FILM REVIEW: SAAN NAGTATAGO ANG PAGIBIG


The Plot: Stella got pregnant by boyfriend Rick. Unfortunately, Rick is not willing to gamble on his inheritance. He is tied up with a promise to his super snotty, super rich old grandmother that he have to finish law school before he can get any money. In order to avoid scandal Stella agreed to be married to Rick’s retarded brother, Val. Together with his adopted family Stella learned to love the retarded Val and at the same time discovered that Val is a product of infidelity that cause the suicide of Rick and Val’s father. Unfortunately Stella’s new found love ended when Val accidentally fell from a window when he had a fight with his irrational brother one night. – RV (READ MORE)

The Reviews: Nang malaman ni Stella na buntis siya ay pinilit niyang managot ang kasintahan nitong si Rick, isang law student na tagapagmana na ariarian ng kanyang matapobreng lola. Dahil sa panakot na mag-i-iskandalo’y ipinakasal nila si Stella sa kapatid ni Rick na retarded upang hindi mawala ang mana nito at kasabay ay maiwasan ang kahihiyan ni Stella na mabuntis ng walang asawa at ama ang kanyang dinadalang bata. Kasabay ng pagbubuntis ni Stella ay natutunan nitong mahalin ang retarded na si Val. Kasabay rin nito’y natuklasan ni Stella na si Val ay anak sa labas ng kanilang ina at ito’y hindi sinilang na kulang-kulang. Dahil sa kalupitan ng matapobreng lola ng mga bata’y nahulog ito sa hagdanan ng pagbintangan si Val ng matandang nagnanakaw ng pera. Nahulog ang batang si Val habang pinapalo ito ng kanyang ina. Isang gabi’y nagwala si Val nang Makita nitong nakikipagtalo si Stella kay Rick. Sinunggaban ni Val si Rick at nagaway sila. Ang naging resulta ng pag-aaway na ito’y aksidenteng nahulog sa balkonahe ang kaawa-awang si Val.

Namatay ito at sa araw ng libing ay dumating ang matapobreng matanda para ibigay ang abuloy nito kay Stella. Isinauli ni Stella ang tseke sa matanda at ipinahayag na si Val ang ginawa nilang ama ng kanyang anak pero ang tutoo’y dahil sa takot na mawalan ng mana’y ito ang pinaako ng responsibilidad ni Rick. Galit na umalis ang matanda at tuluyang naglaho ang mana ni Rick. Nagdesisyon na iwan ni Stella ang bahay kasama ng kanyang anak. Mula sa direksiyon ni Eddie Garcia, ang Saan Nagtatago Ang Pag-ibig ay hango sa komiks. Bagama’t mahahalatang puro isang dimensiyon lamang ang halos lahat na karakter ng pelikula’y mahusay naman naihayag ni Direktor Eddie ang komiks na komiks na istorya nito. Bakit kailangang maging binata si Rick habang nagaaral ito ng abogasya? Bakit napakahalaga ito sa matapobreng si Alicia Vergel? Bakit may nakatakip ang isa sa mata ng matanda na parang bandido? Sa ubod ng yaman ng matanda hindi ba puedeng maglagay ng pekeng mata kesa sa bendang itim? Bagamat nakakatawa ang obserbasyon na ito’y dahil sa bisyuwal na kaanyuan ng matapobreng matanda kung kaya naman epektibong makikita ang pagiging kontrabida nito.

Tulad ng “Paano Ba Ang Mangarap,” merong ‘dream sequence” ang pelikula kung saan kunwari’y hinuhusgahan si Val na isang baliw. Kung puputulin ang eksenang ito’y hindi magiging sagabal sa paglalahad ng buong istorya ni Gilda Olvidado. Mula sa lumang bahay hanggang sa eksena sa libingan ay mahusay ang sinematograpiya ni Romy Vitug at disenyong pangproduksiyon ni Manny Morpe. Mahusay ang mga katulong na artista mula kay Cherrie Gil, Alicia Alonzo at Alicia Vergel. Mahusay rin si Ricky Davao bilang Rick at Gloria Romero bilang ina ni Rick at Val. Ngunit ang pelikulang ito’y tungkol kay Val at bilang si Val ay nabigyan ng mahusay na pagganap ni Tonton Gutierrez ang papel na sinto sinto mula sa pagsasalita na utal utal haggang sa pisikal na mukha at pa-ika-ikang paglalakad. Tulad ng inaasahan, mahusay si Vilma bilang si Stella. At tulad ng maraming pelikulang ginawa niya sa ilalim ng Viva at sa direksiyon ni Eddie Garcia ay merong linya o dayalogo siya na hindi malilimutan, ito ay nang bigkasin niya ang linyang, “…si Val, si val na wala naman malay…” na magpahanggang ngayon ay natanim sa mga Pilipino na mahihilig sa pelikulang tagalog. – RV (READ MORE)

“…Viva Films produced a movie adaptation of this story in 1987 that starred Vilma Santos as Stella, Ricky Davao as Rick and Tonton Gutierrez as Val. The movie received five citations in the 36th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences including Best Picture, Best Director for Eddie Garcia, and Best Story for Gilda Olvidado. This line from the movie: “Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!”, delivered by Vilma Santos is claimed to be one of the most memorable lines in Philippine Cinema in the June 11 episode of QTV’s “Ang Pinaka”, hosted by Pia Guanio…” – Wikipilipinas (READ MORE)

Advertisements