Kung May Guy si Erap, May Vilma si Ronnie

Tuloy na tuloy na. Anytime now the cameras will grind. At ang magkakasama ay ang pinanabikan ng lahat sina Erap at Guy. Yes si Mayor Joseph Estrada at si darling bulilit Nora Aunor. Together, tiyak na theyèll be a riot twosome sa pelikulang Erap is My Guy. Sa titulo na lang, click na. And for sure, pipilahan ito. Just right for the new pair. No hindi sila love team. More of Magka-sidekick.

While showbiz is agog sa big news na ito, mukhang another equally gigantic happening ay nasa planning stage. The King himself, FPJ, ay makakasama naman ng sweet na si Baby Vi, Vilma Santos. So may Guy si Erap pero si Ronnie may Vi. Aba, sapak rin. Ano, mas mabigat ba? No huwag natin silang i-compare. Dahil hindi naman sila talu-talo. As far as some scribes are concerned, Nora and Vi have kissed and made-up.

Ngayon, kung may kaunti pang samaan ng loob na namamagitan sa kanila, despite publicities and printed materials na nagbati na sila, that is for the two to decide. Whereas kind Ronnie at Erap, alam natin ang real score…para silang magkapatid, parang nag-blood compact. Ilang taon nang tested ang friendship nila. Come hell or hi-water, nadoon pa rin ang dalawang chokaran, together they stand, divided they fall.

So, marmi ngang nagulat nang napadalaw si Ronnie sa shooting ni Vilma. More than once. At ang malimit na biro ni Ron, malapit silang magkasama sa isang super-production. Noon ngang unang dalaw ni Ronnie sa set ni Vi, ang biniro niya ay sina Jay Ilagan at Edgar Mortiz who happened to be her leading men sa ginagawang pelikula. At ang bulong ni Ron kay Vi, “Huwag mo na ngang pansinin ang dalawang iyan. Marami naman silang chicks.”

Kaya nga the loudest whisper ay ito, although it isn’t on the record yet. May kasunduan ang TIIP at FPJ. Na malamang, makasama si Ronnie sa war picture ng TIIP where he co-stars with Jay, Edgar and some young stars. Na matapos ito, sina Jay naman ang gagawa sa FPJ. Though maliwanag na malapit na ring magsama sina Ronnie at Vilma, malakas rin ang posibilidad na mag-change partners sina Joseph at FPJ.

Chances are matapos ang pelikula nina Erap at Guy, si Guy naman ang gagawa sa FPJ. And Erap’s next target might be Vilma. While patuloy nga ang paglakas pa sa takilya nina Erap at FPJ as the real McCoy superstars, marami rin ang nagtatanong kung darating pa ba raw ang panahon na maabot ng ibang young male stars ang kanilang kinaroroonan. Jay Ilagan in place of FPJ – that is if the latter decides to retire.

Kasi, hindi mo basta mapapalitan ang isang institusyon like FPJ. Para siyang haligi na kahit dumating pa ang lindol o bagyo ay maiiwang nakatindig. Ang who’ll succeed Erap? It could be anyone – like Pip? or Cocoy? Edgar? We can’t think of anyone na hindi bantog sa music world ang puwedeng kandidato. The trouble nga with out young stars ay napakarami nila. Pero kaunti lang ang gusto ng publiko. Kakaunti ang pumapasa.

Mas marami ang mga bumabagsak. At this stage, marami rin ang humuhula: If Erap is paired with Guy and Ronnie with Vilma, then malaki rin ang posibilidad na the following witll emerge: Susan-Jay starrer; and Amalia-Pip flick; at ilang pang combination ng senior at junior superstars. Pero ang maganda nga nito, beautiful ang kanilang samahan. Walang intrigue at no professional jealousy. – Bee Kay Jay, Bulaklak Magazine No.66, 05 February 1973, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)

Advertisements