Teleserye at Telemovie

This slideshow requires JavaScript.

“…Nagteleserye si Vi via Larawan ng Pag-ibig na napanood sa Channel 3 noong 1963. Ang teleserye ay isinapelikula ng Vitri Films at tinampukan din nina Eva Darren, Willie Sotelo, Ben David at Rosita Noble na sinulat, iniskripan at dinerek ni Jose Miranda Cruz. Ipinalabas ang nasabing pelikula noong Hulyo 19, 1964.  Nagdrama anthology din si Vi sa pamamagitan ng Oh My Love! at Dulambuhay Ni Rosa Vilma.

The Sensations sa ABS CBN 2 ang unang musical variety show ni Vi kasama sina Edgar Mortiz, Perla Adea, Romy Mallari, Baby de Jesus, Tony Santos Jr., Ike Lozada, Rhodora Silva, Darius Razon at Angge. Katulad ng Larawan Ng Pag-ibig, isinapelikula din ito ng Tagalog Ilang-Ilang Productions na ipinalabas noong Abril 10, 1971 sa panulat nina Rose Reynaldo at Tony Dantes, iskrip at direksiyon ni Tony Santos Sr. Kasama din sa pelikula sina Vic Pacia, Ben David at Beth Manlongat. Nang ideklara ang martial law, napilitang magsara ang ABS CBN 2, kung kaya’t lumipat ang grupo ng The Sensations sa ibang tv station at ang naging titulo ng programa nila ay Santos, Mortiz & Associates. Hindi rin nagtagal ang Santos, Mortiz & Associates at nagsolo na lang sina Vi at Bobot. Ayan Eh! ang sumunod na programa ni Vi. Sumunod na programa ni Vi ay isang taped musical variety show na may pamagat na Vilma Santos Very Special kung saan si Mitos Villareal ang kanyang direktor. Huminto sa telebisyon si Vi nang mapangasawa si Edu Manzano subali’t nang madiskubre niya na baon pala siya sa utang dahil sa mismanagement ng kanyang VS Films kung kaya’t napilitan siyang tumanggap ng tv show via Vilma In Person sa BBC 2 kung saan si Bert de Leon ang kanyang naging direktor. Nang magkaroon ng Edsa 1, lumipat ang VIP sa GMA 7 via Vilma! Ang initial telecast ng Vilma! ay ginanap sa Araneta Coliseum kung saan punung-puno ng tao ang loob ng coliseum. Hindi naman kataka-taka na maging number one ito sa rating.

Since then, wala ng ibang musical variety show na umabante sa Vilma! Talbog silang lahat at tinawag pang Central Bank ng GMA 7 ang Vilma Show dahil sa dami ng commercial loads nito na sila na mismo ang tumatanggi sa ibang nais magpasok ng kanilang mga commercial. Hindi lang sa commercial nangunguna ang Vilma! dahil kahit sa concept, guests, awards at production numbers eh talagang number one ang nasabing show. Higit sa lahat, si Vi ang highest paid tv star nang mga panahong ‘yun.

Taong 1995 nang magpaalam si Vi sa Vilma! show dahil gusto niyang magkaanak kay Sen. Ralph Recto subali’t matapos maipanganak si Ryan Christian ay nagbalik telebisyon si Vi sa pamamagitan ng Vilma Tonite!. Isang season lang ang itinagal ng nasabing show. Kabilang naman sa ginawang telemovie ni Vi ay ang Lamat Sa Kristal, Katuparan, Once There Was A Love, Correctional, Bugso at Maalaala Mo Kaya: Regalo episode. Tele-Vi ang pamagat ng show sa Channel 4 kung saan ay linggu-linggong inilalabas ang mga pelikula ni Vi. Si Mario Hernando ang nagre-review ng mga nasabing pelikula…” – Alfonso Valencia (READ MORE)

“…Richard Gomez is Vilma Santos’ leading man in the actress first TV drama special to be aired on GMA-7 sometime after her birthday on Nov. 3. The special is directed by Maryo J. de los Reyes. We remember that Gomez’s first TV apprearance was in Vilma’s summer special in 1985 and that exposure proved advantageous to his budding career. Perhaps now that he is considered popular, Gomez is returning the favor…” – Meg Mendoza, Manila Standard, Sep 10 1998 (READ MORE)

“…And she was its No. 1 fan, gaping to see Gloria Romero passing by and chasing after Amalia Fuentes for her autograph. ‘Ate Nena snubbed me. She just said: ‘Later!’ But I loved her and we’re very close now.” Vilma the child star was in a string of movies playing the daughter of Lolita Rodriguez or Luis Gonzales or Dolphy. And she was also in the TV soap opera Larawan ng Pag-ibig with Rosita Noble, Willie Sotelo and Eva Darren. That six o’clock p.m. tearjerker rose to No. 1 in the ratings. Meanwhile, what was happening to Vilma the growing girl? ‘What was happening was a lot of school absences and a lot of special exams. The Sisters at St. Mary’s were very understanding: if I had too many absences, they gave me special exams. But when I was in fourth year high school I was practically not attending classes any more because that was the height of the Nora-Vilma competition. What was done, with the permission of the Bureau of Education, was that I had a tutor during shootings and then I was given the test for the last grading period. Thanks to God, I passed it and I got my high school diploma. But there could be no thought of going on to college.” She had by then graduated from child star to teenage superstar…” – Quijano De Manila (Nick Joaquin), Philippine Graphic Magazine 05 November 1990 (READ MORE)

“Vilma Santos and Eric Quizon head the cast of “Rehas na Puso,” the pilot episode of “Correctional,” a new drama series which will premiere on Wednesday, May 3, 8 to 9:30 p.m. on Channel 9. The drama series is written, directed and produced (with wife Donna Villa) by Carlo J. Caparas. It takes a sympathetic look at the inmates of the country’s only prison for women. It hopes that through retelling their stories, televiwers will understand why women are forced to commit crimes. Here Vilma portrayeds the role of a woman who supports her lover (Eric) through medical school. However, he later on falls in love and marries another woman (Encar Benedicto). Vilma kills Eric and she is sentenced to a long termss in prison. “No scriptwriter can hope to portray the intensity of the lives of the women inmates. The dramatic element in their stories transcends the imagination of any scriptwriter,” Carlo said. Succeeding this episodes will feature different lead actresses. Those who have finished taping their respective episodes are Dina Bonnevie, Mia Pratts, Cherie Gil, Princess Revillame, Jean Garcia, Maribel Lopez, Janice de Belen, Chat Silayan, Ali Sotto and Carmi Martin…” – Manila Standard, Apr 30, 1989 (READ MORE)

“…In the opinion of Donna Villa, Carlo’s wife, she’d rather produce Carlo’s works as movies. “I really prefer movies kasi mas kaya kong i-handle after our Golden Lions Films that made 60 movies at walang nalugi roon,” she says. “Sa TV kasi, walang jackpot diyan, unless you own the network. We tried doing ‘Correctional’ for RPN 9 before, we had 42 commercials, but KBP called me to say hindi puwede ‘yun. Kaya mas kikita ka talaga sa movies at mas mabilis pa ang pacing…” – Mario Bautista (READ MORE)

List of Drama Television Series (Tele-series) and Movies for Television (Tele-movie):

Advertisements