FILM REVIEW: ADULTERY AIDA MACARAEG


The Plot: Dreaming to be released from her miserable life of poverty, Aida, a waitress, abandons her bedridden father, her moralistic mother, her jobless brother and her good-for-nothing sister to live with her boyfriend Carding, who she believes will save her from her miserable life. In his desire to earn quick money, Carding gets involved with illegal drugs and is jailed. Aida is pregnant and while Carding is in jail, she has an abortion. She then marries another man. Carding is released from prison and finds out about his wife’s new life. He decides to sue her for adultery. – UP (READ MORE)

Aida Macaraeg’s only dream is to be released from her miserable life of poverty. She is sick and tired of working day and night as a waitress to be able to feed her jobless brother and his family, her good-for-nothing sister, moralistic mother and bedridden father. One day, Aida decides to turn her back on them and settles for a live-in arrangement with her boyfriend Carding, who gives her a short-lived salvation. But her first attempt to escape a misfortune only brings her face to face with one after another. Carding gets jailed for drug peddling. Aida finds out she is pregnant and opts for an abortion. Forced by need and fueled by ambition, she lives with a wealthy man and has a son by him. Carding is released from prison and finds out about his wife’s illicit affair. They finally see each other again, in court. – Database of Philippine Movies (READ MORE)

The Reviews: Adultery (Aida Macaraeg Case No. 7892) is not one of filmmaker Lino Brocka’s best works. It definitely cannot be lined alongside masterpieces like Tinimbang Ka Ngunit Kulang (You Were Weighed But Found Wanting, 1974), Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag (Manila in the Claws of Neon, 1975), and Insiang (1976). At best, Adultery is a well-made melodrama that puts a social issue, that of marital infidelity as escape from poverty, at the center of its affairs. Jose Javier Reyes’ well-crafted screenplay (the story is credited to Aida Sevilla Mendoza) is supposedly sourced from a real life account, but one wonders if convenient happy endings (which the film unfortunately struggles with) exist in these kind of cases, especially ones as emotionally charged as in the film. In the Philippines, adultery cases stretch for years and any emotion resembling marital love and concern is replaced with scorching hate, the primary ingredient that fuels litigation. Aida (Vilma Santos giving a very mature performance) is the sole breadwinner for her family, consisting of a bedridden father, a nagging mother, a good-for-nothing brother, his unemployed wife and baby. Unable to bear the hardships of living with her family, she takes the offer of her boyfriend Carding (Phillip Salvador) to simply live together, resisting his invitation to marry him despite the possible scandal that might arise out of their living arrangement. Carding gets caught peddling prohibited drugs and gets imprisoned, leaving Aida all alone to fend for herself. Years later, Carding gets released from prison and finds Aida, now a mistress of a wealthy executive (Mario Montenegro) and mother to a child that is not his. Aida is then sued for adultery by Carding, which if she is proven guilty would separate her from her son.

There’s one sequence in the film which clearly shows Brocka’s mastery. Aida visits Carding in prison, telling him of her pregnancy. Carding again offers to marry her, fearing that their child would be a bastard child. Supposedly out of pity, Aida agrees. The marriage is solemnized then and there. The prison chaplain officiates the ceremony where Aida is draped in an ordinary dress while Carding wears the orange colored uniform. Around are the witnesses of their marriage, felons all donning the same orange outfit Carding is wearing. Of course, these are mere background details, emphasizing the sullenness of the event that is ordinarily jovial and lively. Brocka concentrates on Aida. He closes up on her face, worried about the uncertainty of her future: she is after all pregnant and now married to a convict with absolutely no source of income. It is Aida’s point of no return and Brocka understands it as such, thus he presents it with understated elegance; no dialogue, just Lutgardo Labad’s swelling music and Brocka’s emphatic close-up of Vilma Santos’ apprehensive face.

