Fernado Military Air Base Honoured Mayor Vi

This slideshow requires JavaScript.

Dapat sana ay nung last Wednesday, January 17, 2007 kami pumunta ng Lipa City para sa “courtesy call” ng dalawang Vilmanian balikbayan na sina Franco Gabriel at Marilen Handley kay Mayor Vi subali’ t nagpasabi si Mayor Vi na meron siyang urgent na pupuntahan at sinabi nya na kinabukasan, January 18, 2007, Thursday na lang daw kami pumunta dun (may tribute kasi kay Mayor Vi ang kanyang mga barangay captains sa gabi) pero hindi naman pwede sina Franco at Marilen dahil may mga lakad din sila. So kahapon ang final date na napagkasunduang pupunta ng Lipa City. At tamang tama naman dahil sa araw na ito ay may Military Honor para kay Mayor Vi. Maaga ang call time dahil 10AM yata ang oras ng parangal kay Mayor Vi kaya alas sais pa lang ng umaga ay andun na kami ni June Sison sa Ortigas McDo fronting Meralco Building, Pasig City. At habang hinihintay namin ang van na sasakyan namin, na galing ng Broadway Centrum, Quezon City ay kumain muna kami ni June ng breakfast.

A little bit past seven ay dumating na ang aming hinihintay na van at guess kung sinu-sino ang mga sakay ng van? Well, andun lang naman bukod kay Jojo Lim sina Marilen Handley, Cesar Santiago, Noel de Guzman at Nar Santander. Batian at kwentuhan habang tumatakbo ang sasakyan at dadaanan pala namin si Liam Tayag sa harap ng kanyang condo unit kaya may nagbiro ng “i-ready nyo na ang inyong eardrum” dahil malapit na tayo sa duchees of Valle Verde (joke lang Liam…luv you!). Si Franco naman ay dumeretso na ng Lipa City. Si Eric Nadurata naman ay hindi nakasama dahil paalis sya ng alas otso ng gabi para sa isang official trip sa Anaheim near Los Angeles, California. BON VOYAGE ERIC!!! At totoo ka…dahil umaatikabong kwentuhan at kodakan ang nangyari sa loob ng van lalo pa at andyan si Liam na as usual ay palaging buhay na buhay sa kanyang mga kwento (may ganung factor?). Dumaan muna ang grupo sa Hen Lin (Sucat Branch yata yun) dahil magpapa-breakfast daw si Marilen. Although kumain na kami ng breakfast ni June at hindi namin mapahindian ang invitation ni Marilen…pero siguro naman hindi kami pwedeng i-charge ng “gluttony” dahil light lang naman ang kinain namin sa McDo…charingggggg! (i-justify ba?).

Mga alas diyes na kami nakarating ng Fernando Airbase (dumeretso na kami sa venue dahil malapit na ding dumating si Mayor Vi…as a matter of fact…sabi ni Jojo eh nakasabay namin sa highway ang sasakyan ni Mayor Vi…kasunod ang sasakyan ng kanyang mga bodyguards).  Nakaayos na ang mga balangay ng mga military men sa harap ng opisina…na nakasuot ng fatigue na pantalon at puting t-shirt…at andun na din ang ibang mga bisitang pumunta para saksihan ang naturang parangal.  Sa unahan…ay may dalawang mababang platform…na tutuntungan ni Mayor Vi at ng kumander na si Commander Inserto. Dumating si Mayor Vi na ang suot ay itim na pantalon at beige na blouse na may blazer na beige din ang kulay. Nakasuot sya ng shades at may military medal na kulay berde ang strap. Regal na regal ang dating pati ang kanyang paglakad papunta sa platform. Nang nasa platform na si Mayor Vi at si Commander Inserto ay humanda na ang mga military men para sa pagparada ni Mayor Vi sa kanilang harapan.  Sa totoo lang, ang daming naging “emotional” habang naglalakad si Mayor Vi at si Commander Inserto sa harap ng mga military men na sinabayan ng tugtog ng banda. As a matter of fact, hindi ko namamalayan na naging misty eyed na pala ako (ang drama ko ano?) at si Marilen naman ay tumulo na ang luha dahil nagpupunas na sya ng panyo.

