News Clippings Is Back! 2/3

This slideshow requires JavaScript.

Takot sa Ahas – Sa paggawa ng pelikula, kung maringgan man ng pagdaing si Vilma Santos ay bihirang-bihira. Nangyayari lang ito kung ipagpalagay nating siya’y may dinaramdam, hapong-hapo at talagang hindi na makakaya ng katawang humarap sa kamera kahit ibigin niya. Gayon man, kung nagkataong napakahalaga ng eksena at kinakailangang gawin niya, kahit anong sama ng pakiramdam niya’y humaharap siay sa kamera. At sa pagtungo niya sa set o location, lagi siyang nasa oras. Kung maatraso ma’y saglit lang. Ganyan ka-professinal si Vilma Santos. Ngunit sa Lipad, Darna, Lipad ay dumaraing siya. Hindi sa hindi niya enjoy gawin ito. Ang totoo’y sa pelikulang ito lang siya na-involved. Ibig na niyang matapos na ito’t makita ang pinagpaguran niya. Talaga palang mahirap gumawa ng costumes picture. Lalo pa’t kung tulad nito! Una ang naging suliranin namin ay ang Darna costumes ko. Kasi kinakailangan maging maliksi ang kilos ko bilang Darna, kaya kailangang alisin na ang padding. Kaso nga lilitaw naman ang malaking bahagi ng aking katawan. Mabuti na lang at sumang-ayon ang aking fans. “Pangalawa, nag-aalala ako sa mga eksenang bakbakan namin nina Gloria Romero, Celia Rodriguez at Liza Lorena. Kasi baka masaktan ko sila nang di sinasadya. Ang pangatlo ay ang likas ng pagkatakot ko…sa mga ahas. Kasi may bahagi roong tungkol sa Babaing Ahas, si Valentina. Dito, laging kailangan ang ahas sa mga eksena. Mga sari-saring ahas. Maliliit at malalaki. At makamandag! Ang pinakamahirap sa lahat ay ang pag-su-shooting. Kailangan naming tapusin ito anuman ang mangyari. Kaya nasasagap ko ang lamig ng gabi at init ng araw. At ang suot ko nga’y labas ang malaking bahagi ng katawan! At alam n’yo namang kailang lang ay naospital ako dahil sa respiratory defects!” Ito ang daing ni Vilma Santos sa pinakamahirap niyang pelikula, ang Lipad, Darna, Lipad. Ngunit mahihinuha naman ninyo na ang pagdaing niya’y parang paglalambing lang. Dinaraan pa nga niyang lahat sa biro. Pagka’t ang tutoo, mahal na mahal niya ang pelikulang ito. Dahil ito nga ang pinakamahirap. At sa isang artista, kung alin ang pinakamahirap ay siya namang pinakamasarap! – Cleo Cruz, Love Story Magazine, 1973

Makulay Ang FAMAS Awards Night sa MET! – “…Tears and joy ang kabuuan ng FAMAS Awards Night last November 21 sa MET. Halos sumabog ang said theaters sa dami ng tao, may involvement o wala sa showbiz ay naroroon that memorable night. Surprisingly, ang daming mukhang hindi dumadalo sa nakaraang FAMAS Awards ay nagsulputan! They expected a lot sa mga nagbabagong magaganap dito. At hindi naman sila nabigo sa kanilang expectations. Tunay na iba ang naganap sa FAMAS ngayon, compared sa mga nakaraan. The simplest ito. Puro madarama ang katapatan ng layunin ng mga taong nagpapagalaw ngayon. Kahit paano ay umabot pa sa ganoon ang FAMAS, kahit sakat sa kagarbuhan ay buhay pa rin ito. Pampadagdag sigla sa local movie industry. Iyan ay dapat ipagpasalamat! Makikia sa mga photos na naririto ang hindi maipaliwanag na kaligayahan para msa nagwagi. Deserving naman ang kanilang pagkapanalo. Iyan ang bunga ng kanilang pagsisikap at pagtitiyaga at pagbibigay kulay…ang FAMAS trophy! Nanalo si Mat Ranillo bilang Best Actor, Susan Roces as Best Actress. Sina George Estregan at Angie Ferro naman as Best Supporting Actor/Actress. Tinanggap ng VS Films ni Vilma Santos ang karangalan para sa Best Picture category sa pelikulang “Pagputi ng Uwak, Pagitim ng Tagak” at Best Director si Celso Ad. Castillo. Best Child Performer naman sina Niño Muhlach at Julie Vega. Iyan ay para sa year ’78 ng FAMAS. Para duon sa mga hindi nagwagi, sabi ngaý better luck next time. Alam ng lahat na nagsikap din sila, at iya’y isa nang magandang pahiwatig na may malaking pag-asa sila para sa FAMAS ay darating na panahon. At paghahandaan na nila ng dobleng sikap. Congratulation para sa lahat at inaasahan naman magtatagpo pang muli sa next FAMAS Awards Night!…” – Nards Sangalang, 3 December 1979

