Manyikang Artista

Nowadays, hapi-hapi threesome sina Eddie Peregrina, Esperanza Fabon at Sweetheart. Sa mga hindi pa nakakaalam, mysterious pa nga ang every now and then ay tinatawag ni Ching (palayaw ni Espy) na “Sweetheart.” Ang hula pa ng iba ay si Eddie ang pinag-uukulan ni Espy ng ganitong ka-loving at very sweet na pagtawag.‬

Kung sa bagay ay posibleng si Eddie nga ito sapagka’t sa nakikita ngayong kay-tamis na pagtitinginan ng dalawa (noon pa ito nguni’t lalo itong tumitingkad sa araw-araw halos na pagkikita at pagsasama ng dalawa) ay walang duda na siya na nga ang “sweetheart”ni Espy.‬

Ito rin ang aking hinala nang hindi ko pa natutuklasan kung sinong talaga itong si “Sweetheart”. Iyon palaý ang 2 1/2 ft. na walking doll na ibinigay ni Eddie dito kay Espy, noon nakaraang Pasko, na may kasamang card na nasusulatan ng ganito: “Dearest Espy, Hope you like this simple remembrance of mine – AFFECTIONATELY, Eddie.”

Ang isa pang walking doll ang unti-unti ay humahabol sa katanyagan ng nagmamay-ari nito…si JAYPER. Ito ang very cute na manyikang ibinigay ng mga Jay Ilagan-Perla Adea fans kay “Ling” (palayaw ni Perla), kaya pinangalanan itong Jayper. Kung ano mang tagahanga mayroon si Perla ngayon ay gayon din si Jayper. At lalong sumikat si Jayper nang isang araw ay tumanggap siya ng call slip buhat sa Sampaguita Pictures! Iyon pala ay lalabas siya sa pelikulang “Fiesta Extravaganza.” Ang role niya ay kalaro ng manyika ring si Maria Leonora Theresa! Aba, akalain ninyo, fifty pesos a day pala siya (actually, ten peson siya at pa-aginaldo na sa kanya ni “Doc” Perez and iba)! At sinundo at inihatid siyang mag-isa ng panel ng Sampaguita! Star talaga! Pero hindi lang yan. Na-request si Jayper na mag-guest sa Operetang Putol-putol, at si Jay Ilagan mismo ang nagsabit ng kuwintas na sampaguita!

Ang isa pang manyika na may magandang kuwento ay si Snooky, ang living doll. Natatawang ikinuwento sa amin ng kanyang daddy na si Von Serna na noong bisperas ng Pasko ay namasyal silang mag-anak sa San Andres Market upang mamili ng maipagnonotse buwena. Nang bigla raw nakaalala si Snooky na ang gusto niyang prutas para sa notse buwena ay ubas!

Di naghanap nga sila ng ubas. Nang makakita raw sila, tuwang-tuwa itons si Snooky kaya nagpatimbang agad ng 3 kilo si Von. Nang tanungin daw nila kung magkano ang tatlong kilong ubas, muntik na raw bumaligtad si Von sa gulat. Ang presyo kasi ng 3 kilong ubas…100 pesos! At ‘yon palang lagay na ‘yon ay may discount pa sila, alang-alang sa pagkagiliw ng tindera kay Snooky! Actually thirty five pesos ang halaga ng isang kilo ng ubas. Kaya may discount silang limang piso.

Then there is Mannette, ang Nora-Manny doll na nasa pag-iingat ni Manny at inaalagaang mabuti ng matapat na fan ni Manny na may palayaw na “Baby” (Kaya siguro siya ang pinili ni Nora na mag-alaga kay Manette, ay dahil kapaayaw o tokaya niya). Ngayong wala pa si Nora Aunor, siya ang tumatayong proxy ni Nora bilang honorary member ng Blue Ladies led by “kumander” Pedring Villasan. – Movie Talk ni Virgie Ramos Lugo (From the pages of an unknown magazine, Circa 1970s)‬

‪#‎PerlaAdea‬, ‪#‎EddiePeregrina‬, ‪#‎SnookySerna‬, ‪#‎JayIlagan‬, ‪#‎EsperanzaFabon‬, ‪#‎VonSerna

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s