Off-Guard Moments With Vi

So sweet, so cute, malambing but somewhere mayroon din siyang kapilyahan. When we say pilya, we mean she’s smart, hindi agad pahhuhuli laging may panagot, hindi mata-trap. At ang husay sa biruan. Ala-razor-sharp with ba. Parang ganoon. Kaya nga siguro lalong lovable si Vi. Tulad noong isang hapon nang puro biruan na lang ang nangyari sa amin sa LVN nang hinihintay naming mag-take ang latest starrer niya. Dumating siyang naka-Tshirt na may design na pang-basketball. “Tumaba ako eh, five pounds. Kaya nagpe-preno ngayon ako sa pagkain,” una niyang bati. May baon siyang kutsinta, hamburger sandwich, puto. Ipinamigay niya sa mga kasamang alalay, kaunti lang ang kinain niya. “Ang hirap mag-slow down sa food.” Napag-usapan ang basketball. “Wow iyung cover ng isang magasin. Idolo ko, si Atoy Co. Sapak talaga. Alam mo, kung naging lalaki lang ako, nag-try out siguro ako as a basketball star.” May nag-abot sa kanya ng lotion. “Uy, pabango iyan ni Edgar, ah! Ganyan ang kanyang ginagamit,” may isang kaibigang nag-coment. Sabay-tango ni Vi. Approved agad siya, with a hint of smile sa kanyang lips. Lalo siyang parang makopa.

“Bakit nýo alam. The same nga, alam mo naman kami ni Bot. The same taste, kasi…” she stopped, tinukso siya ng nakapaligid. But before the audience could add jesting remarks, si Vi na ang nagtapos, “Kasi…love-team kami!” Haaay, reaction ng iba. “Belat, akala nila kung ano na,” she childishly remarked sabay upo sa silya, nakasalampak. Hardly the ladylike you see sa tv. Niyaya siya ng make-up artist. Kailangang maglagay na siya ng foundation. Naroon sila sa isang table. “May pimple ka ngayon,” pansin ng make-up artist. “Oo nga, bakit ganoon?” she wondered too. “In love always kasi,” may nanukso na naman. “Oo na nga!” natawang sagot ni Vi. Biglang entra ni Jay Ilagan, leading man niya sa sinu-shoot na pelikula. “Tita Vi, hindi mo kasama si Tito Bot?” Ngumiti lang si Vi, Sus, ito pala ang bagong pet names nina Vi & Bot. Mayroong tita at tito. Naging pamangkin pa nila si Jay! Ang labo! “Tita Vi, nakita ko si Tito Bot kahapon. Tsk. Bakit naman siya ganoon? Tsk… Pero hindi ko sasabihin sa iyo, what yo don’t know won’t hurt,” at ibinitin ni Jay and Vi held her laughter.

“Oo, sige, pagkaisahan nýo ako. Saan mo naman nakita? Siguro ang kasunod, may kasama siyang ka-date!” “Bakit mo naman nalaman? Nakaakbay, ganito,” at ini-arte ni Jay. The teasing session ended sa tawanan, hinampas ni Vi si Jay. “Naku, ayaw ko ng uling sumakay sa bapor o sa bangka. Talagang nagkaphobia na ako. Hinding-hindi na,” biglang change ng topic ni Vi. Flashback sa muntik nilang pagkalunod nina Edgar. “Sabi nila, signus ko raw ang tubig, dahil hayan, may puro ako sa may noo. Totoo kaya iyon? But anyway, mabuti na iyong nag-iingat.” “Tita Vi, bakit may sumpong ka yata kagabi,” tanong ng isang crew. “Hindi naman, kaya lang nakapuna ako. Niloloko ako eh. Imagine, sa tuwi kong itatanong kung ilang eksena na lang, ang parating sagot, tatlo na lang. Sus, hindi na nabawasan. Kaya nagkunwari naman akong naiinis. May lakad pa naman kami kagabi,” she said with a smile – with whom – tiyak si Bobot. “Siyempre nga,” she confirmed our guess. “Next shooting naman, Malapit nang matapos ang aking costume. Imagine, magiging Darna rin pala ako, e, noon, paborito ko iyon sa komiks,” she further said. Nagsimula na ang shooting. But in between takes, naroroon pa rin si Vilma, may panahon sa biruan, may time for rehearsal ng kanyang lines. Ang kalimitan, take one lang ay very good na. – Baby K. Jimenez, Bulaklak Magazine, 05 February 1973, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)

Advertisements