Film Review: Pakawalan Mo Ako


30 na taon na ang nakakalipas nang una nating napanood ang pelikulang Pakawalan Mo Ako. Tumabo ito sa takilya at nagbunga ng pagkapanalo ni Ate Vi ng Best Actress mula sa Famas para sa taong ito. Maalala mo pa ba ang mga detalye ng pelikula? Eto ang ating munting tribya…

1. Naging promo girl si Ate Vi sa pelikula. Para makatipid sa pera ano ang kinain niya sa eksena sa turo-turo?
A) siopao at tubig B) mamon at tubig C) lugaw at tubig D)hopya at tubig

2. Sa tulong ng kanyang kaibigan, pumasok siya bilang isang…?
A) sekretarya B) mananayaw C) escort girl D) model

3. Ano ang palayaw ng anak ni Ate Vi sa pelikula?
A) Jun Jun B) Junior C) Jonny Boy D) Bon bon

4. Ano ang pangalan ng karakter ni Vilma Santos sa pelukula?
A) Alicia B) Ana C) Alona D) Anita

5. Ano ang pangalan ng karakter ni Christopher sa pelikula?
A) Alfredo Villasenor B) Alfonso Villasenor C) Antonio Villasenor D) Amado Villasenor

6. Ano ang pangalan ng karakter ni Antony Castelo sa pelikula?
A) Bernandino San Diego B) Bernard San Diego C) Benito San Diego D) Bobby San Diego

7. Ano ang pangalan ng karakter ni Deborah Sun sa pelikula?
A) Benilda Santos B) Blesilda Santos C) Bernadette Santos D) Babette Santos

8. Ano ang inilit ng karakter ni Bella Flores sa unang bahagi ng pelikula?
A) Kotse B) titulo ng lupa C) Piano D) Alahas

9. Ano ang nakita ng karakter ni Christopher DeLeon at natuklasan niya na walang kasalanan ang karakter ni Vilma sa pelikula?
A) Bala sa laruan ng bata B) larawan ng krimen sa laruan ng bata C) mga dugo sa laruan ng bata D) lahat ng ito

10. Nang unang pagtangkaan ni Antony Castelo si Vilma sa pelikula ay nagpumiglas ito sabay kuha sa perang inalok ni Antony at ano ang kanyang sinabi bago umalis?
A) limang daan ang kabayaran ng halik may sukli ka pa!
B) Kukunin ko ang kabayaran ng halik may sukli ka pa!
C) Hindi ako nagpapabayad pero kukunin ko ang bayad ng halik at may sukli ka pa!
D) Hindi ako nagpapabayad pero kukunin ko ang bayad ng halik at wala ka nang sukli!

11. Sinong binaril ng karakter ni Vilma sa pelikula?
A) ang tauhan ng ama ni Antony Castelo
B) ang karakter ni Antony Castelo
C) ang ama ng karakter ni Antony Castelo
D) walang nabaril ang karakter ni Vilma

12 Saan nabisto ng kapatid ng kasintahan ni Ate Vi siya na isang escort girl?
A) Sa isang restaurant na ang pangalan ay Le Polle
B) Sa isang disco na ang pangalan ay Le Polle
C) Sa isang club na ang pangalan ay Le Polle
D) Sa isang cinehan na ang pangalan ay Le Polle

13. Pinagbintangan si Vilma ng pagpatay, sino ang pinatay niya raw sa pelikula?
A) ang karakter ni Antony Castelo
B) ang karakter ng tatay ni Antony Castelo
C) ang karakter ni Christopher DeLeon
D) ang karakter ng tatay ni Christopher DeLeon

14. Sino ang sumulat ng istorya ng Pakawalan Mo Ako?
A) Lualhati Bautista B) Emmanuel H. Borlaza C) Pete Lacaba D) Ricardo Lee

15. Ano ang titulo ng theme song ng pelikula?
A) Balatkayo B) Mahiwaga C) Dati D) Nais Kong Ibigin Ka

16. Ano ang trabaho ng karakter ni Christopher DeLeon sa pelikula?
A) doctor B) dentist C) lawyer D) police

17. Nang wala na silang mapakunan ng pera ano ang binenta ng karakter ni Antony Castelo?
A) mga alahas niya B) motorsiklo C) bahay D) kotse