Hindi Kami Close – “…Nakakataba sa puso ko nung sabihin niya sa akin na sia ako sa mga hinahangaan niyang artista noong nagsisimula pa lang ako. Ilang beses daw niyang pinanood ang Trudis Liit. Kahit pa sabihing kami ang tunay na magkaribal talaga sa showbiz, the fact remains pa rin na magkumare kami. Hindi namin hinahaluan ng ka-showbiz0an ang aming friendship. Pinag-aaway man kami, e sa pelikula lang ‘yon. Hindi naman pinaabot ito sa ulo. Kung close friends kami, ang totoo niyan, magkaibigan kami, pero hindi talaga kami ganun ka-close. Ang mga maituturing kong close friends, e sina Coney, Helen at Tina. Yes, dati-rati, e madalas kaming magtawagan sa telepono, lalo na kapag may problema siya. Kaya lang ngayon, e hindi na. Masyado na kamign busy pareho! Nami-miss ko na nga yung time na madalas pa kaming nagki-keep in touch eh. Pero overall, wala akong masasabi sa kumare ko. Tagahanga rin niya ako sa kanyang pag-arte. That’s true! Hindi showbiz ‘yon. Kami ba naman e maglolokohan pa?” pabirong wika ng Star For All Seasons…” – Monti C. Tirasol, Bandera Magazine, November 1991

Hindi Naiinggit – Naiinggit siya kay Vilma ngayon dahil mas sikat ito sa kanya. “…Bakit naman ako maiinggit? Kahit papaano, e, pinaggaaman kami niyan. Kumare ko pa siay. No. Hindi totoo yon. Siguro noon, e pumapasok sa isip namin yung mga ganoong bagay, dala na rin ng aming kabataan at that time na the height ng aming kasikatan. Pero ngayon e, hindi ko masasabing naiinggit ako sa kanya. Ang totoo pa nga niyan e masayang masaya ako para sa kanya! Sa aming pagkakaibigan lalo na ngayon, yung pagnanais na magtagumpay ang sinuman sa aming dalawa ang nangingibabaw. Walang halong kaplastikan ito. Sinasabi nila na naiinggit ako dahil may weekly show siya, tapos e mas madalas siyang gumawa ng pelikula sa akin. Wala ‘yon sa akin e. Pana-panahon naman yun e di ba? Basta ako, kung sakaling manalo man siya ng awards, magkaroon siya ng bagong show, matuloy na yung kasal niya, basta everything na positive at good news, kahit na hindi mangyayari pa sa akin, I am very happy para sa kanya! Matatanda na kami para magkainggitan huh!…” – Monti Tirasol, Bandera Magazine, November 1991