The film attempts to criticize marriage, which is depicted not in its traditional sense (as the key to life’s bliss) but as a harrowing cage where women are left with no choices. It seems to advocate infidelity, especially when the requirements of life overtakes the facile concerns of societal and religious norms. Interestingly, Brocka does not antagonize any of his characters. Aida is a hardworking woman who we first see as the selfless sufferer who is charged with her family’s survival, a mere victim of fate and circumstance. Also, one cannot doubt Carding’s affection for Aida. His decisions in life may have been off, leading to his incarceration and Aida’s continuing suffering, but it cannot be denied that his love for his wife is indubitable. The blame does not go to any person but to the social institution of marriage, its sometimes shallow roots and the unbendable veneration the law and society gives to it to the detriment of the unique needs of individuals. I am impressed as to how Brocka directed the courtroom sequence, without the usual pomp and unnecessary drama. The courtroom sequence gives the impression as to how the justice is bookish and blind to personal plights. One lawyer asks Aida a question, and she shies away saying that the question is too personal. Of course, the judge demands that she answer the question, which she does so unwillingly. In the eyes of the law, emotions, circumstance, fate, and needs are denied materiality. This should have been the instance wherein we’ll fall for Aida’s plight: that despite her being guilty for adultery, she does not deserve to be punished because she was forced to infidelity not by innate evil but by circumstances in her life. However, instead of dishing out an ending that would operate as the culmination of such criticism, Brocka and Reyes decided to succumb to sentimentality. Husband forgives wife. Wife gets her son back. Everybody’s satisfied. Unfortunately, reality, which the film tried so hard to emulate, isn’t anything like that. – Oggs Cruz (READ MORE)

Dalawang pelikula ni Vilma Santos ang napanood namin sa special previews: Adultery at Sister Stella L. Pinatunayan ng mga pelikulang ito na Vi is still the leading actress of the season and performances in both movies make her again the actress to beat in next year’s award derbies. No doubt, Vilma, right now, is at her peak. Adultery is a well made melodrama deftly written by Jose Javier Reyes and masterfully directed by Lino Brocka. Ang pangunahing tauhan, si Aida Macaraeg, ay isang dalagang breadwinner ng kanyang pamilya. May sakit ang kanilang ama at siya ang bumibili ng mga gamot nito. Nag-asawa nang maaga ang kapatid niyang lalaki at siya ang nagpapakain pati sa asawa t anak nito. Siya rin ang nagpapaaral sa bunso nilang kapatid na babae. Receptionist sa isang restaurant, may boyfriend si Aida na wala namang regular na trabaho. Ito ay si Carding (Phillip Salvador) na kumikita lamang kapag sumasama sa mga illegal na gawain ng sangganong si Bumbay. Nang malaman ni Aida na nagdadalantao na naman ang asawa ng kapatid niya, niyaya niya si Carding na magsama na sila. May kapatid si Aida na isinumpa ng kanilang ina dahil nakisama ito sa isang lalaking may-asawa. Si Aida lamang ang nakauunawa kay Miriam (Deborah Sun) at wala siyang kamalay-malay susundan pala niya ang mga yapak nito. Akala niya’y malulutas ng pagsama niya kay Carding ang mga problema niya ngunit lalala lamang pala ito. Nahuli si Carding sa pagsama sa pangkat ni Bumbay at nabilanggo. Naiwang nagdadalantao si Aida. Nang malaman ito ni Carding ay pinilit siyang pakasal na sila para hindi maging bastardo ang isisilang niya. Ikinasal sila ng pari sa piitan.

Nagbalik si Aida sa kanyang trabaho ngunit natuklasan ng may-ari na buntis siya. Naiisip ni Aida na lalo lamang siyang maghihirap at nadadamay pa pati ang kanyang magiging anak kung itutuloy niya ang kanyang pagbubuntis kaya t ipinasya niyang ilaglag ito sa tulong ni Miriam. Nang magaling na siya y napasok siyang tagapamahala sa isang kantina at dito niya nakilala si Tito Pangilinan (Mario Montenegro). Nagsama sila at nagkaroon ng isang anak. Si Carding naman ay nalipat sa Davao Penal Colony at nagtaka na lamang siya nang huminto na sa pagsulat si Aida. Lumaya si Carding pagkaraan ngpitong taon at hinanap agad si Aida. Nakita niya ito at si Aida ay nagsimulang maglubid ng buhangin. Ang batang kasama niya’y anak daw ni Miriam at mahigpit ang bagong kinakasama nito kaya’t hindi sila maaaring laging magkita. Ngunit natuklasan ni Carding ang katotohanan at sa galit nito’y sinaktan si Aida. Inihabla siya ni Carding at ang kaso y humantong sa husgado. Mabibilanggo kaya si Aida sa salang adultery? That, you’d have to find out for yourself. Mawawala ang suspence kapag ibinunyag namin agad sa inyo ang ending.