Pagkatapos magparada si Mayor Vi at Commander Inserto ay bumalik na ulit sila sa platform. Bumulong naman si Commander Inserto kay Mayor Vi kung meron pa syang sasabihin sa mga military at agad nyang tinawag ang namumuno sa balangay. Sinabi ni Mayor Vi ang kanyang PASASALAMAT sa lahat ng mga military men…..so isinigaw nung namumuno ang sinabi ni Mayor Vi. By the way, andun si Mario Dumaual ng TV Patrol Channel 2 at si Lhar Santiago ng 24 Oras Channel 7.   Meron ding mga press photographers…..at kasamang kumukuha ng mga pictures of course…..si Liam. May video pa nga sya nang pumaparada si Mayor Vi at si Commander Inserto. Matapos ang military honor ay pumasok na sa loob ng Hautea Room si Mayor Vi at ang mga press photographers, Mario at Lhar. In-interview si Mayor Vi nina Mario at Lhar. Tinanong sya tungkol sa kung ano talaga ang tatakbuhan: governor, congresswoman or senator. Sinabi ni Mayor Vi na desidido daw si Ricky Recto na tumakbong governor at ayaw daw naman nya ang RECTO vs. RECTO. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?  Aayusin daw muna nila ang gusot sa pagitan ng kanilang pamilya bago sya tumakbong governor. Kung governor ang tatabuhan nya ay medyo “tiring” daw yun pero nag-suggest yata si Senator Ralph na magkaroon ng deputy governor sa bawa’ t distrito ng Batangas at yun na lang ang magre-report sa governor (if ever). Kung congresswoman naman ay isang distrito lang ang hawak nya. Sinabi naman ni Mario na si Edu Manzano ay tatakbong senator at kaprtido ni Senator Ralph….so ang sagot ni Mayor Vi ay…..eh di parehong iboto. Tapos tinanong din sya kung may posibilidad na tumakbo syang senador…at ang sagot nya ay…naku baka magka roon ng “tr iang le” sa senado…hahahaha…pero definitely raw ay hindi sya tatakbong senador…si Senator Ralph na lang daw…Matapos ang interbyuhan ay tinawag naman si Mayor Vi ni Commander Inserto para sa isang “briefing” at makasama na din ang mga military men. At habang hinihintay namin si Mayor Vi…ay kumain muna kami ng handang pagkain…suman (dalawang klase, ang isa ay tinatawag na “sumang dapa”, yung may latik at parang matamis na bao), pakwan, saging lakatan at puto.

Nagdesisyon na kaming grupo (together with Dra. Ellen Villanueva at Ayleen ng Love Lipa Foundation) na pumunta na sa Golden Coco Restaurant at dun na lang namin hihintayin sina Mayor Vi.  Maswerte din talaga ang naging military honor para kay Mayor Vi dahil during the ceremony at kulimlim lang ang walang init ng araw…pero nung matapos ang seremonyas ay umambon ng malakas (ambon lang ha). Very cozy naman ang Golden Coco Restaurant na pag-aari pala ng nakakatandang kapatid ni Mayor Vi na si AteEmilyn.  Sa loob ng resto ay meron isang malaking frame na makikita ang aerial view ng Lipa City…meron din dingding na salamin…na may mga lumilipad na iba’ t ibang klaseng maliliit na ibon (parang mga love birds).  At wag isnabin ang mga pagkain alagang napakasasarap.  Katulad ng inorder namin. May hamburger, clubhouse, Kabayan meals (inihaw na baboy with manggang hilaw, kilawing tanige, inihaw na tilapia, kanin at ginataang hipon), inihaw na pusit, sisig na baboy at sisig na bangus…na dahil sa sobrang anghang ay tumulo ay taba (pawis) nina Jojo at Franco.  Meron pang iba’ t ibang klaseng fruit shake at “dessert” na buco salad. Talaga namang nabondat kami ng husto. Sina Mayor Vi naman ay sa mezzanine kumain ng tanghalian….at matapos kumain ay hinarap na kami. Ang dami dami naming napagkwentuhan. Nagkodakan. Nag-beso beso. Nabanggit pala ni Mayor Vi na binabasa nya yung librong ibinigay ni Jeannie Wong (how to climb a mountain) at ito daw ay sinusunod nya…well congrats Jeannie…talagang gustong gusto ni Mayor Vi yung librong ibinigay mo. Ibinulong ko naman kay Mayor Vi ang pangungumusta nina Josie Cohen Eugenio, Julie Haglund, Father Juancho de Leon at Master Joey Cruz. May isang anekdota si Mayor Vi na ikinuwento sa amin (although naikuwento na din ito ni Mama Santos) na nun palang binigyan sya ng tribute ng simbahan….nagkaroon ng misa at nung nangungumunyon na sya…si Archbishop Arguelles ang nagbibigay ng kumunyon…ay imbes na KATAWAN NI KRISTO ang sabihin…ang sinabi raw ay…sagutin mo na kami Ate Vi (meaning yung mga clamor ng simbahan at ng mga tao na tumakbong governor ay umoo na sya). Sabi naman ni Mayor Vi ay talaga raw mahirap magdesisyon dahil sya talaga ang nilalapitan ng mga tao at hindi mo basta sasagutin ng “NO” (kumbaga andun yung tiwala nila sa kanya) at talagang mahirap nang kumawala sa ganyang sitwasyon, di ba Father J? Nagtanong naman si Franco kung totoong pupunta sya ng New York para mag-shooting ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz…..at ang sagot nya ay titingnan pa raw nya (sana nga ay matuloy na ito).

Binulungan naman sya ng kanyang bodyguard at sinabing may mga meeting pang naghihintay sa city hall kaya nagpaalam na din sya sa amin at sinabing….magme-mayor muna ako ha….. Maaga kaming umuwi ng Manila….dumaan muna kami sa condo unit ni Liam….at pagkatapos ay sa SM Megamall na kami nagpahatid nina Marilen, June, Cesar at Noel samantalang sina Jojo, Franco at Nar ay dumeretso na sa Greenhills. Nagyaya muna si Marilen na mag-coffee sa Figaro at dun ay nagkwentuhan na naman kami. At yan ang aming naging karanasan kahapon sa Military honor sa Fernando Airbase para kay Mayor Vi. Abangan na lang ninyo ang ALAM NYO BA? part 32 bukas, Friday o sa Sabado. Maraming salamat sa pagtitiyaga!!! – Alfonso Valencia, Photos by Liam Tayag, January 24, 2007 (READ MORE)