Vi Likes Meng Fei – “…Si Vi likes Meng Fei, but she emphasize that liking is very much different from loving. Biniro namin siya na para sa kanya’y maaaring ganoon. But how about Bot? “Ang Mommy Cleo naman! Parang di na kabisado si Bot! Oo, noo’y halos type niya noon. Pero, hindi na ngayon. Ang Tutoo, like ni Bot si Meng Fei! Mukhang okey naman daw ito’t isang maginoo. Gagalangin daw ako. He considers Meng Fei na any other na manliligaw sa akin. Pagka’t binata raw si Meng Fei, there is nothing wrong kung lumigaw siya sa akin. Na, isang dalaga naman. Kaya bakit naman daw siya magagalit?” then she laughed mischiviously…Batay sa mga balita, inevitable na dumating ang “pangyayari” ang lumigaw na si Meng Fei sa kanya. What then? Kunwa’y napahumindig si Vi. “Aba di hayaan natin siyang dumiga! Para didiga lang? Saka wowi si Meng Fei yata yan! Pero kidding aside, I wouldn’t think too much about it. Di pa naman nangyayari. Sabi nga burn your bridges after crossing them. Bakit ko poproblemahin ang bagay na hindi pa dumarating?…Pero it would be nice kung tulad ni Meng Fei ang manligaw sa isang dalaga, ano Mommy?” Tapos, kinurot ako ng superstar at nagbibiro lang daw siya. Tumawa nang tumawa pagkatapos. – Cleo Cruz, Showbiz Reporter Magazine, 25 August 1973

Sportsmanship Among Movie Stars – Naging masigla ang opening ceremonies ng liga ng basketball sa KBS, na kinabibilangan ng media and tv talent teams. Ang palarong ito ay lumalayon sa magandang sense of sportmanship among entertainment players at sa pagpapanatili ng magandang samahan ng mga taga-KBS. Ilan sa mga plyars ng Radio Talents Team sina Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, Lito Legaspi, Eddie Gutierrez, Bert Leroy Jr, Pepot at ang kanilang muse ay si Vilma Santos. Sa mga larawan, mapapasayon ang magandang kahulugan ng cooperation and camaraderie ng mga artista at kanilang kasamahan through the number one sport in the Philippines – basketball. – Ric S. Aquino, Pilipino Reporter Magazine, 1973

Superstar na si Vi – Tulad ng dati, humble pa sin si Vilma Santos. Hindi pa rin niya na maamin na siya’y isa nang superstar. Sa katunayan kapag sinasabi mo sa kanyang sikat na sikat na siya ay iiling lamang si Vi at magalang na magwiwikang “hindi ho naman.” Talagang superstar na si Vilma Santos pagkatapos patunayang ng kanyang mga pelikulang “Lipad, Darna, Lipad” at “Dyesebel.” Biruin ninyo, nang itanghal ang “Lipad, Darna, Lipad” ay kasabay ng pelikula nina Joseph Estrada at Nora Aunor subali’t mahigpit na nakipagtunggali ang nasabing pelikula. Sa nakaraang Pista Ng Pelikulang Tagalog, ang pelikula ni Vilma na “Dyesebel” ay sumunod naman sa lakas ng kita sa pelikula nina Fernando Poe Jr at Joseph Estrada. Iyan ay pagpapatunay lamang na superstar na si Vilma Santos. Napakaraming pelikulang gagampanan ngayon si Vilma Santos. Isa na sa ginagawa niya ngayon ay ang “Anak Ng Asuwang” para sa Roma Films. Sa pelikulang ito na pinamamahalaan ni Romy Susara, si Vilma ay gumaganap bilang anak ni Gloria Romero. Hindi batid ni Vi na ang kanyang ina ay isang vampira at asuwang. Kaya lamang niya natuklasan ang katotohanan ay nang mapatay ng mga tao ang kanyang ina datapuwa’t matapos iyong mailibing at masaksihan ng kanyang mga mata ay muli niyang nakita na kanyang ina na buhay na buhay. Iyon pala, kampon ng dilim ang inaakala niyang patay na ina… – Amelia Arcega, Movie Queen Magazine, 1973

