Grand Slam film, Relasyon


The set-up – “In a time when the concept of divorce does not exist, much less imagined possible, we find Marilou, a planetarium guide who decides to pursue an affair with Emil, a college teacher sepatated from his wife. They seem perfect for each other, and soon decide to move in together. Their once happy affair turns sour as Marilou slowly discovers the real Emil, a chauvinistic, domineering, and emotionally abusive man who disctates everything to her, from how she should act and manage her life to the most inconsequentials details of running their house. They soon find themselves in an on-again, off – again relationship, with Malou going as for as laying a let’s meet only three times a week rule to protect herself.” – UP (READ MORE)

The Slam – “…1982, Nauso ang so-called Grand Slam Best Actress in 1983, nang manalo si Vilma Santos for Ishmael Bernal’s Relasyon. That 1982 film was a small, low-budget drama of a husband and his mistress. Nag-hit ang tandem nina Vi at Christopher de Leon, starting in 1978, with Sampaguita Pictures’ Masarap … Masakit ang Umibig and Nakawin Natin ang Bawat Sandali (both by Elwood Perez), after their first pair-up in Celso Ad Castillo’s 1975 romance-drama Tag-Ulan sa Tag-Araw. For Relasyon, Vilma won as Best Actress sa CMMA, Gawad Urian, FAMAS and the debuting Film Academy of the Philippines (FAP) Awards. Maging sa “minor” parangal, like the TV show Let’s Talk Movies ng RPN 9 (hosted by Armida Siguion Reyna, Behn Cervantes and Mario Bautista), si Vilma rin ang Best Actress for the Regal Films drama. With Nora Aunor as Vilma’s main competitor, it was an interesting, but utterly disappointing, acting duel. Sa FAMAS, Nora got nominated for Romy Suzara’s Mga Uod at Rosas – and lost. Sa ibang award-giving bodies, isang malaking pelikula at pagganap ni Nora – sa Himala, as the visionary Elsa – ang natalo kay Vilma. The Ishmael Bernal opus was produced by the Marcos government-established Experimental Cinema of the Philippines (ECP). Some were of the opinion na may bahagi ng pulitika sa pagkatalo ni Nora; marami raw sa movie industry ang anti-administration, kabilang ang sympathizers ng Free the Artists Movement na anti-censors. May malaking rally noon na hindi dinaluhan ni Nora, samantalang nakiisa sa protesta si Vilma. Gayon man, may parangal na natamo si Nora para sa Himala: the 1982 MMFF Best Actress, where it won 9 out of 13 awards, including Best Direction and Best Picture. Naging opening Film ang Himala sa 1983 Manila International Film Festival – organized by then First Lady Imelda Romualdez-Marcos – at inilahok sa Berlin International Film Festival in February 1983. Ayon kay Bernal, Nora lost in Berlin to a Russian actress by a mere vote. Sa 7th Gawad Urian in 1983, nominated in almost all major and minor categories ang Himala but never won a single award. Ilang taon ang lumipas, sa tuwing titingnan ko ang Honor Roll ng Manunuri sa ipinamamahaging souvenir program, sadyang “walang Himala” na nagtamo ng parangal. But in 2002, sa 25th year ng Gawad Urian, kabilang ang Himala sa Pinakamahuhusay (Best Films of the past three decades) na naparangalan, with Nora Aunor personally receiving the overdue award para sa isang totoong klasikong pelikulang Pilipino. At bigla ngang naghimala ang Himala!…” – William Reyes (READ MORE)

The Role – “…Sinasabi ng mga drumbeater ni Vi na ang kanyang role sa pelikulang ito ay pang-award, pang-FAMAS, pang-URIAN o pang-Film Academy Award kung matutuloy ito. Hindi kami tumututol sa kanilang palagay laluna’t napanood namin ang pelikulang ito. Masuwerte si Vi at sa ganitong maselang role ay dinirek siya ng isang katulad ni Bernal. Tulad nang binigyang diin namin sa unang bahagi, ang mga pelikula ni Bernal, ang “Pagdating sa Dulo”, “Nunal sa Tubig”, “Mister mo, Lover Boy ko” at “City after Dark” ay mga malinaw at makatotohang salamin ng buhay. Kaya sa “Relasyon” ay natural lamang na makakita tayo ng mga sitwasyong tila aktuwal na kinuha sa tunay na buhay at inilipat nang buong-buo sa puting tabing…” – Mando Plaridel, Star Monthly Magazine July 10, 1982 (READ MORE)

