Pip and Bobot Left Alone in The Cold

ARTICLES - Pip and Bobot Left Alone in The Cold

Si Vilma, tumambal na kay Jay Ilagan. Si Nora naman, matunog na matunog ang balitang tatambal kay Walter Navarro sa isang pelikula para sa Lea. Added to this, Nora had announced her break-up with Pop “for good.” That means bye-bye na muna, Edgar Mortiz and Tirso Cruz, III. For sure, nagngingitngit na ngayon ang mga fans ng tambalang Vilma-Edgar at Guy-Pip. Aba’y namemeligro nga namang matabunan ang mga pogi nilang idolo sa pagpasok sa eksena ng mga “other guy” sa buhay nina Vilma at Nora. E, ang popogi rin naman ng mga iyon. Nakakakaba talaga di ba? At ba’t din nga naman sila kakabahan, e hayan sila kakabahan, e hayan na nga. Panayan na ang gawa ni Vi ng pelikulang hindi na si Bobot and partner but Jay. Sabi nga ng mga nakakakita, sweet na sweet ang dalawa. Panay ang biruan, laging sila ang magkausap. Paano nga naman kung mahulog nang husto ke Jay ang loob ni Vilma? Kung sabagay, may paunang sabi na si Jay na hinding-hindi niya liligawan si Vi, hindi raw katalo. At lalong hindi raw niya maaaring sirain ang pagtitiwala sa kanya ng pareng Edgar niya. Okey din naman. But that’s not the point. Ke manligaw o hindi si Jay kay Vilma, nariyan na ang katotohanang out muna sa eksena si Bobot, that is kung ang pag-uusapan ay ang kanilang movie team-up. Going back to Nora and Tirso, halos katulad rin ng kina Vi at Bot ang nangyayari sa dalawang ito.

Okey na kay Guy na tumambal siya sa ibang leading man, like Walter halimbawa. Hindi gaya ng dati na kung di rin lang si Pip ang katambal niya’y kalimutan na lang. But after what have happened between him and Nora, ‘yung nakaraang tampuhan nila na naging dahilan tuloy ng pagpapahayag ni Guy na “isasaisang tabi ko muna ang pag-ibig”- we doubt kung hindi makakaapekto kay Pip ang pagpareha ni Guy sa iba. Besides, marami na rin ang nagpapahayag ng boredom concerning the Guy & Pip tandem. They want something really hot about Guy. Kunsabay, napatunayan nang malakas pa rin sa takilya ang mga pelikula nina Nora at Tirso in and out of the Sampaguit umbrella. And that goes for Vilma and Edgar, too. Up to now, they are still considered by their loyal fans as the love team na “subok na matibay, subok na matatag.” Tahimik lang daw ang dalawang ito, walang awayan, nothing controversial whatsoever about them. And they seem to love it. Katwiran nila, mas magiging maligaya ang dalawang ito pag mag-asawa na dahil very compatible daw sa pag-uugali at lahat. So, kuntento na rin sila sa palagiang pagtatambal nina Vi at Bot sa pelikula. Oo’t minsan ay tumambal na si Paolo Romero kay Vi, pero hindi sila nangamba na mawawala siya kay Bobot.

Besides, that particular picture na pinagtambalan nila ay sa ilalim ng Virgo Productions, not under Vilma’s home studio, ang Tagalog-Ilang-Ilang. Pero ngayong ang pagtatambal nga nina Vilma at Jay sa ilalim ng TIIP, ibang usapan na ‘yan. Mangangahulugan daw ba na pinalitan na ng TIIP si Bot para maging ka-love team ni Vi? And how true is it na hindi raw muna nila itatambal si Vi kay Bobot hangga’t hindi nakapagreduce nang husto itong huli? Kasi nga, marami na ang nakakapuna na hindi na bagay si Bobot kay Vi dahil sa kanyang katabaan. Para na raw junior version ni Ike Lozada. Anyway, kahit nga medyo isinama ng loob ng mga fans ang hakbang na ito ng TIIP, they are still hoping na hindi naman magiging napakalupit ng said production para paglayuin na nang tuluyan, o sa ibang sabi’y putulin na, ang tambalang Vilma-Edgar. At iyon din ang ipinananalangin ng mga fans nina Nora at Tirso. Nananalig silang kahit pa sino ang makatambal ni Guy, still sila pa rin ni Pip in reel at real life. Because kapag nga naman ang kabaligtaran ang naganap, Pip and Bobot will be left…all alone in the cold. – Horacio Morelos II, unknown source, circa 1970s

Advertisements