Recording Superstar – Basta’t araw ng Huwebes, makakaasa kayong nasa Cinema Audio si Vilma Santos at nagsasaplaka ng kanyang pinakabagong awitin para sa Vicor. Ito ang araw na inilalalaan niya sa recording upang sa gayon ay mapabilis ang pagtatapos ng kanyang unang plakang LP para sa Vicor, ang “Sing Vilma Sing.” Ilnag mga awiting na lamang ang dapat niyang maisaplaka. Natutuwa naman si Vilma sapagka’t halos karamihan sa kanyang mga inaawit ay katugon ng kanyang panlasa. “Mahusay talagang pumili ng mga selections si Kuya Orly. Alam niya ang mga kantang babagay sa akin at iyong mga hindi.” Isa lamang sa mga selection na kinalugdan ni Vilma ay ang “Tweedle Dee.” “Okay sa aking ito sapagka’t mabilis at madaling tandaan. Isa pa paborito ko na ang awiting ito kahit noon pa man.” Kung hindi nagre-recording si Vilma, lubha siyang abala sa kanyang mga assignments sa pelikula. Marami siyang alok na tinatanggap at masusu niyang pinag-aaralan kung alin ang dapat tanggapin. Malapit ng matapos ang “Wonder Vi” at “Anak ng Aswang.” Isusunod na niya ang pelikulang pagtatambalan nila ni Meng Fei. Anupa’t mapa-recording at mapa-pelikula, mawiwikang superstar ngang talaga si Vilma Santos. – Movie Queen Magazine, 1973

Ang Hirap Ni Vi sa Anak ng Asuwang – Nang ginagawa ni Vilma ang Lipad, Darna, Lipad sinasabi niyang marahil iyon na ang pinakamahirap at challenging pic niyang nagawa. Kasi, dito’y nabilad siya ng husto sa init ng araw. Nalubog pa sa putik. Alam naman ninyo ang balat ng top superstar…manipis, maputi at sensitive. Tinubuan siya tuloy ng skin rashes. Sa Lipad, muntik na rin magkaroon ng nervous collapse si Vi. Dahil sa pakikipaglaban niya sa maliit na sawa. Heaven knows na gaano na lang ang takot ni Vi sa tulad nito and other slimy, crawling things. And so, akala nga ni Vi ay ang Lipad na ang pinakamahirap niyang pic na nagawa. But she was wrong. Pagkat, sa Dyesebel ay lalong hirap ang inabot niya. Nabilad siya rito sa init ng araw, nababad pa siya nang todo sa tubig. Ang God! ang difficulties niya sa paglipat-lipat sa sets. Paano siya makakakilos e, naka-buntot siya? At matatandaan pa ba ninyo na ilang ulit na naospital ang top superstar pagka’t nanganib na mapulmonya? Kaya minsan pa’y nasabi ni Vi na ang Dyesebel na ang pinakamahirap na pic niyang nagawa. Nguni’t sa paggawa niya ng Anak ng Asuwang para sa Roma Films, tambak na hirap na naman ang inabot niya. Masasabi ninyong hindi naman gaano marahil. Pagka’t dito’y hindi naman naka-costume ang superstar di tulad sa Lipad at Dyesebel. – Cleo Cruz, Bulaklak Magazine, 1973

Atoy Co – “…Ito nga pala ang regalo ng mama ko noong pasko, ang ganda, ano?” ang pagmamalaki ni Vi, pointing to a colored tv set. She switched on sa isang basketball game, Crispa versus U Tex. “Ay sayang, hindi n’yo makikita ang kulay, hidndi colored ito.” “Huwag mo nang baguhin, diyan na lang, may laro ang idolo mo, so Ko (meaning Atoy Co, the highest pointer ngayon ng Crispa). Bakit mo ba favorite iyon? Hindi naman pogi,” biro ni Bobot. “Kasi ako, gusto kong player si Papa.” “Sa papa mo ikaw, sa papa ko ako, ang papa ko? Lasing na!” at humalakhak si Vi, in the mood siyang magbiro, at ginawa ngang comedy ang isa niyang commercial. “Pero kidding aside, talagang idolo ko si Co. O ayan, tingnan mo how swift he moves…hay, su-shoot…shoot!” sigaw si Vi at tulad ng inaasahan, nai-shoot nga ang bola. Palakpak si Vi, umiiling si Bobot. “Belat, daig si Papa!” “Bot, sabi ni Vi, pabor daw siya sa early marriage. E, di pagdating niya ng twenty, ikakasal na kayo?” bulong namin kay Bot. “Ha? Aba…” tingin si Edgar kay Vi. “A, hindi pa yata. Hindi ba Edgar?” matagal na nakatitig si kay Bobot. “Ano? A…oo!” “Ang daya n’yong dalawa. Vi hayaan mong si Bobot na lang ang sumagot. Nagsi-secret pa kasi kayo,” kantyaw namin. “Hindi…malabo pa…hindi pa kami handa,” malinaw ang sagot ni Bobot. “O, kita n’yo. Sabi nang hindi pa. Si Bobot na ang sumagot niyan ha.” At dinilaan kami ni Vi. “Naku, teka, hayan, hayan si Edgar sa tv…” and she sank into a loud ringing of laughter. Itinuro niya ang isang four feet na matabang mama, hardly seen sa hard court where six-footers tower. “Ang daya mo,” kunwari ay babatuhin ni Edgar ng throw pillow si Vi pero hindi n’ya itinuloy. “E, ikaw, ikaw iyan,” sabay turo sa janitor na nagmo-mop ng hard court. “Belat, tagalinis Ka!” “Ulitin mo nga?” kunwari ay magju-judo si Vi. “Wala, panalo ka na!” sabay tawa ni Bobot…” – Baby K. Jimenez, Bulaklak Magazine, 05 February 1973

