ANG ATE NI ATE VI (Repost)


While in New York & everybody were so busy talking to Ate Vi, I had a chance to chat with Ate Emelyn, ang Ate ni Ate Vi.

How’s Vilma Santos as a sister?
Mabait siya. Wala na akong hahanapin pa kay Vi bilang kapatid. Sabi nga sa commercial niya noong araw “perfect.”

How do you (Santoses) celebrate holidays?
We have a family reunion during Christmas.

Can you please tell us more about your experience with Ate Vi as a kid?
Very thoughtful ‘yan. She always visited me in my class and shared her sandwich or allowance or any little things to show that she cared. Sometimes it’s the other way around, pupunta siya sa classroom ko “Ma’am pwede pong makausap ang sister ko” yun pala hihingi lang ng baon.

Kelan mo nasabing proud na proud ka as a sister of Vilma?
Maraming beses na. Isa na doon yung Gawad Plaridel. Pero syempre mas proud ako sa pagiging mabuting tao niya, yung pagmamahal niya sa pamilya, yung pag-aalaga niya sa mga taga-Lipa.

What is your favorite Vilma movie?
Pahiram ng isang umaga. Siguro dahil mother din ako, kaya alam ko ang feeling ng isang ina na ayaw iwanan ang anak.

Nag-react ka ba nung tanggapin niya ang Burlesk Queen at nag-change siya ng image?
Alam mo napakatagal na discussion yan sa pamilya. Pero to make a long story short naayos din. Sabi ko nga career move naman yon eh at saka 23 na si Vi noon. Maganda ang project, matino ang story.

Let’s be frank, gusto mo pa bang tumakbo si Ate Vi sa politics?
Kung ano man ang plano ni Vi doon ako. I will support her all the way. Pareho namang maganda ang magiging resulta kung tatakbo siya o hindi. Kung itutuloy niya ang politics maraming matutuwa lalo na yung mahihirap. Minsan nga paglabas ni Vi sa city hall, may nag-aabang na matatanda, yung iba humihingi ng tulong, ‘yung iba naman nagpapasalamat. Nakakataba ng puso na makitang maraming napaligaya si Vi.

Paano kung hindi na siya tumakbo sa politika?
Marami pa ring matutuwa. Ang mga Vilmanians, ang mga producers. Alam mo may offer kay Vi ang Unitel, Violet at pati si Margie Moran ay balak ding mag-produce na si Vi ang bida. Pero sobrang busy niya, uunahin muna niya ang sa Star Cinema.

How’s Luis (Lucky) as pamangkin?
Mabait na bata. Hindi niya kami binigyan ng problema kaylan man. Everytime I see him, I realized that time flies so fast. Parang kelan lang ay kalong-kalong ko siya, ngayon ay malaki pa sa akin.

And finally, your message for Ate Vi?
Alam kong alam mo na pero uulitin ko pa rin na mahal na mahal kita. At kagaya ng nasabi ko sa iyo kanina Franco, kung ipapanganak ulit ako at papapiliin kung sino ang gusto kong maging kapatid….paulit-ulit kong sasabihin na si Vilma ang gusto ko. – Franco Gabriel, V Magazine, 2005 Global Vilmanians