Isang Produksiyon ni Manny de Leon

Nakasalamuha namin si Manny de Leon habang simple siyang nagdiriwang nd kanyang aarawan kamakailan. Hindi pa rin nagbabago. Siya pa rin ang kanyang usual self na lovable galawgaw, mapagbiro, witty. At kung nagkaroon man siya ng pagbabago, ayon sa among obsrbasyon at natukasan, nakagagalak na ibalitang ang tungkol dito ay may malaking conscious at serious si Manny tungo sa ikasusulong ng kanyang career. Sa ibang salit, nagkaroon siya ng higit na matured outlook sa kanyang buhay. Halimbawa’y ang pahayag niya na kung mabibigyan rin siyang makapagsulat sa mga babasahin o masubukan kaya ang kanyang babasahin sa larangan ng pagsusulat sa iba’t ibang medium. Bukod dito, ang napakagandang plano pa rin ang naipagtapt niya. Gumagawa siya ng kaukulang negosasyon upang makapag-produce ng sariling pelikula na magkakasama-sama sinla nina Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, at Eddie Peregrina. “Nilalakad ko ngang magkasama-sama kami nina Pop, Bot at Edong sa isna pelikula” pahayag ni Manny. “Wala naman silang tutol nang makausap ko sila tungkol dito. O course, hindi pa final ang iba pang plano, pero palagay ko’y malaki ang posibilidad na magkaroon ng ng katuparan. Kung sakali’y magiging maganda and resulta ng pelikulang ito. Matutuwa nga ang mga fans pagkat lalo silang makatitiyak na nagkakaisa-isa kami nina Bobot, Eddie at Pip. Na wala sa amin iyang jealousy o ang kung ano mang patalbugan.

Sa palagay ko’y hindi magiging problema sa amin ang billing. As far as I am concerned, magpapaubaya ako. Anu’t anuman, mapag-uusapan nang maganda ang tungkol dito. I have already a story in mind. Tentatively, may pamagat itong “Mga Batang Pinoy” (a Pilipino). Lalabas kami bilang mga magkakapatid. Maaring kapatid ko si Pip at sina Edgar at Eddie nmana ang siya namang magkapatid, or the other way around. “May magandang mensahe ang kasaysayan…of course, masasangkapan ito ng drama, musical, action at comdy. Titingnan ko kung magagawa ito sa pamamagitan ng Zodiac Films. Kundi man, sisikapin ko pa rin mai-push thru ito. At kung tuloy na tuloy na nga ito, hihingi kami ng suggestions mula sa mga fanst at iba pang mga kanauukulan kung sino-sino naman ang binabalak nilang itambal sa amin bilang leading ladies. I hope I’m not being too ambitous. Pero, kung maari ga rin sana’y ako ang makapag-direct nito. I’ve got to think big for the future, di ba? At sana’y huwag kaming pababayaan ng fans namin nina Pip, Bobot, at Eddie. At sa pagtuntong ko ngayon sa aking ika-21 taon, sana’y maging greatest gift sa akin na ma-tuloy at magtagumpay ang pelikulang ito.” – Teen Weekly Magazine, 09 September 1973

Advertisements