Gigantic Happening – “…While showbiz is agog sa big news na ito, mukhang another equally gigantic happening ay nasa planning stage. The King himself, FPJ, ay makakasama naman ng sweet na si Baby Vi, Vilma Santos. So may Guy si Erap pero si Ronnie may Vi. Aba, sapak rin. Ano, mas mabigat ba? No huwag natin silang i-compare. Dahil hindi naman sila talu-talo. As far as some scribes are concerned, Nora and Vi have kissed and made-up. Ngayon, kung may kaunti pang samaan ng loob na namamagitan sa kanila, despite publicities and printed materials na nagbati na sila, that is for the two to decide. Whereas kind Ronnie at Erap, alam natin ang real score…para silang magkapatid, parang nag-blood compact. Ilang taon nang tested ang friendship nila. Come hell or hi-water, nadoon pa rin ang dalawang chokaran, together they stand, divided they fall. So, marmi ngang nagulat nang napadalaw si Ronnie sa shooting ni Vilma. More than once. At ang malimit na biro ni Ron, malapit silang magkasama sa isang super-production. Noon ngang unang dalaw ni Ronnie sa set ni Vi, ang biniro niya ay sina Jay Ilagan at Edgar Mortiz who happened to be her leading men sa ginagawang pelikula. At ang bulong ni Ron kay Vi, “Huwag mo na ngang pansinin ang dalawang iyan. Marami naman silang chicks.” Kaya nga the loudest whisper ay ito, although it isn’t on the record yet. May kasunduan ang TIIP at FPJ. Na malamang, makasama si Ronnie sa war picture ng TIIP where he co-stars with Jay, Edgar and some young stars. Na matapos ito, sina Jay naman ang gagawa sa FPJ. Though maliwanag na malapit na ring magsama sina Ronnie at Vilma, malakas rin ang posibilidad na mag-change partners sina Joseph at FPJ…” – Bee Kay Jay, Bulaklak Magazine No.66, 05 February 1973

Na-perfect Na Role – “…Ang madalas magpaangat sa pelikula ay ang acting cast. Dahil mas malaman ang kanyang papel at tila naperfect na ni Vilma Santos and agony ng other woman mas nangibabaw ang kanyang performance kay Hilda Koronel. Kahit na mas marami ang nagsasabing si Hilda ang mas angat dito. Pasulpot-sulpot ang papel ni Hilda at may kahinaan ang motibasyon (isipin mong siya pa ang nagtulak sa sariling asawa sa ibang babae!). Medyo nakaka-distract ang kanilang mga kasuotan (mga gawa ni Christian Espiritu), gaya rin ng ayos ng mga bahay at kasangkapang tila nakikipagkumpetensiya sa tauhan. Epektibo rin ang pagganap ni Dindo Fernando bilang Louie na nakati ang puso para sa dalawang babae. Magagaling din ang supporting cast, lalo na si Suzzanne Gonzales, ang yayang sosyal at ang batang si Alvin Joseph Enriquez. Kahit maikli ang kanilang papel, mahusay rin ang rehistro nina Tommy Abuel, ang doktor na nanliligaw kay Vilma, at si Chanda Romero, bilang matalik na kabibigan ni Vilma…” – Justino Dormiendo, Manunuri Ng Pelikulang Pilipino, Jingle Extra Hot Magazine 1982