18. Ano ang tawag ng tatay ng karakter ni Antony Castelo kay Vilma?
A) puta B) kunwari mahinhin C) magnanakaw ng anak D) social climber

19. Sino ang namatay sa umpisa ng pelikula?
A) ang tiyahin ni Vilma B) ang lola ni Vilma C) ang nanay ni Vilma D) ang tatay ni Vilma

20. Bakit iniwanan ng karakter ni Christopher De Leon si Vilma sa pelikula?
A) dahil naging criminal si Vilma sa umpisa ng pelikula
B) dahil nahuli niya si Vilma kayakap si Antony Castelo
C) dahil nahuli si Vilma ng kapatid ni Chritopher papasok sa isang hotel
D) dahil nakapatay si Vilma

21. Nang wala nang ibang mahingan ng tulong, pumunta ang karakter ni Vilma kay Debora Sun at duon nadatnan niya na may kasama itong boyfriend, ano ang pangalan ng lalaki ni Deborah?
A) Mando B) Cesar C) Raffi D) Ariel

22. Sino ang tunay na ama ng batang anak ng karakter ni Vilma sa pelikula?
A) ang karakter ni Christopher DeLeon
B) ang karakter ni Antony Castelo
C) hindi alam ng karakter ni Vilma kung sino ang ama
D) ang tatay na mayaman ng karakter ni Antony Castelo

23. Ano ang binibili ng karakter ni Christopher DeLeon ng makita niya ang dating katipan, si Vilma, kasama ang pamilya nito sa department store?
A) Relos B) Camera C) Books D) Tie

24. Sino ang naglapat ng musika ng pelikula?
A) George Canseco B) Ryan Cayabyab C) Willie Cruz D) Lutgardo Labad

25. Ano ang naging sakit ng nanay ng karakter ni Vilma sa pelikula?
A) stroke B) diabetes C) tuberculosis D) leprosy

26. Ano ang pangalan ng ama ng karakter ni Antony Castelo
A) Don Nilo B) Don Benito C) Don Lino D) Don Lupito

The Plot: Namatay ang tatay ni Ana (Vilma Santos) at dahil rito’y naghirap sila. Napilitan siyang magtinda ng sabon at tumigil sa pag-aaral. Sa kabila nito hindi siya humingi ng tulong sa katipan na si Freddie Villasenor (Christopher DeLeon). Dahil sa hirap ay napilitang pumasok si Ana sa isang escort service sa tulong ng kanyang kaibigang si Bernadette Santos (Deborah Sun). Nakilala ni Ana si Bernard San Diego (Antony Castelo) sa kanyang trabaho bilang escort girl. Sa gabing iyon nakita siya ng kapatid na babae ni Freddy. Nang yayain ni Freddy si Ana para magpakasal pumayag na ito at pumunta siya sa bahay ni Freddy para makilala ang pamilya ni Freddy. Hindi nila alam ay inimbitahan ng kapatid ni Freddy si Bernard San Diego. At sa hapag ng kainan ay binisto nito ang tunay na trabaho ni Ana. Umalis nang umiiyak si Ana at nagkagalit sila ni Freddy. Pinuntahan ni Bernard si Ana para humingi ng paunmanhin ngunit naabutan sila ni Freddy at nag-away sila ni Bernard. Inakala ni Freddy na talagang may relasyon si Bernard at Ana kung kaya iniwanan niya ito. Nagbalik si Ana sa kanyang trabaho. Nagkaroon ng secret admirer ito. Yung pala ito ay si Bernard. Nalaman rin ni Ana na buntis siya at ang ama ng dinadala niya ay si Freddy. Inalok ni Bernard si Ana ng kasal at pumayag naman ito sa kabila ng pagtutol ng kanyang mayamang ama. Lumaki ang bata at apat na taon na ito nang magdesisyon ang ama ni Bernard na tigilan na ang pagsasama ng dalawa. Inalok si Ana ng malaking halaga ngunit tumutol ito. Nang umalis ang ama ni Bernard ay pinaiwan nito ang isa sa kanyang mga tauhan para gahasain si Ana. Dumating si Bernard at nagaway sila ng tauhan ng kanyang ama. Sa kaguluhan ay nabaril ng tauhan ng kanyang ama si Bernard mismo. Sinet-up ng ama ni Bernard si Ana. Pinakulong at kinuhang abogado si Freddy. Sa hukuman ay nakuhang magduda ni Freddy sa dating katipan. Nagpunta ito sa bahay ng ina ni Ana upang kausapin ang batang anak ni Ana. Natuklasan ni Freddy ang tutuong nangyari at ang testigo ay ang anak ni Ana. Sa closing ng kaso ay inihayag ni Freddy na walang kasalanan si Ana at ang pumatay kay Bernard ay ang tauhan ng sarili nitong ama. Napawalang sala si Ana at nalaman ni Freddy na ang bata’y ang sarili niyang anak.