Based on a true legal story, nagawa nina Reyes at Brocka na very convincing ang pagkakalahad ng kuwento. Maingat ang development at talagang magsi-sympathize ka sa mga tauhan. Ang kaso ni Aida ay isa ring moral dilemma. Dapat ba siyang sisihin sa kanyang ginawa? Sa kanyang paglalaglag sa sanggol and finding the easy way out through having an affair with a rich old man? Maraming katulad ni Aida sa ating lipunan sa ngayon. Nagipit sila, humanap ng lubid na makakapitan upang huwag tuluyang mahulog sa bangin, kasalanan ba ang kanilang praktikal na solusyon sa kanilang mga problema? Morally, masasabi agad na mali nga sila. Pero madaling humusga kung hindi ikaw mismo ang nakaharap sa mga problemang iyon. Tao lamang si Aida. At ang kahinaan niya ang siyang dahilan kung bakit naging very human ang istorya ng Adultery. Kung bakit naging tutoong-tutoo angmga sitwasyon at ang lahat ng characters dito. Alam mong melodramatiko ang kuwento pero alam mo ring nagaganap ang gayon sa tunay na buhay, na talagang maraming Aida Macaraeg sa ating paligid. Namumukod-tangi ang mga aspetong teknikal ng pelikula: ang sinematograpiya ni Conrado Baltazar, ang musika ni Lutgardo Labad, ang editing ni Rogelio Salvador, ang disenyong pamproduksiyon ni Joey Luna at pati pagkakalapat ng tunog.

Mahusay rin ang acting ng lahat ng tauhan: si Deborah Sun bilang Miriam, si Anita Linda bilang ina, si Tita de Villa bilang tiyahin ni Carding. Maikli lamang ang papel ni Mario Montenegro bilang Tito pero epektibo ang pagkakaganap niya, lalo sa tagpong sinumbatan niya si Aida: “Pitong taon na kitang tinutulungan at pitong taon mo na rin akong niloloko.” Napakahusay ni Vilma sa mga eksenang nagngingitngit siya sa mga kapatid niya sa pagkawala ng uniporme o muling pagbubuntis ng mga ito. You can really feel the sense of rage, and futility that she is experiencing. Pero maging sa iba pang quiet scenes ay mahusay rin siya, o kaya y maging doon sa eksenang muntik na siyang mabuko ni Mario, at nang magkomprontasyon na sila ni Phillip. Pero, sa tingin namin, mas lumutang si Phillip sa pelikulang ito at tiyak na in the running na naman siya for best actor next year. Kung minsan ay mata lamang ang kanyang pinaaarte at wala siyang dialogue (like nang mabasa niyang nakunan si Aida o nang makita niya itong sinasalubong si Mario sa gate). Very touching din ang final scene na tinanong siya ni Vi: “Ano ng nangyari sa ‘tin?” At sumagot siya ng: “Huwag mo nang itanong. Baka mas masakit kung malaman natin ang sagot.” Maraming iba pang magagandang touches ang pelikula, tulad ng pagdalaw ng mga babaing taga-block rosary kina Aida at ang sagutan sa court scenes.

The movie also offers another view of prison life. Sa mga pelikulang lokal na tungkol sa piitan, karaniwan nang nalalagyan ng tattoo ang bida, ginagahasa ng kapwa bilanggo at ginugulpi ng husto. Dito, maayos ang naging kalagayan ni Carding habang nasa bilangguan at wala siyang naenkwentrong mga problema na gaya ng usual na napapanood natin sa prison movies. Maganda talaga ang Aida Macaraeg. – Movie Review by Mario E. autista Movie Flash May 31, 1983 – Mario E. Bautista, Movie Flash May 31, 1983 (READ MORE)

“…Masinop ang mga elemento ng pelikula sa Adultery (Regal Films, Inc., 1984). Madulas ang daloy ng dulang pampelikula ni Jose Javier Reyes, konsistent ang disenyong biswal at sinematograpiya, malinis ang editing, akmang-akma ang tunog at musika. Ang maalam at matatag na pagganap ni Vilma Santos ay nagsasaad ng pagkaunawa at metodo sa layuning dramatiko ng kanyang pelikula. Ang pagganap ni Phillip Salvador bilang Carding ay nagpahayag ng mithiin sa lahat ng di magkatugmang aspeto nito at nagbigay ng naiibang sigla sa tradisyon ng pagganap sa pelikula. Sa halip na unidimensiyonal ang pagsasalarawan sa karanasan ng isang babae ay binigyan ito ng maramihang posibilidad sa pamamagitan ng sinematikong pagsasadula ni Lino Brocka, ang istereotipong ito ay isinalaysay sa paglalakbay ng kababaihan tungo sa sariling pagkilala at katuparan.” – Jojo Devera, Sari-saringng Sineng Pinoy (READ MORE)

Advertisements