I set my alarm at 3am. I’ve read in the papers that San Sebastian Cathedral in Lipa City will be celebrating its 400 Anniversary on April 30. The concelebrated mass is at 10am, so I made plans with Cesar, a fellow Vilmanian, to meet at the bus station at 5am. We have to get out of Manila before 6am, so that we can get to Lipa at least an hour before the mass starts. Dapat maaga para maganda ang lugar naming sa simbahan! Cesar, for a change was early, I was late. Anyways, we left the bus station at 6am and arrived at Lipa at 8:30am. Ang aga naming, ano? We decided to take breakfast first, but while walking for the food chain, a black van stopped beside us. Niloko ko pa si Cesar, “Andito na pala si Ate Vi” pointing at the van, dahil kamukha ng van ni ate Vi. Pero matalas ang mata ni Cesar. Nakita at nakilala niya ang driver ng van si Fermin! Si Fermin nga na driver ni ate Vi for the longest time! Bumukas ang pinto sa harap at bumaba ang isa sa mga security escort ni ate Vi, na si Piolo (kamukha kasi siya ni Piolo), tapos ang isang pinto naman ang bumukas at bumaba si ate Emelyn kasunod si ate Vi! Caught unguarded!
Ang dalawang camera na dala ko parehong nasa bag ko pa! Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko ang tignan ng walang sawa ang ganda ni ate Vi at batiin siya o ang kunin ang camera sa bag ko at umpisahan na ang pagkuha ng pictures? I must admit, I’ve seen her several times, pero kahit ilan beses ko siyang makita, palagi pa rin akong natutulala! Syempre naman, nasa harap ko yata ang “best actress and most important actress of the country!” At isang future national artist at Ramon Magsaysay awardee, ayon naman kay garmar! After several minutes, I finally got my camera out of my bag. Nagtig-isa kami ng hawak na camera ni Cesar and we started clicking. Ang ganda talaga ni ate Vi, lalo na sa suot niyang Filipina dress na gawa ng kanyang favorite na si JC Buendia. Very tasteful and elegant din ang suot niyang jewelry, south sea pearl earring and pearl choker. Very feminine din ang bulaklak sa buhok niya. She positioned herself, together with Mr. Danny Dolor and other Lipa bigwigs sa may pintuan ng simbahan to greet the visitors.
The Concelebrated Mass started exactly at 10am. Si Lipa Archibishop Ramon Arguelles ang main celebrant together with 5 bishops and more than 30 priests of the province. Si Cardinal Vidal of Cebu sana ang magdeliver ng homily, pero dahil hindi pa siya nakabalik mula sa Rome, si Arch. Arguelles na rin ang nagbigay ng homily. (A little trivia lang, si Cardinal Vidal ay dating Archibishop ng Lipa; ang pumalit kay Cardinal Sin as Archbishop of Manila na si Arch. Rosales ay galing din sa Lipa). The mass is celebrated in Latin – lahat pati ang mga dasal at kanta. Sana andoon si Fr. J para mag-translate. The mass was over at 11:30 at nagkaroon ng konting picture taking with ate Vi, Lipa City officials, Arch. Arguelles and the other celebrants. Filipiniana ang motif ng okasyon at talaga namang nakuha ni ate Vi ang cooperation ng mga taga Lipa. They really came with the best filipiniana attire! Kahit pa nga super init sa loob ng simbahan dahil sa dami ng tao, talaga namang naka saya sila at terno! Napakagandang tignan lalo na iyong mga matatanda na, na halos ay inaakay na pero umattend pa rin sa misa at naka filipiniana rin.
Siguro mga 90% ng dumalo ang naka filipiniana. Sa offertory, ang nag-offer ay tatlong nakasakay sa hammock – isang bata, isang teen-ager, isang magulang at isang matandang lola – to signify the four centuries of the cathedral. Syanga pala, ang tawag ni Arch. Arguelles kay ate Vi ay “Mayor Ate Vi.” Nagulat kami ni Cesar dahil akala naming sanay na ang mga taga-Lipa na makita si Ate Vi, pero talaga namang pinagkaguluhan pa rin siya! This will explain kung bakit ang ibang pictures na kuha ko ay out of focus o kaya naman ay may ulo na nakuhanan. Meron ngang isang lola na talagang gusto niyang magpakuha ng picture kay ate Vi kaya lang wala naman siyang dalang camera. I ended up taking their picture. Sa maigsing pakikipagusap naming kay ate Vi, nabanggit niya na hindi siya makaka-attend sa Cannes dahil papunta siya ng China for a convention together with Sen. Ralph, VP Noli de Castro and other Senators. Nasabi rin niya na may tatlong shooting days pa siya for MMK, hindi lang niya binanggit kung saan ang location.
Very apologetic siya dahil hindi raw niya kami nakausap ng matagal, ang dami kasi ng tao at talagang pinagkakaguluhan na siya. Anyways, sapat na sa amin ang sandaling pakikiharap niya sa amin at ang makita naming kung gaano pa rin siya kamahal ng mga taga-Lipa at maging ng mga pari ng Batangas. Sa bus pabalik ng Manila, napag-usapan naming ni Cesar na hindi naming akalain na magiging Mayor si Ate Vi. Sabi nga si Cesar, tinawag siya para sa trabahong ito at hindi niya pinili. Malay natin baka ilan panahon pa aa Malacanang na ako nakikipagsiksikan at kumukuha ng litrato. – Eric Nadurata, V Magazine, April – May 2005 (READ MORE)
You must be logged in to post a comment.