After the Slam – “…Like 1972 of the previous decade, 1982 turned out to be a repeat in terms of success for Vilma Santos. If critics took noticed in 1972, her performance in Dama De Noche, a decade after, the critics went gagah over her performance in ”Relasyon,” directed by Bernal. The film earned Vilma all the local best actress trophies from all award-giving bodies. Aside from this success, she will also be crowned as the box office queen of 1982 (the next year for her body of work this year) because of the financial success of her six films notably, “Sinasamba Kita” a film directed by Eddie Garcia and “Gaano Kadalas ang Minsan?’ directed by Danny Zialcita. Bernal on the other hand not only was credited for Vilma success for “Relasyon” he also received accolades for “Himala” a film by Nora Aunor, Vilma’s rival. Both “Himala” and “Relasyon” were considered two of Bernal’s signature films. In addition to this, he did two Marecel Soriano films, the comedy “Galawgaw” and the drama, “Hindi Kita Malimot” and finally another Cherrie Gil film, “Ito Ba Ang Ating Mga Anak…Bernal gave Vilma Santos her first grandslam best actress awards and consecutive Gawad Urian best actress (1982 and 1983). Their first film together was Inspiration (1972) and last was Pahiram Ng Isang Umaga (1989).” – RV (READ MORE)

Still Relevant? – “Relasyon was the only film with three screenings at the on-going Pelikua at Lipunan last March 3, 2006. No other films hold this record. We were enthusiastic about the students who reviewed the film of more than two decades. Talagang relevant and timeless ang theme at plot ng nasabing pelikuka at maituturing na isa sa great films of Philippine Movie history. Before the screening of the film ay masaya kaming nag-uusap and at times our attention was called sa mga updates and or instructions ni Jojo Lim for the next group activity like March 8 sa U.P. sa Cine Adarna para sa Diwata Awards kung saan ay confirmed na darating si Ate Vi who is one of 4 distinguised honorees. Tumigil lang kami ng magsimula na ang screening. Wala ka ng makausap pa. Nakatuon lahat sa pelikula. Animo’y mga magagaling na kritiko ng gawad Urian na magre-review ng nasabing pelikula sa unang pagkakataon?! Hmp. For the film’s final highlight, we all sat in real silence. Motionless. Then, the expected tour de force/acting coup cum real drama essayed by Ate Vi. Her solitariness remained absolute in this particular scene with her heart wrenching monolgue. Then I thought I caught a glimpse of some of our co-Vilmanians wiping away “precious tears” in between sobs. Several more moments passed in silence. Tinapos namin ang panonood ng pelikula with an ovation. ’Di lang kaming mga Vilmanians ang pumalakpak! We hope ay nakapag-contribute ang mga Vilmanians in support of Mowelfunds worthy projects. Mabuhay Ms. VILMA SANTOS The Philippines Movie Queen For All Seasons. Mabuhay Vilmanians around the globe.” – June Sison, 5 Mar 2006 (READ MORE)

24 years after its release, Relasyon remained relevant and fresh due to its social topic (the flight of many mistresses in society) and Vilma Santos’ performance in this film made it possible for everyone to sympathize their (mistresses) flight. Even critics agrred Here’s what one said: “…Napakahusay ni Vilma Santos sa papel ng pangunahing tauhan, isang dalagang umibig sa isang may asawa. It’s one hell of a role and a heaven of a performance. Kasama si Vilma sa lahat ng eksena sa pelikula at talagang ito na ang pinakamabigat na papel na napaatang sa mga balikat ng isang local actress mula ng gampanan ni Gina Alajar and lead role sa “Salome.” This time, sigurado nang mano-nominate si Vilma sa Urian (ito lamang ang award na hindi niya napapagwagihan) at malamang na ang maging pinakamahigpit niyang kalaban dito ay si Nora Aunor na very demanding din ang role sa “Himala” (na si Bernal din ang direktor). Ito’y kung matatapos ang ECP project na ito sa taong ito na sa palagay nami’y hindi kahit gusto ng ECP na isali ito sa filmfest sa Disyembre. Dinalirot ng “Relasyon” ang lahat ng mga anggulong maaaring suutan ng isang babaing nagiging kerida. Maraming madamdaming tagpo sa pelikula, lalo na ang death scene ni Christopher de Leon na tuhog ang pagkakakuha. Bagay na bagay kay Jimi Melendez ang papel niya bilang torpeng talisuyo ni Vilma. Hit na hit siya sa audience…” – Mario Bautista, Puna at Puri People’s Journal July 1982 (READ MORE)