“…The notion of the martir resurfaces in Relasyon (1982), a stellar example of a mistress movie with genuine depth. It portrays Marilou (Vilma Santos) as not just a mistress, but also a servant for the chauvinistic Emil (Christopher De Leon). There is a poignant scene in the aforementioned: in spite of catering to her lover’s every need, she is still left alone in the house on Christmas Eve, because he really isn’t hers to begin with. Santos’ brilliant, appropriately emotive acting in the movie gave the star her big break. Filipino Department faculty member Jayson Jacobo, PhD expounds on Santos’ role in Philippine media. “[Her] middle period presents us a social sphere of material conditions which articulate the context of amorous situations that persuade a woman to enter and exit a relasyon.” Jacobo finds that more recent mistress films are devoid of the dramatic sophistication that these older films presented. He points out their key faults, saying, “These films of late are too concerned with the calisthenics of sexual encounter, the scandalous confrontation, the fashionable hysteria, the publicity of neurosis and the contrivance of normative resolution…” – Rissa A. Coronel, Katipunan The Guidon Magazine, 30 January 2013 (READ MORE)
Dalawang magagandang pelikula ang sabay na itinatanghal ngayon. Ito’y ang “Relasyon” ni Ishmael Bernal at “Hubad na Gubat” ng baguhang si Lito Tiongson. Sa taong ito, tatlong pa lamang ang talagang namumukod tangi para sa amin. Ang “Ito Ba Ang Ating Mga Anak” ni Bernal, “In This Corner” ni Brocka at ngayon nga’y ang “Relasyon” ni Bernal na naman.
Napakahusay ni Vilma Santos sa papel ng pangunahing tauhan, isang dalagang umibig sa isang may asawa. It’s one hell of a role and a heaven of a performance. Kasama si Vilma sa lahat ng eksena sa pelikula at talagang ito na ang pinakamabigat na papel na napaatang sa mga balikat ng isang local actress mula ng gampanan ni Gina Alajar and lead role sa “Salome.” This time, sigurado nang mano-nominate si Vilma sa Urian (ito lamang ang award na hindi niya napapagwagihan) at malamang na ang maging pinakamahigpit niyang kalaban dito ay si Nora Aunor na very demanding din ang role sa “Himala” (na si Bernal din ang direktor). Ito’y kung matatapos ang ECP project na ito sa taong ito na sa palagay nami’y hindi kahit gusto ng ECP na isali ito sa filmfest sa Disyembre.
Dinalirot ng “Relasyon” ang lahat ng mga anggulong maaaring suutan ng isang babaing nagiging kerida. Maraming madamdaming tagpo sa pelikula, lalo na ang death scene ni Christopher de Leon na tuhog ang pagkakakuha. Bagay na bagay kay Jimi Melendez ang papel niya bilang torpeng talisuyo ni Vilma. Hit na hit siya sa audience. Hanggang ngayon ay patuloy na dumaragsa dito sa amin ang mga sulat na pumupuri sa acting ni Vilma Santos sa “Relasyon.”
Sabi ni Nelda Santiago ng Arellano Street, Marikina: “Napakagaling ni Vilma at kahit hindi pa ako nagiging kerida, para bang na identify ako sa kanya.” Sabi naman ni Hector Cruz ng 14 Malaya Street, QC: “Maraming nasasabi ang mga mata ni Vilma lalo sa mga eksenang wala siyang dialogue. Pati pilikmata niya ay umaarte. Dapat lang na magka award siya rito. Magaling din sina Jimi Melendez at Beth Mondragon.” Ayon naman kay H. Santillan III ng UP Village: “Hindi kami fan ni Vilma pero kung ganito ng ganito ang performances niya, dapat siguro’y maging fan na nga niya kami. Tour de force ang acting niya at dapat ilagay sa textbook on acting. Hindi mapapantayan ang rapport nila ni Christopher de Leon.”
May iba pang mga sulat pero hindi na namin masisipi sa kakulangan ng espasyo. – Mario E. Baustista, Peoples Journal, July 1982 (READ MORE)
You must be logged in to post a comment.