The Review: Prinudyus ng Sampaguita Pictures, ang “Pakawalan Mo Ako” ay isa sa mga pruweba na nasa ikataas na puwesto si Vilma Santos nang bagong dekada otsenta. Mula umpisa hanggang sa huli’y umiikot ang istorya sa karakter ni Vilma bilang si Ana, isang escort girl. Markado ang papel ni Vilma at makikita ito sa mga eksena sa kulungan at hukuman. Ang Pakawalan Mo Ako ay mula sa panulat ni Pete Lacaba at iskrinplay nina Pete Lacaba, Mao Gia Samonte at Isko Lopez. Kung ikukumpara sa mga ibang pelikula ni Elwood Perez mas pulido at makatotohanan ang mga eksena’t dialouge ng pelikula. Tulad ng konprontahin nga ma ni Bernard si Ana sinabi nito na: “Puta, Puta! Puta! Hindi lang naman kayo ang unang nagparatang sa akin ng ganyan! Puta! Puta! Putang Ina n’yong lahat…” At nang unang dalhin ni Bernard si Ana sa bahay nito at pagtangkaang gahasain, pumiglas si Ana at sabay kuha sa pera at sabay sabing: “kukunin ko ang bayad sa halik may sukli ka pa!” At siyempre ang eksena sa hukom kung saan paulit ulit niyang sinasabi ang salitang: “Sinungaling!…” Ang musika ni Lutgardo Labad ay minsan nakakaabala sa tunay na eksena ngunit angkop na angkop ang theme song ng pelikula, ang “Dati” na kinanta mismo ni Antony Castelo. Merong mahahabang linya si Christopher DeLeon sa bandang huli at nakuha naman niyang bigyan ng buhay ang papel niya bilang abogado ng taga-usig kahit na parang pilit ang pagpapalit niya ng panig para sa tagapagtanggol sa bandang huli, sa kanyang closing remarks. Alam niya marahil na talagang pelikula ito ni Ate Vi. Mahusay rin ang pagganap ni Antony Castelo bilang isang matigas na ulong anak ng isang mayaman. Sa papel na ina ni Ana, nakaka-distract ang hindi tunay na boses ni Mila Ocampo. Bilang ama ni Bernard San Diego, very one-dimensional ang papel ni Subas Herrero. Ang pinakanakakatuwang papel ay ang papel na kaibigan ni Ana na ginampanan ni Deborah Sun. Meron siyan eksena sa hukuman kung saan tumistigo siya at natural na natural ang pagkababaeng bakla niya. Mabilis ang pacing ng pelikula at walang mahusay ang pagkakaedit nito. Hindi ako nagtaka kung bakit nanalo si Ate Vi para sa pelikulang ito mula sa Famas. Ito rin ang bale hudyat ng pagsibol ng bagong Vilma Santos pagpasok ng dekada otsenta dahil sa sumunod na taon ay nagkasunod sunod na ang parangal sa pagarte ni Ate Vi mula sa iba’t ibang award giving bodies. RELATED READING: Filmography: Pakawalan Mo Ako (1981)

Sagot sa Tribya: 1.D 2.C 3.A 4.B 5.A 6.B 7.C 8.C 9.A 10.B 11.A 12.A 13.A 14.C 15.C 16.C 17.D 18.A 19.D 20.B 21.C 22.A 23.B 24.D 25.C 26.A (Global Vilmanianswords).