‘Yan si Rosa Vilma

LATEST NEWS - July 2013 Vi before Cinemalaya

YAN SI ROSA VILMA
ni Father J

May isang nagngangalang Rosa Vilma,
Ipinanganak sa Tondo, Maynila.

Naging artista kahit noong siya ay bata
pa, Galing sa pagganap noon ay pinag-aralan na.

Noong siya ay nagdalaga na,
Nagpatuloy sa kanyang pag-aartista.
Naging sikat at hinahangaang bituin
Katambal si Edgar bilang ka-loveteam.

Naging karibal si Nora
Sa pagiging isang reyna.
Subalit mas matagumpay si Nora
Noong mga panahon ng setenta.

Hanggang siya ay mag-iba ng imahen,
At gumanap bilang isang Burlesk Queen.
Mula noon at magpahanggang ngayon
Si Vilma na ang Reyna taon-taon.

Siya ay nag-iisang Star for All Seasons,
At gayundin naman ng for All Reasons.
Hindi magugupo o mapapataob ninuman,
Pagkat Vilmanians hindi s’ya pababayaan.

Queenstar mula noon hanggang
ngayon, Pinakamahusay na aktress sa
lahat ng panahon.

Nirerespeto ng mamayang Pilipino,
Pagkat mapagmahal siya sa kapwa Pilipino.

Isang ulirang artista at ina,
Matagumpay na mayora ng Lipa.
Siya at wala ng iba ang Reyna,
Yan ang mahal nating si Rosa Vilma.

MEMORABILIA - Vi 3

Advertisements