiwagang Kabibe – 1973), konduktora (Ang Konduktora – 1972), tindera (Tsismosang Tindera – 1973) at marami pang iba.

Ilan pa sa mga naging awards ni Vi ay ang mga sumusunod

  • 1975 – Most Outsanding Nueva Ecijana (Local Government of Nueva Ecija)
  • 1992 – Ten Outstanding Young Achievers Award (Quezon City Jaycees)
  • 1997 – Celebrity Mother of Gintong Ina Award (Dove Foundation)
  • 1998 – One of the Most Outstanding Manileño (City of Manila)
  • 2000 – Recognition Award in Government Service (GMMST)
  • 2003 – Women with a Heart Award (Mary Kay Philippines)
  • 2003 – Most Admired Filipino Men & Women (Rank No. 6 Pulse Asia, Inc.)
  • 2004 – Power 100: Most Admired Filipino Men & Women (Rank No. 86 BizNews Asia Magazine)
  • 2005 – UP Gawad Plaridel Award for Film (UP College of Mass Communication)
  • 2006 – Diwata Award (UP)
  • 2009 – Honoris Causi (Iriga City)
  • 2010 – 1st Lingkod TV Awards
  • 2011 – Starpreneur Go Negosyo Award (Philippine Center for Enterpreneurship)

Noong dekada ’70, ang labanan ay VilmaSantos-Nora Aunor, sa dekada ’80 naman ay Vilma Santos-Sharon Cuneta, sa dekada ’90 naman ay Vilma Santos-Claudine Barreto/Judy Ann Santos at ngayong dekada 2000 ay Vilma Santos-Sarah Geronimo. Bongga talaga si Vi dahil name-maintain niya ang kanyang drawing power sa takilya. Durable at bankable pa rin siya at lahat ng nagsisikatang artista dekada kada dekada kada dekada ay nakakatunggali niya. Truly, Vilma Santos is The Star For All Seasons. – Alfonso Valencia (READ MORE)

Advertisement