Demanding Movie – “…Sang ayon agad si Doods sa sinabi ni Vi na mas demanding ang pelikulang Palimos ng Pagibig kaysa sa Romansa. “Noon kasi, parang bakasyon lang kami noon sa States, tapos, ayun nga kasabay ang paggawa namin ng pelikula,” pagkukuwento niya. “Kapag naisipan naming doon mag-shooting sa gano’ng scenic spot, di pupunta kami roon at doon masu-shooting for that day. Para bang laro-laro lang noon. We played the role of Filipinos na nagkakilala sa Amerika, noong una’y nagka-asaran, and later on, nagkagustuhan. Noong una, napagkamalan pa nga siya akong Iranian doon sa movie. Ibang-iba ang Palimos ng Pagibig dahil tungkol talaga ito sa mabigat na problemang hinarap ng isang mag-sawas. The situation are entirely different and much more challenging. But with Eddie Garcia directing us, palagay ko naman we did justice to out respective roles.” Ayon kay Vi, hindi lamang daw sa acting nag-improve si Doods kundi pati na rin sa iba pang aspect ng personality nito. “For instance,” sabi niya “IN the way he deals na lang with the press, Dati-rati, napagkakamalan siyang aloof sa press, na suplado raw niya kaya lagi siyang tinitira. Ngayon, he is more relaxed with writers and reporters. Naging kabiruan ng nga niya ang marami sa kanila. Nagugulat nga ako dahil akala ko, hindi pa niya kakilala ang isang reporter tapos nag-uusap na silang para bang they’re like old friends, nag-improve talaga ang PR niya…” – Mario E. Bautista, Movie Flash Magazine, 16 May 1986

Big Prep for Big Budget Darna – “…Kabilang sa mga napagusapan sa pulong ay ang tungkol sa costumes na isusuot ni Vi bilang Darna at ang cotumes na isusuot ng mga makakasagupa niya: ang Babaing Lawin, ang Babaing Impakta, at si Valentina. Ibig kasi nila na ang pagkakayari ng mga costumes ng ma ito’y maging makatutohanan. Na pag isinuot ng tatlong villains ay talagang lilitaw ang kanilang kasamaan at kakilakilabot na mga anyo. Tulad ng mga pakpak ng Babaeng Lawing. Gusto nila’y lumitaw itong animo mga tutuong pakpak na tumubo sa likod ng gumaganap na babaeng lawin. Pinag-aralan din nilang mabuti kung paano magagawang natural ang pagkampay nito. Sa ganang costumes ng Babaing Impakta at ni Valentina, hindi rin sila titigil haggang maging realistic ang mga ito. Na pag nakita ng manonood, tutoo silang hahanga and at the same time horribly fascinated. Ang higit nilang pinagtuunan ng pansin ay ang Darna costume ni Vi. Ang alam na naman natin ang screen image ni Vi. Maging sa tunay na buhay ay very sweet siya t unthinkable na magsusuot siya ng anumang daring suit. Ang precisely, hindi ba’t ang original Darna costume ay delightfully daring? Pero, this will run contrast nga sa image ni Vi. Sabagay, nagawan na nila ng konting innovations ang original design ng costume. Gayon man, pilit pa rin silang naghahanap ng remedyo para huwag naman masira ang image ni Darna. Na kung mamasda’y reservoir ng superhuman strength. Pero at the same time nama’y may aura rin ng maganda at graceful femininity. “Tapos, bagama’t alam na nila kung saan-saan ang locations na gagamitin para maging tumpak na tumpak sa istorya ng Lipad, Darna Lipad nagpalabas ng scouts para maghanap ng more suitable locations, kung mayroon pa silang makikita. marmi kasing eksena sa Lipad, Darna Lipad that calls for eerie atmosphere, although marami rin namang nagsasaad ng masyang atmosphere. Ang isa pang mahalagang bagay na pinagpulungan nila ay ang tungkol sa mga camera tricks na marami sa naturang pic. Ayaw nila kasing lumabas na corny ang mga ito at halatang artipisyal…” – Cleo Cruz, Bulaklak Magazine No. 66, 5 February 1973

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.